ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby B...

By ZERYDE_21

39.9K 3K 26

'Gagawin ko ang lahat makabalik lang sa dati kong katawan' - Alexis [COMPLETED] More

AUTHOR's Note
Prologue
๐Ÿ“ŒONE
๐Ÿ“Œ TWO
๐Ÿ“Œ THREE
๐Ÿ“Œ FOUR
๐Ÿ“Œ FIVE
๐Ÿ“Œ SIX
๐Ÿ“Œ SEVEN
๐Ÿ“Œ EIGHT
๐Ÿ“Œ NINE
๐Ÿ“Œ TEN
๐Ÿ“Œ ELEVEN
๐Ÿ“Œ TWELVE
๐Ÿ“Œ THIRTEEN
๐Ÿ“Œ FOURTEEN
๐Ÿ“Œ FIFTEEN
๐Ÿ“Œ SIXTEEN
๐Ÿ“Œ SEVENTEEN
๐Ÿ“Œ EIGHTEEN
๐Ÿ“Œ NINETEEN
๐Ÿ“Œ TWENTY
๐Ÿ“Œ TWENTY-ONE
๐Ÿ“Œ TWENTY-TWO
๐Ÿ“Œ TWENTY-THREE
๐Ÿ“Œ TWENTY-FOUR
๐Ÿ“ŒTWENTY-FIVE
๐Ÿ“ŒTWENTY-SIX
๐Ÿ“ŒTWENTY-SEVEN
๐Ÿ“ŒTWENTY-EIGHT
๐Ÿ“Œ THIRTY
๐Ÿ“ŒTHIRTY-ONE
EPILOGUE
๐Ÿ“Œ SPECIAL CHAPTER

๐Ÿ“ŒTWENTY-NINE

753 79 0
By ZERYDE_21

Allan POV

"Kailangan mong hanapin sa buong palasyo ang sekretong silid. At ako ang bahala kay Vana para guluhin sila." sabi ni Alyssa.

Nakatayo ito sa ulo ni Nicolas at nakapamewang pa..

Kanina pa ako kinukutuban.. Pakiramdam ko may masamang mangyayari, pag pinasok na namin ang palasyo..

'Alang ala sa magulang ko.. Itutuloy ko namin to.'

Binalewala ko muna ang kaba na nararamdaman ko..

"Bakit ako? Tayong dalawa dapat ang maghanap sa kanila." inis na sabi ko.

Ito na naman sya e.. Nagpapakabayani...

"Dahil na sayo ang kalahati ng kapangyarihan ni Ina, mararamdaman mo na kung nasaan sila... Kung tayong dalawa ang hahanap sa kanila baka mahuli nila tayo.. Kailangan isa sa atin ang guguluhin sila.. At ako yun.." sabi nya.

Napabuntong hininga naman ako sa desisyon nya.. Mukhang wala na akong magagawa..

"Oras na inilabas na kita sa bag ko.. Simulan mo na agad ang paghahanap.. At bilisan mo din.." dagdag nya pa. "Tara na umalis na tayo.."


------


Alyssa POV

Pagkalabas namin ni Allan sa bag ko.. Pumunta na ako sa trono ni Vana..

Inilabas ko talaga ang kapangyarihan ko para maramdaman nyang andito ako pagala gala..

Maya maya pa may napansin akong itim na usok sa may pader..

Mabilis akong umiwas ng may makita akong papalapit sa akin at sumabog yun sa kabilang pader..

Nakita kong lumabas ang dalawang babae sa loob nun..

'Vana... Marie'

"Prinsesa Alyssa.." sabi ni Marie. Alam kong nagulat sila nang makita ako..

Kalaunan din ay ngumisi ng pagkatakot takot si Vana..

"Hindi ko akalin na ang anak ni Ilina ay may malakas na kapangyarihan.." sabi nito at napatawa pa.. "Hindi na ako magtataka pa kung paano ka nakalabas sa bundok Regust. Asan pala ang Prinsipe? Kasama mo ba sya bakit hindi ko sya makita?"

"Hindi ko din akalin na ang pangit pala ng kapatid ni Ina. Mas hamak na mas maganda si Ina kesa sa sayo na kulang nalang ay palibutan ka ng maraming bulaklak sa paligid.." nagulat sila nang magsalita ako pero nakabawi din at tumawa..

"Hahaha nakakapagsalita ka pala at kamangha mangha ang taglay mong tapang prinsesa.. Akala ko'y walang kwentang sanggol ka lamang.. Pero mukhang nagkamali yata ako.. Nakuha mo ang nakakainis na ugali ni Ama." - Vana.

"Ganun ba? Mabuti nalang sa dating hari ako nagmana at hindi sayo.. Hahaha" tawa ko kong sabi..

Susugudin nasa ako ni Marie ng pigilan sya ni Vana..

"Hanapin mo ang Prinsipe at patayin.. Ako na ang bahala sa munting prinsesa.." ngumiti ng nakakainis ang Reyna..

Akala mo naman ikinaganda nya.. Napairap nalang ako ng wala sa oras..

"Masusunod po, kamahalan."

Mabilis na nawala si Marie.

'Lagot na!! Sana mahanap agad ni Allan sina Ina bago pa sya makita ni Marie.'

---

Narrator POV

"Bakit mukhang kinakabahan ka yata, mahal kong Prinsesa?" - Vana.

"Naiwan kasi ako sa pangit.. Natatakot ako na baka hawaan nya ako ng kapangitan nya." sabi ni Alyssa..

Makikita sa mukha ni Reyna Vana ang pagkakaroon ng inis..

"Hahaha.. Pinapasaya mo talaga ako Prinsesa.. Bakit hindi ka nalang sumama sa akin? Pagharian natin ang iba pang kaharian.. Hayaan mo na ang magulang mong magluksa sa hirap at mamatay.. Gagawin kitang kanang kamay ko.." - Vana.

"Talaga? Parang ang ganda ng plano mong yan." kunwaring namamangha na sabi Alyssa habang humahawak sa magkabilang pisngin nito..

Nakangiting tumango ang Reyna sa kanya..

"Kaso....." naglungkot lungkutan si Alyssa sabay ngisi ng nakakaloko.. "Ayoko sa mga pangit na kagaya mo... Wind Storm."

Pagkasabi ni Alyssa nun ay mabilis syang lumayo kay Reyna Vana..

Hinawi lang ni Reyna Vana ang ginawang atake ni Alyssa.

Malawak ang pasilyo kaya medyo makakagalaw sila..

"Hahahah... Sa tingin mo ba tatalab pa sa akin yan? Mali ka nang kinalaban mo.." - Vana.

Napangiti si Alyssa sa inasta ng Reyna..

"Simpleng tira pa lang yan.." - Alyssa.

"Hahaha.. Wag mo naman akong pasabikin.. Baka maging abo agad ang kaluluwa mo." sabi ni Vana na prente lang na nakatayo..

"Bakit hindi mo subukan?" - Alyssa at ngumiti ng malademonyo..

----

Allan POV

Nang makalabas ako sa bag ni Alyssa.. Mabilis akong kumilos para hanapin sina Ina..

Lumabas ako ng silid dahil di ko sila maramdaman..

Nang makalabas ako, may nakita sinulid na pula sa dibdib ko. Tinitigan ko kung saan ito patungo.. May nagsasabi sakin na sundan ko ito.. Pero natatakot ako.. Baka may makakita sakin..

'Pero na patay ko na naman si Sais at nasa akin din ang kalahating kapangyarihan ni Ina.. Bakit pa ako matatakot?'

Para akong tanga kakaisip, hindi ko namamalayan na patungo na pala ako sa dulo ng sinulid..

Himinto ako sa malaking larawan ng dating hari..

"Dito patungo ang sinulid.. Baka andito sila Ina.."

Dahil sa naisip kong iyon naghanap ako ng maaring pwedeng hilahin o itulak.. Pero wala akong makita..

Inis kung sinipa ang pader at laking gulat ko nang magbukas iyon..

"Sikretong silid.." mahina kong sabi..

Maigi nang maingat, baka may makarinig sakin dito.. Agad naman akong pumasok sa silid..

Madilim dito at tanging liwanag lang ay nasa dulo ng silid..

Dahan dahan akong pumunta patungo dun at napatakbo ng may makita ko ang dalawang taong pamilyar na nakahiga sa isang kama..

"Ama, Ina." mangiyak ngiyak kong sabi at nilapitan sila..

Hahawakan ko na sana sila ng may kuryente akong naramdaman.. Kaya tinitigan ko silang mabuti.. May itim na usok ang nakapalibot sa kanila..

"Ano to?"

"Yan ang kapangyarihan ni Kwatro.."

Bigla akong napatingin ng may mag salita sa gilid.. At prenteng nakaupo doon..

"Mang Riko." sabi ko at inihanda ang sarili ko..

"Kamusta prinsipe Allan?" sabi nya at tumingin sakin.. "Wag kang matakot dahil hindi kita sasaktan at wala akong balak na labanan ka."

Napaayos naman ako ng tayu sa sinabi nya..

"Bakit po, Mang Riko?" tanong ko..

"Hahaha.. Ayokong laban ang taong may mabuting puso.." sagot nya. Taka ko naman syang tinignan.

"Bakit po kayo nandito kung ganun?" tanong ko ulit..

"Sinisigurado ko lang ang kaligtasan nina Haring Albert at Reyna Ilina." sagot nya.

"Bakit po?" tanong ko ulit. Natatawa naman syang tumingin sakin "Bakit nyo po ginagawa ito?"

"Kailangan ba may dahilan?" - Mang Riko.

"Gusto ko lang po masagot ang mga 'bakit' sa isip ko." tinitigan muna akong ni Mang Riko at bahagyang natawa.

"Hahaha.. O sige.. Sasagutin ko ang mga gumugulo sa isip mo.." nakangiting sabi nya.. "Sa totoo nyan, gusto ko lang talaga ng payapang buhay.."

"Bakit po kayo naging galamay ni Reyna Vana." tanong ko.

"Dahil na pangakuan nya ako noon na ililigtas ang aking anak sa kanyang sakit." makikita sa mata nya ang lungkot na dinaldala nya.. "Subalit hindi yun nagustuhan ng anak ko nang nalaman nya.. Huli na nung nalaman kong nagpakamatay sya. At walang nagawa si Vana para ibalik sya.. Dahil hawak na ni Dyosa Hileria ang kaluluwa ng anak ko..."

"Bakit hindi pa po kayo umalis sa panig ni Reyna Vana?"

"Wala akong magawa dahil sa numerong ito." sabi nya at ipinakita ang tatto sa kanyang pulsuhan.. Numero Singko.. "Kung aalis ako sa kanilang panig ay tatanggalin nila ang numerong ito na syang magiging dahilan ng kamatayan ko... Gusto ko na sanang sumang-ayon dun upang makasama na ang anak ko.. Pero nagpakita sya sa panaginip ko.. Magiging masaya sya kung matutulungan ko sa isang misyon ang taga pagligtas ng Magical Kingdom.."

"Taga pagligtas? Sino po?"

"Hindi ko sya kilala.. Pero alam ko, sa pamamagitan ng paglitas sa Hari't Reyna ay malaking tulong na para sa kanya." ngumiti si Mang Riko at tumingin sa magulang ko.. "Nahanap ko ang silid na to nung panahon na naglilibot ako sa palasyo.. Kaya naisip kong dito nalang sila itago.. At sa pamamagitan ng kapangyarihan ko ay hindi nila ito mararamdaman.."

"Kung ganon, sa inyo din po nang galing ang pulang sinulid?" tanong ko ulit.

"Hindi sa akin.. Kundi sa Ina mo.. Nakiusap ako na oras na nakapasok ka sa palasyo. Gawan ka nang daan para makita mo sila." nakangiti nito sabi.

"Paano po natin matatanggal ang mahika kila Ina?"

"Isa lang ang kilala kong makakatanggal sa mahika ni Kwatro." - Mang Riko.

"Sino po?"

"Ang Dyosa ng Gabi.."

"Dyosa ng gabi?"

"O--"

*Booogs* *Booogs* *Booogs*

[A/N : pasensya na sa sound epic 😅✌️]

Sunod sunod na pagsabog at malakas na lindol ang naramdaman at narinig namin ni Mang Riko..

Humawak ako sa kama nila Ina para mabalance ang sarili ko at hindi matumba.

"Ano yun?" taranta kong tanong nang matapos ang malakas na lindol..

"Napakalakas ng kapangyarihan na yun.. Mukhang nag mula kay Reyna Vana ang isa.. Pero kanino ang isa??" nangunot ang noo ni Mang Riko.

'Mukhang alam ko na kung kanino. Hindi ko alam na ganito pala kalakas ang kapangyarihan nya. Nakakatakot.'

"Sino ang tinutukoy mo?" napatingin ako bigla kay Mang Riko.. "Oo nga pala.. Hindi ba kasama mo lagi ang kapatid mo? Nasaan sya? Bakit hindi mo sya kasama?"

"Sa totoo po nyan, hindi ko po sya kasama. Nakikipaglaban po sya at pagmamay-ari nya po ang isa sa nararamdaman nating kapangyarihan ngayon." kamot ulo kong sabi..

"ANO?" sigaw ni Mang Riko at nanlalaki pa ang kanyang mga mata.

"Saka na po ako magpapaliwanag.. Kailangan na po muna nating makaalis sa lugar na to at makapagtago sa bag ni Alyssa." taranta kong sabi. Pakiramdam ko kasi malapit lang sila dito naglalaban..

"O sige, sige.. Paanagtin mo sila at ako ang bahala sa pagdala." sabi ni Mang Riko.

Sinunod ko naman ang sinabi ni Mang Riko.. Inangat ko sila ng dahan dahan at sya naman ang nagdala sa pamamagitan ng kapangyarihan nya..

Nang makalabas kami ay agad kaming pumunta sa kwarto nina Ina.. Dahil iniwang bukas ni Alyssa ang kanyang bag para doon dalhin sina Ina..

Sa kasamaang palad biglang nagpakita sa harap namin si Marie.. At galit itong tumingin samin.. Hindi pala sa akin kundi kay Mang Riko..

"Tama nga ang hinala ko sayo, Singko.. Isa kang traydor.." galit na sabi nito..

"Hindi ako traydor Uno.. Ginagawa ko lang ang alam kong tama.." diing sabi ni Mang Riko..

'Si Marie ay si Uno?'

Continue Reading

You'll Also Like

855K 58.3K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...