Eukrania Academy

By xyourwriterx

1.4K 100 2

Si Alvira Trinity Hawthorne ay isang Outcast; ibig sabihin, wala siyang taglay na kapangyarihan, mahika o anu... More

Prologue
CHAPTER 1: The Start
CHAPTER 2: Diverse Powers
CHAPTER 3: Rare Magic
CHAPTER 4: The Upper Class
CHAPTER 5: Stay Longer
CHAPTER 6: Intruders
CHAPTER 7: A New Member
CHAPTER 8: Taste Of Longing
CHAPTER 9: Saved
CHAPTER 10: Archer Of Desire
CHAPTER 11: Festival Of Magic (Part One)
CHAPTER 12: Festival Of Magic (Part Two)
CHAPTER 13: Festival Of Magic (Part Three)
CHAPTER 14: Festival Of Magic (Part Four)
CHAPTER 15: Festival Of Magic (Part Five)
CHAPTER 16: Festival Of Magic (Part Six)
CHAPTER 17: Festival Of Magic (Part Seven)
CHAPTER 18: Festival Of Magic (Part Eight)
CHAPTER 19: A Night To Remember?
CHAPTER 20: The Favor
CHAPTER 21: To Keep
CHAPTER 22: The Training
CHAPTER 23: Cogito Ergo Sum
CHAPTER 24: A Trip
CHAPTER 25: An Attack
CHAPTER 26: Aztrakhan District
CHAPTER 27: An Unofficial Date
CHAPTER 29: A Challenge
CHAPTER 30: The Eanverness Forest
Chapter 31: The Betrayal

CHAPTER 28: Troubled Mind

34 2 0
By xyourwriterx

Ilang minuto lang ang ginugol namin sa pagpunta sa bayan kung nasaan ang mga kilalang establisyemento sa Aurelius District. Ngayon lang ako nakarating dito. Maganda ang lugar na ito, kaya hindi ko mapigilang mamangha.

Mayroong mga nagsisitaasang building: malls, restaurants, companies, at iba pa. Buhay na buhay ang siyudad na ito. Nagpark si Tyrone sa harap ng plaza. May mga shop dito na pinipilahan talaga ng mga tao. Doon kami pumunta sa isang restaurant na halos walang tao.

"Good morning, Sir and Ma'am. Please come in," inalalayan kami ng isang staff papasok sa loob. Pumwesto kami sa bandang gitna, sa gilid. Gawa sa salamin ang paligid kaya kita namin ang mga taong naglalakad sa labas, at ang mga sasakyang dumaraan. Inabot niya sa amin ang menu.

"Thank you," sabi ko.

Tiningnan ko ang menu at halos malula ako sa presyo ng mga nandito. Kaya siguro kaunti lang ang nandito kasi halos kapresyo na ng ginto ang mga pagkain at inumin dito. Tumingin ako kay Tyrone.

"What's the matter?" aniya.

"Tyrone, wala akong pambayad nito. Hanap na lang tayo ng iba?"

"It's my treat. Order ka lang ng kahit anong gusto mo," he smiled.

"Busog naman talaga ako eh. Okay na sa akin ang tubig," mahina kong sabi.

"Don't think about the price. It's our time together that matters," seryoso niyang saad.

Sumang-ayon na lang ako sa sinabi niya. Masyado siyang seryoso eh. Sinabi ko na lang na kung ano ang sa kanya, ganoon na lang din ang sa akin. Naghintay kami ng ilang minuto.

Nakagugulat ang biglaang pagdami ng mga customer sa restaurant na ito. Kanina kasi, lima lang kaming customers ang nandito. Kami ni Tyrone, at iyong isang mag-anak. Tapos ngayon, halos mapuno na rin ang loob. Meron pa sa labas.

Dumating ang pagkain namin. Ang coffee namin ay napunta sa pagkain. Marami siyang inorder. Mga bago sa aking paningin.

"Hindi ko ito mauubos lahat," wika ko.

"Kaunti lang 'yan. Mauubos mo 'yan. Hindi naman tayo nagmamadali," nakangiti niyang sabi.

"Ang usapan kasi kape lang. Bakit tayo napunta sa restaurant?" pagrereklamo ko.

"Mag-gagabi na rin naman. Eto na ang hapunan natin," aniya.

Hindi na ako nagsalita pa, sa halip ay sinimulan ko na ang pagkain. Unti-unti na ring dumidilim ang paligid. Sa kabila ng paglamon ng kadiliman sa buong lugar, tila muli itong nabuhay dahil sa mga ilaw.

Nagtagal kami roon nang kalahating oras. Nagpasalamat sa amin ang staff na nag-assist sa amin kanina.

"Thank you, Sir and Ma'am. Dahil po sa dala niyong swerte, dumami ang customers namin ngayon."

Tumango na lang ako at nagpasalamat din. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"May swerte ka raw na dala," ani Tyrone.

"Ako? May dalang swerte? Paano?"

"Napansin mo naman yata na biglang dumami ang customers nila noong pumasok tayo kanina."

Natawa ako. "Ikaw ang may dalang swerte, hindi ako."

"Para walang away, tayong dalawa ang may dala ng swerte. Kaya dapat, lagi tayong magkasama."

Napahalakhak ako. "May tinatago ka rin palang kalokohan."

Natawa na lang din siya. Naglakad kami sa plaza. Maraming batang naglalaro rito. May mga magkasintahang nakaupo sa mga bench. May mga mag-anak din na pumapasyal.

"Hindi mo pala sinagot ang tanong ko kanina," sabi ko habang naglalakad kami.

"Tungkol saan?" tanong niya habang malayo ang tanaw.

"Kung nagsisisi ka ba sa pagkakaroon ng ganyang klaseng kapangyarihan?"

Tumitig siya sa akin.

"Gusto mo talagang malaman?" tanong niya.

Tumango ako.

"Mahirap mang isipin, pero oo, kinukwestyon ko ang mundo kung bakit sa dami ng pwedeng makuha ko, ito pa?" sabi niya. "Bakit kailangang ako pa?"

Umupo kami sa isang bench. Seryoso siyang tumingin sa akin. "Kung ikaw ba ang nasa kalagayan ko, anong mararamdaman mo?"

"Alam mo, una sa lahat, hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng pagkakaroon ng kapangyarihan kasi isinilang akong wala nito. Pangalawa, hindi ko alam kung paano ba ito kontrolin. Mahirap din kasing magsalita, lalo na kung wala ako sa sitwasyon mo," sabi ko.

Ngumiti naman siya.

"Naiintindihan kita," sabi niya. "Hindi madali ang magkaroon ng cursed magic. Kailangan mong mag-ingat sa bawat kilos mo. Ten times ang pag-iingat na kailangan mong gawin dahil sa bawat ikikilos mo, maaaring may maapektuhan na iba. Kaya pakiramdam ko, isa akong robot na naka-program. Nakakulong sa isang responsibilidad na hindi ko naman ginusto."

Naiintindihan ko na siya ngayon. Tama siya, ang pagkakaroon ng ganitong klase ng kapangyarihan ay may kaakibat na responsibilidad. Kahit naman siguro ang ibang types ng magic or power, kailangan mo pa ring mag-ingat at maging responsable.

"Minsan naisip ko, bakit kaya hindi na lang ako naging isang ordinaryong tao kagaya mo. Hindi na sana ako nangangamba na baka may mapahamak dahil sa kapangyarihan ko."

"Naiintindihan kita, Tyrone. May mga bagay talaga sa mundo na hindi natin hawak, na wala tayong kontrol, na ang tanging magagawa natin ay sumabay sa agos. Pero kahit anong hirap man ng pagdaanan natin, kahit gaano man kalaki ang ibato sa atin, ang mahalaga ay patuloy tayong lumalaban. Nagpapatuloy tayo at hindi sumusuko. We are the ones who could make our own lives worthy of living. We could be our own reason to live and continue. And we could make our lives meaningful and significant to others as well. May dahilan kung bakit nasayo ang ganyang klase ng kapangyarihan, at may magagawa ka para rito."

"Can I hug you?" he asked.

"Sure," I said.

Then, I felt his warm hug.

"If you need someone, I would always be here for you."

"Thank you."

~°~

"May nagbago talaga kay Tyrone noh?" Erica asked.

Nasa open cafeteria kami noong umagang iyon. Katatapos lang ng first class namin. Wala kaming prof sa second subject, kaya maaga kaming nag-break time. Sina George, Miguel, at Tyrone ang nag-order ng pagkain namin.


"Oo. Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero never siyang naging ganyan kasaya. Kahit noong sila pa ni Aira, tahimik na talaga siya, 'yung tipong seryoso. Kaya nakakapanibago na bigla siyang naging ganyan," Alice said.

"Pero, it's good naman diba? Mas magiging masaya ang grupo kapag lahat ay may dalang positive vibes," ani Erica.

Sumang-ayon naman kami sa kanya. Dumating silang tatlo dala ang mga pagkain namin. Nagsimula na rin kaming kumain. Naging masaya ang umagang iyon dahil sa mga biruan at kwentuhan namin. Ito ang unang pagkakataon na nagkaisa ang lahat sa kasiyahan. Sana ganito na lang palagi.

Pagkatapos naming kumain ay tumambay kami sa field. Buti na lang at maulap ngayon at hindi gaanong mainit. Umupo kaming lahat sa lupa, sa ilalim ng isang puno. Nanghiram ng gitara si George sa grupo ng estudyante hindi kalayuan sa amin. Dalawa ang gitara nila, kaya pumayag naman sila.

Tumugtog siya ng kanta na pamilyar sa amin. Sumabay kami rito. Maya-maya ay inaya ni Miguel si Erica na sumayaw sa love song na tinutugtog ni George. Hindi naitago ni Erica ang kilig niya nang tanggapin ang alok ni Miguel.

Sumayaw silang dalawa. Nakahawak si Miguel sa bewang ni Erica, habang nakalagay naman sa balikat ni Miguel ang mga braso ni Erica. Nakatitig sila sa mata ng isa't isa. Bagay na bagay silang dalawa.

"Nilalanggam ako," ani George.

Natawa naman kaming lahat. Nagulat ako nang ayain ako ni Tyrone na sumayaw. Tumanggi ako, pero inasar naman ako nina Alice at Erica. Sabi nila wala naman daw malisya, so pumayag na ako. Baka kung ano pang isipin nila.

Sasayaw na sana kami ni Tyrone, nang mag-iba ang ritmo ng kanta. Naging masigla ito. Isang rock song. Tumingin ako kay George na mukhang seryoso sa ginagawa niya. Napangiti ako. Para niya akong iniligtas sa kahihiyan.

Walang nagawa si Tyrone kundi umupo sa isang tabi. Kami naman nina Alice at Erica ang sumabay sa tugtog. Para na kaming mga baliw na sumasayaw dito. Wala naman sigurong masama kung maging kalog ka kasama ang mga kaibigan mo.

Matapos ang ilang sandali ay ibinalik na rin ni George ang gitara sa pinaghiraman niya. Nagpasalamat siya sa kanila. Nagpahinga kami saglit sa ilalim ng punong iyon, bago kami bumalik sa classroom para sa susunod na klase. Same kami ng subjects this semester, pero next semester, mag-iiba na ito dahil magfofocus na kami sa kanya-kanya naming course subjects.

Business course ang kinuha ni George at Tyrone. Si Erica at Miguel naman ay Media Arts. Si Alice ay Education, at ako naman ay Psychology. Ipagpapatuloy ko pa rin itong course na kinuha ko rito, kapag bumalik na ako sa amin.

Pagkatapos ng klase namin sa araw na iyon, nagtraining ulit kami. Naging maayos naman ang training, at satisfied kami rito. Umalis na ang iba at nagpaalam sila na may kailangan silang gawin. Naiwan kaming dalawa ni Tyrone sa loob ng training room.

"You want to have a coffee?" he asked.

Natawa naman ako. "Sure na ba 'yan? Baka mamaya kung saan na naman tayo mapunta."

"Totoo na talaga," sabi niya nang nakangiti.

"Okay, I would love that."

Pumunta kami sa coffee shop dito sa loob ng university. Kung kahapon ay puno ang loob nito, ngayon naman ay mangilan-ngilan lang ang laman nito. Pumwesto kami sa gilid, ang pinakapaborito kong part ng coffee shop dahil natatanaw ko mula rito ang ganda ng paligid sa labas.

"Can I ask you something?" tanong ko kay Tyrone. Wala pa ang order namin, at kauupo lang namin dito.

"Sure. Go ahead."

"I hope you won't mind if I ask this. Are you in good terms with your dad?"

All of a sudden, he became serious, but it was not intimidating.

"Yes, we're good. He's just like that. He expects so much from me. That's why I have to do better or as much as possible, my best. But I understand him."

Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo, o baka may mga bagay lang talaga na hindi niya na dapat pang sabihin sa iba. Mga bagay na kaya namang sarilihin at hindi na kailangan pang ipagsabi. Pero nirerespeto ko iyon.

"How about you, how are you with your parents?" he asked.

"I don't have my parents with me. Hindi ko sila nakilala simula pa noong mamulat ang aking isipan sa mundong ito. Lola ko na ang nag-alaga sa akin simula pagkabata, at napaka-blessed ko na dahil doon."

"Alam mo ba kung nasaan sila?"

"I never asked my lola about them. Siguro, natanggap ko na simula pa noon na kaming dalawa lang talaga ng lola ko ang magkasama sa buhay. Kontento na ako sa presensya niya dahil napunan naman niya ang gampanin ng isang ama at ina."

"But have you thought about finding them? Or even just knowing them?"

"I will be lying if I said no, so yes, I have thought of knowing them. But I am just scared that my lola will be hurt if I ask about them. I don't know what she would feel. Baka isipin niya na hindi siya sapat. I don't want her to feel that way."

"I think she would understand if you will ask about them because she really loves you, and I am certain that you deserve to know," he smiled.

"I'll think about that. Let's have our coffee first," sabi ko nang dumating ang order namin. Natawa naman siya. We started drinking our coffee.

"Teka, may naalala ako. Paano mo pala natutunan ang billiards? Hangang-hanga ako sa'yo noon. Hindi mo man lang pinatira si Asher. Just like, wow!" sabi ko at natawa naman siya sa reaksyon ko.

"Someone so special taught me that," he smiled, a genuine smile. Mukhang inaalala niya pa ang moment na iyon.

"Wait, I am curious. Sino siya?"

"It's a secret," he said.

"Ang daya naman. Magpapaturo sana ako sa kanya para matalo ko kayo ni Asher."

Natigilan siya. Hindi ko alam kung may nasabi ba akong mali. Maya-maya ay ngumiti naman siya.

"Busy siya. Ako na lang ang magtuturo sa'yo kung gusto mo."

"Totoo ba? Sige, gusto ko 'yan."

Matapos naming maubos ang iniinom namin, bigla siyang tumayo na ikinabigla ko. Inilahad niya ang kaniyang kamay sa harap ko.

"Let's go," he said.

Inabot ko ang kamay niya. Nang magdikit ang mga palad namin, nakaramdam ako ng mahinang kuryente. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta."

The next thing I knew, nasa tapat na kami ng bahay niya. Last time kong punta rito, iyong nagkaroon sila ng mini victory party, at hindi maganda ang alaala ko rito. Parang isang bangungot. Exaggerated man pakinggan, pero iyon ang best description ng first experience ko rito kasama ang mga elite.

Sinundan ko siya sa paglalakad. Pumasok kami sa main door, pero hindi kami dumaan sa dinaanan namin noon. Meron siyang pinindot sa isang pader, malapit lang din sa bukana ng bahay. Automatic na nagbukas ang isang pinto. Hindi mo aakalain na pinto pala iyon dahil para lang siyang isang plain na pader.

Bumaba kami sa hagdan, may underground area pala siya. Bumungad sa amin ang isang mamahaling billiard table. Nasabi ko na mamahalin ito dahil nababalot ito ng precious metal ⏤ gold. Air-conditioned ang buong room. Halos puro puti ang nakikita ko sa paligid. May pinindot siya sa remote na hawak niya, at biglang naging transparent glass ang pader. Kitang-kita ang mga halaman at puno sa labas, pati na rin ang swimming pool.

"This place is beautiful," tanging lumabas sa bibig ko.

He just smiled.

"Sobrang enjoy siguro kayo kapag tumatambay kayo rito," sabi ko.

"You're actually the only person, aside from myself, to set foot in here," he said.

I was shocked, and it was written on my face. "Seriously?"

Tumango siya. Aaminin ko, kinilig ako, pero hindi romantically ah. Parang ang sarap lang kasi sa feeling na sa'yo palang nagagawa ng isang tao iyong isang bagay. It's like they trust you so much that they let you in somewhere special in their heart.

"Do I deserve it?" I asked, kidding.

"Yes, you do, definitely," he lightly laughed.

Masyado akong nao-overwhelm sa mga sinasabi niya. Ito ba ang totoong siya? Malayong-malayo kasi ito sa nakilala ko noong una.

"You know what, I like seeing you laugh, really," I said.

"Should I laugh more often, then?" he chuckled.

"Yes, you should. I know you've been through a lot, so you deserve it. You deserve to be happy."

We became silent for a moment.

"Tuturuan mo ba ako o magtititigan na lang tayo rito?" biro ko sa kanya.

"I prefer the latter part, as I like staring at beautiful sceneries," he smirked.

"Aba, talaga lang Tyrone ah. Bumabanat ka na ng ganyan ngayon," sabi ko sa kanya.

Natawa naman siya. Buong magdamag niya akong tinuruan mag-billiards. Mula sa tamang paghawak ng billiard stick, sa pag-aim ng bola, hanggang sa iba't ibang techniques ng pagtira nito. Marami-rami rin akong natutunan mula sa kanya. Nakatutuwa lang talaga kapag may mga taong willing na magturo ng skills na mayroon sila, at willing magbahagi ng nalalaman nila. Siguro kung ganito ang karamihan sa atin, lahat tayo aangat sa buhay.

Pinagluto ako ni Tyrone ng dinner. I was shy at first, pero sa mga nagdaang araw, parang nagiging komportable na rin ako kasama siya. Siguro dahil binago niya ang pakikitungo niya sa akin. Siya na mismo ang nag-adjust, at masaya ako para roon.

Pagkatapos naming kumain at magligpit ng aming pinagkainan, tumambay muna kami malapit sa swimming pool. Ibinabad namin ang aming mga paa sa tubig. Magkatabi kami at nakatingin lang sa kalangitan.

"Tyrone, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga nagawa mo para sa'kin. Hindi man naging maganda ang una nating pagkikita, hindi ko pa rin inisip na masama kang tao, kahit na ang cold mo at parang walang pakialam sa paligid mo. Kasi ang totoo, busilak ang puso mo. Nararamdaman ko iyon. Ilang beses mo na akong iniligtas sa panganib. Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat sa'yo," ngumiti ako sa kanya. "Kaya kung okay lang sa'yo, pwede ba tayong maging magkaibigan?"

Inilahad ko ang aking palad sa kanya. Ngumiti siya. "Yes, of course."

"We're officially friends. I am so glad," I said.

"Me too," he said.

~°~

Gabi na noong makarating kami sa academy. Hinatid ako ni Tyrone sa dorm namin, at umalis na siya. May kailangan daw siyang gawin sa bahay ng parents niya. Pumasok ako sa loob, at wala na akong nadatnan sa sala at sa kusina. Malamang ay nagpapahinga na sila sa kani-kanilang kwarto. Nag-half bath ako at nagpalit na ng damit pantulog. Hindi pa ako makatulog kaya naisipan kong lumabas para magpahangin. Malamig ang simoy ng hangin, pero mas gusto ko ito dahil sariwa naman.

"Can't sleep?" tumabi siya sa akin.

I smiled, "Indeed."

"I am as well," he said. "Let's go for a walk?"

I nodded, and we started walking. Sobrang tahimik ng paligid. Ito ang gusto ko sa gabi, you are able to find peace and calmness. Bumaba kami sa ground, at umupo sa isang bench. Tumayo siya saglit, at maya-maya ay may dala na siyang cup of coffee na galing sa isang vendo machine.

"Seriously? Kape? Hindi na nga tayo makatulog, magkakape pa tayo?" natatawa kong wika.

He just chuckled.

"Pero sino ba naman ako para tanggihan ang aroma ng kape? Coffee lover yata 'to," natawa kaming parehas, pero tinakpan agad namin ang bibig namin nang mapagtanto na natutulog na ang lahat. Buti na lang din naisipan niyang bumili ng kape, nakababawas kasi ito sa lamig na nararamdaman ko.

"Saan ka pala galing kanina? Kasama mo ba ang team captain? Magdamag kasi kayong wala," sabi niya.

"Tinuruan niya akong mag-billiards," nakangiti kong sabi habang inaalala ang nangyari kanina.

Natahimik kaming dalawa. Tanging paghampas ng mga dahon ng puno at halaman ang aming naririnig.

"Masaya ako na nakakapag-palagayang loob mo na si Tyrone. Batid kong hindi maganda ang pagtrato niya sa'yo noon, well ganoon talaga siya sa karamihan. Kaya kapansin-pansin din ang pagbabago niya nitong mga nakaraang araw," saad niya.

"Akala ko ako lang nakakapansin, napansin niyo rin pala talaga," napangiti ako. "It's good, right?"

"Y-Yeah," he said. Did he stutter?

"George, may problema ba?" nag-aalala kong tanong.

"I don't know if it's right to say, but I am jealous," nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong ire-react o sasabihin ko, kaya tumahimik na lang ako.

"Parang nawawalan ka na ng time sa'kin, pati sa ibang mga kaibigan natin. Nami-miss na kita, Alvira," may lungkot sa boses niya, at ramdam na ramdam ko iyon.

"I'm sorry if you feel that way, George," I said sincerely. "But I hope you understand that I am trying my best to know all of you, one by one."

"Yes, I understand. Believe me, I truly understand you, Alvira," saad niya, pero parang may bumabagabag sa isip niya. "Sorry, I shouldn't have said that. What am I thinking? Shit."

"May problema ka ba, George? Sabihin mo, makikinig ako."

Tumingin siya sa akin. Nagtama ang tingin namin sa isa't isa. We've been like that for seconds.

"Alvira, I may be selfish to tell you this, but I like you. I have feelings for you, and it pains me to see you with somebody else," he said, with teary eyes.

And I knew from there that... that very moment will greatly affect my entire existence in the academy.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...