When We Happened

By seeyara

400K 12.6K 1.9K

Ongpauco Series #4 I knew it from the start. We were never really meant to be together... We just happened... More

When We Happened
Chapter 1: Viral Photo
Chapter 2: Mudshake Date
Chapter 3: Tatlonghari Connection
Chapter 4: Model Best Friend
Chapter 5: Disaster Interview
Chapter 7: The House of Andersen
Chapter 8: The Model's Olympic Dreams
Chapter 9: Best Friends with Daddy Issues
Chapter 10: Bikinis, Beers & Best Friends
Chapter 11: Underwater
Chapter 12: Hangover Buddies
Chapter 13: Friends in the Dark
Chapter 14: Instagram Game
Chapter 15: Congratulations
Chapter 16: Press con
Chapter 17: New Opportunities, Old Life
Chapter 18: Friendship Not-So-Over
Chapter 19: Asher Whisperer
Chapter 20: The Hand Model (pt. 1)
Chapter 20: The Hand Model (pt. 2)
Chapter 21: Bon Voyage
Chapter 22: Curiosity Kills
Chapter 23: Morning After
Chapter 24: Run-away Model
Chapter 25: Welcome to New York
Chapter 26: Game Face On
Chapter 27: The Newbie Enemy
Chapter 28: Workplace Harassment
Chapter 29: Catching Up
Chapter 30: Scared People
Chapter 31: Chismis for Breakfast
Chapter 32: Pity Party for Two
Chapter 33: Mouth-Breather
Chapter 34: Homecoming Queen
Chapter 35: Home Sweet Home
Chapter 36: It's a Bust
Chapter 37: First Real Date
Chapter 38: First Fight
Chapter 39: Jealousy, Jealousy
Chapter 40: Meet the Parents (pt.1)
Chapter 40: Meet the Parents (pt. 2)
Chapter 41: Credit-Grabber
Chapter 42: Green Light
Chapter 43: House of Red
Chapter 44: Candles & City Lights
Chapter 45: Pillow Talk
Chapter 46: Justice and Closure
Chapter 47: AshFlo Returns
Chapter 48: Care Package
Chapter 49: Hard Conversations
Chapter 50: Beach Trips & Boundaries
Chapter 51: Ongpauco-Tatlonghari Reunion
Chapter 52: The Ex-Girlfriend's Side
Chapter 53: No Secrets, No Lies
Chapter 54: New Christmas Traditions
Chapter 55: The Perfect Christmas Gift
EPILOGUE
EPILOGUES II, III, & IV

Chapter 6: #1 Filipino Male Model

6.4K 294 22
By seeyara

Chapter 6
#1 Filipino Male Model

It's been a month since I last saw my best friend and 3 weeks since I got my first magazine cover shoot. To say that it was a disaster was really an understatement. Sir Simon chewed my ass for 3 hours while Sir Red subjected me into a personality development crash course for a whole week.


Hindi lang ako sure kung tatalab ang efforts nilang maging less grumpy ako sa photoshoots and interviews ko. After all, 'yung simangot kong mukha naman ang hinahanap nila, diba?

They said my feral eyes are my prized possession.

So, hindi naman siguro masama na magpakawala ako ng paonti-onting irap no? At pagtataray sa mga taong walang sense kausap no? Hindi rin naman siguro masamang mag-expect na walang bobo questions sa lahat ng interviews ko, diba?

That doesn't make me a diva, right? I mean, eww...

Simula nang mag-sign ako ng contract with TMA, I have been showing up in their office everyday. Kahit na prone akong magmaktol, I still do everything they want me to do. I only say no kapag hindi na talaga ako kumportable and so far, the management are not abusing the trust I gave them.

"Asher, alam mo na ba ang schedule mo for today?" Marian asked as soon as she slumped beside me on the sofa.

Tumango ako. "Pero pwede mo ba ulitin? Medyo hindi ko gets 'yung last part ng text mo kanina."

"Alright," sabi nito at nilabas na ang kanyang smartphone. "You have 3 campaign shoots later for your social media accounts. 10 am to 12 noon ito. After mo mag-lunch, we have to go to a meeting with a client at BGC."

"Anong exact time?"

"2 pm."

Napakamot ako ng ulo nang maalala ang last part ng sched ko. Parang last minute dinagdag kasi hindi naman ako na-inform na today pala mangyayari ýun!

"Okay, meron pa kong schedule after, diba? Diyan ako naguguluhan."

Tumango siya at nag-swipe pababa sa phone niya. "You'll go to your first go-see. Sa BGC din ito at ihahatid naman kita. Pero hindi kita pwedeng samahan sa loob ha. You have to do this on your own para matuto ka."

Fuck. So I'm really gonna be alone this time. No one's going to hold my hand while I go through it for the first time.

"Pwede ko na bang gawin 'yun? I mean, kaya ko na ba?"

"Yes, girl. You can," mabilis na sabi nito, parang naiinis pa dahil sa pagdududa ko. "Isa ka sa mga masisipag na models na kilala ko. I'm happy na kahit nagsisimula ka pa lang, ang ganda ng work ethic mo despite of your cheery personality."

"Thanks, Marian," nakangiti kong sabi. Wala naman akong paki kung tingin ng tao masama ugali ko, mas importante sakin ay makita nilang masipag ako at deserved ko ang mga blessings na natatanggap ko dahil sa determination at work ethic ko.

Ibinaba nito sa lap niya ang kanyang phone at humawak sa kamay ko nang mariin. "I'm serious. Wala ka pang na-miss out na classes mo, right? From personality development to basic make-up application and to practicing your runway walk, never ka pa um-absent."

"Well, bukod sa may penalty, gusto ko rin naman talagang matuto." Hindi ko mapigilan ang sarili ko at inulit muli ang aking katanungan kanina. "Pero tingin mo, handa na talaga ako?"

She tapped my hand and flashed me a gentle smile. Maybe this is her way of calming me down. It's kinda helping, not gonna lie. "No one's really ready for anything, lalo na sa industry natin. You just have to show up everyday and do your best."

"Sana hindi ako matisod o madapa mamaya kapag pinag-catwalk na ko."

Natawa siya. "Kaya mo 'yan, I believe in you. Lahat naman ng models naiisip 'yan everyday. Wala namang may gusto na mapahiya, diba?"

True. But compared to myself, they are much more equipped with knowledge about catwalk. I'm sure, alam nila ang gagawin nila once na madulas o matumba sila sa runway!

Tinaasan ko siya ng isang kilay bago ipaalala ang critique nila sa akin kahapon. "Kahit na sabi ni Sir Simon na hindi ko pa nahahanap 'yung signature walk ko?"

She dismissed it with a single wave of her hand. "Sus! Baka nakakalimutan mo, hindi ka pa model pero nag-viral na ang photos mo just because of your face, especially that eyes of yours."

I groaned. "Yeah, yeah. The feral eyes bullshit."

"Walang bullshit dun, girl. Ganda talaga ng mga mata mo, promise."

Umirap ako. Marinig ko pa 'yang feral eyes today, sasabunutan ko talaga ang sarili ko. "Bakit hindi na lang ako mag beauty shoot lagi?"

Umiling siya. "Hindi mo gugustuhing magsawa ang mga tao sa mukha mo."

Huh. Hindi ka sure.

"Paano kapag hindi ako matanggap mamaya sa go-see?"

Nagkibit-balikat siya. "Then we'll find you another one. Think of it as practice."

Right. But knowing how competitive I am, kahit na super uncomfortable nito sa akin ay ibibigay ko ang best ko. At ia-apply ko ang lahat nang natutunan ko sa mga lessons ko from my modeling and fashion crash courses.

I'll show everyone that I can do this... that I can book a job on my own.

'Yung hindi ko na kailangan pang may mag-peptalk sa akin para kumalma dahil sa sobrang kaba. 'Tang ina, naaalala ko na naman siya... at kumukulo na naman ang dugo ko. Isang buwan na siyang hindi nagpaparamdam at sobrang dalang pa mag-reply!

Kung ayaw niya nang maging kaibigan ko, edi huwag.

"At isa pa," biglang nagsalita muli si Marian. "Sa maniwala ka man o sa hindi, you're a hot commodity right now. Maraming kukuha sa'yo, Asher."

"Wow, no pressure."

Umiling-iling lang ito bago nagpatuloy sa pag-chi-check sa akin. "Nabasa mo naman lahat ng binigay ko sa'yong binders?"

"Yup, cover to cover."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Naibigay na ba sa'yo 'yung updated portfolio mo?"

I pointed at my backpack. "Yup. Nasa bag ko na."

"Perfect. Don't forget to retouch your make-up later after ng meeting natin with Global Communications, okay?"

Para asarin siya dahil sa dami nang paalala niya ay sumaludo ako sa kanya. "Yes, ma'am!"

Hindi ako pinansin nito at nagpatuloy lang sa pagmamando sa akin. "I-review mo 'yung sa chapter ng client mamaya, 'yung House of Andersen." Ngumiti ito, para bang nagpipigil ng tawa. "Medyo masungit ang head designer at creative director nila."

Aba naman. Bakit ngayon lang sinabi? Parang may balak yata ang mga ito na ipain ako sa mga buwitre mamaya sa first official go-see ko! Shit.

"Grabe naman," simula ng pagrereklamo ko. "Bakit last minute mo naman sinabi? Edi sana kagabi pa ko nag-re-review!"

"Last minute lang din kasi sila nag-request na mag-go-see ka sa kanila."

Ugh. May magagawa pa ba ako kundi magsimulang mag-cramming sa pagre-review?!

Inirapan ko siya. "Fine. Whatever."

"E 'yung numbers mo, kabisado mo naman? Alam mo na 'yung measurements mo?"

Yup. How could I forget the moment when I learned na lumaki pala ang boobs sa loob ng mahigit isang taon na hindi na ako OA mag-workout.

"Yes. I was measured within an in of my life yesterday, imposibleng makalimutan ko na ang latest measurements ko."

Sa totoo lang, hindi ko akalain na sobrang dami pa lang sinusukat sa katawan ng isang tao! Naka-save na rin sa Notes app ng phone ko ang mga ito kung sakaling makalimutan ko ang mga ito.

"Good! Kasi mag-fi-fill up ka ng form mo pagdating doon, lahat ng info mo including your measurements will be asked."

"Okay, gotcha." Tumayo ako at umikot sa harap niya. "Itong suot ko? Okay na ba ito para mamaya?"

Tinignan niya ako simula sa aking ulo hanggang sa paa ko. "Hmm... White shirt. Black skinny jeans. Block heels? You'll do. The simpler, the better."

Cool. "The simpler, the better... I can do that."

Tumayo na rin ito sa kinauupuan niya at ngumiti muli sa akin. "I know you can. Kaya galingan mo mamaya ha! Kung may tanong ka or kailangan ka, I'm just one text away later."

***

Matapos ang matagumpay at masayang meeting namin nina Marian, Sir Simon at Sir Red sa Global Communications, agad nila akong hinatid sa main showroom ng House of Andersen for my first official go-see.

Tulad nang sandamakmak na bilin sa akin kanina ni Marian sa TMA office, pinaulanan din ako ng mga paalala at tips ng dalawa kong fairy godfathers.

Pagbukas ng pinto ng van ay sinamahan pa akong bumama ni Sir Simon. "Bawasan mo ang pagsimangot, Asher," pahabol na bilin nito sa akin bago iabot sa akin ang leather backpack ko.

"Yes, sir," nakasimangot kong sagot sa kanya habang isinusuot ang straps ng bag ko.

Napabuntong-hininga na lang ito nang makita ang mukha ko.

Inabot naman ni Sir Red ang portfolio ko habang nakaupo pa rin sa pwesto niya sa van. "Good luck, Asher! We're rooting for you!"

Tumango ako at pilit na ngumiti. Hindi pa rin ako sanay sa bagong pamilya ko at sa pagiging affectionate nila at hindi pagiging madamot sa affirmations.

"Good luck, Asher," sabi rin ni Sir Simon bago ako dahan-dahang tinapik-tapik sa ulo na parang bata... o aso, maingat na hindi ako mahawakan dahil traumatized pa rin yata siya sa pagtataray ko about touching me without my consent.

Actually, mas naiilang pa ako sa emotions at suporta na pinaparamdam nila sa akin. Kaya naman agad na akong lumayo sa van at kumuway sa kanila. "Thank you," pahabol na sagot ko bago sila talikuran at pumasok sa loob ng House of Andersen main showroom.

True enough, may mga forms nga akong kinailangang sagutan bago mag-proceed sa go-see ko. Sinunod ko lahat ng bilin nila Marian, Sir Red, at Sir Simon.

I read everything in the forms before answering them. I was polite to everybody. I even smiled to the receptionist kahit na sinungitan lang din naman ako nito. I reeled in my foul mouth and held back my reactions.

"Pst, relax ka lang," bulong sa akin ng lalaking katabi ko.

"Excuse me?" hindi ko napigilang singhalan siya.

Shit. May nakalusot na espiritu ni Asher. Pero imbes na mabigla siya ay ngumiti lang ito at nilahad ang kanyang kamay. "I'm Jeric Jacinto."

Tinitigan kong maigi ang mukha ng stranger na nang-iinvade ng space ko. Maputi, makinis, at matipuno ang pangangatawan.

Gwapo... at maganda ang mga ngipin. Malinis ang mga daliri at maugat ang mga kamay.

Manly... but not as manly as Yap.

Fuck. Naalala ko na naman ang pesteng 'yun.

Napailing na lang ako ibinalik ang sarili ko sa aking realidad. Dahil sinabi nila maging friendly, wala akong choice kundi tanggapin ang nilahad niyang kamay at magpakilala na rin.

"Asher."

"First go-see mo?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sobrang obvious ba?"

Tumango siya. "Oo. Ang stiff mo kasi. Pero at least, hindi ka mukhang kabado."

Huminga ako nang malalim at sinubukang i-relax ang buong katawan ko. True enough, namamanhid na nga ang likod at mga balikat ko dahil sa pagiging tensed ko at hyper-aware sa model-like posture na pino-project ko.

"Much better," sabi pa nito nang mapansin ang bahagya kong pag-relax sa aking posture.

Tumango ako sa kanya. "Thanks for the tip."

He waved it off with his ready smile. "No worries. Just paying it forward as an older model. I know how nerve-wracking first go-sees are."

Wow. Ang generous naman nito ni kuyang model. Wala naman sigurong masama kung manghingi pa ko ng tips, no? Hindi naman abuso 'yun, diba?

"May iba ka pang tips na pwedeng i-share?"

Mabilis itong sumagot. "I know it's cliche but just be yourself. These people could smell a fraud a mile away."

Damn. I'm fucked, then. "I better bathe in perfume now."

"Ikaw 'yung nagkaroon ng viral photos, right?"

Pinigilan ko ang sarili kong umirap. "Yup." Hindi ko naman akalain na ganito kaaga mabi-bring up ang mga lecheng viral photos ko. Dito pa lang pala sa waiting area ay pag-uusapan na ang mga ito.

Hindi yata nito napansin ang pagkairita ko kaya nagbigay pa rin ito ng advice sa akin.

"Show them those eyes. I'm sure that will win them over."

Ugh. Those fucking feral eyes. Again.

Sabay-sabay kaming napatingin lahat sa lumabas galing sa office ng creative director, kung saan nagaganap ang one-on-one meetings ng Andersen people with the auditioning models.

Sumenyas ang staff na ito sa katabi ko. Agad naman ito tumayo at nagsimula nang magpaalam sa akin. "I better go. Mukhang kailangan ko na yatang magsukat ng mga garments."

"Salamat ulit... and good luck!" pahabol ko sa kanya. Kahit naman siguro matagal na siyang model ay kinakabahan pa rin ito sa auditions.

Natawa ito pero kumuway rin ito sa akin. "Nice meeting you, Asher Flores. I'll see you around," sabi pa nito bago ako kinindatan.

Pinanood ko siyang maglakad palayo sa akin sobrang nabilib ako sa confidence at swagger nito. Model na model si kuya, hinding-hindi nga mapagkakaila.

Wait. Hindi ko naman binggit ang surname ko. Paano nalaman nang kumag na 'yun?

Nagulat ako nang may biglang umupo sa pwestong iniwan ni Jeric at sumiksik pa ito sa akin. "Girl, kilala mo ba kung sino 'yung kausap mo?"

Tinignan ko ito nang masama bago bahagyang umurong palayo. "Si Jeric?"

"That guy is The Jeric Jacinto," sabi pa nito, as if magi-gets ko ang ipinupunto niya gamit lang ang buong pangalan ng male model na kausap ko kanina.

"Am I supposed to know that guy?"

Napanganga ito sa pagiging clueless ko. "Duh!"

Pinigilan ko ang sarili kong lamukusin ang mukha ko sa inis dahil sa suspense na dala nang mabagal na pagpapaliwanag ng babae sa harapan ko.

"So, sino nga siya?" I prompted when she still didn't start talking.

Huminga ito nang malalim bago sinabi nito ang kanina niya pa siguro kinikimkim. Sobrang lakas e. "Siya si Jeric Jacinto! Siya lang naman ang number 1 male model ng bansa!"

Ohh...

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napatanong ulit. "Okaaay... and?"

Tinuro niya ang pintong pinasukan ni Jeric at sinighalan ako. "He's the one and only face of the House of Andersen! Ka-partner niya ang hinahanap para ma-cast for today's go-see!"

And I just got great advice from him... making me the number 1 competition in these girls' eyes.

Fuck.

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
6.6K 144 6
Complexity of Us Sequel
2.1M 142K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
8.3M 195K 33
[SY SERIES #1] He may be cold but it wasn't a hindrance for him to manage melting my heart. Because he did, always. But the only thing is, it is so...