Hope Beyond Deprivation (Defi...

By InknHeart

3K 339 96

Hope Beyond Deprivation (DEFIANT SERIES #8) Safira Ellison was raised and lived all her life without the fan... More

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8)
Playlist
Chapter 1 : Comfort In The Midst Of Destitution
Chapter 2: Encounter
Chapter 3: Two Worlds Closer
Chapter 4: First And First
Chapter 6: Contrite
Chapter 7: The Confession
Chapter 7.2: The Confession
Chapter 8: Soothe Behind The Darkness
Chapter 9: Be Helped
Chapter 10: Favor
Chapter 11: He's In The Hospital
Chapter 12: Cancelled
Chapter 13: Back At One
Chapter 14: Pain?
Chapter 15: Constantly
Chapter 16: Issue
Chapter 16.2
Chapter 17: Accusations
Chapter 18: The Untold History
Chapter 19: Confession
Chapter 20: Cherish
Chapter 21: Complications
Chapter 22: No Good In Goodbye
Chapter 23: Bid Your Last Goodbye
Chapter 24: Fate Vs Faith
Chapter 25: His Please
Chapter 26: On His Wedding Day
Chapter 27: After
Chapter 28: RĂ©union
Chapter 29: His Special Day
Epilogue
Probinsiyana

Chapter 5: Beautiful Mess

103 11 2
By InknHeart

Panibagong araw na naman. Paakyat na ako sa hagdan patungo sa next subject ko. Absent ngayon si Joy dahil masakit daw ang puson niya. Hinayaan ko na lamang at buhay niya naman iyon.

Kagagaling ko lang kay dean at sinabihan ko  siya na titigil na ako sa pinapagawa niya saakin ngunit pinilit niya parin ako. Napag-alaman ko ring pamangkin niya pala si Apollo.

Bigla ko tuloy naalala ang huling pag-uusap namin ng bugnuting lalaking iyon.

“I don't want to see your face ever again. Whatever Tita told you just quit. If you need money I can give you that!” saad ni Apollo. Una sa lahat hindi ako tumatanggap ng perang hindi ko pinaghirapan kaya hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari.

“No way,” tugon ko. Tinignan niya ako sandali, “Then you brought your life into mess.”

Hindi ako nagpatinag at tinaasan ko lang siya ng kilay. Walang maaapi kung walang magpapaapi. Hindi porket mayaman sila ay pwedi na nila akong tratuhin ng ganiyan.

“Then bring it on!” Lakas loob na saad ko. Napa-english tuloy ako. Napailing lang si Apollo at iniwan akong mag-isa.

Ewan ko anong mess ba ang sinasabi niya basta ang alam ko gagawin ko kung anong inutos saakin. Kung ayaw niya edi aba! Itatali ko siya.

May dalawang subject lang ako ngayong araw habang bukas naman ay loaded ako. Bakit ba kasi hindi hinati nang maayos ang mga subjects ko.

Lahat pa ng klase ko ay nasa umaga kaya pagdating ng hapon ay wala na akong gagawin pa. Siguro tutulong nalang ako kay Mama kung ano man ang ginagawa niyang diskarte ngayon.

Dahil wala si Joy ay wala akong kausap. May ngumingiti naman saakin at nakilala ko silang mga suki ko sa pagbebenta ng iba't ibang kakanin.

Pumasok na ang professor at minor subject lang naman 'to ay hindi ako masyadong nakinig. Ayoko munang gamitin ang utak ko at inaantok ako dahil maaga akong nagising kanina dahil sa ingay ng kapitbahay namin.

“That's all for today, study because maybe I will be having a surprise quiz.” Huminga ako ng malalim ng makalabas na ang professor namin. It's no longer surprise dahil sinabi mo na sir.

May susunod na subject na naman. Break time pa kaya kinuha ko nalang ang puto na baon ko. Ito ang niluto ni Mama ngayon. Mabuti nalang talaga ang nagbukas na ang karenderya ni Aling Delia kaya pinakyaw na naman nito ang benta ko.

Tahimik akong kumakain habang pinagmamasdan ang iba't ibang estudyante na dumadaan galing sa iba't ibang kurso. This is my favorite place sa tuwing may klase, ang bintana.

Napaubo ako nang mahina nang maramdaman kong bumara sa lalamunan ko ang puto. Dali-dali akong uminom ng tubig at mabuti nalang ay naunahan ko ang sinok.

Ilang sandali pa ay pumasok na si ma'am Cassadie. Isa siya sa mga paborito kong guro rito sa Unibersidad dahil sa mabait na nga ito marami ka pang matututunan sa kaniya.

Humarap ito sa klase habang nakangiti.

“I want to do a break at sobrang seryoso na ng klase natin palagi,” panimula nito.

“So your task is to imagine your future and your dream, 'yong mga bagay na gusto mong mangyari sa'yo just imagine it!” dagdag nito. Seryoso naman si ma'am kaya napaisip ako kung ano nga ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko? Ano nga ba ang pangarap ko?

“I want you all to close your eyes and imagine your dreams in life!” Sinunod ko na lamang ang sinabi ni ma'am Cassadie. I closed my eyes and began to imagine what I want to be.

Una kong inisip na nakapagtapos ako ng pag-aaral at naging isang matagumpay na nurse sa isang hospital. Sunod ay ang magandang bahay kung saan kasama ko si Jeje at Mama. Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga imahinasyon ko.

After imagining I slowly open my eyes.

“Did you know class that as long as you can imagine it, you can have it?” masayang saad ni ma'am. Napatango-tango naman ang ibang kaklase ko habang ako ay naghihintay lang ng susunod niyang sasabihin.

“We have given the power to imagine it so it only means that were given a chance too to make it come true!” But it's just an imagination. Paano kung ang imagination mo ay sobrang impossible, do you think it will come true? 'Yan ang gusto kong itanong kay ma'am but instead I remained silent.

Natapos ang klase na tungkol lang sa mga pangarap ang topic ni ma'am Cassadie. May pangarap ako sa buhay pero hindi parin ako pani-paniwalang may pag-asa pa kaming makaahon sa kahirapan. Alam kong kapag naging professional na ako ay matutulungan ko na si Mama but do you think maaahon nito kami? As long as were breathing we will always have the dilemma to deal with.

Didiretso na ako sa engineering department at may duty pa ako kay senyor Apollo. Hay naku!

Tinignan ko ang schedule niya at agad pinuntahan ang classroom kung nasaan siya. Pagdating ko roon ay nakita ko itong natutulog. Seriously? Tinutulugan niya lang siguro ang klase niya!

Konti nalang ang mga kaklase niya at ang iba ay pumunta na sa next subject nila. As far as I know wala naman siyang susunod na klase. May iilang estudyante ring pumasok, siguro rito ang susunod nilang klase.

Labag man sa aking kalooban ay pumasok ako at tinungo ang upuan kung saan natutulog si Apollo. Ilang sandali akong napatitig sa maamong mukha niya. Matangos ang ilong nito, mahaba ang kaniyang pilik mata at manipis ang malarosas niyang labi. Dumako ang tingin ko sa itim na malambot niyang buhok. Gulo-gulo ito pero hindi ito bumawas sa kagwapuhang taglay niya. I'm not fantasizing I'm just saying the truth because what's the purpose of lying anyways.

Umiwas ako ng tingin nang biglang bumakas ang mata nito.

“Your stare is uncomfortable,” saad niya. Uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Kanina pa siguro niya alam na tinititigan ko siya. Baka ano pang sabihin niya!

“Nagdududa lang ako at bakit  hindi ka nakikinig sa guro mo at nagawa mo pang matulog!” palusot ko. Humikab ito at tumayo na. Bigla itong umalis palabas ng classroom. Kita mo na? Wala talagang modo!

Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kaniya at masyadong mataas ang mga paa niya. Bakit ba kasi ang tangkad nito?
Sinusundan ko parin siya at sa likod niya lang ako nakabuntot. Bigla itong huminto kaya bumangga ako sa likod niya. Napahawak ako sa noo ko dahil sa impact. Bakit ba kasi bigla-bigla nalang siyang humihinto!

“Stop following me,” mahinahong saad nito. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Kahit anong sabihin niya hindi ko naman siya susundin!

“Ayoko nga. Inutusan ako ng dean at sa kaniya lang ako susunod!” tugon ko. Huminga ito nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Ewan ko kung anong meron sa kaniya at lahat ng kababaihan sa nadadaanan naming department ay kinikilig pag nakikita siya pero pag nakikita nila ako ay bigla naman akong iirapan.

Hindi ko alam kung saan nga ba siya pupunta. Napagtanto kong ang daang tinatahak namin ay patungong library pala. Mag-aaral naba siya? Kung ganon edi mapapadali ang trabaho ko!

Hindi nga ako nagkamali at huminto nga siya sa library. Pumasok ito na hindi man lang sinulat ang pangalan niya sa record book. Hinayaan lang naman siya ng librarian.

Agad ko namang isinulat ang pangalan ko dahil hindi naman ako exempted. Bakit anak ba ako ng may-ari ng school?

Malaki ang library at hindi ko na siya makita. Marami pa namang pasikot-sikot dito. Inisa-isa ko ang bawat sulok at natagpuan ko naman siya sa pinakadulong bahagi ng library. Nakatabon ang isang libro nito sa mukha. Mabuti nalang at nagbabasa na ito.

Habang palapit ng palapit ako ay nakikita ko na siya. He was not reading but he was sleeping. Ano ba'to part two?

Huminga ako nang malalim at kinuha nalang ang isang upuan at umupo sa tapat niya. Wala naman akong magawa kaya kumuha nalang ako ng libro.

Bakit ba ang hirap intindihin ng math? Isinarado ko ang libro na hawak ko dahil wala naman akong maintindihan. Humikab ako at bigla tuloy akong inantok. Napatingin ako kay Apollo at tulog pa naman ito. Matutulog nalang muna ako sandali. Bakit? Siya lang ba marunong? Ipinikit ko na ang aking mata at hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili.







Naalimpungatan ako at dali-daling iminulat ko ang aking mata. Nasarapan yata ako sa tulog, nandito parin pala ako sa library. Napatingin ako sa direksiyon ni Apollo at muntik na akong mabilaukan dahil kanina pa yata ito nakatitig saakin. Akala ko tuloy umalis na ito.

Tinignan ko ang relo ko at halos hindi ako makapaniwala. Its already 2 pm! Teka napahaba yata ang tulog ko!

“Hala alas dos na pala!” saad ko. Hindi parin siya kumikibo pero nakatingin na ito sa gilid.

Tumayo na ito kaya dali-dali akong sumunod sa kaniya. Napatingin pa saamin ang librarian at sigurado akong alam niyang natulog lang si Apollo dito dahil napailing na lamang ito habang sinusundan ng tingin si Apollo. Ginawa pang kwarto  niya ang library tsk.

“Huy! May project ka pang gagawin!” paalala ko. Para tuloy niya akong secretary. Isa rin kasi ito sa inutos ni dean na alamin ang mga projects niya.

Hindi ito nakikinig at dire-diretso lang ito. Nagulat ako nang huminto ito sa parking lot. Don't tell me aalis siya?

“Huy! Wag kang aalis!” sigaw ko ulit.

Napalingon ito saakin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. He's just emotionless.

“You're annoying,” wika niya. I know, feeling naman niya gagawin ko 'to kahit walang inutos saakin. Naku! Kung wala lang talaga bakit pa ako magtatiyaga sa ugali niya?

Tumalikod ito saakin at naglakad nang muli. Huminto ito sa isang itim na pick up. Hindi ko alam kung anong pangalan ng sasakyan pero halatang mamahalin ito.

Sumakay na siya at naiwan ako. Teka! Sasama ako! Baka ano pang gawin niya at may project pa siyang gagawin! Bukas na ang deadline nito at sigurado akong bagsak siya pag hindi niya 'to na submit, major pa naman niya' to.

Dali-dali kong binuksan ang pintuan sa backseat ng sasakyan niya at pumasok doon. Nagulat pa siya nang makita ako. Hindi siguro niya inaasahang sasakay rin ako.

“Get out of here!” he yelled. Now he's angry. I crossed my arms at tinignan lang siya.

"May project ka pa Apollo at kailangan mong gawin iyon!” tugon ko.

“It's none of your business! Bakit ba ang kulit mo ha? Ganiyan naba kalaki ng binayad ni Tita sa'yo? You know anong dapat itawag sa'yo? MUKHANG PERA!” Napatigil ako at hindi ko alam na ganon na pala ang tingin niya saakin. Ako mukhang pera? Marahil masasabi niya lang 'yan dahil hindi siya ang nasa posisyon ko! Mahirap maging mahirap at alam kong hindi niya iyon maiintindihan dahil hindi naman siya dumaan dito. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. I'm out of words. I'm just hurt.

Dali-dali kong pinahid ang luha ko at itinoun nalang ang atensiyon ko sa bintana. He never say sorry or binawi man lang ang mga masasakit na salitang sinabi niya. What do you expect from the son of the richest family worldwide?

Hindi ko alam kung nasaan kami pero huminto kami sa isang building. Binasa ko ang pangalan ng lugar, it's Funky Bar. Hindi pa ako nakapasok sa isang bar kailanman dahil alam ko kung anong nasa loob nito.

Gusto ko nang umuwi pero wala naman akong pamasahe. Bumaba na si Apollo kaya bumaba narin ako.

Nakayuko akong sumunod sa kaniya. Tuluyan na nga itong pumasok na hindi man lang ako nilingon ni kahit minsan.

Bumungad saamin ang malakas na tugtog ng party music. Mausok din dulot ng sigarilyo at artificial na usok. Halo-halo rin ang baho at sobrang nakakasakit sa ulo ang mga taong nagsasayawan sa gitna ng bar. Tila wala na silang pake sa lahat. They're all drunk.

Pinagtitinginan kami ni Apollo ngunit parang wala lang ito sa kaniya. Halos matunaw na ako sa iba't ibang pares ng mata na kung makatingin ay parang huhubadan na ako. This is more than what I imagined.

Dumiretso sa counter si Apollo at umupo ito rito. Dali-dali namang may lumapit sa kaniyang bartender.

“Tequila,” saad ni Apollo. Hindi ko alam na umiinom pala ito.

“Sa'yo magandang binibini?” Nagulat ako nang itinoun ng bartender ang atensiyon niya saakin. Umiling lang ako. I don't drink at isa pa wala akong pera or kung may pera man ako ay hindi ko naman iyon basta-bastang igagastos lang sa alak.

Tumango lang ang bartender at kinindatan pa ako nito bago inasikaso ang alak na inutos ni Apollo.

Pagkatapos maibigay ng bartender ang alak ay biglang umalis si Apollo sa counter at tumungo sa grupo ng mga lalaki. Familiar ang isa sa kanila saakin at napagtanto kong siya 'yong tumulong saakin na pulutin ang mga papeles na nahulog dahil sa nabangga ko si Apollo. Mga kaibigan pala niya ito.

Hindi na ako sumunod at tanaw ko pa naman sila. Umisip na ako ng possible option kung mag aalas kwatro na at hindi pa siya uuwi. Lalakarin ko nalang siguro mula rito hanggang sa bahay.

“Hi beautiful,” Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may tumabi saakin. Amoy alak ito at halatang lasing nadin. Matanda siguro ito ng konti saakin.

Napatingin ako sa braso niyang nabalot ng tattoo at sa mahaba niyang buhok at malaking katawan.
Hindi ko alam anong gagawin ko at kinabahan pa ako sa lapit niya saakin.

“Anong pangalan mo?” tanong niyang muli. Ramdam na ramdam ko ang kaba sa aking puso. I'm nervous.

“S-Safira,” kinakabahang tugon ko.

“Wanna have fun tonight?” tanong nito at mas lalo akong nagulat nang hawakan niya ang balikat ko. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko.

“B-Bitawan mo ako,” maluha luhang saad ko, natatakot ako!

Ngumiti lang ito ng nakakaloko at tinitigan akong mabuti.

“Hali kana kasi, pakipot ka pa miss!” saad niya at aakmang hihilain ako nang biglang napahiga ito sa sahig. I almost gasped of air nang makita ko si Apollo na galit na galit. Sinuntok niya ang lalaki na ngayon ay nakabulagta na sa sahig at putok na ang labi at masama ang tingin kay Apollo.

“F*cking ass*ole!” he yelled. Aakmang susuntukin niya ulit ang lalaki pero agad siyang pinigilan ng mga kaibigan niya.

“Are you okay?” Napatingin ako sa kaibigan ni Apollo. Marahan akong tumango at pinahid ang luha ko. Nabawasan ang kaba ko pero nangangatog padin ang buong katawan ko.

“Let's go.” Nagulat ako nang hawakan ako ng mahigpit ni Apollo at hinatak ako palabas mula sa impyernong lugar na iyon.

Napasuklay na lamang ito sa buhok niya sa galit. Huminto kami sa tapat ng sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun seat. Pumasok ako at ganon din siya.

I was surprised the moment he turned his gaze on my direction, his eyes is full of emotions. Halo-halong awa, galit at konsensiya.

“I'm sorry.” Mas lalo akong nagulat at napatingin sa kaniya. Sincerity dominated on his eyes.

Hinubad nito ang jacket niya at nagulat ako nang ipinasout niya ito saakin.

“Wear this.”

It was a beautiful mess.

From that night I marked my calendar because that's the unforgettable night when I found a mess, a beautiful mess.


Continue Reading

You'll Also Like

60.1K 1.6K 44
She was alone and pressured all her life. Despite having a broken and unhealthy relationship with her family, Lucianna did her best to maintain a pos...
5.2K 102 53
Status: Completed Genre: Teen fiction and Romance. Posted: September 8, 2021 - January 21, 2023 Things are unexpected. People will come and go, but t...
267K 16.6K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
254K 11.1K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.