Every Beat of Heart (Agravant...

Por jhelly_star

32.2K 861 45

[COMPLETED] Michelle Agravante, the softest and the kindest girl of all the Agravantes is deeply in pain afte... Más

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 23

486 13 0
Por jhelly_star

Kabanata 23

Understand

--

Days passed like a wheel. When you are really happy, you will not notice the time, day or no matter how long it is, it will always be a moment for you.

Ganon pa rin ang nangyayari sa amin ni Lee. Tuwing may pasok palagi ko siyang pinupuntahan sa school nila. Palagi siyang busy pero ginagawa niya naman ang lahat para matapos agad sa mga ginagawa at makapunta na sa akin. Syempre, naiintindihan ko naman iyon.

"Dali! Dali!" tumili at humalakhak ako nang bumuhos ang malakas na ulan at nandoon kami sa table namin!

Nagmamadali kami ni Lee na nagligpit at tumakbo papunta sa silong ng building nila. Nabasa kami pareho at ganon na rin ang mga gamit namin ngunit nang nagkatinginan kami, instead of worrying, we both laughed.

Madilim na kanina pero hindi kami nag abalang umalis sa table dahil akala namin gaya lang rin iyon noong mga nakaraang araw. Madilim pero hindi umuulan. Kaya lang mukhang nagkamali kami ngayon. Umulan na!

"Are you okay? Nabasa ang mga notes mo?" tanong ni Lee, bahagya ring natatawa.

"Ayos lang. Matutuyo rin ito," sabi ko.

"Sa susunod sa ibang lugar nalang tayo gumawa ng mga assignments. Tag ulan na kaya dapat hindi na tayo dito."

Tumango ako at sumang ayon sa kanya pero saan naman? Mukhang nabasa niya ang tanong sa mukha ko kaya sumagot siya.

"Pwede tayo sa malapit na mga coffee shops rito."

Oh! Tumango ako nang naisip rin iyon. "May coffee shop sina Luna dyan sa malapit. Doon nalang tayo sa susunod?"

Tumango siya bilang pag sang ayon. "Let's go. Sa cafeteria na muna tayo."

Tumango ako at nagtungo nga kami sa cafeteria nila. We ran again just to get to the cafeteria. When we arrived, agad kaming umupo sa isa sa mga lamesa roon. Hindi na ganon karami ang tao kaya medyo tahimik na. Ang tanging naririnig nalang namin ay ang pagbuhos ng malakas na ulan sa labas.

"Do you want something to eat? Wag lang fishball dahil siguradong umalis na ang nagtitinda sa labas dahil sa malakas na ulan," Lee chuckled after he said that, teasing me again about the fishball.

Ngumuso ako. "Alam ko naman! Bumili nalang tayo ng snacks dito."

"Okay."

Bumili nga kami ng tinapay at juice. Siya na naman ang nagbayad para sa akin at hindi na ako tumanggi. Nasanay na ako sa kanya. Hindi niya ako palaging pinagbabayad. Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Alam ko namang nakakahiya nang siya palagi ang nanlilibre sa akin pero hindi ko maiwasang matuwa.

"Sobra bang nabasa? Let me see," kinuha ni Lee ang mga notebooks kong nabasa.

Bigla bigla nalang kasing bumuhos ang ulan kanina. Hindi manlang umambon o ano. Ayan tuloy at nabasa ang mga gamit namin, ganon na rin ang bag.

"Here, magpunas ka," may kinuha si Lee mula sa kanyang bag at nagtaka ako nang nakita kung ano iyon.

"Bakit may dala kang ganito?" I asked as I took his towel.

"I always carry a towel," nagkibit siya ng balikat na para bang hobby niya na talaga iyon.

Oh. Nagkibit nalang rin ako ng balikat at pinanood siyang patuyuin ang mga notebooks ko gamit ang kamay niya. Para bang matutuyo iyon sa pamamagitan ng ginagawa niya. Nagpunas ako ng ulo ko at braso tapos tumawa sa kanya.

"Hindi 'yan matutuyo nang ganyan. Hayaan mo na. I'll just dry them at home. Magpunas ka na rin," inabot ko sa kanya ang towel.

He snorted and just followed what I said. He also knew that there was really nothing he could do with the notebooks. Basa na, e. Blower ko nalang siguro mamaya pag uwi ko.

"I have my umbrella in my locker, hindi ko na dinadala dahil akala ko hindi pa uulan. Kukunin ko at ihahatid na kita sa labas," ani Lee.

"Huh? Bakit?" nagtaka at nagulat ako sa sinabi niya.

Tumingin siya sa akin. "You need to go home. Baka hinahanap ka na sainyo."

"B-But I've been doing this for a long time. Hindi na nila ako hahanapin..."

Umangat ang gilid ng kanyang labi. "I know but it's different now, Mina. It's raining hard. Your parents will be worried."

"Hindi naman siguro..." pilit ko at ngumuso.

I still want to stay here. Tsaka may sundo naman ako kaya hindi na mag aalala sina Mommy at Daddy! They knew it was safe for me to go home because we had an SUV.

"Kapag nagtagal ka pa rito, mag aalala sila, Mina," ngayon medyo seryoso na si Lee kahit mahinahon ang boses.

"Pero... gagawa pa tayo ng assignments?" palusot ko.

"Wag nang matigas ang ulo mo. Magligpit ka na dyan at ihahatid na kita sa labas," seryoso niyang sinabi kahit may maliit na ngiti sa labi. "Hintayin mo ako rito."

He got up and left before I could even speak. Ngumuso ako habang pinapanood siyang lumabas ng cafeteria. Iniwan niya ang bag at mga gamit niya sa table na inuupuan namin. Napabuntong hininga nalang ako at napagtanto na wala nang magagawa pa.

Kahit papaano naman tama siya. Baka nga mag alala sina Mommy at Daddy. Malakas ang ulan at hindi pa ako umuuwi kahit may driver silang pinasundo sa akin. Ayoko ring mag alala sina Mommy kaya... sige. Uuwi nalang ako.

Parang ka'y hirap sabihin iyon. Na uuwi na ako.

Mas lalo akong ngumuso. Lee and I have been together every day but I still want to be with him always. I wondered if he was getting tired of me? Palagi na kasi kaming magkasamang dalawa kaya... posibleng sawa na siya na palaging nakikita ang mukha ko!

Pero hindi naman siguro. Hindi ganon si Lee. Mabait siya at... gusto niya rin akong kasama!

Uminit ang pisngi ko sa naisip. Ni hindi ko pa nga sigurado ang bagay na iyon kaya anong lakas ng loob ang meron ako para sabihin na gusto niya rin akong makasama?!

Pumikit ako at napahawak sa noo. Bakit ko ba naiisip ang lahat ng ito? Ano ba 'yan, Mina!

Nakapag ligpit na ako ng gamit nang dumating si Lee. Kasabay niya sa pagpasok ay ang mga lalaking mukhang kausap niya, apat ang mga lalaki. Nagtatawanan sila habang si Lee ay nakikipag tawanan rin ngunit nasa akin ang paningin. May hawak na siyang itim na payong sa kamay.

"Mina..." Lee called.

Tumayo ako at napatingin ang mga kaibigan niya sa akin. Natigilan sila sa pagtatawanan nang nakita ako. Bahagya akong nahiya dahil mukhang kilala nila ako.

"Mina, this is my friends," bumaling siya sa mga kaibigan. "This is Michelle Agravante," pakilala niya sa akin.

"Uh, hi. Nice to meet you all," sabi ko.

Ilang sandaling katahimikan ang namutawi. Kung hindi lang siniko noong isa ang tatlo ay hindi sila matitigil sa pagkakatulala. Napawi ang ngiti ko nang may naramdamang kakaiba.

"Hi! Hi! Nice to meet you too..." anila at nagkatinginan silang apat bago lumipat ang paningin nila kay Lee.

"Lee... hindi ba siya iyong..." hindi ko na narinig ang iba.

Huminga ng malalim si Lee at tinignan ang kanyang mga kaibigan. Nagbaba ako ng tingin nang makuha agad ang gustong sabihin noong lalaki. They know me. They know what happened.

"Uh, sorry. Nice to meet you, Michelle Agravante. I'm Jake," naglahad ng kamay ang isa.

I accepted his hand and smiled a little. "Nice to meet you, Jake..."

"Let's go," si Lee na kinuha ang bag niya at bag ko.

"Uh, ako na dyan," sabi ko kay Lee at sinubukang kunin ang bag  kongunit nilayo niya iyon sa akin. "Lee..."

"Ako na," seryoso niyang sinabi habang tinititigan ako. Nag iwas agad ako ng tingin.

Tumikhim ang mga kaibigan niya at mas lalo akong napayuko. Mukhang alam ko na ang iniisip nila at mukhang alam ko na rin na alam iyon ni Lee. Parang may punyal sa puso ko na paulit ulit tumutusok.

"Mauna na kami," malamig na sinabi ni Lee sa mga kaibigan.

"Lee..." ang mga kaibigan niya ngunit hinila na niya ako palayo roon, out of the cafeteria.

Marami na nga ang nakaka alam tungkol sa nangyari kay Seb at lahat sila, tingin ako ang may kasalanan. Kaunti lang ang gustong magsabi dahil isa akong Agravante at takot sila. Ngayon sa tingin ko ang pagiging Agravante ko na lamang ang nagpipigil sa lahat para saktan ako, o para batuhin ako ng mga masasakit na salita.

Pero sinabi ko na na hindi na ako magpapa apekto sa kanila. Hindi ko kasalanan iyon. It's not my fault. I know the truth and they don’t. So I shouldn’t be affected.

"Are you okay?" hinarap ako ni Lee nang nasa gate na kami, hawak niya ang payong at kaming dalawa ang nandoon.

Ngumiti ako. "Oo naman..."

He sighed. "I'm sorry about my friends. Pagsasabihan ko nalang sila."

"It's okay, Lee. Naiintindihan ko naman..."

"Hindi porket naiintindihan mo, babaliwalain nalang."

"But it's really okay with me. They don't know the truth. The only thing that matters to me is that my family knows the truth, ng mga pinsan ko at ikaw. Alam mo ang totoo..." ngumiti ako. "Sapat na sa akin iyon."

He sighed heavily and pulled me closer to him. Natigilan ako. Dinala niya ang aking ulo sa kanyang dibdib at niyakap ako. Hawak niya pa rin ang payong sa kabilang kamay. Napakurap kurap ako sa gulat at pagkakatigil.

"I'm sorry..." he whispered.

Hindi agad ako nakapag salita.

"B-Ba't ka nagso-sorry?" tanong ko.

"I'm sorry for blaming you before. I'm sorry for shouting to you. I'm sorry for everything that I did to you. Alam kong nasasaktan ka noong mga panahon na iyon pero mas lalo ko lang dinagdagan... I'm very sorry..."

Nag init ang gilid ng mga mata ko. I wanted to look at him to tell him with his own eyes that everything was fine with me but because he didn't want to, hindi ko na pinilit. Niyakap ko siya pabalik.

"We already talked about this, right? I'm fine with all that, Lee. I know you were hurt too during those times so I understand. Nasaktan ka kaya nanakit ka and I understand all of it... Believe me, I really understand..."

He hugged me even more and didn't speak anymore. Dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng kanyang puso sa kanyang dibdib... kahit malakas ang ulan... at kahit kumikidlat... dinig na dinig ko.

Seguir leyendo

También te gustarán

20K 467 48
[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's...
2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
3.8K 120 43
Aces Band Series #1 First chance, second chance, o kahit ilan pa 'yang chance, hindi natin sinasayang 'yan kung mayroon man para lang maabot o makuha...