ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby B...

By ZERYDE_21

39.9K 3K 26

'Gagawin ko ang lahat makabalik lang sa dati kong katawan' - Alexis [COMPLETED] More

AUTHOR's Note
Prologue
πŸ“ŒONE
πŸ“Œ TWO
πŸ“Œ THREE
πŸ“Œ FOUR
πŸ“Œ SIX
πŸ“Œ SEVEN
πŸ“Œ EIGHT
πŸ“Œ NINE
πŸ“Œ TEN
πŸ“Œ ELEVEN
πŸ“Œ TWELVE
πŸ“Œ THIRTEEN
πŸ“Œ FOURTEEN
πŸ“Œ FIFTEEN
πŸ“Œ SIXTEEN
πŸ“Œ SEVENTEEN
πŸ“Œ EIGHTEEN
πŸ“Œ NINETEEN
πŸ“Œ TWENTY
πŸ“Œ TWENTY-ONE
πŸ“Œ TWENTY-TWO
πŸ“Œ TWENTY-THREE
πŸ“Œ TWENTY-FOUR
πŸ“ŒTWENTY-FIVE
πŸ“ŒTWENTY-SIX
πŸ“ŒTWENTY-SEVEN
πŸ“ŒTWENTY-EIGHT
πŸ“ŒTWENTY-NINE
πŸ“Œ THIRTY
πŸ“ŒTHIRTY-ONE
EPILOGUE
πŸ“Œ SPECIAL CHAPTER

πŸ“Œ FIVE

1.4K 116 0
By ZERYDE_21

⚜️Magical Kingdom

King Albert Grefart
Queen Ilina Grefart
Prince Nash Allan Grefart
Princess Alyssa Natasha Grefart / Alexis Hord

Someone POV

(N/A: ganap po ito nung nanganak ang Reyna.)

"ANONG NANGYARI?? BAKIT BUHAY ANG BATANG YUN??" sigaw nang isang babae at pinagbabato ang vase sa kausap nya.

"Hindi namin alam kung paanong nangyari. Pero nasisiguro namin na patay ang sanggol sa sinapupunan nya. Malakas ang impak ng lason sa katawan ng sanggol kaya imposible na mabubuhay yun." sabi naman ng isang lalaki.

"KUNG ALAM MO PALANG IMPOSIBLE.. BAKIT KARGA KARGA NI ALBERT ANG SANGGOL HA!!! IPALIWANAG MO NGA." sigaw ulit ng babae.

"Patawad Reyna Vana. Gagawan namin ito ng paraan." nakayukong sabi ng lalaki at ganun din ang ginawa ng kasamahan nya.

"ABA'Y DAPAT LANG. BILISAN NYONG KUMILOS KILOS KUNG AYAW NYONG KAYO ANG PATAYIN KO."

Kaya mabilis na nagsialisan ang mga tauhan nito..

"BWISIT!!!!" sigaw pa nito at gumawa ng bilang itim at binato sa pinto dahilan ng pagkawasak nito.

*Six months later*

"Nabalitaan mo na ba ang nangyari sa palasyo?" tanong nang isang babae.

"Hindi." daretsyong sagot ni Reyna Vana na nakaupo sa kanyang trono at pinaglalaruan ang kanyang kapangyarihan

"Lumabas lang naman ang kapangyarihan ng prinsesa kahapon."

"ANO?!" sigaw nya. "MGA BOBO!!! Kung sana pinatay nyo na. E di sana wala tayong problema. MGA WALANG SILBI."

"Huminahon kalang Reyna Vana. May maganda akong plano para mawala sa landas mo ang mag iina." ngumiti ito ng malademonyo.

"Siguraduhin mo lang na mawawala ang mag iina na yun. Kung hindi ikaw ang mawawala sa harap ko at ang mga tauhan mo." nanggigigil na sabi ni Reyna Vana.

Alexis/Alyssa POV

🏰 Sa palasyo

Busy ngayon ang lahat dahil may pagtitipon ang kaharian. Narinig kong sabi ni Ama.

Ise-celebrate o ipagdidiwang daw nila bukas ng gabi ang paglabas ng kapangyarihan ko.

Duh!! Ang di nila alam may tatlo na akong kapangyarihan at pinapalakas ko na ito.

Andito ako ngayon sa aking kwarto. Binabantayan ako ni Hilda ang personal maid ko.. Ha!! Taray di ba.. Maraming inaasikaso sina Ina at Ama kaya pinaalaga muna nila ako.

Si unggoy naman busy din.. Ewan ko kung ano ginagawa nya.. At wala akong pake..

"Dadada."
(Gusto kong bumaba.)

Itinuro turo ko ang sahig gamit ang paa at kamay ko.

"Gusto mo ba sa lapag." sabi ni Hilda.

"Tadada dadada."
(Ay hindi gusto ko sa taas.)

'Shunga lang. Tumuturo ba ako sa taas. Tsk.'

Nang magets nya siguro. Ibinaba nya ako at pinaupo ako. Binigyan nya ako ng laruan.

'Duh!! Ayoko nyan.'

Sisipain ko na sana ang laruan ng may biglang nagbukas ng pintuan.

"Ohh? Mari, bakit ka pumarito?" tanong ni Hilda.

"Nais ko lang sabihin sayo na bukas ng gabi gaganapin ang plano sabi ni Heneral." -Mari.

'Anong plano yun? Mukhang nakakainterisado yan ahh!!'

"Paano ang gagawin natin?"

Tumingin naman sakin si Mari. "Ayaw kong sabihin dito." sabi nya at itinuro ako.

"Ano ka ba? Bata lang yan di marunong makaintindi yan." sabi naman ni Hilda at tumingin sya sa akin.

'Shet!! Baka mabuking akong nakikinig sa kanila.'

Buti nalang may laruang binigay si Hilda sakin. Kinuha ko ito at kinagat kagat at kunwaring tuwang tuwa sa laruan.

"Sandali." lumabas sya nang pinto at pumasok din agad saka ito nilock. "Ito ang plano, lalagyan natin ng Death Poison ang iniinum ng Reyna at mga anak nito."

Nagulat ako sa sinabi ni Mari. May balak sila na patayin kame?

"Nakapwesto na ang mga tauhan natin at lahat ng gagamitin." dagdag pa nito.

'So marami sila. Kailangan kong gumawa ng plano.'

"Paano ko malalaman kung kasamahan natin yung mga tauhan?" tanong ni Hilda.

"May maliliit na kulay pula ang buhok nila. Alam mo naman na siguro ang gagawin mo ha."

'At mukhang di ako mahihirapan sa paghahanap sa kanila.'

"Oo makakaasa ka."

"Sige na. Sasabihin ko na kay Heneral na ayos na ang lahat."

"O sige sige."

At saka lumabas na nang kwarto si Mari.

Madali kung matatapos ang misyon ko. Sa wakas.

Pero hanep!! Di ako makapaniwala na papatayin nila kame.

'Masamang binabalak ha..'

At ang hindi pa kapanipaniwala na ang namumuno nito ay ang heneral, nalabis na pinagkakatiwalaan ni Ama.

'Isang traydor'

"Tadadana ddadana dadd."
(Pwes.. Bago nyo kame mapatay. Uunahan ko na kayo.)

Lumapit sa pwesto ko si Hilda.

"Wag kang mag-alala. Magsasama sama naman kayo mag-iina sa spirit land." nakangiti ito ng malademonyo habang hinahagod hagod ang buhok ko.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.. Ngiting malademonyo..

Nagulat sya sa naging asta ko..

"Sa tingin mo ba papayagan ko kayo na patayin kame nang ganun ganun nalang."

Napaatras sya nang bahagya nang marinig ang boses ko.

"Paanong....." sa pagkakagulat ay napalitan ito ng ngiting malademonyo. Tumayo sya sa nagmaayos at naglabas ng bolang apoy sa kamay. "Panigurado isa yan sa kapangyarihan mo. Mahina. Isa ka lang hamak na bata. Mukhang mapapaaga yata ang kamatayan mo."

"Tama ka jan. May kakayahan akong makapagsalita at gamit ang hangin nagagawa kong ibalance ang katawan ko. Oh!! Di ba kahanga hanga." kunwaring gulat gulatan ko. "Gusto mo ba nang isang dwelo laban sa akin?"

"Ikaw laban sakin?" natatawang sabi nito.

"Bakit natatakot ka ba?" maang asar na sabi ko.

"Ako matatakot? Nagpapatawa ka ba? Bagong labas lang ang kapangyarihan mo. At mahina ka pa sa mga walang kapangyarihan dito sa magical kingdom. Kahit anak ka pa nang hari't reyna, wala pa sa katiting ang kapangyarihan mo. Kaya kayang-kaya kitang patayin."

"Bat di mo ko subukan ng magkaalaman."

Biglang naglabas nang bolang apoy si Hilda at ibinato yun sakin. Gamit ang hangin gumawa ako nang shield para di masira ang kwarto ko.

"Matalino ka ngang bata ka. Pero di uubra nyang kapangyarihan mo sakin." -Hilda.

Nagpalipad sya ng maraming bolang apoy at pinaghahagis sakin ang mga ito.

Iniwasan ko ang mga to pero dahil sa dami ng hinahagis patungo sakin. Tumama ang isang bolang apoy sa balikat ko, dahilan ng pagsalpak ko sa pader na naglikha nag ingay.

"Kaya mo pa ba prinsesa? Mukhang nauubusan ka na ng stamina." sabi nya. Dahan dahan syang lumapit sakin.

"Ano prinsesa? Magpaalam kana."

Gumawa sya nang malaking apoy sa kamay nya at itinutok sakin. Pero bago sya makalapit nang tuluyan sakin ay nahulog na sya sa patibong ko.

"Aahhhh!!!!!"

Gumawa lang naman ako nang butas papunta sa space bag ko. Dun namin ipagpapatuloy ang laban namin. Dahil panigurado pagnagpatuloy ang laban namin dito mawawasak ang buong kwarto ko.

Narrator POV

Nagulat ang hari't reyna nang may marinig silang pagsabog sa palasyo.

Agad na lumapit ang isang kawal at lumuhod sa harap ng hari't reyna.

"Kawal anong nangyayari?" tanong nang hari.

"May pagsabog pong nangyari kamahalan at sa kwarto nang prinsesa nagmula ang pagsabog."

"ANO?!!!" sigaw ng hari.

"Mahal ko ang anak natin." na ngangambang sabi ng reyna.

"Ipatawag ang lahat ng mga kawal at wag hayaang may makalabas sa loob ng palasyo." - Hari.

"Masusunod po kamahalan." agad na umalis ang kawal.

Tumayo ang mag asawa at nagmadaling pumunta sa kwarto ng prinsesa. Nang makarating sa tapat nang kwarto ay nakita nila ang ibang kawal na pilig binubuksan ang pinto.

Nang makita ng mga kawal ang hari't reyna ay yumuko ang mga ito.

"Paumanhin kamahalan, ngunit ang pinto ng kwarto ng prinsesa ay hindi namin mabuksan. May malakas na kapangyarihan ang humaharang sa pagwasak namin ng pinto." pahayag ng kawal.

"Maaari ko bang subukan?" sabi ng reyna.

Nagsitabi ang mga kawal upang padaanin ang reyna. Hinawak nya ang pinto at ginamitan ng kapangyarihan subalit nabigo sya.

Lumapit din ang hari at ganun din ang ginawa. Pero tulad ng reyna ay hindi din nila ito mabuksan.

"Kakaibang kapangyarihan ang bumabalot dito mahal ko, hindi ito galing sa kaharian natin." sabi ng reyna.

"Tama ka mahal ko, masyadong malakas ang kapangyarihang ito, na kahit ako ay hindi ko magawang buksan." - hari.

"Ang kapatid ko Ama, Ina."

Lumingon ang mag asawa sa papalapit na si Allan. Lumuluha ang mga mata nito at nangangamba din.

"Ililigtas natin sya anak ko." sabi ng reyna at pinunasan ang luha nito ng makalapit si Allan. Niyakap ni Allan ang ina nya.

"Pero paano po kung di mabuksan ang pinto?" - Allan

Nagkatinginan ang mag asawa at tumango sa isa't isa. Lumapit ang reyna sa hari at hinawakan ang kamay nito.

Naglabas sila nang kapangyarihan at sabay naitinutok sa pinto na nagbigay ng malakas na pagsabog upang masira ang pinto...

Kasalukuyan nasa kalagitnaan ng paglalaban ang dalawa.

Puro galos na ang katawan ni Hilda at madumi naman ang kasuotan ni Alyssa na gawa ng alikabok.

"FIRE DRAGON!!!!!" malakas na sigaw ni Hilda. At lumabas ang isang dragon na gawa sa apoy papunta sa pwesto ni Alyssa.

Nasa loob sila ng space bag kung saan nakapwesto sila sa isang malawak na patag.. Wala kang makikitang iba kundi patag na tuyong lupa, na kahit damo ay wala.

Nasa ere si Hilda. May dalawang bilog na pumapalibot sa paa nito upang makalipad sya.

Kalmadong kalamadong nakatayo sa patag na lupa ang batang si Alyssa. Na animo'y walang paparating na dragong apoy sa kanya.

Winasiwas nya ang kanyang kamay sa hangin upang makapag drawing ng petals.. Malakas nya itong ibinato sa umaapoy na dragon.

Lumaki ang petals na gawa sa hangin at hinati sa gitna ang dragon at agad na sumabog sa ere.

Nagulat si Hilda sa ginawa ni Alyssa pero di sya nagpatinag.. Huminga sya nang malalim at...

"HELL BALL!!!" sigaw nya at mula sa kamay nya ay nagsilabasan ang mga daang daang bolang apoy na kulay asul.. "KATAPUSAN MUNA!!!!" at malakas nyang hinagis patungo sa pwesto ni Alyssa.

Mabilis lang iniwasan ni Alyssa ang mga bolang apoy na patungo sa kanya.

"Paanong...." gulat na sabi ni Hilda.

Pagod na sya at maraming stamina ang nababawas sa kanya. Ang fire dragon at hell ball ang pinakamalakas na tira nya. Subalit naiwasan lang ito ng isang bata.

"Tapos ka na siguro?!!" sabi ni Alyssa at pinagpagan ang suot nyang damit. "Ako naman.." at ngumiti ng malademonyo.

Mabilis na lumipad sa ere si Alyssa at winasiwas nya ang kanyang kamay sa hangin.

"WIND PETALS!!!!" malakas na sigaw ni Alyssa ng makalapit sya kay Hilda..

"AAHHHHH!!!"

Nagsisigaw si Hilda nang tamaan sya ni Alyssa ng matutulis na petals na gawa sa hangin..

Sugat sugat ang katawan ni Hilda.. Lumipad sya palayo kay Alyssa.. Pero nang tignan nya ang pinagpwestuhan ni Alyssa ay wala ito dun.

"Saan ng punta ang bubwit na yun?!" bulong nya.

Inilibot nya ang tingin nya sa paligid.

"Ako ba ang hanap mo?"

Mula sa paanan ni Hilda nakita nya si Alyssa na nakangiti.

"Wind storm!!" mahinang bulong ni Alyssa.

Nanlaki ang mata ni Hilda nang makita ang papalaking papalaking ipu ipu sa pwesto nila.

Mabilis syang lumipad sa ere subalit huli na. Nahagip na sya nito. Nagpaikot ikot nang mabilis si Hilda sa ipo ipo. Samantala nasa gitna ng ipo ipo si Alyssa at tuwang tuwa na nanunuod habang napalakpak pa.

Malakas na sumalampak si Hilda sa lupa at lumubog..

"Ang saya makipaglaro.." sabi ni Alyssa habang papalapit sa pwesto ni Hilda.

Nakadapa si Hilda at di na makagalaw. Naubusan na din sya ng stamina kaya hirap na hirap na sya. Gutay gutay na din ang suot nyang maid uniform..

Nang tuluyang makalapit si Alyssa kay Hilda. May nakita syang tatto sa balakang nito.

Ginamit nya ang hangin para tanggalin ang gutay na damit na natakip sa tattoo nito.

"Anong ibig sabihin ng tattoo mo?" tanong ni Alyssa.

"Ba-ba...kit ko na-man sa-sabi....hin sa..yo?" utal utal na sabi ni Hilda.

Gamit ng hangin inangat ni Alyssa sa ere si Hilda at pinaharap sa kanya. Nakalutang din si Alyssa sa ere para magpantay ang mukha nila.

"Dahil isa kang mahinang nilalang. Na tinalo ng isang bata"

"Pwe!"

Agad na umilag si Alyssa sa pagdurang ginawa ni Hilda.

"Bad. Bad. Hilda. Di mo ba alam na kawalang kwenta ang ginawa mong pagdudura? Lalo na sa isang prinsesa." sabi ni Alyssa habang nakacross arm. "Sabihin mo isa ka ba sa pumatay sa buhay ni Aly-- I mean sa buhay ko?"

"Heh!" singhal nito. "Hin..ta..yin mo ang pag..dating ni pi..nu..no tiyak na iisa isahin nya kayong patayin. Lalo na ang ina mo. WAlang kwentang reyna."

Nagdilim ang paningin ni Alyssa dahil sa sinabi ni Hilda. Agad nyang tinanggal ang hangin sa katawan nito at malakas na hinagis sa kung saan.

"Bago nyo mapatay ang pamilya ko... Uunahan ko na kayo.." galit na sabi nya. "Ngayon alam ko na ang gagambang dapat kong patayin."

Continue Reading

You'll Also Like

855K 58.3K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...