A Second Past Time

By artysant

123K 6.8K 3.1K

[Politico 3] When and how will 24 hours be enough? Grappling with the harsh realities of life, Owie vowed to... More

A Second Past Time
Hidalgo Street
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
24:00:01
Last Note

Kabanata 33

1.4K 112 47
By artysant

Always

Hindi nawawala ang kasalanan sa isang paghingi lang ng tawad. Alam ko 'yon. Dahil lumaki akong makasalanan, gaya na lamang ng ibang tao sa mundong 'to.

Subalit hindi ko naman kailangan ang kapatawaran ng kahit na sino. Kahit pa galing sa Kanya. Sapagkat handa lang akong humingi ng tawad para mapagbigyan ang nag-iisang hiling. Kahit 'yon na lang at wala nang iba pa.

Kung sakali mang babawiin Niya ako, sana'y pakibilisan na lang. Gusto nilang piliin ko ang sarili ko ngayon. Kaya pipiliin ko 'to para sa sarili ko.

"Hala jusko! Doc! Nurse! Gising na po!"

But even then, even the simplest wish of all wishes was refused. Because here I am again in this world, staring right back at a white ceiling, staring right back at the reality I now refuse to be in.

Some detest death. And they end up dying. While some... wants nothing more but death, only to be brought back and "saved", when all these people did was to destroy every bit of what's left of a person.

Death isn't an answer nor a solution. But it can be a comfort to a tired soul—a kind of solace that life could never give.

Siguro ganoon ang naramdaman ni Asio nang dinala ko siya sa ospital. Siguro nga, sa gitna ng mga ngiti at sa munting pag-asang magsimula ulit ay ang 'di mapangalanang lungkot nang hindi ko siya mapagbigyan. Dahil lang hindi ko kayang wala siya. Dahil lang... gusto ko pa siyang manatili sa mundong 'to.

And the inevitable question came that most people probably won't bother thinking about. Because it haunts them. Because it asks the unquestionable. Because it puts them in this unwanted spotlight.

Do we save people because we want them to live? Or do we just don't want to carry the burden of the conscience that we know will never leave us?

At doon nawawala ang pagkakaiba ng pagsagip at pagiging malupit. Ang tanging natitira ay ang hubad na katotohanang tayo ay makasarili.

I wanted him to live. But he doesn't want to live. And where... just where does that fucking put me?

Hindi ako gumalaw mula sa pagkakahiga. Nakabukas lang ang aking mga mata, kitang-kita ang nag-aalalang mukha ng 'di ko kilala at ng doktor na tinitingnan ang kondisyon ko.

"Overfatigue 'to. Just make sure she gets the rest she needs. Don't stress her. Bawal ang ma-stress..."

Speaking unfamiliar words in an unfamiliar place with unfamiliar people. It's suffocating.

My eyes quickly shifted towards the graying skies outside the huge glass windows. It was a somber color, as if loneliness spoke in poetries in dark hues. So austere, so indifferent, yet so... melancholic.

Nalaman ko lang na umalis na ang doktor at ang kasama nitong nurse nang marahang bumukas ang pinto. At naiwan ako kasama ang isang babaeng may katandaan na.

"Naku, hija, wala pa si Jenna. Siya ang nagdala sa 'yo rito nang makita ka niyang bumagsak. Ako si Nanay Bennie, katulong ng pamilya Montemayor."

I couldn't speak properly. Mukhang nakuha niya naman ang gusto ko kaya agad niyang dinala ang isang baso ng tubig sa akin.

"I-Ilang araw na po ako rito?" tanong ko matapos uminom.

She looked worried, but a smile graced her face.

"Magdadalawang araw na. Nag-alala nga 'yong alaga ko, kasi akala niya'y 'di ka na magigising. Kakaalis niya lang para kumuha ng damit nang magising ka. Papunta na 'yon dito."

Sinubukan kong umupo. Pero parang nahihilo pa ako kaya wala akong ibang nagawa kundi humiga na lang ulit.

Lumapit naman ang matanda sa akin at inalalayan ako para maayos ang aking pagkakahiga. Tahimik lang akong nagpasalamat at muling pinikit ang mga mata sa pag-asang makakatulog muli. Pero bigo ako. Dahil ang tanging nasa isipan ko ay ang tanong na hindi ko alam kung paano ko sasagutin.

Ano na ang... gagawin ko ngayon?

Ayoko nang bumalik sa lugar na 'yon. Kasi sa bawat sulok, sa bawat bahagi ng bahay, naaalala ko ang mga nagdaang sandali at mga bukas na hinding-hindi na darating.

It was torturous having to live with the memories I had and I hoped to have every single day. Parang walang katapusan ang bawat araw. Parang kahit isang taon na ang dumaan, nandoon pa rin ako at tahimik na umaasa.

Pero saan naman ako pupunta?

Sigurado akong wala na akong babalikan pang trabaho, at ayoko na ring magtrabaho pa roon. Bahala na kung saan ako pupulutin ng kakarampot kong pera.

At nagising na naman ako sa panibagong umaga. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako kagabi sa dami ng iniisip ko.

"Gising ka na pala," rinig ko.

Naglakbay ang mga mata ko tungo sa kinaroroonan ng nagsalita. At doon ko nakita ang ngiti ni Jenna na ilang buwan ko ring hindi nasilayan dahil sa hindi namin pagkakaunawaan.

Napangiti na lang din ako habang pinagmamasdan ang mansanas na hinihiwa niya.

"Kumusta?"

"Okay lang," mahinang tugon ko.

"Mabuti naman."

Dinala niya ang lalagyan ng hiniwang mansanas at saka siya naupo sa isang upuang katabi lang ng hinihigaan ko.

"Wala pa ang breakfast. Pinadala ko na lang kay Nanay Ben kasi parang walang lasa naman mga pagkain dito, e."

"Tss. Hindi naman ikaw kakain. Nakakaabala tuloy."

She rolled her eyes lazily.

"Sige na. Ito na muna ang kainin mo," she pushed the plate towards me. "Hindi kita jowa kaya hindi kita susubuan. Sino ka naman diyan?"

Binalot ng tahimik na tawanan ang kwartong 'yon. Tinulungan niya naman akong makaupo nang maayos, na siyang ipinagpasalamat ko.

I turned to the windows once more and saw how the light built shadows after shadows. In different forms, in different places. It seemed to me that darkness goes where there is light.

"Hiniling ko minsan na sana... naging salbaheng tao ka na lang," biglang salita ni Jenna. "Para hindi mahirap na talikuran ka. Kasi bastos ka, e. mas madali ang mga bagay-bagay kung hindi ka mabait."

Ni minsan ay hindi ko nakitaan ng kabaitan ang sarili ko. Kaya ang marinig ang ganito mula kay Jenna ay nakakapagtaka at nakakamangha.

May nagawa rin pala akong mabuti.

"Pero tangina. Ang bait mo. Hindi ko alam kung bakit hindi mo 'yan makita sa sarili mo."

"Kasi hindi naman talaga ako mabait," tugon ko sa mahinang boses.

"Inuuna mo ang kapakanan ng ibang tao, minsan dumarating na sa puntong naiiwan mo na ang sarili mo sa ere para lang sagipin ang mga taong nalayo sa landas. Hindi pa ba 'yan mabait para sa 'yo? Kailangan mo pa bang kunin ang mga mata mo at ibigay sa iba para tawagin kang banal?"

Mahina akong natawa. Hindi dahil sa tuwa, kundi sa kadahilanang magkaiba kami ng pananaw.

Habang nakatingin pa rin sa labas bintana, sumagot ako.

"Hindi. Dahil hindi ko kailangang maging mabait. Hindi ko kailangan ng kahit na ano'ng patunay para sa kabutihang sinasabi mo tungkol sa akin. Kasi alam ko sa sarili kong makasarili ako."

Bumuntong-hininga siya.

"Aren't we all? We all end up being selfish of something we desperately crave for, Owie. That when we finally have it, we don't want to let go. Even if it suffocates us, even if it does nothing good to that one thing, we still hold on. Kasi sakim tayo, e. Makasarili. Ganoon ang tao."

"Kahit gaano kabukal ang puso mo, kahit gaano pa 'yan kabuti, darating ang panahong tatalikuran mo lang din 'yan para sa isang bagay. O 'di kaya'y... para sa isang tao. But that doesn't mean you're not kind. It isn't like that at all."

At ganoon nga ang nangyari.

Tinalikuran ko ang lahat para manatili sa akin si Asio. Kahit na sinasakal ko na siya, kahit na pareho naming pinapagod ang aming mga sarili, hindi kami bumitaw. Dahil buong akala ko, ganoon ang pagmamahal. Mananatili. Hindi susuko.

"Siguro nga mas mabuti kung hindi na lang ako sumugal, no?" tanong ko. "Kasi hindi naman ito ang gusto ko, e. Hindi ito ang buhay na inasahan ko. Iba. Ibang-iba."

At siguro, hindi nahirapan nang husto si Asio. Changing one thing doesn't change everything. But it would have been better for him, too. Siguro, hindi niya kinailangang lumayo."

"'Wag mong sabihing nagsisisi ka ngayon? Matapos ang lahat ng nangyari?"

Did I regret everything that happened between us in all those years? No. Because they were all beautiful. And they made me see life in all its beauty. They gave me hope. They were everything to me.

Pero hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang si Jenna na muling magsaita.

"Hindi masama ang magmahal, Owie. Sabi ng Mommy ko, 'yan naman daw talaga ang pinakamagandang bagay sa mundo, pagkatapos ng pera, syempre," biro niya. "Nagiging masama lang ang pagmamahal kung hindi ka na nito pinapalaya. Kung ang tanging ginawa na lang nito ay sakalin ka hanggang sa 'di ka na makahinga."

Dapat bang bumitaw na lang muna kami? Dapat bang... binitawan ko na lang muna siya? Maisasalba ko ba ang sarili ko kung ganoon?

Nag-init ang bawat sulok ng aking mga mata. At mas lalo kong inilayo ang aking mukha sa kaibigang kausap. Sapagkat ayokong nakikita ako sa ganitong ayos—mahina, malungkot, at malayong-malayo sa sarili kong determinado at matapang.

At sa pagpikit ko, naalala ko ang munting haplos ng marahang daliri ni Asio sa aking buhok, pinapatahan ako at paulit-ulit na bumubulong.

"Ayos lang maging mahina, Owie. Ayos lang. Walang titingin sa 'yo. Kasi lahat tayo, may kahinaan. Hindi mo kailangang ipakitang matatag ka sa mga oras na basag ka na," bulong niya.

Kaya sa muling pagbukas ng mga mata ko, hindi ko na napigilang umiyak sa harap ng taong hindi ako handang sukuan. Mabilis niya akong dinaluhan at niyakap. Hindi siya nagtanong. Ang tanging ginawa niya lang ay samahan ako.

That memory of Asio was repetitive. It never went away. And I used that moment a lot after I went out of the hospital. Whenever I needed to just cry, I remember. When I feel weak, I remember. When I feel like nothing is just going right, I remember.

His words were enough to remind me that being weak is okay. And every single time I miss him, I just close my eyes and he'll be right in front of me, wearing the same playful grin I have come to love.

Pero alam kong hindi maaaring ganito na lang ako palagi. Hindi ko pwedeng iwan muli ang sarili ko para sa mga taong hindi nanatili.

Hinahanap ko pa rin siya sa kung saan-saan. Pero 'di gaya ng dati na halos sa kalsada na ako tumira, ngayon ay kapag may pagkakataon na lang, kung hindi ako masyadong abala.

Pinagdarasal ko na lang sa bawat paggising at bawat pagtulog na sana'y nasa mabuti siyang kalagayan, kung nasaan man siya. Kasi tanggap ko nang... hanggang doon na lang talaga kami.

I can't keep chasing what's not for me. I have to love myself, too.

Mahal ko siya. At mananatili ang pagmamahal ko sa kanya. Subalit kailangan ko ring bigyan ng pagmamahal ang sarili ko.

"Hay naku, basta, huli na 'yon, ah? 'Wag mo na kaming bigyan ng sakit sa ulo, Owie. Alam naming may pinagdadaanan ka rin. Pero tayong lahat meron. Sana, konting konsiderasyon naman sa ibang tao," pangaral ni Ate Rizza, katrabaho ko.

Ganoon din ang sabi ng iba pang kasamahan ko sa akin matapos ang leave ko dahil sa pagkakasakit.

Ayoko nang bumalik pa rito. Pero wala ako sa posisyon para mag-inarte at mamili pa ng ibang trabaho. Kasi 'di rin naman siguradong may kukuha pa sa akin. Plano kong... umalis. At nag-iipon ako para roon.

Pinag-igihan ko ang aking trabaho. I worked so hard. But this time around, I'm doing it for myself alone.

Asio... kung nasaan ka man ngayon, ako muna, ah? Ako na muna. Masyadong masakit pa ang pag-iwan mo. Sapagkat pati ang sarili ko, napabayaan ko na nang dahil sa 'yo. Sana maunawaan mo ako, katulad ng paghingi mo ng pag-unawa sa akin.

Ako muna.

"Try mo kayang mag-apply ngayon sa pinagtatrabahuan ko? Mukhang okay naman na, e. Hindi naman masyadong istrikto. Para rin ma-practice mo na 'yang degree mo!" anyaya ni Jenna.

"Pwede rin sa amin, Owie! Sabihin mo lang," ngiti ni Ruth.

Tumango lang ako sa kanila, nag-aalinlangan at medyo kabado. Plano ko naman na talaga 'yon. Subalit dahil sa mga marahas na komento ng mga tao noon, parang naapektuhan na rin ang determinasyon ko.

"Hindi ko alam, e. P-Pero... susubukan ko."

Sumeryoso si Jenna.

"Dahil pa rin ba 'yon sa nangyari noon?"

Again, I nodded. A small smile showed on my face.

"Hindi 'yan. Maniwala ka. Siguro nadala sila sa pinalabas ng Aberasturi Group. Pero naniniwala akong okay na 'yon ngayon. Maniwala ka lang sa sarili mo, Owie."

Pumalakpak si Ruth.

"Tama! Kasi paano maniniwala ang ibang tao sa 'yo kung hindi ka maniniwala sa sarili mo?"

And so... I did. Kahit mahirap sa una, pinilit kong maniwala sa sarili kong kakayahan. Kasi tama sila. Paano ko makukumbinsi ang ibang tao tungkol sa sarili ko kung hindi ko yayakapin ang sariling pagkakamali at kakulangan?

I took multiple jobs again. I did anything just to have money. Gusto ko nang umalis sa lalong madaling panahon. Ipinagpapasalamat ko lang talaga na suportado ako ng aking mga kaibigan sa mga desisyon ko.

I didn't lose everything. I still have my friends. And thankfully, the world didn't take them away from me.

"Masyado mo na naman bang pinapagod ang sarili mo?" tanong ni Nay Jess.

Matapos ang ilang taon, ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataong bisitahin ako rito, kahit na malapit lang naman ang dati kong inuupahan sa bahay na 'to.

"Pasensya ka na, hija," pagpapaumanhin ni Tay Juancho. "Nagpunta kasi kami sa London! Nanatili kami roon kaya wala na talaga kaming balita sa mga nangyayari rito. Maayos ka na ba?"

"Ayos lang naman po," ngiti ko. "Nakakapagsimula na po ako ulit. Kayo po? Kumusta ang London?"

And they went on to tell me how much of the world they've seen, taking me with their words.

I realized right away that they've all moved forward steadily. Everything was changing, going with the flow of time. And it felt like I was the only one left behind.

Ang dami na ng napuntahan nila, ang daming naabot, ang daming napatunayan sa kanilang mga sarili. Samantalang ako, mga luha lang ang dumami at mas lumiit ang mundong ginagalawan ko.

Nay Jess gave me a warm smile. The lines on her face was becoming more evident. But she's happy. She possessed the kind of happiness I have always wanted. Peaceful and contented.

Marahan niyang hinagod ang aking balikat.

"Owie... hindi lahat ng bagay, naaayon sa paraang gusto mo," aniya. "Minsan, kahit ano'ng pilit natin sa mga bagay na gusto nating mangyari, kabaliktaran naman ang binibigay ng mundo."

"Paulit-ulit na po kasi, e. Kahit ilang beses kong sinasabi sa sarili ko na malalagpasan ko lang din, mabilis naman akong hinahatak pabalik sa mga pagdududa."

Tumango-tango siya.

"Siguro... kasi hindi 'yon ang gusto Niya para sa 'yo. Siguro'y binabalik ka lang niya sa daang para talaga sa 'yo."

At kasali ba roon ang pagkawala ni Tito? Ang pag-alis ni Asio?

Bakit hindi tayo nabibigyan ng pagkakataong pumili ng ating landas nang walang sinasakripisyo? Bakit kailangang may kapalit palagi?

"Gusto ko ang batang 'yon para sa 'yo," ngiti niya. "At kung may paraan man ang mundo para muli kayong ibalik sa isa't isa, magiging masaya ako para sa inyo."

It didn't make sense to me at all.

If it plans to make us end up together, why do we have to be apart? To grow? To think about things without the presence of the other? To learn?

Why can't two people do it together?

Bumuntong-hininga lang ako at tumingin sa malayo.

"Hindi ko po alam. Panahon na lang siguro ang makakapagsabi, Nay."

She nodded and said nothing more.

Umalis na sila pagsapit ng gabi. At masasabi kong naging magaan kahit papaano ang aking puso. Nakahinga ako nang maluwag, kahit na sa kaonting panahon lang.

Kasi alam kong sa oras na bumalik ako sa loob, maaalala ko na naman lahat. Maglalaro na naman sa aking isipan ang mga pagkukulang ko at ang mga pagkakamali. Maiisip ko na naman ang mga pagbabaka-sakali.

At ang tanging magagawa ko lang ay pilitin ang sariling matulog.

Days turned to months. It was swift. Almost unnoticeable. The seconds came without warnings. Minutes left me in awe. And hours didn't take too long to come.

"N-Nakita niyo po ba 'to?" tanong ko sa mga tao, pinapakita ang mukha ni Asio.

"Hindi po."

I was passing with time. I was fleeting.

"Pakitawagan na lang po ako, ah? Kung nakita niyo po! Salamat!" bilin ko sa pinagbigyan ko ng flyer.

Time is running under my hands this time. It didn't rush. It didn't slow down. It was steady. But the answers remained the same.

A year and 7 months. And I am missing you every day. Every single day, Asio.

When the night is deep and quiet, when meteors invade the unknowing skies, when the moon hides beneath the clouds, I think of you. And I wish for nothing but the best as the tears relentlessly fall.

Kahit gaano kasakit ang nangyari, hindi ko maatim na sisihin ka sa pag-iwan mo sa akin. Pero hindi ko masasabing hindi ako magagalit sa pagdaan ng panahon. Kasi nasaktan ako. Kasi sinaktan mo ako. Kasi... masakit pa rin ang pag-iwan mo nang walang pasabi.

"Salamat po sa lahat, Ma'am. Maraming, maraming salamat po. Hindi ko po kayo... makakalimutan," nanginginig kong sabi habang nakayuko.

Nanatiling tahimik si Ma'am Almendrez na nakaupo lang. Naiiyak ako dahil sa pasasalamat at sa takot na magsimulang muli sa ibang lugar. Pero kailangan kong gawin. Para sa sarili ko.

I don't know if I'll be hired in any company. But I think... I'll do just fine this time. Desidido na ako.

"Sigurado ka na ba talaga diyan?" tanong ng boss ko matapos ang mahabang pananahimik.

I smiled... and nodded.

Nakakatakot magsimula. Nakakatakot ang pagbabago. Pero kung hindi tayo magbabago at habang-buhay na mananatili sa mga bagay na nagdadala ng kasiguraduhan, paano tayo makakaahon?

Dumaan ang aking mga mata sa mga sulok, sa mga disenyong hindi makikita kung hindi mo lalapitan, sa kaonting alikabok na nadaadanan ng aking daliri.

I stood for the longest time in front of the house I shared with Asio and Tito Alejandro for years. May katandaan na pala 'to. Kinakalawang na naman ang gate. At ang mga bintana'y halata na ang alikabok. Hindi na rin ganoon katatag ang kahoy na nagsilbing haligi ng bahay.

Pero naging matapang ito sa lahat ng pinagdaanan ko. Saksi ang kalumaan nito sa lahat ng nangyari sa akin.

Paalis na ako. Dala ang lahat ng gamit ko. Dala ang lahat ng alaalang binigay nilang dalawa sa akin.

I can't help but let the tears fall down. Because I know I can never come back here.

"Ano, handa ka nang umalis?" tanong ni Jenna. "Tara na!"

Wiping the tears that escaped, I turned my back on everything else.

I promise to live for myself this time. And if... if the stars will align for us, to make a path out of supernovas, then I'd be waiting on the other side for you. Always. 

Continue Reading

You'll Also Like

253K 13.1K 60
[Politico 2] For Alunsina, life is a one-time shot. It's a one-time risk and a one-time drown into the open. She gives it her all and would never set...
602K 14.2K 123
an epistolary. Admiring her crush, which happened to be her cousin's friend, Savina Dione Morales got tired of remaining unnoticed for years. Sa hul...
156K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...