My Secret Admirer

נכתב על ידי sailor_dark

100 37 6

Meet Crystal, siya lang ang anak ng kaniyang mga magulang. Sa edad na 16 ay nagkaroon na kaagad siya ng compa... עוד

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26

CHAPTER 8

3 1 0
נכתב על ידי sailor_dark

CHAPTER 8

2 weeks later...

Ito na ang araw kung saan ilalaban ang basketball team namin at ito rin ang araw kung kailan mag peperform ang mga cheer leader.

Habang nasa isang room pa lang kaming mga cheer leader ay kinakabahan na ako. Huminga ako ng malalim at pinikit ko ang mata ko. Pagkabukas ko ng mata ko nakita ko si Xyver nakatayo sa pinto ng room kung saan lahat ng cheer leader ay nando'n. Tinaasan ko naman ito ng kilay bago ako lumapit dito.

"Anong ginagawa mo dito? 'Di ba dapat kasama mo ang ilang basketball players." Saad ko.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos niyang gawin 'yon ay binalik niya ang tingin niya sa 'kin.

"Wala, bawal na ba pumunta dito ang ibang basketball players?"

"May sinabi ako?"

"Wala." Sagot nito.

Ilang oras lang ay nagsimula na ang cheer dance, bago kami makapasok sa loob nag sign of the cross muna ako at pumasok na kami.

Hindi ko maiwasan na kabahan. Patuloy lang kami sa ginagawa namin, ihahagis sa taas at iikot, itatayo sa kamay sabay taas ng isang paa. May time na nahihirapan akong ibalance ang sarili ko pero ginagawa ko pa rin ang best ko.

Pagkatapos ng cheer dance ay lumapit agad sa 'min ang limang basketball player namin.

"Wow! Akala ko mahuhulog na si Crystal kanina buti nagawan mo ng paraan." Saad ni Dave.

"'Yan pa, magaling talaga gumawa ng paraan si Crystal pag alam niyang mahuhulog siya. S'ya rin nagtuturo sa 'min ng gagawin namin pag nangyari sa 'min 'yon. Saad ni Kesha.

Habang nag uusap-usap kami ay may lumapit sa 'kin na lalaki.

"Miss, ikaw ba si Crystal?" Tanong nito.

"Ako nga bakit?"

"May nagpapabigay pala, pakisuot na lang daw para hindi ka lamigin." Saad ng lalaki at umalis na.

Paper bag ang binigay niya sa 'kin at pagbukas ko may laman itong jacket kinuha ko ito at ipinatong lang sa balikat ko.

"Sa secret admirer mo na naman galing 'yan?" Tanong ni Jamaica.

"Siguro," Sagot ko.

Habang nagpapahinga kami ay naisipan naming magkakaibigan na manood ng basketball. Pumunta kami kung saan nakap'westo si coach at umupo kami sa tabi nito.

Habang naka upo at nanonood ako napapansin ko ang pagtingin sa 'kin ng isang basketball player na kalaban nila Xyver. Panay ang sulyap neto habang naglalaro sila. Hindi ko na lang pinansin 'yon at humarap kay coach.

"Coach, nasa'n 'yung towel ni Xyver?" Tanong ko.

Itinuro naman nito ang nasa tabi kong upuan na may nakasabit na towel. "'Yan 'yung towel ni Xyver." Saad ni coach.

Kinuha ko ito at ipinatong sa legs ko. Pagkatapos kong ipatong 'yung towel sa legs ko ay nagcellphone na lang muna ako.

Nagkaroon ng Time out ang laro kaya lumapit sa p'westo namin ang mga players ng school namin. Umupo sa tabi ko si Xyver, ibinigay ko naman ang towel niya na nakapatong sa legs ko kanina.

"Pa'no mo nalaman na sa 'kin 'to?" Tanong niya.

"Syempre nagtanong ako kay Coach." Saad ko.

Napatingin ako sa kalaban nila Xyver, nakita kong nakatingin na naman sa 'kin 'yung isang player nila. Napatingin ako kay Xyver ng ayusin nito ang jacket na nakapatong sa balikat ko.

"Kilala mo ba 'yung lalaki na 'yon, kanina pa nakatingin sa 'kin 'yon habang naglalaro kayo." Saad ko kay Xyver sabay tingin do'n sa lalaki at nahuli ko itong nakatingin sa 'kin.

Hinawakan ni Xyver ang isa kong pisnge at iniharap ako nito sa kanya.

"'Wag mo na siyang tingnan." Saad nito.

Tiningnan ni Xyver ang suot ko kaya napatingin din ako. Inayos n'ya ulit 'yung jacket na nakapatong sa balikat ko at inilagay niya ang towel sa legs ko. Pagkatapos ay kinuha niya ang kamay ko at hinalikan nito ang likod ng kamay ko bago ito tumayo.

"S'ya 'yung tumitingin sa 'kin." Saad ko at umirap.

"Yeak, i know." Saad ni Xyver. "Hayaan mo na lang 'wag mo na lang tingnan ako na lang tingnan mo."

Pagkasabi ni Xyver no'n ay kumindat ito at bumalik na sa court.

Pagkatapos ng laro ay nanalo sila Xyver, may laro pa sila next day. Pagkatapos ng laro nila ay agad na tumakbo sa 'kin si Xyver at agad naman akong umiwas dahilan para matawa ang mga kaibigan namin at ni coach.

"Xyver, sa tingin ko kailangan mo pang galingan." Natatawang saan ni coach.

Binalingan ako ng tingin ni Xyver at lumapit ito sa 'kin bago pa ito makalapit ay itinulak ko si Dave sa kaniya. Niyakap s'ya ni Dave habang natatawa. Umalis agad sa pagkakayakap si Xyver kay Dave, lumapit sa 'kin si Xyver. Nang makalapit na ito sa 'kin niyakap niya ako.

"Xyver, pawis ka," Saad ko.

"Gusto mo 'yung basketball player sa kabilang team na lang ang yumakap sa 'yo." Saad nito.

Hinampas ko ang likod nito at napadaing naman ito.

"Para sa'n 'yon?" Tanong nito habang inaabot niya ang kaniyang likod.

"Akala ko hindi magandang tingnan 'yung bigla-bigla ka na lang yayakapin ng lalaki." Mataray na saad ko.

Habang tinatarayan ko si Xyver ay may lumapit sa 'min at 'yon ang lalaking kanina pa tumitingin sa 'kin.

"Hi, miss, I'm Axel," saad ng lalaki.

"I'm not interested." Saad ko at umirap.

Lumapit na naman sa 'kin si Xyver at akmang yayakapin niya ako ng bigla kong batakin si Dave papunta kay Xyver.

"P're, bakit naman pati ako niyayakap mo." Natatawang saad ni Dave. "Alam kong guwapo ako pero p're 'di tayo talo."

"Mas guwapo pa rin ako." Saad ni Calvin.

Napailing na lang ako at lumapit sa dalawa kong kaibigan ngunit ng malapit na ako sa dalawa kong kaibigan ay may yumakap sa 'kin muna sa likuran.

"Xyver, pawis ka." Saad ko kay Xyver.

Umalis ito sa pagkakayakap at padabog na umupo. Tiningnan ko naman ito.

Nasa bahay na kaming tatlo at dahil sa boring ay tinawagan nila 'yung tatlong lalaki para pumunta sa bahay. Pumayag naman ako para may kasama kami.

Maya-maya lang ay dumating na ang tatlo. Si Xyver ay hindi ako pinansin kaya hinayaan ko na lang muna.

"Nood na lang tayo." Saad ni Kesha.

"Sige." Saad ni Jamaica.

Magkakatabi sila Kesha, Ashton, Benedict at Jamaica, sa isang mahabang upuan. Habang kami ni Xyver ay magkasama sa isang mahaba ring sofa. Hindi kami nag iimikan ngunit hindi rin niya natiis at yumakap si Xyver sa 'kin mula sa likuran.

"Ba't hindi mo ako pinapansin?" Tanong nito.

"Pa'nong hindi kita pinapansin? Baliw ka ba? Pagkatapos kong sabihin sa 'yo na pawis ka kahapon bigla ka na lang umupo ng padabog." Saad ko at sumandal sa dibdib ni Xyver.

"Sorry," Saad nito.

Hindi na ako sumagot at tinuon ko ang paningin ko sa pinapanood namin ng biglang tumunog ang cellphone ko. Umalis ako sa pagkakayakap sa 'kin ni Xyver at tiningnan ko ang cellphone ko. Gano'n na lang ang pagtataka ko ng tumawag si Zyron. Agad ko itong sinagot.

"Crys?"

"Oh?" Sagot ko.

"Punta ka dito sa condo ko." Saad ni Zyron sa kabilang linya.

"Bakit? Anong meron?" Tanong ko.

"Wala lang." Saad nito.

Agad kong pinatay ang tawag. Papapuntahin ako tapos wala lang. Nababaliw na ata 'yon.

Bumalik ako pagkakasandal sa dibdib ni Xyver at niyakap naman niya ako.

Pagkatapos naming manood ay nagutom kaming lahat.

"Magpadeliver na lang tayo." Saad ni Ashton.

"Libre n'yo." Saad ni Jamaica.

Nag iwas ng tingin sila Ashton at Benedict. Napatingin naman ako kay Xyver at sinamaan niya ng tingin 'yung dalawa.

"Kayo umorder ako magbabayad." Saad ni Xyver.

Agad namang umorder si Ashton. Dahil wala na naman kaming magawa sa bahay ay naghanap si Kesha ng bote at sinabi n'yang maglaro muna kami ng truth or dare.

Iniikot na ni Kesha ang bote at kapag minamalas ka nga naman sa 'kin unang tumapat 'yung bote.

"Dare," Saad ko.

"Yakapin mo si Xyver ng 5 seconds." Saad ni Kesha.

Napairap ako bago humarap kay Xyver at agad ko itong niyakap.

"1... 2... 3... 4..." Bilang ni Jamaica. "5..."

Pagkatapos kong yumakap kay Xyver ay napanguso ako. "Akin na nga 'yang bote." Saad ko.

Pagkakuha ko ng bote ay pinaikot ko ito at tumapat ito kay Kesha. Napangisi ako.

"Dare," Saad ni Kesha.

"Kayo na mag dare d'yan." Saad ko.

"Sabihin mo sa isang lalaki na mahal mo siya." Saad ni Jamaica.

Agad na humarap si Kesha kay Ashton at si Jamaica naman ay kinuha ang cellphone niya para videohan si Kesha at Ashton. Si Xyver naman ay niyakap na naman ako sa likod at hinayaan ko lang siya na yakapin ako.

"Mahal kita," Saad ni Kesha. Ngumiti naman si Ashton at kinuha ang kamay ni Kesha at hinalikan ni Ashton ang likod ng kamay ni Kesha.

Pagdating ng pinadeliver namin ay nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami ay napapatingin ako sa cellphone ko. Abala kami sa pagkain ng may biglang nagdoorbell kaya ako na ang lumabas at binuksan ko ang gate ng bahay namin.

"Ma'am kayo po ba si Crystal?" Tanong ng lalaki na halatang delivery rider.

"Opo, ako po. Bakit po?" Tanong ko.

May iniabot itong bulaklak sa 'kin at paper bag. Kanino naman 'to galing?

"Pinapadala po sa inyo." Saad ni kuyang rider.

"Ahmm... Kuya, kanino po 'to galing?" Tanong ko.

"Wala pong nakalagay na pangalan dito, ma'am." Saad ni Kuya.

"Gano'n po ba? Sige po salamat po." Saad ko.

Pagkaalis ni kuyang rider ay tiningnan ko ang bulaklak at ang paper bag na hawak ko. Pumasok na ako sa loob at sinarado ko na ang gate. Pagbalik ko sa bahay ay nakatingin sila sa 'kin at tumingin sila sa hawak kong bulaklak at paper bag.

"Kanino galing 'yan?" Tanong ni Kesha.

"Hindi ko alam." Saad ko.

Umupo ako sa sofa at inilagay ko sa lap ko ang bulaklak at may nakita akong sobre na nasa bulaklak kaya kinuha ko ito at binuksan.

Crystal

Magpapakilala na 'ko soon.

Your secret admirer.

'Yon lang 'yung sulat niya? Akala ko pa naman mahaba. Pagkatapos kong basahin ang nasa loob ng sobre ay binuksan ko naman ang paper bag at may laman itong isang t-shirt na naman na may nakasulat sa likod na letter "X". Napatingin ako kay Xyver dahil s'ya lang ang alam kong may "X".

"Sa 'yo ba galing 'to?" Tanong ko kay Xyver.

"Pa'nong magiging sa 'kin galing 'yan? Nakita mong nandito ako." Saad ni Xyver.

"Kasi may letter X dito sa t-shirt, ikaw lang naman naiisip ko na may X." Saad ko.

"Ako lang ba ang may X na pangalan?" Tanong nito.

Sabagay marami rin namang may X. Napabuntong hininga na lang ako. Ibinalik ko ang t-shirt sa loob ng paper bag.

Pagkalipas ng ilang oras naisipan na ng tatlo na umuwi. Ngunit 'yung dalawa kong kaibigan ayaw pa pauwiin 'yung dalawa kaya ayon hindi rin sila nakauwi.

Umakyat ako sa rooftop at tumingin sa malayo. Habang nakatingin ako sa malayo ay may yumakap sa 'kin mula sa likuran. Napatingin ako at si Xyver ang yumakap sa 'kin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Wala lang." Sagot ko.

"Iniisip mo ba 'yung secret admirer mo?" Tanong nito.

Bumuntong hininga ako. "Magpapakilala na daw s'ya soon." Saad ko.

"Handa ka na ba na makilala s'ya?"

"Hindi ko alam."

Pareho kaming natahimik. Ready na nga ba akong makilala ang secret admirer ko? Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib ni Xyver habang yakap ako nito mula sa likuran.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Sinundan kita." Sagot nito.

"Okay." Saad ko.

Natahimik na naman kaming dalawa.

"Pa'no kung 'yung secret admirer mo ay ako?"

"Hmm, edi okay para kilala na kita." Saad ko. "Sa totoo lang curious talaga ako sa secret admirer ko. Nagbigay s'ya ng singsing sa 'kin, ewan ko kung para sa'n 'yon."

"Singsing?"

"Oo, paulit-ulit." Saad ko.

"Sinusuot mo naman 'yung singsing?" Tanong nito.

"Hindi pa." Sagot ko. "Baka pagsinuot ko 'yon kung ano isipin mo."

"Hindi ako mag iisip ng iba maliban na lang kung sasabihin mo kung kanino galing 'yon at bakit ka binigyan no'n ng singsing." Saad ni Xyver.

"Baka kasi magselos ka at hindi ka na lang mamansin bigla." Saad ko at umirap sa kawalan.

"Bakit ayaw mo ba ng hindi kita pinapansin?" Tanong ko. "Ano naman kung magseselos ako, teka nga bakit ba ayaw mo ng nagseselos ako? May gusto ka rin ba sa 'kin?

המשך קריאה

You'll Also Like

177K 5.8K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
173K 6.4K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...