Hope Beyond Deprivation (Defi...

By InknHeart

2.6K 338 96

Hope Beyond Deprivation (DEFIANT SERIES #8) Safira Ellison was raised and lived all her life without the fan... More

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8)
Playlist
Chapter 1 : Comfort In The Midst Of Destitution
Chapter 2: Encounter
Chapter 3: Two Worlds Closer
Chapter 5: Beautiful Mess
Chapter 6: Contrite
Chapter 7: The Confession
Chapter 7.2: The Confession
Chapter 8: Soothe Behind The Darkness
Chapter 9: Be Helped
Chapter 10: Favor
Chapter 11: He's In The Hospital
Chapter 12: Cancelled
Chapter 13: Back At One
Chapter 14: Pain?
Chapter 15: Constantly
Chapter 16: Issue
Chapter 16.2
Chapter 17: Accusations
Chapter 18: The Untold History
Chapter 19: Confession
Chapter 20: Cherish
Chapter 21: Complications
Chapter 22: No Good In Goodbye
Chapter 23: Bid Your Last Goodbye
Chapter 24: Fate Vs Faith
Chapter 25: His Please
Chapter 26: On His Wedding Day
Chapter 27: After
Chapter 28: Réunion
Chapter 29: His Special Day
Epilogue
Probinsiyana

Chapter 4: First And First

92 14 4
By InknHeart


“Ano ba 'yan ate bakit may bawang' tong itlog?” Tinaasan ko ng kilay si Jeje. Kailanman ay hindi talaga niya gusto ang bawang.

“Gamot 'yan Jeje wag ka ngang maarte. Pag kumain ka ng bawang madaling gagaling ang mga sugat mo!” paliwanag ko. Napakamot naman si Jeje sa ulo niya.

“Eh? Wala naman akong sugat ate ah? Tsaka ulam natin' to.” Napailing na lamang ako at tinatamad na akong magpaliwanag sa kapatid ko.

“Tama na nga 'yan at kumain na lang kayo. Mabuti nga't may itlog at bawang pa tayo kaya magpasalamat kayo keysa puro reklamo!” pangaral ni mama. Umupo na ako sa monobloc dahil ako ang naunang umupo kanina.

“Oh kumusta' yong pag-aaral mo Jeje?” tanong ni Mama kay Jeje.

“Okaynanannahshshpohqmmamkasihahsj” tugon nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ilang ulit ko nang pinagsabihan ito na hindi magsalita basta may pagkain sa bibig.

“Don't talk if your mouth is full!” pangaral ko. Napapeace sign naman ito.

“Sorry ate hehe!”

Nagpatuloy na ako sa pagkain habang si mama naman ay tawa lang nang tawa.

“Hay naku kayo talagang dalawa itong kulitan niyo talaga ang mamimiss ko!” Napatingin naman ako kay Mama, “Saan ka naman pupunta ma?” tanong ko.

Nawala ang ngiti nito sa labi ngunit agad naman itong ngumiting muli, “Wala anak ang ibig kong sabihin sa tuwing naglalaba ako naalala ko kayo!” tugon nito.

Napatango na lamang ako pero alam kong may mali sa ngiti ni mama.

“Mauna na ako Ma!” paalam ko. Hindi naglaba si Mama ngayong araw at may PTA meeting sa eskwelahan nila Jeje.

“Sige anak, mag-ingat ka!” Kinuha ko na ang basket na lagi kong dala-dala, suman na naman ngayon ang dala ko.

As always dumiretso ako kina Aling Delia. Pagdating ko ay sarado naman. Naglakad ako patungo sa katabing tindahan nila Aling Delia, ang computer shop ni Kuya Adong. Lagi ako rito sa tuwing may ginagawa ako about school stuffs. Alam niyo na wala naman akong cellphone.

“Magandang umaga iha!” bati ni Kuya Adong saakin. Napangiti ako sa taas ng energy nito.

"Magandang umaga ho kuya Adong! Bakit po ba sarado sila Aling Delia?” Naglakad ako papasok sa computer shop ni Kuya at bumungad saakin ang mga batang kay aga naglalaro na.

“Naku iha! Nahospital ang anak ni Aling Delia kaya nama'y walang tao sa kanila!” balita ni Kuya Adong. Nalungkot naman ako at nahospital na naman pala ulit si Kuya Gimmy, siya ang anak ni Aling Delia.

Hay naku sayang naman ang benta ko. Napatingin ako kay Kuya Adong.

“Kuya Adong! Bilhin mo nalang 'tong suman oh!” saad ko sabay alok sa kaniya ng basket. Sana naman bilhin na ni Kuya para naman hindi na ako mahirapan mamaya.

“Naku naman iha birthday ng pamangkin ko kahapon at may suman pa ako! Pero para may benta ka pabili nalang ako ng lima!” Napangiti ako at agad kinuha ang limang suman mula sa basket ko at ibinigay kay Kuya Adong.

“Salamat po Kuya!” saad ko at naglakad na palabas mula sa computer shop. Tinanggap ko naman agad ang bayad.

“Ingat ka iha!”

Tumakbo na ako habang dala-dala ang basket ko. Marami-rami pa ito pero sigurado naman akong mauubos ito ngayon sa classroom.

Maraming mga sasakyan na kasabay ko sa pagtakbo. Wala naman akong pakialam. Napangiti ako nang makita ko na ang gate ng University. Salamat naman!

Hinihingal akong pumasok sa University. Bago ako tumuloy ay pumunta muna ako sa guard house. Bebentahan ko lang sina Manong.

“Magandang umaga ho!”

Napatingin naman saakin si Manong Andres at Manong Teodorico. Kilala na nila ako at naging routine ko na ang pagbenta sa kanila sa tuwing hindi pinapakyaw ni Aling Delia ang mga benta ko.

“Magandang umaga rin sa'yo iha!” balik bati ni Manong Teodorico. Ngumiti ako at inilapag ang basket ko sa lamesa nila.

“Oh ano naman 'yang benta mo?” tanong naman ni Manong Andres.

Ngumiti ako ulit bago sumagot, “Suman po. Masarap po' tong luto ni mama kaya bumili na ho kayo!” saad ko. Sales talk ang kailangan para makabenta ako. Pero tunay naman talagang masarap ang mga benta ko at luto ni mama eh!

“Sige mukhang masarap naman 'yan. Tig tatatlo kami iha.” Mas lalong lumapad ang ngiti ko habang kinukuha ang anim na suman mula sa basket. Ibinigay ko na sa kanila at binayaran naman ako nila ng isang daan na agad kong sinuklian ng kwarenta.

“Maraming salamat ho! Bukas ulit!” sigaw ko sabay kaway sa kanila. Naglakad na ako paalis at dumadami narin ang mga estudyante. Pinagtitinginan pa ako ng iba pero wala naman akong pakialam sa kanila. May mga tao talaga kasing porke't may kaya sa buhay eh mukhang sino na. Paano nalang kapag nawala na ang kayamanan nila? Hindi palaging masaya at komportable ang buhay.

Pero minsan naiisip ko, may magandang bukas bang naghihintay saakin? Sa tuwing nakikita ko kasi si Mama na sobra ang kayod ay naaawa talaga ako. Imagine? Araw-araw itong nagtatrabaho but still hindi parin kami makaangat. Pinakamasarap na yata naming ulam ang itlog. I'm not complaining dahil kontento naman akong makita lang ang pamilya ko na masaya pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko minsan na mag-isip na kung ipinanganak kang mahirap magiging mahirap ka habang buhay. Ewan ko.

“Benta mo ba 'yan Safira?” Pumasok na ako sa classroom at napangiti nang mapansin nila agad ang dala kong basket.

“Suman' to kaya bumili na kayo!” sigaw ko. Agad namang lumapit ang mga kaklase ko saakin at bumili. Hay salamat naman.

May natitirang apat na suman nalang.

“Good morning!” bati ni Joy sabay upo sa tabi ko. Napalibot naman ang tingin nito at nanlaki ang mata ng makita ang mga kaklase kong kumakain ng suman.

“Hala meron pa?” tanong nito. Tumango naman ako. Binili ni Joy ang dalawa kaya dalawang piraso ng suman nalang.

Dumating na ang professor namin sa biochemistry kaya nama'y nakinig ako nang maayos. Mahalaga para saakin ang pag-aaral ko at umaasa saakin si mama at ang kapatid ko. The only thing that I'm praying for is their happiness.

Today ay wala akong klase 10 hanggang 1 pm. Nasapo ko ang noo ko nang maalala ko ang task na binigay saakin ni dean. Pupunta pa ako sa engineering department ngayon at gagabayan ko pa si senyorito Apollo! Alam ko pa naman gaano ka gulo ang engineering department. Mostly sa mga bullies ay nanggagaling sa department nila.

“Saan punta mo Sasa?” tanong ni Joy ng mapansing ipinasok ko na lahat ng libro ko sa bag.

“May task kasing binigay saakin si dean. May gagabayan or like tuturuan akong estudyante,” paliwanag ko. Napatango naman ito.

“Oh sayang you can't go with me always na,” malungkot na saad ni Joy. Ngumiti ako sa kaniya sabay tapik ng balikat niya, “Magkikita pa naman tayo Joy. Don't worry baka iilang araw nga lang 'to eh.”

“Sige na go na Sasa at baka mapagalitan ka pa!” Sumaludo ako bago lumabas ng classroom at dala-dala ang basket at bag ko.

Tinakbo ko na naman mula sa department namin patungo sa engineering department.

Pagdating ko roon ay tila umurong ang paa ko at napakaraming mga estudyante. Break time rin nila ngayon kaya nasa labas din sila. Ano ba dapat sasabihin ko? Hay naku! Ngayon pa ako nahiya.

Lakas loob akong tumungo sa direksiyon nila at sinipat-sipat kung nasaan ba si Apollo. Hindi ko naman napansin sa grupo nila. Nasaan naba kasi 'yon.

“Wow! Little Red Riding Hood!” Napatingin ako sa isang lalaki, napansin pa talaga nito ako. Dahil siguro sa basket na dala ko.

“Nandiyan ba si Apollo?” lakas loob na tanong ko. Ipinapakita ko talaga sa kanila na hindi ako apektado sa ginagawa nila kahit halos matunaw na ako sa titig nila.

“Oh yaya ka ba niya?” tanong naman nong isa. Nagtawanan sila sa harapan ko pero hinayaan ko lang. Patience is a virtue Safira!

“Ano laman ng basket mo?” Hindi pa nga ako nakasagot ay inagaw na ng isa sa kanila ang basket ko. This time hindi ko na kaya 'to.

Lumapit ako sa lalaking may hawak ng basket at pilit na inaagaw sa kaniya ito pero dahil sa tangkad niya ay pinaglalaruan niya lang ako habang pinagtatawanan ako ng mga kasama niya.

“Suman girl ka pala eh!” Natatawang saad niya sabay kagat ng suman na hindi pa niya binabayaran. Uminit ang dugo ko sa ginawa niya! Jerk! Sana lamunin na siya ng lupa.

“Stop that.” Napahinto ang lahat at napatingin sa likod ko. Lumingon din ako at nagulat ng si Apollo pala ito. Seryoso itong nakatingin sa mga lalaking walang modo.

“Pay her or this will be your last day on this University.” Bakas sa boses nito ang awtoridad kaya nama'y ang lalaki sa harapan ko ay agad dumukot ng pera sa bulsa niya at ibinalik saakin ang basket. Takot ka pala kay Apollo eh! Tsk.

Pagkatapos kong matanggap ay nagulat ako nang hawakan ako sa kamay ni Apollo at kinaladkad ako paalis doon.

Nagpumiglas ako kaya binitawan niya ako. Sinamaan pa ako nito ng tingin.
“You're really want to flirt with them?” he asked. Inirapan ko siya bago bumalik sa mga kaklase niya at itinapon sa mukha ng lalaking walang modo ang ninety five pesos na sukli niya.

Naglakad na ako pabalik sa direksiyon ni Apollo. Bakas sa mukha nito ang gulat pero agad naman nitong nabawi agad.

“Give me the remaining suman,” saad niya at umiwas pa ito ng tingin. Tila nabingi ako sa sinabi niya. Ano raw?

“Ha?” tanong kong muli.

“Tsk!” tanging sagot niya at tuluyan na akong iniwan.

Continue Reading

You'll Also Like

13.1K 364 36
Adrienne Brey Lopez, a BS Health Sciences student in Ateneo de Manila University, have always build walls and held storm within her until he met Theo...
385K 25.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
3.7K 173 43
You're my first in almost everything but she was your first in your everything. I took the risk for you but I guess I was wrong, because my love can...
997K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞