The Devirginizer's Lady (COMP...

By pinkriverx

22.5M 329K 32K

Lagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si E... More

The Devirginizer's Lady
SIMULA
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE
TDL Series Books
Keep Updated
SOLD OUT/WARNING
NOTE
NOTE II

Chapter 20

371K 6.6K 562
By pinkriverx

                   

Chapter Twenty

"Stay"

"Come in." Bumungad sakin si Mishael nang pinindot ko ang doorbell sa gilid ng gate ng bahay nila.

Nakasimpleng black tshirt lang siya at white sweatpants. May towel pa na nakasabit sa balikat niya at mukhang bago pa siyang naligo dahil medyo basa pa rin ang buhok niya.

Pumasok narin ako. Sinarado niya ang gate at una siyang naglakad patungo sa front door ng malaki nilang bahay. Sinundan ko na lang siya.

"Kuya Mish? May bisita ba?" Papasok na sana kami sa bahay pero sinalubong kami ng pamilyar na batang may hawak na isang bola.

"Keep?" Ngiti ko sa kanya.

Pero sumimangot siya kaagad nang nakita niya ako.

"Oh.. It's you again." Tiningnan niya ako ng masama.

"Sinong bisita?" Pero nagulat ako nang biglang may lalakeng sumalubong rin sa amin. Pamilyar rin ang mukha niya.

Teka.. Kilala ko 'to ah?

"Kalyx, Athalia. Athalia, Kalyx. Pinsan ko." Ani Mishael.

"He's my kuya!" Sabi naman ni Keep at niyakap niya ang baywang ni Kalyx.

"Magkakilala na tayo diba?" Tanong ko, nakangiti.

"Yeah. I remember you." Tumango siya.

He has a perfect smile. Di ko maiwasang mapansin yun. At mas nakaka-attract dahil sa kanyang maliit na piercing sa gilid ng lower lip niya. Nakakulay blue siya na sando at may hawak rin siyang isang bola na kagaya kay Keep. Naka itim na shorts na panlalake at medyo magulo ang buhok. Natatanaw ko rin ang itim na earing niya sa isang tenga.

"Tara na sa loob." sabi ni Mishael in his usual tone at dumeretso na siya sa living room. Sumunod na naman ako.

"We'll be playing outside then?" Napalingon ako sa nagsasalita na si Kalyx.

"Just don't disturb us." Sagot ni Mishael.

"Tara na Kuya! Laro na tayo!" Sabi naman ni Keep sa kanyang kuya at lumabas narin silang dalawa pagkatapos.

Umupo ako sa sofa. Narinig kong nagbuntong hininga si Mishael habang nakapamulsa.

"They live here with me." Bigla siyang umimik, tinutukoy ata sina Kalyx at Keep.

"Aah.." tumango ako.

Biglang may kinuha siya mula sa sahig at inilapag niya sa center table. "Heto. The egg is perfectly fine."

Ipinakita niya sakin ang incubator at ang itlog na nasa loob.

"One month is almost over. Write your observations here and you can leave." Aniya at naglakad siya patungo sa isang kusina.

"Pero sabi ni Mr. Dao na masasabi na niya lang daw na pass na talaga tayo ay kapag naghatch na yung egg at buhay ang chick." Sabi ko.

"We'll pass." Kalmadong sinabi niya at lumabas na siya ulit mula sa kusina, may dala na dalawang baso ng juice.

"Inom ka muna." alok niya at nilagay niya sa side table ang baso.

"Thank you."

Kinuha ko na ang notebook ko at pen upang magsimula ng magsulat ng observations. Umupo lang si Mishael sa tabi ko at kinabahan ako kaagad. He's sitting next to me! Alam kong seatmate kami at one point sa school pero iba parin ito. I'm in his house!

Not to mention na naiilang parin ako sa kanya dahil dun sa nangyari sa bulletin board nung isang araw.

"Athalia.." Napahinto ako sa pagsusulat nang umimik siya.

Tumingin ako sa kanya. "A-Ano?"

"I just.. I wanted to say sorry." aniya. Umawang ang bibig ko.

"S-Sorry? about what?"

"Tungkol sa nangyari nung isang araw. I was talking nonsense at niyakap kita. Nahimatay pa ako at dinala mo pa ako sa clinic. And I had no idea about that picture." Umiling siya.

"Okay lang yun. Actually ako dapat ang magsorry kasi dahil sakin, nasali ka sa mga chismis na ganoon."

"I'm fine with rumors." Aniya. "And I know you're not that kind of girl Athalia." Tumingin siya sakin sa mga mata at natigilan ako.

"And if you really like that Eleven guy then that's your decision." Umiwas siya ng tingin.

"Just finish your work and leave." Bigla bigla lang siyang tumayo at naglakad patungo sa hagdan.

"Teka saan ka pupunta?" Tanong ko. Huminto siya at tumingin siya sa akin.

"I'm going back to sleep. Umalis ka lang kung gusto mo. You won't need help with that right?" Aniya at kahit hindi pa ako nakasagot ay tuluyan na siyang umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Eh?! Ano yun? Bakit ang moody niya? Nagsorry siya tapos biglang naging cold ulit? Di ko talaga siya magets.

At akala ko ba magtutulungan kami? I got my hopes up again.

****

Nang natapos na ako sa pagsusulat ay iniligpit ko na ang mga gamit ko. Tumingin ako sa hagdan at hindi parin talaga bumababa si Mishael. Bumuntong hininga ako. I guess I have to go home.

Tumayo na ako at kinuha ko ang aking bag.

"Hey? Going home?" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang pumasok sa front door si Kalyx.

"Yup, maliit na bagay lang kasi ginawa namin para sa activity eh." ngiti ko.

"So, where's my cousin?"

"Ah.. Nasa taas, matutulog raw." sagot ko.

"What? Haha.. Yung gagong yun talaga." Napailing siya.

"Sige aalis na ako."

"Ako na ang maghahatid sa'yo sa labas." alok niya. Umoo nalang din ako.

Habang naglalakad ay sumabay narin siya sa akin.

"Sorry 'bout my cousin. Alam kong medyo suplado yun at gago, pero may dahilan naman siya sa mga ginagawa niya kaya sana maiintindihan mo siya." Ani Kalyx nang nasa tapat na kami ng gate. Anong ibig niyang sabihin?

Tumingin ako kay Kalyx.

"Ganun ba talaga siya? Alam mo minsan hindi ko alam kung marunong ba yun ngumiti."

"Now that I think of it? Parang matagal tagal narin talagang hindi ko narinig yun na tumawa. Pero tao parin yung pinsan kong yun. May nararamdaman parin yun kahit maliit lang ang expression na pinapakita." aniya.

"Oo naman."

"Ah nga pala. Athalia, wala bang sinabi sa'yo si Mishael tungkol sa kung bakit siya biglang nahimatay nung araw na dinala natin siya sa clinic?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko. "Wala naman. Bakit?"

"Wala, wala. Just asking." ngiti niya.

"Oh sige aalis na ako. Nice meeting you again, Kalyx." Sabi ko. "Pakisabi rin ng bye kay Keep."

"Sure, I'll tell him. Nice meeting you again too, Athalia." aniya at tumalikod narin ako pagkatapos kong magbigay sa kanya ng isa na namang ngiti.

*****

Habang nagbibisikleta ako pauwi ay napabuntong hininga ako. Ano na ang gagawin ko ngayonng araw na'to? Kuya and my friends.. hindi pa ata yun nakauwi ang mga yun galing sa party. Mag-isa lang ako sa bahay. Hayy..

Pero biglang may nahagip ang mga mata ko.

Teka..

Si Eleven ba yan?

It's his car! Bumababa siya mula sa kanyang kotse na nakaparada sa kabilang sidewalk. Mag-isa siyang lumabas ng sasakyan.

I parked my bicycle at  agtago ako kaagad sa isang malaking poste para makita kung bakit siya bumababa. What's he doing here?

Nang tumingala ako ay tumambad sakin ang isang mataas na apartment building. Pinagmasdan ko kung paano naglalakad si Eleven at pumasok sa loob ng building na yun. Teka.. Dyan na ba siya nakatira ngayon? That's where lives now?

Kapag pupunta ng isang bahay o apartment mag-isa yan si Eleven, that's probably where he lives.

Nang nawala siya sa paningin ko ay nakahinga na ako ng maluwag. Tumingin ako ulit sa apartment building. Nakakailang pala isipin na nakatira na siya sa ibang lugar ngayon, and if it's that place, then I wonder how he's doing? Masyado lang siguro talaga akong nasanay na nakatira siya sa amin.

Nagbuntong hininga ako.

*****

Nang nakauwi ako sa bahay ay dumating na pala sina kuya at ang barkada niya. May iba't ibang dala silang bring house at nangangamoy alak na naman sila.

"Hindi ba kayo naligo bago kayo umuwi rito?" Tanong ko, tinatakpan ang ilong. "Maligo nga kayo! Mga nangangamoy hangover!"

Silang tatlo ni Kuya Jahleel, Moses at Dishon ang pinaka-mukhang hindi parin nakakaget-over sa party kagabi. Si Kuya Jahziel, he drank but he's fine, natutulog lang sa sofa.

"Good thing at may natitira pang matino sa inyong lima. Thanks talaga Zarethan sa paghatid ng mga lasinggerong yan rito ah?" Tumingin ako kay Zarethan na tahimik na nakaupo sa isang gilid.

"Walang problema." Ani Zarethan at nagpatuloy sa pagbabasa ng kanyang libro.

"Si Eleven pala?" Biglang umimik si Kuya Jahziel, nakapikit. Napahinto ako. "Nasan yun? Pagkatapos niyang maghatid sa'yo kagabi ay hindi na siya bumalik sa party."

Hindi na pala siya bumalik?

"Hindi ko alam." sabi ko.

Buong maghapon ay wala akong masyadong ginawa kundi magkulong sa kwarto ko, nagfefacebook, nagchachat ng mga kaibigan. Minsan inutusan rin ako nina Kuya Jahleel at Jahziel na kumuha ng tubig o ano. As if naman hindi nila kayang gawin iyon.

Tumingin ako sa relo ko at nakita kong bandang alas syete na pala. Ang bilis naman ng oras.

"Athalia!" Biglang tinawag ako ni Kuya Jahziel. Lumabas ako ng kwarto at bumungad sakin ang dalawa kong matatangkad na kapatid.

"Ano?"

"It's boys' night-out tonight, li'l sis. I'm afraid ikaw na lang mag-isa ang narito sa bahay buong gabi. Is it okay with you? Kung gusto mo may kasama, then I'm gonna stay here with you if you want." Ani kuya Jahziel.

Boys night out na naman? Hindi ba sila nakuntento sa party ni Kuya kagabi?

"Ah it's okay with me kuya. You guys have some fun. Don't worry 'bout me. Marunong naman akong maglock ng pinto at mga bintana." Tawa ko.

Sabay nilang gulo ang buhok ko.

"Ingat ka ah?" Ani Jahleel.

"May pagkain na sa ref. Eat already, it's almost 8." Ani Kuya Jahziel.

"Yeah fine." tumango ako.

Hindi rin nagtagal ay umalis narin sila at naiwan na naman ako mag-isa sa bahay. Lagi na lang talaga akong mag-isa ngayong mga araw na'to.

Ilang minuto lang at bored na ako sa bahay. Pinatay ko na lang ang tv at naisipang matulog na lang. Tumayo ako at naglakad patungo saking kwarto.

Pero nang papasok na sana ako sa kwarto... ay napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Eleven.

Napalunok ako. Everytime I see that door, hindi ko maiwasang maalala ko siya. Hindi ko alam, pero the next thing I knew, lumalapit na ako sa pintong yun at binuksan ko ito na para bang kusang kumikilos ang katawan ko.

Malinis ang kwarto niya at parang walang bakas na tumira siya rito ng ilang taon. Umupo ako sa kama niya at nagbuntong hininga.

Pero habang nakaaupo ako, ay may napansin akong parang.. parang may bagay sa ilalim ng kama. Kumunot ang noo ko. At nang tumingin ako sa ilalim ng kama ay nanlaki ang mga mata ko.

It's a painting! Isang malaking canvas ang nasa ilalim ng kama! Kinuha ko ito kaagad at nang nakita ko ang laman ng painting ay hindi ko namalayang tumulo kaagad ang luha ko.

It was my face. Nakangiti ako at mukhang napakasaya sa painting. It was unfinished, hindi pa tapos ang background. Pero kahit na ay maganda parin ang pagkapinta. It was detailed and perfect. So this is proof that Eleven really does know how to paint.

Tiningnan ko ang likod ng painting at nakita kong may sumalat kamay ni Eleven.

"I want this girl's smile to last forever. Even at the cost of my surrender.

-11Adanza"

Napaluha ako. Hindi ko alam pero hindi tumitigil ang mga luha ko. Lahat ng mga alaala ko sa kanya ay bumabalik. The times na iniinis niya ako, but all he was doing was to try and protect me and make me happy. The times na nangingialam siya but all he was doing was to try and keep me safe. Lahat ng ginawa niya ay mabuti pala para sakin but all I ever did was hurt him nang hindi ko man lang namalayan. Ang sama ko. Ang sama sama ko.

Biglang tumunog ang phone ko at nang binasa ko ang text ay si Rui pala.

From: Rui

Hoy girl alam mo ba? Nalaman ko lang ngayon kung sino yung naglagay ng mga picture mo dun sa bulletin board ng isang araw. It was those girls na umaway rin sayo the day before. They wanted revenge daw. Naku girl makakatikim talaga yung mga yun sakin! Wag kang mag alala!

Nang nabasa ko 'to ay mas lalo akong napaluha. Mas lalo akong kinakain ng aking consensya. Bakit ba kasi pinagalitan ko pa si Eleven?

Tumayo na ako kaagad at iniwan ang painting sa kanyang kama. Dumeretso ako sa aking kwarto para kumumuha ng jacket. It's Eleven's jacket. Nang natapos akong magbihis ay lumabas na ako ng bahay.

Pumara ako ng taxi at agad na sinabi ko ang address ng apartment building na nakita kong pinasukan ni Eleven kanina.

It's not too late isn't it? I can still make amends. I still have a chance right?

Nang huminto ang taxi ay nagbayad agad ako at bumaba. Pumasok ako sa apartment building.

"Excuse me po?" Sabi ko sa may receptionist. "Pwede po bang malaman yung number ng apartment ni Eleven Hezron Adanza?"

"Kaanu-ano niyo po siya, ma'am?" Tanong niya.

"I... I'm his visitor. Kailangan ko siyang makausap." sagot ko.

"I'm sorry ma'am pero umalis na po si sir kanina eh. Kasama niya si Ma'am Brooks?" Aniya.

Napaawang ang bibig ko. Magkasama sila ni Brooks?

"San naman sila pumunta?" Tanong ko.

"Hindi ko na po alam yan, Ma'am." iling ng babae.

Tumango ako at tumalikod. Lumabas ako ng apartment building at nanatili sa labas nito nakatayo.

He's with that girl again.. at night?

Umiling ako. Magkaibigan lang sila ni Brooks. I know that dahil sinabi niya sakin yan. I don't have to worry right?

I'll just have to wait here. Babalik rin yun si Eleven. Alam ko. Maghihintay ako rito.

Pero ilang oras na ang nakalipas at wala parin siya.

Pumatak ang ulan. Sumilong ako habang nasa labas pa rin ng gusali habang hinihintay si Eleven.

It's cold and raining but somehow I didn't care. Hinawakan ko lang ang jacket ni Eleven na suot ko. He'll be here soon, I know it.

At hindi nagtagal ay nakarinig ako ng busina. Isang pamilyar na tunog.

It was all blurry nang tumingin ako sa kotseng dumating. May lumabas nito, isang lalake. Nang makita ko na si Eleven ito ay hindi ko naiwasang lumabas sa ulan, nakalimutan na mababasa pala ako.

"Athalia?!" Nang nakita ko si Eleven ay napahinto siya sandali.

"What are you doing here? Come on, umuulan! Damn."

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming sumilong sa labas ng gusali.

"E-Eleven." Hindi man makikita ang mga luha ko dahil sa ulan ay alam kong umiiyak ako.

"Are you crying? What the hell happened Athalia?!" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

"Hinintay lang kita." Pinigilan ko ang sarili na humagulgol.

"What the? Kung hinintay mo ako doon ka na lang sana sa loob! How many times do I have to tell you to start taking care of yourself?!" Sigaw niya.

Niyakap ko siya kaagad at hindi ko na siya sinagot.

"A-Athalia.."

"Hinintay kita kasi gusto kitang makita." Sabi ko.

Natigilan siya.

"Nakakainis dahil kahit anong gawin ko ay maaalala kita. Alam mo iyon? Nakakainis dahil kahit umalis ka ay hindi ka umaalis sa isipan ko. Pakiramdam ko nababaliw na ako!" Sinuntok ko siya sa didib.

"At nakakainis dahil eto na naman tayo. Once again you did something good for me, but I only let you go! And I'm here because I want to say sorry. Sorry dahil naging makasarili ako. Sorry dahil hindi kita binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag. Sorry sa mga sinabi ko sa iyo noong araw na iyon. Hindi ko naman sinadya na..." Hindi ko na napiligan ang sarili ko na humagugol.

Niyakap niya ako. I dug my head into his shoulders.

"Eleven, I'm sorry." Humagulgol ako sa kanyang balikat at hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Athalia, look at me. Thank you for apologizing, but it's getting late. At ang basa-basa mo. I'll take you home."

"Dito ka na ba nakatira?" Tanong ko.

Tahimik siya na tumango.

"Can't you stay in our house again?"

"You want me stay even after you tell me go away?" Tanong niya, nakaigting muli ang panga. I saw the pain in his eyes. "Stop being too cruel, Athalia."

"I'm not being cruel Eleven." kumalas ako mula sa yakap ko sa kanya. Kinuyom ko ang aking mga kamay. "I want you stay dahil gusto kong nasa tabi kita. I want you to freakin' stay with me because I can't take it that you're too far away! Okay? Damn it Eleven! Gusto kong manatili ka sa tabi ko dahil gusto kita!"

Continue Reading

You'll Also Like

560K 17.7K 41
In the middle of my chaos, there is you. The only question is, am I ready to hold the thorns just to win the Rose? -Lego Marcelo
6.2M 171K 57
Nasanay si Vaughn na nakukuha ang lahat ng kanyang gusto. Nang makilala niya si Natalia ay naranasan niya ang matanggihan. Ang isang club stripper...
2.8M 66.2K 40
Dr. Love and Mr. Cupid. Iyon ang bansag kay Dr. Mark Mendoza ng mga kaibigan niya. Ngunit sa kabila ng mga naging kontribusyon niya sa lovelife ng mg...
729K 26.1K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.