AE One Shots (Angeline Quinto...

By writexpluma

2.2K 89 26

Random one shots and songs inspired stories of Angeline Quinto and Erik Santos. More

This I Promise You
All My Life
Erik's Birthday

Forever

605 24 5
By writexpluma

Song: Forever by Angeline Quinto and Erik Santos

Flashbacks

______

We've come so far
To leave it all behind
I wonder why

Her POV

" ...That footage that showed your interview with Kris and Mina, you were talking about Erik Santos. Once and for all, dito sa The Buzz. Ano ba talaga? Ikaw ba talaga ay papunta na kayo doon? Nakakita ka, nakakilala ka ng iba? Uhm, minsan mahal mo si Erik, minsan hindi, or gusto. What is your story?" mahaba at seryosong tanong sa akin ni Tito Boy.

Ilang segundo akong natahimik upang buuin sa isip ko ang isasagot sa tanong na iyon. Sa totoo lang ay dapat nga sanay na ako sa tanong tungkol sa relasyon namin ni Erik dahil tila ba hindi na ito mawawala sa tuwing maiinterview kami, magkasama man o magkahiwalay. Ngunit tila ba lagi pa ring nabablanko ang utak ko at hindi alam ang sasabihin kahit alam ko naman sa sarili ko ang tamang sagot.

Walang kami.

"Erik Santos po uhm... I consider him as my next level friend?" bahagya namang natawa ang mga nanonood sa studio sa naging sagot ko. Tila hindi pa nga ako sigurado.

Next level friend?

Shuta, Angge, ano ba yang pinagsasasabi mo? May ganoon ba?

"Okay. So, anu-ano ang mga lebel ng friends? Next level friend. Hindi boyfriend, hindi ordinaryong friend. Next level friend." Follow up na tanong ni Tito boy na tila ba gustong maintindihan kung ano nga ba ang 'next level friend' na sinasabi ko.

"Next level, kumbaga kung anuman po ang mangyari after nito— yung nangyayari sa amin ngayon, okay naman ako at alam niya naman po yun"

Alam nga ba ni Erik? O pilit ko lang pinapaniwala ang sarili ko na alam niya ang nararamdaman ko kahit ang totoo ay hindi ako nagsasabi sa kanya. Siguro ay nakampante lang ako na kahit hindi ko sabihin ng direkta sa kanya ay alam niyang mahalaga siya sa akin at isa siya sa importanteng tao sa buhay ko ngayon.

"Sandali, sandali! So, kung anong nangyayari sa inyo ngayon, kung saan mapunta, okay ka?"

"Yes po" sagot ko kay Tito boy kahit ang totoo niyan ay natatakot ako sa kung saan nga ba patungo ang meron sa amin ni Erik ngayon.

"So, ano yung ine-expect mo o ano ang mga posibleng mangyari?" Tanong ulit sakin ni Tito Boy

Tito Boy naman, pwedeng next question na lang? Change topic na tayo kasi kahit ako ay hindi rin alam kung ano ang mga posibleng mangyari sa aming dalawa.

Masyado pang magulo ang utak ko at ang puso ko, at ayaw kong pasukin ang isang bagay na alam kong may masasaktan ako, lalo na kung si Erik yon.

"Boyfriend-Girlfriend" mahina kong sagot at kasunod non ay ang tawang nagpapakita na kinilig din ako sa sinabi ko.

Naghiyawan naman ang mga tao sa loob sa naging sagot ko. Alam kong magdudulot na naman ng kalituhan ang naging sagot ko sa aming dalawa ni Erik lalo na't alam kong mapapanood niya ang interview kong ito. Pasenya ka na, Pogs, hindi ko na lang talaga alam ang isasagot ko kay Tito Boy para matapos na to.

"Ahh talaga? Okay, nasaan ngayon yan? Papunta ba doon sa pagiging boyfriend-girlfriend?" Patuloy pa ring usisa ni Tito Boy.

"Ah depende po kay Erik kung itutuloy niya yon"

Talaga ba, Angge? Depende ba talaga kay Erik o depende talaga sa'yo? Jusko bakit ba ako nakikipagaway sa sarili ko?

"Hindi, pero meron ka raw iba na nakita at nagustuhan. Is that true?"

"Tito Boy, dati pa yon"

"Ahh dati pa yon?"

"Opo"

"Naudlot yon? Natuloy ba yon?

"Hindi po. Hindi ko po sinagot kase"

"Dahil? May kinalaman si Erik sa di mo pagsagot?"

"Malaki yung kinalaman niya" seryoso kong sagot kay Tito Boy na umani ng ngiti at hiyawan sa mga nasa loob ng studio.

Totoo naman. Pilit ko mang itanggi sa sarili ko, hindi ko naman siya maloloko na wala lang si Erik. Hindi man ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya ngayon, isa lang ang sigurado ako, mahalaga siya sa akin.

Nagpatuloy pa ang interview na halos lahat ay may kinalaman sa akin at kay Erik at sa relasyong meron kaming dalawa. Minsang umaani ng sigawan ang ilan sa sagot ko at aaminin ko, maski ako ay kinikilig rin sa mga sinasagot ko kay Tito Boy.

Isang linggo pagkatapos ng interview ko with Tito Boy ay nandito ako ngayon sa isang dressing room sa isang mall para magpromote ng album. Sa loob ng isang linggo na iyon ay hindi pa kami nagkikita ni Erik kaya hindi ko alam kung napanood niya na ba yung interview. Hindi rin naman sumasagot sa mga texts ko. Aba, wala naman akong sinabing masama sa interview, kaya kung magiinarte siya diyan, bahala siya sa buhay niya.

"Hi, sexy"

Para naman akong tinakasan ng kaluluwa ko nang may magsalita malapit sa tenga ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang pagkagulat. Hinarap ko sa salamin ang kung sino mang demonyo ang bumulong sakin. Nagulat naman ako nang makita ang isang taong hindi ko inaasahan na nandito ngayon.

Si Erik.

Ang gwapo namang demonyo nito.

Pinitik ko ang noo niya nang makita ko na kinindatan niya ako mula sa salamin. Sobrang magkalapit ang muka namin na halos kulang na lang ay magkapalit kami ng muka.

"Aray naman, Ge. Ikaw talaga napaka mo." Sambit niya habang hinihimas ang noong pinitik ko.

Natawa naman ako na naging sanhi ng pagsimangot niya lalo.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya dahil hindi naman siya dapat nandito. Hindi naman sa bawal siyang pumunta, nakapagtataka lang na nandito siya ngayon pagkatapos niya akong deadmahin ng isang linggo.

"Bakit, bawal ba ako dito? Gusto ko lang naman i-cheer at panoorin yung idol ko. Kakanta kasi siya mamaya. Alam mo, sobrang ganda non at sexy tapos mahal ko pa" sambit niya sabay kindat ulit sakin mula sa salamin.

Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Oo na, kinikilig ako.

"Kinilig ka?" tanong niya sakin nang tumayo na ako mula sa pagkakaupo at hinarap siya.

Hinawakan niya ang bewang ko at pinulupot ko naman ang mga kamay ko sa leeg niya. Tiningnan ko siya nang mabuti habang may nakaguhit na malapad na ngiti sa kanyang muka at kitang kita ko ang ningning sa mga mata niya. 

Dahan dahan akong tumango upang sagutin ang tanong niya sa akin at marahan kong sinandal  ang noo ko sa noo niya. 

"Namiss kita." pagamin ko sa kanya. Mas lalong lumapad ang ngiti sa kanyang muka. Ipinikit ko ang mata ko nang maramdaman kong dahan dahan nang pinaglalaruan ng ilong ni Erik ang ilong ko. 

"Edi epektib pala yung pagpapa-miss ko kasi namiss mo ako." napamulat naman ako sa sinabi niya at mahinang natawa. 

"Alam mo, Pogs? baliw ka na" natatawa kong sabi sa kanya.

"Baliw sa'yo"

Why did you go away
You left me all alone

"Will you be my girlfriend, Angeline?"

Biglang nablanko ang  utak ko at naestatwa sa kinatatayuan ko. Inilibot ko ang paningin ko sa may pool area ng bahay ko. Napakaganda ng pagkakadekorasyon sa paligid. May mga ilaw na mas lalong nagpaliwanag sa paligid, mga talulot na nakakalat sa sahig, at si Erik na nasa harap ko at hawak hawak ang mga kamay ko. 

Tumulo ang mga luha sa mata ko nang mabalik ang tingin ko kay Erik. Ang malapad na ngiti sa kanyang muka ay mabilis na napalitan ng mapait na ngiti nang makita niya ang mga luha na tumutulo sa mga mata ko. Marahan niya akong hinila palapit sa kanya at pinunasan ang mga iyon bago ako niyakap. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Pogs, I'm sorry. Sorry" 

Paulit ulit akong humihingi ng tawad sa kanya at paulit ulit niya ring binubulong sa akin ang mga salitang 'It's okay. Okay lang, Angge' habang dahan dahan niyang hinahagod ang buhok ko. Alam ko namang hindi yun okay, hindi yun kailanman magiging okay. 

Ilang beses na ba? Ilang beses ko na ba siyang nasasaktan sa tuwing tinatanggihan ko ang tanong niyang yon? 

I'm sorry, Pogs. Mahalaga at importante ka sa akin, pero hindi pa ako handang pumasok sa isang  relasyon na hindi ako sigurado. Ayaw ko lang na mas lalo kitang masaktan kapag hindi ko nasuklian ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. Kaya sana'y mahintay mo pa ako. Sana'y hindi ka pa mapagod. Sana'y hindi ka pa magsawa.

"Handa akong maghintay, Ge, kahit gaano pa katagal. Hihintayin kita hanggang sa maging handa ka na. Hanggang sa kaya mo na ulit buksan ng buo ang puso mo at papasukin ako. Maghihintay ako hanggang sa kaya mo na rin akong mahalin, ng walang duda, walang pagdadalwang isip, walang iniisip pang iba. Maghihintay ako, Angeline." sambit niya sa akin na tila ba nababasa niya ang nasa isip ko. 

"Pogs" yun lamang ang mga katagang lumabas sa bibig ko.

Marahan niya akong kinalas mula sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan ang mga mata ko. Kahit hindi niya sabihin, alam ko at nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya.

Nasaktan ko siya. 

"Erik, I'm sorry" wala na akong ibang masabi kundi ang humingi lang ng tawad sa kanya. Dahil alam kong kahit ano pang sabihin ko ay hindi na non mababawi ang sakit na dinudulot ko sa kanya, dinudulot ko sa aming dalwa. Kung kaya ko lang sanang maging matapang, kung hindi lang sana ako takot sumugal.

"Please, don't. Huwag kang magsorry sa akin, Angge. I want this, I want you. And you don't need to say sorry for not wanting the same thing, yet. Naiintindihan kita, naiintindihan ko ang mga rason mo, okay?"  malumanay niyang sambit sa akin habang hawak hawak ang pisngi ko at marahang pinupunasan ang mga luhang patuloy pa rin ang pagpatak sa mga mata ko. 

"Please, promise me na hihintayin mo ako, Pogs." mahina kong pakiusap sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pagiyak. 

Marahan niyang hinalikan ang noo ko bago niya ako tingnan muli.

"I promise, I'll wait for you, Angeline"

No words can say
My love please stay

" ...Jamie-Lee Faulkner, Ms. Great Britain, noong nakaraang Ms. Universe. May mga taong nagsasabi, ay yun pala ang dahilan kung bakit hindi guest si Angeline sa concert ni Erik at marami pa pong iba. I ask you today, do you know her? Nililigawan ba 'to ni Erik? What are your thoughts? Anong nais mong sabihin?" sunod sunod na tanong sa akin ni Tito Boy.

Matipid naman akong ngumiti upang hindi nila makita ang totoo kong nararamdaman tungkol sa mga tanong na iyon.

Saglit akong natahimik na tila ba hindi ko alam ang isasagot.

Biglang lumabas sa malaking screen ang isang instagram post ni Erik na nakakuha sa atensyon namin lahat.

"Iyan po ba yon?"

"Iyan" turan ni Tito Boy atasaka binasa ang caption ni Erik sa post na naka-flash din sa malaking screen.

Tinititigan ko lamang mabuti ang nasa screen habang pinapakinggan ang pagbabasa ni Tito Boy. Parang sinasaksak ang puso ko ngunit hindi ko naman yon maaaring ipakita sa kanila kaya naman mapapait at tipid na ngiti lamang ang naibibigay ko.

"Si Jamie-Lee" masigla kong sambit para maitago ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Si Jamie-Lee, oh kilala mo naman pala, eh"

"Hindi, nabasa ko po, eh. Tito Boy naman." pagbibiro ko na nagsanhi ng pagtawa ng mga tao sa loob ng studio.

Sige lang, Angge, fake it till you make it. Idaan mo na lang sa biro para hindi nila mahalata na ang totoo ay parang sinasaksak ang puso mo sa ideyang may ibang babae ang nalilink kay Erik ngayon na tila ba nagugustuhan rin ng mga tao. 

"Alam mo ikaw. Sige, ang iyong reaksyon?" tanong ulit sakin ni Tito Boy.

Nasasaktan po ako Tito Boy. Yun sana ang gusto kong sabihin ngunit alam naman natin na hindi ko yun maaaring gawin. Kaya kahit masakit ay pinilit ko pa ring ngumiti habang sinasagot ang tanong sa akin.

"Kung nagkakamabutihan naman sila ni Erik, eh siguro ito po yung panahon na mas gusto ni Erik ang foreigner." muli na naman silang natawa sa naging sagot ko. "So, ako naman, kung gusto niya yon siyempre pareho naman nating mahal yon" 

"Oo naman. Ginagalang mo naman ang kanyang choice?"

"I'm sure sasabihin naman non sa akin kung sakaling.."

"Wala naman?"

"Opo"

"I asked him and he said, they're just friends"

"Mabuti naman po" pabiro kong sagot kay Tito Boy kahit ang totoo ay may laman naman talaga ang sagot kong yon.

Nagpatuloy pa ang interview namin ni Klarisse with Tito Boy. Pagkatapos non ay agad naman na kaming bumalik sa dressing room upang makapagayos at makauwi na. Pinauna ko na si Klarisse sa pagbalik sa dressing room dahil gusto kong daanan si Erik sa dressing room nila, alam kong nandito din siya ngayon dahil may taping din siyang gagawin. Ngunit, bago pa man ako makapasok sa loob ay nakita kong bukas ang pinto at rinig kong may kausap siya sa loob kaya naman napagpasyahan kong manatili na lang muna sa labas hanggang sa matapos sila ng kausap niya. Ngunit, tila ba maling mali ang desisyon ko na manatili doon.

"Uyy, balita ko may bago kang pinopormahan ngayon, ah. Yung Ms. Great Britain ba yon? Paano si Angge niyan?" rinig kong tanong ng kausap niya sa kanya.

Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Erik mula sa loob bago sinagot ang tanong sa kanya.

"Baliw ka. Wala lang naman yon, kaibigan ko lang yon si Jamie-Lee. At si Angge, alam mo namang hanggang ngayon naghihintay pa rin ako sa kanya"

"Pero, Erik, ito payong kaibigan lang, ha. Kita ko naman na masaya ka rin sa tuwing magkasama kayo nung Jamie-Lee, tingnan mo nga, oh, ang lapad din ng ngiti mo sa tuwing binabanggit mo siya. Ang sa akin lang, hindi ka ba napapagod kakahintay kay Angge?  Ilang beses ka na niyang ni-reject, hindi ka ba nagsasawa? Kung pinanghahawakan mo na lang siya dahil ayaw mo siyang masaktan at dahil nangako ka sa kanya na hihintayin mo siya, naku, Erik, tigilan mo na. Pareho lang kayong masasaktan kapag ganyan"

Para namang dinudurog ang puso ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng kausap ni Erik. Totoo ba, Pogs? Nananatili ka na lang ba talaga dahil ayaw mo akong masaktan? Nagsasawa ka na ba? Pagod ka na ba? 

Mahal mo na ba siya?

Panandalian silang nabalot ng katahimikan sa loob, Sobrang bilis ng pintig ng puso ko, tila ba takot siya sa kung ano ang magiging sagot si Erik.

"Siyempre nakakapagod din na maghintay sa kanya..."

Tila ba paulit ulit na sinasaksak ang puso ko sa narinig ko kay Erik. Agad na akong umalis sa lugar na iyon at hindi na tinapos ang pakikinig sa mga sasabihin niya pa. Hindi naman ako martyr at tanga para lalong saktan pa ang sarili ko. Sapat na ang narinig ko para matauhan ako na hindi na ako ang nakakapagpasaya sa kanya, hindi na ako ang mahal niya. Dahil ang totoo naman talaga ay puro sakit at rejection lang ang ibinibigay ko sa kanya. 

Saglit akong huminto sa harap ng dressing room namin atsaka nagpunas ng luha. Kinalma at inayos ko muna ang sarili ko bago pumasok sa loob. Sakto namang paalis na si Klarisse at nagkasalubong kami sa pinto.

"Oh, Angge, mauuna na ako, ha. Kumusta si Pogs mo? Nakausap mo na ba?  Ano, kailangan mo ba ng back-up para sa Jamie-Lee na yon? Ang payat lang non, Ge, madali lang bubulagta satin yun." 

Natawa naman ako sa naging biro ni Klarisse. Tingnan mo to kung makapagsalita, akala mo naman ang laki din ng katawan. Napailing na lang ako sa kanya, mabuti na lang talaga at may mga kaibigan ako na kayang pagain ang loob ko kahit hindi ko na hingiin

"Sira ka. Hindi ko pa nakikita, baka nasa taping pa" pagsisinungaling ko sa kanya.

"O sige mauna na ako, ha. Basta sabihin mo lang kapag need na patumbahin yung si Jamie-Lee, madali lang yon" pahabol pang sabi ni Klarisse bago tuluyang lumabas ng dressing room.

Pagkalabas niya ng dressing room ay agad na akong naupo sa harap ng vanity ko. Ako lang magisa ngayon dito at hindi ko na napigilan na muling maiyak nang maalala ko na naman ang naging interview namin kay Tito Boy kanina at ang narinig ko mula sa dressing room nila Erik.

Nagpahid lang ako ng luha at nagayos ng sarili nang marinig ko na may kumatok sa pinto at agad na pumasok. Tinignan ko mula sa salamin kung sino ang pumasok at tila tumigil ang mundo ko nang makita kung sino ang iniluwa ng pinto.

Malapad ang ngiti niyang lumalakad papalapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi nang makalapit na siya ng tuluyan. 

"Kumusta ang interview niyo with Tito Boy?" kaswal niyang tanong sa akin na tila ba wala lang nagyari sa dressing niya kanina.

Bakit ka ba ganito, Erik?  Bakit ba nagtitiis ka pa rin sakin kung pwede ka namang bumitaw na lang?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo atsaka ko siya hinarap. Tinitigan kong mabuti ang muka niya; ang makikinang niyang mga mata, ang matangos niyang ilong , at ang mapula niyang labi. Mapait akong napangiti. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa kanyang muka, mula sa malapad niyang pagkakangiti ay napalitan iyon ng pagaalala

Agad niya akong nilapitan at hinawakan ng dalawa niyang kamay ang mga pisngi ko. Niramdam ko lang ang marahan niyang paghaplos sa pisngi ko, kung ito man ang huling pagkakataon na magagawa niya to sakin, hindi naman siguro masamang lubusin ko na. Kaya naman hinawakan ko din ang isa niyang pisngi at marahan kong nilapit ang muka ko sa kanya atsaka ko siya dahan dahang hinalikan. 

Kahit alam kong nagtataka siya sa nangyayari ay hindi siya nagalinlangan na tugunan ang mga halik na ibinibigay ko sa kanya. Muli na namang tumulo ang mga luha sa mata ko, kaya naman agad siyang napabitaw sa halikan namin ng siguro'y maramdaman niyang umiiyak ako.

Iniharap niya ako sa kanya at agad niyang pinunasan ang mga luhang pumapatak sa mata ko.

"May nangyari ba? Anong problema, Angge?" nagaalala niyang tanong habang patuloy pa rin siya sa pagpahid sa mga luha ko. 

"Itigil na natin to, Pogs."

Bahagya siyang natigilan at nagtataka akong tiningnan sa mata, sinisigurado kung tama ba siya ng pagkakarinig sa sinabi ko.

"Hindi kita maintindihan, Angeline" 

"Ito, kung ano man ang meron sa atin dalawa. Itigil na natin, Erik. Let's stop this. Let's stop hurting each other." turan ko sa kanya at agad na tinanggal ang mga kamay niyang nasa pisngi ko at bahagyang umatras upang magkaroon ng espasyo sa paggitan naming dalawa. 

"Ano? Why are you suddenly saying that? May mali ba akong nagawa? Did I hurt you?"

I can feel pain in his voice while he's saying those words. Tagos sa puso at kaluluwa ko ang lungkot sa boses niya.

"Kung natatakot kang masasaktan mo ako, Erik, huwag kang magalala kasi okay lang. Kung nandito ka lang dahil gusto mong panindigan yung pangako mo sa akin na hihintayin mo ako, pwede ka nang tumigil. Okay lang sakin, Erik. Matatanggap ko naman."

Mapait kong sabi sa kanya dahil ang totoo ay hindi yun okay sa akin. Kailanman ay hindi ko matatanggap na meron ng iba. May iba na.

Saglit niya akong tinitigan na tila ba nagtataka sa kung anong sinasabi ko.

"Were you there? Did you hear us talking?" tanong niya habang humahakbang papalapit sa akin at ako naman ay humahakbang paatras.

"Hindi naman yun ang point ko, Erik. Ang sa akin lang, kung pagod ko na, pwede ka naman nang tumigil. Hindi naman kita pipigilan kung may iba ka ng gusto"

Nagulat ako ng maramdaman ko ang pader sa likod ko. Wala na akong aatrasan. Muli akong tumingin kay Erik na ngayon ay nakalapit na ng tuluyan sa akin.

"And how did you know na may gusto na akong iba? She's just a friend" turan niya at itinukod ang dalawa niyang kamay sa pader sa magkabilang gilid ng katawan ko. Ngayon ay wala na talaga akong takas sa kanya.

"Dahil nakita ko kung paano mo siya tingnan, Erik. At alam kong may kakaiba sa mga tingin na iyon" sambit ko habang nakikipagsukatan ng tingin sa kanya.

"At ano naman kung tinitingnan ko siya? I have eyes, Angeline, natural lang na tingnan ko siya."

Nagpakawala ako ng mapait na tawa dahil tila ba hindi pa rin niya naiintindihan ang nais kong sabihin.

"You still don't get it, Erik? Alam kong hindi lang kaibigan ang nararamdaman mo para sa kanya dahil iba mo siya tingnan. Alam mo ba kung paano ko nasabi?"

Mariin muna akong tumitig sa kanya bago muli magpatuloy.

"Because you used to look at me that way. Kung paano kuminang ang mga mata mo sa tuwing nakikita mo siya. Kung paano gumuhit ang mga ngiti sa labi mo sa tuwing nandiyan siya. At kung paano mo nakakalimutan ang mundo kapag magkasama kayo. Noong nagdinner kayo, na kayong dalawa lang. You forget about me, do you?" mapait kong tanong.

Nakita kong nagbago ang ekspresyon sa muka niya mula sa pagiging seryoso ay nabakas ko ang kaba at nerbyos sa kanya. Bigla niyang iniwas ang mata niya sa mata ko, at doon pa lang ay alam ko na ang sagot.

Ibinaba ko ang mga kamay niya nagkukulong sa akin atsaka mabilis na umalis, ngunit bago pa man ako makalabas ay muli siyang nagsalita.

"Gusto mo bang tumigil na ako, Angeline? Do you want me to stop waiting for you?" mahina niyang tanong pero sapat lang para marinig ko

Muli ko siyang nilingon at nadurog ang puso ko sa nakita ko. Lumuluha siya. Muli akong lumapit sa kanya at hinawakan ang isa niyang kamay habang ang isa kong kamay ay ginamit ko upang punasan ang mga luha niya.

Ako naman ngayon ang magpapahid ng mga luha sa mga mata mo, Pogs.

"If that's the only thing that's stoping you from being happy, then I want you to stop."

Nakangiti kong sabi sa kanya.

Hindi naman ako maramot upang pigilan siya na maging masaya.

At kung hindi na ako ang nakapagbibigay ng kasiyahan na iyon, handa akong pakawalan siya upang mahanap niyang muli ang sayang alam kong wala na sa akin.

"Will I still have you?"

Muli niyang tanong sa akin. Mariin niya lang akong tinitingnan habang naghihintay ng sagot ko.

Marahan kong hinaplos ang mga pisngi niya. Hindi ko na rin mapigilan ang mga luha ko sa naging tanong niya.

"You have me, Pogs, always"

Each night I pray
That we can be together
Once again

Napabalik lang ako sa sarili ng maramdaman ko ang malakas na pitik sa noo ko. Sinamaan ko naman ng tingin si Yenggay na ngayon ay nakatawa na.

"Aray naman, Yenggay. Ikaw napakabully mo" sabi ko sa kanya habang hinihimas ang noo kong pinitik niya.

"Eh kasi naman kanina pa ako salita nang salita dito di ka naman nakikinig. Ano ba kasi yang iniisip mo, ha?" tanong niya sakin.

Ilang taon na simula ng nangyaring yon sa dressing room ko. After ng nangyari ay tila ba sumasangayon din ang tadhana dahil nagsimula na kaming magkaroon ng magkaibang trabaho ni Erik. Hindi na kami nagkakasama sa concert, madalas na kaming hindi magkasama sa mga prod at guesting at madalas na rin kaming hindi magkita. Tila ba sangayon din ang tadhana na hindi talaga kami ang para sa isa't isa.

Ngunit, gaya nga ng huling sinabi ko sa kanya sa dressing room bago ako tuluyang umalis, he have me— always. And I'm getting the same mula sa kanya. Whenever we need each other, nandyan lang kami para sa isa't isa.

"Wala. Iniisip ko lang ano bang peyborit ni Ms. Reg na number sa electric fan" walang kagana gana kong sabi sa kanya.

Kinuha ko ang music sheet sa lamesa na kanina ko pa inaaral ngunit tila wala namang pumapasok sa utak ko dahil busy siya sa pagbabalik tanaw sa mga nangyari sa amin ni Erik noon.

Umupo naman si Yeng sa harap ko atsaka nagpangalumbabang tumingin sa akin at tila ba sinusuri ang ekspresyon ng muka ko.

"Asus! Si Erik yan no?" Sambit niya habang tumataas at bumbaba pa ang kilay na tila ba nangaasar.

Tingnan mo tong babaeng to, mangdadaot na naman.

Tiningnan ko siya ng masama bago ako gumanti ng pitik sa noo niya. Kita ko naman ang pagsimangot niya at ang dahan dahan niyang paghimas sa noo niya. Ha, akala mo ikaw lang marunong pumitik ng noo.

"At bakit ko naman siya isisipin?"

"Aba, malay ko. Kayo naman kasi, masyado kayong mga pabebe. Halata namang mahal niyo pa rin ang isa't isa, pinapahirapan niyo pa ang mga sarili niyo."

Matipid naman akong nangiti sa sinabi ni Yeng. Mahal ang isa't isa? Talaga lang, ha.

"Anong mahala mahal ka diyan? Mamaya nga may girlfriend na yon, di lang nagsasabi" tila may bahid ng pagseselos ang boses ko sa pagkakasabi ko non.

Nakita ko namang ngumisi si Yeng at dahan dahang lumapit sa akin.

"Selos ka, Angge?" Nangaasar niyang tanong bago paulit ulit na sinusundot ang tagiliran ko.

Agad naman akong tumayo at umiwas ng tingin sa kanya.

Hindi ba halata?

"Alam mo ikaw, hindi ko alam kung tanga ka ba o sadyang manhid ka lang" muling sabi ni Yeng kaya naman nabalik ko sa kanya ang atensyon ko.

"Nakita o nalaman mo bang may dinate na iba si Erik simula ng 'breakup' niyo?" Sambit ni Yeng at talagang sinenyas pa ang quote-unquote sa kamay niya habang sinasabi ang salitang breakup.

Umiling naman ako. After din kasi ng paguusap namin sa dressing room noon ay nabalitaan ko na umuwi na ng Great Britain si Jamie-Lee. Hindi na rin naman nabuksan ang issue about kay Erik at sa foreigner na yun. Wala na rin namang ibang nalink kay Erik pagkatapos niya.

"Wala kasi nga hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal. Hindi ba sinabi niya naman sa'yo maghihintay siya sa'yo kahit gaano pa katagal. Hihintayin ka niya hanggang sa maging handa ka na."

"He stopped, Yeng. I told him to stop"

"But did he really? Kasi sa nakikita ko, Angge, hindi naman siya tumigil. He just distant himself from you a little, pero never siyang tumigil. He still cares for you, he's always there for you. Mahal ka pa rin niya. At alam ko at nakikita ko na mahal mo pa rin siya at handa ka na para sa kanya ngayon. What's stopping you, Angeline?" seryosong tanong sakin ni Yeng.

Ano nga ba? Ano nga bang pumipigil sa akin para bumalik kay Erik?

Hiya.

Nahihiya ako sa kanya. Sa sobrang dami ng sakit na dinulot ko sa kanya, ang kapal naman na siguro ng muka ko kung babalik lang ako ulit sa buhay niya para saktan siya ulit. Atsaka, ako ang nagtulak sa kanya palayo, kaya siguro pinapanindigan ko lang ang naging desisyon ko.

Pero mahal ko siya.

At kung totoo man ang sinasabi ni Yeng na mahal pa rin niya ako, bakit kailangang pahirapan pa namin ang isa't isa.

Kailangan ko ng itama ang maling desisyon ko noon.

Kaya naman hindi ko na sinagot ang tanong ni Yeng at agad na umalis. Pumunta ako sa lugar kung saan alam kong magiging masaya ang puso ko. Sa lugar kung nasaan ang mahal ko.

"Magandang araw po, si Erik po?" Tanong ko sa kasambahay nila Erik ng bumukas ang gate nila.

"Ay kayo po pala Ma'am Angeline. Nandoon po sa kwarto niya, pasok po kayo"

Agad akong pumasok sa loob. Nakita ko ang nanay at tatay niya sa sala kaya nagmano muna ako at bumati bago umakyat ng tuluyan sa kwarto niya.

Nabakas ko ang pagkagulat sa muka niya ng buksan niya ang pinto at ng makita niya ako. Pinapasok niya naman ako sa loob kahit na alam kong nagtataka pa rin siya kung bakit ako nandito ngayon.

"Diba may rehearsals kayo nila Yeng? Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka niyang tanong at naupo sa kama niya habang ako ay nakatayo lang sa harap niya.

Paano ko ba to sisimulan?

Jusko, nasaan na ba ang dila ko? Nalunok ko na ba?

"Pogs, may isa lang akong tanong sayo, and I want you to answer me honestly"

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa sinabi ko.

Jusko ang gwapo pa rin talaga. May favoritism ka ba Lord?

"Mahal mo pa ba ako, Erik?"

Halata ang pagkagulat sa muka niya sa naging tanong ko.

Oo, wala ng paligoy ligoy, gusto ko lang malaman kung totoo bang mahal pa rin niya ako.

Dahil kung oo, handa na akong aminin sa kanya ngayon na mahal ko rin siya. Mahal ko siya ng wala nang duda, wala nang pangdadalawang isip, at wala nang iniisip na iba.

Mahal ko siya.

"Ano?" ngayon ay nakatayo na rin siya sa harap ko at tila ba gusto niyang ulitin ko ang naging tanong ko sa kanya.

"Ako pa rin ba, Pogs? Mahal mo pa rin ba ako?"

"Angeline"

Yun lang ang tanging salita na lumabas sa bibig niya. Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng muka niya mula sa pagkalito ay napalitan iyon ng ...lungkot?

Bakit?

"Do you still love me? Did you not stop loving me?" tanong kong muli sa kanya.

Nakita ko ang malalim niyang pagbuntong hininga bago hinawakan ang dalawang kamay ko.

Hindi ko mabasa ang nasa isip niya pero isa lang ang sigurado ako, may kakaiba sa mga tingin niya.

"Hindi naman na mawawala yung pagmamahal ko sa'yo pero..."

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil mukang alam ko na kung saan to patungo.

"Pero hindi na katulad ng inaasahan ko." Kusa nang tumulo ang mga luha sa mata ko.

"I'm sorry.."

Muli kong pinutol ang pagsasalita niya.

"Please, Erik, huwag. Gaya nga ng sabi mo sa akin noon, I want this, I want you. And you don't need to say sorry for not wanting the same thing— for not feeling the same way."

Tila ba nadurog muli ang puso ko sa pangalawang pagkakataon.

Kasalanan ko naman, eh. I had my chance with him and I wasted it. I pushed him away. Pinakawalan ko siya.

And now that I can finally say na mahal ko na siya at handa na ako magcommit sa kanya, wala na siya sakin.

Huli na ako.

Forever more we'll stay
In love this way

"Ngayon naman ay pakinggan natin ang sasabihin ng ating hurado. Hurado Erik Santos."

"Hi, Meme. Hi, Ella" bati ni Erik kay Ate Vice at sa unang kontestant ngayon sa TNT.

Nasa Showtime kami ngayon at pareho kaming hurado ni Erik para sa araw na ito.

Isang taon na naman pala ulit ang lumipas. Masasabi ko na masakit man ang naging tagpo namin ni Erik noong nakaraang taon sa kwarto niya, masasabi ko na nagdulot naman yon ng kalayaan para sa aming dalawa.

Ngayon ay pareho na kaming masaya at walang iniisip na kung ano man mula sa nakaraan. Ang paguusap namin noon ay nagsilbing paraan upang tuluyan na naming isara ang kung ano mang pinto na pilit na nagpapabalik sa amin sa mga sakit na dulot ng nakaraan.

"Ay wait lang, gusto kong malaman kung sino yung pinost mo sa Instagram tapos yung caption mo, my present and definitely my future. Dali!" Kinikilig na sambit ni Ate Vice kay erik. Napalingon naman ako sa direksyon ni Erik at kita ko ang malapad na ngiti na nakaguhit sa muka niya ngayon.

Sobrang masaya ako na nakikita kong masaya siya.

"She's someone special in my life." Nakangiti at sinserong sambit ni Erik.

Naghiyawan naman ang tao sa loob ng studio na tila kinilig din sila sa sinabi ni Erik.

"Hala, sino?"

Bumaling naman ng tingin sa akin si Ate Vice.

"Kilala mo, Angge?" Tanong niya sakin. Kinuha ko naman ang mic sa harap ko bago magsalita.

"Oo naman" matipid kong tanong ngunit may maliit na ngiti sa labi ko.

Nakita ko naman ang pagbabago ng ekspresyon ng tingin sa akin ni Ate Vice na tila ba ...naaawa o nasasaktan? para sa akin.

Hindi naman kailangan. Masaya ako para kay Erik.

"Balik na nga tayo kay Ella" sambit ni Erik kaya naman nabalik sa kanya ang atensyon ng mga tao sa studio.

No matter what they say
Until the end

"Gandang Gabi Kapamilya"

"Gandang Gabi, Vice"

"Okay. Ang guest natin ngayong gabi ay talaga namang naghahatid sa atin ng kakaibang kilig, dahil sa mga awitin nila ay talaga namang napapaniwala nila tayo sa Forever. Sila rin ang tinaguriang King and Queen of Teleserye Theme song dahil sa hindi na mabilang na kanta nila na ginamit sa mga minahal nating teleserye. Mga kapamilya, let's all welcome, Angeline Quinto and Erik Santos!" mahabang intro sa amin ni Ate Vice.

Agad kaming lumabas sa studio at bumati kay Ate Vice at sa mga nanunuood sa loob ng studio at maging sa mga nanunuod sa kani kanilang bahay. Live kasi ang GGV ngayon.

Magkatabi naman kaming naupo ni Erik sa harap ni Ate Vice at nagsimula na ang interview namin. Hindi ko nga alam king interview ba to o show sa comedy bar eh dahil puro lang kami tawa.

Hanggang sa mapunta na ang paguusap namin sa inaasahan ko nang tatanungin ni Ate Vice kay Erik.

"So, Erik pagusapan ulit natin yung tanong ko sa'yo noon sa showtime. Sino nga yung my present and definitely my future na pinost mo don sa IG. Bakit naman kasi kamay lang yung pinakita mo?"

Magka-holding hands kasi na kamay ang pinost ni Erik na alam kong kamay niya at nung tinutukoy niya sa caption niya.

Bahagya naman akong tiningnan ni Erik na tila ba nagtatanong kung ano ba ang isasagot niya kay Ate Vice na sinuklian ko lang ng maliit na ngiti.

"Actually, Meme, I have something to tell. This is the first time na sasabihin ko to on national television" nakangiting sambit ni Erik.

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Nakita ko rin ang pagtataka sa muka ni Ate Vice at bahagyang nanahimik ang loob ng studio, naghihintay sa mga susunod na sasabihin ni Erik.

"I'm already married" muling turan ni Erik at ipinakita ang kaliwa niyang kamay na may suot na wedding ring.

Napatakip naman sa bibig si Ate Vice sa pagkagulat at rinig din sa loob ng studio ang pagsinghap ng mga nanonood.

"Ohmaygad! Alam mo?" Baling na tanong sa akin ni Ate Vice ng makarecover siya sa pagkakagulat.

"Oo naman."

Nakita kong muli ang tingin sa akin ni Ate Vice, ang tingin ng lungkot at awa.

"Wait lang." Natatawang sambit ni Ate Vice at tila ba hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ni Erik.

"Paano? Kailan pa?" Panguusisang tanong ni Ate Vice kay Erik.

"Actually family lang niya at family ko lang ang nandoon sa wedding. And the wedding happened 6 months ago. Angeline was actually there."

Muli na namang nabaling sa akin ang atensyon ng lahat. Narinig kong muli ang pag-omg ni Ate Vice na hindi naka-mic.

"Totoo, sisteret?" Tila ba pagkukumpirma sa akin ni Ate Vice.

Tumango lang ako sa kanya. At pinantayan ang tingin niya sa akin. Kita ko sa mga mata ni Ate Vice ang pagtatanong kung okay lang ba ako, dahil sa mga oras na ito ay blankong ekspresyon lang ang ipinapakita ko.

Niyakap naman niya ako pagkatapos ng sandali naming pananahimik, pagkatapos ay bumalik na siya sa upuan.

"You invited her? Grabe ka naman Erik"

Natawa naman kami pareho dahil tila ba inaaway ni Ate Vice si Erik on behalf of me.

"Siyempre naman. Angeline is a family to me na." Simpleng sagot ni Erik atsaka ako binalingan ng tingin at nginitian.

"At ikaw, umattend ka naman?" parang naiinis na tanong sa akin ni Ate Vice.

Alam ko namang mahal na mahal niya ako eh. At baka kung mas maaga niya pang nalaman ang tungkol dito ay baka hindi niya ako hinayang pumunta sa kasal ni Erik.

"Oo naman, para kay Erik. Atsaka kita ko naman kung gaano siya kasaya during his wedding. And happy ako na happy siya."

Masaya kong sambit at tila ba kusa na lang bumalik sa alaala ko ang araw na iyon.

You and I
We have moments left to share

Dahan dahang bumukas ang pinto ng simabahan. Tumingin ako sa may altar at kita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Erik. Kita ko kung gaano siya kasaya at ramdam ko ang naguumapaw niyang pagmamahal sa babaeng naglalakad ngayon palapit sa kanya.

Nagsimula ang seremonya ng kasal at tila ba bigla ko na lang naalala ang sinabi noon ni Erik sa isa sa guesting namin noon sa KrisTV, na willing siyang gawin kung ano man ang gusto ng mapapangasawa niya. Na kahit saan nito gusto magpakasal ay ayos lang sa kanya. At labis ang saya ko ngayon na nakikita ko nang tinutupad niya na ito.

Tinutupad niya na ito kasama ako.

Sa araw mismo ng kasal naming dalawa.

You and I
We can make it anywhere

"I'm sorry.."

Muli kong pinutol ang pagsasalita niya.

"Please, Erik, huwag. Gaya nga ng sabi mo sa akin noon, I want this, I want you. And you don't need to say sorry for not wanting the same thing— for not feeling the same way."

"Teka nga, patapusin mo muna kasi ako, Angeline" tila ba naiinis nang turan ni Erik sa akin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya natulala na lang akong napatingin sa kanya.

Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa pisngi ko at ang mariin niyang titig sa akin.

"I'm sorry if ever you feel like I stopped loving you. Totoong hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo at kailanman ay hindi na mawawala yon, pero if we keep on dwelling with the past, we won't be able to live the present and hope for the future."

Dahan dahan niya akong hinila palapit sa dulo ng kama niya. Naupo siya doon at tinapik naman niya ang hita niya senyales para maupo ako doon.

Agad naman akong naupo sa mga hita niya at muling tinagpo ang mga mata niya. Muli niyang hinawakan ang mga kamay ko bago nagpatuloy sa kanyang sinasabi.

"Ang gusto ko lang ay iwan na natin sa nakaraan ang kung ano man ang nangyari noon. Let's forgive each other for what we'd have done and for causing each other pain. Let's start all over. Magsimula tayo ulit, Angeline."

Muling pumatak ang luha sa mga mata ko sa narinig ko sa kanya.

Ngunit imbis na magsalita ay agad kong hinalikan ang labi niya senyales na pumapayag ako sa gusto niya.

"I love you, Pogs" sambit ko ng maghiwalay ang mga labi namin.

"Mahal din kita, Angeline. Mahal na mahal."

You and I
We belong in each other arms

"Siyempre nakakapagod din na maghintay sa kanya... pero mas matimbang ang pagmamahal ko sa kanya kesa sa pagod na nararamdaman ko. At si Jamie-Lee, kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Ni minsan hindi ko siya nakita ng higit pa doon. Dahil si Angeline lang ang babaeng mahal ko. At hindi ako kailanman gagawa ng bagay na ikakasakit niya. Kahit pa paulit ulit niya akong tanggihan, hinding hindi ako titigil sa pagtatanong hanggang sa matamis na oo na niya ang makuha ko"

Yan ang naging buong sagot ni Erik sa kausap niya noon sa dressing niya. Kinukwento niya sa akin ngayon kung ano ang nangyari pagkatapos kong umalis sa pakikinig sa kanilang dalawa.

Nandito kami ngayon sa Maldives para sa honeymoon namin. Nakahiga kami ngayon sa duyan habang nakahiga ako sa dibdib niya at yakap yakap namin ang isa't isa.

"Sorry, Pogs. Kung sinagad ko lang sana ang pagiging tsismosa ko noon, hindi na sana tayo nasaktan at hindi sana tayo naghiwalay kahit wala naman talagang tayo noon"

Marahan niyang hinahaplos ang buhok ko. Hinawakan niya ang baba ko at iniangat niya ang muka ko upang mahalikan niya ako sa labi. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niyang iyon.

"Mas okay ngang nangyari yon. Kasi kung hindi nangyari yun, hindi mo marerealize na kaya mo rin akong mahalin ng walang duda, walang pagdadalawang isip at hindi na iisipin ang sasabihin ng iba. I'm actually thankful that happened, because if not,you won't be here beside me and I won't be able to call you my Mrs. Santos" matamis na sambit ni Erik bago ako muling halikan.

"Masyado namang cheesy, Mr. Santos" sabi ko sa kanya at pinisil ang ilong niya.

Muli kong siniksik ang ang sarili ko sa dibdib niya. At naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap sakin.

"I love you, Pogs"

"I love you, too, Angeline"

There can be no other love
Now I know we can have it all

Muli lang akong napabalik sa reyalidad ng muling magtanong si Ate Vice kay Erik.

"Wait, sino ba siya? Kilala ba namin?"

"Ay, kilalang kilala. Diba, Ge?" Nakangiting tanong sa akin ni Erik.

Tumango lang ako bilang sagot. Nakaguhit na rin ang malapad na ngiti sa muka ko.

"Hala, sino?" Tanong muli ni Ate Vice na tila ba gusto na talagang malaman kung sino ang asawa ni Erik.

"She's actually here" muling sambit ni Erik na umani ng hiyawan sa audience.

Lumingon lingon naman si Ate Vice sa mga audience na tila ba hinahanap kung nasaan ang tinutukoy ni Erik.

Jusko, nandito lang naman ako sa harap niya.

"Nasaan?"

Tiningnan ako ni Erik bago hinawakan ang kaliwa kong kamay kung saan nakasuot ang wedding ring ko.

Dahan dahang itinaas ni Erik ang magkahawak naming kamay at ipinakita sa lahat ang singsing na nakasuot sa daliri ko.

"I'm actually sitting right next to my Mrs. Santos"

Forever

____

Second song inspired one shot done!

Comment your thoughts and reaction about this one shot below or tweet me @ImKayeeK on twitter.

If you have any songs in mind na pwede kong magamit, just comment it below. And let's see if I can get some inspirations for my next one shot. 💖

Continue Reading

You'll Also Like

1M 18.3K 43
What if Aaron Warner's sunshine daughter fell for Kenji Kishimoto's grumpy son? - This fanfic takes place almost 20 years after Believe me. Aaron and...
1.1M 49.5K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
204K 13.5K 19
"you might not be my lover, but you still belong to me" "crazy, you don't even love me but you want to claim me as yours? have you lost your mind jeo...
159K 7.5K 52
Four siblings, two elder brothers and two younger sisters living with their rich parents!! Get ready to enter the life of these siblings and their fa...