Vampire City 3: Crimson Love

بواسطة Thyriza

2M 52.4K 4.4K

[Vampire City Series #3] "I am doing this because i can't bear to see them suffer." -Hunter Kang (All righ... المزيد

Prologue
Chapter 1 - Spoiled Brat
Chapter 2 - Welcome to Vampire City
Chapter 3 - Blood Party
Chapter 4 - Little White Lie
Chapter 5 - Love Interest
Chapter 6 - Not Suit for a Princess
Chapter 7 - Apology
Chapter 8 - I'm Your Date, You're My Date
Chapter 9 - Sinister Night
Chapter 10 - Save You
Chapter 11 - I'm Your Highness
Chapter 12 - Doze of her own Medicine
Chapter 13 - REALationship
Chapter 14 - Cheater
Chapter 15 - I'll Miss you, too.
Chapter 16 - The Proxy
Chapter 17 - Carousel
Chapter 18 - Arlyanna
Chapter 19 - Separate World
FAMILY TREE
Chapter 20 - Bits of her Memory
Chapter 21- Mixed Emotions
Chapter 22 - He's Back
Chapter 23 - Only I have the Right to Kiss you
Chapter 24 - The Shaman
Chapter 25 - Time Freeze
Chapter 26 -The Ripple Effect
Chapter 27 - Revelation of Her Past
Chapter 28 - Flashback (1)
Chapter 30 - Mistake //flashback 3
EPILOGUE
Chapter 31 - Collide // Flashback 4
Chapter 32 - The True Enemy
Chapter 33- The power of Deity
Chapter 34 - Entreaty
Chapter 35 - Borrowed Time
Chapter 36 - Farewell Words
Chapter 37 - Fragments
Chapter 38 - Resemblance
Chapter 39 - Shape Shifter
Chapter 40 - Twin Sister
Chapter 41 - Remembered
Chapter 42 - Dumbfounded
Chapter 43 - Broken and Shattered
Chapter 44 - The Heart Remembers What The Mind Forgets
Chapter 45 - Engrossed
Chapter 46 - The Prophecy
Chapter 47 - The Journal
Chapter 48 - Golden Scroll and the Orb
Chapter 49 - The Orb of Truth
Chapter 50 - Inferno
Epilogue
FAQs
SPECIAL CHAPTER

Chapter 29 - Serendipity (Flashbacks//2)

31K 811 57
بواسطة Thyriza

Chapter 29 – Serendipity (Flashbacks//2)

 (Play the music at the multimedia section ^^ )

That night when Ryder proposed to Serenity ay ang gabi rin na naging sila. Hindi na hinayaan ni Serenity na manligaw pa ang binata dahil lubos na naman niya ‘tong kilala.

Pero pareho nilang napagkasunduan na itago muna ang relasyon nila lalo na’t nag-aaral pa si Serenity. Only Wynnet and Hunter knew about their relationship. Wala namang nagdududa dahil sanay naman ang lahat na lagi silang makitang magkasama.

Kahit naging sila ay wala namang nagbago sa pakikitungo nila sa isa’t-isa. Parang nag level up lang ang relasyon nila na pina-igting ng lambingan.

Sa gitna nang gubat ng vampire City ay nagtayo si Ryder ng isang tree house at doon sila madalas tumambay ni Seri. Their own haven where they don’t have to pretend. Doon sila madalas after ng class niya.

Naging maayos naman ang relasyon nila. Mas naging malapit sila sa isa’t-isa at mas minahal nila ang isa’t-isa.

“Hija, malapit na ang 18th birthday mo. Sino ang gusto mong maging escort?” tanong sakanya ng mommy niya.

Lihim siyang napangiti.

“Si Ryder po, mommy.” Sagot niya at pilit na tinatago ang kasiyahan. Hindi na naman nagulat ang mommy niya sa sagot niya. Inaasahan na talaga nito na ang kababata ang gugustuhin niyang maging kapareha sa debut nito.

“Kung hindi ko lang alam na magkaibigan kayo baka noon ko pa inisip na may relasyon kayo.” Sabi ng mama niya. Napangiti lang siya. Balak nila ni Ryder na umamin after her debut.

“NATUTUWA ako at ikaw ang first and last dance ko, Ryder.” Masayang pahayag ni Serenity sa kasintahan. Niyakap siya nito at hinalikan sa noo. Nasa tree house sila ngayon kung saan sila laging tumatambay.

“Me too, Seri. Me too.” Nakangiti nitong sabi. Napaayos ng tayo si Seri nang maramdaman niyang malungkot ang himig ng boses ng kasintahan. Nakangiti ito pero hindi umaabot sa mata.

“Teka, okay ka lang ba? Bakit ganyan ang hitsura mo?” nababagabag na tanong niya kay Ryder. Hindi siya sanay na ganito ang kasintahan dahil isa itong masiyahin na nilalang.

“Masaya ako, Seri. It’s just that… pinapadala ako ng Elders sa Italy.” Sabi nito tapos tumingin sakanya. “Ayaw kong tumuloy kasi ayaw kitang iwan. Pero kailangan kasi, eh.”

Bahagyang nalungkot si Seri sa sinabi ni Ryder. Kung maari ayaw niyang malayo rito. Pero ayaw naman niyang kalabanin ang nakatataas.

“Okay lang. Kaya kong maghintay, Ryder. Basta ‘wag mo akong ipagpapalit sa mga italyana, ah?” napahagikhik si Seri sa sinabi. Nagbibiro lang naman siya pero hindi niya maiwasan ang hindi malungkot. Hindi pa nga umaalis namimiss na niya agad ito. Bata pa lamang siya kasama na niya ‘to.

“Never. Mahal na mahal kita, Seri. Hindi ko magagawang ipagpalit ka. Always remember that.” Hinalikan siya ulit nito sa noo saka nagyakap.

“Ibibilin kita kay Wynnet. She’ll take care of you… and kuya Hunter.” Sabi ni Ryder. Bigla namang napasimangot si Seri nang marinig ang pangalan ng kuya ni Ryder.

“Kay Wynnet na lang. Alam mo naman na takot na takot ako sakanya, diba?” she pouts kaya natawa lang si Ryder. Noon pa man ilag na si Seri sa nakakatandang kapatid ng kasintahan. Lagi kasi itong seryoso at parang hindi marunong ngumiti.

“You’ll be fine, trust me.” ngumiti siya kaya napatango na rin si Seri. She trust her boyfriend so much. Besides, kapatid siya ng nobyo niya so chance niya na rin siguro ‘yon para mas makilala ang nag-iisang kapatid nito.

The two were definitely head over heels in love with each other. They also decided na sa pagbabalik na lang niya sabihin sa lahat ang relasyon nila. Ryder thought it’s for the best at gusto niya ring patunayan ang sarili sa magulang ng kasintahan.

Ilang linggo na ang nakalipas at umalis na rin si Ryder papuntang Italy. Madalas kasama ni Seri si Wynnet.

Nasa amusement park sila at hinihintay nila ang bago nilang kaibigan na si Charity at Connor na magkambal. Malapit ang loob ni Wynnet sa kambal kaya naging kaibigan na rin naman ‘to ni Seri.

“Teka lang, Seri. Nagpapasundo ‘yung kambal sa bahay nila, eh.” sabi ni Wynnet sa kaibigan.

“Ha? Eh sasama ako,”

“Dito ka na lang. Madali lang ako, promise!” pagkasabi nito ay agad na umalis.

Naiwan naman si Serenity na nakatayo sa ginta nang amusement park. Masaya niyang pinagmasdan ang mga masasayang bata na naglalaro sa paligid niya

“Hija…”

Napalingon siya sa tumawag sakanya. Agad naman siyang napangiti nang mapagtanto niya kung sino ito.

“Lady Tauren,” she exclaimed. “Ano pong ginagawa niyo dito?”

Imbes na sagutin ay hinawakan nito ang mga kamay niya saka napapikit. Hinayaan naman ng dalaga ang ginawa ng shaman. Pero nagulat siya nang bigla nitong bitawan ang kamay niya at tiningnan siya ng nakakatakot na tingin na animo’y nakakita ng multo.

“A-ano pong—“

“Layuan mo siya. Huwag na huwag kang lalapit sakanya!”

“Po? Ano po bang ibig niyong sabihin?” naguguluhan niyang tanong.

“Maaring kayo ang nakatakda para sa isa’t-isa. Pero hindi gano’n ang nararamdaman mo para sakanya. Kaya ngayon pa lang kung maaari, huwag mo na siyang bigyan ng dahilan para angkinin ka.”

“L-Lady Tauren, ano po ba ang pinagsasabi niyo?” kinakabahan na sambit ng dalaga. Para siyang pinagpapawisan ng malamig dahil sa narinig. Nakakakilabot din kasi ang paraan ng pananalita nito at pakiramdam niya huminto ang ikot ng mundo dahil sakanya.

“Ang Crowned Prince, layuan mo siya.”

“Eh hindi nga po kami close ni Kuya Hunter, eh!” nakangusong sagot niya pero napangisi lang ang babae.

“Hindi mo alam kung paano gumalaw ang tadhana. Kung ayaw mong gumulo ang maayos mong buhay, mas makakabuting layuan mo siya.” Pagkasabi no’n ng Shaman ay tinalikuran niya ang nagtatakang dalaga.

Ilang araw nang nasa isipan ni Serenity ang mga katagang binitawan ni Lady Tauren. Hindi na rin siya makatulog ng maayos dahil sa tuwing pipikit siya nag-fa-flashback sakanya ang lahat nang sinabi nito.

Pero nagdaan na ang buwan at nakalimutan niya ang sinabi nito. Naisip niya na kahit kailan hindi siya mapapalapit sa kapatid ng kasintahan. Dahil kung nagawa niyang iwasan noon si Hunter, mas malamang na maiiwasan niya ‘to ngayon.

Pero tama nga ata ang shaman na hindi mo kayang kontrolin ang tadhana. Dahil sa kung kailan ingat na ingat ang dalaga na iwasan ang kapatid ng kasintahan, saka naman sila pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon.

“Ano’ng ginagawa mo dito?!” pilit na tinatago ni Serenity ang kaba sa dibdib. Ano nga naman kasi ang ginagawa ni Hunter sa tree house nila Seri at Ryder. Dahil sa pagkakaalam niya, silang dalawa lang ang nakakaalam nito.

“May pinapakuha lang ang kapatid ko,” simpleng tugon ni Hunter. Parang nababalot ng yelo ang boses nito. Walang katiting na emosyon na makita si Serenity.

“N-nandito na si Ryder?” hindi mapigilang tanong ng dalaga. Miss na miss na rin niya kasi ang kasintahan kaya nga siya laging tumatambay sa tree house dahil do’n ang lahat ng alaala nila.

“No,” he plainly answered. “I gotta go.” He said at bigla na lang itong nawala sa harapan ng dalaga.

Simula nang araw na ‘yon parang halos lagi na silang pinagtatagpo ng tadhana. It was as if kahit saan magpunta ang dalaga ay nando’n din si Hunter.

Minsan nakakausap niya ‘to pero kagaya ng nakasanayan, tipi dito kung sumagot. Madalas nakakasama niya ‘to kapag pinipilit itong sumama ni Wynnet.

“Bakit ikaw lang?”

“Hindi makakapunta si Wynnet. Hindi pinayagan ni tita Avia—grounded.”

That day, may usapan silang tatlo na lalabas ng portal para gumala pero hindi nakasama si Wynnet.

Serenity was wrong…very wrong. Hindi naman pala masama si Hunter kagaya ng iniisip niya. Dahil pakiramdam niya ibang-iba ang Hunter na kasama niya ngayon. At masaya siya na napapangiti niya ‘to. They went to different Cities outside the portal and carelessly enjoying each company.

“I totally judged you, Kuya Hunter.” Mahinang bulong niya habang nasa tuktok sila ng tower ng isang building at pinapanuod ang buong City lights.

“I understand. I’ve been keeping myself away from everybody. So hindi na ako magtataka kung aloof ka sa akin.” He said beaming.

Months had passed at okay naman sila. Continue naman ang communication ni Ryder at Serenity.

Everything’s working well until one drunken night. Nagkayayaan si Wynnet at Serenity na mag-inuman sa isang bar. She drink the usual alcohol from human while Wynnet’s drink is a blood wine.

“I’m going home,” said Wynnet.

“Hatid mo ‘ko?” Serenity said tipsy.

“Ayaw!”

“Hahaha, okay!”

They parted ways. Pasuray-suray na naglakad si Serenity pauwi sakanila. Lumiko siya sa isang kalye 10 meters away from her house. Napatigil lang siya sa paglalakad nang makita niya ang dating kinatatakutan sa hindi kalayuan. Looking intently at her.

“Ryder?” nilapitan niya ‘to at napatawa siya saka napahagikhik. “Oh Hunter! Hahaha, you just look like Ryder! God, I missed him so much!” niyakap niya ang sarili at parang baliw na napangiti habang inaalala ang nobyo.

“You’re drunk. Ihahatid na kita.” Seryosong sabi nito. He held her waist pero masyadong malikot ang dalaga at para itong wala sa katinuan na kumalabit sa leeg niya.

“I miss Ryder. I want to kiss him,” napatingin siya kay Hunter at parang kapag pipikit siya makikita niya si Ryder pero agad din namang mapapalitan ng mukha ni Hunter.

“Kumapit ka ng mahigpit. I’ll carry you home,” Hunter said instead.

“No!”

“Serenity—“

“Don’t call me Serenity! Seri, that’s my name!” parang bata nitong sabi. She heard him sigh kaya tiningnan niya ‘to sa mata.

“Miss na miss ko na talaga si Ryder. Can you take me to him? Please?” a tear fell down her cheeks.

“I can’t. I’m sorry but I just can’t…” he said. And with that, he kissed her.

A kiss that sealed their fate together. A kiss that tied their destiny. A serendipity that they can’t escape no matter how they outrun it.

---

Dalawang chapter pa ata para sa flashback bago bumalik sa present.

Natutuwa ako para sa mga readers na nakaka-gets sa mga nangyayari. Really guys. Dun naman sa mga nalilito sa story, okay lang yan. On going story siya at wala pa tayo sa climax ng story but eventually masasagot naman lahat ng nagpapagulo sa inyo.

Thank you rin pala sa mga nagtitiwala sa akin. Though sa totoo lang naiisip kong i-give up ‘tong book 3 kasi mahirap talaga. Pero hindi ko rin magawa kasi alam ko ang feeling kapag nabibitin sa mga librong walang ending. Hahahaha as much as possible ayaw ko siyang i-on hold kahit busy ako toda max! Hintayin niyo lang magbakasyon at babawi ako sa update.

I now take this Crimson Love as a challenge on my writing career! Hahahaha ano raw? Nababaliw nanaman ata ako.

Oh siya! Magpapaganda muna ako. Mag-ge-gate crash kasi kami ng mga friends ko mamaya sa party sa dati kong school nung college. Hihihi Sana makalusot kay manong guard kundi sa bakod kami dadaan na naka-heels. -__-

Ciao!

©THYRIZA

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

541K 2.7K 11
SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH They only knew her name, the branded shoes she wore, her expensive bags, and everything she had. But nobody knew...
144K 3.8K 61
BOOK 2 of Revenge On My Player Ex (COMPLETED) After their enchanted wedding proposal, Sheliah and Art flew to Paris to enjoy their lives and love eac...
2M 68.9K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
Sinclaire Academy بواسطة Nique

مصاصي الدماء

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...