Restless Villain

By dbt_crdt

22.2K 1.4K 271

I have an endless life. Either it's a gift from God or a power, it's not from any of that. Rather, it is a cu... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18

CHAPTER 3

1.2K 89 20
By dbt_crdt

Daeva
_____________________________
My 75th life started as normal commoner in a small village. I live in the middle of the forest alone.

Akala ko mamumuhay na ako ng payapa sa lugar na yon. Hanggang sa malaman kong kilala ako bilang isang mangkukulam sa aming bayan at kinasusuklaman ako ng mga taga-nayon.

Lumapit ako sa isang ale na nag-titinda ng mga prutas. Puro gulay at tinapay lang nakakain ko araw-araw kaya gusto kong makatikim ng mansanans ngayon.

"Ale, mag-kano po itong mansanas ninyo." Marahang tanong ko habang sinusuri ang napulot na mansanas.

The lady wasn't attentive and keep on writing something on her pad.

"Ale." Tawag ko ulit. Pagod siyang nag-angat ng tingin sa akin habang binigyan ko naman siya ng isang malaking ngiti. Kasabay nang unti-unting pag-awala ng ngiti ko ay ang pag-laki ng mata niya sa gulat nang makita ako.

Nataranta siya at mabilis na tumayo bago tumingin-tingin sa paligid. Wala sa sariling ginawa ko din iyon bago takang binalik ang tingin sa kanya.

"Mangkukulam!" Biglang sigaw niya na nag-pagulat sa akin. Nakuha niya ang atensiyon ng nasa kabilang tindahan at napatingin na din sa akin.

"Ikaw yong mang-kukulam sa gubat! Lumayas ka dito! Malas!" Sigaw pa niya. Ngayon ay nasa amin na ang atensiyon ng lahat at dahil sa hiya ay napatungo ako at napa-atras.

"Mang-kukulam! Umalis ka dito mamamatay tao!" Sigaw ng mga tao at bigla akong pinalibutan.

"Ah" napahawak ako sa aking noo at nakapa ang malagkit na kung ano doon. Narealize kong itlog ang tumama sa akin kaya masakit ang pag-kakabato.

Nag-patuloy ako sa pag-atras nang dumami ang tumatamang itlog sa aking katawan at halos matumba ako ng tumama ang isang mansanas sa aking ulo. Tiningnan ko ang Aleng bumato non na masama ang tingin sa akin.

"Mang-kukulam!" Sigaw ng mga tao.

Mabilis akong tumalikod at napatakbo palayo sa takot na makatanggap pa ng masasakit na hampas sa aking ulo.

Pinasok ko ang gubat at tinahak ang daan papunta sa aking tirahan. Hingal na hingal ako bitbit ang isang basket sa aking kamay. Doon ko lang narealize na hawak ko pa pala ang mansanas sa isa kong kamay. Malungkot akong napangiti sa prutas na hawak bago lumbay na pumasok sa bahay.

Simula noon ay hindi na ako umalis pa ng gubat at nanatili nalang doon kahit gustong-gusto kong tanawin ang bayan. Inisip ko nalang na mas payapa dito sa dilim kahit na mag-isa. Mas ligtas ako dito.

Di nag-tagal ay nasanay akong mag-isa. Natuto akong makuntento sa kung ano ang meron ako. Ayos na lahat at masasabi kong iyon ang pinaka-masayang buhay na naranasan ko. Hindi pa pala. Dahil nang dumating siya, biglang nag-bago ang ikot ng aking mundo. At nalaman kong hindi pa pala ako kuntento.
-

"Miss?" Wala sa sarili akong napalingon sa nag-aalalang muka ni Ci-An. Pagod akong ngumiti para hindi siya mag-alala.

"May problema po ba?" Alalang tanong niya. Mabagal akong umiling at ngumiti ulit bago mahinag humugot ng hininga.

"Bababa na po ba kayo? Nakahanda na po ang karwahe." Imporma niya na tinanguan ko. Tinatamad akong tumayo bago lumabas ng kwarto.

Nakasunod lamang si Anne sa aking likod at nakatungo bitbit ang isang baunan na nakabalot sa panibagong panyo.

Nang nasa tapat na kami ng karwahe ay nilingon ko siya. Tila nagiingat ang mga kilos niya at pasimple akong binabantayan. I smiled at her warmly and fix some strands of her hair.

Her cheeks turned red while her lips pouted a bit. I chuckled at her cute reaction.

"Mag-iingat po kayo doon." Pabulong na sabi niya bago inabot sa akin ang baunang hawak. Tinanggap ko yon bago ngumiti ulit.

"I will." Sagot ko at sumakay na ng karwahe.

Sa katunayan kulang ako sa tulog kaya parang nanghihina pa ang katawan ko. Napakabata ng katawang ito pero ilang taon na ba ako halos? 156 years old na ata ako o higit pa. Basta napagod nalang akong mag-bilang dahil wala din namang kwenta.

Tinahak ko ang sementadong daan ng school. Sa gilid ko ay ang napakataas na building kung saan ako mag-aaral 'na naman.'

Kailangan ko pang pumunta sa opisina ng 'Captain' na yon para kuhanin ang kopya ng schedule ko. Kung ano-ano pang sinasabi ibibigay din pala. Napakataas ng tingin sa sarili kaya hindi ko lubos maisip kung paano yon nagustuhan ni Yvana.

Teka. Tumigil ako sa pag-lakad at kunot ang noong napaisip. Hanggang saan ba ang kabaliwang ginawa mo Yvana at parang sobrang taas naman ng tingin sa sarili ng lalaking yon. Kung hindi lang sa itsura niya wala naman na siyang ibang ibubuga kundi kayabangan.

"Kyaaaahhh!" Gumalaw ang ulo ko pakaliwa para tingnan ang babaeng sumigaw. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa direksiyon ko sa baba kaya napatingin din ako don.

Gusto kong magulat pero tumaas lamang ang kilay ko nang makita ang basag na paso sa aking paanan, nag-tataka. Napakamot nalang ako sa ilong at nakaramdam ng pag-kailang nang makitang dumami ang nakiusyoso at tumingin sa akin.

Tiningala ko ang rooftop ng building kung saan galing ang paso pero wala akong nakitang tao don. Kanina pa siguro nalag-lag ang paso at ngayon ko lang narealize. Napaka-insensitive ko naman.

Mahina akong bumuntong hininga bago nag-patuloy ulit sa pag-lalakad. Madami ka palang kaaway Yvana. Tahimik pa kung gumawa ng kilos. Tsk tsk. Dagdag problema na naman.

.

.

Captain
_____________________________
Nakarinig ako ng tatlong katok sa may pinto. Nag-angat ako ng tingin doon at pinanood ang mabagal nitong pag-bukas bago tuwid na tuwid na pumasok and batang Marquez.

She look so firm and her face speaks boredom. Napakunot ang noo ko nang makita na naman siyang humikab.

Kahapon ko pa napupuna yon. Nag-pupuyat na ba siya at parang laging kinulang sa tulog?

Mas lalong nag-salubong ang kilay ko nang manatili siyang nakatayo sa may pinto. Muli siyang humikab at pipikit-pikit pa ang mga matang sinuri ang aking opisina na parang ngayon lang siya nakapunta dito.

Nakakapanibago. Sobrang nakakapanibago. Hindi ko makuhang matuwa sa mga ikinikilos niya ngayon lalo na't ang nasa isip ko ay bagong strategy na naman niya ito.

Nang hindi makatiis ay itinuro ko ang upuan sa harap ko. Taka nya akong tiningnan. Halos masabunutan ko ang sarili at pilit na kumakalap ng mahabang pasensya. "Umupo ka muna." Ani ko.

Humikab sya sa pangatlong beses at tamad na lumapit sa akin. Napa-ubo ako para sitahin ang sarili at umiwas ng tingin.

Hinila pa nya ang upuan palapit sa lamesa ko at doon nag-halumbaba at parang pagod ang mga matang sinuri ang nasa lamesa ko.

She would usually stick to me like a magnet everytime she visits my office and cling onto me after giving me the lunch she usually give me everyday.

And everytime she would do that, I would get annoyed and push her off. That's how I usually reacts, so why is my heart beating rapidly now like this  just because of that small gesture.

Parang dinadaga ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng aking puso. Pinag-halong kaba at emosyong hindi ko mawari kung ano.

*cough*

Umubo ulit ako ng palihim para sitahin ang kakaibang naramdaman.

"U-uhmm... hahanapin ko lang saglit yung copy-nasan na ba yun." Aligaga akong nag-buklat ng mga folder na nasa lamesa para hanapin ang kopya ng schedule niya. "Nasan na ba-ito!" Malaki akong napangisi nang makita ang papel at ngiting-ngiting ipinakita ko sa kanya nang matantong hindi na siya nakikinig at nakapikit na lang.

Then I realized that she's sleeping. Hindi ko mapigilang mapanguso habang tinititigan ang maamo niyang muka. Malayo sa madaldal at makulit na Yvana na laging nang-gugulo tuwing pupuntahan ako dito.

Ngayon ko lang napag-tantong mahaba pala ang mga pilik-mata niya. Natural din na namumula ang kanyang pisngi pati na ang labi. I gulped once while staring at those lips and licked mine unconsciously.

"Tapos ka na?" Muntik na akong malaglag sa kinauupuan nang bigla siyang umimik, nakapikit pa din.

"H-ha? Anong s-snasabi mo hindi naman ako tumitingin." Taranta kong sagot at bumalik sa pag-kakasandal sa upuan at nag-panggap na nag-titingin ng sariling kuko.

"Kung tapos mo na kakong hanapin yung copy ng schedule ko. Pinagsasabi mo?" Nag-salubong ang kanyang kilay kaya napalunok ako at hindi makaimik.

Bumaba ang tingin niya sa hawak ko at pakurot na hinila yon mula sa kamay ko bago binasa.

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo. "Salamat." Ani niya at bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla siyang ngumiti. Maliit lang pero nandoon ang sinseridad.

Akala ko'y aalis na siya ng bigla siyang tumalikod pero tumigil muna siya sa ganoong pwesto at pagilid pa akong sinulyapan.

Hindi pa rin kumakalma ang dibdib ko lalo na nang mag-tama ang mga mata namin. Bigla akong napalunok sa kaba nang makita ang malisya sa uri ng tingin niya at umangat ang sulok ng kanyang labi para sa isang mapang-asar na ngiti.

Linisan niya ang opisina at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Parang naubusan ako ng hangin kanina.

Naiwang awang ang aking labi habang nag-kakagulo ang isip ko dahil alam niya. Alam niyang pinapanood ko siyang matulog kanina.

n ı x x

Continue Reading

You'll Also Like

871K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...