Sweetest Downfall (#1)

By Imbaaaaah

1.1M 3.6K 129

Miguel Sebastian Arevalo will never fall in love. That's for sure. Sigurado siya na hindi iikot ang kanyang b... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3

Chapter 4

31.3K 645 12
By Imbaaaaah

[The full version is available on Dreame/Yugto. Follow me @ Imbaaaaah]

Tahimik lang kami ni Miggy. Hindi ko sya magawang lingunin dahil sa kabang nararamdaman ko sa aking dibdib. Bumusina sya sa isang malaking gate at agad naman itong bumukas.

Pinasok nya ang kanyang sasakyan sa malaki nilang garahe. Manghang mangha ako sa kalakihan ng kanilang bahay. Siguro ay wala man ito sa kalahati, sa bahay namin ni Mama.

"We're here." Malamig na sabi nya bago bumaba. Sumunod na lang ako, bumaba na din. Hindi naman kasi ako aasa na pagbubuksan nya ako ng pintuan.

Hindi ko pa rin maigalaw ng maayos ang aking paa. Masakit pa rin kasi ang tuhod ko. Buong akala ko ay iiwan na ako ni Miggy, ngunit bigla nya ulit akong binuhat na para bang bagong kasal kami.

"Miggy.." nahihiyang sambit ko.

"Wag ka ng tumanggi. Hindi ka makakaakyat ng hagdan sa lagay mong yan." Aniya, tuwid ang tingin papasok sa kanilang bahay.

"Sir Miggy, nandito na-" hindi naituloy ng matandang babae ang kanyang sasabihin ng makita nya si Miggy na karga ako.

Tumigil si Miggy sa paglalakad at hinarap ang matanda. "Manang Doris, padalhan na lang kami ng pagkain sa taas." Magalang at nakangiting sabi nito. Pinagmasdan ko ang sulok ng kanyang labi habang umaangat ito. Ang gwapo talaga nya pag nakangiti.

"Sige, sir."

Nagpatuloy na si Miggy sa paglalakad. Pinagmamasdan ko ang kanyang mukha. Siguro kahit na titigan ko sya ng buong maghapon ay hinding hindi ako magsasawa. Kasi, wala namang parte sa kanyang mukha ang nakakasawa.

"I know I'm handsome, but please.. open the door. Ang bigat mo." Tikhim nya.

Natigilan ako sa pag iisip at biglang napaiwas ng tingin. Hindi ko napansin na tumigil na pala kami sa tapat ng puntuan. Binaling ko na lang ang tingin ko sa sedura at pinihit ito para makapasok kami.

Nakakahiya ka, Aaliyah!

Marahan nya akong inilapag sa kama. Nakayuko ako, habang sya naman ay umupo sa tabi ko. Nahihiya pa rin ako sa inasal ko kanina. Nahuli nya akong nakatitig.

"Did you save my number?" Bigla nyang tanong.

Nag angat ako ng tingin para lingunin sya. Laking gulat ko, dahil nakatingin din pala sya sa akin. Ang suplado nyang mga mata ay tuwid na tinitignan ang mga mata kong puno ng kaba.

"Uhm.. oo." Sagot ko.

"Bakit hindi ka nagreply?" Kumunot ang kanyang noo.

"S-sorry. Nakatulog kasi ako." Napakagat ako sa ibabang labi ko. Sa sobrang saya ko kasi nung gabing yun, hindi na natanggal sa isip ko ang text nya. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Tumango lang sya sa sinabi ko. Tinanggal na ang tingin sa akin at isa isang binuksan ang butones ng kanyang uniform. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Iniwas ko agad ang tingin ko. Ano ba ang gagawin nya?

Inilihis ko na lang ang aking isip. "Ano.. si Bea, baka magalit pag nalaman na sinama mo ako dito." Sabi ko na lang. "Dapat ay sya ang dinala mo dito sa inyo."

"Hindi ko girlfriend si Bea." Aniya na syang nakapag paangat ng tingin sa akin. Tanging puting sando na lang ang kanyang suot.

"Pero.. balita na yan sa-" pinutol nya ang sasabihin ko pa sana.

"At wala pa akong dinadalang babae dito. Ikaw pa lang." Nag iwas sya ng tingin bago lumuhod sa harapan ko. "Tignan na lang natin yang tuhod mo." Aniya. Halatang iniiwasan na ang pinag uusapan namin.

Seryoso ba sya na ako pa kang ang dinala nyang babae dito? Marami na syang naging girlfriend. Imposible naman ata sa isang tulad nya ang hindi magdala ng babae dito sa bahay nila.

"Ahh.." daing ko nang bigla nyang pisilin ang tuhod ko.

"Tiisin mo." Sabi lang nya. Pinagpatuloy ang ginagawa sa tuhod ko.

Ang diin ng pagpisil nya. Parang maduurog na ang buto ko. "Miggy.. tama na." Pigil ko.

Tumigil naman sya, nag angat ng tingin at nag aalala ang mukha. "Baka napilay ka. We'll go to the hospital."

Umiling agad ako sa sinabi nya. "Wag na. Medyo nawawala na ang sakit. Bukas siguro ay wala na ito." Mukhang nakatulong naman ang pagpisil nya dahil kaya ko ng tiisin ang sakit nito. Hindi katulad kanina.

Bumuntong hininga sya bago umupo ulit sa tabi ko. "It's all my fault. Sana ay hindi ko na lang sinipa-"

"Okay lang." Sabi ko. Hinawakan sya sa balikat para siguraduhin na maayos na ako.

Tinignan nya ang kamay ko na nasa balikat nya. "Hindi ka ba galit sa akin?" Sa mukha ko naman tumungo ang tingin nya ngayon. "I'm a jerk. Bigtime jerk."

"Hindi ako magagalit sayo, Miggy. Kahit kailan, hindi." Ngiti ko.

Bigla syang napatingin sa labi ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin, pero napatingin din ako sa labi nya. Hinawi nya ang buhok ko at inilagay yun sa likod ng aking tainga. Ang kanyang labi ay lumalapit na sa akin. Kaso...

"Sir. Nandito na po ang meryenda nyo." Katok ni Manang Doris mula sa labas.

Napalayo agad ako. Si Miggy naman ay napamura bago tumayo para buksan ang pinto. Agad nyang kinuha ang dala ni Manang Doris. Hindi ko na sya nakita dahil mabilis na isinara ni Miggy ang pintuan. Hindi maitago ang pagkairita sa kanyang mukha.

Inilapag nya ang tray ng pagkain sa kanyang kama. May laman itong dalawang slice ng chocolate cake at dalawang pineapple juice. "Eat." Utos nya sa akin. Naiinis pa rin ang mukha.

"Galit ka?" Tanong ko. Baka kasi may mali akong nagawa na ikinagalit nya.

"Just eat.. please, Aaliyah." Pakiusap nya. Napakit sya at napatingala sa kisame. Para bang hirap na hirap syang huminga.

Hindi na ako nagsalita pa. Kumain na lang ako. Habang sya, panay ang buntong hininga. Mukhang hindi alam ang gagawin. Ano kaya ang nasa isip nya? Galit ba sya sa akin? O kaya naman ay naiinis? Pero, bakit? May mali na naman ba akong nagawa?

Inilapag ko na ulit sa kama ang kinakain ko. Uminom muna ako bago magsalita. "Miggy ayos ka lang ba?" Tanong ko.

Lumingon sya sa akin. Ang kanyang mga mata ay tumuon sa aking labi. Inilapit nya ang daliri nya sa gilid nito at pinunasan. "May dumi." Aniya, nakatitig pa rin sa aking labi.

Napalunok ako. Ano ba ang nangyayari sa akin? Sa simpleng haplos lang nya ay bumibilis na ang tibok ng puso ko. Parang may humahabol dito kaya nagiging mabilis ito sa pagtakbo.

Ano bang ginagawa mo sa akin, Miggy?

"Fuck.." mura nya. Ibinaba nya bigla ang tray ng pagkain sa sahig pagkatapos ay inangkin ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya.

Ramdam ko sa halik nya ang pananabik. Dilat na dilat ang mga mata ko, habang sya ay nakapikit ng mariin. Ang isang kamay nya ay nasa batok ko. Ang isa naman ay nasa hita ko. Naestatwa ata ako, dahil hindi ako makagalaw. Maging ang sakit ng tuhod ko ay namanhid. Bigla na lang nawala.

"Aaliyah.." bulong nya. Hinalikan ako sa ibabang tainga hanggang sa leeg.

"Miggy.." naitulak ko sya bigla nang hawiin nya paitaas ang palda ko. Hingal na hingal sya. Hinawakan nya ang kanyang labi. Ako naman, ibinaba ang palda ko na itinaas nya.

Oo nga at may nangyari na sa amin. Pero ayaw ko ng ulitin yun. Natatakot ako. Natatakot ako sa magiging kapalit pag naulit pa yun. Baka hindi na ako makaligtas. Magagalit si Mama pag nalaman nya na matutulad ako sa kanya. Ayaw ko syang biguin.

"Ayaw mo?" Tanong nya. "Ginawa na natin ito dati. Bakit ayaw mo na ngayon?" Mariin ang tono ng kanyang boses.

Napayuko ako. "I'm sorry.." sambit ko. "Ayaw ko lang. Natatakot ako."

"Why?"

"Baka.." kinagat ko ang labi ko. Nahihiya akong sabihin sa kanya kung anong bumabagabag sa isip ko.

"Baka ano?" Tanong nya. Inangat nya ang aking mukha.

"Baka.. mabuntis ako." Sinabi ko na. Iniwas ko ang mga mata ko sa kanyang mukha.

Binitwan nya ako. Muli syang bumuntong hininga. "Alright." Sabi nya. "Ihahatid na kita."

Buong gabi kong inisip si Miggy. Siguro ay galit na talaga yun sa akin dahil hindi ko pinagbigyan ang gusto nya. Natatakot lang naman kasi talaga ako. Sana ay maintindhan nya ako.

Kinabukasan, maaga akong bumangon. Wala na si Mama. Tanging almusal na lang sa mesa ang nadatnan ko. Siguro ay marami syang ginagawa ngayon sa opisina. Siguro, kung sa ibang pagkakataon at sitwasyon ako nabuo, masaya ngayon si Mama.

Kaso hindi, eh. Sa buhay nya, isa akong pagkakamali. Pagkakamali noong dalaga pa sya. Wala syang ikinukwento tungkol sa Papa ko. Nahihiya naman akong magtanong sa kanya dahil alam kong ayaw nyang napag uusapan namin ang tungkol sa ama ko.

Dumiretso muna ako sa locker ko pagdating sa eskwela. Kinuha ko ang mga librong kakailanganin ko ngayong araw. Habang kinukuha ko ang mga ito, may isang maliit na kulay pulang papel ang nalaglag. Pinulot ko ito at binasa ang nakasulat.

SLUT

Kanino ito galing? Para sa akin ba talaga ito? Hindi ko maintindihan ang nakasulat. Lumingon ako sa paligid, ngunit kaunti pa lang naman ang mga estudyanteng dumadaan. Nagkibit balikat ako at tinapon na lang ang kulay pulang papel.

Pagpasok ko ng classroom namin, panay ang titig sa akin ng mga kaklase ko. Naiilang ako sa paraan ng pagtitig nila sa akin. Masyaong matalim. Para bang may malaki akong atraso sa kanilang lahat.

Uupo na sana ako, kaso ay may biglang humila sa upuan ko. Kaya naman sa sahig ako bumagsak. Agad akong tumayo at nilingon kung sino ang humila nito. Si Bea pala. Kasama ang kanyang mga kaibigan.

Pinalibutan nila ako. Kinabahan ako bigla. "Malandi ka." Bulalas ni Bea na syang ikinagulat ko.

"Anong-"

Lumapit sa akin si Bea. Sinampal nya ako. Malakas ito kaya napahawak ako sa aking pisngi. "May nakakita sa inyo kahapon ni Miggy! Binubuhat ka nyang malandi ka!" Galit na sabi nya bago ako sampalin sa kabilang pisngi.

Naiiyak na ako. Umaasa ako na sana ay dumating na si Mia, o kaya naman ay may tumulong sa akin sa mga kaklase ko. Kaso ay wala. Lahat ata ay kumakampi kay Bea.

Inagaw nya ang bag ko. Kukunin ko sana ito pabalik, kaso ay hinawakan ni Laura at Aira ang kamay ko. Binuksan ni Bea ang bag ko at binuhos sa sahig ang mga gamit ko.

"Bea, wag." Sumamo ko ng basagin nya ang cellphone ko. Pagkatapos ay sinunod nyang punitin ang mga libro ko.

"Malandi ka. Kulang pa yan. Kulang pa yan sa panlalading ginawa mo kay Miggy!" Aniya at muli akong sinampal ng mas malakas.

Hindi ko na napigilan pa. Napaiyak na ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa sakit ng sampal nya o dahil sa masakit na salitang binibitawan nya. Kasalanan ko ba na binuhat ako ni Miggy kahapon? Hindi ko naman yun hiniling. Kusa nyang ginawa yun.

Binitawan na nila ako. Agad akong dumalo sa mga libro kong pira piraso na lang at sa cellphone kong basag na. Patuloy ang pag agos ng luha ko. Bakit ba nangyayari sa akin ito ngayon?

Ang akala ko ay tapos na sila. Ngunit nanlamig ako ng ibuhos ni Bea ang timba na pinagbanlawan ng mop sa akin. Natigilan ako sa aking ginagawa para yakapin ang aking sarili.

"Yan ang bagay sayo. Ilugar mo kasi ang sarili mo." Tawa ni Bea bago lumabas ng classroom kasama ang kanyang mga kaibigan. Nanliit ako bigla dahil sa kahihiyan. Sa unang pagkakataon ay nangyari ito sa akin. Ang mga kaklase ko ay nakatingin sa akin. Wala man lang nag abala na tumulong.

"Iyah!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. "Anong nangyari sayo?" Agad na dumalo sa akin si Charles. Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil sa kahihiyan. Ang tanging gusto ko na lang ngayong gawin ay umuwi sa bahay at magkulong sa aking kwarto. Hindi ko na ata kayang magpakita pa sa kanila.

"Sinong may gawa sayo nito? Si Bea ba?" Nag aalalang tanong nya. Hinawakan nya ako sa kamay para alalayan sa pagtayo, kaso ay hindi ako pumayag. Nanatili lang akong nakaupo habang nakayuko at basang basa ang aking katawan. Wala na akong mukhang maihaharap pa.

"Come on, Iyah. Magkakasakit-"

"Aaliyah.." nanginig ang sistema ko ng maramdaman ko ang pamilyar na taong nakatayo ngayon sa harapan ko.

"Miggy, pare." Sambit ni Charles. Nakayuko pa rin ako. Gusto ko ng magtago. Bakit ba kailangang makita pa ako ni Miggy sa ganitong sitwasyon. "Sa tingin ko ay si Bea ang may gawa nito. Pagsabihan mo nga siya-" hindi naituloy ni Charles ang sasabihin nya.

Bigla na lang kasing lumuhod sa harapan ko si Miggy. Hinubad ang kanyang uniform at isinuot yun sa akin. Tanging puting sando na lang ang kanyang suot. "Let's go. Iuuwi kita." Malambing na sabi nya. Binuhat nya ako na tila bagong kasal na naman kami.

"Miggy, saan mo dadalhin si Iyah?" Tanong ni Charles. Nahihiya man ako, pero nagtago na ako sa mga bisig ni Miggy. Gusto ko na talagang makaalis dito. "Baka makita na naman kayo ni Bea. Ako na ang tutulong kay Iyah." akmang kukunin na nya ako, kaso ay nagsalita si Miggy.

"Back off, Charles. She's mine." Mariin na sabi nya bago talikuran si Charles at ang mga kaklase namin.

**
-Kerbs

Continue Reading

You'll Also Like

881K 1.5K 2
This story is signed under Dreame. If you want to continue reading this, please visit Dreame app. Thank you
14.4M 82.6K 90
PUBLISHED UNDER LIB Printing Corp. Buy the book to read the full story @ P 129.25 pesos each book (there are four books). Check out their page for mo...
163K 5.2K 98
My wedding day came. I wore an expensive dress, inside a beautiful venue with a lot of guests among them are my family and his wives. On that day, my...
348K 9.4K 18
Mahinhin, inosente, walang alam sa mga boys. Yan si Anne. Sopistikada, moderna, street-wise. Yan naman si Gabby. Magkaiba man ang personalidad pareho...