Beyond Mortals : Guardians [O...

GabYuen tarafından

373 21 10

A Hidden Guardian Story Language: TagLish Daha Fazla

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 23

8 0 0
GabYuen tarafından

CHAPTER 23

Third Person's P.O.V.

Halos sabay-sabay na lumingon sa pinto ng kusina ang mga elites.

There, standing a girl with a black and white hair, tantalizing navy blue eyes. Her hair is pure white with black highlights.

She screams so much power that makes the elites who's looking at her shiver.

She had this bone chilling aura.

Kilalang kilala ni Ashley ang babaeng ito. Tatakbo na sana siya para yakapin ang babae pero naunahan siya ng iba.

Trevor was like flash when he went in front of the girl and hug her.

"God! Ereese!" Tumakbo si Lia patungo kay Ereese. Binaklas nito ang yakap ni Trevor at siya naman ang yumakap.

Sumimangot naman si Trevor dahil don.

"Sheez! Three days, Ereese! Where have you been?!" It was Kyler's voice, scolding Ereese.

"Ahmm.." Napakamot ng batok si Ereese, "... somewhere.."

"Somewhere? Where? And why.." Hinagod ng tingin ni Nathan si Ereese. "You look, ahm.."

"She look what?!" Asik ni Trevor dito.

"I went somewhere to look for myself." Sagot ni Ereese, hindi pinansin ang dalawa.

"Yourself?" Naguguluhang tanong ni Serene.

"Yeah. And I found it." Sagot ni Ereese na bahagyang nakangiti.

"Ereese!" Ashley shrieked. "You made it!" Niyakap nito ang kaibigan.

Yumakap pabalik si Ereese. "Yeah.. I did.."

Kumawala sa pagkakayakap si Ash. "So, does this means, hindi kana aalis ng Netherworld?"

"Nah." Iniwan ni Ereese ang mga kasama at pumasok sa loob ng kusina. Binuksan nito ang ref at kumuha ng isang chocolate drink. Umupo muna ito sa stool doon bago nagsalita ulit. "Bakit naman ako aalis? This is the only world that accepts me. Then, why leave it?"

"Good." Ash said while grinning. "If that's the case, you'll still be joining us in the Annual Knighthood Contest!"

"Oh sheez!" Ereese breath heavily. "I already forgot about that."

"Could you please mind telling us, where did you go in that three days?" Umupo si Trevor sa tabi nito at matiim itong tiningnan.

Sinang-ayunan naman ito ng iba pang elites at nagkanya-kanyang upo sa stool.

"It's nothing important, ang mahalaga nandito na ako." Anito saka uminom ng chocolate drink. Ayaw nitong pag-usapan ang pagkawala niya ng tatlong araw. Isa na ring dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin ay dahil ayaw niyang malaman ng mga ito na isa siyang guardian. Hindi niya alam ang magiging reaksyon ng mga ito. Ayaw muna niyang ipaalam.

She still want to keep it as a secret.

"It is, Ereese. It matters." Madiing sambit ni Trevor na ikinalingon niya dito. "Tell us what happened."

Umiling siya. "It's nothing serious--"

"Ereese." May babalang sambit ni Trevor. "If you don't talk, I'll do what I did to you up in the tree, again. Right in front of them, and I'm not joking." Seryosong ani ni Trevor.

Nag-iwas ito ng tingin sa binata. Sheez! Kailangan pa bang ipaalala ito?!

Ang mga kasama naman nito ay pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa ni Trevor.

"Anong puno?" Kuryosong tanong ni Lia.

"Nothing." Ilang ulit na umiling si Ereese. Ayaw niyang malaman ng mga kasama niya na hinalikan siya ni Trevor sa taas ng puno para lang patahimikin.

"Talk, Ereese." Narinig niyang sambit ni Trevor.

Huminga siya ng malalim bago napagpasyahang ikwento ang nangyari sa kanya.

•••

Ereese's P.O.V.

"Pumunta ako sa Fiore Kingdom at Atlantica Kingdom. Though, I really haven't, ahmm," Napakamot ako ng batok. "Ang Fiore Kingdom lang talaga ang napuntahan ko. Hindi ko kasi alam kung paano pumunta sa Atlantica. At iyon ang naging problema. Sabi ng mga mamamayan ng Nirvana, kung saan malapit ang kontinente ng Atlantica, nasa ilalim ng dagat ang Atlantica. At tanging mga taga Atlantica lang ang nakakaalam kung paano makapunta dito. Sabi nila, it's a Kingdom build under the sea. It's an underwater kingdom. The problem is, I don't know how to swim." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Sheez! Nakakahiya na hindi ako marunong lumangoy.

Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy ang pagkukwento.

"The first day that I'm gone, pagkatapos kong bumisita sa Fiore Kingdom, humanap ako ng paraan para makapunta sa Atlantica. And I spend my whole day with nothing. Wala akong nahanap na paraan para makapunta doon. I thought of Serene," tumingin ako kay Serene na matamang nakikinig saakin. "She's the Princess of Atlantica at pwede niya akong dalhin doon. Pero hindi pwedeng may tumulong saakin. I need to do this alone. On the second day, I met a man. He said that he's from Atlantica. I told him that I need to go in Atlantica. He willingly helped me. He gave something to wear that can help me to breath under the water. Sumuong ako sa ilalim ng dagat kahit pa hindi ako marunong lumangoy. The man is guiding me. Nasa ikalaliman na ako ng dagat ng may maramdaman akong kakaiba. I felt suffocated. Hindi ako makahinga. My eyes became blurry. Dahil nasa kailaliman din ako ng dagat, madilim dito. Wala akong makita. Hanggang sa mawalan ako ng malay.

Nagising ako ng nasa dalampasigan na ako. I'm on Atlantica's sea shore. I feel so disappointed. Hindi ko nagawa na makapunta sa Atlantica. But that's what I thought. Something is up with myself with my body." Huminga ako saka ngumiti. "Nothing bad happened to me. It's the power that was flowing on my body. My very own power. I really don't know what happened under the sea. Hinanap ko yung lalaking tumulong saakin pero wala. Maybe, he's under the sea. He said that he lives in Atlantica anyway. Yun ang nangyari sakin ng tatlong araw." Pagtatapos ko.

Pero hindi talaga yon ang kabuuan, pagkatapos kong magising at maramdaman ang kapangyarihang dumadaloy sa katawan ko, I teleported to Nirvana forest. I tried to released my Phoenix. Yes. The tattoo on my left arm is a living Phoenix. Lalabas lang ito kapag buo na ang kapangyarihan ko. It is sealed dahil hindi pa tuluyang lumalabas ang buong kapangyarihan ko. Pero lumabas ito. Meaning, buo na ang kapangyarihan ko! It is called a spirit guardian, the Phoenix. Every guardian has a spirit guardian. Ito din ang palatandaan na isang kang guardian, ang pagkakaroon ng spirit guardian.

I tried to released my wings too. And I did! It's white and blue wings. Hindi ba dapat na puti lang ito? But that is not the thing! Isa lang ang ibig sabihin nito, this world accepts me! I am now a full guardian. Ramdam na ramdam ko ang kapagilaran ng Netherworld, ang mga mamamayan nito, ang mga kapangyarihan nila at ang mga kontinente nito. Parang ka-isa ko ang mundong ito. I finally made it.

"Why are you visiting each continent of Netherworld?" Napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig kong magtanong si Nathan. Kunot na kunot ang noo nito.

"Oo nga." Sang-ayon ni Jace. "Naaalala ko pa noong papunta tayo sa Dragon's Lair, pinag-uusapan niyo ni Ash ang pagpunta mo sa mga kontinente ng Netherworld, bakit?" Sumulyap ito kay Ash. Kaagad namang nag-iwas ng tingin si Ash ng magawi ang tingin ni Jace dito.

Kumunot noo ko. Really? Ash is staring at Jace?

Dahil sa lumabas na ang buong kapangyarihan ko, mas naging matalas ang mga senses ko. At hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagtitig ni Ash kay Jace. Hmm.

"And what exactly happened? Bakit nag-iba ang physical appearance mo?" Tanong ni Lia.

Sumandal ako sa upuan at humalukipkip. "Did I tell you that I'm not a mage?"

Tumango ang mga ito. Hindi ko pinansin ang tanong ni Lia.

"Sa pagbisita ko sa mga kontinente ng Netherworld, sa sinabi kong pagtanggap saakin ng mundong ito, at sa pagkakaroon ko ng higit sa isang abilidad, ano sa tingin niyo? Anong klaseng nilalang ako?" Tanong ko ng seryoso. Ayokong sabihin sa kanila ng deretsa kung ano ako. I'll let them think.

"Hindi ka naman siguro, bampira, no?" Medyo nag-aalangang tanong ni Lia.

I looked at her flatly. "Did you see my fangs?"

Tagilid itong ngumiti. "Wala kang pangil. Hehe."

"Think every creature in this magic dimension." Tumayo ako. "The rare one? Yes. That's me."

Sinimulan ko ng maglakad ng marinig kong magsalita si Serene.

"Who helped you to get in Atlantica?" Dinig kong tanong nito.

Humarap ako sa kanya. "Hindi ko alam." Totoo yon. Hindi ko kilala kung sino yung lalaking yon. Nakalimutan ko din ngang tanungin pangalan niya. Though, natandaan ko ang pagmumukha niya.

"Name?" Tanong ulit nito na inilingan ko.

"Describe him." Seryosong tanong nito. I understand her. It's her land. Maybe he knows the man.

"Ahm.." inalala ko ang mukha ng lalaki. "Mga lagpas 6 ft. ang taas, light brown ang buhok, kulay ocean blue ang mata, ahmm.. gwapo, maganda ang katawan--" napatigil ako sa pagsasalita ng may maramdaman akong nakatitig saakin.

It was Trevor. He's looking intently at me.

Hindi ko ito pinansin at ibinalik ang tingin kay Serene. "Actually, kamukha mo siya---" napatigil ulit ako.

Tama! Magkamukha sila ni Serene!

Gulat na tumingin ako kay Serene. "May kapatid ka ba?"

Tumawa si Serene. "Base sa pagkaka-describe mo, at sa sinabi mo din na kamukha ko siya, yes, I have a brother. He's Sean, Sean Ridervale, the oldest son of Atlantica."

Hindi ko man lang napasalamatan ang kapatid ni Ereese.

***

© GabYuen

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

84K 3K 72
I do not own any of the characters. Y/n are a supe. But not a famous one, that didn't work out. Now you are one of the sevens PAs. Maybe, briefly Th...
154K 5.6K 26
فيصل بحده وعصبيه نطق: ان ماخذيتك وربيتك ماكون ولد محمد الوجد ببرود وعناد : ان مارفضتك ماكون بنت تركي !
186K 6.9K 13
2 tom dylogii ,,Agony"
37.8K 2.5K 61
𝐭𝐡𝐞 𝟐𝐧𝐝 𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐨𝐟 𝐬𝐡𝐨𝐫𝐭 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐨𝐥𝐢𝐯𝐢𝐚 𝐫𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐝 𝐲/𝐧'𝐬 𝐦𝐞𝐞𝐭-𝐜𝐮𝐭𝐞𝐬/𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢�...