I'm Just Only 18

By Viancxs

296K 5.1K 227

-- It's just an accident. Mga salitang paulit ulit na umiikot sa isip ni Vanna nang siya ay magising katabi a... More

I'm Just Only 18
IJO18-1
IJO18-2
IOJ18-3
IJO18-4
IJO18-5
IJO18-6
IJO18-7
IJO18-8
IJO18-9
IJO18-10
IJO18-11
IJO18-12
IJO18-13
IJO18-14
IJO18-15
IJO18-16
IJO18-17
IJO18-18
IJO18-19
Author's Note
IJO18-20
IJO18-21
IJO18-22
IJO18-23
IJO18-24
IJO18-25
Authors Note
IJO18-26
IJO18-27
IJO18-28
IJO18-29
IJO18-30
IJO18-31
IJO18-32
IJO18-33
IJO18-34
IJO18-35
IJO18-36
IJO18-37
IJO18-38
IJO18-39
IJO18-40
IJO18-41
IJO18-42
IJO18-43
IJO18-44
IJO18-45
IJO18-46
IJO18-47
IJO18-48
IJO18-49
IJO18-50
IJO18-51
IJO18-52
IJO18-53
IJO18-54
IJO18-55
IJO18-56
IJO18-57
IJO18-58
IJO18-59
IJO18-60
IJO18-61
IJO18-62
IJO18-63
IJO18-64
IJO18-65
IJO18-66
IJO18-67
IJO18-68
IJO18-69
IJO18-70
IJO18-71
Epilogue
I'm Just Only 18

IJO18-72

781 23 0
By Viancxs

Vanna POV

Hindi maawat sa pagtulo ang luha ko habang sinusubukang makawala sa pagkakatali ang mga kamay ko nang magising ako.

Mataas na ang tubig ng dagat. Nakalubog na halos buong katawan ko hanggang leeg at baba ko mukha ko na lang ang nakalitaw.

Natatakot ako. Ito na ba talaga ang katapusan ko?

Nararamdaman ko din ang lumalakas na hampas ng alon.

Ilang minuto na lang ang natitira at malulunod na ako.

Kahit anong gawin kong pagtanggal sa tali wala pa ring nangyayari. Nawawalan na ako ng pag asa hanggang sa marinig ko ang mga sirena ng mga sasakyan ng pulis sa may pampang.

Napangiti naman ako dahil natunton din ako ni Trevor. Nakarinig din ako ng mga sigaw at putok ng baril. Mukhang hinihintay talaga ni Adele ang pagkamatay ko pero malas niya dumating agad ang mga pulis.

Napatingala naman ako sa kalangitan at napangiti ng mapait sa mga nagkikislapang bituin sa langit. Naisin ko man ang sumigaw hindi ko magawa dahil konting konti na lang at lulubog na ako. Hinahabol ko na rin ang hininga ko habang nakatingala sa daan daang bituin at buwan na nagbibigay ng liwanag sa gabing madilim.

Sinubukan kong iangat ang mga kamay ko upang abutin ang mga bituin ngunit hindi ko magawa dahil nakatali nga pala sila.

Napangiti na lang ako ng matamis hanggang sa tuluyan na akong lumubog sa malamig at madilim na tubig.

Napapikit ako at inalala lahat ng masasayang nangyari sa buhay ko.

Isang masayang litrato ng buong pamilya ko ang huling rumihistro sa memorya ko bago ako kunin ng madilim na tubig.

*****

Isang nakasisilaw na liwanag ang nagpamulat ng mata ko.

Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid ngunit puro puti lahat ng nakikita ko. Dahan dahan akong tumayo at tumingin sa kamay kong hindi nakatali. Wala ding bakas ng pasa ko dugo.

Napalaki naman ako ng mata ng maalala ko ang huling nangyari.

Ohmg? Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Sabi na nga ba love ako ni God eh. Hihi.

"Vanna anak" tawag ng isang tinig sakin na boses ni Dad.

Nilibot ko naman ang paningin ko ngunit hindi ko siya makita.

"Dad? Ikaw ba yan dad?" naluluhang tanong ko.

Gaadd. Sobrang namiss ko ang boses niya.

Isang pintuan ang biglang bumukas sa harap ko at nakakasilaw na liwanag ang tumatama sa mata ko. Lumabas mula doon si Dad na maaliwalas ang mukha at nakangiti.

"Dad? Ohmy. Namiss kita." saad ko at inambahan siya ng yakap.

Niyakap niya din ako pabalik habang umiiyak naman ako.

Sobrang namiss ko siya.

"Namiss din kita anak. Kayo ng mommy mo at mga kapatid mo" saad niya habang hinahaplos niya ang buhok ko.

Napahiwalay naman agad ako sa yakap at tumingin sakanya.

"Kamusta kayo Dad? Babalik na ba kayo samen?" masayang tanong ko.

Nakatingin lang siya sakin at nakangiti.

"Maayos naman ako anak. Masaya ako dito ngunit hindi na ako babalik. Hinding hindi na. Hihintayin ko na lang ang araw na magkakasama ulit tayong lahat." sagot niya.

Nawala naman ang matamis na ngiti ko at lumuluhang nakatitig sa mga mata niya.

"Bakit dad? Nandito ka na di ba? Ibig sabihin babalik ka na di ba?" tanong ko sakanya.

Umiling naman siya at hinawakan ang balikat ko.

"Makinig kang mabuti Vanna. Hindi pa ito ang oras. Hindi ka pa maaaring umuwi sa tahanang ito. Marami pa ang naghihintay sayo. Hinihintay ka pa ng mga apo ko. Bumalik ka na. Kailangan ka nila." sabi niya.

Naramdaman ko naman ang malakas na puwersang tumulak sakin. Humahampas ang malakas na hangin sa mukha ko habang hinihila ako ng malakas na puwersa papalayo kay Dad.

"Dad" tawag ko sakanya ngunit nakangiti lang siya sakin hanggang sa dumilim ang paligid.

*****

"Vanna. Gumising ka." rinig kong tawag sakin.

Pinilit kong imulat ang mga mata ko ngunit malabo ang nakikita ko.

"Dad?" saad ko.

"Vanna si Mike to." rinig kong saad ni Mike.

Bigla naman akong nagbalik sa reyalidad hanggang sa luminaw ang paligid.

"A-anong nangyari? Na-nakita mo ba si Dad?" tanong ko kay Mike na nag aalalang nakatingin sakin.

Ramdam ko ang lamig na bumalot sa buong katawan ko dahil basa ang damit ko. Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid at napagtanto kong nasa pampang na kami.

"Muntik ka nang malunod Vanna." saad ni Mike.

Natulala naman ako at inalala ang nangyari.

Ibig sabihin nananaginip lang ako? Napanaginipan ko si Dad?

"Halika na Vanna. Sigurado akong hinahanap ka na ni Trevor." saad ni Mike at inalalayan ako sa pagtayo.

Paika ika naman akong maglakad dahil sa tadyak ni Adele na tumama sa legs ko.

Buset ang babaeng yon. Gaganti talaga ako sakanya.

"Kailangan nating magmadali." natatarantang saad ni Mike.

Tumango naman ako at pinilit na bilisan ang lakad ko.

Natatanaw na namin ang ilaw mula sa sasakyan ng mga pulis nang humarang sa daan si Adele at may hawak na baril.

"Akala mo nakaligtas ka na? Alam kong niligtas ka ni Mike. Matalas ang paningin ko kaya nakita ko siyang lumundag sa tubig para iligtas ka." sabi ni Adele.

Nanlalamig naman ang buong katawan ko habang nakatutok samin ang baril niya.

"Tama na yan Adele. Sumuko ka na lang sa mga pulis. Walang magandang idudulot ng paghihiganti sa buhay mo." saad ni Mike sa kanya.

Napatawa na naman ulit siya ng malakas na parang mangkukulam.

"Wala kang pakealam. Bakit ka nandito ha? Patay na sana yang babae na yan kung hindi ka lang umepal." saad niya at kay Mike naman niya tinutok ang baril.

Naramdaman kong binitawan ni Mike ang braso ko at dahan dahan siyang naglakad papalapit kay Adele. Nakataas din ang mga kamay niya tanda na wala siyang gagawing masama.

"Pakiusap Adele. Tama na. Handa akong tulungan ka. Handa akong baguhin ka. Tutulungin kita." mahinahong saad ni Mike.

Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha ni Adele at dahan dahang binababa ang baril.

"Yan ganyan nga Adele. Ako ang kasama mo sa pagbabago mo." saad ni Mike.

Bigla namang tumalim ang tingin ni Adele at tinutok muli ang baril kay Mike ngunit nahawakan naman yon ni Mike.

Naluluha naman ako habang pinapanood silang nag aagawan ng baril.

Dati sa mga palabas sa TV ko lang napapanood to ngunit ngayon totoo na.

Natatakot ako para kay Mike. Paano kung mabaril siya? Ayoko siyang mamatay. Malulungkot ang mga magulang niya.

"Tumakbo ka na Vanna. Nasa kakahuyan si Trevor. Hinahanap ka. Bilisan mo." saad ni Mike.

Tumango naman ako sakanya at tumakbo papasok sa kakahuyan. Tumigil naman ako sandali at sinulyapan sa huling pagkakataon si Mike bago nagpatuloy sa pagtakbo.

Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid.

Tumutulo naman ang luha kong napalingon sa pinanggalingan non.

Si Mike.

"Papatayin kitang babae ka." rinig kong sigaw ni Adele.

Binaril niya si Mike.

Narinig ko naman ang tumatakbong yabag ni Adele kaya nagpatuloy ako sa pagtakbo. Di ko na alintana ang sakit ng binti ko makaligtas lang sa kamatayang naghihintay sakin.

Nabuhayan naman ako ng loob nang makita ko si Trevor.

"Trevor" sigaw ko sa pangalan niya.

Napalingon naman siya sakin at sinalubong ako. Umiiyak lang ako sakanya habang nakakulong sa mga bisig niya nang makalapit ako.

"Buti na lang ligtas ka Vanna. Talagang hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nawala ka sakin." saad niya.

Hinahalikhalikan niya lang ang buhok ko habang yakap ako nang mahigpit nang isang halakhak ang narinig namin. Napalingon naman kami sa likuran namin at nakita si Adele na nakatutok ang baril sakin.

"Hindi kayo magkakaroon ng happy ending." saad niya.

Napahigpit naman ng yakap sakin si Trevor.

"Tumigil ka na Adele. Nawawala ka na sa katinuan mo." sigaw ni Trevor sakanya.

"Hindi. Hindi ako titigil hanggat hindi ko napapatay ang babaeng yan. Pati ikaw. Iniwan mo ko sa ere. Paasa ka." sigaw din ni Adele.

"Una pa lang sinabihan na kita Adele. Bakit hindi mo ba makuha kuha yon ha?" sigaw din ni Trevor sakanya.

Tahimik lang ako at nanginginig sa takot. Natatakot ako para saamin ni Trevor. Baka barilin niya kami.

Natahimik naman si Trevor nang umiyak si Adele.

"Kasi nga mahal kita. At yung pagmamahal na yon ang nagtulak sakin para gawin ko ang bagay na to." saad niya habang umiiyak.

"Patawad pero si Vanna talaga ang mahal ko. Sana matanggap mo yon." saad ni Trevor sakanya.

"Patawarin niyo din sana ako kung papatayin ko na kayo. Hahahaha" saad ulit ni Adele at tumawa.

Pipindutin niya na sana ang gatilyo ng baril nang dumating bigla si Dale.

"Ku-kuya?" hindi makapaniwalang saad niya.

Lumapit naman sakanya si Dale at inagaw ang baril na hawak niya. Hindi naman umangal si Adele dahil sa takot na nakapaskil sa mukha niya.

"How could you? Pinalaki ka ng maayos ni mommy at daddy tapos ganito lang ang gagawin mo sa sarili mo? Tama na. Sumama ka na lang sakin ng mahinahon at isuko ang sarili mo or else ako ang babaril sayo? Naintindihan mo ba Adele?" sabi ni Dale.

Wala namang nagawa si Adele at napaluhod na lang siya saka umiyak.

Dumating naman agad ang mga pulis at inaresto siya.

****

Nakatanaw naman ako sa dagat habang tinatanaw ang kulay asul na dagat. Papasikat na ang araw at kulay asul na din ang kalangitan.

Marahang umihip ang malamig na simoy ng hangin na dumampi sa balat ko.

Nalapatan na ng gamot ang mga sugat at pasang natamo ko kay Adele. Nasugod na din sa hospital si Mike na binaril ni Adele. Buti nga damplis lang. Nais ko siyang bisitahin sa susunod na araw upang magpasalamat. Kung hindi niya ako niligtas malamang nalunod na ako ng tuluyan at wala na sa mundong ito.

Dinala na din sa estasyon ng pulis si Adele kasama ang mga lalaking alalay niya. Inayos na din ni Dale ang gusot na ginawa ng kapatid niya.

"Kamusta ka na?" tanong ni Dale nang mapansin kong nasa tabi ko na pala siya.

Hindi ko agad siya napansin. May powers ba to? Bat ang bilis niya?

"Okay lang. Okay na dahil tapos na ang paghihirap ko." saad ko habang nakangiti sa dagat.

"Patawarin mo sana ang kapatid ko." saad niya.

Napatingin naman ako sakanya at ngumiti.

"Soon Dale. Soon. Pero teka? Di ba nasa ibang bansa ka? Bakit ka nandito?" tanong ko.

Napahawak naman siya sa batok niya at namumulang napatingin sakin.

"Noong nabalitaan ko kay Trevor na nadukot ka nagbook agad ako ng flight para makauwi. Sakto pagdating ko dito nang mapigilan ko si Adele." paliwanag niya.

Napangiti naman ako sakanya at niyakap siya.

"Salamat at niligtas mo kami ni Trevor. Tatanawin ko itong malaking utang na loob." saad ko.

Pinat naman niya ang ulo ko at humiwalay sa pagkakayakap.

"Wala yon. Lahat gagawin ko para maging ligtas ka lang. Pangako yan." saad niya.

Ngumiti naman kami sa isa't isa at nagpaalam na siya sakin dahil kailangan niyang sundan ang kapatid niya.

Napatingin naman ako sa langit. Sigurado ako masaya na si Dad dahil maayos na ang lahat.

Nakangiti lang ako sa langit habang nakapikit nang may yumakap sakin mula sa likuran ko.

Mas napangiti ako ng matamis nang maamoy ko ang pabango niya.

"Maayos na ang lahat Vanna. Mabubuhay na tayo ng tahimik." saad niya mula sa likuran ko.

Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Salamat at hinanap mo ko." saad ko.

"Hahanapin at hahanapin kita kahit saan ka pa magpunta Vanna. Pangako ko yan. Mahal na mahal kita." sabi niya.

"Mahal na mahal din kita Trevor" saad ko.

Humarap naman ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit. Humiwalay din ako agad nang bigla niyang ilapit ang labi niya sa labi ko.

Sa wakas. Wala nang banta sa buhay namin. Tapos na lahat. Wala nang galit. Wala nang mawawala. Wala nang kasakiman. Hinding hindi ko makakalimutan ang trahedyang ito sa buhay ko kung saan maraming nais na iligtas ako mula sa kamatayan.

Kapag nadapa ka sa mga problema mo sa buhay kailangan mong tumayo at tatagan ang sarili mo. Dahil Hindi lahat ng oras may mga taong nais tumulong sayo. Ang sarili mo at ang Diyos ang magiging kakampi mo sa lahat ng problemang kakaharapin mo. Basta magtiwala ka Lang sa sarili mo at malalampasan mo din ang problemang yon.

*****

Epilogue na ang next. :)

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 150 62
Life is full of secrets, surprise and challenges that's what the main characters life before they know all the hidden truths about their true identit...
59K 1.7K 19
Tanya Madrid is a beautiful young lady na two years in a relationship with her boyfriend, Allandel Mariano. Nag propose sa kanya ang Allandel pero ti...
53.3K 753 52
Pano nga ba ang kahihinatnan kung makikilala ko ang ultimate chicboy ng university na papasukan ko? And worst , I know all of his friends dahil sa ku...
47.9K 1K 27
☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ First book: What Boys Think: Ephraim Second book: What Boys Think: Joshua Third book: What Boys Think: Raphael Fourth book: What...