Brave Hearts

By heartlessnostalgia

1.8M 93.1K 51K

[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the ch... More

Peñablanca Series #1: Brave Hearts
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Special Chapter #1: Atlas
Special Chapter #3: Lia

Special Chapter #2: Heart

20.9K 663 191
By heartlessnostalgia

Special Chapter #2: Heart & Josh

Fairytale sucks.

"Kaysa busangot ka riyan, ba't 'di ka na lang mamili ng bagong boyfriend? Dami namang nanliligaw sa 'yo, ah?" I heaved a deep breath before glancing annoyingly at my cousin.

"Manahimik ka nga, boplaks." I hissed.

Tumawa siya, "oo nga, arte. Cheater 'yong ugok mong ex, h'wag ka na ro'n. Mamili ka sa listahan ng mga manliligaw mo, oh. Hindi nga rin alam bakit medyo madami, eh, 'di ka naman kagandahan-"

"Ang kapal talaga ng mukha ng bobong 'to." Sa inis ay sinipa ko na si Atlas na humahagalpak pang lumayo sa akin. "H'wag mo igaya sa 'yo, huh?"

"Bakit mo pa kasi iniisip 'yon-"

"I wasn't thinking of him, okay?" I explained and stopped when I saw someone familiar approaching. "I'm thinking of someone else."

"Oh? Sino?" he asked, sinusundan ang tingin ko. "Sino? Si Josh?"

"Tanga, hindi!" I quickly hissed, "ayaw ko sa mga katropa mo, puro bangag kagaya mo."

"Excuse me?!" he exclaimed and even touched his chest, trying to look so dramatic kaya nginiwian ko na.

"Oh? Dadaan ka?" I offered the way at nang samaan na ako ng tingin ay ngumisi lang ako.

"Nag-aaway na naman kayo, Puso? Cap?" nawala ang tingin ko sa pinsan nang may umakbay sa akin.

I looked at Josh and saw him with his lazy smile, disheveled hair, shirt and jersey short. Mukhang kagagaling lang sa laro pero mabango pa rin.

"Ano ba 'yan, pawisan!" reklamo ko at tinapik ang kamay niya paalis, "baho mo, Josh!"

"Huh?" nagulat pa siya, nakita ko pag-amoy niya sa sarili. "Hindi kaya?"

"Oo nga!" sumimangot pa ako at inilingan niya, "enjoy na enjoy kakalaro?"

"Hindi nga mabaho, Heart." He said, his black eyes looked so soft as he stared at me. "Amuyin mo pa."

I screamed when he tried to make me smell his armpit. Hindi naman talaga siya mabaho at nang-aasar lang ako pero napatili ako habang tinutulak siya palayo.

"Joshua!" I hissed.

"Hindi nga kasi mabaho, Puso!" laban niya pa, "oh, amuyin mo rito. Dali!" he caught my hand so I could stop fighting with him, itinaas niya pa ang kamay kaya mas sumigaw ako.

"Josh! Ano ba! Isa-"

"Saan na ba si bibi ko? Umay na umay na ako rito?" naiwan sa ere ang boses ko, sabay pa kaming tumingin sa kanya ni Josh at nakitang nakanganga lang siya sa aming dalawa.

"Anong problema mo, bobo?" I asked him bluntly.

"Wala naman, bobo." Sagot niya sa akin bago ngumisi kaya nalaglag na ang panga ko.

"Ikaw..." nabitawan ko si Josh, tumayo ako para sugurin sana ang pinsan pero mabilis na may humawak sa baywang ko kaya hindi ko na natuloy.

"Isa, Josh!" reklamo ko, "bitawan mo 'ko-"

"Oh, bye! Nakikita ko na ang bibi ko. D'yan kayo maglampungan. Enjoy!" Ani Atlas na parang wala lang, tinapik pa si Josh sa likod ko bago sumipol-sipol paalis.

When he was gone, I froze. Bigla kong natanto na hawak-hawak ni Josh ang tiyan ko mula sa likod. Mukha tuloy naka-back hug kaya bigla akong sumigaw at hinampas ang kamay niya.

"Aww, Puso naman!" reklamo niya nang mapalo ko ang kamay.

"Bastos ka." Kumunot ang noo ko at bumusangot, "chansing ka, boy?"

"Ako?" namilog pa ang mata niya at napatingin sa kamay. "Hindi, ah! Hinila lang kita kasi baka magdumugan na naman kayo ni Cap. Matatawag na kayo sa office. 'Di ba, no'ng nakaraan nagsakalan kayo sa may parking?"

Natahimik ako bigla, naalala ang wrestling namin ng bobo kong pinsan tapos nahuli kami ng Dean kaya napagalitan. Hindi naman ako dapat talaga makikipag-away, ang kaso ay ang bobong Atlas na 'yon ay inaasar ako kay Josh na 'to kaya sa inis ko ay nasakal ko na.

Hindi ko magugustuhan 'to, ah! Ayaw ko sa ka-team ni Atlas, mga lutang!

Sumimangot ako at inirapan si Josh. Mukha naman siyang nagulat doon at napahawak pa sa batok niya.

"Did I do something wrong?" he asked pero 'di ko siya sinagot, sinulyapan si Lia nang makita at akmang tatawagin pero kinuha na siya ni Atlas. Biglang inakbayan mula kung saan bago tinangay palayo kaya napairap akong lalo.

Ang bobong hangal na 'to...mang-aagaw ng bestfriend! Sinusumpa ko, magtatae ka ng malala, Atlas!

Muli akong bumaling kay Josh sa gilid at nakita siyang medyo ini-stretch ang braso niya. He looks a bit tired and weary.

He is tall, magkasingtangkad lang sila ni Atlas. Ang buhok niya'y medyo basa dahil sa pawis pero ang gwapo niya sa paningin. He has this good boy aura around him pero for sure, scam 'yon. Bangag din 'to, eh. Parehas sila ng mga best friends niyang sina Atlas at Ted.

I saw a sweat fell on his cheek, nakagat ko ang labi ko at sinundan ang paghulog no'n sa mukha niya.

Bakit nag-slow motion?

"Heart?" I heard a faint voice. "Puso? Hey!" that's when I snapped back.

Parang nawala ang mabagal na paligid, napamulagat ako at nasalubong ang mata ng nagtatakang si Josh sa akin.

"Oh?!" I asked and he cursed, napahawak pa sa dibdib.

"Bakit ka galit?" he asked, confused. "Did I do something wrong?"

Miski ako ay nagulat din sa pagtaas ng boses kaya umirap na lang ako, inabot ang bag at walang pasabing hinagis sa kanya ang bag ko.

"'Di ba, crush mo 'ko?" I asked and his eyes widened more.

"H-hindi, ah!" depensa niya at napailing. "Saan mo narinig 'yan, kay Cap?" nakita ko ang pamumula ng mukha niya. "H-h'wag ka maniwala-"

"Eh, pwes, ako crush kita." I pointed out. "Kaya dalhin mo 'yang bag ko at ihatid mo 'ko pauwi."

Miski ko ako ay nagulantang sa lumabas sa bibig pero huli na para bawiin iyon.

His jaw dropped, "r-really?"

"A-ayoko nang paulit-ulit," sabi ko at nahihiyang nag-iwas sa kanya, "tara na."

Nagmartsa ako paalis, ramdam na ramdam ko ang pagsunod niya sa paglalakad sa akin pero pinipigil ko lang talaga ang sariling magsalita sa sobrang kaba.

Shit...shit! I just told him he's my crush! Oh my God?!

Hindi dapat! Hindi ko siya crush! Naga-gwapuhan lang ako kasi nga mas gwapo naman talaga siya sa mga ex ko at mabait pa pero-"

"Puso?"

"Yesh?" maarte kong tanong sabay lingon at lagay ng buhok ko sa likod ng tainga.

I caught the ghost of smile on his lips, bigla naman akong napaayos ng tayo at nag-pormal. Biglang nahiya sa ginawa.

"O-oh?!" I asked him, nagsisiga na ang boses.

He sexily moistened his lower lip and walked closer to me. Nasa likod niya ang bag pack niya pero ang pink kong hand bag ay nasa balikat kaya medyo nangingiti na ako pero pormal lang ang ipinapakita para naman 'di mukhang kinikilig.

"May bagong bukas na carinderia diyan, gusto mo kumain?" he asked at hindi ko alam kung bakit ganito pero nagsirko ang pakiramdam sa tiyan ko, ang puso rin ay nagwala na.

"M-masarap 'yong ulam?" I asked and he nodded, I felt him touched my hand, nagulat ako roon pero inilahad ang palad para mas mahawakan niya.

"Yeah," he said and smiled at me briefly. "Gusto mo? Masarap daw 'yong munggo nila ro'n."

"Okay!" I chirped and gave him a small smile, "after no'n, libre mo 'kong cotton candy, ah? Nilibre kita kahapon ng kwek-kwek."

"Oo na po." He laughed and gently filled the gaps in between my fingers with his. Gripping it gently. "Bibilhan din kitang palamig atsaka melon. Gago kasi ni Cap, napakadamot. Gusto ko nga 'yong melon do'n kina Lia kasi masahog."

I began laughing, nag-umpisa na siyang maglakad kaya sabay kami habang dinaraanan ang mapunong lugar, ang sariwang hangin ay magaan sa pakiramdam.

"Hayaan mo na si bobo," I said. "Napakadamot sa melon, hayaan mo, sinusumpa ko 'yon palagi na matae sa sobrang katakawan."

"Natupad ba?" tanong niya habang sinusulyapan ako.

"Hmm, sana?" I grinned, "hayaan mo, next time. Papagawan ko ng voodoo doll 'yan para matuluyang ma-jebs."

We laughed like kids, nang may dumaang tricycle ay sinundan namin iyon ng tingin at nakagat ko ang labing muli nang maramdaman ang hinlalaki niyang medyo humahaplos sa magkahawak naming kamay.

"Kumusta araw mo?" doon ko na siya nilingon, "ginugulo ka pa rin ba ni Assuncion?" he asked, referring to my ex.

"Tss..." I frowned, "matagal na 'yon, Josh. Paki ko sa kanya, mabaog pa siya, eh."

He chuckled lowly, nang makita na niya ang pupuntahan naming carinderia ay naglakad na kami patungo roon.

"Pangit naman no'n, anong nagustuhan mo ro'n?" he asked, his voice laced with confusion.

"Ewan ko rin," nagkibit-balikat ako. "Baka bulag ako no'ng mga panahong 'yon."

"Mabuti na lang talaga nagpa-check-up ka na ng mata." Sabat niya kaya nilingon ko.

"Huh? Kailan?"

"Nagpacheck-up ka, pampalinaw ng paningin tapos nakita mo 'ko." He suddenly smirked at bigla akong natigilan. Mas nagwala ang puso ko kaya napatili ng mahina at hinampas siya.

"You are so conceited, Josh." Kinurot ko na dahil patawa-tawa lang ang loko habang pinapaupo ako. "Ang yabang, akala mo naman gwapo. Heartthrob ka, boy?"

He suddenly sat beside me. Namilog ang mata ko nang tumitig siya sa akin, ang kamay ay nanatili pa ring nakahawak sa kamay ko.

"Josh-"

"'Di bale nang hindi heartthrob, basta para kay Heart lang." He uttered playfully with a smirk kaya sinapak ko na.

"Ang kalandian mo, Joshua?" I gasped and smacked him again. "Nasa carinderia tayo? Maghunos-dili ka?"

"Aww, ang sweet naman ng Puso." He said and winked, "you stay there, h'wag kang aalis, ah? Dala mo pa naman ang puso ko."

Liking him was a wrong thing...that's what I thought. I wasn't even planning to engage myself in another relationship after the trauma of being cheated on happened to me but when I got to know him more, binali ko lahat ng sinabi ko sa sarili.

I laughed evilly while hiding on the bushes to stalk my very shy bestfriend, Lia, and my not-so-gwapo pero bobo, Atlas, having their mini date in the field.

It's very corny but cute.

I lifted my phone to snap photos of them. Ginagawa ko 'to kasi kinikilig talaga akong lumalandi na rin ang mahiyang Lia namin pero at the same time, ang mga picture na 'to ay ibebenta ko kay boplaks.

Bibilhin niya ba 'to? S'yempre! Eh, madami ngang mga stolen pictures 'yon mula sa akin sa kanila ni Lia. Kahit 'di pa sila close noon, kapag may tyansang magkalapit sila ay handa palagi ang camera ko para kuhaan.

Atsaka medyo gipit din ako kaya balak kong ratratin ang bulsa niya. Panlilibre ko kay Josh lang.

Madilis kasi utuin 'yan si Atlas kapag Lia ang usapan.

"Anong ginagawa mo diyan?" a husky voice whispered and I gasped in shock, mabilis akong lumingon at nakita si Josh.

I wasn't expecting he'll be here. The tip of our nose touched because of much closeness, nakatitig kami sa isa't-isa ro'n at parehas hindi makagalaw sa sobrang gulat.

My heart pounded harshly upon staring at his black, expressive eyes. I smelled the manly whiff of his perfume.

"Mahal mo na 'ko niyan?" nawala bigla ang drama effect sa paligid. Kaagad kong sinapok ng noo ko ang noo ni Josh kaya napangiwi siya at napalayo.

"Gago." I uttered and rolled my eyes while looking away, praying I am not blushing too much.

"You're mean," he said while laughing, nakikigaya na naman sa dukwang ko. "Hindi kita nakita sa game kanina, nandito ka lang pala."

"May activity kami nina Lia sa isang subject," I said and snapped some photos again. "Na-miss mo kaagad ako?" biro ko pa, medyo natawa.

"Oo." I stiffened when I heard his answer, tila nag-freeze at humigpit ang hawak sa phone. "Muntik na kaming matalo nga. Paano ba naman at wala 'yong inspirasyon ko."

Oh, shit na malagkit!

"K..." I cleared my throat. "Kdot."

He laughed, "sayang, 'yong huling shoot ko pa naman ng bola sa ring para sa 'yo."

Hindi ka kinikilig, Heart. Hindi. Hindi!

"Ano bang ginagawa mo r'yan?" nakahinga lang ako nang maluwag nang iniba na niya ang usapan. He took a peek, mayamaya'y narinig ko na ang halakhak.

"Gago talaga 'tong si Cap, kaya pala gustong matapos kaagad ang game. Makikipagkita pala kay Lia." Aniya, "anong ginagawa mo? Bakit ka nagpi-picture? Inutusan ka?"

"Hindi..." iling-iling ko, itinatago ang pagiging iba ng nararamdaman. "Bebenta ko 'tong picture ng harutan nila kay bobo, 'yong kita ko, pangkain natin."

Natawa siya, nagdikit ang balikat namin nang mas lumapit siya at sinilip ang pwesto kung nasaan ako nakatingin sa dalawa.

"Ako na manlilibre sa 'yo, h'wag mo na baratin si Cap." Bulong pa niya, ang kamay ay nararamdaman ko sa may baywang ko habang nakadukwang kaming dalawa.

"Gago, boplaks ka rin, eh." Iling ko. "Kung may chance na magkapera, gawin mo. Kaya kung kayang baratin ni boplaks, why not?"

He chuckled again, this time it's closer to my ear that I felt his breath touching my skin.

"Brainy, huh?" bahagya ko siyang nilingon at nakitang sobrang lapit namin, muntik pa ngang magdikit ang labi kaya dali-dali kong umiwas sa takot na matumba sa kaba.

"I-intellectual kasi 'kong tao, Josh." I explained, "kaya h'wag kang maniniwala kapag sinabi ni Atlas na bobo ako kasi 'di ako kagaya niya. Maabilidad 'to. See? Binabarat ko siya pero wala siyang kalam-alam."

"Sino ba nagsabing bobo ka?" he asked kaya muli ko siyang binalingan at nakita ang titig niya sa akin.

"Si...Atlas?" sagot ko pang medyo nagtataka.

"Ah, siya lang 'yon. Hindi ka kasama." Pag-aalo pa niya kaya ngumisi na ako at natuwa. Saglit na ibinaba ko ang camera para kumapit sa braso niya.

"Talaga?" I asked, "talagang-talaga?" I asked again like a kid.

"Hmm..." he nodded, lifting his other hand so he could remove some strands of my hair near my cheek. "You're beautiful and smart, Heart. Pero h'wag mong sabihin kay Cap na sinabi ko, ah? Baka patakbuhin ako no'n paikot sa court ng isang daang beses."

It was corny but I couldn't hide the fleeting feeling I had. Kagat-kagat ang labi ay inangat ko ang kamay na nakahawak sa kanya.

"Ikaw talaga! Hmp!" I smacked him playfully, "h'wag mo 'kong landiin muna ngayon, okay? Mamaya na kapag may kita na tayo sa pictures ng Amalas."

"Alright," he shrugged, the side of his lips lifted while glancing their way. "Look at that, magandang pangbenta 'yong pose nila."

"Saan?" dali-dali akong lumingon sa pwesto no'ng dalawa para sana kuhaan ang sinasabi niya pero sa halip ay ang mabilis na halik lang niya sa pisngi ko ang naramdaman.

Gusto ko biglang mapatili pero walang lumabas na boses sa bibig. Hindi ko rin magawang makalingon sa pagiging estatwa sa biglaan niyang ginawa.

"Can I be your date for the ball?" he asked at sa nagwawalang puso ay unti-unti ko siyang nilingon at nakita ang nahihiya pero puno ng pag-asa niyang mga mata.

"Please?" he uttered and slowly took my hand. "I'll be a good boy, I swear."

I am doomed.

As usual, alam kong hindi nila isasama ang year level namin sa kanila Josh. I was expecting that so saying yes to Josh's invitation to be my date is kinda disappointing-knowing he really couldn't come.

Kasama ko si Lia buong ball, nahihiya man ang kaibigan ko ay pilit ko siyang binubuhay at pinu-pursue na makihalubilo at gumaan ang puso ko nang makita siyang totoong masaya habang nakikipagsayaw sa mga nag-aya sa kanya.

You are a great and loving girl, Amalia. I was so lucky I had the chance to become your friend. I may not like my boplaks cousin at times, but I know he'll treat you good. I know he's in love with you for all these years.

I'll protect my bestfriend at all times-not just because she's my friend but because she gave me the chance to be a part of her life. She deserves kindness and love, above all. She's a genuine and brave one.

I smiled gently while snapping photos of Lia, even sending it to my cousin who's been whining. Sinasabi pa nilang makakapunta sila dito pero I doubt, may bantay ngayon kasi ayaw nilang may makapasok na senior dito.

Paano ba naman kasi noon, eh, may naghalikan daw in public?

Such a risky move, my friend. Dapat doon kayo sa may garden naghalikan para 'di kita. Ayan tuloy, doble na ang security. Paano naman ang landian sana namin ng gagong bestfriend din ni boplaks?

I was enjoying the party by taking photos, dancing with batchmates and talking to people around pero wala nang mas ikakasiya ang pakiramdam nang makita ko ang pagpuslit nina Atlas, Ted at Josh na hindi ko alam saan pa galing.

"OMG?" halos isigaw ko na 'yon kung hindi lang takpan ni Atlas ang bibig ko.

"H'wag ka maingay, Puso. Yari tayong lahat." He hushed me kaya masayang tumango-tango ako, nakikipag-eye contact na kay Josh na pasimpleng sumisilip sa likod ng pinsan ko.

"Oo, sige-sige!" halos itulak ko na ang mukha ni boplaks para makaalis na siya at makita si Josh ng tuluyan.

"Saan si bibi ko?" he asked kaya ngumuso ako at tinuro ang pwesto ni Lia.

"Nando'n. Maraming manliligaw na. Puntahan mo na, sige. Shoo." Taboy ko sa kanya.

"What?!" angil kaagad niya.

"Wala!" taboy ko, halos itulak na siya palayas sa harapan ko at nang mawala na siya sa paningin ko ay muling nakita si Josh na gwapong-gwapo sa suot niya.

Simpleng kulay itim na suit at slacks lang ang suot niya pero agaw-pansin na. He has his tie inside with his white dress shirt, medyo magulo ang buhok at nakabagsak sa noo.

"Hey..." he smiled and walked closer to me and my breath hitched.

"Bakit ngayon ka lang?" pagmamaldita ko pa, tinatago ang tuwa sa boses ko.

"We had a hard time sneaking-"

"H-hi, Ted! P'wede bang isayaw mo 'ko?" nawala ang atensyon ko kay Josh nang may marinig na boses, nilingon namin iyon at nakita ang isang babae na may salamin, inaaya si Ted na sumayaw.

I saw the shock on Ted's face at that, mabilis niya kaming nilingon.

"Well, Miss..."

"I-I'm Cristina!" the lady then nervously offered her hand to him. "I-I like you, uh, p'wede mo ba akong isayaw? B-birthday ko!"

Bumilog ang bibig ko, narinig ko ang tawa ni Josh sa tabi ko. naramdaman ko ang pag-gapang ng palad niya sa baywang ko bago ako unti-unting hapitin palapit sa kanya.

"Uh..." napahawak pa si Ted sa batok niya habang sumusulyap sa babae. "Kasi, Miss-"

"Oo raw, isasayaw ka niya!" I said happily and pushed Ted towards the girl who almost lost her balance but Ted caught her arm.

"T-talaga?" the girl blushed more and Ted looked lost kaya tinanggal ni Josh ang kamay sa baywang ko para hawakan ang kamay ko, ang isa ay ipinantapik niya sa balikat ng kaibigan.

"Goodluck, pare. Ingat ka sa mga nagmamasid, baka mahuli tayo nila Cap. Yari kay Coach." Ngisi pa niya sa huli na naguguluhan man ay tumango bago humawak sa baywang ng babae at inaya na ito pasayaw.

My eyes from them shifted to Josh when I felt my hand being lifted in the air. My eyes brightened the same time my cheeks heated up when he gently brought it on his lips to kiss my knuckles.

"Beautiful, can I dance with you?" he asked and I slowly nodded and smiled.

Tahimik kaming nagtungo sa crowd, nakita ko ang pagbaling ng iilang juniors nang makita si Josh na kasama ko pero wala naman silang masabi dahil sinasamaan ko na ng tingin ng palihim.

Akin 'to. Akin. Akin!

When he put his hand on my waist, I encircled mine on his nape-pulling him closer towards me so I could hear his heartbeats.

"Hindi kaya 'ko mahuli rito?" bulong ni Josh habang humahaplos sa baywang ko, "what do you think, Heart?"

"Hindi 'yan..." iling ko pa at ngumuso, mas yumakap. "Subukan nilang isumbong ka, sapakin ko sila."

He chuckled amusingly, umangat ang kamay niya sa batok ko kaya sinilip ko siya at nakita ko ang malambing niyang mga matang nakatitig na sa akin.

"Talaga ba? Sasapakin mo sila kapag nagsumbong?" he asked and when I realized he's teasing me, umirap na ako.

"Biglang gano'n? Feel na feel mo naman?" tampal ko sa pisngi niya pero hinuli niya lang iyon at ibinalik sa batok niya.

"Shh, h'wag ka na magwala, Puso ko." He even chuckled despite my glaring eyes. "Yakapin mo na lang ako para sweet lang."

"Bakit? 'Di ba 'ko sweet, huh?" reklamo ko pa pero ngumuso lang siya at nagkibit-balikat.

"Oo naman-"

"Bakit tunog napipilitan?" I whined but he only laughed at me and caressed my back again.

"You're sweet, love. Don't worry. You're the sweetest." He said and I bit my inside cheek, stopping myself from smiling like crazy.

"L-love?" nanginig pa ang boses ko, "b-bakit love?"

"Because you are Heart?" He said the obvious kaya nag-poker face ako bigla.

"Wow, grabe naman po. Salamat po sa info, Joshua. Super helpful niya po, super kinilig ako." Iritado at puno ng sarkasmo kong sabi kaya mas natawa na siya at muli akong inilapit sa katawan-sa sobrang lapit ay amoy na amoy ko na ang gamit na pabango.

"Kidding," he chuckled again. "It's because you're my heart. Here." He gently made me feel his beating chest. "Ikaw 'yan at anong ginagawa mo sa puso ko para kumalabog ng ganyan? Love."

My cheeks heated up, kasing pula na siguro ako ng kamatis kaya nangingisi na si Josh at tinampal ko na ang dibdib.

"G-gago ka ba? Anong nagpapatibok ng puso? Edi dugo!" kinaltukan ko na kaya natahimik siya at napaisip.

"Ay, weh?" he asked kaya napapikit na ako at natawa, muli na lang yumakap sa kanya para magpigil ng ngisi.

"Ano ba 'yan, boplaks. Mana ka ata sa pinsan ko." Bulong ko pa pero naaliw na tumatawa lang siya.

"Don't be a kill joy, love." He whispered, "that's my explanation why my heart beats this way."

"Edi okay, wawa ka naman, eh." Bulong ko pa, itinatagong tuwang-tuwa rin ako at papauto sa sagot niya.

I suddenly remembered the sayings and beliefs during balls like this. Juniors and Seniors from the very start are prohibited to cross paths during this kind of event.

Sabi nila, if one crossed paths and kiss his love at ten P.M., siya ang makakatuluyan mo.

Napangisi ako, sa sobrang attached namin sa paniniwalang 'yon ay talagang may mga mag-jowa ang nagpupunta o pupuslit kahit sa ibang grade level para lang mag-kissing scene ng ten.

What a silly myth. Hindi naman ata totoo 'yang makakatuluyan na 'yan. Parang mga bata.

Iginilid ko ang ulo at parang lumuwa ang mata sa gitna nang makitang naghahalikan na si Atlas at Lia roon sa gilid.

"Luh? Sheyt na malagket..." I whispered kaya miski si Josh ay napalingon at biglang sumipol.

"Nice one..." tawa pa niya kaya humiwalay na ako at nag-martsa palapit sa dalawa.

"Pakshet?" sabi ko habang nakapaymawang at nakanganga. Paglingon sa akin no'ng dalawa ay kita ko ang lalong pagkalat ng pula sa mukha ni Lia.

"H-Heart..." she called awkwardly.

"Did I just saw you-"

"N-no!" she exclaimed aggressively, nakita kong humahawak sa kanyang baywang si Atlas pero siniko niya ito at sinamaan ng tingin kaya medyo napalayo ang pinsan kong boplaks, patawa-tawa pa.

"Hindi, eh! I saw it!" I said, trying to lower my voice para 'di makakuha masyado ng atensyon.

"Guni-guni-"

Umiling ako.

"Girl, naglaplapan kayo-" my voice faded when suddenly a large palm covered my mouth.

"Take care of my talkative cousin, Josh." Ani pa ni bobo na pinalalakihan ko na ng mata pero kinindatan pa ako na nang-aasar sabay baling kay Josh. May malisya pa ang tingin.

I gasped when I suddenly got lifted in the air when Josh carried me by my stomach to take me away kaya nahila ko ang kamay niya sa bibig ko.

"Naghalikan sila, Josh-"

"Gusto mo rin ba?" he asked me teasingly kaya natigilan na ako at mas nagwala ang puso.

"What..." I trailed off.

"Ten is still not over, baka tumalab pa 'yong-"

"Joshua!" I screamed and pulled away, nang maabutan kong nangingisi ang gago ay napasinghap na ako at hinila ang buhok niya.

He yelped, he tried reaching for my hair pero hindi ako pumayag at mas hinila na siya-kulang na lang ay patulugin ko siya sa lapag sa sobrang gulat sa sinabi.

Kasi...bakit pa sasabihin? Bakit 'di na lang niya gawin para surprise?!

Ang ending, para 'di kami makaagaw ng atensyon mula sa mga tao ay lumabas na lang kami. Nagtago kami sa may garden malapit lang sa room para 'di mahuli ng bantay.

Nakatayo kami ni Josh sa may railings doon kung saan overlooking ang siyudad ng Cagayan, ang ilaw ay kitang-kitang sa lalim ng gabi. I was in front while he's on my back.

Nakahawak din siya sa railings, ang mukha ay nasa may leeg ko para makadungaw din siya sa view sa ibaba.

Muli kong sinuklay ang buhok, pilit na ipinipirmi iyon mula sa pagsabog dahil sa hangin.

"Let me hold it for you," Josh even offered. I moved aside, trying to touch my hair before I shifted my body and face him.

I saw the shock mirrored on his face when we're face to face. Kaagad din iyong nawala, tumaas pa ang sulok ng labi niya at mas humawak sa railing, inilalapit ang katawan sa akin.

Josh is tall, he really is. Magkasing-tangkad sila ng pinsan ko habang ako'y nasa may bandang labi niya lang.

Sakto kapag kissing scene.

"Sorry for pulling your hair," I apologized shyly, lifting my hand on his shoulders to touch his hair. "Masakit ba?" hindi ko na rin napansing lumambing ang boses ko.

"It is," he answered and moved his body closer, making my breath labored. "But I know how you could make it feel better."

"How?" I asked, concerned. Mas hinaplos ko ang buhok niya.

His defined jaw is on my view, kitang-kita ko kung paano kumislap ang malamlam niyang mga mata dahil sa ilaw mula sa lugar. His reddish lips looked so tempting and he overall looked so...great.

"Ten's still not over," aniya kaya nanlaki ang mata ko. "Kiss?"

"H-hoy!" tinampal ko siya. "A-ayaw ko nga, bata pa 'ko!"

He burst out laughing, I thought he'd insist because he moved his face closer. Isinara ko ang mata, nag-aantay ng halik pero ang malambing na dampi lang sa noo ko ang naramdaman.

"Kidding," he chuckled lowly and I opened my eyes, seeing the happiness reflecting on his.

"Being this close to you is enough." Aniya halos pabulong, punong-puno ng lambing. Nakagat ko ang labi at napasulyap sa kanya na sobrang lapit lang sa akin.

My hands felt like it has a mind of its own, walang pagdadalawang-isip na humawak sa batok ni Josh sabay hila sa kanya palapit para mahalikan ang mga labi niya.

Our lips touched, my heart thumped loudly when I felt his soft ones against mine. He tasted so sweet.

I felt him stiffened with my sudden move kaya bigla akong natigilan, namilog pa ang mga mata nang matanto ang nagawa at umaktong lalayo pero umangat ang kamay niya papuntang batok ko para hindi ko iyon magawa.

He lowered his body more so I could kiss him properly. His lips started moving against mine and I totally lost it. My eyes dropped closed, feeling the glee filling my heart as we kissed.

It took us a while before we moved away from each other, catching our breaths. Init na init ang pisngi ko nang tignan siya at nakita ang malambing niyang tingin sa akin.

He was hiding a smile, napanguso naman ako at halos sumigaw na.

"D-did I...d-do it right?" my voice's trembling when I asked him that, waiting for his answer but he didn't.

He remained staring at me, his playful and amused smile's plastered on that reddish lips. His drunk gaze is on mine kaya unti-unting bumagsak ang balikat ko.

"S-sorry..." I gasped, "h-hindi kasi ako marunong humalik."

I saw the shock on his eyes, umakma akong aalis pero muli niya akong hinila palapit sa kanya at ikinulong sa bisig niya.

"Josh-"

"Why are you leaving?" he asked, pinning me on the railings again.

I sighed, "nahihiya ako." I confessed. "N-ngayon lang ako nakahalik kaya-" my voice got drowned when he lowered his head again to kiss me on the lips. Shutting me up.

"Josh-" he kissed me again.

"You did well, love." He whispered on my lips after, his thumb went on the side of my cheek down my parted lips.

"H-huh?" I asked, disoriented and lost.

"You kissed so well," he smiled. "Nagulat lang ako."

Doon na ako nakahinga pero kumunot naman ang noo nang may matanto at napamura siya sa gulat nang basta ko na lang siyang hampasin sa balikat.

"Heart-"

"Bakit 'di mo sinabi agad?" I asked, glaring at him. "Akala ko hindi ako marunong! Na-turn off ka!"

"Hindi!" napatawa siya, "nagulat lang ako. Joke lang kasi sana kasi-"

"Edi kalimutan na lang natin." Ngiwi ko, "imagination mo lang 'yon-"

"Let's hope for the ten P.M. magic to happen." He said, startling me.

"W-wala na 'yon..." tumikhim ako at nag-iwas ng tingin, "alis ka nga nga diyan, papasok na ako sa loob ng hall! Ayaw mo naman ata sa kiss ko-"

"Gusto ko nga 'yong halik, Puso ko." He said and pulled me back to him, cornering me.

"But you didn't answer me right away! Aba, malay ko bang sinasabi mo lang 'yan kasi-"

"Ikaw din ang unang halik ko." Aniya kaya napatulala ako sa kanya.

He smiled at me teasingly, his red lips twisted in a playful way with his glinting black eyes.

"Kung ayaw mo, gusto mo gawin na natin ng isa pa?" he asked kaya nag-init na ang pisngi ko, 'di na napigilan ang pagtili at pagpalo sa kanya.

"Isa! Ang harot mo! Mamaya maagawan natin ng moment ang Amalas, ah?!"

"H'wag ka na kasi magalit, love." He touched my waist and catch my gaze. "Are we good now?"

Hindi ako umimik at mas sumimangot lang, seryoso pa ang tingin.

"Hey, love..." he pinched my nose and I'm hyperventilating deep inside but I didn't show it to him.

"Puso, I like you." he confessed and caressed my waist again but I still remained serious.

He suddenly made a funny face, halos mabuga ko ang kung ano sa gulat doon pero pinigilan ko ang pagtawa at kinagat ang labi. Nagseseryoso.

"Tatawa na 'yan..." he teased, "tatawa na ang Puso ko."

"Hindi." Prente kong sabi, seryosong-seryoso pero bigla siyang nagduling-dulingan at pinalaki ang ilong kaya napabughalit na ako ng tawa.

"Gago!" I exclaimed, stifling a laugh.

It made him laugh too but he tickled me this time, making the funny face again to make me smile kaya naiiling na akong nagsalita.

"Pangit mo, mukha kang alien na gago." Sabi ko sabay natatawang tampal sa pisngi niya, nangingiti, umaasang maging totoo ang ten P.M. magic.

Ten P.M., do your magic. Sana...sana sa huli ay kami pa rin.

Continue Reading

You'll Also Like

115K 8.6K 76
And so? An epistolary.
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
1.1M 56.6K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.
624K 40.8K 162
Hi, bebi! An epistolary.