SERIES 2: Trapped In Sadness

By ever_minah

20.8K 533 186

SERIES 2 Captain Vaughn Vestager, was forced to leave the Air Force for some ulterior matters. Serving his co... More

TRAPPED IN SADNESS
PROLOGUE
TIS Chapter 1
TIS Chapter 2
TIS Chapter 3
TIS Chapter 4
TIS Chapter 5
TIS Chapter 6
TIS Chapter 7
TIS Chapter 9
TIS Chapter 8
TIS Chapter 10
TIS Chapter 11
TIS Chapter 12
TIS Chapter 13
TIS Chapter 14
TIS Chapter 15
TIS Chapter 16
TIS Chapter 18
TIS Chapter 19
TIS Chapter 20
TIS Chapter 21
TIS Chapter 22
TIS Chapter 23
TIS Chapter 24
TIS Chapter 25
TIS Chapter 26
TIS Chapter 27
TIS Chapter 28
TIS Chapter 29
❗❗❗

TIS Chapter 17

476 16 9
By ever_minah

"I'm sorry, I mean to say it was my fault." — Vaughn Vestager
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
















NASA labas lang kami ni Amarah. Tawag ka kung gusto mong sumunod. — Mihira

Napahinga ng malalim si Illyza matapos basahin ang sulat na iniwan ni Mihira. Kakatapos lang niyang magbihis nang makita itong nakadikit sa pintuan ng kwarto. Kaya pala ang tahimik sa sala lumabas pala ito kasama ang anak.

She exited from the room and sat on the sofa.

Tahimik, nag-iisa na naman siya. Napahinga siya ng malalim. Muling nanumbalik sa kanya ang nakaraan, ang nakaraan na pilit niyang kinakalimutan pero isang napakalaking imposible. Trying to forget the past is like trying to kill a hero, kahit patayin mo ito hinding-hindi ito makakalimutan ng kahit na sino. Gano'n din ang ala-ala kahit pilitin mo itong kalimutan imposibleng manyari.

She sighed and was about to dial Mihira's number when the door suddenly opened.

Dali-daling pumasok si Mihira karga-karga si Amarah. Maputla ang mukha nito at balisa, sa itsura palang nito para itong natatakot.

"Illyza, diyos ko! Patawarin mo 'ko hindi ko nabantayan ng maayos ang bata..." Mabilis nitong sabi at binigay sa kanya si Amarah.

"Bakit? Anong nagyari?"

"Baby Amarah naman, hindi tayo ang may-ari nito. Bakit mo kasi nagawa 'yon, hindi naman yun laruan."

"Huh? Ano bang sinasabi mo hindi kita maintindihan."

Tinignan siya ni Mihira. "Illyza kasi..." Tumaas ang kilay niya. "Si Amarah,"

Kumunot ang kanyang noo. "Bakit?"

"Nakasira ng gamit dito,"

Nanlaki ang mga mata ni Illyza sa narinig. "Ano?"

"Kaya sobrang tahimik hinihila pala yung mga dahon ng halaman ayon nagkapira-piraso at nahulog sa sahig."

"Ano? Papaanong nagawa ng anak ko 'yon? Hindi ito naninira ng gamit."

"Yun na nga halos nawalan na ng dahon ang halaman, akala siguro laruan. Sorry Illyza, sorry for putting you in trouble. Sorry hindi ko nabantayan ng maayos ang bata, sorry..."

Napahinga ng malalim si Illyza at pinaupo sa sofa ang anak. Problemado siyang pumikit ng mariin at hinilamos sa mukha ang kamay.

"Mabuti nalang medyo mabait yung lalaki, ewan ko lang kung ano siya dito, pinapalitan lang niya ang halaman hindi man lang siya nagalit... pero suplado eh, sayang ang gwapo pa naman hindi ko na tuloy siya type nakakaturn off."

She looked at her problematically, of what happened nagagawa pa nitong sabihin yun. She shook her head and sat beside her daughter. "Duda ako, hindi tayo makakalabas dito nang hindi iyon nababayaran. Siguro mamaya, bukas o sa susunod na mga araw padadalhan tayo ng bill para sa halaman na nasira."

Mihira stares at Illyza in melancholy, she sat across her on a single chair. "Sorry talaga Illyza, 'wag kang mag-alala tutulungan kita sa pagbabayad."

"Hindi na salamat, anak ko ang nagkasala kaya okay lang."

"Pero ako ang nagbantay..."

Tumikhim siya. "Teka... iyong lalaki ba, siya ang may-ari o manager dito? Gusto ko siyang makausap."

"Yan ang hindi ko alam. Basta hindi naman siya nagalit pero may pagkasuplado talaga."

She looked at her blankly.

"Pero gwapo talaga siya," Mihira said dreamily; her hands clasped together while looking up the ceiling. "Ang ganda ng mga mata niya parang pinaghalong asul at berde, perfect ang ilong niya. Kahit nakacorporate suit makikitang maganda ang katawan niya. Tas ang tangkad pa niya. Basta! 'Pag nakita mo siya masasabi mong siya ang ideal guy. Perfect!" And snapped her fingers.

Umikot ang mga mata ni Illyza. "Tapos kana?" She said in a bored tone.

"Ano ka ba totoo!"

Tumayo siya. "Bababa ako. Pupunta ako sa reception area, magtatanong ako tungkol sa lalaki kanina gusto ko itong makausap. Pakibantayan muna ang bata." She gestures her hand towards her signing of stop. "Please lang, 'wag na muna kayong lumabas."















------

"BYE mom,"

Anang Vaughn matapos ibaba ang tawag.

He went down the hotel and go to a nearest bar and drink all by his self to get drunk.

Half an later he received a call from one of his family in Colorado but he ignored it at patuloy na umiinom. His phone keeps on ringing kaya sa inis niya in-off niya ito. He didn't care kung magalit man ang kung sinong tao na tumawag, he knew it was his mom.







Kinabukasan nang magising siya he turned his phone on and got lots of missed calls and a text message from his dad caught his attention.

[Your mom has been delivered to the hospital because of a heart attack caused by you! Get home in Colorado tomorrow.]

Parang tinakasan ng dugo ang mukha ni Vaughn sa nabasa. Hindi siya makapaniwala na nasugod sa ospital ang kanyang ina nang dahil sa kanya.

Humigpit ang paghawak niya sa kanyang phone, ilang beses na ba siyang kinausap ng ina at babaan ito ng tawag? Hindi na niya maalala. Nagawa lang naman niya iyon dahil sa pakiusap nito na hindi naman niya kayang gawin, he can't just say yes and marry the woman she preferred for him.

Bumilis ang paghinga niya dahil sa halong inis, galit, lungkot at pagsisisi. Ano ng gagawin niya ngayon? Nasa Maryland siya ngayon at nagtatrabaho sa isa sa mga branch ng AVENUEWORLD. Will he go back to Colorado? Kailangan ba niyang humingi ng tawad sa ina? Siya ang dahilan ng pag-atake nito sa puso, pero may rason naman siya. Napapikit siya ng mariin, hindi niya alam ang gagawin.

Habang iniisip kung ano ang gagawin, bigla namang tumunog ang phone niya.

Evander calling...

(Vaughn! Where the fvck are you?! Are you still in Maryland?) Sigaw nito nang masagot niya ang tawag.

"Fvck Evander your voice!" He shouted back.

(The hell I care! Where the fvck are you?)

"Still in Maryland you fvcker! Stop shouting will you?"

(Why would I not?! I've been calling you a couple of times already yet you turned your phone off! What's with you bruh! Aren't you aware that mom is in a hospital right now? Thanks to you!) Evander became sarcastic on the last part.

"Oh yeah, mom kept on forcing me to marry Willa Jenica you know? That's so stupid." He got up from his bed hot-headed. His morning isn't good anymore.

(What's being stupid about that bruh? At least she cares about you! She's choosing the right woman for you!)

Vaughn laughed sarcastically.

"Dude that's insane! How can she say that Willa Jenica is good for me? That clearly stupid!"

(Why don't you just agree with her and go back to Colorado to marry Willa Jenica? I think that's the best decision ever, you'll gonna have Willa Jenica and the AVENUEWORLD hotels and resorts.)

He shook his head. It's easy to say those because he isn't the one to be betrothed to her. He clenched his fist. "I gave up my job to not marry this woman to end up marrying her? I shouldn't gave up Air Force then. How stupid I am."

He heard a sighed on the other line.

(Bruh, can you stop being selfish this time? Our mom's in a hospital right now, and that is all because of you.)

"Being selfish is far different from fighting for my rights. Can't I have my freedom? If you're in my situation what will you do then huh?"

(I will marry Willa Jenica to stop this shit,)

"I cannot just agree with you."

(Can't you do it for mom? You can afford seeing mom suffering?)

Huling sinabi ni Evander na dahilan ng pagbalik niya sa Colorado nang araw na 'yon. Sadness overwhelmed him. He felt he's prohibited to choose for his freedom. If he could turned back time wala sana siyang utang na loob sa ama ni Willa Jenica at hindi sana siya pinilit ng ina na pakasalan ang babae. At higit sa lahat, wala sana sa ospital ang kanyang ina ngayon. Napapikit siya ng mariin. Sobrang hirap ng gagawin niyang desisyon. Mahirap lalo na't ina niya ang kalaban dito.



Huminga siya ng malalim at pumikit ng mariin. Right now he's already in Colorado at nandito sa ospital kung sa'n dinala ang ina niya. Pipihitin na sana niya pabukas ang pinto nang may magsalita sa likuran niya.

"Vaughn..." He stopped. "Can I talk to you?"








"I haven't seen you for almost 2 years. How are you?" Anang Willa Jenica. Kasalukuyan silang nasa coffee shop ngayon.

His face is passive. "Nothing change," he said coldly.

"Why are you acting cold? You are not the Vaughn I knew. You changed, I missed the old Vaughn." She said softly.

"Stop with your drama Willa Jenica..." He said and sip his coffee. "Do you have feelings with me?" Diretso niyang sabi pagkatapos ay tinignan ito ng walang halong emosyon. Naiinis siya.

The woman looked deeply in his eyes. Parang pinaparating nito ang totoong nararamdaman.

"I thought we're just friends—"

"Yes, to tell you honestly, yes. I like you Vaughn..." Umiling ito. "Uh, no. I love you Vaughn. Can't you feel it? The way I treated you, the way I looked deeply in your eyes. Can't you feel it?" Nagsusumamo ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

He shook his head, the feelings isn't mutual. "I'm not numb Willa Jenica, ever since we're young I knew you have something about me. But I'm sorry, I cannot give back the love you're giving."

"You gotta learn to love me Vaughn soon when we get married. I promise I will do everything for you to love me. It's easy to love me, that's what Tita Leticia said."

"But mom and I is different!" Marahas na bumuga ng hininga si Vaughn sa inis. "Please put some respect on yourself Willa Jenica. Stop pushing yourself to me, you're a woman have you forgotten?"

"But I loved you! And I will do everything for you to marry me!" Galit na sabi nito at tumayo. "You will marry me, Vaughn." Mariin nitong sabi pagkatapos ay lumabas.

Napahilamos siya sa galit. Hindi na ito ang Willa Jenica na kilala niya, ang kababata niyang sobrang bait. Naiba ang ugali nito dahil sa pagmamahal sa kanya.

Nang makabalik siya sa ospital ay nawalan siya ng gana na ipaglaban ang sarili. Sinuntok pa siya ng ama nang makapasok siya sa kwarto ng ina. Napahawak siya sa kanyang panga.

"I'm sorry dad, mom." Walang gana niyang sabi. Gusto niyang magwala at manuntok. Pakiramdam niya tinanggalan siya ng karapatan sa buhay niya.

Huminga siya ng malalim at walang emosyong tinignan ang ina. "Happy mom?"

"Vaughn! Talk to your mom in a nice way!" Galit na sabi ng kanyang ama.

Hilaw siyang ngumiti at lumingon sa ibang direksyon. Kinagat niya ng mariin ang ibabang labi bago tumingin muli sa ina. Pagod na siya.

"What do you want mom?" He said flatly.

Nagliwanag ang mukha ng kanyang ina at ngumiti ng malawak.

"Your dad will let you control over the AVENUEWORLD hotels and resorts... That's, if you marry Willa Jenica for me."

His fists clenched pagkatapos ay nilingon ang ama. Hindi nito tinupad ang pangakong tatlong taon, nakakawalang gana.

"You will marry Willa Jenica, son?" Malambing na sabi ni Leticia.

Gano'n? Pwes, susundin niya lahat ng gusto nila, papakasalan niya ang babae hanggang sa tuluyang mapasa sa kanya ang pangalan ng AVENUEWORLD at saka siya mapa-file ng divorce. Hindi niya hahayaang sila lang ang tuluyang magsaya.

"Okay,"

Napahinga ng malalim si Vaughn, ngayon ay nandito siya sa main branch ng AVENUEWORLD sa Colorado. Binisita niya saglit ang hotel and resort.

Napaayos siya ng upo nang maalala muli ang bata kanina. Sinira nito ang halaman sa lobby ng hotel pero wala man lang siyang makapang inis, ni hindi pa nga niya pinabayaran ang halaman. Ewan niya unang beses pa lang niya iyong nakita pero pakiramdam niya sobrang lapit na nito sa puso niya. Nang haplusin nito ang pisngi niya ay para din nitong hinaplos ang puso niya. Minsan na niyang nakasama ang ibang mga bata pero iba ang pakiramdam niya sa batang nakilala kanina. Sobrang gaan ng loob niya at hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman nang makasama at makausap ito.

"Amarah... Amarah... Amarah"

Patuloy na banggit niya sa pangalan ng bata pagkatapos ay tumayo at lumabas ng opisina.
















-----

HUMINGA ng malalim si Illyza nang tumunog ang elevator hudyat na nakarating na siya sa unang palapag. Dali-dali siyang lumabas ng elevator at lumiko ngunit agad ding naestatwa nang makakita ng hindi inaasahan.

Isang lalaki, kakalabas lang nito ng elevator. Akala niya hindi na niya ito makikita pang muli pero heto ito ngayon nakatayo ilang hakbang ang layo sa kanya.

"Vaughn?"

Bulong niya pero narinig parin ito ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang lingunin siya nito. Hindi niya lubos akalaing makikita niya muli ito, at sa mismong hotel pa kung saan sila pansamtalang namalagi ng anak.

Mabilis na kumabog ang dibdib niya, ang lapit-lapit lang nito sa kanila ni Amarah.

"Jasmine?"

Nahugot niya ang hininga nang banggitin nito ang una niyang pangalan.

"Good to see you again. How are you?" He said very casually like nothing's happened before.

Hindi makakibo si Illyza pakiramdam niya nanuyo ang kanyang lalamunan. Bakit dito pa? Bakit dito pa sila nagkita? Is this coincidence or tinadhana talaga silang magkita?

Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.

"I'm good, it's good to see you again." Casual niya ding sabi. Hindi niya pa din makontrol ang sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Epekto siguro ito ng kaba na nararamdaman niya.

Vaughn nodded then he glanced at his wristwatch. "Excuse me. I have to go, nice seeing you again Jasmine, bye." Nagmamadali nitong sabi pagkatapos ay tumalikod.

Naalarma si Illyza sa mabilis nitong pagtalikod. Napalunok siya at nilakasan ang loob. Nakalimang hakbang palang ang lalaki nang tawagin niya ito.

"Vaughn wait!" She stopped him. Lumingon sa kanya ang lalaki. He looked at her with question in his eyes.

Muling huminga siya ng malalim at nilapitan ito. "Can I... Can I talk to you?"

"I'm sorry I'm in a hurry—"

"Please," nagsusumamo niyang sabi. "This is very important..."

"How important is that?"

"More than you could ever imagine."

Tinignan siya ng mariin ni Vaughn. Kinakabahan man pero hindi niya ito pinahalata. Iniisip niya na kailangan nitong malaman ang totoo tungkol sa anak nila. Ama ito ng anak niya, he deserved to know the truth. Kailangan nitong malaman na may Illyree Thamarah na dugo't laman nito na nabubuhay sa mundo.

Tinignan niya din ito ng mariin pero hindi niya mabasa kung ano'ng nasa isip nito.

"Come, follow me."

Sinundan ito ni Illyza patungo sa isang glass door at lumabas doon. A garden of flowers welcomed them, maganda, payapa, tahimik at walang masyadong tao. Patuloy niya itong sinusundan hanggang sa huminto ito sa lugar na malayo sa mga tao.

Tumabi siya rito ng tayo. Magsasalita na sana siya nang maunahan siya nito.

"I'm sorry," unang mga salita na lumabas sa bibig ni Vaughn. Hindi man lang nito magawang lumingon sa kanya. Ang mga mata nito ay matuwid na nakatingin sa unahan habang nasa bulsa ang mga kamay. Habang siya naman ay nakaharap at nakatingala sa lalaki.  "I'm sorry for lying about my real identity. I pretended to be Vann when I'm actually Vaughn." Lumingon ito sa kanya. "I'm sorry, I mean to say it was my fault."

She looked away pagkatapos ay kumurap-kurap. Napatuwid siya ng tayo.

She sighed.

"That was almost two years ago. I won't deny how furious I was... I was good to you, I trusted you, I treated you as a friend but then you deceived me, imagine the pain you gave me." Bumuga siya ng hininga. "But that was all in the past, what's more important is today." Lumingon siya rito. "I have something to tell you very important." Kinakabahang aniya.

He looked deeply in her eyes simply telling her to continue.

"The night we made it, I was drunk, I don't know what happened. The next morning I woke up on your bed... naked. I was mad, I freaked out. Who wouldn't? Someone... a stranger took my virginity." Sabi niya at muling nilakasan ang loob. "But what I didn't know is, God sent me a very beautiful gift that I would treasure for the rest of my life." She smiled tightly. "We have a baby Vaughn, I'm telling this because I think you deserve to know the truth. She's a year and two months old. She looks exactly like you, except the eye color. She's beautiful. Her name's Illyree Thamarah. Wanna see her pictures?"

Kukunin na sana niya ang cell phone nang magsalita ang lalaki. Hindi man lang ito nagpaligoy-ligoy sa sasabihin.

"I'm sorry... I'm getting married, I cannot father our daughter. What I can give her is only the financial support other than that," he shook his head. His face is void with any emotions.

Napangiti ng hilaw si Illyza. Hindi niya kailangan ng suporta nito. Kaya niyang buhayin ang bata, kaya lang naman niya sinabi iyon dahil siya ang ama at karapatan nitong malaman ang totoo.

"No need, I can raise her on my own. At least I tell you the truth about her existence, I wouldn't worry anymore." She said. Masakit malamang hindi nito kayang maging ama sa anak nila. Pwede naman itong maging ama kahit kasal na ito sa iba pero hindi, hindi nito kayang tumayong ama kay Amarah.

Kumuyom ang kamao niya. Muli na naman sana siyang magsasalita nang tumunog ang phone ng lalaki. Mabilis nito iyong sinagot pagkatapos ay binaba.

"I'm sorry, I have to go."










A/N: Hello readers, good day! I just want to tell everybody na apat na beses lang po ako makakapag-update sa isang buwan and every last week of the month lang po. Sana po maintindihan niyo. God bless!



To be continued...
✴ever_minah✴

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...