The Protector

By grenadier0007

35.5K 1.7K 1.4K

This is an intense and passionate story of Isabel Beatriz De Leon and Jessica Margarett Galanza. They unexpec... More

Chapter 1 - Jessica
Chapter 2 - Isabel
Chapter 3 - AJV
Chapter 4 - First Encounter
Chapter 5 - The Client
Chapter 6 - Julia Morado
Chapter 7 - Birthday Party
Chapter 9 - Sa Isang Sulyap Mo
Chapter 10 - Naughty Jessica
Chapter 11 - Triangle
Chapter 12 - Runaway
Chapter 13 - The Morning After
Chapter 14 - Confrontation
Chapter 15 - Miss Villarama
Chapter 16 - Three Is A Crowd
Chapter 17 - Test The Water
Chapter 18 - Mabagal
Chapter - 19 - The Past
Chapter 20 - Drunken State
Chapter 21 - The Start Of Something New
Chapter 22 - LOVERS ⚠️ 🔞
Chapter 23 - Intruder
Chapter 24 - Rescue Me
Chapter 25 - Missing You
Chapter 26 - Together Again
Chapter 27 - True Identity
Chapter 28 - Love Me Like You Do ⚠️
Chapter 29 - Falling Deeper 🔞⚠️
Chapter 30 - Take A Risk
Chapter 31 - Dangerous Game
Chapter 32 - Blackmail
Chapter 33 - Is This The End
Chapter 34 - Mystery Woman
Chapter 35 - Revelations
Chapter 36 - Eye For An Eye
Chapter 37 - Conspiracy
Chapter 38 - End Game
Chapter 39 - I Need You
Chapter 40 - Bonus part ⚠️

Chapter 8 - AliTon

710 40 45
By grenadier0007

JESSICA.

I woke up early today which is unusual. Tapos nakatulog din ako ng mahimbing kagabi, first time in many months. What's happening haha?

Hmmmn, dahil ba wala akong katabi sa kama?

Siguro namiss ko lang nga mag isa. Bihira kasi kaming magkahiwalay ng matagal simula ng ikinasal kami ni Anton.

It feels great din pala na may alone time once in a while.

Nagtataka tuloy ang mga kasambahay namin dahil tumulong ako sa kanila sa kusina. Since I have plenty of time, I decided to make some cookies. Matagal na rin akong hindi nakagawa nito.

While the cookies are in the oven, nagpasya akong lumabas muna sa garden at doon na magkape.

"Good morning Madam Gob." sabi ni Tukne pagkakita sa akin.

I am disappointed to find him alone.

Uy may hinahanap si Madam Gob.

"Good morning. Nagkape ka na ba?" tanong ko.

"Opo Madam." sagot niya.

Napatingin ako sa parking area. Wala doon ang hinahanap ko. Yung motor ni Bea.

Napailing na lang ako at ipinagpatuloy na uminom ng kape. Bakit ko ba hinahanap?

I'm curious kung anong oras siya papasok today. Siguro mamaya pa ang dating niya. Hindi ko din naman alam kung anong oras siya dumating dito kahapon.

Saan kaya nakuha ni Anton si Bea? It's the first time na kumuha siya ng female bodyguard. Lahat ng tauhan at security details niya ay male.

Maybe the agency has something to do with it. Oh well, dahil nga sa banta sa buhay ni Anton, we really need additional security.

Having Bea is like a fresh air.

Ang baliw lang ni Jia kasi hindi niya ito tinantanan biruin kahapon. Buti na lang at parang cool lang si Bea. Balewala yata sa kanya ang mga banat at parinig ni Jia.

Natawa ako doon sa sinabi niyang she will get Bea in case na pakawalan ko. Hahaha, asa pa siya. Napangiti ako ng wala sa oras.

Nasa good mood ako na bumalik sa kusina. Cookies are ready na. Inalis ko muna ito sa oven para palamigin. Ang bango bigla akong nagutom pero mamaya ko na lang ito titikman. I'll just have a shower first.

Pagkaligo ay hindi ko napigilang sumilip sa bintana from our bedroom habang nagbibihis. Wala pa rin ang motor.

Bigla akong nainis.

Pati si Kuya Boy ay hindi ko pa rin nakikita. I picked up my phone sa side table. Nakalimutan kong buksan ito kanina. 

When it turned on, lumaki ang mata ko sa nakita. A lot of text messages from Anton. Omg, he is trying to call me daw pero hindi maka connect sa akin.

Aba, may landline naman kami ah.

Bakit kaya hindi siya dun tumawag?

Nag aalala na ang asawa ko sa akin. Buti na lang at nag radyo daw si Blue kay Tukne at sinabi nga nito na nakita akong nagkakape sa labas kanina.

What kind of a wife forgets to check her husband in the morning?

Ahhh ako yun, haha. I texted him back at pababa na ako when I heard the door open. I saw Anton entered the house followed by his bodyguards.

My eyes focused on one person only, Bea. I saw her looking at me but I can't see her eyes again.

Damn. Napako tuloy ako sa akong kinatatayuan. Bakit bumilis ang tibok ng puso ko?

She is wearing jeans, white shirt, black jacket and of course her trademark sunglasses. Ang porma talaga. Hindi ko alam kung paano ko aalisin ang mga mata ko sa kanya.

"Babe, you're not answering your phone. What happened?" Anton asked as he approached me.

"Hi babe. Sorry, I was busy kanina." sagot ko habang sinasalubong siya.

"I miss you. Hmmmn." he said as he hugged me tight.

Hindi pa siya nakuntento, he kissed me on the lips. As in lips to lips with a bit of tongue involved.

Fuck, hindi ako ready sa ginawa niya. I closed my eyes momentarily and let him kissed me. Although nakatalikod siya sa mga tauhan niya, I am aware that they can see what he is doing. Naasiwa ako kaya medyo tinulak ko na siya.

Pagmulat ko ng mata, I glanced at Bea's direction. She is facing me so I'm aware that she is watching even if I can't see her eyes. Pero yumuko agad pagkakita na nakatingin ako sa kanya. 

"I baked some cookies babe. I want you to taste it." I said when Anton let go of me.

"Ohhh busog pa ako babe. We had some food earlier. Later na lang. I'll shower muna." sabi niya.

"Okay, no problem." sabi ko na lang.

I tried to hide my disappointment in front of the people around us.

"We will go out after an hour." bilin niya sa mga tauhan niya.

Nagsimula na siyang umakyat, iniwan na lang ako sa baba.

Then I heard him calling me to follow him.

======================================================================

BEA.

I had a rough night and did not sleep well.

Paulit ulit kong naiisip ang mga sinabi ni Ponggay, actually lahat sila, sa akin.

After that revelation from Ponggay that Jho is back also, parang nawalan na ako ng gana pang ituloy ang birthday party ko.

Ponggay apologized furiously to me and to the others. Hindi naman daw niya sinasadya at alam ko rin naman na wala siyang intensyon na masama. She is just being herself, tactless.

Since naumpisahan niya na, I let her tell me what is going on. Halos magkasunod pala kaming bumalik ng bansa ni Jhoana, my ex girlfriend. Nauna lang siya sa akin ng two weeks. Iisang circle lang kasi ang ginagalawan ng mga friends namin kaya hindi talaga maiiwasang makita siya nila Ponggay.

Jho seemingly contacted my friends and invited them to meet up. Kilala naman nila siya kaya hindi sila naka hindi dito.

But nobody mentioned it to me. Nandito na ako lahat lahat but they kept silent.

Doon ako naiinis.

Tapos sa mismong birthday ko pa talaga malalaman. Hindi ba nila alam na masakit pa rin sa akin ang mga nangyari noon? I was hurt, damn it!! But the intensity of the pain is not the same anymore. May konting pitik na lang sa puso.

"Why did you not mention it the last you were here? And why do I have to see her? For me, wala ng dapat pang pag usapan." I said.

"Bea, we are sorry but you have to face her whether you like it or not. You know why? Because you two have unfinished business, you didn't end your relationship properly. Kumbaga, walang closure lalo na sa part mo. We knew it was her fault kung bakit kayo nagkahiwalay and aminado naman si Jho. She begged us to talk to you. Ang sa amin lang naman, why not give her a chance?" Ponggay replied.

Natahimik ako.

"That's what you wanted before right? To talk to her. Now is your chance Bea." Kat added.

"Whatever you decide, we will respect it. Think about it. Always remember that we are here for you. Friends mo kami kaya namin sinasabi ito sayo. Jho promised us that all she needs is to see you as she badly wants to talk to you." Dani said.

Okay, parang napagkaka-isahan na ako.

Four against one.

Anyway, inubos lang nila yung drinks kagabi pati pulutan before they went home. May mga pasok din kasi sila today, like me.

Ang aga ko nagising, mga 5am nasa baba na ako. Yung call time ko sa work is 8am. I was having coffee when I received a text from Ponggay. She instructed me to report sa headquarters ni Governor Villarama, malapit ito sa kapitolyo.

Medyo may panghihinayang akong naramdaman. I was looking forward pa naman to see Jema today,  este my boss.

Ang cute kasi niya.

Really?

Cute at pretty haha. May crush ako sa kanya pero hanggang crush lang.

She is special and so different sa lahat ng mga nakilala kong babae. I don't know what it is yet though but I feel it. Sayang nga lang kasi may asawa na siya.

Ilan taon na ba siya? Tingin ko magka age lang kami.

An idea came up. I googled her name on my phone.

Viola!!!

She is the daughter pala of the late Governor Jesse Galanza. I felt a bit sad for her, ang tragic kasi ng pagkamatay ng parents niya.

I read all the information about her and was satisfied after. I was right, we are of the same age, 25.

Ang aga niyang mag asawa, mga 22 or 23 maybe. Based on the facts I gathered, si Gob lang ang naging karelasyon niya.

Sa ganda niya?

Wow. Governor Anton is one hell of a lucky man.

Sa social media account naman nila ako nag stalk pagkatapos. Madaming pictures akong nakita sa account ni Governor pero walang account akong nakita kay Jema.

Based sa mga official photos nila, she goes with her husband sa mga community projects nito. Iba ang ngiti niya pag mga batang mahihirap ang kasama niya compared to the parties that she attended with the governor. May picture pa siyang nasa tree planting. Mostly sa mga projects on environment ang sinusuportahan niya.

One thing I specifically noticed, hindi siya ganun ka at ease when having pictures with the governor. Laging nakayakap si Gob sa kanya pero siya, her hands are always on the side. To the people that doesn't looked closely, they won't notice that.

What does it mean?

Mas lalo tuloy akong naging interesado sa kanya.

Nalibang na ako sa katitingin ng mga pictures ni Jema kaya hindi ko namalayan na nasa likod ko na si Mom.

"Ang ganda naman niya. Who is she?" she asked.

"My goodness Mom!! Bakit nanggugulat?" I replied sabay tago ng phone.

"Isabel, as far as I can remember, hindi ka magugulatin. Ngayon lang. So, sino yang tinitignan mo? Sa sobrang concentration mo sa kanya ay hindi mo namalayan na kanina pa kita tinatawag." she said.

"Ahhh ehhh wala. Good morning by the way. Gonna go na and get ready." sagot ko.

Hinalikan ko muna siya bago ako umakyat ng kuarto ko.

Iiling iling lang siya sa akin.

"Ang ganda niya di ba? Swerte ni Gob." bulong ni Abe sa akin.

Huh. Naintriga naman ako sa sinabi niya. Anong swerte?

Isa si Abe sa mga tauhan ni Gob. Nandito na kami ngayon sa headquarters. Kadarating lang ni Gob at may kasama nga siyang magandang babae.

Pero mas maganda pa rin si boss Jema.

"Sino ba siya?" pasimpleng tanong ko.

"Si Ma'am Ali, publish... publisher.... Ano nga tawag dun? Siya yung nag aayos ng interview ni Gob sa tv." sagot niya.

"Ahhhhh, publicist." I replied.

"Yun nga. Kilala ng lahat yan dito. Wag kang magkakamaling banggain yan kundi lagot ka kay Gob." he said.

"Hmmm salamat sa warning hehe. Teka, bakit swerte ni Gob sa kanya?" tanong ko.

"Ssshhh, huwag masyadong malakas ang boses mo bata. Pati ako madadamay sa katatanong mo. Alam mo na yun kung bakit swerte. Basta gobernador, malakas sa mga babae. O secret lang natin yan ha." sagot niya sabay kindat sa akin.

I secretly looked and observed the two. Sobrang sweet o close nga nila. Siguro ganyan talaga ang mga publicists sa mga clients nila.

I don't see anything wrong, as they do it in front of everyone. Walang malisya ika nga.

They're having breakfast na ngayon, silang dalawa lang. Most of us are just sitting down sa mga gilid. Some stated talking, stretching. I decided to stand up and walk around. Napansin yata ako ng dalawa dahil bigla akong tinawag ni Gob using his hand.

Ginawa kang aso.

"Yes Gob." mabilis pa sa alas kuatro na lumapit ako sa kanila.

"You're new here?" he asked.

"Yes governor. It's my third day today." I replied.

Napatingin naman yung kasama niya sa akin at tumaas ang kilay sa akin.

Oh no, me and my mouth. Shit. English pa more. I really need to be careful.

"Kaya pala di kita kilala. I thought we have an intruder already. Make sure you do your job right or else Miss Gaston is in trouble." he said as he looked at his companion again.

Nagtawanan pa silang dalawa.

That's it. I was left standing there like an idiot. I don't know if I'm allowed to leave.

They continued eating like I wasn't there. Sinubuan pa nung Ali si Gob. Panay din ang haplos ni Gob sa likod niya. I even saw the hand of Ali went under the table. Nanlaki ang mata ko.

Shoot!

I'm out of here. I turned my back and decided to sit beside Abe.

I didn't stop spying on them kahit malayo na ako.

Maganda nga sana itong babae kaso may attitude. Kung umasta daig pa yata ang misis ni Gob. Parang ang sarap batukan.

Eto namang si Gob, guapo sana kaso hindi nakakabilib ang ganitong mga lalake. Binata lang ang peg pag nasa labas.

He is married, for Christ's sake.

Naaawa ako kay boss Jema sa totoo lang. She deserves more from her husband.

Magtatanong pa sana ako kay Abe kaso hindi ko na naituloy dahil paalis na pala kami.

======================================================================

Oh yesssss panalo ang CCS at CMFT!!! Kaya ganado mag update.

It's getting hot in the Villarama household. Sino ang unang mapapaso?

Please vote, comment and follow me here in Watty and Twitter if you haven't done it yet.

😊

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
13K 635 20
GaWong Short story, ito na yung dating "Afraid for Love to Fade"
37.8M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...
148K 3.4K 55
Basahin nyo nalang po. :) boy uli si Deanna dito..enjoy