The Merciless Stud (Hot Trans...

By itsmoodymind

1.4M 55.9K 36.6K

WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56

Chapter 16

19K 910 643
By itsmoodymind

The day ended with me watching the whole game. Tyson's team won and I saw how he was cheered and congratulated by the girls and especially by his flavor of the week. I saw him crouched to kiss his girl on the lips after the girl gave him a water. My heart clenched at the sight. But I also know that he does that to every girl he hooked up with. And there's no sense in hating that girl, or any girl for this matter, because they will eventually be replaced and kicked out. Ako, hindi. Ako, hinding hindi niya mapapalitan o maiaalis sa buhay niya. Because I'll be always on the sidelines and he has no power over me. So if I'll be chasing him to death, the decision of getting me out of his life is not his. It's mine.

Huminga ako ng malalim at napansing madilim na pala sa labas. My phone has been vibrating because of Kuya's texts. Kanina pa siya nasa car park pero tinapos ko muna talaga ang laro. Sabi ko ay nawiwili pa ako sa kwentuhan ng mga bago kong classmates at hindi ako makapag-paalam. I told him to just wait patiently. Hindi rin iyon um-attend ng first day pero dahil nandito ako ay obligasyon niyang sunduin ako. Hah! Suggest pa more!

Bumaba na ako mula sa bleachers. At habang pababa, nakita ko ang pag-tingin ni Tyson sa akin. Suplado siyang umirap at nag-iwas ng tingin. His arm snaked around the waist of his girl and they both went out of the gym. Mag-suplado ka ngayon, Tyson. Dahil balang araw, mau-ulol ka rin sa'kin. Tandaan mo iyan.

Natawa ako habang naglalakad palabas. I am indeed, delusional. Bahala na! Tama si Claire! Bakit ba sobrang sentimental at gloomy ko the past few months? Nang dahil lang hindi ako bet ng crush ko? Aba, as far as I remember, malandi ako. Kaya ano pa't gamitin sa makabuluhang bagay, hindi ba? Makabuluhan dahil paraan din ito upang maka-move on na ako sa letseng lalaking iyon! Hambog!

Pagkarating ko sa car park ay umilaw agad ang sasakyan ni Kuya. He rolled his window down and I saw his bored and impatient face. I chuckled.

"Sorry na! Alam mo namang minana ko ang pagiging Miss Congeniality ni Mommy." Sabi ko nang na-upo na sa shotgun seat. He sighed.

"How's it? Did you like the environment?" He started as we exited the grounds of the school. I grinned and positioned my body to face him as he was driving.

"Very much! Kaloka! Ang hirap makisama sa mga mayayaman. And, oh! I love the facilities!" Excited kong kwento. He rolled his eyes in a very bored manner.

"We're rich." He said as if I'm dumb.

"I mean rich rich. We're middle class, Kuya." I clarified. He scoffed.

"The fact that our parents can send us to a prestigious and decent school without any debts and struggles make us technically rich." Aniya at mabilis na nag-overtake sa isang mabagal na truck. Napa-sigaw ako.

"Shuta ka! Ay sorry."

Bawi ko agad dahil sa kaba. Isang beses niya akong sinulyapan gamit ang matalim na tingin kaya napa-ngisi ako ng hilaw.

"Pero, duh? I still don't think we're equal with the vast majority of them. May classmate akong Ayala. First cousin ng mga anak nung business magnate. Grabe, hiyang hiya ang pagiging squammy ko." Kwento ko habang bumibyahe. Umayos na ako ng upo at nanonood na sa labas ng bintana ko.

"Mabaho pa rin utot ng mga iyan." Ani Kuya na nagpa-halakhak sa akin.

"True! Lulunok pa rin ng laway at tamod yung mga yun." Wala sa sarili kong sabi. Napa-pitlag ako nang tampalin ni Kuya ang hita ko.

"Aray! Mapanakit ha!"

"Tang inang bibig iyan! Diyan ka talaga magaling!" Galit na sabi ni Kuya. Imbes na ma-inis dahil humapdi talaga ang hita ko sa tampal ng malaki niyang kamay ay natawa ako. Sarap inisin nitong pangit na ito!

"Naman! Field of expertise ko ata iyan." Hambog kong sabi at sinadya ko talagang itaas-taas ang noo ko para inisin pa siya lalo.

"Disgusting! You lost your virginity already? To whom? Gagu ka, ah." Akma niyang itututok sa akin ang kanang kamao niya habang ang kaliwa ay nanatili sa manibela. Inis kong binalibag ang kamao niya.

"Biro lang! Ito naman di na ma playtime." Natatawa kong pinanood ang aburido niyang mukha.

"Don't tell me it was that Ford guy? Or that Patrick? Tang ina mo, Apple, siguraduhin mo lang gumamit ka ng condom!" He was really dead serious and I can't help but burst more into laughter.

"Joke lang, ano ba! May paglalaanan ako nito, noh! Atsaka, kung maka react ka naman parang virgin ka pa rin! We're equal, Apollo." Humupa ang tawa ko at pinunasan ang konting luha sa mata dahil sa pag-tawa. Damn. It's been months since the last time I laughed like this. At ngayon pang ipapaon ko na ang sarili ko sa apoy. Na para bang sa isang iglap ay ibinalik sa akin ng mundo ang lahat bilang pabaon sa nalalapit kong pagkaka-rupok sa apoy. Fuck!

"Kuya mo ako kaya huwag mo akong ma-equal equal. I have no sister and you happened to turn into one so respect and deal with my protectiveness." He said sternly. Patuya kong binuka-buka ang bibig ko at ngumisi ulit sa huli.

My heart eventually warmed when what Kuya said finally dawned on me. Apollo as a brother does not express his care and affection through sugary words. He would threaten me, scare me with his fist and curse the hell out of me. But I know that he's a good brother. He never shamed me for my gender orientation. Nor question it when we were still young and he noticed that we do not share the same interests. He has learned to take it all in by himself and respected me simply by letting me have it my way and calling me 'Apple'.

Minsan nga lang ay nagkakamali pa rin sa pronoun ko. I suddenly remembered Claire. She told me about her martyrdom towards my brother. That no matter how unresponsive my Kuya is to all of her advances, still chooses to stick with him. Uncanny it is, but I found comfort in Claire's presence. Not that I am using the gender role card but to think that she's a cis woman yet still act like she would ran out of dick somehow gave me a bullshit excuse for myself to really push through in pursuing Tyson. Ako pa kaya na walang kipay eh mag-iinarte? I know it's not right to compare. Ugh! I don't know. I'm really going crazy.

Sumulyap ako kay Kuya na tahimik lang na nag-mamaneho. I smiled.

"What do you think of Claire, Kuya?" I asked. Ang kaliwang kamay niya ngayon ay tamad ng naka-hawak sa kaliwang pisngi niya.

"What about, Claire?" He sighed. I feel bad for Claire as I personally witnessed how uninterested my brother is in talking about her.

"Well, do you find her hot? A girlfriend material, perhaps?" Pinanood kong maigi ang ekspresyon ni Kuya. Kumunot ang noo niya at kumibot ang labi. Pagkatapos ay umiling.

"I don't see her like that, Aps. Just a friend."

Kumirot ang puso ko. Tang ina, kahit aburido ako sa chararat na iyon pero nasaktan ako sa sagot ni Kuya. I have witnessed how Claire was doing everything she could for Apollo. That even without my support, like she has always asked from me, still she continued in pursuing my brother.

Siguro nasasaktan ako dahil nakikita kong nasa pareho kaming sitwasyon ni Claire. To be disgustingly infatuated with someone that it would eventually turn you into a pathetic, laughable desperate bitch is both sad and scary. And the only thing that would keep your drive in getting that person is that maybe, one day, the tables will turn, the heaven will be in your favor, and he will like you and want you back. And if we are to sum it all up, that is uncertainty.

"Why? Hindi ba't close naman kayo at lagi pa ngang updated sa isa't isa. She's beyond girlfriend material pa nga, eh. Is it true that sometimes she would run your errands for you?"

I saw how Apollo smirked at that. Tang inang mga lalaki talaga, oh. Kung meron man akong isang bagay na natutunan iyon ay mas masakit uminsulto ang mga lalaki kesa sa mga babae. Kapag may kaaway kang babae at chinismis ka ay keri lang naman. Pero kapag lalaki at chinismis ka pa sa mga kaibigan niyang lalaki rin, naku, mas solid yung damage.

"Most of the time."

"Talaga? So you can say that you're dependent on her?" I probed.

"Uhumm." He nodded. Parang inisip niya pa.

"Pero hindi mo magawang magustuhan? Or even consider as a possible partner?" Pinipiga ko si Kuya ngayon dahil natanto kong kulang ako ng perspective ng isang lalaki. I am surrounded by women and gays. May iilang lalaki pero hindi naman umaabot sa ganitong kalalim na usapan.

"I don't want to risk our friendship by gambling with that, Aps. Mas mabuting kaibigan lang para nandiyan pa rin siya." Aniya. Aww. My brother likes to play it safe. Poor, Claire the chararat.

"But your indifference would also affect your relationship with her eventually, Kuya. She likes you. And you can't be both dependent to Claire and dating another girl. That should all be just for one girl."

Apollo chuckled as if I'm crazy. Hindi siya sumagot. Ayan, kaya todo tutol sa mga lalaki ko dahil ganun rin ang gawain niya. Player din ang damuhong ito.

"So if you can't see Claire that way then it would be very nice of you to stop depending on her if you don't have plans with her. Doon ka sa mga babaeng kinakalantari mo magpa-tulong sa mga gawain mo."

Kunot noong lumingon sa akin si Kuya at umigting ang panga. Umiwas din naman agad ng tingin.

"That's hard." He answered.

Iyon lang at wala na siyang sinabi pa hanggang sa nakarating kami sa bahay. Hindi na rin ako nag-salita pa. It was enough male perspective for me. Ganun pala talaga sila. Nature nilang hindi mapirmi sa iisang babae. They like to explore. Poor men.

Hindi na namin naabutan si Daddy sa dinner dahil maaga itong natapos kumain at medyo na-late din kami. Si Mommy naman ay kahit tapos nang kumain ay nanatili para kamustahin ang araw ko.

Tulala ako habang nag-bihis ng pajamas ko. Kuya seemed to find it hard being not dependent on Claire while playing with other women. Na kahit hindi niya nakikitang girlfriend material si Claire ay hindi niya rin nakikita ang sarili niyang wala ito at nagpapakabaliw sakaniya. Dependency.

My mind finally brought up the person it has been serving for since I laid my eyes on his hot picture in that damn dating app.

Tyson never stayed with a girl for more than a week. He's accustomed to changing them constantly, whenever he desires. And that would be a solid proof that he's dependent to no one. Wala siyang taong inaasahan dahil hindi niya naman ito binibigyan ng pagkakataon. Shit. What a wise play boy. Really ruthless. Wala siyang sakit sa ulo dahil hindi naman siya gumagawa ng rason para magkaroon.

The night ended with me realizing how weak of a playboy my Kuya is compared to Tyson. Tyson is another level.

Mabilis lumipas ang isang linggo at hindi ako nagkaroon ng chance na pumuslit para huntingin si Tyson dahil na-overwhelmed agad ako sa rami ng school works ko. Nakaka-sabay ko na si Claire minsan tuwing lunch at binabalitaan niya rin ako kung nasaan si Tyson. At sa buong unang linggo ko roon, hindi pa na-ulit ang laro nina Tyson sa Blue Eagle Gym.

"I think he's busy." Chika ni Claire habang kumakain kami ng lunch. Hindi ko kasabay ngayon sina Kim at Lorrie dahil may pinuntahan silang meeting ng isang organization na myembro silang dalawa.

I stared at Claire. I dared not to tell her about anything Kuya and I talked about. I'm not that heartless to feed her negativity especially when it's directly from the man she's pursuing.

"With what? Babae, school works at panununtok?" I said sarcastically. Tumawa siya.

"Gaga! Given na yung mga yun. I think he's busy with their company." Aniya. Tumango ako.

"Paano ba iyan, Claire? I need more presence of Tyson so I can be used to it and be finally over him!" Medyo nag-panic ako. Shuta! Busy din naman ako pero hindi pwedeng hihigit sa isang linggo na hindi ko siya makikita. The more I get to see him and the more he treats me like a shit, the more likely I will get over him fast.

"Kaya nga! Nag-hihintay pa ako ng text sa mga friends kong malalapit kay Tyson para attack agad ang beauty mo kapag nalaman natin ang whereabouts niya." Humagikhik siya.

"Thank you."

"Ano ka ba, walang anuman! Walang ibang magtutulungan kundi mga desperada't malalandi lang din naman." Aniya at sumipsip sa straw ng smoothie niya. Muntik na akong mabulunan kaya hinila ko ang buhok niya sa harapan.

"Hayop ka!" Natawa ako. Napa-ubo rin siya dahil na-sagad pala ang straw sa giligid niya dahil sa pag-hila ko. Mas lalo akong natawa.

Claire and I parted ways after the lunch break. She promised to text me immediately whenever she receives information about Tyson's whereabouts.

The first subject of my afternoon class started. Medyo nawala ako sa pag-iisip tungkol kay Tyson dahil ang gwapo ng professor namin ngayon. He looks like he's in his mid 30s. May beard at sakto lang naman ang katawan. Nakikita ko ring kinikilig sina Kim at Lorrie kaya mas na-demonyo ang kalandian ko.

Sumisenyas si Lorrie sa akin tungkol kay Prof nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Agad kumabog ang puso ko at agad nawala ang malantod kong kaluluwa kanina.

From: Claire

May game sila ngayon! Engineering lahat. Sa gym pa rin mamayang 4pm. May klase ako by that time. Good luck, my sis in law!

Tang ina! Ramdam na ramdam ko ang daloy ng kaba at excitement ko. Pagdating kay Tyson ay tila nakakalimutan ko na agad ang ibang bagay. Gaya ng gwapo kong Prof.

Kaya mabilis agad ang takbo ko pagkatapos ng huling subject. Matapos mag-paalam sa dalawa kong frenny ay parang tambutsong umuusok na ang pwet ko makarating lang sa gym. It's already 4pm!

Gaya nung huli, ay maingay na agad ang mga sapatos sa loob ng gym. Humihingal pa ako nang nakapasok. Iilan lang ang nanonood at as usual, may mga babae pa rin.

Pumwesto agad ko sa dati kong inupuan. And it was not hard for me to spot Tyson this time because he's the only one shirtless among all the men in the court.

Pawisan na siya at tanging ang jersey shorts at ang malaking itim na Nike niyang sapatos ang suot. And my insides curled at the full sight of his godlike body.

Ang half-sleeve tattoo niya sa kaliwang braso ay makinang dahil sa pawis. Ngunit maliban doon ay napansin ko rin ang malaking tattoo sa malapad niyang likod. Hindi ko klaro iyon pero parang japanese art tattoo. It covered half of his broad back. Sobrang lapad ng likod niya at tila hugis letter V na iyon pababa sa beywang niya.

Bumaba ang mga mata ko sa pwet niya at napa-mura dahil sa tambok niyon. Shuta, mas may pwet pa si Tyson kesa sa akin!

Mas bumaba pa ang tingin ko at napasadahan ko ang mga maskulado niyang hita. Napansin kong mabalbon ang mga binti niya kaya siguro mabalbon din ang mga hita niya? Sheet. Para na akong manyak dito na nambubuso.

Napansin ko ang malaking tattoo sa kaliwang binti niya. Only the left side part of his left calf is covered by the black tattoo. Ilan ba ang tattoo ng lalaking ito? Jusko. Babuyin mo na ako.

Bago ko pa siya tuluyang ma-kain sa isip ko ay natapos na ang warm up nila. Nag-suot na rin si Tyson ng jersey niyang kombinasyon naman ngayon ng puti at itim. His jerseys look so damn good in him!

Umpisa pa lang ay na-foul agad si Tyson dahil nasiko niya ang kalaban. He argued with the referee but the latter strongly shook his head.

"Fuck!" His loud curse echoed in the whole gym. Tumindig ang balahibo ko. Nilapitan siya ng team mate niya at tinapik, tila pinapakalma. Why is he so hot tempered?

Nagpatuloy ang laro hanggang sa nag break muna. The players went to their girlfriends and I saw that each of the girls handed bottled waters to their boyfriends. Mas kalmado at disente ang mga babaeng audience ngayon kumpara noong huli.

I switched my eyes back to Tyson. Kinakausap siya ngayon ng tila coach nila at parang nileleksyonan. Ang suplado niyang mukha ay walang bahid ng intimidasyon at pagpapa-kumbaba. It's like he's well aware of his power and everyone is below him. I shivered more.

Tinapik ng coach ang balikat niya at iniwan siya. Lumapit naman siya sa bleachers kung saan naka-upo ang mga kasama niya at umiinom ng tubig.

I watched closely as he asked something from his team mate. Nag-tanong rin iyong team mate niya sa iba pang kasamahan nila pero iling lamang ang naging sagot ng lahat. The team mate Tyson asked first then shook his head at him. Padabog na umupo si Tyson sa bleacher niya. Anong problema niya?

But then I noticed he's the only one who doesn't have a water to drink! And he doesn't have a girl by his side! Himala! La la la.

Nag-hahanap ba siya ng tubig? My adrenaline rush took over me and the next thing I knew, I was running fast to the nearest Cafeteria in the gym.

"Ate, isang malaking bottled water nga po!" Para akong maiihi. Ang bagal pang kumilos ng nasa kahera.

"Distilled, purified o mineral?" Anito. Jojowain. Charot. Umusok ang ilong ko.

"Kahit ano na po."

Patakbo kong binalik ang gym. Nagdadasal na sana ay hindi pa tapos ang break nila. Ngunit na dismaya ako nang maabutang nag-lalaro na ulit sila. Shit! Baka ma-dehydrate ang baby ko Tyson! Kawawa naman 'yang baby na yan.

Mabilis pa rin naman ang galaw ni Tyson. I tried to calm myself down. Over ka naman masyado, Apple! Girlfriend lang, teh? Career na career ha.

The first quarter ended and the players went back to their bleachers again. This time, I noticed how Tyson is panting already. Uhaw na uhaw na iyan! Jusko.

With all the courage and kapal ng mukha, I went down their bleachers. Labis ang kabog ng dibdib ko habang palapit sa tahimik, pawisan at hinihingal na si Tyson. Naka-tukod ang dalawang siko niya sa magkabilang tuhod habang magka-salikop naman ang dalawang kamay.

Some of the player's heads turned to me when I got closer to Tyson. The girls look at me curiously. I gulped and stopped in front of Tyson.

"U-uh, here. Water." Inabot ko ang bote ng tubig.

Dahan-dahan siyang napa-tingala. Hinihingal pa rin. At agad kumunot ang noo nang makita ako.

"The fuck are you doing here again? Are you a creep?" He roared in a strong accent. Bahagya akong napaatras at agad napa-tingin sa paligid. The players are now wearing a malicious smirk on their faces while the girls seemed shocked and intrigued.

Parang gusto ko na lang magpakain sa inaapakan kong court. I feel so humiliated!

Nakita kong lumingon rin si Tyson sa mga kasamahan niya at sakto namang sumipol ang isa sa mga lalaki. Napa-iling siya at galit na tumingin sa akin.

"Fuck." He whispered angrily. My lips shook in both fear and embarrassment. To avoid causing more damage to me, and to try to save face even when it's too late, I stepped back and ran back towards my bleacher.

Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa bottled water. I shut my eyes tightly as I felt the pain deep down in me. I sighed and started to remind myself.

This is what you want. And this is why you're here. To get over him. Hindi pwedeng sa ganun pa lang ay mayayanig ka na.

I watched them from my seat. Nakita kong parang wala naman na sa mga tao roon ang nangyari. Almost like it's normal for them to see Tyson yell at someone. Or at an admirer. No big deal kumbaga.

Sinikap kong labanan na huwag hayaang dumaloy pa rin ang sakit dahil sa nangyari. Come on, Aps. You're not even at the front yard yet.

"Bro, may water pa kayo? We ran out of it, eh. Walang mautusan sa labas." Narinig kong sabi ng isang lalaki mula sa kabilang team. Medyo malapit kasi ako sa bleachers ng kalabang team kaya rinig ko kahit papaano.

"Damn, pare, same. Di pa nga nakaka-inom itong si Tyson, eh." Sagot nung lalaking kasama ni Tyson na hiningan niya kanina ng tubig. Tyson is still silent in his seat. I saw him fixing his sweaty hair.

"Oh! Try that cute chix, pare. She offered Ty a water but this grumpy big man rejected it. Baka hindi pa na open." Tumawa iyong lalaki at tinuro ako. Kumabog agad ulit ang dibdib ko. Hindi pa nga ako tuluyang nakaka-recover sa hiya at sakit kanina ay nasa akin na naman ang atensyon nila.

The guy from the other team looked up to me. Tumango ito at nakipag-apir sa kasamahan ni Tyson.

The man started to walk towards me at malayo pa man ay inihanda ko na ang tubig. Naka-yuko ako habang inaabot sakaniya ang tubig.

"Oh, thanks for offering it agad. Bibilhin ko, Miss."

"No, it's fine-"

"Fuck off, man." Malakas na dabog mula sa likod ng lalaki ang pumutol sa akin. Sabay kaming napa-lingon ng lalaki sa bagong dating.

And it was Tyson fucking Echiverri.

Nilagpasan niya ang lalaki at lumapit sa akin. Agad kong nalanghap ang mabango niyang pawis at mas lalo yatang nagka-gulo ang sistema ko.

"Give me that." Marahas niyang hinablot sa kamay ko ang bottled water na nakaalay na sa lalaking unang dumating. Pagkatapos ay mabilis at parang wala lang na umalis at bumalik sa bleachers nila.

Nagka-tinginan kami nung lalaki. What the fuck?!

Continue Reading

You'll Also Like

130K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
43.7K 362 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
5.2M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
1.3K 60 10
Collection of my Feature (News or Science) stories since my high school years and my one shot stories. May purong Tagalog at pure English. Meron ding...