Fourth of October (Juntarsieg...

By anchoraigee

3.4K 182 17

In the world of goodness, there will always be a bad side. Jaeden Luis Juntarsiego is not what you think of... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Jaeden Luis
Author's Gratitude

Chapter 7

73 5 2
By anchoraigee

"Uy, Diana!" I heard someone called me as I am passing the hallway of the school. Napatingin ako sa ibang direksyon. I slowly sighed as I saw my classmate calling for me.

Tapos na ang lunch kaya nagpapahinga na sila habang ako ay diretso na sa next subject.

Kumakaway ito habang nakaupo sa mesa. Kasama niya ang ibang grade kung kaya't nag-aalinlangan akong pumunta sa gawi niya.

"Halika rito! May ipapakilala ako sa'yo!" tawag niya sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya. Nainip ito sa paghihintay sa akin kung kaya't pinuntahan niya ako saka hinila roon papunta sa pwesto niya.

Actually hindi naman ako mailap sa mga kaklase ko. Nakikipag-usap naman ako sa kanila pero mukhang alam ko na ang kahahantungan nito.

She sat on the table again as I stared at her with much questions. Ilang sandali pa ay may isang kamay nang nakalahad sa akin. Doon lang nabaling ang tingin ko sa katabi niyang lalaki.

Aaminin kong minsan ay mayroong nagkakaroon ng interes sa akin dito. They will show me their moves and then tries to steal my attention whenever they want. Ang kaso, hindi naman ako pumapatol sa mas bata sa akin.

We're both on the same grade. Ibang section lang siya at minsan ay napapansin ko ring hinahabol minsan ng ibang kamag-aral.

"Ives Estrella nga pala," his joyous voice said as his palm is now waiting for my hand to shake it. Sa huli ay nakipagkamay ako rito saka ngumiti.

"Diana Esther," I introduced my name. Mas lumapad lalo ang ngiti niya. My classmate elbowed him as if cheering him that way. Nagkantyawan din ang iba niyang kasama dahilan kung bakit napakagat ako sa labi upang pigilan ang tumawa.

"Kilala ka na niyan, Diana. Aayain ka niya sana sa prom kung payag ka raw!" Dinig ko ang hagikhik ng kaklase ko. They all said 'yes!' while tapping Ives' shoulder.

Pasimpleng nakaupo ito sa ibabaw ng mesa. Unlike others, his look is so clean. May kaunting kaputian ang balat kung kaya't litaw na litaw ang kagwapuhan nito kahit sa malayuan. He can catch someone's attention instantly.

Kahit kailan ay hindi ako nagkagusto sa mas bata sa akin. Most of the students here are teens. Ayoko namang magmukhang matanda kasama sila. Magmumukha akong ate kapag nangyari iyon.

Inayos ko ang pagbitbit sa canvas na dala saka napakamot sa leeg.

"Uy, naiilang si Diana! Crush mo si Ives, ano? Sabagay, sa gwapo ba naman ng gagong 'to? Ang hirap tanggihan!"

Napailing na lang ako sa mga ugali nila. Ives is just quiet while staring at me. Napakunot ang noo ko.

"Spoiler ka masyado. Sige na nga." Umayos ito sa pagkakaupo. He faced me now straightly. "Diana, pwede ka bang maging partner sa prom? Ako na maghahatid at sundo sa'yo, payagan mo lang akong makasama ka sa isang gabi."

"Boom! Yun, oh!" sigaw ng iba. Napahugot ako ng malalim na hininga habang yakap na ngayon ang hawak. I gave him a slight smile, enough to give him the answer that he never expects.

"Pasensya ka na, Ives. Hindi ako pupunta ng prom. Hindi ako a-attend," I answered truthfully while the smile he's wearing is now starting to fade. I can see the slight pain from his eyes.

Hindi ko intensyon ang masaktan man siya sa sinagot ko o ano. That is my original plan kaya hindi ko sisirain dahil lang sa inimbitahan niya ako. I'd still love to stay at our house.

Mula sa masayahing mukha ay naging tuwid ang kanyang labi. My classmate smirked at him. Naroon pa rin ang ngiti sa akin at sa ganoong mga sandali ay nagawa kong tapikin ang balikat niya.

"Pasensya ka na. I am too old for you. Better find someone."

"Eh? Ikaw nga inimbitahan ko, eh. Bakit ako maghahanap? Saka age doesn't matter. Nasa maturity iyon," dahilan niya pa pero hindi ako nagpadala.

He's just 18.

"Iyon nga. Ang problema, hindi ka pa mature masyado. You can still learn new things. Salamat sa imbita pero ayoko talagang pumunta."

He scratched the back of his head. Napabuntong hininga na rin ito saka inalo siya ng ibang kasamahan na parang ako iyong girlfriend na nakipaghiwalay sa kanya.

"Gagi, hindi ka pa pala mature! Nakakahiya 'yon, ah? Haha." I heard from one of his friends teased him.

The problem with today's generation is that they tend to commit easily on something that they like without thinking thoroughly. Na parang isang madaling bagay ang magdesisyon. They are ruled by their wants, not needs. Kung sino sa tingin nila ang maganda ay iyon na kaagad ang kahuhumalingan. Ang ending, iyon din ang liligawan na hindi man lang inaalam ang kalooban.

The young minds of them. Kinakailangan pa ng improvement. I won't blame on how they adapt on their environment. Nasa sa kanila na rin iyon kung gugustuhin nilang mag-improve ang kanilang sarili.

I left them there with a soft heart. Dumiretso ako sa panibago kong klase. Today's not a long day for me since our teachers will be having their meeting. Kasama na roon si ma'am De Jesus kung kaya't kanina pa lang ay sinabihan na niya ako.

Maaga akong makakauwi.

I planned to paint for the remaining time. Mabuti na lang dahil hindi na ako kinwestyon pa ng kaklase ko tungkol kay Ives. I appreciated her effort for letting Ives introduce himself to me.

Kaya nga lang, nang natapos ang panghuli naming klase para sa araw na ito ay naroon si Ives sa labas ng room, naghihintay. The moment I went out of the room, he approached me immediately. Tumango ito sa akin, nakangiti na na parang hindi apektado sa hindi ko pagpayag sa alok niya kanina.

"Uwi ka na? Hatid na kita," he said as he tried pulling the canvas from me. Hindi ko iyon binigay sa kanya dahil kailangan ko na ngang umuwi.

"Hindi na, Ives. Kaya ko naman saka malapit lang bahay namin. Salamat," I replied and started walking but he's following me.

"Teka lang naman. Nagmamagandang loob lang. Kahit dyan lang sa labasan, ayos lang."

"Ha? Eh hindi naman ako nagpapahatid, eh. Okay lang talaga," pagpupumilit ko pa sa kanya. I don't have plans to spend my time here.

"Sige na. Sa labasan lang naman. Fine. Hindi na 'to tungkol sa pag-aya ko sa'yo sa prom. Please?" He gave me a puppy eyed look. God. Bakit ang kulit ng teenager na 'to?

"Sige. Sa labasan lang," pagpayag ko rito kaya naman ay nauna akong maglakad sa kanya. I am taller than him. Para tuloy akong may kapatid. Iyong sabay kaming uuwi pagkatapos ng klase.

"Bakit ka pala hindi a-attend ng prom?" he started asking me as we walked on the hallway. Sumasabay ito sa malalaki kong hakbang.

This kid... is about to annoy me.

"Dagdag gastos lang," simple kong sabi sa kanya.

"Grabe. Ang tipid mo naman, ate. Hehe." Napahinto ako sa paglakad. Ganoon din siya. I looked at him, my brows are almost touching. Mas napangisi siya sa kilos ko lalo na't alam niya ang naging dahilan ng paghinto ko.

Part of me agrees with the way he called me. May respeto, hindi namumuro o 'di kaya ay may halong pait ang sinabi. He's now respecting me.

Napapailing ako sa kanya. "Ayan. Ate mo na ako ngayon."

"Pasensya na talaga kanina. Nakakahiya tuloy. Hanap na lang ako ng ibang partner."

"Good. Siguro ay pwede na akong makauwi? May gagawin pa ako, eh." He nodded at what I have said before we both reached the outside of the school. Nagpasalamat ako sa kanya pagkatapos no'n.

Lumihis na ako ng daan saka dumiretso sa lagi kong tinatahak. Hindi na maaraw. Hindi rin naman nagbabadyang umulan kung kaya't binilisan ko lalo ang mga hakbang.

I reached the rice fields. Nasa bahay nina ma'am ang kotse ni Jaeden, indikasyon na naroon siya sa bahay niya ngayon. Naging mabagal na ang uri ng paglakad ko hanggang sa makarating sa hardin.

The flowers are swaying themselves. I breathed the fresh air for a long second. Mas guminhawa ang pakiramdam ko. This is it. I'll be painting this wide garden of white daisies.

Naghanap ako ng malawak na pwesto kung saan pwede kong maipinta ang lahat ng parte ng hardin. Napagawi lang ang tingin ko ng wala sa oras sa bahay ni Jaeden. There is no sign of him outside of it. Siguro ay nasa loob.

When I found the right place for me, I sat, leaving my bag beside me as I took out my paints. Iyong luma iyon dahil nasasayangan akong gamitin iyong bigay ni ma'am sa akin.

Tinali ko rin ang buhok upang hindi magulo sa tuwing gumagawa. I held the canvas only right for me to paint everything. The surrounding is too good to be ignored kaya naman ay sinamantala ko ang oras na iyon.

The garden is in front of me, saying that I should give them the masterpiece that I know I can do. The mixing colors that will make them in awe will surely give them the satisfaction.

Nag-focus ako sa ginagawa. I just thought of this at some random time. Naisip kong ang gandang ideya nga kaya mas maiging maipinta ko. I am still not sure if I will sell this or not.

Umihip ang hangin, nililipad ang ilang hibla ng buhok ko habang ang mga mata ay palipat-lipat sa pagpipinta at pagtingin sa nagiging basehan ko. I followed the mixing of colors to achieve its colors in reality. Mula sa dahon, petals hanggang sa napapansin kong bawat galaw ng mga ito na sumasabay sa hangin.

I guess this is the true beauty of appreciating everything. The simpleness of life, the simpleness of knowing what really is the purpose of these things in the world. How I wish that people will appreciate it. Na ang kagandang gusto nilang makita ay nakapalibot lang din sa kanila.

At kaya siguro hindi ko alam kung paano simulan ang pagpinta ng mukha ng isang tao dahil dito. I truly love the nature. Nakakalimutan kong doon lang pala ako magaling. That on the skill that I have, I lack about something, I lack about that one thing.

It will take time for me for that matter. Sana sa susunod ay magawa ko na nga.

I mixed green and the whites. Imbes na puting kalangitan, iyong paglubog ng araw ang ipininta ko sa ibabaw niyon. It looks beautiful now. The plain sky now turned into my desired colors.

Hindi naging madali ang pagpinta ko roon kung kaya't natagalan ako. When I finally became satisfied with the outcome, I looked at it intently as if judging my own work.

Sumilay ang ngiti sa akin na halos kuhang-kuha ko ang nasa harapan ko ngayon. This is the small version. Itinaas ko iyon, tiningala at pinangarap na balang araw ay titingalain din ng ibang tao ito.

I let it dry first. Hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa akin. I am more than satisfied.

"Hmm." I stopped what I am doing as I heard that soft voice behind me. Naroon si Jaeden sa likod ko at katulad ko, tinitingala rin ang gawa ko.

Anong ginagawa niya rito? Teka. Wala naman siya sa bahay niya, ah? Napansin niya ako rito?

Napapahiya kong binaba ang gawa ko at napatitig sa kanya. Nasa bulsa niya ang dalawang kamay at bumaba na ang tingin sa akin. I suddenly grabbed my bag and then put all the paints inside it.

"Sir. Nandito pala kayo?" I asked as if it's not still obvious.

He's like a mushroom. Laging sumusulpot sa kung saan nang hindi mo lang namamalayan. But he's the edible one. Iyong malinis.

"Yes. I was about to go there," turo niya sa bahay ni ma'am, "but I saw you so I stopped by to see what you are doing. Turns out you're painting, huh?"

"Maaga kasi ang uwian kaya dito na lang ako gumawa. Alam kong hindi mo hilig ang paintings pero gusto ko lang malaman kung anong tingin mo rito?" I showed him my freshly painted garden. He narrowed his eyes as it darted from the details of it.

It's a surprise. Dahil nandito lang rin naman siya, bakit hindi ko tanungin? I wanna know his opinion.

Iyong mata niya ay sinusuri iyon. He looked closer at it after. Hinawakan niya iyon na parang chine-check rin ang quality kahit alam kong hindi maganda. I waited for his answer until he said something.

"It's good. Beautiful and I assure you, you can sell that on your desired price. Pino ang pagkakapinta mo. You deserve to have your own art gallery," he suggested and I snorted.

Hindi pa nga ako successful.

"Paano ko magagawa iyon kung wala akong pera? Mangangarap lang muna ako ngayon, sir," tugon ko. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya.

Makakarating din ako dyan. Sa ngayon ay hahayaan ko na muna ang sariling mag-improve lalo sa daang tinahak ko. I love the idea, of course. Sisiw lang iyon sa kanya kasi may kaya siya.

"What if I'll give you a place that will showcase all your works? Would you accept it?"

Umiling ako.

"Hindi, sir. Mas gusto kong sarili kong pinaghirapan ang ipapagawa ko kung sakali. I don't want to make someone do it for me. Afford ko rin iyon balang araw."

Hindi rin magiging big deal sa akin iyon sa susunod. I cam build anything with the use of my own hardworkings.

Pansin ko ang pagliwanag ng mata niya sa tinugon kong iyon.  He licked his lip and combed his hair gently, giving me the vibe of a real man who's not saying anything but has this good appeal. He looks perfect. Lalo na ang mga matang mas lalong gumaganda kapag nasa liwanag.

I noticed something on his cheek. Nilapitan ko siya, iyong mata ay nasa pisngi niya at nakatitig sa duming naroon. My hand did what is the right thing to do. Ang daliri'y kaagad na dumapo upang tuluyang alisin na iyon pero iba ang nangyari.

A small amount of my paint is now on his cheek. The red paint can be seen on his cheek without reason. Nagpanic ako roon dahil hindi ko nakitang may pinta pa pala sa daliri. Parang napaso ang daliri ko sa ginawa kung kaya't inalis ko na ang kamay sa pisngi niya.

"What?" he asked me.

"M-may dumi..."

I used my other hand to wipe it. Siniguro kong walang pinta na iyon kaya naman ay iyon na ang ginawa kong pantanggal sa pintang naroon.

His cheek is so soft, so gentle and cold. Nakakahiyang panghawakan ng matagal kung kaya't madali kong inalis na iyon doon pero iyong kanyang kamay naman ang humawak sa akin.

I gasped at what he did. Naglakbay ang mata ko sa kanya, sinalubong ang mga asul niyang mata na walang ekspresyon. I am burning now. I am burning with the embarassment. Parang ilang minuto ay magagawa ko nang matunaw sa harapan niya lalo na nang tumingin siya sa kamay kong hawak niya.

Continue Reading

You'll Also Like

219K 10.1K 40
#yuyachi ဖန်းတီးမှုတစ်ခုသာဖြစ်၍အပြင်လောကနှင့်သက်ဆိုင်မှုမရှိကြောင်း...❗ start:July 9,2024(Tue) End:september 21,2024(sat) 7:22PM Total- 75 Days #warn...
5.3M 475K 98
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
529K 33.5K 68
"Sshhhhh....." he hushed and pinned us against the wall leaving no space between us. I held onto his biceps with my hand in reflex. He shook his head...
302K 19.3K 48
The story of two souls who have experienced utmost love as well as heartbreak. What happens when two of them collide accidently? Will they heal each...