Herein My Heart (Voyage Of Us...

By Enjillzz

11.1K 553 1

Reid Ghadwin Moriliano, engineering student, inheritor of a well known company. He has everything he wants... More

Herein My Heart
Just sayin
Panimula
Chapter 1 Taken
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Note

Chapter 41

9 9 0
By Enjillzz

HELP*

Walang imik kaming naglalakad papunta sa kotse kung saan ito nakapark. We'll go home. Talagang sinunod niya kung ano ang gusto ko, ang umuwi. Maaliwalas ang kanyang mukha ngayon na para bang walang away na nangyari kahapon.

"Mukhang hindi ata kayo nakatulog Sir kagabi ah" sabi nung isang taga karga ng ibang gamit ni Reid.

Isinara ni Reid ang likod ng kotse saka kinuha ang hawak kong bag. Inilagay niya ito sa backseat. He looked to me a bit but his eyes were go immediately to the baggager when I'd noticed it. I looked away to, having the awkwardness I felt right now.

"Tama ho kayo. Hindi ako nakatulog kagabi" sagot niya sa tagakarga. Lumingon ako sa kanya pero nag iwas ulit siya ng tingin sakin. Ow God! Don't tell me talagang totoong hindi siya natulog kagabi. But he's smiling right now! Imposibleng hindi maganda ang tulog niya. He looks fresh today, maybe it's because he just took a bath or just....ah I don't have the words to say!

Hindi din naman ako nakatulog ng maayos kagabi pero kahit ganun ay nakayanan kong matulog  kahit tatlong oras ata. That's too impossible! He slept, I assure that.

"Bakit ho?" Tanong ulit nung trabahador. Natatawa pa ito na para bang iba yung ibig sabihin. Darn it! Mali ho ang iniisip niyo manong. Masyadong malayo. That was too impossible. Kabaliktaran.

"Amin na lang ho yun" sagot ni Reid. Napataas ang kilay ko dahil napangiti pa ito ng sumagot bago ibinaling ang tingin sakin. What the hell! Damn! Pareho ba ang iniisip nila? Goodness!

Pumasok ako sa kotse nung makita ko na ang babae kahapon ay papalapit na. So she really sleep here. Saan naman kaya itong babaeng ito tumuloy?! Gustuhin ko man siyang sampalin ay hindi ko na ginawa. I'll control myself no matter what. If Reid want to cheat then cheat!

Basta ba ay bigyan niya ako ng magandang explenasyon para ipagpatuloy pa namin ang relasyong ito. Nung pumasok si Reid sa kotse katabi ko ay umiwas ako ng tingin. Itinuon ko ang tingin ko sa labas habang umaandar na ang kotse niya.

"Care to explain who is she? Kabit mo ba?" Ramdam ko ang pait sa boses ko nung itinanong ko yun. 

"She's Mauerin, hindi ko siya kabit. Just an ex" sagot nito na nakakapadismaya.

"Ex?! Pang ilan ba?" I sarcastically asked.

"Una" talagang sinagot pa!

"Woah. First love. Alam mo bang first love never dies?"

".. but never works. Ex ko siya. I have you now. Matagal ng walang kami" tapos na sabi ni Reid.

"Pero hinalikan ka niya. It means she still loves you" Putek! Halos sampalin ko ang sarili ko sa nararamdaman ko ngayon. I'm too jealous, obviously. Naiirita ako sa sarili ko.

"I don't love her anymore. I love you. Ikaw na, ikaw na yung gusto ko" Tangina! Wag mo yang sasabihin. Marupok ako. Aminado. Isang salita niya lang na gusto niya ako ay parang nawawala ang galit ko. Pakiramdam ko tuloy ang babaw babaw ko pagdating sa kanya.

"Makita ko lang ata ang pangalawa mong ex baka masabi ko na, lahat ng minahal mo ay mahal ka pa rin. Mauerin, Jade. Sino pa ba?"

"Seriously you'll gonna ask that?" Nakangiti niyang sabi. Ang dali naman niyang makamove on kahapon. Pinandilatan ko siya saka muling tumingin sa labas.

"Bakit ngayon ko lang siya nakita?" I asked. Humina ang andar ng kotse kaya nilingon ko siya.

"Sino?" He asked. Napakonot ang noo ko dahil dun. Sino pa ba? Wala naman na kaming ibang pinag uusapang tao kundi yung Mauerin na yun.

"Yung una" iritadong sagot ko.

"Mauerin? Hindi siya dito nag aaral. She just arrived. Nakatira siya sa America dun din siya nag aaral. Vacation I think"

"Alam na alam ah" natatawa kong sabi. Ow God, paunti unti atang nawawala ang inis ko galing kahapon. Bakit kaya ganito ako feeling ko ang dali dali niya akong paamuhin sa salita niya.

"Iba yung nalaman sa inalam..." Mahinang sani niya. Napakibot ako dahil dun. I bite my lower lip out of the happiness I felt. Ow God, baliw na talaga ako. Kahapon lang ay inis ako pero ngayon ay masaya na naman ako sa kanya. "Anyway, you still mad at me?" He asked.

"I'm sorry" deritsong sabi ko sa kanya. Halos mahinto na yung kotse sa bagal ng patakbo ng kotse.

"Anong sabi mo?!"

"I'm sorry. Sorry dahil nasaktan kita kahapon. I just feel mad kaya ko yun nagawa sayo, kaya kita nasam---"

"Ow God, baby. I should be the one who will say it first. Ako yung nakasakit"

"But I hurt you too so I'm sorry"

"You know me. Hindi kita ipagpapalit sa hindi ko gusto dahil ikaw lang yun. Ikaw lang yung gusto ko ngayon"

"May itatanong ako" I asked him. Hindi ko alam kung tama ba itong itatanong ko. Pero halatang gusto niya marinig ang tanong ko kaya no choice din naman ako.

"Pag ba...pag...ba... Wag na nga lang" I frustratedly said.

"Ano?"

"Wag na lang. We're okay now. Hindi---"

"I want to know it. Just tell me what do you want to ask?" kalmado niyang sabi kasabay ng kalmado niyang pagpapatakbo ng kotse.

"Pagba hinalikan ako ni Ises ay magagalit ka sakin?" I directly asked. Halos mapasigaw ako sa pagkagulat sa biglaan niyang paghinto ng kotse. Darn it! I knew it! Mabibigla siya. Inayos ko ang upo ko saka nilingon siya na ngayon ay gulat na gulat na nakatingin sakin.

"What the fuck! Seriously! You asked that?" Gulat na sabi niya. Umiwas ako ng tingin dahil sa pula niyang mukha ngayon. Hindi ko alam kung galit siya o talagang dahil lang sa gulat kaya namumula yun.

"Halimbawa" pagkaklaro ko.

"Bakit yun?"

"Pareho rin naman yun sa nakita ko kahapon ah" singhal ko pero nakonsensya kaagad dahil kita ko ang pagbaba ng mga balikat niya senyales na ayaw niya na yun  marinig pa. "Ano nga yung sagot mo Masasaktan ka ba?" Tanong ko sa kanya ulit habang hindi nakatingin sa kanya.

"I'll not" rinig kong sabi niya. "...maybe" Liningon  ko ito na nakakonot ang noo. Tama ba ang narinig ko? "Galit at inis siguro" dugtong niya.

"Magagalit ka sakin?"

"Hindi sayo. I love you so why would I hate you if that Ises steal a kiss from you. Sa kanya ako magagalit ng sobra saka maiinis na rin sa sarili ko kung bakit wala ako para pigilan siyang halikan ka" seryosong sabi niya. Napataas ang kilay ko dahil sa narinig ko.

Kabaliktaran sa naramdaman ko kanina. Sa kanya ako nagalit imbes na dun sa babae. Maybe it's because I don't love him the way he loves me. Masyado akong praning sa lahat.

Takot ako palagi dahil ano mang oras ay parang makukuha siya ng ibang tao, ano mang oras ay mawawala ang pinakamahalagang tao sakin. Para siyang ginto na kahit sino man ay masisilaw at walang paalam na pwedeng nakawin.

Maingay ang naging umpisa ng klase namin. Siguro ay nasanay na ang batch namin sa pamamalakad ng school. It was about a month since that happened. Our relationship went well.

One week before our midterm exam for the first semester of my second year life. Reid was always there at all. Kung dati ay relax siya sa lahat pero nitong mga nagdaang araw ay palaging marami siyang iniisip. Not that he has many problems but its because he has many things to do.

'Marunong ka bang maglagay ng roman numbers sa pages ng papers? Microsoft word babe'

I chatted him. Nagkakagulo kasi sa gc namin dahil walang sino man sa group member namin ang hindi nakakaayos ng papers. Nagtry ako sa laptop ko pero kahit ako ay hindi ko maayos.

Siguro ay nagkaproblema dahil paiba ang taga edit ng group project namin. It was an events management portfolio. Masyadong mahirap. Siguro ay inabot kami ng ilang oras hanggang ngayon ay hindi pa din namin malagyan ng appropriate pages base sa linagay ni Prof. Escalante na format.

Inabot lamang ng isang minuto bago niya na-seen yun. Nagsisi ako na nagtanong pa ako sa kanya. Damn! Siguro ay naabala ko na naman siya. Marami rin siyang ginagawa. I know that. He is at his 3rd year level. He's taking difficult subjects now. Halos major subjects na kaya panigurado nahihirapan siya ngayon.

I got confused about his reply. Email ad? He just sent his email ad. Hindi ko alam ang gagawin ko dun. I was about to have a reply to his chat but another message from him came.

'Send here your papers. Ako na maglalagay ng pages'

Napapikit ako sa nabasa ko. Ow God, kailanman ay hindi talaga siya nakakatanggi pagdating sakin. Nakokonsensya tuloy ako.

'Wag na ako na ang maglalagay. Group projects lang naman. Turuan mo lang ako' reply ko sa kanya na pinagsisihan ko ulit dahil ilang minuto lamang ay narealize ko na kung tuturuan niya ako ay paniguradong aabutin pa yun ng ilang minuto. Minsan naman ay matagal ako bago makagets ng intructions.

'Nope. Ako na lang maglalagay, baby. I'm using now my laptop. Just send it. Madali lang naman yun lagyan'

No choice ako kundi ang i-forward sa kanya ang file na nasa group gc namin.

'Yan lang naman. Pasensya na. Wala kasing nakakaayos eh. Nagkaproblema ata sa editing kaya hindi maayos ng maiigi sa pages'

I explained it to him. Sinend ko na rin ang format ng paper dahil baka malito rin siya sa paglagay ng pages. Hindi pa ata umaabot ng tatlong minuto ay nasend niya na yun pabalik. Ow God, sabi ko na eh. Mukhang hindi niya yun magagawa dahil kahit kami ay nahirapan. I was about to have a reply again but then he just sent me another message.

'It's done. Check mo na lang kung tama ang pagkakalagay ko'

Dali dali kong binuksan ang file na sinend niya kanina. I got shocked by it. Tatlong minuto lamang ay nalagyan niya ng maayos na pages ang bawat papers. Sinend ko agad yun sa gc. Halos magdiwang pa sa gc namin. Para kaming mga tanga dahil natapos rin yung group project namin na talaga namang kay hirap tapusin.

'Thanks, bawi ako next time' reply ko kay Reid at halos malaglag ang panga ko dahil sa mabilisan nitong reply.

He just replied a lips emoticon. What the hell! Napatakip tuloy ako ng bibig ko dito sa kwarto ko. I can even imagine how he smirked right now. Alam kong pinagtritripan niya lang ako. I even know what's the lips emoticon means.

'Gagi'  tipa ko

'Ouch! Sleep now. I'll pick you up tommorow. Sabay tayong pumasok'

'k' reply ko dito. Napahalakhak pa ako sa naging reply niyang emoji. It was a crying emoji. Napaka OA pero shit! Hindi ko alam kung bakit yun lang naman ay nangingisay na naman ako.

Gaya ng sinabi niya ay natulog na nga ako. Siguro kung hindi pa ako nagpatulong sa kanya ay hindi pa kami matatapos sa projects namin. Bukas pa naman ang pasahan ng soft copy kaya kailangan ng matapos ngayong gabi ang final revision.

Habang abala ako sa pag ayos ng bag ko ay biglang nag chat si Ryuji. Akala ko ay hihingin niya ang final revision para i-check, yun pala ay nagmessage siya sakin para malaman ko na wala kaming pasok ngayong umaga. May faculty meeting daw ang business courses department kaya walang pasok ngayong umaga. Sa hapon pa.

Imbes na magreply kay Ryuji ay si Reid muna ang inuna ko. Panigurado ay hindi pa yun nakakaalis sa bahay nila kaya para hindi na siya mag abala pang pumunta dito ay kailangan ko na syang masabihan na. Nung magreply siya na sa school na lang siya dederitso ay napangiti ako. Mabuti na lang talaga nasabihan agad ako ni Ryuji na wala ngayong pasok na umaga.

Itinabi ko ang gamit ko tsaka napagdesisyunang bumaba ng kwarto dala dala ang laptop ko. I'm thankful because Coby already left. Maaga siyang pumasok dahil hindi daw nakareview ang gagi kaya ayun sa school na lamang daw siya magrereview. Lakas din, exam nila pero sa mismong sched ng exam magrereview. Hindi ko ata kaya yun.

Sabagay hindi naman siya kagaya ko na slow learner. Matagal akong matuto sa isang bagay. Siguro ay tamad lamang ako o sadyang hanggang average lang talaga ang alam ko.

'It's time to eat your lunch'

Napangisi ako matapos ko yun mabasa. Pahirapan pa bago ako makapagrely sa kanya dahil maulan ngayon. Hawak hawak ko yung payong ko saka ang phone ko. Hindi naman masyado malakas ang ulan pero hindi naman kahinaan. Moderate lang.

'Tapos na. Andito na ako sa campus kakarating ko lang'

'Good' reply niya. Napahalakhak pa ako dahil naalala ko ang madalas niyang reply sakin na 'Good Pet'.  Nakalimutan niyang lagyan ng Pet sa dulo nito.

Agad kong inilagay ang phone sa bag ko. Nahirapan pa ako dahil sa hawak kong payong. Natanaw ko kasi si Ises na ngayon ay naglalakad. He's walking under the rain! Hindi ba niya napapansin na umuulan o parang wala lamang yun sa kanya.

Itinakbo ko ang distansya namin. Parehong room ang pupuntahan namin dahil pareho lang naman ang section namin. Hindi yun nag iba. Halata ang gulat sa mukha niya nung lumingon siya nang mapayungan ko siya.

"Umuulan" sabi ko sa kanya.

"Ulan lang naman yan" sabi niya. Ngumiti siya ng tipid sakin. Damn! Bumaba ang magkabilang balikat ko dahil sa sinabi niya. Ulan lang? Seryoso ba siya?

"Kahit ulan lang, magkakasakit ka"

Napataas ang kilay ko nung patago siyang natawa. May nakakatawa ba? Inilibot ko ang paningin ko. Halos lahat ay nakapayong. Walang sino man ang nagpapaulan. Siya lamang ata.

"Dati na akong may sakit" sagot niya. Laglag ang panga kong lumingon sa kanya. Anong nakakatawa sa sakit niya? Ow God, gusto ko siyang suntukin sa sinabi niya. "Saka mali-late na naman ako kapag naghintay pa ako na tumila yung ulan.

"Ano ba naman yung malate ka ng isang beses"

"Palagi akong late"

"Huh?"

"Hindi mo lang napapansin" natatawa niyang sabi. "Sabagay hindi mo naman kailangang pansinin pa yun" laglag ang panga ko sa sinabi niya. Naguilty ako. Naguilty ako sa pagtrato ko sa kanya nitong mga nakaraang araw. He's sick and I'm used to be mad at him all this time.

Hindi ko man lamang naisip na may malalim na dahilan kung bakit nagbago ang ugali niya noon. I should be with him at that time atleast as a friend. Kailangan niya ng kausap o pwedeng mapagsabihan ng problema noon. Nagalit ako pero siguro ay hindi ko naman yun kasalanan dahil mali ang pagkakaalam ko noon.

Napalingon ako sa kanya matapos niyang hablutin ang hawak kong payong. He smiles at me like he's happy now.

"Ako na magdadala" sabi niya. Tumango ako. Saka pinagpatuloy ang paglalakad kasama siya.

"Natapos niyo group project?" I asked him. Wala na kasi akong maisip na pwede namin pag usapan.

"Hmm. Kayo ba?" Tanong niya pabalik.

"Oo kailangan eh" sagot ko. Ganun kadaling napatay ang usapan namin. What the hell! Hindi ko alam kung naiilang lamang ako o sadyang hindi na ako sanay makipag usap sa kanya.

Nitong mga nagdaang araw ay naging tahimik siya. Pansin ko yun. Kung dati ay nakikipag usap siya sakin at lumalapit hanggang sa napag usapan namin ang tungkol sa sakit niya noon ay parang naging mailap siya.

Sinipa ko ang upuan ni Ryuji na nasa tabi ko. Busy sya sa pagsagot ng exam. One sit apart ang pagitan namin kaya nahirapan pa ang paa kong abutin ang upuan niya. Lumingon siya sakin na nakakonot ang noo. Ngumisi ako. Nung pumunit siya ng maliit na papel ay napangiti ako.

Maasahan talaga ito. Lumingon ako sa nasa likuran kong upuan habang hinihintay ang answers na isinusulat ngayon ni Ryuji sa papel na pinunit niya. Umiwas ng tingin si Ises nung makita niyang bigla akong lumingon sa kanya. Napakamot pa ito sa ulo niya na para bang pareho ko ay naghahanap ng sagot. Hindi din ata nagreview ang isang ito.

"Reid should know this. Hindi ka man lamang niya nireview" sinimangutan ko si Ryuji nung sabihin niya yun sakin kasabay ng pag abot niya ng punit ng papel na may lamang answers.

Sa totoo lang ay pinilit naman talaga ako ni Reid na tutulungan niya ako sa pagreview. Nagsinungaling lamang ako sa kanya na nakapagreview na ako. I don't want to disturb Reid for now. He's busy with his exams too. Mas mahirap pa nga yung kanila kaysa samin kaya gusto kong itutok niya ang atensyon niya sa studies niya.

Dali dali ko yun kinopya sa answer sheet ko. Mga matatalino na lamang ata at mga mabubuti sa mundong ito ang hindi mahilig mangopya. Sa palagay ko ay hindi ako nabibilang doon.

Liningon ko ang nasa likuran kong si Ises tsaka ipinasa ang papel na punit na sinulatan ni Ryuji. Ramdam ko kasi na kanina pa din siya hindi nakakasagot. Sayang naman yung answers kung ako lamang ang makikinabang.

"Grab the opportunity" I mouthed to him and give him a smirked. Napakonot ang noo niya kaya binalik ko na ang atensyon sa papel kong nasa harap. Paniguradong tatanggi na naman siya kaya inunahan ko na.

I sighed deep when the exams are finally done. Nagugutom na ako. Gustuhin ko mang sumabay na kay Ryuji papuntang cafeteria ay hindi ko na ginawa dahil hinihintay ko pa ang text ni Reid. I want us to eat together. Naging busy siya nitong mga nagdaang araw, ganun din ako.

"I saw you a while" sabi ni Ryuji habang sinisikop ang kanyang gamit. Isinukbit din niya ang kanyang gitara na nasa lalagyan nito sa balikat niya. He looks so fine right now. Siguro ay may pinopormahan na naman itong lokong ito.

"Ano?"

"Pinasa mo ang answers ko sa ex mo ah. Anong meron?" Nakataas kilay niyang sabi.

"Meron? Hindi lang talaga ako madamot yun yun" natatawa kong sabi sa kanya.

"Gagi ka! Anong madamot? Eh akin yun sagot eh tsaka sa unggoy na yun mo talaga ipinasa" nakasimangot niyang sabi.

"Hayaan mo na, mas maganda nga yun. Mas marami ang makikinabang" sagot ko sa kanya bago siya umalis at tumungo na sa cafeteria.

Habang naghihintay ako sa text ni Reid ay nagbasabasa muna ako ng mga success story. Reid borrowed this book. Sa library niya ito hiniram. Nakapangalan sa kanya.

Sinabihan pa nga niyang bibilhan niya ako ng mga ganitong klaseng book dahil kadalasan daw ay ganito ang nakikita niyang palagi kong binabasa pero tumanggi ako. I can buy my own book. Isa pa ay may nakukuha naman akong pera sa scholarship ko.

Napaangat ako ng tingin sa taong naglagay ng isang yogurt drink, chocolate flavor yun  at isang sandwich. Isa yun sa mga inorder sa cafeteria kaya halatang galing cafeteria yun.

"Hindi ka pa kumakain" sabi ni Ises. Umupo siya sa harap kong upuan. Paniguradong kakatapos niya lamang kumain. I thought he's with his girl now pero nasan? Ba't hindi niya na kasa-kasama nitong mga nagdaang araw?

"Hinihintay ko si Reid eh. Kakatapos mo lang kumain. Halata" sabi ko tsaka inabot yung sandwich dahil gutom na talaga ako. "Akin ba toh?" Pagkaklaro ko. Napangiti ako nung tumango siya. "Asan na yung girlfriend mo? Ba't hindi mo kasama?" Tanong ko sa kanya. Napawi ang kaninang blanko niyang mukha at napalitan yun ng pagkagulat.

"Matagal ng walang kami" napaangat ako ng tingin sa kanya dahil sa sagot niya. Shit! Dapat ba hindi ko na yun tinanong? "One month in a relationship. Olats! Wala talaga atang tatagal na sa akin" natatawa niyang sabi. Kita ko sa mga mata niya ang kabaliktaran ng pinapakita niya ngayong reaksyon.

"Hindi naman yan sa tatagal eh. Sa pipiliing magstay yan" I said to him. Ganun naman talaga, syempre kung hindi naman para kayo sa isa't isa ay may talagang hindi magstay kahit piliin pang tumagal.

Mabilis kong iniangat ang phone ko nung makita kong may bagong message galing kay Reid. Tumayo ako saka lumabas para tingnan kung andun nga sya sa ibaba ng department namin. Napangiti ako nung magtama ang tingin namin. Senenyasan ko siya na hintayin na lang ako sa baba. Bumalik ako sa loob ng room nung tumango siya.

"He's here. Bababa na ako. Lunch" pagpapaalam ko kay Ises. Agad kong sinikop ang gamit ko tsaka kinuha ang bigay niyang pagkain.

Iniabot ko kay Reid ang hawak kong payong. Umuulan pero hindi naman kalakasan yun. Kakamustahin ko sana siya sa kanyang exam ngunit napahinto ako dahil nakatingin siya ngayon sa hawak kong pagkain. Shit! Hindi ako nakapagpasalamat kay Ises!

Pinahinto ko muna si Reid sa paglalakad saka iniabot sa kanya ang hawak ko. Mabilisan akong nagtext kay Ises at nagpasalamat. I sighed as it send that fast.

"Ano yun?"

"Wala naman" sabi ko tsaka kinuha sa kanya ang kaninang inabot ko sa pagkain. "Nagpasalamat lang ako sa pagbibigay niya nito"

"Hindi ikaw ang bumili?" He asked na para bang hindi makapaniwala.

"Ibinigay lang" sabi ko. Ow Goodness! Sana naman ay hindi niya ito bigyan ng ibang kahulugan.

"Ni Ryuji?"

"Ni Ises" sagot ko. Ramdam ko ang paghinto niya. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad dahil ayokong isipin niya na big deal yun. It was just a friendly gestures. Ayokong bigyan ng kahulugan ang ipinapakitang pakikipagkaibigan ni Ises.

"Okay" malamig na sabi niya.

Nung makabalik kami sa business courses department ay iniabot niya ang payong sakin dahil meron naman siya. Akala ko ang kukunin niya sa bag niya ay ang payong ngunit hindi pala.

Laglag ang panga kong kinuha ang inabot niya sa aking yogurt drink, strawberry flavor tsaka yung parati niyang ginagawang sandwich. The fuck! Aksidente lang ba na magkapareho yun?!

"Naunahan ako kanina. I planned to give it to you pero natagalan ako sa pagsagot ng isang exam sa isang subject" sabi niya.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon pero para akong naguilty sa hindi ko alam na dahilan.

"Cge na. Pupunta ako dito mamayang hapon. Sabay tayong umuwi" sabi niya bago umalis sa harapan ko. Gosh! I hate this feeling.

Umakyat ako sa second floor kung saan ang next subject namin. Gaya ng dati bago ako pumasok sa room namin, mula dito sa itaas ay tinanaw ko siya na naglalakad palayo. He's now holding his phone na animo'y may i-tetext.

I smiled a bit when I felt that my phone vibrated. Pinatong ko yung pagkain sa harapan kung patungan bago ko kinuha ang phone ko.

Napawi ang ngiti ko nung mabasa ko kung sino ang magmessage. Unknown number. Akala ko galing kay Reid yun, pero alam kung hindi dahil noon pa man ay tandang tanda ko na ang numero niya.

'I need your help'

Napailing ako sa nabasa ko. Sounds weird. Sakin pa talaga na wrong send. Kanino kaya ito galing. Kinilabutan ako. Help? Sino kaya itong taong ito na naghihingi ng tulong o baka naman....baka naman prank text lang. Hindi ko na iyon pinansin. Kinuha ko na lamang ang bigay na pagkain ni Reid saka ako pumasok ng room.

____________________________________

Please put some comments and click the star below😊 t.y.


Continue Reading

You'll Also Like

46K 1.6K 20
A fanfic about Yoongi's old song that he wrote and a girl that wants to recreate it from her memory. This is the first fan-fiction I have written, h...
49.2K 2.4K 29
paano kung ang isang tomboy ay ipag kasundong ipa kasal sa isang lalaki na unang kita pa nga lang nila ay palagi na syang inaasar could they can gai...
26.3K 647 11
I'm sorry if it's bad or has mistakes๐Ÿ˜… (I dont own haikyuu, assassination classroom or any anime characters)
601K 32.1K 20
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ~By ๐Š๐š๐ฃ๐ฎ๊จ„๏ธŽ...