That Thing Called Love

By scaredycaaat

60 0 2

Isabelle is ignorant when it comes to love. Wala rin siyang panahon dito dahil pag-aaral muna dapat ang unang... More

DISCLAIMER
Panimula
Kabanata 2: The Note

Kabanata 1: First Day of Ka-Cornyhan

7 0 0
By scaredycaaat

~Present~

AKO lang ba? Ako lang ba ang walang ganang pumasok sa unang araw ng eskwela?

I almost stayed up all night kaya kinakain ako ng antok ko ngayon habang kumakain ng agahan. May tinapos kasi akong commissioned portrait at kailangan ko na kasing maibigay ito ngayon sa nagpaguhit sa akin. I drew portraits as sideline pero hindi naman ako kagalingan magdrawing. Tumatanggap lang din ako ng commission every summer kasi mahaba-haba ang free time. I cannot cater na kapag may pasok. Ang hirap kaya magdrawing tapos ang dami ko pang mali-mali sa buhay ay este sa mga gawa ko.

"Guess who's antok right now?" banat ng maarte kong kapatid na si Shelle. I narrowed my eyes at her dahil ako na naman ang nagawang pagtripan ngayon sa harap ni mama. Binigyan ko lang siya nang masamang tingin at binelatan lang ako nito. Napalingon naman si mama sa akin na may dismayadong mukha.

"Di ba sabi ko Isabella na bawal matulog ng madaling araw na?" tanong ni mama na may striktong tono. Napayuko lang ako dahil nagiguilty ako. Sa totoo niyan, hindi alam ni mama na nagpapakomisyon ako sa pagd-drawing ko. Panigurado kasing pagbabawalan ako 'pag nalaman niya. Ayaw niya kasi na may iba kaming pinagkakaabalahan maliban sa pag-aaral.

Tahimik na nagpatuloy na lang ako sa aking pagkain.

Pagkatapos naming mag-agahan ay pumunta na kami ng eskwelahan. Kasabay ko naman si Shelle sakay ng taxi. Hindi naman kami mayaman pero gusto lang talaga ni mama na taxi ang sasakyan namin papuntang school kasi mas safe daw at mas convenient. Wala naman din kasi kaming sasakyan para maghatid-sundo sa amin.

HUMIHIKAB ako habang naglalakad sa lobby ng second floor ng Senior High School building. Nasa floor na ito ang classroom namin kaya nandito ako.

Habang naglalakad ako papuntang room, bigla na lang akong natumba at napadapa sa sahig dahil may kumag na bumangga sa akin.

Aray naman! Letse! Unang araw pa lang, minamalas na ako.

Napainda ako sa sakit pagkabangon ko. Namataan ko naman kung sino ang nakabunggo sa akin nang mapaupo na ako.

"Naku! Sorry unggoy," mapanlokong wika ni Vince at natatawang ilahad ang kanyang kamay upang tulungan akong bumangon.

Letse 'tong lalaking 'to. Unang araw ng pasukan nakikipaghabulan. Tss.

Inirapan ko lang siya at isinantabi ang kanyang kamay. Kaya ko ang bumangon mag-isa.

"Che! Ikaw unggoy!" sigaw ko naman at pinagpagan ko ang aking palda. Dali-dali namang pumasok si Vince sa room. Nakikipag-unahan naman pala siya sa kaklase namin na si Rai. Mga isip-bata talaga tong mga kumag nato kahit kailan.

Nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ni Yeri. Kung makayakap din ito, parang ngayon lang kami nagkita after 10 years. Ang hyper naman ng mga tao rito.

"Buti na lang at di ka nagtransfer. Wahhhhh!!" sigaw ni Yeri habang yakap yakap ako. Kumalas naman ako sa pagkakayakap niya kasi nasasakal ako. Papatayin siguro ako nang babaeng 'to eh.

"Di ba sinabi ko naman na sa'yo na hindi ako pinayagan ni mama," paliwanag ko. Sa katunayan niyan, gusto ko talagang magtransfer kasi Arts and Design ang track na gusto kong kunin na hindi ino-offer sa school na ito kaso lang mas bet ni mama na academic track ang kunin ko kaya heto ako ngayon, nasa STEM.

"I love your mom na kasi hindi ka niya inihiwalay sa 'min," pabebe niyang sabi at yinakap ako ulit.

Pumasok na kami sa classroom at lingid sa kaalaman ko na nireserbahan na ako ni Yeri ng mauupuan. Nag-abot ang dalawang kilay ko nang malaman kong sa may gitna ang seats namin. Napabuntong-hininga na lang ako habang papaupo.

Gusto ko pa naman sanang maupo sa likuran.

Sapilitang inayos ko ang bag ko sa gilid ng upuan ko. Nasa harapan ko naman si Yeri which means nasa pinakaharapan siya tapos gitna. Katabi niya si Georgina. Kaloka 'to hindi man lang ako tinabihan. Actually, good for two ang desks namin. Pang elementary. Tss.

Lumingon ako sa may likuran, nagbabakasakaling may bakante pa at ayun meron nga. Good for one seat na desk lang. Nice. Sana wala pang umupo. Gusto kong angkinin iyon.

Kinalabit ko si Yeri at pabebe naman itong lumingon. Yung tipong parang may pa slow motion effect. Inilapit ko ang ulo ko sa kanya para makapag-usap kami ng mahinahon

"Kaninong gamit 'tong nasa tabi ko?" mahina kong tanong.

"Ahhh 'yan kay Joshua. Magkatabi kayo ayieeee," kinikilig na sambit ni Yeri at tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Anong naman meron kung magkatabi kami? Duh!" medyo pasuplada kong sagot.

"Hmmm. Kilig yaaarn?" pang-aasar naman ni Yeri at pinandilatan ko lang siya ng mata. "Bella, alam mo namang crush ka ni Joshua di ba?"

Hindi pa rin tumitigil sa pang-eechos itong si Yeri.

"'la 'kong pake," ang tanging nasabi ko pero sa totoo niyan, mula noong nalaman kong crush ako ni Joshua, of course humaba ang hair ko and at the same time I was flattered. Sino ba namang hindi? Tss. Pero matapos no'ng pag-amin niya sa buong klase namin a month ago, medyo naging awkward na ang pakikitungo sa kanya.

Bigla namang dumating at umupo sa tabi ko si Joshua. Napalingon ako sa kanya at nginitian ito ng pilit. Nahihiya na talaga akong tumingin at makipag-usap sa kanya. Ika nga nila, pag ganyan daw ang naging kilos mo, ibig sabihin daw no'n may feelings ka rin sa kanya. Hindi ako naniniwala sa sabi-sabing iyon kasi wala akong feelings kay Joshua sadyang awkward lang talaga. Ngumiti rin naman siya pero parang pilit din. Chos. Di naman kasi kami close.

Narinig ko namang napatikhim si Yeri at napabuntong-hininga na lang ako.

I leaned on the table at nakapalumbaba. Daig ko pa siguro ang natalo sa lotto.

"GUYS! MAGKATABI SI BELLA AT JOSHUA!" narinig kong sigaw ng isa kong kaklase at naghiyawan halos lahat ng mga kaklase ko.

"JOSHBELLA FOR THE WIN!"

Syete! Buong taon ko ba 'to mararanasan sa seksyong ito? Napairap na lang ako.

"Shut up, guys para kayong bata," sita naman ni Timothy kaya natahimik naman ang klase. Baka VP yarn. You're really are my savior, Tim.

Nagsibalik naman ang mga kaklase ko sa kani-kanilang pinagkakaabalahan habang ako nakapalumbaba pa rin.

"Hi! Kamusta?" narinig kong wika ni Joshua at napatingin ako sa kanya na nakapalumbaba pa rin.

Ngumiti ako ng pilit. "Okay lang," maikling tugon ko naman.

Shucks! Ang awkward.

Hindi na siya nagsalita pa. Mukhang narealize niya na wala ako sa mood makipag-usap. Gosh! Hindi ako komportable sa upuan na 'to. Kailangan ko na talagang lumipat.

Saktong dumating si Lorraine na close friend nitong si Joshua. Masayang kumaway ito kay Joshua at inilibot nito ang kanyang paningin sa classroom. Naghahanap siguro ng mauupuan. Iyong upuan na lang sa likod ang natitirang bakante sa likod kaya hindi ko hahayaang makuha niya iyon. Tinawag ko agad siya at lumingon naman ito.

"Dito ka na lang maupo," I insisted. Isinuot ko ang bag ko at tumayo. Napatingin naman sa akin ang buong klase.

"Sure ka? Naku 'wag na lang. Sa likod na lang ako uupo," wika ni Lorraine at pupunta na sana siya sa likuran pero pinigilan ko.

"No. Please! Ako na sa likuran," pagpipilit ko kaya wala nang nagawa si Lorraine kundi ang umupo sa tabi ni Joshua. Alam ko namang mas magkakasundo sila ni Joshua.

Masaya akong nagtungo sa nag-iisang bakante sa likuran. Nakita ko naman si Yeri na mukhang dismayado sa ginawa ko.

****

Lunchbreak na kaya nandito kami ngayon sa school cafeteria. Kasama ko si Tim, Yeri at George na masayang nagtatawanan sa pinag-uusapan nila. Hindi ko feel ang makitawa ngayon kasi antok na antok pa talaga ako. Gusto ko nang umuwi't matulog.

"Ate, may nagpapabigay sa 'yo," bigla namang sumulpot ang isang babaeng mukhang 7th grader sa harapan ko at may inilagay na bubble tea sa lamesa ko.

Binigyan naman ako ng mga malisyosong tingin ng mga kaibigan ko.

"Kanino raw galing be?" tanong ni Tim sa babae.

"Hindi ko po alam eh," sabi ng babae at tsaka umalis.

"Kyaaaaaah! Baka galing sa secret admirer mo Bell," kinikilig na sabi ni Yeri. "ALAMS NA!" magkasabay na sabi nitong tatlo. I just rolled my eyes at them and hinawakan 'yung bubble tea. May nakadikit ditong sticky note kaya kinuha't binasa ko.

Bella,

I'm glad that you didn't transfer. May pagkakataon pa akong makita ka araw-araw. Sana tanggapin mo itong munting regalo ko.

- J

"Sana all may J," pang-aasar naman ng mga kaklase ko na kababasa lang rin sa binasa kong note. Mga tsismosa talaga kahit kailan.

Whoah! Lintek! Ang corny nito ah. Bakit niya ba ako naging crush?

© 2023, scaredycaaat. All Rights Reserved.

♥️✍️








Continue Reading

You'll Also Like

995K 22.5K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
1M 90.1K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
3.8M 88.6K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
1.1M 62.3K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...