Unexpectedly You

By ariamariaaa

9.6K 530 82

Roni and Borj met when they were in highschool. But will their friendship last if love comes their way? Hi... More

Chapter 1: The First Time I Saw Him
Chapter 2: Junior Year
Chapter 3: Borj
Chapter 4: Start of our Friendship
Chapter 5: Falling in Love
Chapter 6: Twist of Fate
Chapter 7: Confession
Chapter 8: AstroCamp
Chapter 9: Avoidance
Chapter 10: Prom
Chapter 10.1: Prom (Roni's POV)
Chapter 11: M. U. - Misunderstanding
Chapter 12: Sweet Sixteen
Chapter 13: Memories
Chapter 14: Graduation Letter
Chapter 15: Changes
Chapter 17: Anniversary Getaway
Chapter 18: New Beginning

Chapter 16: My Leap of Faith

448 28 6
By ariamariaaa


Borj POV

Maaga akong umalis ng bahay upang pumunta sa university. Tinawagan din kasi ako ni Kuya Yuan at nagpasama sa akin para mag-enroll. Noong una ay ayaw ko sanang pumunta at samahan siya dahil sa totoo lang ayoko munang makakita ng kahit sinong tao na may kaugnayan kay Roni pero sobrang mapilit ni Yuan at sinabing bibigay din daw niya ang pasalubong niya galing Boracay at Mindoro at kailangan din daw niya ng susi ng org room namin dahil kukunin niya ang gitara niya doon. Hindi ko rin alam kung bakit ako pa ang naisipang gamabalain ni Yuan pero dahil mapilit siya at nawalan na rin naman ako ng idadahilan pumayag na rin ako. 

Sakto sa usapan naming 10am ay nakarating ako sa university, dumiretso na ako sa may cashier ng school sa pagbabakasakali na naroon na si Kuya Yuan ngunit wala pa siya. Napagpasyahan kong umupo at maghintay na lamang sa bench malapit sa cashier ngunit nakalipas na ang labing-limang minuto e wala pa ring Yuan na dumarating. Naiinip na rin ako at noong akmang tatawagan ko na sana siya ay biglang nagring ang cellphone ko. 

"Hello, pre. Nasaan ka na? Kanina pa ko nandito. Naiinip na ko."

"Ah, ano kasi.. Nagdiarrhea ako bigla pero huwag kang umalis may pinapunta naman ako diyan para magbayad ng tuition at kunin ang gitara ko. Antayin mo lang. Andyan na daw sa school."

"Sino? Paano ko malalaman kung sino 'yung pinapunta mo?"

"Huh? Ano? Teka nawawala ata yung signal. Tetext na lang kita."

"Uyy, Teka, teka. Yuan. Hello? Hello?"

"Pambihira naman 'tong si Kuya Yuan oh. Paano ko malalaman kung sino yung pinapunta niya." Napahawak na lamang sa ulo si Borj at tatawagan sanang muli si Yuan ng biglang may kumalabit sa kanya. Agad na lumingon ang binata at halata sa mukha nito ang gulat. Naramdaman din ng binata ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso at tila siya ay nanghihina sa nakita.

"Ahmm. Hi, Borj! Pasensya ka na huh, sumama kasi yung tiyan ni kuya kaya ako na lang yung pumunta. Sana okay lang sa'yo."

"Ah. Okay lang. Tara, magbayad na tayo." malamig na tugon ni Borj

Naunang maglakad ang binata habang nakasunod sa likod niya si Roni. 

"Si Roni. Si Roni ba talaga 'to? Ilang buwan ko lang siyang hindi nakausap at nakita pero parang mas lalo siyang gumanda. Hindi ko naihanda ang sarili ko sa kung ano ang sasabihin at gagawin kapag nakita ko siya ulit. Hay, Borj umayos ka para naman kayong hindi magkaibigan ni Roni. Kausapin mo siya. Kumustahin mo siya. Kaibigan mo siya...Kaibigan" wika ni Borj sa sarili na tila kinurot ang puso sa huling salitang kanyang naisip - 'Kaibigan'

Natapos nang magbayad ang dalawa ngunit nababalot pa rin sila ng katahimikan. Tahimik na naglakad sila Borj at Roni patungo sa org room nila Yuan. Nang marating na nila ang silid, agad ng inabot ni Borj ang gitara kay Roni.

"Sa- salamat." matamlay na wika ni Roni. 

Sumagot naman ng tango ang binata. 

----

Habang naglalakad sila Borj at Roni palabas ay nadaanan nila ang kapilya sa loob ng unibersidad. Patuloy lamang sa paglakad si Borj ng bigla siyang hawakan sa braso ng dalaga. Nagulat naman ang binata sa ginawa ni Roni. 

"Ba-bakit?" tanong ni Borj

"Sorry, nagmamadali ka ba? Pwede mo ba kong samahan sa chapel?" tanong ng dalaga 

"Sige." tugon ni Borj na may ngiti sa mga labi.

Naunang pumasok si Borj, uupo na sana ang binata sa upuan sa bandang likod ngunit bigla siyang hinatak ni Roni upang maupo sa unahang bahagi ng kapilya. Lumuhod ang dalaga at mataimtim na nanalangin. Noong una ay pinagmasdan lamang ng binata si Roni habang ito ay nagdarasal ngunit di naglaon ay ipinikit na rin nito ang mga mata at mataimtim na nanalangin. 

Matapos manalangin ay ilan sandali pang umupo ang dalawa sa loob ng chapel. Makalipas ang ilang sandali ay naglakas loob na ring magsalita si Borj.

"Hmm. Alis na tayo?" tanong ni Borj kay Roni

"Sandali lang Borj.." tugon naman ng dalaga habang nakatitig sa mata ng binata.

Nagbuntong hininga lamang si Borj. 

"Sorry, Borj.. Galit ka ba sa akin?" mahinang wika ni Roni na labis na ikinabigla ni Borj. 

"Sa totoo lang Roni. Hindi ko din alam kung ano ang nararamdaman ko. Ano bang nangyari sa atin? Bakit bigla na lang tayong nawala? Bakit bigla mo na lang ako iniwasan ulit. May mali ba akong nagawa? Nasaktan ba kita ng hindi ko namamalayan?" tanong ni Borj sa dalaga

"Sorry, Borj, Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi ko rin alam kung ano ang mga salitang dapat kong sabihin. Pero gusto ko lang malaman mo na mahalaga ka sa akin." tugon ng dalaga

"Mahalaga? Kung ganun bakit ka pilit na lumalayo?" tanong muli ni Borj

"Dahil nagseselos ako! Nagseselos ako sa mga babae na napapalapit sa'yo at naiinis ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko dahil alam kong wala akong karapatan. Dahil ano ba tayo? Ano ba ko sa'yo? Wala naman kasing tayo." tugon ni Roni

Nagulat si Borj sa mga narinig niya. Hindi naman agad nakapagsalita si Borj at tumitig lang sa kawalan. 

Nang hindi na nagsalita pa si Borj ay tumayo na si Roni at may iniabot na sobre sa binata. 

"Pasensya ka na kung naabala kita, Borj. Nandyan na lahat ng gusto kong sabihin sa'yo dahil tama nga ako baka hindi ko masabi sa personal. Mauuna na ko...Salamat" agad ding lumabas ang dalaga habang naiwan si Borj sa kapilya hawak ang sulat na bigay ni Roni

________

Matapos basahin ni Borj ang sulat ay agad siyang tumakbo palabas ng kapilya upang hanapin si Roni dahil malakas ang pakiramdam ng binata na nasa loob pa ito ng unibersidad at malakas ang kutob niya kung saan ito matatagpuan at hindi nga siya nagkamali. Nakita niya si Roni sa loob ng science garden na nakaupo sa isang bench at humihikbi. Agad namang nilapitan ng binata si Roni.

"Huwag ka nang umiyak. Alam mo namang ayoko kitang nakikitang umiiyak e" sabay abot ng panyo sa dalaga

"Borj? Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ni Roni

"Ako pa ba? Sabihin na lang natin na kilalang kilala na kita." nakangiting wika ni Borj

"Tse. Akala mo lang yun." tugon naman ni Roni

"Oh tingnan mo 'to, magkakaayos pa nga lang tayo magsusungit ka na naman" natatawang sagot ni Borj sabay ginulo ang buhok ng dalaga.

"Ano ba yan." kunwaring inis na tugon ni Roni

Saglit na nagkatitigan ang dalawa sabay nagtawanan.

"So, hindi ka na galit?" tanong ng dalaga

"Hmm. Hindi naman ako nagalit. Tampo at naguluhan lang siguro. Pero ang magalit sa'yo, hindi ata mangyayari 'yun."

"Ah kaya pala parang nanunumbat ka kanina huh. Hindi ka pa galit nun, Sir Benjamin?" 

"Alam mo Ronibabes este Ronalisa, hindi ako galit at huwag na nating pag-usapan dahil baka nga matuloy na ang galit ko. Ang kulit mo e noh." tatawang tawang sagot ni Borj

"Doon nga pala sa tanong mo sa sulat kung ano nga ba tayo, eh nasasayo naman yun kung anong gusto mong mangyari e." wika ni Borj habang labis na nakatitig sa mga mata ni Roni.

"Nanliligaw ka ba?" tanong ng dalaga

"Hindi pa ba? Ilang beses ko na bang nasabi ang 'Mahal Kita'? Pero para sa'yo kahit ilang ulit, ilang beses pa kitang ligawan e walang problema sa akin. Dahil sigurado ako sa nararamdaman ko sa'yo. Ngayon, ngayon mismo nanliligaw na ko." wika ni Borj na abot tenga ang ngiti

"Okay sige. Pero alam mo kasi nasa loob ng sulat na 'yan ang sagot ko sa'yo e sabay hablot ng sulat na hawak ni Borj. Sorry na lang po Mr. Jimenez dahil hindi mo sinilip ang loob ng sobre hindi mo malalaman ang sagot ko." pang-aasar ni Roni sabay tumayo na rin ang dalaga.

"Ang daya mo naman e. Akin na 'yan, Roni. Sa akin yan e, binigay mo na yan" parang batang paslit na wika ni Borj

"Hep hep! Ihatid mo na lang ako sa amin. Huwag kang kokontra okay. Tara na." wika ni Roni sabay hawak sa braso ni Borj

Napangiti naman ang binata sa inaasta ng dalaga.

"Akin na nga 'yang gitara ni Yuan. Kawawa ka naman e. Nahihirapan ka na ata dyan."

"Hay, salamat naman nakahalata rin." natatawang wika ni Roni

"Tara na po mahal na prinsesa. May dala po akong sasakyan, ihahatid ko na po kayo." wika naman ng binata

(c) Sigurado by Belle Mariano (YT channel On up beat)

-----

 Masayang nagkwentuhan at nagkantahan sila Borj at Roni habang nasa biyahe patungo sa bahay nila Roni. Halata ang kasiyahan at ang pananabik nila sa isa't-isa. Hindi na namalayan ng dalawa ang bilis ng biyahe dahil sa labis na kagalakan na nararamdaman nila.

"Pasok ka muna sa loob. Sigurado ako namiss ka rin ni Kuya at nila mommy." aya ng dalaga sa binata

"Alam mo Roni gusto ko sana kaso kailangan kong makauwi bago maghapunan. Nagpromise din kasi ako kila lola na sa bahay ako maghahapunanan pero bababa na rin ako para makapaghello kila mommy este kila tita." wika ni Borj

Pagkababa ng sasakyan ay muling inabot ni Roni kay Borj ang kanyang  sulat.

"Buksan mo ulit" nakangiting wika ni Roni

Agad namang binuksan ng binata ang sulat at doon niya nakita ang isang larawan. Kuha ang larawan noong 16th birthday ni Roni - Nakaupo ang dalawa sa buhanginan habang tumatawa at pinagmamasdan ang papalubog ang araw.

Tiningnan naman ni Borj si Roni nakangiti ngunit bakas ang pagtataka sa mukha ng binata.

"Basahin mo 'yung nasa likod" nahihiyang wika ni Roni.


Mr. Benjamin Jimenez,

Naalala mo humingi ka sa akin ng birthday gift nung birthday ko -

"Pwede bang ikaw na lang ang regalo ko?" 

Tumingin ka sa harap mo. 

Agad namang tumingin si Borj sa dalaga at nakita niya si Roni na turo-turo ang nakasulat sa kanyang t-shirt.


Hindi naman napigilan ng binata ang ngiti sa kanyang mga labi ganun din ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Agad niyakap ng binata ang dalaga.

"Hinding hindi ka magsisisi sa desisyon mo Roni. Alam kong marami ka pa ring takot at pangamba pero pangako ko sa'yo aalagaan at mamahalin kita ng lubos. Mahal na mahal kita, Ronalisa." wika ni Borj habang mahigpit ang pagkakayakap kay Roni.

Sinuklian din naman ni Roni ang mahigpit na yakap ni Borj. Ilang minuto ding nanatili sa ganoong posisyon ang dalawa ngunit hindi rin nagtagal ay pumasok na ang dalawa sa loob ng bahay.

(c) The Gift by Jim Brickman - from YT channel Lyrics avenue

___________

Agad namang pumasok ang dalawa at hindi nga nagkamali ang dalaga dahil labis din ang pananabik ng pamilya ni Roni kay Borj. Tuwang tuwa silang makitang muli ang binata dahil ilang buwan din nila itong hindi nakita.

"Naku Borj, mabuti naman at nakabisita ka. Ang tagal mong hindi dumalaw ah." wika ng mommy ni Roni

"E pasensya na po kayo tita kung hindi po ako nakadalaw. Ang totoo po niyan sobrang namiss ko rin po kayo." magalang na tugon ni Borj

"Sus, kami ba talaga namiss mo o baka yung isa lang dyan." pang-aasar naman ni Yuan

"Siyempre naman, namiss ko po talaga si Roni at syempre kayong lahat po, pero tito, tita, kuya Yuan hindi rin po ako magtatagal inaantay na din po kasi ako nila lola. Nagpromise po kasi ako na sa bahay magdidinner."

"Naku, sayang naman magbabake pa naman ako ng lasagna. Hindi ba paborito mo 'yun?" tanong ni Tita Marite.

"Naku, tita huwag na po. Sa susunod na lang po." magalang na pagtanggi ni Borj

"Aba, may susunod pa ah. Mukhang maganda ang kinalabasan ng pagkikita niyo ah." pang-aasar muli ni Yuan

"Kuya!" sigaw naman ni Roni na sinasaway ang kapatid

"Eh tito, tita bago po sana ko umalis may gusto po sana akong sabihin."  wika ni Borj

"Ano yun iho? Mukhang seryosong bagay 'yan ah." wika naman ng tatay ni Roni

"Tito, Tita, Kuya Yuan, alam ko naman pong batid ninyo ang nararamdaman ko para sa anak ninyo. Gusto ko lang pong ipaalam na sinagot na po ako ni Roni at nangangako po akong aalagaan at mamahalin ko po ng husto ang anak po ninyo. Hinding hindi ko po siya sasaktan at lolokohin. Makakaasa po kayo na iingatan ko po ng lubos si Roni." wika ni Borj

Nagulat naman si Roni sa ginawa at mga sinabi ng binata at napanlakihan niya ito ng mata.

Sandaling nabalot ng katahimikan ang pamilya Salcedo ngunit makalipas ang ilang sandali ay nagsalita na rin ang mommy ni Roni.

"Borj, thank you for being honest. Naappreciate namin ang honesty mo. Magmula noon, thank you for respecting and honoring us na mga magulang ni Roni. Hindi naman ako kokontra, dahil matagal ka na naming kilala at simula pa noon sinabi mo na sa amin ang intentions mo kay Roni."

"Alam mo Borj, simula pa lang noong nagsabi ka sa amin ng intentions mong ligawan ang anak namin noong high school pa lang kayo. Noon pa lang, you gained my respect dahil bibihira lang ang mga lalaking may lakas ng loob magpaalam sa magulang ng babaeng nais nilang ligawan. And once again, pinatunayan mo kung gaano ka sincere at kaseryoso sa nararamdaman mo. Pero tandaan niyo, mga bata pa rin kayo sa paningin ko. Huwag kayong gagawa ng bagay na ikasisira ng tiwala namin. Alam kong alam niyo ang tinutukoy kong limitasyon. I-enjoy niyo lang 'yan." mahabang litanya ng Daddy Charlie ni Roni

"Grabe, dalaga na ang anak ko." wika muli ni Tita Marite sabay yakap sa anak

"Mommy naman." tugon ni Roni ngunit yumakap din sa kanyang ina. Niyakap din si Roni ng Kuya Yuan at Daddy niya.

"Hep hep. Tama na ang drama. Baka mamaya hindi mapigilan ng mommy niyo ang luha niyan baka bumaha ng luha dito." biro ni Charlie. 

"Oo nga, pauwiin niyo na tong si pareng Borj. Inaantay na 'yan nila lola" wika naman ni Yuan

Nagpaalam na rin si Borj sa pamilya ni Roni. Hinatid naman siya ng dalaga sa sasakyan nito. 

"Mag-iingat ka, Borj!" malambing na paalala ni Roni

"Oo naman ngayon pang nadagdagan na ang dahilan ko para mas lalong mag-ingat." sagot naman ng binata

"Puro ka talaga kalokohan. Sige na umuwi ka na. Inaantay ka na nila lola. Sa susunod ako naman ang dadalaw sa inyo." 

"Pwede bang ngayon na lang?" tanong naman ni Borj

"Ikaw talaga. Sige na, umalis ka na!"

"Ganun lang 'yun, wala man lang goodbye kiss."

"Flying kick, gusto mo?" pabirong wika ni Roni

"Di na mabiro. Bye, Roni!"

"Bye Borj" 

Pabalik na sana sa loob ng bahay si Roni ng biglang hinatak ni Borj ang braso ng dalaga at saka siya niyakap ng mahigpit.

"Salamat, Roni! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Mahal na mahal kita." 

Yumakap din ang dalaga at nagbigay ng mabilis na halik sa pisngi ng binata. 

"Borj, mahal na mahal din kita. Salamat at nakapaghintay ka! Pero sa ngayon, umuwi ka na love." nakangiting wika ni Roni

Hindi din nagtagal ay umalis na ang binata sa bahay nila Roni na nag-uumapaw ang kasiyahan at hindi maalis ang ngiti sa mga labi. 

-------

(c) Nothing's Gonna Stop Us Now by MYMP (YT: Joc Channel)





Continue Reading

You'll Also Like

773K 28.7K 103
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
121K 5.1K 52
❥❥❥ [BNHA x Fem!Reader] ❛❛𝔸𝕝𝕝 𝕥𝕙𝕖 𝕣𝕚𝕔𝕙𝕖𝕤 𝕓𝕒𝕓𝕪, 𝕎𝕠𝕟'𝕥 𝕞𝕖𝕒𝕟 𝕒𝕟𝕪𝕥𝕙𝕚𝕟𝕘, 𝔸𝕝𝕝 𝕥𝕙𝕖 𝕣𝕚𝕔𝕙𝕖𝕤 𝕓𝕒𝕓𝕪...
61.5K 1.2K 46
*Completed* "Fake it till you make it?" A PR relationship with a heartbroken singer in the midst of a world tour sounds like the last thing Lando Nor...
153K 5.5K 42
❝ if I knew that i'd end up with you then I would've been pretended we were together. ❞ She stares at me, all the air in my lungs stuck in my throat...