It's you from the start || y...

By nikitty_x

28.1K 1.3K 708

COMPLETED ┊ ➶ 。˚ ° ╰▸ taglish More

characters
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
52
53
readers !

51

262 21 31
By nikitty_x

" gago Ni-ki may baril siya " sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa lalaki .. nakangiti naman ang lalaki samin kasi nga tubo lang yung dala namin .

" eh ano ngayon ? Wala akong pakealam ! Buhay ni Celine ang nakataya dito !"

Bigla namang tumakbo si Ni-ki papunta doon sa lalaki . Nagulat ako sa ginawa niya kasi nga bigla nalang siyang kumilos . Ako naman ay parang naestatwa sa kinatatayuan ko . Di ako makagalaw . Iba na pala kapag nasa mismong sitwasyon kana , hindi mo talaga alam ang gagawin .

Nakita ko naman si Ni-ki na akmang hahampasin ang lalaki ng dala niyang tubo .. nakailag ang lalaki kaya medyo na out balance si Ni-ki . Napatakbo naman agad ako malapit sa kanila

Hahampasin na sana ulit ni Ni-ki yung lalaki nang binaril niya ang braso nito .. nabitawan naman agad ni Ni-ki ang hawak niya at natumba sa sahig .  Nakita ko kung papano bumaluktot ang katawan niya dahil sa sakit . Natulala naman ako dahil doon .

Hindi ko namalayang nakaturo na din pala sakin yung baril ng lalaki . Halatang sanay na sanay na ito sa paghawak ng armas . Kinakabahan ako pero kailangan kong iligtas si Celine . Kaya tumakbo ako papunta sa kaniya sa pag aakalang hindi  niya ako mababaril kapag binilisan ko ang paglapit sa kaniya .

Nasa isip kona kanina pa yung plano eh , kaso hindi ko naman inakalang may armas palang involved dito .

Hawak ko ang tubo habang papalapit sa kaniya pero bigla nalang niya akong binaril sa binti .

" Wonie !" Sigaw ni Ni-ki pero parang hindi ko masyadong marinig dahil yung putok lang ng baril ang  naririnig ko .

Natumba naman ako agad at nung una dahil sa gulat ko ay hindi ko pa ito naramdaman .. pero matapos ang ilang segundo ay unti unting kumirot at binti ko . Hindi kang basta bastang kirot to , ang sakit ! . Para akong mapapamura sa sobrang sakit nito .

Hinawakan ko naman ang binti kong dinugmdugo na .. pinilit ko paring kunin ang tubo na nabitawan ko . Malapit lang ako sa lalaki at pwede ko siyang hampasin nito kaso lang ay parang nawala lahat ng lakas ko dahil sa sobrang sakit ng binti ko .

Tangina lang , walang nagawa yung pagiging black belter ko sa taekwondo . Eto ang resulta sa pag lusob sa giyera na wala man lang kahit na anong plano .

" Ay mga totoy .. papunta- punta pa kayo dito , yan lang ang dala niyo . Halatang wala kayong alam " sabi ng lalaki pero tumahimik lang kami . iniinda pa kasi  namin ang sakit .

May isa namang lalaki ang dumating .. " ano yung putok na yon ? Dumating naba yung hinihintay niya ?" Tanong ng isang lalaki ..

" Eto , may dalawang tanga na pumunta dito . Lulusob sa giyera , walang dalang armas . Kaya ayan , nasa sahig at duguan "

Tiningnan naman akong mabuti ng kasama niya . At binatukan ang bumarik sa amin .

" Gago ! Bakit mo binaril ! Siya ang kailangan ni boss . Lagot ka ngayon " sabi nito bago ako tunulungang makatayo .

" Ay siya ba ? Di ko naman kasi kilala . Akala ko kung sino lang " sagot niya bago kunin si Ni-ki .

Matalim lang ang titig namin ni Ni-ki sa kanilang dalawa . At kahit na may gawin pa kami sa kanila ay hindi naman kami agad agad makakatakas dahil may tama kami . Sana lang ay dumating na yung mga tinawagan namin para mailigtas na kaming tatlo .

Pagkapasok namin sa isang kwarto ay nakita ko si Celine na nakatali sa gitna ng silid .

" Celine !" Sigaw naming dalawa ni Ni-ki .. kaya napatingin siya sa direksyon namin

" Jungwon ! Ni-ki !" Sigaw niya pabalik  at nag umpisang lumuha ang mga mata niya nang makitang duguan kami . Wala naman siyang magawa dahil nga nakagapos siya .

" Zia , nandito na sila pero binaril sila nitong tanga na to " sumbong ng lalaki kay Zia .. wait ..

" Zia ?" Tanong ko at nakita ko naman siyang lumingon sa amin . Nagulat siya nang makitang may tama ako sa binti

" Anong ginawa niyo ? Sabi ko ay takutin niyo , hindi barilin ! "

" Eto kasi , bida bida kaya ayan .. duguan yung dalawa " sabi nito kay Zia .. " nangyari na yan .. wala na tayong magagawa " sabi lang ng isa

Ako naman ngayon ay galit na galit dahil siya pala ang nagpadukot kay Celine .. pero bakit ?

" Sino siya ? " Bulong ni Ni-ki

" Isang baliw na babae " sagot ko lang sa kaniya bago ko kagatin ang ibabang labi ko dahil sa pagkirot ng sugat ko .

" Mga wala kayong kwenta !" Sigaw ni Zia bago niya ako puntahan . May halong pag aalala ako nakita sa mga mata niya pero wala akong pakealam .. kahit manlang dito ay malaganti ako sa kaniya , kay sinampal ko siya

Napahawak naman siya sa pisngi niya . Malakas kasi ang pagkakasampal ko , siguro ay naipon ang lahat ng galit ko . Tumingin naman siya sakin na parang naiiyak .

" W-wonie .. " sabi lang niya .. " ano tong ginagawa mo Zia ? Bakit mo to ginagawa ?"

" Ginawa ko to dahil mahal kita Jungwon ! Buong buhay ko parati nalang si Celine ang panalo .. siya nalang lagi . Tapos ngayon , sa kaniya kapa ikakasal ? Siya na naman !"

Nagtaka naman ako sa sinabi niya .. magkakilala ba sila ?

" Oo , magkakilala kami .. kilalang kilala namin ang isa't isa . Kasi magkapatid kami !" Sigaw niya ulit . Kailangan bang sumigaw ? Ang lapit na nga niya , sisigaw pa .

Nagulat naman ako . Nagulat ako dahil hindi ko inaakalang magkakaroon ng kapatid na ganito ka siraulo si Celine . Kabaliktaran talaga siya ni Celine .

" Wala akong pake sa nakaraan mo .Hindi kita mahal kaya pakawalan mo kame para matapos na ang lahat ng ito !"

Sinenyasan naman niya ang mga kasama niyang lalaki . Taray , may pa goons .

" Igapos niyo silang dalawa !" Sigaw niya sa mga ito kaya dali dali namang sumunod ang mga lalaki  .

Kaming dalawa ni Ni-ki ay iginapos sa isang maliit na haligi .. nakaupo kaming dalawa na magkatabi . Kanina pa si Ni-ki tahimik . Siguro ay nanghihina na dahil sa nawalang dugo sa kaniya .

Si Celine ay malapit lang din sa amin kaya makakausap namin siya .

" Babe , kamusta yung sugat mo ? Si Ni-ki pakitingnan .. kanina pa yan hindi kumikibo " sabi niya sakin kaya siniko ko si Ni-ki  pero nakapikit lang ito

" Ni-ki ?" Tanong ko pero hindi sumasagot . Baka hinimatay na siya . Kaya kinabahan ako .

" Ni-ki , huy .. wag ka namang magbiro ng ganiyan .. hindi nakakatuwa "

" Bakit anong nangyari sa kaniya ?" Tanong ni Celine na ngayon ay kinakabahan na din para kay Ni-ki

Bigla namang napa angat ng ulo si Ni-ki . Kaya medyo nakahinga kami ng maluwag ..

" Wag kayong mag alala , kaya ko pa naman . Sobrang sakit lang talaga ng braso ko kaya nanghihina ako " mahinang sagot ni Ni-ki .. " mahal na mahal ko kayong dalawa " dagdag pa niya .. parang naluluha na ako dahil sa sinabi niya . Out of nowhere kase eh .. parang namamaalam na siya . Ayokong mangyari yon sa kaniya .

Naiiyak naman si Celine . Pareho kami ng nararamdaman sa ngayon .. nag aalala kami at natatakot sa kung anong pwedeng mangyari kay Ni-ki . Kahit na nga yung sarili ko ay hindi kona iniisip .

" Mahal ka din namin Ni-ki kaya wag kang susuko . Alam kong may tutulong sa atin . Makakalabas din tayo dito " sabi lang ni Celine pero humahagulgol na siya . Pati ako nadadamay sa kaniya .

" Ano ba kayo ? Para naman akong mamamatay niyan . Papunta na sila dito kaya maililigtas tayo ." Sagot ni Ni-ki na bahagya pang natawa .. siguro dahil sa pag iyak namin .

Bigla namang nagkagulo sa labas kaya napalingon kami sa pinto . Sinara naman nila ito agad para maitago kami dito sa loob .

Narinig nalang namin na may mga kalabog , sigaw , pagbagsak at kung ano ano pa . Meron ding putok ng mga baril na para bang nag babarilan sila . Mga pulis na ba yun ?

Si Zia naman ay bigla nalang pumasok sa loob ng silid at pumunta sa amin .

" Oh ano ka ngayon Zia ? Parang ako na naman ang panalo ngayon ah ?" sabi ni Celine sa kaniya kaya pinandilatan siya nito

" Huwag kang pasisiguro Celine . Hindi lahat ng bagay eh mapapasayo " sagot nito bago hawakan ang buhok ni Celine at hilahin ito .

Sinipa naman siya ni Ni-ki na nasa likuran lang niya . Tinutok naman ni Zia ang baril niya kay Ni-ki at akmang babarilin iton kaya nataranta ako .

Ipinatong ko naman agad ang katawan ko kay Ni-ki para saluhin ang bala na para sa kaniya . Akala ko ay hindi niya ipuputok pero nagkamali ako kasi aksidente niyang nakalabit ito kaya natamaan ako sa braso ko . Pero kung hindi ko sinalo yon ay sa puso na ni Ni-ki tatama yon .

Napangiwi naman ako dahil sa sakit . Nakita ko namang nagulat si Ni-ki ganon din si Celine at Zia .

" Babe ! Gaga ka , bakit mo siya binaril !" Sigaw ni Celine

" Wonie ! Oh gosh .. I'm sorry ! " Sabi niya bago bitawan ang buhok ni Celine at puntahan ako .

Nanghihina na ako kaya wala akong magawa kung di sumandal sa balikat ni Ni-ki .. para akong mawawalan ng malay .

Naramdaman ko namang hinaplos ni Zia ang pisngi ko bago siya kagatin ni Ni-ki ..

" Aray ! Kanina kapa ha !" Sigaw niya dito at babarilin na naman sana si Ni-ki nang biglang may bumukas sa pinto kaya napatayo siya at pinuntahan ulit si Celine .

" Zia Han , sumuko kana .. pinaliligiran kana namin !" Narinig kong sigaw ng pulis bago ako mawalan ng malay .

---

Pumasok ang mga pulis sa loob ng silid at pumalibot kina Zia . Si Zia ngayon ay halatang kinakabahan na pero pinilit niyang huwag ipahalata . She made it this far at paninindigan na niya ito .

Bigla namang pumasok ang mom nila ni Celine kaya nagulat siya . Di niya ineexpect na malalaman to ng mom niya .

" Anak , ano ba tong ginawa mo ? Pakawalan mo na ang ate mo " mahinahon niyang sabi sa anak niya

Hindi kumibo si Zia pero halatang naiiyak na ito .

" Kung ano man ang problema mo ay pag usapan nalang natin to .. hindi mo na kailangan pang idamay si Celine . Kaya please pakawalan mo na siya para matapos nato at madala na natin sa ospital sina Jungwon at Ni-ki "

" No mom ! Celine can't have you .. she can't also have Jungwon . He's the only man I loved .. at hindi ako papayag na mapapasakanya si Jungwon ! Palagi nalang akong pangalawa pagdating sayo . Kaya ngayon , kailangang mapapasaakin si Jungwon "

Lumapit naman ang mom niya sa kaniya . Si Celine naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila . Ang mas importante sa kaniya ngayon ay kung kelan ba ilalayo ni Zia ang baril na nakatutol sa ulo niya . Kanina pa siya kinakabahan eh  , kasi isang kalabit lang dito eh patay siya . Hindi tulad nung sa dalawa na pwede pang magamot  .

" Paano pa mapapasayo si Jungwon kung mamatay siya dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya ? Look  , Zia .. I chose you and your father over them . I left Celine just for you yet you're thinking that you're just a second choice ? Sana naman ay maintindihan mong kahit na pinili ko kayo eh mahal ko pa rin si Celine . Anak ko siya kaya ko siya binalikan-"

" Yeah , that's right binalikan mo siya para iwanan ako !"

Idiniin naman ni Zia ang baril sa ulo ni Celine .. nanginginig na siya dahil sa kaba . Yung mga pulis eh nakatingin lang at walang ginagawa . Eh kung binaril nalang nila si Zia sa kamay para mabitawan niya yung baril niya o di kaya sa binti niya .. kaso baka siya ang matamaan ..

Kakalabitin na sana ni Zia ang baril nang agawin ito ng mom niya . Nag agawan silang dalawa hanggang sa maiputok niya ito sa mom niya . Nabitawan naman niya agad ang baril dahil sa gulat at pagsisisi .

" Momn! No ! I didn't mean to .. " humikbi nalang siya bago siya damputin ng mga pulis .

Si Celine naman ay umiiyak na ngayon dahila sa nakita niya na duguan na ang mom niya .

" Mom ! " Sigaw niya habang kinakalagan siya ng pulis . Pinuntahan naman niya agad ito para yakapin

" A-anak , I'm sorry dahil nangyari sayo to .. mahal na mahal kita" sabi lang nito bago ito hinimatay . Binuhat naman siya agad ng mga pulis .

Sina Jungwon at Ni-ki ay kinuha narin ng mga medical staffs .

Naiwan naman si Celine na umiiyak ..

" Celine .. " tawag ng dad niya

" Dad , si mom ~ si Jungwon tsaka si Ni-ki .." sabi niya bago yumakap sa dad niya habang umiiyak .

Hinaplos naman ng dad niya ang likod niya para pakalmahin siya . Hindi niya inakalang dahil sa kaniya ay maraminang mapapahamak at masasaktan .

" Huwag kang mag alala nak , makakaligtas sila .. ipagdasal nating makaligtas silang tatlo " sabi nito bago tulungan si Celine na tumayo .

Pagkalabas nila sa building ay nakita niya lahat ng barkada ni Jungwon , pati sina Jake at Sunoo ay nadun din at may mga pasa . Nadoon din ang grupo ng mga lalaking hindi niya kilala . Pati si Daniel . Siguro ay tumulong sila sa pagligtas sa kanila .

" Celine , okay kalang lang ? May masakit ba sayo ?" Tanong ni Jake nang makalapit ito sa kanya

" Okay lang ako .. ang inaalala ko eh sila . Nabaril sila kuya " sabi niya bago ito humagulgol . Hindi lang niya mapigilan ang kanyang emosyon lalo na at nasa delikadong sitwasyon ang tatlong taong mahalaga sa buhay niya .

" Magiging okay din ang lahat Celine " sagot ni Jake bago ito yakapin . Lumapit na din ang iba para yakapin siya . Parang nakatulong ang mga yakap nila para pagaanin ang bigat na nararamdaman niya ngayon .

:sa totoo lang ay unmotivated akong sulatin tong action scene lol . Walang idea na pumapasok sa utak ko kaya pagpasensyahan nyo nalang kung boring ito at yung previous chapter haha!

Continue Reading

You'll Also Like

30.5K 2.5K 86
#𝐉𝐀𝐘: I would never marry her because i already have a girlfriend. Enhypen Jay au wherein Aeriella Soleil Min or mostly known as Aeri is the secon...
129K 6.6K 29
⌗𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐉𝐔𝐍𝐆𝐖𝐎𝐍 ━ ❝ Tama na kakasharedpost. ❞ 엔하이픈 series #3 ╰──╮ completed あ : posts + chat ♡ ً taglish © treasurenhypen 2020
122K 4.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
112K 3K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...