Bedtime Horror Stories BHS (C...

By Rickomucho

16.4K 447 218

Warning: Do not attempt to read when you're alone.. šŸ˜ˆ "This is a collection of one-shot horror stories made... More

2 YEARS AGO
RED ROSES
DORMITORYO
KASAL
Z VIRUS
SEMENTERYO
SANGGOL
TWO SISTERS
THE CLOWN
PSSST!
BHS
KINARA
THE ILL
SELEBRASYON
PULANG LIKIDO (PART 1: SA KAGUBATAN)
PULANG LIKIDO (PART 2: BUKANG LIWAYWAY)

PULANG LIKIDO (PART 3: BANGUNGOT)

212 4 1
By Rickomucho

Pagpapatuloy...

(Ang huling parte ng Pulang Likido)

Dedicated story to HilakbotTv666

***

Mahinang tapik sa aking kaliwang pisngi ang nagpagising sa akin. Napatingin ako sa batang babae na nasa harap ko ngayon, at biglang nagbalik sa aking alaala ang mga nangyari. Napatingin ako sa aking mga kamay at sa mga namumula kong mga pulsuhan. Sana panaganip lang ang lahat. Sana isang bangungot lang iyon na hindi kailanman babalik muli o dadalaw sa aking pagtulog. Ngunit alam kong hindi isang bangungot ang aking mga nasaksihan... hindi ko alam kung kailan nangyari iyon, dahil hindi ko na alam ang oras o araw na nagdaan. Subalit natitiyak kong totoo ang mga iyon. Na nasa reyalidad ako at nasa panganib ang aking buhay. Bumalot muli ang hilakbot sa aking pagkatao, nang sumagi sa aking isipan na baka mamaya lang ay may papasok muling mga tao at kakalasin ang mga pisi sa aking mga kamay, Lalagyan ng marka ang aking noo gamit ang pulang likido na dumadaloy sa baboy-ramo, gigilitan ang aking leeg at bubuhusan ng semento ang aking katawan.

"Hindi ba ikaw ang batang tinulungan ko sa gubat? Kumusta ang paa mo?" Garalgal ang aking boses habang pinagmamasdan ko ang kanyang presensya. Mahaba ang buhok ng bata na abot hanggang tuhod, nakaputi parin ito gaya noong una ko siyang makita. May hawak itong mangkok na may kanin at isang pirasong nilagang itlog.

"Kailangan mong kumain para may lakas kang tumakbo mamaya," mahinang sabi nito na halos pabulong. "Tatlong araw ka na rito. Ayaw mong tanggapin ang mga dinadala kong pagkain para sa iyo."

Saka ko biglang naalala ang pagtataboy ko sa kanya noong mga nagdaang araw. Marahil ay nawawala ang aking memorya sa mga nangyayari sa aking paligid, dahil sa matinding gutom at halo-halong emosyon na aking naranasan. Napailing ako ng bahagya at tila pinaalala ko sa aking sarili na ako si Rex. Isang Radio Reporter. Pupunta dapat ako sa bayan ng San Isidro, at ang pangalan ng nobya ko ay si Alyana. Naaksidente ako kaya napadpad dito sa lugar na tila hindi na sakop ng mapa ng Pilipinas.

"Anong sabi mo? Para may lakas akong tumakbo mamaya?" Kunot noo kong tanong. Inulit ang mga sinabi nito kung tama ba ang aking pagkakarinig. Dahil sa mga oras na ito, hindi ko alam kung halusinasyon lamang ang mga nangyayari sa aking paligid.

Tumango ang bata at lumapit pa ito sa akin. Idinikit ang labi sa aking tenga at bumulong, "itatakas kita rito."

Mabilis na rumihistro ang mga sinabi ng bata sa aking utak, dumaloy ang mga katagang iyon sa aking dugo na nanalaytay sa aking mga ugat. Tuloy-tuloy ang daloy ng mga iyon hanggang sa aking puso na ngayon ay tumitibok ng malakas. Nakabibingi ang kabog ng aking dibdib. Tila nabuhayan ako ng loob, na sa wakas ay makakatakas na ako sa tiyak na kapahamakan... at kamatayan!

"Tinulungan mo ako sa gubat. Mabuti kang tao kaya tutulungan din kita," mahinahong sabi ng bata. May kinuha itong kutsilyo sa kanyang bulsa at unti-unting kinalas ang mga tali sa aking magkabilang kamay.

Matapos kong ubusin ang dinala niyang pagkain, hindi ko maiwasang itanong ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko ngayon.

"Bakit nila ginagawa ito?"

"Ang aking angkan ay naniniwala at sumasamba sa dambuhalang bato na nasa kagubatan. Iyon ang aming bathala. Iyon ang nagbibigay ng masagang ani sa mga magsasaka," pag-uumpisa nito. Naka-upo siya sa harap ko, nakayuko habang nililigpit ang aking pinagkainan.

Bigla kong naalala ang malaking bato na nadaanan ko sa gubat, na kasing laki ng bahay kubo.

"Minamarkahan namin ang aming bathala gamit ang pulang likido ng hayop o tao bilang simbolo ng aming pag-aalay. Ang mga tao naman sa kabihasnan na naliligaw dito sa aming lugar ay ginagawa naming rebulto. Pinapatingala namin sila sa araw tanda ng aming walang humpay na pagsamba at pagrespeto sa kalikasan. At ang kapalit nga nito ay ang mga biyayang aming natatanggap nang walang humpay. Hindi kami nagugutom dito. Wala kaming problema. Walang gulo. Walang sakit na kumakalat. At higit sa lahat, walang kamatayan."

Mahabang pagpapaliwanag ng bata. Hindi ko lubos maisip na may mga tao pa pala na naniniwala at sumasamba sa mga Anito. Dati, ang akala ko ay makaluma akong tao dahil hindi ko tinatangkilik ang mga makabagong teknolohiya at social media, at pinanindigan ang trabaho sa radio station kahit ito ay hindi na uso sa panahon ngayon. Pero heto ako ngayon sa kagubatan kung saan may mas makaluma pa palang mga tao kumpara sa akin... na pati ang pananampalataya ay sinaunang panahon pa.

"Halika ka na... malapit nang sumikat ang araw. Baka mahuli pa tayo," tumayo ang bata at sinilip ang bintana. Sumenyas ito na tumayo na rin ako.

"Paano ka pala? Kung makatas ako, tiyak na ikaw ang pagbibintangan dahil ikaw ang nagdadala sa akin ng pagkain," hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya. Naramdaman ko ring sumasakit ang ang aking buong katawan habang marahan akong humahakbang papalit sa kanya.

"Ako na ang bahala roon. Ang importante ay ang ngayon. Dapat makaalis ka na rito bago pa tumilaok ang mga manok."

***

Inaakay nya ako habang nagmamadali kaming makaalis sa bahay na iyon. Lumingon akong muli upang matiyak na walang ibang nakakita sa amin. Madilim at tahimik pa ang paligid kaya nakahinga ako ng maluwag. Nakayapak lang ako ngayon, pero hindi ko iniinda ang sakit ng aking mga talampakan. Ang nais ko lang sa mga oras na ito ay makatakas... ang mabuhay.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nasa gitna na kami ng kagubatan. Nakita kong muli ang mga rebultong nakadipa at nakatingala sa madilim na kalangitan. Patuloy parin kami sa pagtakbo. Nakatulong ang pagkain kanina kaya nagkaroon na ako ng lakas at hindi na inaakay ng batang ngayon ay humihingal na rin. Naaawa na ako sa kanya kaya minabuti muna namin na tumigil kahit saglit. Nasa hindi kalayuan ang camping tent kaya tinungo namin iyon upang kumuha ng maiinom. Ganoon parin ang itsura ng tent noong huli ko itong makita bago ako mawalan ng malay.

Ilang segundo lang ay narinig namin ang tunog ng tambol. Dahil nasa kagubatan kami, ang tunog na iyon ay lumalamon sa buong paligid.

"Alam ko ang ibig sabihin ng ritmo na iyon ng tambol," nakatitig ang bata sa akin na may pagbabanta sa mga mata.

"Ano ang ibig mong--" hindi ko na natapos ang tanong ko dahil sumigaw na ito.

"Takbo!"

Kumaripas na kami ng takbo. Hindi alintana ang sakit ng mga paa. Abot hininga naming tinatahak ang masukal na gubat.

At biglang umulan ng mga pana!

Muntik na akong matamaan kung hindi pa ako lumingon at makitang papunta sa aking direksyon ang isa sa mga pana. Nakailag ako at dumapa.

Ngunit laking gulat ko rin sa aking nasaksihan nang ako ay lumingong muli. Nakaluhod na ang bata sa hindi kalayuan, at may tama ito ng pana!

Tagos ang pana sa gitnang bahagi ng kanyang dibdib. Dumadanak ang pulang likido.

"Tumakbo ka na... iligtas mo ang iyong sarili. Deretsuhin mo lang iyan at lumiko ka sa iyong kanan pagkatapos mong madaanan ang aming bathala," naghihikahos sa paghinga ang bata habang tinuturo nito ang tamang daan.

Tumayo ako mula sa pagkakadapa. Gusto ko sana siyang tulungan ngunit sunod-sunod parin ang pag-ulan ng mga pana at nakita kong maraming tao na ang tumatakbo papunta sa aking kinatatayuan!

"Salamat sa pagligtas mo sakin..." tumulo ang aking luha, tumalikod ako at tumakbong muli ng mabilis.

Tila nakikipag-unahan ako kay kamatayan sa sandaling iyon. Isang tama lang ng pana, alam kong iyon na ang magiging katapusan ko. Mawawalan ng saysay ang pagtulong sa akin ng bata, at ang pagkamatay niya. Hindi maaari! Kailangan kong mabuhay. Kailangan ako ni Alyana. Kailangan kong maipagpatuloy ang aking propesyon bilang isang tagapagbalita. Kailangan kong ibalita sa mundo ang aking pinagdaanan sa kamay ng kultong ito, at mailigtas ang mga tao sa tiyak na kapahamakan. Kailangan kong bigyan ng wakas ang karumaldumal nilang pagpatay sa mga taong ginawa nilang mga rebulto!

Nadaanan ko ang dambuhalang bato at tinungo ang kanang daan. Naalala ko na itong tinatahak kong landas. Tama nga ang bata, malapit na ako sa kalsada. Natatanaw ko na iyon.

***

Mainit na palad ang dumampi sa aking pisngi...

Kumabog muli ang aking dibdib...

Hindi ko gusto ang pakiramdam na ito kaya ayokong idilat ang aking mga mata...

Dahil ang huli kong naaalala mula nung may gumising sa akin, ay mukha ng isang bata at nasa loob ako ng bahay ng mga kulto.

"Rex," umiiyak iyon na boses ng babae. Kilala ko ang boses na iyon! Siya ang babaeng nakasama ko ng mahabang panahon. Ang babaeng pinakamamahal ko.

"A-alyana..." naririnig ko ang tuyot kong boses. takot man, unti-unti kong idinilat ang aking mga mata.

Naluluha si Alyana at ngumiti nang makita akong nakatitig na sa kanya. Magsasalita pa sana ako ngunit hinalikan na niya ako at niyakap ng mahigpit.

Ilang minuto ring ganoon ang aming pwesto.

"Aray... aray..." pabiro kong hiyaw dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap sa akin ni Alyana. Naglakbay ang aking mga mata sa paligid at nakahinga ako ng maluwag. Nasa ospital ako at buhay. Nakaligtas ako sa tiyak na panganib at naunahan ko si kamatayan.

Naglakbay din ang aking diwa sa mga sandali kung paano ako nakatakas. Nakarating ako sa kalsada. Walang tigil akong tumakbo hanggang sa may nakita akong dumaan na sasakyan. Malaki rin ang pasasalamat ko sa taong tumulong sa akin at nagdala sa ospital na ito.

Nakayakap parin si Alyana sa akin.

"Mahal na mahal kita, Alyana..."

"Mahal na mahal din kita, Rex."

Ganito pala ang pakiramdam ng pagkakaroon ng pangalawang buhay. Hindi man maganda ang naranasan ko sa gubat na iyon, mas nabigyan ko naman ng pagpapahalaga ang mga salitang:

Pagmamahal- pagmamahal sa sarili at sa mga taong nakapalibot sa iyo; pagmamahal din sa trabaho... doon ka sa kung saan ka masaya. Ang importante, mahal mo ang ginagawa mo.

Oras- huwag sayangin ang oras, iparamdam mo sa iba kung gaano sila kahalaga sa iyo.

Pagtulong sa kapwa- hindi ko inaasahan na ang pagtulong ko sa batang iyon ay ang magiging daan pala sa aking pagkakaligtas sa kamatayan. Gumawa ng mabuti, kahit walang hinihintay na kapalit.

Wakas.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 27.1K 39
Skyler Anthony Fajardo, also known as Kyle is the lead guitarist of the famous rock band, Black Slayers. Over 10 years of rocking, he got used to a...
1.7K 89 16
Ang storyang ito ay tungkol sa apat na magkakaibigan na palaging pinapakitaan ng multo, dahil humingi ito ng hustisya sa kanyang pagkamatay. hindi ma...
33.5K 987 14
Bata pa lamang siya, alam na niyang may mali sa kaniyang pamilya. Mas naging kahina-hinala pa nang matuklasan niyang konektado ang buhay niya sa isan...
206K 13K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"