West to the Firefly Lane

By DinoMadrid

656 56 137

"Fireflies don't glow for me, but you do." Having had enough of her life in the complex city of Fawnbrook, ho... More

West to the Firefly Lane
Epigraph
Firefly 2 | Guesthouse
Firefly 3 | Bellflower
Firefly 4 | Sandalwood
Firefly 5 | Butterscotch
Firefly 6 | Candlelight
Firefly 7 | Afterthought
Firefly 8 | Keepsake
Firefly 9 | Angelfish
Firefly 10 | Wheelbarrow
Firefly 11 | Woodwind
Firefly 12 | Daydream

Firefly 1 | Wishbone

129 8 33
By DinoMadrid

L O R I E

Emma. Iyon ang pangalan ng aking ina at gusto niyang tawagin ko siya nang ganoon lang.

Noong walong taong gulang ako, itinuro na sa'kin ni Emma kung paano magdingas ng apoy sa chimney box sa gitna ng sala dahil sa lumalamig na panahon ng maulang taglagas—pagdating ng hapon hanggang gabi lalo na sa lokasyon kung nasaan kami naninirahan. Kaming dalawa lang ang magkasama. Nakatira sa isang maliit at lumang cabin, sa gitna ng masukal na kakahuyan, sa dalisdis ng bundok na napaliligiran ng mga nagtataasang mga puno at mga ligaw na halaman. Madalas talagang basa ang lupa kahit walang ulan, dulot siguro ng mababang hamog tuwing sasapit ang bukangliwayway sa silangang bahagi ng kalangitan. Kalimitan huni ng mga ibon ang maririnig tuwing umaga at kuliglig naman sa gabi.

Habang nilalamon ng apoy ang tuyong kahoy at pinagbabaga, mula sa aking likuran, sa kanyang recliner, tahimik akong pinagmamasdan ni Emma. "Lorie, gusto mo ba talagang mag-aral? Handa ka bang makasama ang ibang mga bata sa loob ng silid-aralan?" iyon ang sinabi niya makaraan ang ilang minutong panonood sa akin. Alam niyang gusto kong mag-aral at matuto sa eskwelahan matapos niya akong mapansing interesado sa mga librong natanggap namin mula sa donation box galing sa isang charity. Nagtaka siya dahil hindi ako nagkainteres sa mga laruan at manyika, mas nagtuon ako ng pansin sa mga librong may nakaaaliw na mga litrato at panay mga letrang hindi ko naman mabasa at maintindihan.

Ilang taong nagtiyaga sa akin si Emma. Tinuruan niya akong magbasa at magbilang. Paulit-ulit ko ring nababanggit sa kanyang ibig kong mag-aral sa isang paaralang kasama ang mga estudyanteng nasa edad ko. I pushed myself to study and learn everything she cared about and believed in, because that is how I would be able to live my life—to be wise and literate to survive day by day—and I'm not going to give up. Itinatanim ko na lang sa utak ko na ginagawa ni Emma ang lahat ng iyon para sa ikabubuti ko, sa paglago ng aking kaalaman at pagkatao. Palagi niya ring bukambibig na hindi habambuhay ay nariyan siya, na palagi kaming magkasama, na nasa tabi ko siya at ganoon na lang iyon.

When I turned eleven, Emma still didn't send me to school. Natuto na lang ako sa mga librong naipadadala sa amin mula sa charity at sa mga bagay na ibinabahagi niya. Kabutihang asal ang pinakamahalagang matutunan ko ayon sa kanya. Ipinaliwanag niya rin sa akin na hindi lahat ng taong makakasalamuha ko pagdating ng araw ay mapagkakatiwalaan, hindi niya iniaalis ang ilang may mabubuting loob, subalit karamihan sa mga ito ay hindi. She also taught me that time is essential but crucial and that if I was associated with people who wouldn't be beneficial to me, I shouldn't waste it, and avoiding them was the best thing I could do.

Pagtimpla ng napakasarap na herbal tea, pagluluto sa kusina, pagtatanim ng iba't ibang uri ng halamang gamot at bulaklak sa bakuran, pagbebenta ng kamison sa palengke at paggawa ng tapiserya ang itinuro ni Emma sa akin noong tumuntong ang gulang ko sa labing tatlo—kasama na ang paghahabi ng kardigan at ilang kasuotang panglamig. Kung ano ang madalas niyang ginagawa na pinanonood ko lang sa kanya noon, ngayon ay halos pinagsasabay-sabay na niyang matutunan ko. Minumulat na niya ako sa buhay habang nag-iiba na ang dating ng pisikal na aspeto ng kanyang pangangatawan. Madalas ko nang mapansin ang putla sa kanyang mukha. Mas maraming oras na rin ang inilalagi niya sa kama. Madalas na siyang tulog, walang gaanong lakas para sa maghapon at kakaunti na rin ang pagkonsumo niya ng pagkain. Nanghihina na siya, dulot siguro ng hirap sa paghinga dahil sa sakit niya sa puso at ayaw niyang mamatay ng walang kasama kung sakaling ipasok niya ako sa eskwelahan upang mag-aral.

Naiintindihan ko ang intensyon ni Emma. Hindi iyon makasarili o pangmamanipula sa kagustuhan ko, sadyang dapat nauunawaan ko ang sitwasyon naming dalawa, dahil ako na lang ang mayroon siya at ganoon din ako sa kanya.

Mula sa chimney box ay pinaiinit ng nagbabagang apoy ang buong sala nang maalala ko iyong hapong pinagmamasdan ko ang nanghihina niyang katawan, nakaluhod ako sa gilid ng kanyang recliner kung saan siya nagpapahinga habang minamasahe ko ang kanyang kamay ay nabanggit ko ang bagay na iyon, "Emma... hindi ka pa naman mamamatay, hindi ba?" inosente kong tanong sa kanya, dulot na rin siguro ng kuryosidad at murang kaisipan. "Aalagaan kita. Gagaling ka at lalakas ulit ang katawan mo para matupad ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan..."

Iyon 'yong oras na sumilay muli ang maliwanag na ngiti sa kanyang mga labi na ilang taon ko nang hindi nakikita sa kanya. "Tatanda lang ako at hindi mamamatay. Marami pa akong bagay na ituturo sa 'yo at mga dapat mong matutunan..." aniya, kasabay nang hirap niya sa paghinga. Pinaniwalaan at pinanghawakan ko ang sinabing iyon sa akin ni Emma. Nagkasakit lang siya at normal lang iyon kaya ay napalagay akong gagaling din siya.

Hanggang sa sumapit ang araw na hindi na siya nagising, nadurog ang puso kong makita siyang nakahiga sa kanyang kama na walang buhay. Mabigat ang damdamin ko. Natatakot. Nangangamba at nalulumbay. Halu-halong emosyon sa isip, lalo na sa aking puso. Malungkot na malungkot ako habang tumutulo ang maliligamgam na mga luha mula sa mga mata pabagsak sa aking tainga habang katabi siyang nakahiga na hindi na humihinga. Sobra akong nasasaktan, hindi lang siguro ako ganoon naging kahanda na maaari din palang dumating ang araw na iyon.

Lumabas ako ng cabin akay-akay ang bigat ni Emma, nakayapak at kapuwa kami nakasuot ng puting bestidang lumalaylay na sa sahig. Isinakay at ihiniga ko siya sa trolley na madalas naming gamitin sa tuwing mangongolekta kami ng mga tuyong kahoy sa gitna ng gubat. I loaded her body with various flowers that we had both grown. I just can't stare at her shuttered eyes, her gray and lifeless face, and her still heart—or even throw a glimpse. It's just tearing me apart, knowing I won't be able to see her anymore or hear her beautiful voice. It just saddened my heart.

Gaya nang sinabi niya sa akin noon matapos niya akong basahan ng bedtime story; na kapag nawala na siya, gusto niyang dalhin ko siya sa ilog at ipaanod sa banayad na agos ng tubig kasama ang lumulutang na water lilies. I wanted her to be buried deeply near our home, but that was her wish, and I swore to her that I would do it nonetheless. Labag man sa kalooban ko, pinagbigyan ko na lang ang huli niyang hiling sa akin.

Isang malaking pagbabago para sa akin ang pagkawala ni Emma. Nagpatuloy ako ng wala siya. Nilakasan ang aking loob sa mga posibilidad at hamon ng buhay. Lumisan ako nang may parehong bigat tulad ng aking mga yabag. Iniwan ko ang aming munting tirahan; kung saan ako lumaki, nagkaisip at bumuo ng mga alaala kasama siya. Sa syudad, sa sentro ng Fawnbrook, lumuwas ako upang makipagsapalaran. Pinagsikapan kong makapag-aral at makapasok sa isang nontraditional educational setting. Nagpursigi at pinagtiyagaan ang tatlong taon upang makapagtapos, tumigil ng sumunod na taon at mas kinahiligang magbasa nang magbasa saka ipinagpatuloy ang nais kong vocational course na housekeeping sa isang maliit na community college. Marami akong nakilala, natutunan kong makibagay at sa napakaraming pagkakataon, tama ang paalala sa akin ni Emma noon na hindi lahat ng tao ay may pare-parehong mabubuting intensyon, pinatutunayan at mas pinagtitibay lang ng mga karanasang ito ang loob at katatagan ko. At sa loob ng anim na taong iyon, namasukan ako bilang waitress sa gabi at cashier sa isang convenience store sa umaga. Limang oras na ang pinakamahaba kong tulog, na napakaimposible nang mangyari lalo pa't kailangan ko ring mag-aral pag-uwi galing sa trabaho.

I was twenty-one when I finished school and twenty-two when I chose to quit both jobs to work full-time as a housekeeping staff at a five-star hotel in Bellmoral. Doon kami ipinadala at kinagat ko ang malaking suweldo kahit na pagod ang kalaban sa hirap ng trabaho. I was assigned to upkeep the guest rooms and common areas—maintain the facility's general cleanliness, comfort, and atmosphere. Sinubukan ko ring mangamuhan noon at naging pareho lang ang kinahinatnan ko nang sa loob na ako ng isang hotel nagtratrabaho.

"Pasensya na ho talaga, Sir! Hindi ko ho sinasadyang makatulog sa oras ng trabaho at wala akong intensyong iwanan ang housekeeping cart sa hallway. Mas magiging maingat na ho ako sa susunod," nakayukod kong paulit-ulit na paghingi ng paumanhin sa aking department supervisor. Hindi ako makatingin sa galit niyang mga mata. "Sorry po... sorry po talaga," dagdag ko pa.

Pumalatak ito at iritableng umiling-iling. "Alam mo kung bakit ayaw ko sa 'yo? Dahil sa ugali mong 'yan. Tumigil ka na nga sa paghingi mo palagi ng pasensya!" bulyaw nito sa akin. "Hindi mo ba alam na nagmumukha kaming masama dahil sa lahat na lang ng pagkakataon, sa mali at palpak mong trabaho ay sorry na lang ang nasasabi mo? Ilang buwan ka nang naririto, hindi ka pa rin ba natututo? Palagi ka na lang bang pagpapasensyahan sa lahat ng mga kamalian mo? Kung hindi ka sanay sa ganitong klase ng trabaho, kung nahihirapan ka na, huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa isang lugar tulad nito." Umiiyak akong nakakuyom ang mga kamao sa sobrang kahihiyan. "Gather your things. Ito na ang huling beses na makikita pa kita rito."

Maaga akong umuwi galing ng trabaho at bagsak ang mga balikat habang hawak ko na ang sobre ng aking huling suweldo. Tulad ng dati, maghahanap na lang siguro ulit ako ng panibago, 'yong mas panatag at komportable ako at hindi iyong masasagad ang oras at katawan ko. Noong linggo ring iyon ay bumalik ako ng Fawnbrook at doon na naghanap ng bagong trabahong pagkakakitaan. Hindi ko inaasahang matatanggap agad ako bilang housekeeping staff pa rin sa isang lodging house. Hindi man tulad ng dating suweldong mayroon ako, kompiyansa naman akong sapat ang kikitain ko upang punan ang renta, mga bayarin at pansariling gastusin. Napapangiti na lang ako kung minsan dahil sa kabila ng lahat, nakuha ko pang mag-alaga ng kuting na nagpapabalik-balik sa apartment na tinutuluyan ko. I named her Yuyu, and she was a clingy orange cat, which I didn't expect to feel great having a pet around when you're living alone. Walang hilig si Emma na mag-alaga ng mga hayop noon, pero nagawa kong magustuhan nang maramdamang hindi ako nag-iisa kapag nariyan si Yuyu na madalas kong kausapin kahit na hindi naman ako nito naiintindihan.

Sa ilang buwan kong pananatili sa bago kong apartment at trabaho, naalala ko bigla si Emma na malapit na ang sampung taong anibersaryo ng kamatayan niya. I hadn't been able to return to our home since the day I left, until I chose to do so. Kasama si Yuyu na nasa cat bag habang dala-dala ko ang iba't ibang uri ng mga bulaklak na pinitas ko sa daan bago ako magtungo sa mas lumumang cabin na tinirhan namin ng ilang taon, nanumbalik ang lahat ng mga alaalang mayroon ako sa gubat na kinagisnan ko kasama siya. Marami nang nagbago sa lugar—lalo na ang buong kapaligiran, subalit ang mga alaalang tumatak sa akin noon ay nananatiling naroroon pa rin. My mind just raced back as if it was yesterday. It was very welcoming, and I'm still filled with nostalgia as I think back on the various things I used to do and the places I lived and wandered when I was younger. Bata pa ako noon, mura pa ang kaisipan ay hindi ko lubos maisip na huhubugin ako ng panahon, na maging malakas at matatag na mamuhay mag-isa simula nang mawala si Emma.

Hinawi ko ang agiw na sumalubong sa akin nang pumasok ako sa loob ng cabin. Narinig ang langitngit sa aking bawat pagyapak. Sa loob ng cabinet sa kusina, kinuha ko roon ang babasaging pitsel at nilagyan iyon ng tubig upang doon itayo ang tangkay ng mga bulaklak na dala ko. I put Yuyu down to explore our house.

When I walked inside Emma's room, I had no idea that things would seem odd while still being sentimental. Maalikabok ang kuwarto niya, subalit ganoon pa rin ang puwesto ng kanyang mga gamit na iniwan. Ayoko nang balikan kung paano ko siya napagmamasdang naghihirap noon dahil sa sakit niya, kaya inilingon ko ang paningin ko sa mesa niya at hindi sa kanyang kama. Binuksan ko ang drawer doon at tumambad sa akin ang isang maliit na kahon—isang regalong may pulang pambalot na may nakabuhol na gintong laso. Kasama niyon ay ang maliit na card; Para kay Lorie. Salubong ang mga kilay kong binuksan iyon na naglalaman ng isang wishbone hairpin. Wala sa sarili akong napangiti saka inipit ang hairpin na iyon sa aking buhok at pinagmasdan ang aking sarili sa maalikabok na salamin.

I kept my tears at bay. Emosyonal man akong nakatitig sa salaming iyon, ginawa ko na lang na huminga nang malalim at laksan ang loob kong hindi maging malungkot sa kabila ng mga alaalang binabalikan ako. I abruptly turned my attention toward the corner coat rack in her room. When I shook off her coat, dust flew into the air. Every time the rainy season began, Emma would wear it. Sa pagmamalabis na alalahanin iyon, doon na ako mas tinamaang maigi at hindi ko na naiwasang maluha sa sobrang pagka-miss sa kanya. I hugged it as if it was her, and memory led me to discover a note in the seam of her coat. A lump has formed in my throat. My hands were a little trembling as I opened it.

Martin,
     Tulad noong nawala ako sa gubat, gawin mo rin kung paano mo ako ibinalik sa bayan. Gusto niya ang ulan, lalo na ang amoy pagkatapos nito, kung saan matatagpuan ang basang lupa at nadiligang mga halaman at puno sa labas. Hanapin mo si Lorie at tulungan mo siya. Kung hindi na magtatagal ang buhay ko, hayaan mong kailanganin ka niya. Masyado pa siyang bata, wala pa siyang alam sa mundo o kung paano mabuhay nang mag-isa. Hindi pa siya handa kung sakaling mawala na ako sa tabi niya. Pipilitin kong labanan ang sakit ko at mabuhay araw-araw hanggang sa matanggap mo ang liham na ito, at kung sakali mang hindi na ako magising isang araw, ikaw na ang bahala sa kanya.
–Emma

Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking pisngi. Naririnig ko ang boses ni Emma habang binabasa ang liham na iyon kung saan ay hindi na niya nagawang maipadala. Salu-salubong ang mga tanong na biglang ginulo ang aking isip. Sino si Martin? Ano ang ibig sabihin ng sulat-kamay na liham ni Emma sa kanya? Kailangan pa ba naming magkita? Bakit hindi ko alam ang tungkol sa pagpapalitan nila ng liham? Pinanghihinayangan kong hindi malaman ang tungkol doon. Naiinis ako sa sarili ko.

Isang linggo nang mamatay si Emma ay hindi ko na nagawang pumasok sa kuwarto niya dahil ikinalulungkot kong maalala siya. Sa amoy ng kanyang kuwarto, sa mga gamit niyang naroroon, sa mga sandaling magkatabi kaming natutulog sa kama niya at sa labis kong pighati nang mawala siya, ayokong isugal ang sarili kong malumbay nang todo dahil sariwa pa noon ang sakit na nararamdaman ko sa pagkawala niya. My life has always depended on her, and her death became a big loss for me.

Lumabas ako ng kuwarto niya bago pa lalong sumabog nang tuluyan ang emosyon ko sa loob. Ipinasok ko ang liham na iyon sa aking bulsa at hinanap si Yuyu na natagpuan ko sa aking kuwarto na nasa taas ng kama ko. She peed on it, which I noticed she first did when I adopted this stray cat in my apartment. Siguro iyon ang nagiging natural niyang response kapag naninibago sa isang lugar na hindi ito sanay o kinasanayang environment.

Hindi na ako nagtagal dahil ayaw kong abutan ako ng dilim sa gubat. Bumalik ako sa apartment na tinutuluyan ko at hinanap ang address na nasa liham ni Emma. Before writing Martin a formal letter, I first scribbled and drafted my all my thoughts on a piece of paper. Kalakip ng liham na isinulat ko, nagpakilala ako bilang Lorie na anak ni Emma. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa amin habang lumalaki ako hanggang sa magkasakit si Emma at mamatay. Kung naipadala man niya ang liham na iyon noon upang hanapin ako ni Martin, tiyak kong hindi rin kami magpapang-abot nang umalis na ako sa gubat. I didn't know Emma had him to help me. If only it had happened, I still wouldn't bother waiting for him to get me.

Hindi ako umaasang sasagot agad si Martin pabalik sa akin, pero nananalig akong mababasa niya ang liham na ilang gabi kong nilaanan ng oras upang isulat. My monotonous life continues when I send my letter to the local post office. Gigising ng umaga, papasok sa trabaho at uuwing pagod saka magpapahinga at maghahanda para sa panibagong bukas, iyan ang buhay na mayroon ako at hindi magsasawa.

Apat na buwan ang nakalipas, nakatanggap ako ng sagot mula kay Martin. Nag-aalala siya at ikinalulungkot niya ang nangyari kay Emma. Sa kabila ng lahat, natutuwa siyang malaman na maayos ako at kung sasagi man daw sa isip kong puntahan siya sa maliit na bayang nasa kabundukan na tinitirhan niya sa Chrisford, ikagagalak niyang makita ako at maghihintay siya. Maghihintay daw siya hanggang sa dumating ang araw na iyon.

Unconsciously, my lips twisted into a smile. Martin did write me back. As I held his letter in his lovely handwriting, my heart was filled with joy. Hindi malabong hindi ko siya puntahan. Kung mabibigyan lang din ako ng pagkakataon at oras ay gagawin ko. Sa ngayon, hindi ko pa masabi pero siguradong sa bayan kung nasaan siya ngayon ko pipiliing magbakasyon.

And then unfortunate things happened in just a snap. The lodging house where I was working was sold to an unknown capitalist when the owner died in an accident. Three days after, the apartment I was staying in was eaten by a monstrous fire. Nawalan na ako ng trabaho, pati munting tirahan na mayroon ako ay nawala rin sa isang iglap. Mabuti na lang at ligtas na nakalabas si Yuyu sa sunog na nangyari. Everything to me became unannounced. I was so down and helpless. Kung kailan muli na akong nakakapagsimula saka pa nangyari ito.

Ang mga nasunugan ay ipinadala sa pinakamalapit na townhouses upang doon muna magpalipas ng unang gabi. Hindi sigurado kung gaano kami puwedeng tumagal doon, pero unti-unti na ring nauubos ang mga kasamahan kong nasunugan dahil ang iba ay nakapaghanap na ng bagong matutuluyan at ang iba ay uuwi na muna pansamantala sa kani-kanilang mga probinsya. Hindi ko na alam kung saan ako tutuloy, kahit na may ipon ako, nahihirapan na akong muling magsimula. Life has been playing tricks on me. I don't deserve every aspect of it. Gaano pa ba ako pagtitibayin ng panahon?

Napapikit ako habang akap-akap si Yuyu ng may luha sa ilalim ng mga mata. Humihiling sa tapat ng nakaawang na bintana sa gabing madilim na magiging maayos din ang lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
41K 975 14
Tahimik ang buhay ni Caricia hanggang sa dumating sa nirerentahan niyang apartment si Nola. The latter told her that they would be roommate for life...
44.1K 1.8K 46
Kailan nga ba naging madali ang pag-ibig? Ang pag-ibig ay magulo. Nakakasira ng pagkatao. Nakakasira ng pinagsamahan. At nakakasira ng pag-iisip. Nak...