Beyond Mortals : Guardians [O...

By GabYuen

373 21 10

A Hidden Guardian Story Language: TagLish More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 18

8 0 0
By GabYuen

CHAPTER 18

"It was our ancestors who got those dragon eggs hundred years ago, right? And those are the elemental dragons.." Saad ni Nathan habang patuloy lang kami sa paglalakad.

May isang presensya akong nararamdaman. Hindi naman nakakabahala ang presensyang ito pero nakakapagtaka na sabi ng mga kasama ko na walang naglalagi dito.

Isang presensya lang nararamdaman ko.

"Marami bang dragon dito?" Naitanong ko. Dahil kung isang dragon lang ang nilalaman ng lugar na'to, malamang ay iyon ang presensyang naramdaman ko. Posibleng sa dragon iyon.

"No. They said that there is only one dragon living in this place. And it is located at the cave. Though, walang nakapagsabi kung nasaan ang kwebang iyon." Si Serene ang sumagot ng tanong ko.

So tama ako? It's the dragon's presence. Or posibleng mali ako. Na may ibang tao dito maliban saamin.

"And that's what we're going to do, to find the cave and get the dragon eggs." Ani ni Kyler.

Nasa kagubatan pa din kami at naglalakad.

Kinuha ko sa backpack ko ang tumbler na dala ko. Nauuhaw ako. Iinom na sana ako ng mapansin kong wala na itong laman. Nakalimutan kong magrefill sa bukal na nadaanan namin kanina.

"Oh, heto." Iniabot saakin ni Lia ang tumbler niya na puno ng tubig.

Agad na kinuha ko ito at uminom at nagpasalamat. Ibinalik ko din sakanya ang tumbler niya.

"I have to tell you something.." Nagsalita ito gamit ang mababang boses na para bang sinisiguradong kami lang ang makakarinig.

"What?"

"My power is not really lightning.." She bit her lower lip. "I possess another element."

Napatitig ako sa kanya. "What do you mean?"

Hinila ako nito ng medyo malayo sa mga kasama namin. "I possess the last element of light."

Tila isang bombang sumabog ang binitiwang salita nito.

She's the last light user?

Ayon sa history ng Netherworld na nabasa ko, the god of Netherworld removed the light element to its people and replaced it with other element. And that is the fire, water, earth and air. Dahil ang light element ang siyang gusto ng mga dark element user noon. Para wala ng maganap ulit na digmaaan, inalis ng god ang light element dahil ito ang inaakala niyang pinagmulan ng away at digmaan. Sa pagkawala ng mahika ng liwanag ay siya ring pagkawala ng dyos ng Netherworld.

Then how come that there's still left?

"How? I mean, the light element already vanished together with god of Netherworld, right? Pero bakit ikaw?" Naguguluhang tanong ko.

Ngumiti ito saka sinimulang magkwento. "Our ancestors are not part of that war thousands years ago. Wala sila sa digmaan. Nagtago sila. Kaya ng ialis ng dyos ang mahika ng liwanag ay natira ang sa kanila. Pero unti-unti ay namamatay sila. Nakapag-asawa ang isa sa mga natirang light element user ng isang water element user. Ang anak nila ay nagtataglay ng mahika ng liwanag pero ng magkaroon ito ng anak ay hindi nito nakuha ang mahika ng liwanag sa magulang nito. Iba ang naging kapangyarihan nito kundi, kidlat. Hanggang sa wala ng sumibol pang may mahikang liwanag sa pamilya namin.

Pero iyon ang akala nila, na wala ng magmamana pa ng mahikang ito. Until a baby girl was born and she possess the light element. And it was my mother. Namatay si mama ng ipanganak ako. Napasa saakin ang kapangyarihan niya. And that makes me the last Light element user."

Tapos na itong magkwento pero hanggang ngayon ay pinoproseso pa din ng utak ko.

Kung siya ang light user, meaning there are still black magic user. Sabi sa history na nabasa ko, pinatapon sila sa Dark Continent ng dyos ng Netherworld.

Demons Lair is on Dark Continent.. shit! Is it possible? Na magkasama ang mga demon at dark magic user?

"Sino ang nakakaalam nito?" Seryosong tanong ko kay Lia.

"Si Papa lang saka ikaw. Wala ng iba pa. Nasabi ko ito sayo kasi parang may nag-uudyok saakin na sabihin ito sayo."

"Thank you for the trust. Pero sa ngayon, saatin muna ito. 'Wag mo munang sabihin sakanila. We need to keep this with the two of us."

She sincerely nodded.

"Salamat. Natatakot kase ako kapag nalaman nilang ako ang huling light user baka patayin ako okaya kunin ako." Natatakot na sambit nito. "Good thing that I also posses the power of my father, which is lightning. Natatakpan nito ang tunay na kapangyarihan ko."

If that's the case, kung malalaman nilang hawak niya ang huling mahikang liwanag, the dark magic user might get her.

"Don't worry, I'll protect you. And it's my job to protect all of you." Makahulugang sambit ko.

Nagtaka naman ito sa sinabi ko. Nagtanong pa ito na kung ano daw ibig kong sabihin pero hindi ko na sinagot pa.

But for now, she needs to be protected.

•••

Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa ilalim ng lilim ng puno.

Hanggang ngayon ay hindi pa namin nakikita ang kwebang kinalulugaran ng dragon na tinutukoy nila.

Hindi ko masabi sa kanila ang presensyang nararamdaman ko dahil hindi ako sigurado kung sa dragon nga iyon. Maybe it will lead us to danger if it's not the dragon if we follow it.

Habang abala ang mga kasama ko sa pag-aasikaso sa pagkain namin, lumapit ako sa isang puno at umakyat doon.

I made myself comfortable sitting and leaning in a branch. Kinalma ko ang sarili ko. The calmness and silence made me feel at ease.

Kung hindi ako dinala ni Val dito sa mundong ito, isa pa din ba akong assassin sa mundo ng mga tao? An assassin that kills demon? Siguro. Paano kung naging mortal lang ako? Iyong walang kapangyarihan, ano kaya ang buhay ko? Isa kaya akong Doctor? Teacher? Engineer? O Sundalo? Pero isa man sa mga binanggit ko ay hindi ako magiging ganon. Dahil hindi ako mortal, because I'm beyond mortal.

I remembered living with the Vampires. I miss my Vampire friends. Ito ang unang mundong pinili ko. Ang mundo ng mga bampira. I choose the Vampire world to be their guardian. Tanggap ako ng mga mamamayan nito, but sadly, hindi ng mundo. I didn't blend in their world. Hindi ako naging ganap na guardian nila dahil hindi ako tinanggap ng mundo nila. I don't know why.

Sa pagkakakwento saakin ni Val, bilang isang guardian, dapat may isang mundo kang poprotektahan. A Guardian is the protector of one world or one dimension. Unang mundong gusto kong protektahan ay ang mundo ng mga mortal, pero katulad ng sa mundo ng mga bampira, hindi din ako tinanggap ng mundo ng mga tao. My second choice is the Vampire world. And then this, Netherworld. Hindi ko alam kung matatanggap ba ako ng mundong ito. Dahil kung hindi, ito na ang pangatlong beses na mahihindihan ang pagiging Guardian ko.

Paano kung hindi ako maging ganap na guardian? Hindi ko alam. Walang sinabi si Val saakin tungkol doon. Dahil ang sabi lang nito ay maghanap ako ng mundong tatanggap saakin at poprotektahan ko. Pero kung sakaling hindi man ako tanggapin ng mundong ito, I'll go and find another world to accept me. I'll leave this world. Because that is what a guardian would do.

I miss traveling in the other realm with Val. I miss Val. Kamusta na kaya siya? Sabi niya dadalawin niya ako, pero ilang buwan na ang dumaan ni anino niya hindi pa rin niya pinapakita. Nasaan kaya siya?

"Are you a monkey? You keep climbing up on trees."

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng may magsalita.

My brows furrowed looking at the man comfortably sitting on a branch of tree in front of me.

"What are you doing here?"

"Kanina pa ako dito. You're on your deep thoughts that's why you didn't even noticed me climbed up here." He answered.

"Still, what are you doing here?"

Tumiim ang titig nito saakin. "Ereese, I noticed that you keep on distancing yourself on us. You always keep yourself alone. You always keep your thoughts to yourself. I'm willing to be a talkative person for you, yet, you still choose to be in silence. Why is that?"

Napa-iwas ako ng tingin dahil sa tanong nito.

"Ereese, looked at me." He demanded.

I sighed and looked at him straight into his eyes. His jet black orbs met my crystal blue orbs.

'Ayokong maging malapit sainyo. Paano na lang kung hindi ako tinanggap ng mundo niyo? Aalis ako, Trevor. Aalis at aalis ako sa mundong ito. Ayokong manatili sa mundong hindi ako tanggap at hindi ko kayang protektahan. Mapapamahal ako sainyo at mahirap para saakin na iwan ang mga taong mahal ko. Nahirapan na ako non sa mundo ng mga bampira. Napalapit ako masyado sa mga bampira doon kaya ng umalis ako, sobrang nasaktan ako. At ayokong maulit iyon. Kaya hanggat maaari, ilalayo ko ang loob ko sa inyo hanggat hindi pa ako sigurado kung tatanggapin ba ako ng mundo niyo kahit pa na tanggap niyo na ako.' Iyan ang mga katagang gusto kong sabihin sa kanya pero iba ang lumabas sa bibig ko..

"I'm sorry.."

***

© GabYuen

Continue Reading

You'll Also Like

143K 5.2K 25
فيصل بحده وعصبيه نطق: ان ماخذيتك وربيتك ماكون ولد محمد الوجد ببرود وعناد : ان مارفضتك ماكون بنت تركي !
165K 6.1K 12
2 tom dylogii ,,Agony"
329K 19.1K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
37.4K 813 14
Jake, Sunoo and Jungwon went to a bar they had never been to before, And while they were there in that bar, they didn't know that there were four men...