Caidence's POV
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang tuluyang magising ang diwa ko. Natagpuan ko ang aking sarili sa isang malambot na kama. Napaupo agad ako nang maalala ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay.
We were almost there. Makakatakas na dapat kami kung hindi lang kami sinalubong ng malas.
Lumingon ako sa paligid at nakita ko sina Chiro, Siam, Avia, at Royalty na wala pa ring mga malay sa sari-sarili nilang kama. Malinaw na ako pa lang ang gising.
Bigla kong naalala na nadaplisan nga pala ako bago kami makalabas sa silid na 'yon. Hahawakan ko na sana ang braso ko nang makita ang bakal na nakatali sa palapulsuhan ko. Mayroon iyong mahabang kadena na nakakabit sa headboard.
"You're awake."
Nilingon ko ang boses na 'yon. It was Ishmael's copycat. Funny how their voices sound exactly the same too.
"Obviously." I sarcastically whispered.
Naglakad siya palapit sa akin habang nakapamulsa.
"Leon and Francis are still unconscious."
"Good for them." Walang pagdadalawang-isip kong sagot. "They deserve it."
"Yeah, good for them." He sighed.
Anong ibig niyang sabihin? Kakampi niya kaya ang mga 'yon. Tinaasan ko siya ng kilay nang maupo siya sa dulo ng kama kung nasaan ako.
"Don't look at me like that, Caidence." Sabay irap niyang giit.
Bigla ko tuloy naalala si Ishmael, iyong totoong Ishmael.
Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Hinahanap niya pa rin ba ako-kami? Kumakain ba siya ng maayos? Natutulog pa ba siya? I just hope he's fine. If ever man na hindi na ako makakalabas dito, I hope he's doing well.
"What do you know about Ishmael?" He suddenly asked.
"For what? You already copied his face, pati personality niya ay gusto mo ring gayahin? Ayan problema sa inyo, e. Lahat kayo sakim. Sakim sa kapangyarihan at kasikatan. Bakit mo ba ako kinakausap? Lumayas ka nga sa harap ko. Nababanas ako sa pagmumukha mo."
Narinig ko siyang suminghal nang mahina.
Bakit ba parehas din sila ni Ishmael ng actions? Pinag-aralan ba nila ang personalities at ugali namin? Hanggang saan ba aabot ang kasakiman nila?
"Tell me or I'll blow your head off." Bigla niya akong tinutukan ng baril sa ulo.
Napalunok naman ako.
Okay, fine.
I should not die. I will be safe once I answered his damn question. For now, it's better to cooperate.
"I-Ishmael is... a good guy." Wala sa sarili kong sagot.
No choice! Ayoko pang mamatay!
"And?"
"A-And a wise man."
"That's it?"
"Ano ba kasing gusto mong malaman? Be specific." Kinunutan ko siya ng noo.
"What do you love about him?"
Natigilan ako sa sinabi niya.
"A-Anong klaseng tanong 'yan?"
"Just answer me." Naiinip niyang sambit.
Bago niya pa pasabugin ang bungo ko ay sumagot na ako.
"Wala!"
"What?"
"M-May rason ba kung bakit nagmamahal ang isang tao? Hindi ba normal nature na 'yon. Oo, noong una lagi niya akong sinusungitan pero never niya akong iniwan-"
"He left you."
What the-paano niya naman nalaman 'yon?
"Dahil may rason siya. He's a complicated person who needs someone who can understand his actions as well as the way he thinks and reacts to various situations. He deals with his problems and issues in his own unique way, which is why he always ends up hurting others. People misinterpret him because he can't express himself properly. Tao lang din si Ishmael, nakakaramdam ng takot. He did his best... and that's enough for me. That is more than enough for me."
Parehas kaming natahimik dahil sa haba ng sinabi ko pero matapos ang ilang segundo ay nagtanong ulit siya.
"Napatawad mo na ba siya?"
"Yes..."
"Do you still love him?"
"Yes-"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong yakapin.
"H-Hoy! Lumayo ka nga sa 'kin, hindi ikaw si Ishmael! 'Wag kang feeling!" Sinubukan ko siyang itulak palayo pero hindi siya nagpatinag.
"Say it." He pleaded while sniffing.
"T-Teka, bakit ka umiiyak? Nakaka-touch ba 'yong kwento ko?"
"Say it please."
"It? Anong it? What the hell are you even doing-?!"
"I love you."
"I love... you." Nagdadalawang isip kong sagot.
"I love you too."
Tuluyan na akong nawala sa sarili nang magsalita siya ulit.
"Teka nga! Ginagago mo ba ako? You're not Ishmael, you jerk."
Lumayo siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"I am Ishmael." And then his eyes turned into blue.
I covered my mouth in surprise.
"Paano... ka nakapasok dito?!" Pasigaw kong bulong dahil sa magkahalong taranta, takot, saya at excitement.
"'Cause I'm wise." He smirked.
Hindi ko na napigilan pang mapatili. Niyakap ko siya nang mahigpit dahil sa sobrang tuwa.
"Muntik na akong mawalan ng pag-asa kanina!" Ani ko atsaka bahagyang lumayo sa kaniya. "May kasama ka ba? Sina Eagan at Asher? Pati sina Haines at Heather?"
"They're working on their parts." He smiled as he caressed my hair. "Can you say it again?"
"I love you?"
"Why asking? Tss." Pasinghal niyang irap kaya saglit kaming nagtawanan.
"I have three things to tell you." Sumeryoso na ako.
"Tell me."
"I'm sorry... thank you... and I love you." Then I smiled sincerely, as if it were something I'd done a long time ago.
"I'm sorry... thank you... and I love you too." Hinawi niya ang buhok ko at marahang hinaplos ang aking pisngi.
We were about to kiss each other when someone talked.
"Tagal niyo naman maglandian, atat na kong umuwi, oh."
Sabay-sabay kaming napalingon kay Siam. Gising na siya-no, silang lahat!
"Panira ka ng moment kahit kailan, Siamer." Ani Chiro na mukhang naka-recover na mula sa pagkakabugbog.
"Inggit lang 'yan." Pang-aasar ni Avia.
"Shut up, Avianna." Irap ni Siam.
Tumayo na si Ishmael at hinarap kaming lahat.
"Let's go home."
Muli akong napangiti.
At last, we're going home.
***
Siam's POV
"Ichiro Breeze." I called him while trying to break the chain in his hand.
Pangalawa ako sa mga tinanggalan ni Ishmael ng kadena. Malamang ay inuna niya si Caidence dahil sino ba naman ako para unahin niya-joke. Mas convenient lang talaga ang sixth sense ko sa sitwasyon namin ngayon. Ni hindi ko nga alam kung saan niya nakuha ang susi sa mga kadena namin.
Intense touch ang sixth sense ko. Therefore, I can easily break anything I touch with my hand. Hindi ko lang talaga nagawa noong nakagapos kami sa upuan dahil sa wrist nila ako tinalian and I can't move my hand even an inch.
But now that I'm free, I can use it to save and help everyone.
"Ano? Tinatawag-tawag mo 'ko tapos bigla kang 'di magsasalita." Asik ni Chiro nang matanggal ko na ang kadena sa kaliwa niyang kamay.
Medyo makapal ang bakal kaya natagalan ako nang kaunti.
"How are you feeling?" I asked while not meeting his gaze.
"I'm... fine. Kumikirot lang nang kaunti ang ulo ko pero feeling ko naman ay hindi na ako mawawalan ng malay."
"Good. Do you think you can run?"
"Uhm, I think so... pero hindi sobrang bilis. Masakit pa rin ang binti ko until now."
"Tell me who beat you up. Si Francis lang ba?"
"H-Huh? Bakit gusto mo pang malaman-?"
"Just tell me." Seryoso kong sabi. Napalunok naman siya nang makita ang mukha. Sakto at natanggal ko na ang lahat ng kadena na nakakabit sa kaniya.
"Pati si Leon. Silang dalawa lang."
"I see. Mukhang kulang pa ang natamo nila kahapon. Hindi ako papayag na hindi iyon madagdagan ngayon."
"You look scary right now, Siam. Don't put that evil smirk on your angelic face-"
"Shut up. Lintek lang ang walang ganti."
"Pero nakaganti ka na kahapon-"
"It wasn't enough. Don't worry, I'll handle the two of them. Bibigyan ko ng hustisya ang ginawa nila sa 'yo."
"That's not really necessary-"
"Shut up sabi!"
"Yes po..." Napasimangot na lang siya.
"Seeing your situation right now, it makes me want to beat them up even more."
"Siam..."
"Let's go." Tumayo na ako nang maayos. "You have no idea how worried I was when you didn't come home that day. You're coming home with me this time. I will not accept a no from you. If you say it, I'll beat you instead. We still have a long way to go, so stand up and stop wasting time."
"I love you na talaga, Siamer!" Maluha-luha niyang sabi atsaka ako niyakap nang mahigpit.
Itutulak ko na sana siya palayo pero nang maramdamang umiiyak siya sa balikat ko ay tinapik ko na lamang siya sa likod at pinatahan.
"Just wait. I promise I'll be there too."
//.