TALIA

By Las_Paginas

772 302 62

A young rude girl who never believed in fantasy will be directed in a world where everything is full of myste... More

Disclaimer
chapter 1 | library
chapter 2 | Rain
chapter 3 | Talia
chapter 4 | red envelope
chapter 5 | unknown shadow
chapter 6 | Dream
chapter 7 | images
Chapter 8 | George
chapter 9 | leaf
chapter 10 | Conclusions
chapter 11 | Alone
Chapter 12 | Born for you
Chapter 13 | The guy in the hospital
chapter 14 | Deal
chapter 15 | The Truth
chapter 16 | heart beat
chapter 17 | Date
Chapter 19 | ghost hunting
chapter 20 | Fictional character
Chapter 21 | The Truth untold
Chapter 22 | borrowed time
Epilogue

chapter 18 | The Tree

5 5 1
By Las_Paginas

Tahimik akong sumusubo ng steak at nag iisip sa kung anong nangyayari, kanina kasi habang pinapakita sakin ni Law ang mga Hornbills ay naramdaman ko na naman ang muling pagtibok ng puso ko,kahit na sabihin mang dalawang beses na pag pintig lang yun ay nababahala parin ako dahil minsan ng sinabi sa akin ni madam Cat na pag tuluyang tumibok ang puso ko dito ay hindi na ako kailanman makakabalik sa totoong mundo.

"Hey!"

Natinag ako ng pumitik si Law gamit ang kamay niya sa harap ko.

"You okay?" Tanong niya habang nakangiti.

Tiningnan ko ang mga ngiti niya. ngiting innocente at walang idea na isa lang siyang fictional character na nabubuhay sa loob ng libro, Hindi diyos ang kumukontrol sa buhay niya katulad ng paniniwala niya kundi isang hamak na manunulat lamang na walang ibang ginawa kundi gawing magulo ang takbo ng buhay niya.

'kung bibigyan ako ng pagkakataong ma meet ang sumulat ng libro kung saan ako ngayon, hihilingin kong bigyan niya ng hustisiya ang bawat character na pinahirapan niya.'

"sana..." panimula ko, napatingin naman siya sa akin.

"Sana...mahanap mo na ang pumatay sa buong pamilya mo"

Ngumiti ako sa kaniya matapos yung sabihin, ngumiti din siya sa akin at nagulat ako dahil nilagyan niya ng panibagong steak yung plate ko at talagang siya pa ang naghiwa.

"Hmm....I have a dream" Sabi niya habang hinihiwa ang steak sa plato ko.

"In my dream I seemed to be just a fictional character"

Napa angat ang ulo ko saka napatingin sa kaniya, nakatingin na din siya sakin.

"You know what happened next?" He asked.

Hindi ko alam pero parang gustong gusto kong malaman kung ano ang sumunod na nangyari.

"A-ano?.." tanong ko, ngumiti naman muna siya at kita ko sa mga mata niya ang lungkot na hatid sa kaniya ng panaginip niya.

"I fell inlove to someone who really exist in reality....." Sagot niya at sa pagkakataong ito ay hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko mula sa kaliwang mata.

"Hey, you okay?"

Natinag ako sa tanong niyang yun at agad na yumuko para punasan ang luha ko.

"Ahh, oum... Nalungkot lang ako" palusot ko at dinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

"Siya nga pala, alam mo ba kung bakit di umuulan?" kunwaring tanong ko para mabaling ang usapan.

"Ulan? Anong ulan?"

Napataas ang kilay ko ng ibalik niya ang tanong sa akin.

"As far as I know ay bata pa ako ng huli kong marinig ang salitang yan, I guess sa panaginip ko. Wala naman kasing ganiyang salita. Saan mo ba narinig yan? Sa panaginip rin ba?" Sunod sunod na tanong niya kaya kumunot ang noo ko.

‘ano daw?! Walang word na ulan? Kaya ba hindi umuulan dito ay dahil wala talagang ganon?! Ang weird talaga ng author ng librong to!'

"Ehh saan niyo kinukuha yung tubig?" bigla ay lumabas yun sa bibig ko!

Napapikit ako at palihim na napa humihiling na sana ay hindi siya ma wirdohan sa mga tinatanong ko kahit na halata na sa mukha niya.

"Hindi naman nauubos ang tubig?"patanong niyang sagot na Ultimo siya ay naguluhan habang nakatingin sa akin!

‘wag sana niyang isipin na nababaliw na ako!'

"You know what? Hindi na ako magtatanong kung saan mo kinukuha ang mga tanong mo sakin, coz I really believe that you are different"

naks! Napakaintindihin'

Napatango tango ako saka inubos yung steak bago uminom ng juice.

"Tapos kana?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Halika ka"

"Saan?"

"Basta!"

Napilitan akong tumayo at sumunod sa kaniya ng hawakan niya ako palabas at pinasakay sa kotse.

"Saan ba tayo pupunta? umuwi na tayo!" Sabi ko pero tiningnan niya lang ako.

"Hindi na muna tayo uuwi, may gusto pa akong puntahan kasama ka" nakangiti niyang tugon kaya napasimangot ako.

Hindi na ako kumibo at hinayaan nalang siya, gabi na at halos natutulog na yata ang lahat, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero hindi ko na siya pinigilan dahil na cu-curios din ako.

Umabot ng ilang minuto ang byahe bago inihinto ni Batas ang kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

"Ano to?" Tanong ko ng dalhin niya ako sa isang lugar na puro kawayan, pamilyar sa akin yung lugar pero hindi ko maalala kung saan ko to nakita!

Inilibot ko ang mga mata ko pero wala akong ibang nakikita kundi nagtataasang kawayan, madilim ang paligid at tanging liwanag mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw namin.

"Sa gitna ng kaguba---"

"Correction" singit ko. "It's kawayanan not a kagubatan"

"Oo na tsk! Sa gitna ng kawaya---"

"Dito talaga tayo magke-kwentuhan no? Ang dilim dilim Ultimo ikaw kailangan ko pang kapain" singit ko na naman kaya napabuntong hininga siya bago pumunta sa compartment at kinuha ang flashlight.

"Okay.... Sa gitna ng kawa--"

"Teka, sandali!" Putol ko at kita ko mula sa reflection ng flashlight ang pagtalim ng mata niya.

"Okay...okay magpatuloy kana" Sabi ko dahil nakakatakot na ang paningin niya.

"Halika na nga..." Inis na hila niya sa akin at sabay kaming lumusot sa malalaking rehas na nagsisilbing harang sa mga kawayan, nabasa ko pa ang karatulang 'stricktly no human allowed'

"Wait!wait!wait!wait?" Pigil ko at napatigil naman siya. "Strictly no human allowed, bawal ang tao dito kaya umalis na tayo" Sabi ko at aktong babalik na ng pigila niya ulit.

"Teka! Teka! Nandito na tayo ehh, hindi ko pa to nakita dati,gustong gusto ko talaga makita kung anong meron don kaya sige na" pilit niya na itinuro pa ang daan, napaikot naman ang mata ko.

"Look...kung gusto mong makulong pag nahuli tayo ikaw nalang mag isa"

"N-natatakot ako...." Sabi pa niya at bahagyang dinuyan ang kamay ko habang nakayuko.

Napataas ang kilay ko at gusto kong matawa dahil naduduwag na naman siya.nagmumukha siyang bata!

Maya maya pa ay napapayag din niya ako!

Sabay kaming naglalakad habang hawak niya ang kamay ko ng mahigpit! Naiilang naman ako kaya kumawala ako sa pagkakahawak niya.

"Bakit?" Tanong niya at iniwas ko naman ang paningin ko.

"W-wala....mauna ka" Sabi ko pero nakatingin parin siya sakin.

"Wag kang aalis ah? Sumunod ka nalang sakin" dagdag niya at nauna ng maglakad. Nakayuko naman akong sumunod sa kaniya.

Maya may pa....

"Law?" Tawag ko ng mag angst ako ng ulo at wala siya sa inahanh ko.

"Hoy! Batas! Lintik ka talaga sakin!" Sabi ko pa pero walang sumagot.

'now..I hate it!'

"Ano ba! Law wag mokong pagtagu--"napatigil ako sa pagsasalita ng biglang may dumaan na maliit na paro paro sa harap ko. hindi ordinaryo dahil kumikinang ito.

Mabilis kong sinundan yung butterfly at di nagtagal ay mas dumami sila, iisa ang hugis at kulay na violet pero sa sobrang dami ay masisilaw ka.

Nakadapo silang lahat sa isang puno at para silang nagsisilbing dahon.

"Law?" tawag ko ng makita si Batas na nakatalikod sa akin at nakatingin din sa mga butterfly.

"La--" napatigil ako sa pagsasalita ng isa isang kumawala ang pagkarami raming butterfly sa puno at ipakita sa amin ang totoong itsura nito.

Walang ni dahon, o bulaklak parang patay na, pero mas napatigil ako ng marealize kong....

'ganitong ganito yung puno ko...panong nandito to?'

"T-this can't..."

"hayaan mong sagutin ko ang tanong mo kung bakit sa dinami rami ng tao ikaw ang narito"

Napatitig ako sa puno ng bigla itong magsalita or should I say sa likod ng puno ay may nagsalita!

"Show your self" matigas kong sabi habang nakatingin lang sa puno tumingin din ako kay Law pero parang wala siyang narinig.

"Magpakita ka!" Sigaw ko dahil nakikita ko ang anino niya sa ilalim ng puno!

"Sabi ng magpakita ka!" Galit na sigaw ko at kinuha ko yung hair pin ko sa buhok at hinagis sa puno!

Parang tumigil ang mundo ko at parang nahilo ako ng biglang magbago ang paligid! Para akong bumalik sa sinaunang panahon pero pinapanood lang sila.

"Nasa lugar paring ito, mayayabong ang kawayan at maganda pa ang puno at marami pang dahon, buhay na buhay tingnan. Sa ilalim ng puno ay naroon ang isang babae na nakasandal sa at nakangiting nagbasa. Nakaharang ang libro sa mukha ng babae kaya di ko makita ang itsura niya.

"Amaya! Nandiyan ka lang pala, hinahanap ka sa loob" Sabi ng isang lalaki ibinaba naman ng babae ang libro at inabot ang kamay ng lalaki para makatayo.

Napaatras ako ng isang hakbang at di ko namalayang bumagsak na pala ang luha ko habang nakatitig sa babaeng nakangiti at may hawak na libro.

Hindi ko aakalaing yung babae....ay yung lola ko na pinakita sakin ni daddy bago ako umalis ng bahay para pumunta sa library!

"Celina....patawarin moko" rinig kong sabi ng kung sino kaya agad akong napalingon sa likuran ko, nagpaikot ikot ako sa kinatatayuan ko habang hawak ang ulo ko dahil sa paulit ulit na katagang yun na umalingawngaw sa tenga ko, bigla namang nagbago ang paligid at nasa isang scenario na naman ako!

Sa loob ng bahay ay umiiyak si lola habang nakaluhod sa harap ng magulang niya nagkalat ang mga punit punit na papel sa paligid. Maya maya pa ay tumakbo siya palayo at nagkulong sa kwarto.

Makalipas ang ilang buwan ay nandoon lang siya sa kwarto niya at parang may sinusulat nang matapos niya ang sinusulat ay isinarado niya yun gamit ang isang maliit na kandado saka siya tumyo at kumuha ng lubid.

Habang nasa ilalim siya ng puno ay umiiyak siyang niyakap ang mistulang libro na sinusulatan niya bago niya naisipang tapusin ang lahat.

Naiwan sa paanan niya ang nakakandadong libro habang nakasabit siya sa ibabaw ng puno...

Nang Oras din na yun ay bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay ng mga taong pinagkaguluhan ang katawan niya. di na napansin pa ang librong naiwan. kinuha yun ng isang matanda at sinubukang buksan, pero kahit anong gamitin nilang pangbukas ay ayaw nitong bumukas ni masira.

Sa katagalan ay itinabi nalang ng matanda ang libro at nilagay sa bodega, hanggang sa napagpasa pasahan ito ng panahon at mapunta sa isang lumang library.

Dahil hindi nila alam kung paano ito buksan ay ginawa nalang nila itong preservative book na hindi pwedeng hawakan...

Napabagsak at napaluhod ako sa lupa habang pumapatak na ngayon ang mga luha ko, ngayon naiintindihan ko na....ang pagkahilig niya sa pagbabasa ang naging dahilan kung bakit ayaw niya ng magpakasal, dahil napa ibig siya ng isang fictional character sa libro na hindi nag e-exist sa totoong mundo.

At ang mundong kinabibilangan ko ngayon ay isinulat niya mismo!

Napatingin ako sa punong nasa harap ko ngayon, lumabas mula doon ang babaeng hindi ko inaasahang naririto rin sa loob ng libro.

‘si Lola Amaya...sa tabi niya ay nandoon din ang isang pamilyar na babae, si Iya....'

Nagising ako dahil sa lamig ng paligid nang imulat ko ang mata ko ay napaatras ako sa higaan na ikinahulog ko sa kama!

"Ahhy! Ano ba!" Sigaw ko sa gulat ng pagmulat ko ay tumambad sa akin si Batas na nakangiting aso habang tinitignan akong natutulog!

"Alas otso na ang tagal mong magising" Sabi niya saka bumangon sa kama at kinuha ang pagkain na nasa side table.

"Alam mo bang dalawang araw kang tulog?" Tanong niya kaya nanlaki ang mga mga mata ko sa gulat!

"A-ano?!" Sigaw ko at pinandilatan niya ako ng mata.

"Yeah...you pas out when we were in the middle of the bamboo trees, ngayon kalang gumising"

Napatulala nalang ako at napaisip.

'is it all a dream?'

Parang panaginip lang ang lahat pero sariwa at alam kong hindi yun basta panaginip lang.

‘si Lola Amaya! Si iya!'

Nagmadali akong tumayo at tumakbo papalabas kailangan kong bumalik dun!!

"Talia!" Rinig kong tawag ni Law at sumunod sa akin. di ko siya pinansin nung pumasok din siya sa kotse ko. nag drive na ako papunta sana sa pinagdalhan sa akin ni law pero nagbago ang isip ko at iniliko ang kotse at nag drive papunta sa tinutuluyan ni Iya pero pagdating ko dun ay wala na ang bahay niya, isa nalang yung patag na bakanteng lupa!

Sunod kong pinuntahan ang parliament house at nakita ko siyang nakatayo sa pinto habang nakatingin sa akin.

"Iya!" Tawag ko pero tumalikod na siya at pinihit yung pinto ng parliament!

Patakbo akong lumapit sa kaniya para pigilan siya sa pag alis pero nung nakalapit na ako ay saktong sumarado na yung pinto!

"Iya!" Tawag ko at inikot ikot ko ang door knob pero ayaw bumukas!

"Iya!!" Sigaw ko at tuluyan ng kumawala ang mga luha ko!

Napaupo ako at napaluhod sa harap ng parliament.

"Nagpaalam sa akin si Iya kanina, aalis daw siya--" Hindi na natapos ni Law ang sasabihin niya ng makitang umiiyak ako.

"W-why are you crying?... Are you okay?" Tanong pa niya pero di ko siya sinagot.

Nandito kami ngayon sa garden at pingmamasdan ko ang puno na nagsisilbing oras ko dito, hindi ako makapaniwalang sa punong ito nagpakamatay si Lola Amaya, tumayo ako at hinawakan ang puno.

Sa hindi ko inaasahang pagkakataon may mga imaheng ipinakita sa akin ang puno na alam kong mga pangyayari sa totoong mundo, sa mundo ko....

Katulad ng dati ay nakahiga ako sa kama, wala sila mommy at daddy pero may isang babae na nakaupo at nakahawak sa kamay ko.

‘madam Cat'

Sandali niya akong tinitigan bago tumayo at lumabas ng silid.

Iminulat ko ang mata ko at bumuhos nalang ang luha ko.

Ngayon ay nauunawaan kong sandaling hiniram lang ni lola Amaya ang mukha ni madam Cat.

"Wag kang mag alala darating ang panahon at makakapasok ka din sa pintong pinasukan ni Iya at sa panahong yun ay hihilingin kong kalimutan mo na lahat at maging masaya...."rinig kong sabi ni Law.

"Pano kung hindi ako maging Masaya? at bakit ba gusto mokong maging masaya? kahit alam mong maiiwan kita?!" Tanong ko, hindi ko naman inaasahang pupunasan niya ang luha ko.

Hindi ko aakalaing katulad ni lola Amaya ay magkakagusto rin ako sa Isang fictional character na katulad ni law!

"Dahil, ramdam kong malungkot ka, at kung sakali man ayaw ko ng makita na may luha pa sa mga mata mo ang muling tutulo at pumatak sa lupa" Sabi niya habang nakatingin sa nga mata ko.

~~Somewhere along
Those wide endless roads
I'm walking alone
Don't know which way to go

But one day
The one will lead me home
In another world I'll call my own

Chasing the light (chasing the light)
Two so lonely people
Wishing on the same bright star (on the same birth star)
Holding on and never giving up
The chance to heal each other's broken heart~~

+++++

#Talia

Ps. Please VOTE po kayo maraming salamat!!!

Featured song:

Chasing Light by Julie Ann San jose

this is a work of fiction. Names,characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!

For more information add or follow my social media accounts

Fb: Allana Adalaide

P.s. DONT FORGET TO VOTE,FOLLOW AND COMMENT THANKYOUUU!!!

Continue Reading

You'll Also Like

53.1K 2.9K 38
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
11.2M 505K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!