Chapter 19 | ghost hunting

8 3 1
                                    

Umaga na ng magising ako hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa graden habang umiiyak.

Nakahiga parin ako sa kama at wala akong planong bumangon ngayon. gusto kong matulog nalang kaysa lumabas.

Pipikit na sana ulit ako ng biglang bumukas yung pinto at bumungad sakin si batas na may dalang tray ng pagkain.

'bat di na umuuwi sa bahay niya to?!'

Napakunot ang noo ko habang sinusundan siya ng tingin papalapit sa akin.

"Bat andito ka pa?!" Tanong ko at tumingin naman siya sakin bago umupo sa tabi ko at ilapag ang dalang pagkain sa side table.

"Nakauwi na ako, hirap na hirap pa nga ako eh" sagot niya at pinindot yung gitna ng kilay ko.

"Umagang umaga magkadugtong na ang kilay mo" tawa niya.

Hindi ko siya sinagot at tinignan ng masama.

"Bat ba kasi bumalik ka pa pwede mo naman akong iwan!" Inis na sabi ko saka bumalik sa pagkakahiga at tumalikod sa kaniya.

Ang totoo ay nahihiya na ako sa kaniya dahil siya nalang palagi ang kasama ko, daig niya pa ang maid ko na laging nakabuntot sa akin.

Hindi ko gusto ang nararamdaman ko! Ayaw ko nito! Ayaw kong matulad kay lola Amaya!

Ilang segundo ko siyang pinakiramdaman at bahagyang sinilip, nakatingin lang siya sa akin bago tumalikod.

"Ang sakit mong magsalita...nasasaktan ako.." Sabi niya habang nakayuko.

Natigilan ako ng sabihin niya yun, nakatalikod parin siya sa akin pero ilang saglit lang ay tumayo na siya.

"Kumain ka na....aalis na muna ako" biglang paalam niya saka naglakad palabas.

Naramdaman kong mas sumalubong ang kilay ko!

'nagbibiro lang naman ako ehh...gusto kong lambingin niya ako! Hindi layasan!'

Inis akong umupo sa kama at kinuha ang unan at pinagbuntungan yun ng inis.

"Nakakainis!!"

Inis parin akong tumayo at tiningnan ang pinto saka yun padabog na bumukas. Mabilis akong naglakad palabas para habulin sana siya kaso nakaalis na siya!

Bumaba ako sa hagdan ng muli lang natigilan dahil biglang pumasok si Vivorie!

'bakit ba bigla bigla nalang sila pumapasok sa bahay ko!'

"Bakit hindi ka na pumupunta sa parliament?" Tanong niya. "Hindi ka na ba aware sa mga trabaho mo?" Dagdag pa niya at ngumiti ng sarcastic.

Napaikot ang mata ko at gusto ko siyang sagutin ng 'hindi mo ba alam na mas maganda ako sayo?' pero wag nalang dahil contrabida siya sa kwentong to at baka masira pa ang image niya hehe.

"You can get out" sarcastic ko nalang ding sagot sabay turo sa pinto.

Tinapon niya ang dalawang black envelope sa sahig saka ngumisi bago umalis.

Napaikot naman ang mata ko bago bumaba at bahagyang sinipa yung black envelope na nagkalat sa sahig.

'wait..what?!'

Binalik ko ang paningin sa envelope at bahagyang nanlaki ang mata ko ng ma confirm kong black envelope nga ang nakikita ko at hindi red!

'at dalawa pa talaga?'

"This can't be..." Pinulot ko yung dalawang black envelope saka maarting tumakbo papalabas ng bahay!

"Vivorie! You-! Vivo--yaaaaaa!!!!!" malakas na sigaw ko nang abutan ko siyang papasakay sa kotse niya habang inaasar ako! Nabasa ko pa sa labi niya ang salitang 'ba-byee'!

TALIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon