Extraordinary Sixth Sense |Co...

By cookiesncreamii

7.4K 475 4

Peculiar Series #2 Book after TNIMTFBE. The experimentation continues. The saga didn't end yet not the tree... More

SIMULA
01: STILL HIM
02: BLACK BOX
03: DECODE
04: FIRST WORD
05: TIME
06: DEATH BOX
07: COMBINED
09: SOLVED
10: TRAUMA
11: MYSTERIOUS
12: THE KILLER
13: LEFT THOUGHT
14: DAUGHTER OF THE DEVIL
15: THE PAIRS
16: HE CARES
17: TENTH MEMBER
18: HALLUCINATION
19: THE GUYS
20: THE LADIES
21: WORRIED
22: HER MOM
23: CORNERED
24: HOSPITAL
25: NOT ANYMORE
26: LET ME
27: FREE TIME
28: HER PLAN
29: COLD TREATMENT
30: MISS YOU
31: GOT CAUGHT
32: WAKE UP
33: LET'S SURVIVE
34: ALMOST THERE
35: AT LAST
36: LET'S FIGHT
37: SAVE THEM
38: LONG TIME NO SEE
39: COMEBACK
WAKAS
LAST NOTE

08: LAST CIPHER

150 15 0
By cookiesncreamii

Caidence's POV

"BREAK TIME!" Sir Jerome announced.

Pumunta agad ako sa gilid para uminom ng tubig. Pumikit ako saglit at sumandal sa pader dahil sa pagod.

"Siya na naman ang napuri."
"Pabida talaga kahit kailan."
"She always owns the spotlight."
"Laging main dancer, tss."

I opened my eyes and looked down. Paniguradong nagkulay dilaw ang mga mata ko dahil narinig ko na naman ang inner voices ng mga kasamahan ko. Sanay na akong patago nila akong sinisiraan, I don't even give a shit.

Being better than someone is not something to be ashamed of. That's what my dad told me.

My phone suddenly rang. Royalty's name flashed on the screen so I answered it immediately.

"Oh." Bungad ko sa kaniya.

"My blockmate... died." She sobbed.

"W-What? Why? How? What happened?" Naguguluhan kong tanong. Parang kahapon lang nang mamatay si Maeve sa mismong harap ko tapos meron na naman ngayon.

"She was shot while driving... I watched the news. Ate Caid, masama ang pakiramdam ko sa mga nangyayari. It feels like... lahat ng nakakasalamuha natin ay namamatay. Remember Kylho Dee? He encountered Haines before he was killed. And then Maeve Santos, you talked to her the day before she was shot too."

"Maybe it was just a coincidence, Royalty. Calm down."

"I don't think so." She cried. "This is bad. Really really bad."

"Call Asher now. I'm sure he could find a solid trace to connect everything."

"Okay... sinabi ko lang sa 'yo kasi namatayan ka rin ng blockmate... and nagbabaka sakali akong parehas tayo ng iniisip."

"You wanna know what I'm thinking?"

I heard nothing but sobs.

"Iniisip kong konektado lahat ng 'to sa ciphers na natatanggap natin."

"Everything's a mess."

"I know. For now, calm yourself and call Asher. Do you understand me?"

"Yes..."

"Good. Now go."

I ended the call and was about to pack my things when my phone rang again. It's from an unknown number. Sinagot ko 'yon saglit bago sumilip sa labas ng bintana. Palubog na ang araw, hindi ko namalayan ang oras habang sumasayaw kami kanina.

"Oh." Bungad ko ulit.

"Help..." A girl started crying on the other line.

"Uhm... who are you?" Kinakabahan kong tanong.

"It's me! Help me, please. He will kill me!"

"What? Who will kill you? Miss, where are you? Tell me your exact location."

"Help me, please! Ayoko pang mamatay—Time's up! Sorry for that." May biglang sumingit na panlalaking boses.

"You psychotic jerk! What are you planning to do?!" I exclaimed.

Hindi ko man kilala kung sino ang babae sa kabilang linya, damay na ako ngayon dahil ako ang natawagan niya. Konsensiya ko na ang kalaban ko ngayon kapag wala pa akong ginawa!

"Save her within thirty minutes and you'll get my last gift. Goodluck, Caidence." He even laughed maniacally as he ended the call.

Ang daming tanong sa isip ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Sino siya? Siya ba ang pumatay kina Kylho Dee, Maeve Santos, at sa blockmate ni Royalty? Siya ba ang nagpapadala ng ciphers sa amin? Hindi ko na alam! Bakit ba nangyayari 'to sa akin—sa amin?! Sinong nasa likod ng lahat ng 'to?!

My phone suddenly beeped. Nanginginig ang mga kamay ko habang sinusubukan ko iyong buksan para basahin.

From: Unknown number

666, Area 6, St. Andrew village. Tell the guards and she'll die : )

Nasapo ko na lang ang noo ko atsaka patakbong lumabas. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Sir Jerome dahil hindi ko na kayang magpaliwanag. Tatlumpung minuto lang ang ibinigay sa akin kaya kailangan ko nang magmadali.

Halos paliparin ko na ang kotse ko, marating lang ang lokasyong sinabi niya. Wala akong ideya kung paano ko ililigtas ang babae. Taekwondo black belter naman ako, pwede na sigurong manipa na lang ako mamaya, 'di ba?

"666, Area 6." Sambit ko sa guard. Ilang sandali pa ay tuluyan niya na akong pinapasok.

Mabuti na lang talaga at may signs sa bawat kalye kaya hindi ako nahirapang maghanap. I parked my car outside the old house. Maliit lang iyon at walang second floor. Halatang luma na ito at malayo sa ibang mga bahay.

Truth to be told, it looks abandoned.

Nag-doorbell ako sa pag-aakalang gagana iyon. Hinawakan ko lang saglit ang gate pero kusa na iyong bumukas.

This place is really creepy. The chills give shivers down my spine. Idagdag pa ang madilim na paligid. I hate all of this.

Wala akong ideya sa pwede kong kahantungan kapag pumasok ako sa loob pero may buhay na nakasalalay sa bawat desisyon ko ngayong gabi. I want to save her and I am determined to face all the consequences.

"I'm here. Where are you?" Matapang kong tanong nang makapasok ako sa main door.

Halos sumabog ang dibdib ko nang may gumulong na bola papunta sa akin. Pinulot ko iyon na sana ay hindi ko na lang ginawa.

Hindi iyon bola... kundi isang pugot na ulo.

Napasigaw ako dahil sa magkahalong gulat, takot at kaba. Nabitawan ko iyon bigla dahilan para mahulog iyon sa sahig. Kinuha ko agad ang phone ko para gumamit ng flashlight. Fuck, bakit ba kasi hindi ako nag-flashlight bago pumasok? I'm so stupid!

"TULONG!" I heard a scream.

Dala ng adrenaline rush, binuksan ko agad lahat ng pintong nakapalibot sa akin. Una kong nabuksan ang banyo. Sunod ay ang bodega. Pangatlo iyong kusina pero wala pa ring tao! Napalingon ako sa likod ko. Isa na lang ang hindi ko pa nabubuksan, sigurado akong iyon ang kwarto.

Nakakita ako ng baseball bat sa gilid kaya kinuha ko 'yon agad. Bubuksan ko na sana ang pinto nang mapagtanto kong naka-lock iyon mula sa loob.

"Shit." I have no choice!

Bumwelo ako atsaka iyon sinipa nang malakas. Isa, dalawa, tatlong beses pero wala pa ring nangyari. Napasigaw na lang ako sa inis.

"LET HER GO!" I blurted out.

Sa pang-apat na beses ay ibinuhos ko na lahat ng lakas ko sa pagsipa, thank God it worked! Patakbo akong pumasok sa loob kahit pa namamanhid ang braso ko.

Lubos akong nanlumo nang makita kong hindi na gumagalaw ang babae. Nakagapos siya sa isang upuan na nakapwesto sa mismong gitna ng kwarto... bigla ko na lang naalala ang sagutan namin kaninang umaga.

"I'm sorry..." I cried as I kneeled down.

She's no longer breathing... I failed to save her.

Tatayo na sana ako para tumawag sa otoridad nang mapansin kong may nakasulat sa sahig. Tinutukan ko iyon ng flashlight para mabasa at makita nang malinaw.

IWED

I thought it was a red paint but no, it was blood. My hands were shaking while I'm trying to dial Asher's number. Kailangan niyang malaman agad 'to.

"Caid."

"Asher... can you come here?" I sobbed.

"What? Where are you? Are you crying?"

"I think I... received the last cipher."

"Tell me where you are."

"St. Andrew Village, 666 Area 6... Asher please... bilisan mo... natatakot na ako."

"Okay, I'm on my way. Wait me up."

Kahit pa gusto ko nang lumabas, nawala na lahat ng tapang ko. Nanatili ako sa ganoong posisyon nang hindi sinusulyapan ang babae. Hindi ko na siya kayang tignan tulad kanina, natatakot na talaga ako.

Dalawampung minuto ang lumipas bago muling bumukas ang pinto. Tinutukan ko siya ng flashlight at nang makita ko ang mukha niya, hindi na ako nagdalawang isip na yakapin siya nang mahigpit.

"I tried to save her... I tried..." I blubbered. "I don't know what to do anymore... she died because of me."

"No. She died because she was killed. Don't blame yourself."

Mas lalo pa akong napahagulgol dahil sa sinabi niya. Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko, malinaw naman talaga na may kasalanan ako sa pagkamatay ng babae.

What if tumawag ako ng otoridad? What if mas binilisan ko pa ang pagmamaneho kanina? What if gumamit agad ako ng flashlight pagkapasok? Ang daming what ifs sa isip ko and I kept thinking about how I could have done better.

"Let's go. I already called Tito Cassius. They're on their way." Naglakad kami palabas kasabay ng sirena ng mga pulis mula sa malayo.

"Ishmael..." I called him. "I think... I got shot."

Mabilis na nagbago ang reaksyon sa mukha niya. Dumako ang mga mata niya sa braso kong halos balutin na ng dugo.

"I'm sorry... nadumihan ko ang damit mo—"

"You should've told me earlier!" Bigla niyang sermon. "Can you feel it?" He asked while putting a scarf on my arm.

I shook my head. Tuluyan nang namanhid ang kaliwang braso ko.

"Caid! Ishmael!" Sabay kaming napalingon kay Tito Cassius na nakasuot ng police uniform.

"Check the house." Ishmael said. "I'll bring her to the hospital." At hinila niya na ako papasok sa kotse niya.

"My car—"

"Si Asher na ang bahala sa kotse mo."

"And his car?"

"Can you stop caring about cars? You're bleeding so think about yourself." He shut me off.

Hindi ko na naman tuloy napigilang maluha nang maalala ko ang nangyari kanina.

"Pumasok ako ron na puno ng tapang pero lumabas akong umiiyak. Ironic, right?"

"Because you're stupid." He hissed. "You should've called us first. Paano kapag namatay ka ron? Hindi pa namin malalaman kasi huli na nang tawagan mo si Asher?"

"Hindi naman ako namatay."

"Hindi mo ba naiisip ang Daddy mo? You'll just leave him like that?"

"I won't let myself die there. I won't leave my Dad. I won't leave my friends. I won't leave you... even if you already did. I won't leave any of you dahil hindi ako mang-iiwan."

And that's how I shut him out.

//.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 29.8K 53
Savannah White. The amazing soccer girl with the dead mom. Or at least that's what people think of her what you don't see is the constant bruises and...
25.2K 4.3K 106
Melissa Irene Alcaeus, A girl wondering what's sleeping beauty feels when she fall in the deep sleep. ENJOY READING! Date started: June 06, 2018 Date...
4.9M 90.7K 44
The night before the wedding Derrick spoke to his fiancé over the phone. They said how much they loved each other and that they would meet at the al...
114K 3.2K 23
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။