Loving Beatrice Salvatore

By IloveMahSelfdude

84.7K 4.7K 603

Happy go lucky si Malori Satori ang half japanese na badass nang Salvatore University Kilalang kilala sya sa... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 20
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 21
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 15

2.8K 161 28
By IloveMahSelfdude


Malori

"Hey hey goodmorning!!" Bungad ni Zyra pagpasok sa pinto.. may bitbit itong mga plastic

Kasunod nitong pumasok si Ms.Quinn na may sa kanan kamay ay hawak ang mga plastic na binili sa palengke habang sa kaliwang kamay nya naman ay hawak hawak ang kanyang six years old lang na anak

Namili kasi silang dalawa ngayong araw sa kakainin

"Goodmorning!" Ngiting bati ko

Tumingin ito sa gawi ko at sa klase palang nang pag tingin nito sa akin ay alam kong may balak itong asarin ako

"Oy ano yan ah?! Hindi ko alam na kayo na palaaa!! Ikaw athena ah?! may tinatago karin palang landi sa katawan" Ngising asong usal nito.. inilapag nito ang mga plastic na bitbit nya sa lamesa pag tapos nun ay pumunta ito sa direksyon ko.. O sabihin natin sa direksyon NAMIN ni Athena...

"Heh tigilan mo ako Zyra!" Saway ni athena dito binigyan pa nito na masasamang tingin

Bago sumingit pa lalo sa akin..

Nasa pagitan kasi nang hita ko naka upo   si athena habang nakasandal ito sakin

Simula nang buntikang may mangyareng masama Kay Athena

Kinaumagahan nun ay biglang nag iba ang pakikitungo nito sa akin 

Which is good Naman pero at the same time is Hindi Ako sanay like mas nakilala ko kasi sya na masungit sa akin at Isa pa Masyado itong naging clingy pag dating sakin..at hindi ako sanay dun...

Jusko mas nasanay ako sa mga masasamang tingin na lagi nyang binibigay sakin..

Nawala kasi bigla na parang bula ang kasungitan nito sa akin pero sa iba pa namin kasamahan ay ganun parin sya...masungit!!

"Asus! Kala ko ba hate mo yang si cutie?"tanong ni zyra dito pero halata mo naman nang aasar ito

"Hay nako zyra tigilan mo na sa pang aasar kay Athena.."saway ni ms.quinn dito habang nakangiti

"Ehh~ sayang! Ngayon lang nag pakita nang ganyang emosyon si athena eh! Lulubusin kona! At you know! May nagugustuhan na sya!! HAHAHAH" Sagot naman ni zyra Tatawa tawa pa itong nakatingin kay athena

May nagugustuhan na sya???

Kaya pala hindi masungit eh! Unti nalang hahaha pero wait.. sino naman yung malas na nagugustuhan nito??

"May nagugustuhan kana athena?ngiting tanong ko dito

Tinignan naman ako nito na tila hindi makapaniwala

Napalingon ako sa direksyon ni zyra dahil sa sobrang lakas ng boses nito sa pagkakatawa

"J-jusko! hahahah o-oh god! Hahahaha napaka halaman mo malori!! Hahahah ang taong nagugustuhan nya ay walang iba kundi ik-- ang ganda nang langit makalabas nga.." usal nito na pinagtaka ko

Bigla nalang kasi nito tinigil ang sasabihin at nag madaling lumabas

Okay??

Ibinaling ko nalang ulit ang tingin ko kay athena na hanggang ngayon nakatingin parin sakin..

Nginitian ko ito pansin ko natigilan ito

Bago umiwas nang tingin sakin pero kinuha nito ang dalawang braso ko at iniyakap sa kanyang katawan na ikinagulat ko

"Cutie okay kalang? Bakit namang pulang pula kana jan?"sabi ni clay nang lumabas ito galing kusina

"Sus! Ang sabihin mo clay namumula ang mukha nya dahil naka palibot ang dalawang braso nya kay athena!" Usal nito na nakangisi..tumingin ito sakin"lambot nang katawan nya ano?" Pahabol pa nito

Jusko talaga tong si Zyra!!!

Hindi pa pala nakakalabas yun!!

Sinamaan ko naman ito nang tingin kahit alam ko na namumula parin ang pisngi ko o Sabihin nalang natin na namumula ang buong mukha ko

Magsasalita na sana ako nang biglang dumating si ashley

"Guys!! Hindi kayo maniniwala sa nakita ko!"usal ni ashley

Napahawak ito sa dalawang tuhod nya dahil narin sa pagod na pag takbo papunta rito

"Ano ba yan? At tila nag mamadali ka?" Si zyra

"S-sa bayan!! Ma-may nakitang tatlong lalaking patay!! Pa lutang lutang sa ilog!" Usal nito na ikina tingin ko naman dito

So... Nakita na pala ang bangkay nang tatlong iyon?

"Ang sabi pa nga nang iba na binugbog muna ang tatlong iyon at Pinahirapan bago paputukan nang bala sa ulo" Sabi pa nito

Tahimik na nakikinig lang ako sa pag uusap nila at mas lalong hinipit si athena sakin

Napansin ko kasi na nacurious din ito at ayaw ko naman malaman nya kung sino iyong tatlong yun

"Ang nakikitang dahilan nang mga pulis ay dahil daw sa droga"

"Oh paano naman nalaman na dahil daw sa droga?"

"Aba edi pano paba? Edi may nakita na droga don sa bahay nila!"sagot naman ni ashley dito

Napa iling nalang ako bago napatingin sa bintana

Akalain mo nga naman..

Napangisi ako sa naisip ko

Tama ang hinala ko.. naka sunod ka nanaman sakin Clint windford ha?

-----++-----

"Pano moko nahanap dito?" Tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon

"Oh come on lori? Ngayon lang tayo nag kita at yan agad ang una mong tanong? Wala man lang 'kamusta kana clint?' " sabi nito habang malawak na naka ngiti sakin

Pero cold na tinignan ko lang ito "isang tanong ulit clint..paano mo ko nahanap?" Kalmadong usal ko dito pero alam kong ramdam nya ang kamandag na pagkakabigkas ko

Clint....

Sya yung babae na Maganda nga... Pero napaka delekado naman parang Isang bulaklak na tinatawag na Rose...

Magandang bulaklak pero kung gusto mong abutin ang isang tulad nya na malaka bulaklak na rosas.. matatadtad ka muna nang mga tinik na nakapaligid sa kanya

Beautiful but dangerous

"Hays kahit kailan talaga ang bad mo sakin!"nag pout pa ito bago ngumisi na ibig sabihin ay nag seseryoso na sya

"alangan may mga mata ako sa buong bansa Malori.. dahil kahit san man kayo mag tago nang magaling mong kaibigan na si dallas ay malalaman at malalaman ko kung nasan kayo"confident na pagkakasabi nito sakin

Napangisi ako sa sinabi nya

"Hindi lahat nang mata mo sa paligid Clint nakikita mo..."usal ko dito bago sya binigyan na matamis na ngiti"ni hindi mo nga makita si 'Unknown' " pahabol ko pa rito na ikinasimangot nya

"Argh!" Napasa bunot ito sa buhok nya"ibang usapan na yung taong yun! Hindi ko nga alam kung pano sya nakakapag tago sakin eh!" Badtrip na pag kakasabi nito

Na buntong hininga nalang ako

"Ano sadya mo Clint at talagang hinanap moko hanggang dito?" Tanong ko dito

Sumandal ito sa kina uupuan nya bago tumingin sakin

"Bumalik kana sa orginasasyon "seryoso ang pagkakasabi nito sakin

So... Talagang may balak talagang syang ibalik ulit kami sa lugar nayon.

"Hindi na ako babalik don Clint..masaya nako sa buhay ko ngayon"sagot ko dito at tumayo na sa kina uupuan ko

Tatalikod na sana ako pero napatigil dahil sa sinabi nya..

"Masaya ka sa buhay mo dito?  O baka Naman nag  tatago ka lang  kay Beatrice Salvatore na ex- fiancee mo..."mabilis na humarap ako dito

P-papanong..

"kung Iniisip mo kung papano ko nalaman..."ngumisi ito sakin " Katulad nang sinabi ko sayo kaganina... Kahit san kayo mag punta o mag tago makikita at makikita ko kayo"napairap ako dito

"maliban lang kay unknown.. alien yata yun eh!"

Natawa naman ako dito bigla ang bilis kasi mag bago nang ugali nito parang kani-kanila lang napaka seryoso pero ngayon parang batang nag tatampo na nakasimangot kasi ito

"Hays pag iisipan ko"sagot ko nalang dito na ikinangiti nya naman

Tumalikod na ako upang sana umalis pero napatingin ako sa taong biglang humawak sa balikat ko

"Oh bakit?" Takang tanong ko dito

"Sama moko sa inyo.." sabi nito na ikinataas naman nang kilay ko

"Ano naman gagawin mo dun samin?"pero hindi ako nito sinagot at ngumiti lang

_____+++______

"What the hell?! Bakit nandito yang manyak na yan!!" Napalingon ako kay ashley nang sumigaw ito

Nakatingin ito sa taong kasama ko na todo ngiti lang sa kanya

"Hello babe" nakangiting kumaway pa si clint dito kay ashley na todo simangot naman

Wait wait...

Magkakilala sila??

"Pano naka pasok ang manyak na yan dito?!"

Bakit naman tila galit na galit si ashley dito sa kaibigan kong to?

Eh ngayon lang naman pumunta yan dito?? At anong manyak na sinasabi nito??

"Uhm.. ashley kaibigan ko yan si Clint?? M-mag kakilala kayo?" Nagtatakang tanong ko

"Eh sya nga ang dahilan kung bakit Ako na punta dito eh!!" Rinig kong galit na sigaw ni ashley dito

Nag tatakang naka tingin lang ako sa kanilang dalawa pasalit salit

Nalilito na ako eh

Napansin yata ni clint ang pagtataka sa mukha ko kaya sya na ang sumagot

"She's my Fiancee Malori.."

Oh f*ck..

Nanlalaking matang nakatingin ako dito
Umiwas ito nang tingin sakin

Seriously??!

Ang sadistic na taong ito ay may fiancee???!

"W-what?!" Si clint namumula na ang mukha nito dahil yata sa hiya

"W-wala lang nakakapag t-taka lang kasi ang taong tulad mo na---" pinalakihan ako nito nang mata na nginisian ko lang sya

Ang isang anak din pala ni satanas naiinlove din?

Maikwento nga ko to sa iba...

Ngingisi ngisi lang na nakatingin ako dito

"Hoy alam kong nasa isip mo!!  wag na wag mong sasabihin sa iba ito ah?! Kundi papatayin kita!" Bulong nito sakin

Pero ngising aso lang ang sinagot ko dito

Napatingin ang gawi ko sa taong gumalabog

O sabihin nalang natin na si athena na masamang tingin ang binibigay sa katabi ko

Bakit naman kaya?

Napansin ko na tumayo si Athena sa inuupuan nya kanina at pumunta sa direksyon ko

At ganun nalang gulat ko nang bigla ako nitong hilahin na ikinatanggal nang pagkaka-akbay sakin ni Clint

At hinila papalayo sa kaibigan ko na may pilyong ngiting naka tingin sakin

Ano nanaman nasa isip nito aber?

Napailing nalang ako at nag pahila kay Athena papuntang kwarto namin

------++------

Btw thanks sa nag aabang labyu guys.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 161K 85
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
11K 756 34
An adorable yet hopeless romantic love story of a rich cold-hearted Young Lady, Brynne Viridescence Lancaster, and a simple yet kind-hearted Butler...
3.3M 139K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
22.3K 982 23
Ariana aqua Armstrong mabait,matalino inosente,maganda mayaman pero gusto ng simpleng buhay. Jade Irish Horrison maganda,masungit,cold, perfect but...