Pandemic Love (A Covid-19 Ser...

Dvoenia tarafından

922 39 5

[ Light Story ] Sa isang barangay ng Davao City nakatira ang 20 years old na babae na si Freja Zenneth Crusp... Daha Fazla

- P R O L O G U E -
- C H A P T E R O N E -
- C H A P T E R T H R E E -
- C H A P T E R F O U R -
- C H A P T E R F I V E -
- C H A P T E R S I X -
- C H A P T E R S E V E N -
- C H A P T E R E I G H T -
- C H A P T E R T E N -

- C H A P T E R N I N E -

23 1 0
Dvoenia tarafından


PANDEMIC LOVE ❤

C H A P T E R - N I N E

Naglalakad na kami pauwi since gabi na rin even if na change na ang curfew time into nine pm.

" Akala ko ba meron kayong binili kaya kayo natagalan? " tanong ni kuya, nasa harapan namin ang magulang namin habang nasa likod nila kami nakasunod.

" Meron nga pero hindi namin binili dahil ginawa namin. " nakangising sabi ni papa tumataas-baba pa yung kilay niya. Hinampas naman siya ni mama.

" A-ano bang pinagsasabi mo sa mga bata!?! " si mama.

" Hindi na kaya sila bata! Diba mga anak? " nakangiti ng nakakaloko si papa sa amin.


" Shhh. Kalimutan niyo na sinabi ng papa niyo. Secret dapat yun eh. " pagrereklamo ni mama.


" Wow may pa secret secret pa! " si kuya.


" Baka sExret HAHAHAHAHA para naman kaming others niyan eh. " sabi ko kaya nakatanggap ako ng masasamang tingin at may pa bonus pang batok ang kuya!




" Nasobrahan ka yata!? " si kuya at hinila ang buhok ko.


" Nasobrahan saan? Sa kagandahan?? " ngumiti ako ng matamis sa kanya.

" Nasobrahan sa kamanyakan tanga!! " sabi niya.


" Ouch! Ang sakit nun ah!? Kung makatanga ka naman parang hindi ka rin tanga diyan!! "



Naghahabulan na kami ng kuya ko sa daan. Sila mama at papa naman ay naglalakad habang nagho-holding hands. Sanaol.


" Sana pala sinama ko na si Ishang, di sana ako naiinggit ngayon. " narinig kong sabi ni Kuya.



" Ang kaso busy, " dugtong ko sa sasabihin niya.



" At least merong kami, eh kayo nung pulis mo? Meron bang kayo? " he mocked me.


" Bakit importante ba ang label? Para maipag-mayabang na merong kayo? " tanong ko sa kanya.


" Of course, Importante ang label dahil diyan mo malalaman kung saan ang lugar mo sa buhay niya. " sagot niya.

" Bakit lahat ba ng may label nagtatagal? Hindi naman ah? Ang label ay for assurance lang sa mga takot maiwan at mapalitan, " pairap kong sagot.

" Nasasabi mo 'yan dahil bitter ka lang, "


" Nasasabi mo rin 'yan dahil natakot ka sa sinabi ko, at saka kuya hindi naman ako nagmamadali. We're getting to know each other para sureball na. " sabi ko, inambaan niya lang ako na babatukan.


Hinintay nalang namin ang lovebirds na makalapit sa aming kinatatayuan. Para pa naman sila sa isang music video o kaya ay nasa isang photoshoot sa kasal nila dahil sa sobrang bagal nilang naglalakad at may pa holding hands pa. Sanaol.


" Ito ang school ko nung elementary palang ako, " sabi ni papa sa amin sabay turo sa eskwelahan na nasa likuran namin ni kuya.


" Ah, oo naalala ko nung i-kin-wento mo sa amin 'to noon pa, " sabi ni kuya.



Nakatigil kaming apat sa siradong paaralan ni papa noon. Sobrang andami na ng nabago sa Bolton Elementary School.

" Sobrang nabago na 'to ngayon, " tumingin ako kay papa habang sinasabi niya ito. Makikita ko sa mata niya na naging masaya siya sa panahon niya noong nag-aaral palang siya dito.



" 'Yang puno ng mangga na 'yan? " turo na papa sa malaking puno ng mangga sa gitna, na sa sobrang laki parang may nakakatakot at nakakapanindig balahibo itong kwento. Lima lahat ang puno na nasa harapan pero yung tinuro ni papa ang pinakamalaki.



" Anong meron sa puno pa? " tanong ko.



" Tinanim namin 'yan ng mga kaklase ko noon, " kahit hindi ko kita sa mukha ni papa dahil naka-mask siya, ramdam ko namang nakangiti siya habang nagkwe-kwento.




" At d'yan nagsimula love story namin, " si mama naman ngayon.


Mabilis akong napabaling sa kanya at pansin kong gano'n din si kuya.




" Sa puno ng mangga?! " sabay naming sabi ni kuya. Tumango naman sila mama at papa.


" Pa'no yun? " tanong ko.



Tumingin muna si papa kay mama, tumango naman si mama kaya binalik ni papa ang tingin niya sa amin ni kuya.



" Mahilig kasi mag-cutting classes mama niyo, " pagsisimula ni papa.



Nagulat ako dun syempre, 'di ko kasi inakalang sa ganoong edad nagcu-cutting na si mama. Ako kasi high-school ko na na-experience.


" Sa school kasi ng mama niyo may daanan sa likod nila papunta sa school namin, " sa pagkakaalam ko sa Magallanes nag-aaral si mama. Yun din ang school ko nung elementary ako.



" Sa sobrang dalas niya mag-cutting na---- " di'na tinapos ni kuya si papa magsalita.



" Na-inlove ka kay mama, " si Kuya.

Tumango naman si papa sa sinabi ni kuya.


" Sa manggang yun kasi palagi niyang tinatambayan kasama na syempre mga kaibigan niya. Palagi ko kasing chine-check ang puno na 'yon. At doon ko nakilala mama niyo at nagsimula ang lahat. "




Ang galing, ang puno ng mangga ang naging simbolo ng pagmamahalan nila.



Nagpatuloy na kami sa paglalakad dahil gumagabi na talaga. Nag-aasaran parin kami ng kuya ko. Ilang beses ko na nga siyang nahampas at ilang beses narin niya akong sinabunutan. Para tuloy akong aswang dahil sa buhok ko.



Kaya sa huli naghahabulan na kami hanggang sa makarating na kami sa bahay. Pinaghahampas ko talaga siya ng todo, siya naman ay sinasabutan din ako.




" Tumigil na nga kayo para naman kayong mga bata, " si mama.




Inirapan ko nalang si kuya at pumasok na sa kwarto para mag-bihis ng damit. Paglabas ko ay pinapakain ni papa ng dog food ang mga aso namin. Sobrang pampered lang nila.




Umupo na ako sa sofa namin, si kuya naman ang nagbibihis ngayon sa kwarto. Agad kong nilabas ang phone ko at kino-nnect sa WiFi ng kapit-bahay namin.


In-upload ko 'yong mga pictures namin, una ay yung kaming dalawa ni kuya. Second yung kami na talagang apat. Ang dami kasi naming pictures ni kuya, tapos ang nag myday din ako. Mabuti nga at mabilis ang internet ng kapit-bahay namin. Minsan pag nagrereklamo na siyang sobrang bagal ng net nila ay agad ko itong i-di-disconnect at hihingi ng pang-load.



Ang dami na kaagad ang nag-react at comment. Sino daw yung gwapong kasama ko, jowa ko ba daw yan. Parang tanga lang. Pero 'di ko naman sila masisisi kasi bilang lang ang mga nakakakilala kay kuya at may alam na magkapatid kami. Madalas kasi si kuya sa Maragusan kaya merong mga hindi nakakakilala sa kanya. Mukhang mga kapit-bahay lang namin ang may alam na may kuya ako eh.



Dahil napagod ako sa kakatakbo kanina kumain ulit ako. Hinalukay ko pa ang kasulok-sulokan ng ref namin dito para lang may makakain ako dito.


Nakikain narin si kuya, gutom na gutom daw ulit siya. Eh ang dami nga niyang kinain kanina na rice. Actually siya ang pinaka-last na natapos kumain.




Chi-narge ko ang phone ko at nagpa-alarm para gigising ako mamayang madaling araw para maka-chat ko si ser Rico.


Agad naman akong nakatulog dahil siguro din sa pagod kanina.





Padabog kong ibinaba ang basong hawak ko dahil sa inis. Sobrang cold kasi ng pakitungo ni Rico sa akin ngayon, tapos palaging one word lang palagi nire-reply.




I'm wondering if I did something wrong to him.


Did I offended him? In some other way?What did I do? That's the questions that I've been always asked to myself.



Nung isang gabi pa siyang ganito! Naiinis na ako sa kanya. 'Pag ako napuno hindi ko na rin siya kakausapin.

Okay pa naman kami nung isang araw tapos biglang hindi na ngayon?

I even do nothing to him! Is it my fault? Is it okay to feel guilty even if you did nothing? Ugh! Para na akong mababaliw dito sa bahay! Hindi na nga ako lumalabas dahil naghihintay ako sa message niyang matino! Palaging ' I'm busy ' yung isasagot niya sa akin! O kaya ' Talk to you later '. Pag ako talaga nagsawa sa kanya, pasensyahan nalang talaga.

Hindi ako yung tipo ng babae na maghihintay sa lalaking mag-cha-chat lang kung kailan niya gusto o kaya nasa mood ito. Kung ayaw na niya sa akin, edi, go! Wala naman akong magagawa dahil hindi ko naman siya pag-aari in the first place. Walang kami.


Pero sana diba nagsabi siya sa akin kung hihinto na siya panliligaw sa akin? Nakakainis lang kasi, kung kailan nafa-fall na ako sa kanya dun pa siya hihinto? Sobrang pa-fall naman niya kung gano'n pagkatapos hindi lang ako sasaluhin? Mukhang gusto ko na tuloy maniwala sa mga sinasabi nila sa akin na ' basta pulis maraming babae. '



" Dzae! Ano na? Buhay pa ba? " si Ishang, binibisita ata si kuya.


" Mukha na bang patay na? " walang ganang sabi ko habang nakatingin parin sa phone ko.


" Hayaan mo na siya Bashang, brokenhearted eh, " umirap nalang ako sa kawalan dahil sa pang-aasar ni kuya.



" Ed, iinom mo na 'yan! " walang kwentang suggestion ni Ishang.

" No thanks. "

Natahimik ang bahay sandali. Hindi ko na din sila pinansin dahil busy ako sa kaka-refresh sa phone ko na baka nag-message si Rico. Kung noon ay palaging one word ang reply niya, ngayon ay wala na. Maski seen ay wala, online naman siya pero 'di niya ako nirereplyan o kaya seen man lang.



" Idaan mo nalang yan sa kantahan bes, " si Ishang na nakahawak na ngayon sa mic.



" Ano namang kakantahin ko? "

" Dahil brokenhearted ka raw, kumanta ka rin ng pang brokenhearted para mas dama mo yung sakit. " nakangiting sabi niya.

" Salamat sa suggestion ha? " sarcastic na sabi ko.



" You're welcome my best friend, " pang iinis niya sa akin.



Kinuha ko nalang ang remote na hawak ni kuya at naghanap sa YouTube ng mga videoke chuchu. Ano ba ang magandang kantahin, yung old songs or new songs?


After several minutes of thinking I finally make my decision. Kakantahin ko yung ' Because of you ' by Kelly Clarkson

" Wow bigay na bigay ah? Parang naging kayo? " komento ni kuya kaya inirapan ko siya.

Bakit yung mga may jowa lang ba ang may karapatan maging brokenhearted?

" Sabi sa'yo di'ba importante ang label? " si kuya.

" Oo na, pero di naman kasi ako naghahangad ng mas mataas pa. " sabi ko.

" I-kanta mo nalang ulit 'yan! " ang supot este supportive kong best friend.

Sinunod ko naman yung utos niya at kumanta ulit. 'Yung kanta na nababagay sa nararamdaman ko ngayon.


I've always been the one to say the first goodbye
Had to love and lose a hundred million times
Had to get it wrong to know just what I like
Now I'm fallin'

Pinalakpakan ako ng dalawang baliw dito. May kasama pang sigaw ang isa.

You say my name like I have never heard before
I'm indecisive but this time I know for sure
I hope I'm not the only one that feels it all
Are you fallin'?

Feel na feel ko 'yong pagkanta dahil nakaka-relate ako dito.

Center of attention
You know you can get whatever you want from me
Whenever you want it, baby
It's you in my reflection
Now I'm afraid of all the things it could do to me
If I would've known it, baby

I would've stayed at home
'Cause I was doin' better alone
But when you said, "Hello"
I know that was the end of it all
I should've stayed at home
'Cause now there ain't no letting you go
Am I falling in love
With the one that could break my heart?
Oh no, I was doin' better alone
But when you said, "Hello"
I know that was the end of it all
I should've stayed at home
'Cause now there ain't no letting you go
Am I falling in love
With the one that could break my heart?

Am I? Tanong ko noon na nasagutan na ngayon.

I wonder when you go, if I stay on your mind
Two can play that game, but you win me every time
Everyone before you was a waste of time
Yeah, you got me

Bigay na bigay ako habang kumakanta. Naramdaman ko nalang humawak sa pisngi ko si Ishang.


" Don't cry, " nabigla ako sa sinabi niya kaya agad akong napapahid sa mukha ko.


May naramdaman akong basa dun, pinilit ko nalang ngumiti sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ako naiyak eh nakakaindak yung kinanta ko.


" 'Wag kang mag-alala, mahal ka nun. " si kuya habang pina-pat ang likod ko na nagmumukhang hampas na dahil sa lakas.



" 'Wag ka nga! Punta nalang tayong 7/evelen, libre niyo ko. " pag-aaya ko sa kanila.


" Mag-solo ka 'wag mo na kaming isama, " ang sama talaga ng kuya kong ito.



" Pati comfort wala? Anong klase kang kuya? Charrot tara libre niyo ko. " sabi ko at nauna ng lumabas ng bahay.


" Ang KAPAL ng mukha! " narinig kong sigaw ni kuya. Napangisi nalang ako.

" Saan tayo na 7/11? " si beshiewap.

" Sa Atchup Boulevard, " at nag Sukarap pa ako. ( gamit at index at middle finger na nakatutok sa temple )

" Oh mask mo, " tinapon ni kuya sa mukha ko yung mask na hawak niya. Mahal talaga ako ng kapatid ko, sobra. Mark the sarcasm please.

" Ba't ayaw mo sa Ecoland? " si Ishang.

" Ayaw kong tumawid sa tulay dahil may fear of heights ako. " dadaanan pa kasi ang Bolton Bridge bago makarating sa Ecoland tapos maglalakad lang kami.

" Asus, ang sabihin mo, ayaw mo lang dun kasi malapit sa police station! " si kuya.

" Malapit din naman dun sa may Boulevard, " sabi ko.

May police station din kasi dun sa may unahan ng 7/evelen.

" Doon nalang na 7/11 sa Boulevard, " si Ishang, kaya mahal na mahal ko 'to eh.

" Sabi ko sayo sa Boulevard na 7/evelen eh, " pang-aasar ko sa kanya. No choice siya kasi sa'kin kumampe jowa niya.

" Ba't ba 'seven-evelen' tawag mo sa 7/11? " tanong niya bigla nung nagsimula na kaming maglakad.

" Trip kong baliktarin lahat ba't ba? "

" Kaya ba pati utak mo ay baliktad din? Pati Jollibee, Jobillee tawag mo. "

" Very good observation, " puri ko sa kanya.

Patuloy kaming nagbabangayang tatlo ang pinakakawawa ay si kuya dahil kampi kami ng girlfriend niya.

Pagpasok namin sa 7/evelen ay agad kaming nag alcohol bago pumunta sa mga nakahilerang pagkain.

Dahil libre nila agad akong kumuha ng mga chichirya. Pinili ko pa talaga yung malalaki.

" Mauubos mo ba 'yan? " si kuya.

" Of course ako pa! Wala ka bang tiwala sa t'yan ng kapatid mo? " sabi ko pa.

Napailing nalang silang dalawa sa akin. Ano bang mali sa kumain ng marami? Eh, ang sarap kumain bakit ko pipigilan ang sarili kong kumain ng madami? Wala din akong pakialam kung tataba man ako! Basta ang sarap kumain period.

Pumila na kami sa counter.

" Gusto mo nang ice cream? " tanong ni kuya na agad kong ikinatango.

" Anong flavor gusto mo Bashang? " tanong ni kuya.

" Bubblegum, "

" Sa akin chocolate, eh, sa'yo? " nilingon pa ako ni kuya ng tanongin niya ako, nasa harapan ko kasi silang dalawa.

" Mix nalang ayaw ko ng may kapareha ng flavor sa inyong dalawa, " sabi ko.

" Ang arte ha? " si Ishang sabay sabunot sa walang suklay kong buhok.

Masaya naman akong dinidilaan ang ice cream ko nung pauwi na kaming tatlo. Paniguradong hindi kami huhulihin dahil may kinakain kami.

Padaan na sana kami sa checkpoint na may pamilyar na lalaking naka-uniform doon na may hawak na babae sa bewang. Nasa kabilang lane sila na dinaanan namin kanina papuntang seven-evelen, ngayon nasa kabilang lane na kami dahil tumawid kami.

Naglakad silang dalawa papunta sa sasakyan na naka-park sa unahan na kulay puti. Nakahawak parin sa bewang ang kamay ng lalaki at pinagbuksan ng pinto sa sasakyan nito.

Nabitawan ko ang ice cream ko ng makita ang sunod niyang ginawa.

Hinalikan ni Rico ang babae.




_________________
🐇

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

18.8K 2.7K 22
දන්නවද ආර්ය්‍ය..❟ පෙති තලලා මල කැඩුව පමණටම බඹරෙක්ට මලක් අයිති වුන්නැහැ..! සේමිය- උබ කියන මගුලක් මට තේරෙන්නෑ ඕයි හැබැයි මෙච්චරයි බඹරෙක් නෙවෙයි මොකෙක්...
22.3K 699 29
the story takes place in Nevermore where Wednesday meet a tribrid that is Hope's twin sister who was misplaced at birth. her name is Faith Mikaelson...
50.2K 6.6K 55
"ඒයි ඇටිකිච්ච ඔහොම ඉන්නවා" "නේත්‍ර, නේත්‍ර... මගේ නම නේත්‍ර" "මොකද උඹේ කට ඔච්චර සද්දෙ, මට ඔය වයසට වඩා උඩ පනින්න දඟලන ඇටි කිච්චන්ව පේන්න බෑ. ඒ නිසා මට...
14.3K 408 13
"𝑪𝒂𝒖𝒈𝒉𝒕 𝒎𝒚 𝒆𝒚𝒆, 𝑰 𝒂𝒊𝒏'𝒕 𝒆𝒗𝒆𝒏 𝒂𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒑𝒐𝒕 𝒄𝒖𝒛 𝑰 𝒃𝒆 𝒐𝒏𝒕𝒐 𝒚𝒐𝒖"