Pure blood Series 4: Adopted...

By Misa_Crayola

404K 3.1K 407

Her parents died when she was four. She doesn't have any relatives that's why she became one of the children... More

ADOPTED BY THE VAMPIRE KING
Prologue
ATVK: 1
ABTVK:3
ABTVK: 4
ABTVK: 5

ABTVK: 2

14.5K 390 74
By Misa_Crayola

Dedicated sayo! *u* .. yieee ! hahaha kahit feeling ko minsan nagcomment ka kahit di mo talaga nababasa ng husto e hahaha joke! ;))

                                            ADOPTED BY THE VAMPIRE KING 

                                                                        CHAPTER 2

ZORDICK MANSION

Si Vincent Zordick ang itinalagang Vampire Master kapalit ng kanyang Amang si Vlad, ang pamamahala niya ay umabot na ng sampung taon, at sa nakaraang limang taon naging isang malupit na Hari. Wala  siyang pinatatawad kapag nagkasala, hindi naniniwala si Vincent sa pagdinig ng isang kaso kaya naman napakamalas ng napagbibintangan lamang.

 " Kuya! " Mabilis na niyakap ng ngiting-ngiting si Jasmine si Vincent na kasalukuyang nakatingin sa water falls na nagdudugtong sa lupain nila, patungo sa ibang dimensyon ng mga Vampires o hiwalay na mundo ng Lolong si Drifher, ang lugar na nais niyang makamit at pagharian.

" Alam mo ba maraming nagkakagusto sakin, pero siyemre ikaw padin ang best man ever ko! " si Jasmine na niyakap pa ng mahigpit si Vincent,

" Pinagseselos mo ko ganon? " si Vincent na ang ngiti ay nasisilayan lamang kapag kasama nito ang kapatid na mas nakababata , si Jasmine.

" Sus! Hindi no, namiss nga kita pati si Mommy that's why I'm here! Let's go inside my dear brother I have something for you  " hinila na ni Jasmine si Vincent papasok ng Mansion nila, agad naman umayos ang mga Vampire Slaves sa magkabilang paligid at sabay-sabay na tumungo.

" King Vincent, m-may tawag kayo .. mula sa .. ano .. Hunter Association " tila natatakot na wika ng babaeng lumapit kay Vincent at Jasmine, ang Hunter Association ay pag-aari nila at tanging lugar para makapasok ang tao sa lugar ng mga Zordick.

" Bakit daw? " walang ngiting tanong nito, lalo namang pinawisan ang babae.

" Kuya! tignan mo natatakot siya ngingiti ka kasi! " si Jasmine na hinarap ang babae, " ..bakit daw? " 

" Si Master Shin, nasa.. hunter association " sagot nito ng may pagaalinlangan sa pangalang binanggit.

" Si Shin? " tila nabigla pa si Jasmine ng marinig ang pangalan na pinagkasundo sakanya na pakakasalan pagdating ng ika-labing walong taon nito, mas matanda siya kay Shin at may-isip na ng isilang ito. 

" Papasukin siya " si Rain na pababa ng hagdanan,

" Mommy ! " si Jasmine,

" King Vincent? " ang babae, nakadama naman ng pagkainis si Rain sa lugar na iyon, wala ng kumikilala sa mga salita niya ang salita lamang ni Vincent ang nasusunod.

" Sige " walang emosyong sagot nito.

Kasalukuyan silang nasa hapag kainan ng dumating si Shin ng walang kahit anong emosyon. " Hindi ko alam kung bakit  pinasusundan mo'ko, ilang beses na nila kong binalak patayin " si Shin na ang titig ay nakay Vincent na ngumiti pa.

" Kung mapapatay ka nila, mababang uri ka lang talaga .. oo nga pala your just a half blooded Vampire " pinagdiinan pa ni Vincent ang " just " .

" Vincent ! " si Rain sa anak,

"  Kumain ka muna " si Jasmine na hindi ito matitigan, alam niya ang away na nagaganap dito at sa kapatid.

" Lalasunin mo ba'ko? " ngisi ni Shin, tumalim naman ang tingin ni Vincent kay Shin, kahit kailan hindi niya hahayaan na may nanghahamak sa kapatid niya. Naupo si Shin sa isang upuan kahit hindi ito pinauupo, nginitian naman ito ni Rain " Maayos ka lang ba? " si Rain,

"  Gusto ko lang dalawin ang Soon to be brother-in-law ko, hmm pakiramdam ko lang uso sa pamilya niyo ang nagkakaroon ng relasyon ang magkapatid" si Shin na nagalumbaba pa, sa sinabi nito nabitiwan ni Jasmine ang kutsara niya dahil sa biglaang panghihina, si Vincent naman masama ang tinging ipinukol kay Shin.

" What do you mean? " si Rain, kahit pa may nagaganap na hidwaan sa anak niya at kay Shin na anak ni Crescent hindi niya ito itinuturing na iba, isang anak ang turing niya dito lalo pa at nakahabilin sakanila ang pangangalaga at pagpapalaki dito.

" Nothing, so I'll be glad kung hindi niyo ko lalasunin " si Shin na nagsimulang kumain ng may ngiti, 

" Mommy, sandali sumakit kasi yung ulo ko " si Jasmine na agad nagpunas ng labi at tumayo para magtungo sa okupadong kuwarto.

" Hindi totoo ang iniisip mo sakanila " si Rain na alam na ang dalawang anak niya ang tinutukoy nito.

" Wala akong sinabi na sila, bigla ko lang naisip " si Shin na nginitian si Rain, lalo lang niyang ginagalit si Vincent na kumakain ng tahimik.

" Magpapakasal na si Vincent, isa pa magpapakasal sayo si Jasmine isang taon mula ngayon " si Rain na ngumiti rin,

" O? magpapakasal ka na? hindi mo talaga ko balak imbitahan " ngiti ni Shin kay Vincent na nabigla din sa sinabi ng Ina, wala siyang alam sa sinasabi nito ngunit lalo lang lumabo ang tyansa na magkaroon sila ng maayos na pamilya dahil sa pagpipilit nitong ipagkasundo si Jasmine kay Shin, dahil noong isilang si Shin itinakda na ito sa kapatid niya na noon ay pitong taong gulang.

__

" Bakit niya alam! " si Jasmine nang ihatid siya ni Vincent sa tinutuluyan niyang bahay sa mundo ng mga tao, nasa loob na sila ng bahay ng sabihin iyon ni Jasmine.

" Kuya naman, wag mo na kasi siyang guluhin! malayo naman siya sa'tin, isa pa natatakot ako sakanya hindi ko alam kung bakit pero ayoko siyang nakikita pakiramdam ko nababasa niya lahat ng naiisip ko " naiiyak na si Jasmine, kaya niyakap ito ni Vincent.

Sa mga Vampires hindi kasalanan ang pagkakaroon ng relasyon sa kadugo, ang ganoon ay madalas nagaganap sa mga Royal blood Vampire upang hindi magkaroon ng anak na kalahati lamang ang dugong Royal blood, ngunit sa paglipas ng panahon ang ganoong relasyon ay hindi na maganda sa paningin ng nakararami. Si Jasmine at Vincent ay  mga Pureblood Vampire, ang kanilang Ina ay Pureblood at ganoon din ang Daddy nila isang Ancestor, Pureblood.

" Totoo ba na magpapakasal ka na? wala ka namang sinasabi sakin! " si Jasmine na nilayo ang sarili sa kapatid.

" Kailangan nating alisin yung pagdududa ni Mommy, I'll go now " hinalikan niya ang kapatid sa noo.

" What do you mean? " Tinulak niya si Vincent na nagulat naman. " So it's true your marrying someone? " asar na wika niya dito.

" Jas .. "

" Get out ! " sigaw ni Jasmine.

" Stay calm Jasmine! " 

" No I can't ! "

______

" Kanina ka pa ? " Si Shin na biglang sumulpot sa harapan ni Nicole na ikinabigla nito, nangiti naman si Shin dito. Magdidilim na at kailangan na niyang umuwi.

" Late ka! hindi tayo nakakapagpractice, baka maging katawa-tawa tayo" si Nicole na nakangiti habang yakap ang dalawang libro, nakatingala siya kay Shin na ngumiti naman sakanya.

" Lagot ka kay Mother superior! " si Shin na ikinatawa nilang dalawa, it's been a week simula ng maging maayos ang relasyon nila bilang magkaklase at magkaybigan na rin, madalas sinasabi niya na lagot siya kay Mother superior kaya naman natawa talaga si Nicole ng sabihin iyon ni Shin.

" Ihahatid na kita, para makita kitang pagalitan ni Mother Superior" si Shin na hinawakan sa isang kamay si Nicole na ikinabigla nito, namumula siya at hindi makapag pokus.

" Wag na.. " Natigilan si Nicole ng huminto si Shin, tinitigan niya to ng may pagtatanong. " Ipikit mo yung mata mo mag mamagic ako " si Shin, alanganin man pumikit parin si Nicole hindi niya alam na sa pagbitiw nito sa mga kamay niya ay nawala ito sa tabi niya. Naglakad si Shin patungo sa isang madilim na direksyon at nginitian ang tatlong Vampire na nagmamanman sa kilos niya, sa bilis ng pagkilos ni Shin hindi nakita ng mga ito ang naging pagkilos ni Shin na ngayon ay nasa harapan nila at hawak sa kaliwang kamay ang dalawang pusong tumitibok pa at ang isa naman sa kanan, agad na tinignan ng tatlo ang mga dibdib at nabigla sa nakitang butas, doon lang nila naramdaman ang sakit nakita nila ang pagkukulay itim ng puting parte ng mata nito at pagkukulay pula ng kanina'y kulay marble na mga mata.

" Papatayin ko lahat ng may kaugnayan sa pamilya nila, pababagsakin ko kayo at dudurugin " mahina man nagbigay takot sa tatlo na umuusal ng awa kay Shin

" Maawa ka! napagutusan lang kami! "

" Wala kaming balak gumawa ng masama! "

" Master wag. .! " 

 Pinagbunggo niya ang tatlong puso ng malakas  na nasa magkabilang kamay hanggang mapino iyon at maglaho kasabay ng tatlong namilipit sa sakit at naging abo.

" Shin?!" si Nicole, hindi siya nagmumulat, medyo matagal na kasi.

" Magmulat ka na " si Shin,

Nagmulat naman ito ng dahan-dahan at nakita niya agad ang ngiti nito hawak ang isang ibong may iba-ibang kulay na ikinangiti naman ni Nicole.

" So, paano yan nangyari? at anong magic diyan? " si Nicole na ngiting-ngiting kinuha ang ibon at inilagay sa balikat. " Sakin naba to? " - Nicole

" Oo, token para di ka pagalitan ni Mother Superior! " ngiti ni Shin,

" Saan ka pala magaaral ? " si Nicole habang naglalakad sila,

" Hindi na siguro, may mahalaga akong gagawin. Isang bagay na mas mahalaga pa sa buhay ko " si Shin, nauna na itong maglakad at nilingon siya sabay taas ng kamay bilang pamamaalam dahil dumaan na ito sa gate ng ampunan. 

" Isang bagay na mas mahalaga sa buhay? " - si Nicole, totoo na may nararamdaman siya para dito na mas lalong tumitindi sa bawat araw na nakakasama niya to, kaya naman marami siyang gustong malaman dito ngunit ang pamilya nito ay hindi kailanman pumunta sa ekswelahan, tinanaw niya ang tinutugma nitong daan patungo sa mas masukal na kagubatan.

" Taga doon ba talaga siya? " - hindi niya mapaniwalaan na taga gubat ito, bukod sa masukal ay mapanganib pa. Isa pa, wala siyang nabalitaan na may bahay sa dulong bahagi na iyon, bigla tuloy ang daming tanong sa isipan niya. 

Pagkarating niya sa loob ng ampunan nangiti siya ng makita ang isang magandang sasakyan, mukhang isa na naman ang maampon ng mayamang pamilya at magkakaroon ng magandang kinabukasan. Ngunit agad siyang nahinto ng bumaba sa sasakyan na iyon ang lalaking matagal niyang hindi nakita, sakto na pagbaba nito nagkatitigan sila.

" Hindi man lang siya tumanda, siya na nga ba'to? " sa isip niya naglalaro ang mga salitang iyon.

" Kamusta kana? Shine " ngiti ni Vincent kay Nicole, Shine ang tawag nito sakanya hindi niya alam kung bakit. Hindi umabot ang ngiti nito sa mga mata, bumalong ang mga luha ni Nicole, matagal niyang inasam na makita itong muli at ngayon na narito na to sa harapan niya nagagalak siya ng husto, walang nagbago dito tila nga mas lalo pang nadagdagan ang angking kakisigan nito. Walang itulak-kabigin kay Shin at Vincent.

" I'm so glad that your here now " Nicole,

" I just wanna see you, I will show you something.. " -- Vincent,

" Hindi ka parin nagbabago " si Nicole na hindi mapaniwalaan na hindi man lang ito tumanda kahit kaunti.

Nicole's POV

Isinama niya ko sa isang lugar, nakasakay kami sa sasakyan niya isang simpeng baby blue dress lang ang suot ko. Napakaganda ng mata niya, parang si Shin may kakaiba sa kulay ng mga mata nila. Ayon sakanya tatlong araw niya kong hihiramin, hindi naman ako nagdalawang isip matagal kong hinintay na muling makita ang lalaking dahilan kung bakit nakakapag-aral ako , siya rin ang may pinakamalaking ibinibigay sa ampunan sa kondisyong aalagaan ako at hindi hahayaang mapabayaan ang pag-aaral ko.

" Hunter Association? " bigla kong nasabi, kitang-kita ko ang malaking lugar na kulay puti at may emblem na dalawang espadang naka-krus , simbolo ng hunter association, siyempre alam ko naman na may ganitong uri ng organisasyon sabi nila may Vampires daw talaga, hindi pa naman ako nakakakita kahit isa e! -_-

Bumukas ang malaking gate ng awtomatiko, pumasok doon ang sasakyan hanggang makarating sa pinakaparadahan malapit sa isang babaeng sirena na tinatawag nilang Virgo, may hawak itong banga at nasa pinakasentro ng malaking fountain na napapaligiran ng magagandang bato at tila sobrang tibay ng pagkakagawa! Rebulto siya, baka akala niyo totoo.

Masyado palang tahimik si Vincent, hindi siya nagsasalita at tuwing gusto ko siyang kausapin nakikita ko na nakatingin siya sa bintana kaya hindi ko siya nakakausap. Bumaba kami ng may mag bukas sa pintuan namin na mula sa guwardiya ng asosasyon.

" Magandag araw Master Vincent " tungo ng limang lalaking iyon, pare-pareho silang nakasuot ng puting uniporme ng Hunter association. 

" Magandang araw po " ako na tumungo din, si Vincent kasi nagtuloy-tuloy siya na di man lang sinagot yung pagbati ng lima, halos mapatid ako sa paghabol sakanya, iniwan ba naman ako! >,< ang ganda ng katawan niya, ang guwao niya pag nakatalikod din ! hay Nicole, wag kang magkakagusto sakanya mahirap magmahal ng dalawang lalaki masakit yun sa ulo! 

"  Shine -? " si Vincent bigla siyang lumingon sakin, nakakunot yung noo niya ang layo niya kasi sakin ang bilis maglakad! may gulong yata to sa paa e.

" Master Vincent, gagamitin niyo ba ang underground tunnel? " rinig kong sabi nung isang matangkad na lalaki, mas matangkad siya kay Vincent nasa 7ft plus siya at malaki ang katawan parang si Hulk. Sumunod lang ako sakanila, nakatingin ako sa paligid kada-may makakakita kay Vincent tumuntungo sila kahit pa malayo na ito sakanila, grabe big time siya? siya ba ang may-ari ng Hunter Association? isa siyang Vampire Slayer? O.O

" I will show you who I am " si Vincent, hinawakan niya ko sa kamay na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Malamig ang kamay niya, napakalambot hanggang makababa kami sa hagdanan na sabi nga ng kasama naming si Hulk , este kasing katawan ni Hulk na Underground tunnel to.

" Anong meron dito? " ako, ang ilaw na ginagamit ay mga kandila lamang at natatakot ako dahil kulay itim, nakapatong ang mga iyon sa mga bato, para akong nasa mundo ni Dracula! (*u*

" Himlayan ang lugar na ito ng mga Vampires na may mataas na level, nahatulan ng kamatayan o piniling magpahinga na sa haba ng panahon na inilagi sa mundo " si Vincent ,ang seryoso niya pero kinilabutan ako sa sinabi niya, baka mamaya may umatake sakin at kagatin ako tapos mamatay ako kagaya sa Vampire diaries! ><!

" Master , itutuloy ba ang paghahatol ngayong araw? " si Hulk boy, nakarating kami sa isang malaking pintuan na may malalaking kandado na binukas ni Hulk boy.

" Wilson, ile de fi "  si Vincent, anong lengguwahe iyon.

" Yes Master Vincent " si Wilson, ano kaya yun ? buti pa sila nagkaintindihan!

Pagbukas nang pintuan tumambad sakin ang isang kakaibang dimensyon , isang lugar kung saan may isang malaking Mansion na maihahalintulad sa Palasyo, waterfalls na napakalinis ng tubig tanaw na tanaw ang bato at isda sa ilalim, mga punong kahoy na napakalalago at paru-paro, makulimlim man ang paligid hindi naman matatanwaran ang ganda ng lugar.

" Dito sa lugar na'to ka na mag-aaral, isasama na kita " si Vincent, tinignan ko kung saan siya nakatingin at nakita ko sa di kalayuan ang tatlong magkakalapit na gusali. 

Pharmaceutical building , Dormitory at Zordick University (V&H ).  V for Vincent? siguro yung H , kapatid niya. 

" K-kayo ang may-ari non ? " ako, nakakamangha sobrang laki ng lugar, maluwag , makulimlim, mapuno ngunit mukha namang safe at isa pa para talaga siyang paraiso. 

Mukha naman hindi matao? ano to kanila lang? isa pa nasa likod ba'to ng hunter association? Nilingon ko yung pintuan sa likod namin pero kinilabutan ako ng wala na iyon doon at isa ng malaking stadium ang nakita ko, at mga matatalas na bakal na may patalim sa dulo na nagkalat sa paligid, yung mga nasa palabas para hindi lapitan ng mga Vampires takot daw kasi ang mga itong masugatan dahil matagal maghilom. 

Kung gaano kaparaiso ang lugar na una kong nakita, ang likuran ko naman ngayon ay tila kumitil na ng maraming buhay. Pakiramdam ko nanghihina ako, may nakita akong pugutan ng ulo na may bahid pa ng dugo, kahit kailan hindi tama ang pumatay isa iyong kasalanan! kapag ba Vampires hindi kasalanan dahil mula sila sa masama?

May kamay na tumakip sa mata ko " Shine, sa bawat mundong papasukin ng tao may mga patakaran. In this place, death sentence exist. " kinilabutan ako sa sinabi niya, bukod sa napakalamig ng boses niya para din siyang ibang nilalang sa lalaking nakita ko noon na nakangiti sakin, hindi nagbago ang pisikal niyang anyo mali ba ako ng pagkakakilala sakanya?

Hinarap niya ko sakanya at nginitian, sabay halik sa noo ko. " Are you scared? " hindi ko siya magawang ngitian, pero pinilit ko.

" Sorry, hindi ako sanay.. " amin ko sakanya.

" Dapat ka ng masanay, this world will be yours too " 

" World? " ako, it means ba ang lugar na to inihihiwalay nila sa realidad?

" A paradise that turns into hell when you choose to be a sinner " - siya, in jsut a snap I saw his hands full of bloods, isa lang iyong imahinasyon ng isip ko. ><!

 * READ. VOTE. COMMENT *

 Thankyou sa pagpasok ninyo nito sa top 5 and then top 3! *u* panandalian man itechiwaa.. masaya na ko kasi chapter 2 palang to ihh ;>> keep reading ! comment at vote wag kakalimutan hihi.

Continue Reading

You'll Also Like

71.7K 2.1K 15
Meet the P5NTA Brothers! THE five 'hawt' guys, with old name, old fame, and old money. Introducing: CLINT MONTEVERRO - The Campus Sweetheart/Cold-Hea...
5.5K 657 21
Love turns evil to good. [BROTHERS #2] November 2019 - February 2020 •| ⊱✿⊰ |• Order of the Trilogy Bad Brother Evil Brother Wicked Brother •...
128K 5.3K 49
" Pinipilit kong lumaban pero yung taong pinaglalaban ko, iniintay nalang yung pag suko ko "- Tamara Mendoza 【Lost #1】 cover by: eulu-xuria ❤
14.9M 481K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...