ATVK: 1

18.5K 450 53
                                    

Misa_Crayola's 

                                                         

                                  "     ADOPTED BY THE VAMPIRE KING I  "

                                                                          

" Magandang Araw po! " Masiglang sabi ng mga batang nasa tatlo hanggang sampung taon sa mag-asawang naghahanap ng aampunin sakanila. Tumingin ang babae sa asawang lalaki ng may ngiti dahil napakasigla ng mga ito, kung maari lang umampon ng marami. Si Nicole na anim na taong gulang naman ay di nakibati sa mga ito, naroon lang siya sa isang swing. Gusto niyang maging isang madre katulad ng mga sisters sa Saint Rose of Lima.

" Sigurado ka ba na ayaw mong magkaroon ng bagong pamilya? " Mabilis na napalingon si Nicole sa boses ni Sister Jenny at ngumiti ng walang pilit.

" Opo, salamat sister dahil hindi niyo na po ako pinipilit. " ngiti pa niya muli rito,

" Osiya sige, halika at tulungan mo akong maghanda ng Lunch ninyo " si Sister Jenny na hinawakan siya sa kamay, nagkukuwentuhan pa sila bago makarating sa loob at nagtungo sa malaking kusina.

" Sister, gusto ko na talagang magsuot ng ganyan " si  Nicole na ngiting-ngiti na  itinuro ang belo ni Sister Jenny na ikinangiti nito.

" Nicole, bata ka pa marami pang pwedeng mangyari, kung gusto mo ngayon na maging katulad ko maaring sa paglaki mo hindi mo na gusto kaya wag kang magmadali " ngiti ni Sister Jenny na naglalagay ng mga pinggan kapantay ng mga upuan ng mga bata.

" Sigurado na ako sister, promise! " ngiti pa ni Nicole na siya namang naglalagay ng kubyertos sa gilid ng bawat plato.

" Sister Jenny " Isang sister pa na biglang lumitaw sa pintuan ng hapagkainan.

" Magandang umaga po Sister Jing! " masiglang bati ni Nicole.

" Magandang umaga pretty girl " ngiti ni Sister Jing, pero may kaibang kislap ng kalungkutan sa mata nito, saglit na naiwan si Nicole sa hapagkainan dahil lumabas ang dalawang madre.

" Mahal na mahal ko ang lugar na'to, totoo na nakakalungkot na nawawalan ako ng mga kaybigan ilang beses na pero okay lang kung nakikita ko naman na sobrang saya nila na sa wakas may magpapalaki na sakanila. " si Nicole na nakangiti habang kinakausap ang isang ibong maya.

        Sa edad niyang anim ilang pamilya na ang gustong ampunin siya, hindi maikakaila na napakaganda nitong bata. Si Nicole ay naulila noong apat na taon siya, namatay sa aksidente ang mga magulang niya, nasa iisang sasakyan sila ng mabunggo sila ng malaking truck na nakapagpahagis sa  nang malayo sa  sasakyan nila. Himalang nakaligtas siya at gasgas lang ang tinamo, ang papa niya ang humarang sakanya kaya ito ang tinamaan ng bakal na lumusot pa sa katawan nito, maging ang Ina na nagdadrive ay dead on arrival nadin lalo pa at madaling araw naganap ang aksidente wala agad nakasaklolo sakanila.

  Makalipas ang limang araw tuluyan ng napuno ng iyakan ang Saint Rose of Lima, kailangan na nilang lisanin ang lugar at pumunta sa panibagong ampunan na pagdadalhan sakanila, marami ang mga bata sa Saint Rose of Lima kaya naman kailangan paghiwa-hiwalayin ang mga ito.

Pure blood Series 4: Adopted by the Vampire King!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon