IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF...

By ImaginationNiAte

3.1M 82.3K 18.6K

[POLY] IDLE DESIRE 4: HELLION TRIPLETS PUBLISHED UNDER IMMAC PPH | Available on Immac shopee. She was rich, g... More

D I S C L A I M E R
I N T R O D U C T I O N
P R O L O G U E
1: 🔞
2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
EPILOGUE
ACKNOWLEDGMENT
TWINS OBSESSION
SPECIAL ANNOUNCEMENT
ANNOUNCEMENT 2
BOOK COVER
BOOK DETAILS
BOOK SIGNING
PRE-ORDER & SHOPEE

KABANATA 8

71.4K 2K 305
By ImaginationNiAte

KABANATA 8:

Aeliana Hiraya's

          AYAW naman kaagad magsink-in sa utak ko 'yung mga narinig ko nang ikinuwento na sa akin ni Aubree lahat ng mga nalalaman niya tungkol kila Lorcan o mas kilala talaga sila bilang Hellion Triplets. Hindi rin ako lubos makapaniwala sa mga nalaman ko mula sa best friend ko.

Kapwa rin kaming dalawa na nandito sa likuran ng school at nakaupo sa ilalim ng narra tree para tumambay habang may bakante pa kaming oras. Kakatapos lang rin magkwento nitong si Aubree sa 'kin. At heto ako, biglang napaisip sa hindi ko maintindihan. Ang dami kong nalaman tungkol sa tatlong magkakambal na iyon.

"Talaga ba? Ganoon sila kagaling sa kama? As in?" 'di makapaniwala kong tanong kay Aubree nang ilang minuto kaming dalawa na tahimik. Hindi talaga ako makapaniwala at parang ayaw kong maniwala. Pero kilala ko naman itong best friend ko. Kaibigan ko na siya, matagal na at hindi rin niya ugaling magsinungaling sa akin.

Tumango-tango naman siya habang kumakain ng ham sandwich na binili niya kanina sa school canteen. Hindi ko tuloy magawang kainin 'yung pagkain ko dahil sa mga kinuwento nitong kaibigan ko sa akin. Nagtatalo ang isipan ko kung paniniwalaan ko ba siya o hindi pero nahahatala ko naman dito kay Aubree na nagsasabi siya ng totoo. Never siyang nagsinungaling sa akin, at mas lalong hindi rin niya kayang gumawa ng kwento.

"Ika nga nila, sharing is caring. Naghahati silang tatlo sa iisang babae at iisa lang din ang taste nila, bagay man o sa babae. Hindi rin sila madamot sa isa't-isa pero hindi nila ugaling mag-share sa iba kung ano man ang meron 'yung Hellion Triplets," mahabang sagot ni Aubree sa akin bago siya malalim na huminga.

"Aba, girl! Matinik kaya sila pagdating sa babae dahil kung sino man ang matikman ng isa ay ipapatikim din niya ito sa dalawa. Ganoon sila katinding tatlo dahil motto nila ang sharing is caring." dagdag niya pa bago niya ulit lantakan 'yung pagkain niya.

Nilunok pa muna niya 'yung nginunguya niya bago siya nagpatuloy, "Sabi nga ng iba, para raw silang mga mababangis na leon na handa nilang sakmalin at tikman ang kanilang biktima. Ganoon sila katindi pagdating sa pagpapaligaya sa mga babae nila. Sabi ng ibang mga girls, monsters daw sila sa kama!"

"At saka hindi lang sila mga playboy, Ael. Mga fuck boys din sila kaya mag-ingat ka sa kanila dahil baka makita mo na lang ang sarili mo na kasama ka na sa mga toys collection nila." Inubos na rin niya 'yung kinakain niyang ham sandwich. Napaisip naman ako, totoo kaya iyon?

"Weh? Hindi nga? Natikman mo na ba sila?" wala sa sariling tanong ko sa kanya dahilan para muntik na niyang mabuga 'yung kinakain niya. Dali-dali naman siyang napainom ng soft drinks.

"Aba, bakit mo naman na tanong 'yan?! Mukha ba akong papatol sa mga fuck boys na hindi marunong magseryoso ng babae?!" asik niya at inirapan ako.

Napa-shrugged naman ako ng balikat, "Para kasing kilalang-kilala mo sila kaya nagtanong ako kung natikman mo na ba sila." inosente kong sabi. Ang dami niya kasi talagang alam tungkol kila Lorcan. Malay ko ba kung isa rin itong best friend ko na natikman ang Hellion Triplets pero hindi lang niya sinasabi sa akin.

Marami pa namang crush itong si Aubree, halos araw-araw rin siyang nagpapalit ng crush. Makakita nga lang siya ng gwapo ay crush niya na agad. Pero kilala ko naman itong kaibigan ko, hindi niya ugaling pumatol sa kahit sino. Wala pa nga siyang naging nobyo kagaya ko. Mataas din ang standards niya sa lalaki.

"Hay naku, Ael. Hindi ko sila natikman, 'no! Pero marami na ang nakatikim sa hot, yummy at sexy nilang katawan. Hindi lang naman kasi ako ang nakakakilala sa kanila, marami pang iba riyan lalong-lalo na 'yung mga babaeng baliw na baliw sa Hellion Triplets na 'yan."

"I mean, hindi ko alam kung ano ang tunay nilang ugali dahil hindi ko naman talaga sila close para masabi kong kilalang-kilala ko 'yung tatlong magkakambal na 'yon, pero alam ng lahat kung gaano sila katindi pagdating sa babae. Pati nga mga lalaki ay kilala sila at naiinggit sa kanila. They are notorious playboy and fuck boys! Kaya dapat lang na mag-doble ingat ka sa kanila kung ayaw mong mawala ang pinakamamahal mong Bataan, aber!" mahaba pang turan ni Aubree at muli niya akong inirapan.

"Pero what if may dumating na babae para baguhin sila? Paano kung matutunan din nilang tumino at magseryoso?" I asked, but she shook her head at me.

"Iyan ang hindi mangyayari, and that will never happen. Kahit itaga mo pa sa bato ay malabo na mangyari 'yan. They are walking red flags, Ael. Trust me, sila 'yung tipo ng mga lalaki na hindi marunong mag-seryoso kaya dapat iwasan mo sila kung ayaw mong masaktan. Maganda ka at ayoko naman na masaktan at makitang umiiyak ang best friend ko, 'no!" sagot niya kaya hindi na ako nakaimik pa.

Malalim akong bumuga ng hangin. Napa-cross arms pa ako at sinandal ang likod ko sa malaking puno habang iniisip ko ang mga sinabi niya. Nasabi rin ni Aubree sa akin na mag-doble ingat ako at iwasan ko raw 'yung Hellion Triplets. Bakit? Dahil sa delikado ang triplets na 'yon sa akin.

Sigurado na magiging kabilang lang daw ako sa koleksyon nila kapag lumapit pa ako sa kanilang tatlo at nakipag-kaibigan. Baka nga hindi pa ako umoo ay naisuko ko na raw agad ang Bataan ko sa kanila. Mga playboy raw kasi sila at fuck boys na hindi sineseryoso ang mga babae. Marami na rin daw silang babae na naikama at pinaiyak.

Pero bakit ganoon? Parang may tumututol sa kalooban ko na huwag kong iwasan o layuan sina Lorcan, Lucian at Lycus? I mean, oo. Siguro nga mga fuck boys sila at kung sino-sinong babae na lang ang pinapatos nilang tikman. Katulad na lamang ni ate froggy na nakita ko noon, pero bakit parang may umuudyok yata sa akin na kilalanin ko pa rin silang tatlo at maging kaibigan?

I sighed deeply. Ayon kay Aubree, ang Hellion Triplets ay mayaman at sikat sa kanilang school na Osiris Hellion Academy, pati na rin dito sa eskwelahan namin. Hindi lang sa mga school sila sikat, kundi pati na rin sa business world ay kilala ang tatlong 'yon. Sila lang naman daw kasi ang tagapagmana ng parents nila, which is sina Larlee Hellion at Lars Hellion na godparents ko.

Ayon pa sa kwento nitong best friend ko, walang sinuman ang nagtatangka na banggain o kalabanin ang Hellion Triplets. Lahat daw kasi ng mga nakakakilala sa kanila ay kinakatakutan sila. Ang sabi pa nga nitong si Aubree, matalino ang Hellion Triplets at kahit na graduating students na rin sila katulad namin ay nakapagpundar na raw ang mga ito ng kanya-kanyang business. Walang labis, walang kulang ang mga ikinuwento ng magaling kong kaibigan sa akin. Pero hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.

Unang-una sa lahat, si Lorcan Hellion. Ang panganay sa triplets. Palagi raw malamig ang pakikitungo niya sa mga taong nakapaligid sa kanya lalo na sa mga taong hindi naman niya ka-close. Sabi nitong si Aubree sa akin, si Lorcan daw ang tinaguriang isnabero at hindi man lang marunong ngumiti.

May pagka-cold at serious type kasi siya. Parang yelo kung tumingin at hindi pa siya nakitaan ng kahit na anong emosyon dahil nga cold-hearted daw si Lorcan. Parang malamig at matigas na bato raw ang puso niya. Seryoso lang palagi ang kanyang gwapong mukha kaya isa siya sa mga kinakatakutan ng nakakakilala sa kanila. Si Lorcan din daw ang unang nakapag-pundar ng negosyo sa kanilang magkakambal at may sarili na siyang kumpanya na siya mismo ang CEO.

Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon samantalang estudyante pa lang naman siya, pero hindi na ako magtataka dahil halata namang matalino si Lorcan. Biruin mo iyon, kayang-kaya niyang pagsabayin ang pag-aaral niya at ang pagiging CEO niya. Ang cool naman niya kung ganoon. Pero sadyang nagdadalawang isip ako kung paniniwalaan ko ba si Aubree. Dahil ilang beses ko nang nakitang ngumiti si Lorcan sa akin.

Nakitaan ko rin siya ng ibang emosyon, cold-hearted man siyang maituturing ngunit kapansin-pansin naman na may mabuting puso si Lorcan. Hindi nga lang niya iyon pinapakita. Marahil ay hindi lang talaga showy na lalaki si Lorcan. Salungat iyon sa kwento ng magaling kong kaibigan sa ipinakita ni Lorcan sa akin. Sobrang bait kaya niya! Ang gentle rin niya at mahinahong makipag-usap sa akin. Ngingitian pa niya ako.

Ang sumunod naman kay Lorcan ay walang iba kundi si Lucian Hellion. Ang demonyo raw sa Hellion Triplets dahil masama raw ang ugali niya. Hindi ko alam kung paano siya naging demonyo samantalang ang bait-bait ni Lucian sa akin. Kitang-kita ko pa nga kung gaano siya kabait sa akin at ang lambing pa niya. Gentle rin siya at kung hawakan nga niya ako ay para akong isang mamahalin at babasagin na bagay na dapat ingatan.

Ang kwento ni Aubree sa akin, troublemaker daw si Lucian. Palagi siyang nasasangkot sa kahit na anong gulo, mapalabas o loob man ng school. Basagulero raw siya, mainitin ang ulo, short-tempered, palaging nakakunot ang noo at handa rin daw siyang pumatay ng tao. Like seriously?

Tinatawanan ko nga ang babaeng 'to nung sinabi niya iyon sa akin kanina eh. Siguro nga basagulero si Lucian, pero ang bait kaya niya at ang sweet pa niya sa akin. Nakita ko iyon kanina at alam kong walang halong pagpapanggap iyon. Ayon pa kay Aubree, kung cold si Lorcan, bad boy naman daw na maituturing si Lucian which is halata naman na may pagka-bad boy siya dahil sa itsura pa lang niya. But ghad! He's hot as fuck.

Ayaw rin daw niya sa maiingay. Pati raw babae ay pinapatulan niya lalo na kapag hindi nakapagtimpi si Lucian. Ayaw rin nito sa mga bitch at 'yung may masamang ugali. Kaya never pa raw nakipag-date sa babae si Lucian tulad na lang ni Lorcan. Ewan ko kung bakit, marahil ay pihikan sila sa babae?

Pero sa pagkakaalam ni Aubree at ng iba ay never pa silang nakipag-date kahit na playboy at fuck boy sila. Alam nga rin daw ng lahat na wala pang naging girlfriend 'yung Hellion Triplets. Hanggang sex lang naman daw ang habol nila sa babaeng natitipuhan nilang tikman. May benefits pero no string attached. Gusto lang daw nila mapunan ang libog at pagnanasa nila, kaya kung sino-sino na lang na babae ang pinagsasaluhan nila.

At higit sa lahat, si Lycus Hellion. Ang bunso sa triplets at ang tinaguriang happy go lucky. Siya ang masayahin sa kanilang magkakapatid at parang wala raw siyang iniisip na problema. Mabait siya at si Lycus din ang higit na maaasahan. Approachable rin siya at gentleman.

Well, mas paniniwalaan ko pa 'yung kwento ni Aubree tungkol kay Lycus. Kitang-kita ko naman na mabait talaga si Lycus at palangiti pa. Pero sabi ni Aubree, siya raw ang pinakamasamang magalit. Mahaba man ang pasensya ni Lycus at parang hindi marunong magalit, pero nauubusan din daw siya ng pasensya. Sa kabila ng maamo at masayahin niyang mukha, may natutulog daw na demonyo sa pagkatao ni Lycus.

Bali-balita pa nga raw noon na unang beses na-guidance si Lycus. Madalas daw kasi na si Lycus ang nagsisilbing taga awat sa tuwing nasasangkot sa gulo ang kakambal niyang si Lucian. Pero first time raw na ma-guidance si Lycus. At dahil daw iyon sa binugbog daw ni Lycus ang nambastos sa Mommy niya which is si Ninang Larlee at halos mag-50/50 daw ang buhay nung binugbog niya na isinugod pa sa ospital.

Hindi raw kasi nagustuhan ni Lycus 'yung narinig niya at na-sexual assault pa raw noon si ninang na labis na ikinagalit ni Lycus. Buti na lang ay wala that time sina Lorcan at Lucian dahil tiyak na dead on arrival na 'yung taong nambastos sa Mommy nila. Well, naiintindihan ko naman si Lycus kung bakit niya iyon ginawa. Aba, bastusin ba naman 'yung nanay mo, hindi ka ba magagalit? At saka mukhang mabait sa mabait si Lycus.

I took a deep breath. Ipinikit ko rin ang dalawa kong mata. Hindi lang ang tungkol sa Hellion Triplets ang binanggit ni Aubree sa akin. Pati na rin ang mga ginagawa nila. She said, they are also good at giving pleasure, lalo na sa mga babaeng gusto nilang tikman at pagsaluhan na i-kama.

Para raw silang mga monsters sa kama na magaling at hayok daw magpaligaya sa babae. Hindi lang 'yon, dinadala pa raw ng Hellion Triplets sa langit ang mga babaeng ikinakama nila. Hindi rin daw biro na makabangga ang tatlong magkakambal na iyon. May pagka-masahol sa hayop ang ugali nila sabi nitong best friend ko at sobrang yaman pa nila.

Well, aminado naman ako na mayaman sila dahil kilala ko ang kanilang magulang na ninang at ninong ko pa. Hindi lang kasi sila sa damit o sapatos naghihiraman, pati sa isang babae ay pare-parehas din daw nilang tinitikman. Bakit? Dahil gusto nilang mapunan ang pangangailangan nila bilang lalaki lalo na pagdating sa jugjugan na 'yan.

Ibig sabihin, kung sino-sino na lang na babae ang nakikilala at naikakama nila lalo na kapag natipuhan nila ang babaeng iyon. Talagang mga fuck boys silang tatlo at parang laruan lang nila ang mga babae. Wala rin naman daw na kumakalat na tsismis kung magka-nobya na ba sila. Ni hindi rin daw nagtatagal ang Hellion Triplets sa mga babae, dahil matapos nilang makuha ang gusto nila sa isang babae ay iiwan na lang nila ang mga ito sa ere.

Nang sabihin lahat iyon ni Aubree sa akin ay bigla na lang talaga akong natahimik. Naalala ko rin tuloy 'yung nakita ko sa loob ng kotse noong araw na iyon. They are having sex that time! Tatlong lalaki sa isang babae?! Paano iyon? Paanong nakayanan ni ate froggy 'yun? Kaya pala lupaypay siya at pagod, iyon pala ay pinagsaluhan siyang tikman. At saka sinabi rin sa akin ni Aubree na babaero talaga ang Hellion Triplets. Wala talaga silang sine-seryosong babae. Pagkatapos daw kasi maganap ang masarap na digmaan na 'yan ay basta na lang sila aalis na parang walang nangyari.

Ni hindi rin nila magawang matandaan ang pangalan ng mga babaeng ikinakama nila. Pero ang mga babaeng naika-kama nila ay wala raw pinagsisisihan. They even consider themselves lucky dahil natipuhan daw silang angkinin ng triplets. Halos marami ngang mga girls ang nagkakandarapa at naghahabol sa kanila. Sila pa raw ang kusang bumibigay sa tatlong magkakambal. They volunteer themselves as a tribute, kumbaga palay na ang lumalapit sa manok.

Iniisip ko tuloy na kaya ngumingiti sa akin si Lorcan, kung bakit mabait si Lucian at malambing si Lycus sa akin ay dahil sa may kailangan sila sa akin? Gusto ba nila 'yung katawan ko kaya nila ako hinahalikan? Ewan, hindi ko alam. Pero gusto rin ba kaya nila akong isama sa toys collection nila? Gusto rin ba nila akong ma-ikama tulad sa mga babaeng nagdaan sa kanila?

Napabuntong hininga na lang tuloy ako. Hindi ko alam kung bakit kumirot ang puso ko habang iniisip ko iyon. May parte sa akin na nasasaktan ako na baka kaya ganoon ang pakikitungo nilang tatlo sa akin ay dahil gusto lang nila ang katawan ko. That's why they acted like that earlier in the parking lot? Kaya nila ako hinalikan para mahulog ako sa patibong nila?

Naguguluhan na ako. Malaki rin ang pasasalamat ko na hindi ako nagpadala sa bugso ng damdamin ko kanina kahit natutukso ako sa ginagawa nila. Grabe, ang tinik nga nila. Pati ako ay nagawa nilang matukso sa kanila kahit simpleng halik lang ang ginagawa nila sa akin. Agad nagre-react ang katawan ko sa init ng kanilang haplos at tinutugon ko kaagad ang masarap nilang halik.

Kaya pala ganoon na lamang maka-react si Aubree kagabi nung magka-video call kami. Kaya pala paulit-ulit niya akong pinapaalalahanan at pinagsasabihan na iwasan at layuan ko ang Hellion Triplets dahil baka ako lang daw ang masaktan at paasahin nila. Alam kong concern lang ang best friend ko, nagpapasalamat ako roon pero nasa akin pa rin naman daw ang desisyon. Nabanggit ko kasi kay Aubree na nagkakilala kami ng Hellion Triplets, ngunit hindi ko naman sinabi sa kanya na kasama ko sila sa iisang bubong. Hindi ko muna sa kanila sasabihin na ninang at ninong ko ang magulang nila.

"Aeliana!"

Parang bula na nawala ang iniisip ko. Napatingin din ako sa tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Owen na naglalakad palapit sa direksyon namin ni Aubree. Malaki din ang kanyang pagkakangiti at halatang may pagmamadali na makalapit siya sa amin.

"Gosh, beshy! Nandiyan na ang masugid mong manliligaw!" kinikilig na turan ni Aubree sa akin at sinundot-sundot pa ang tagiliran ko. Isang masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya kaya natatawa siyang tumigil.

Sa tingin ko ay kakagaling lang ni Owen sa practice ng basketball dahil suot pa rin niya ang pambasketball uniform nila at medyo tagaktak pa ang kanyang pawis subalit nananatili pa rin naman siyang gwapo. Oo, gwapo siya. Isa pa nga siya sa mga sikat, hot at yummy na varsity player dito sa school namin kaya naman maraming nagkakandarapa na mga babae kay Owen.

Ewan ko ba sa lalaking 'to, bakit hindi na lang niya ituon sa iba ang atensyon niya. Eh 'di sana, may lovelife na siya ngayon. Umayos naman ako ng upo nang tuluyang makalapit si Owen sa amin.

"Usap-usapan sa buong school na pumasok ka na kaya naisipan kong puntahan ka rito sa tambayan natin," nakangiti niyang saad at mahigpit pa niya akong niyakap. Niyakap ko lang din siya at tinapik ko lang ng mahina ang balikat niya bago siya naupo sa tabi ko at inakbayan pa ako. Infairness, kahit pawisan siya ay ang bango pa rin niya.

"Sisibat na muna ako para naman mabigyan ko kayo ng quality time. Magkita na lang tayo sa room ah!" mabilis na salita ni Aubree.

Pipigilan ko na sana siya pero nabitbit na niya ang bag niya at kumaripas na siya agad ng takbo papalayo sa amin. Palagi na lang siyang umaalis kapag nandito si Owen. Napaghahalataan ko na itong best friend ko na ipinagtutulukan niya ako rito kay Owen. Malaki kasi ang boto ni Aubree kay Owen. Gusto niya na kami ang magkatuluyan.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Owen kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya. Sa totoo lang, gwapo naman talaga itong si Owen. Mabait at siya lang ang matiyaga kong manliligaw. I also love his emerald eyes. Sobrang ganda kaya ng mata niya, kaya maraming girls ang nahuhumaling sa alindog ng lalaking 'to. Bukod kasi sa galing din siya sa mayamang pamilya, gwapo at yummy ay matalino pa siya. May sarili na nga siyang fans club dito sa school namin eh, dahil sikat siyang school MVP.

"Kumusta ka na? Apat na araw kitang hindi nakita," malumanay niyang tanong nang wala na si Aubree.

"Heto, umalis ako sa Hacienda para hindi ako maikasal sa anak ng kaibigan ni Dad." mahinahon kong sagot. Hindi ko naman kailangan na sabihin dahil alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko.

Napangiti pa ako nang marahan niyang pinaglaruan ang dulo ng buhok ko. Kilala ako ni Owen at sanay na sanay na rin ako sa tuwing dumada-moves ang lalaking ito sa akin. Matagal na siyang nanliligaw sa akin pero sinabi ko sa kanya na kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Pero heto siya at hindi niya ako tinigilan na ligawan.

Sa tagal na rin naming magkakilala, naging matalik na kaibigan ko na rin siya. Mapagkakatiwalaan din si Owen at wala rin siyang arte sa katawan. Kaya alam na alam din niya ang mga sekreto ko at silang dalawa lang ni Aubree ang itinuturing kong matalik na kaibigan.

"Sabi ko kasi sa 'yo sagutin mo na ako para ipaalam natin sa Daddy mo na sa akin ka na lang ipakasal." biro niya at mahina ko naman siyang siniko sa tiyan niyang matigas bago kami sabay na tumawa.

"Anyway, may gagawin ka ba bukas? Sabado at saktong wala tayong pasok. Pwede ba kitang i-date?" tanong niya bigla.

Napaisip naman ako kung may gagawin ba ako bukas. Mukhang wala naman. At saka wala rin namang masama kung pagbibigyan ko siya sa kahilingan niya. Alam ko na hindi romantic date 'yon, kundi friendly date lang. Tanggap na rin naman kasi ni Owen na wala na siyang pag-asa sa akin pero patuloy pa rin siyang nanliligaw, nagbabakasakali siya na magkaroon ng himala.

"Sige, free naman ako bukas." walang pagdadalawang isip kong sagot.

Tinawanan ko naman siya nang mapa-yes pa siya ng malakas. Ang cute niya kahit kailan. Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto rito. Nasabi ko rin sa kanya kung kanino ako tumutuloy ngayon pero hindi ko sinabi ang address. Mahirap na at baka malaman nilang lahat na kasama ko sa iisang bubong 'yung Hellion Triplets. Mga dakilang tsismoso at tsismosa pa naman lahat ng mga tao rito sa school namin.

At saka kilala ko itong si Owen at si Aubree, basta na nga lang silang nagpupunta sa Hacienda namin na hindi nagpapaalam sa akin. Baka ganoon din ang gawin nila, baka bigla nila akong puntahan sa tinutuluyan ko ngayon na walang pasabi, mabisto pa nila ako na kasama ko lang sa iisang bubong ang sikat na Hellion Triplets.

Niyaya ko na rin agad si Owen na magtungo na sa room namin. Baka ma-late kami pareho sa klase. Pagpasok namin sa room ay sinimulan na naman kaming paulanan ng tukso nitong mga kaklase namin. Sabay kasi kaming pumasok ni Owen at naka-akbay pa ang lalaking 'to sa akin kaya panay na naman ang pang-aasar sa amin ng mga kaklase namin.

Napailing na lang tuloy ako ng ulo dahil sa kabaliwan nila habang si Owen ay tinawanan lang sila. Dumating din naman agad si Mrs. Perez, ang Professor namin at pati siya ay nagtanong kung bakit apat na araw akong hindi pumasok. Literal nila akong lahat na niratrat ng tanong. Sinagot ko naman sila para matigil na sila sa kakatanong pero bibig ko naman ang napagod. Hindi tuloy nagawang makapagturo 'yung Prof namin dahil tinadtad na nila ako ng mga katanungan.

Alas singko ng matapos ang klase namin. Agad naman kaming nagsitayuan nang i-dismissed na ni sir ang klase niya. Sabay kaming lumabas ni Aubree sa room at sumunod naman si Owen sa amin. Hinayaan ko na lang siya nang akbayan niya ulit ako dahil sanay naman na ako sa lalaking 'to habang si Aubree ay nakakapit ang kamay niya sa braso ko.

"May gagawin ba kayo sa sembreak? Pwede tayong magbakasyon sa rest house namin," biglang salita ni Owen. Napatingin naman sa kanya si Aubree at nagniningning ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ni Owen.

"Talaga? Pwedeng-pwede tayong lahat magbakasyon. Next month naman na 'yung graduation natin, 'di ba?" masaya niyang sagot.

"Tatanungin ko mamaya sa group chat natin kung sino ang gustong sumama. Para alam ng iba nating kaklase. Mas masaya kung marami tayo," nakangiting turan ni Owen bago silang dalawa na tumingin sa akin.

"Ikaw, Ael? Game ka ba? Kahit simpleng outing lang!" Ani Aubree.

"Magcha-chat na lang ako sa inyo, guys. Dapat ko pang ipaalam 'yan sa ninang ko. Alam niyo naman na sa Mansyon nila ako pansamantalang tumutuloy, 'di ba?" sagot ko pero natawa ako ng mahina nang sumimangot bigla si Aubree.

"Pero basta, ha? Magpaalam ka agad sa ninang mo para payagan ka niya. Hindi pwedeng wala ka." tila nagtatampo niyang sambit kaya tinawanan ko lang siya at tumango.

"Noted po." At nginitian ko siya.

"May sundo ka ba? Ihahatid na kita." presinta ni Owen ng makalabas na kami sa school gate.

"Pasensya na, pero may susundo kasi sa akin ngayon eh."

Nahuli ko kung paano bumagsak ang dalawang balikat niya. Natawa tuloy ako dahil sa naging reaksyon niya. Susunduin kasi ako ng Hellion Triplets, iyon 'yung sabi nila sa akin kanina bago ako pumasok.

"Kailan ko ba magagawa na maihatid ka kahit minsan lang?" May bahid na lungkot sa kanyang boses.

Huminto kami sa paglalakad at hinarap ko siya. Nagtatampo na ito panigurado. Never pa kasi niya akong hinatid sa bahay namin. Palagi rin kasi akong hatid-sundo ng family driver namin noon. Pero nagkataon naman na susunduin ako ng Hellion Triplets, mabuti sana kung wala eh, payag sana ako na magpahatid dito kay Owen kahit hanggang doon lang sa labas ng gate ng subdivision ng bahay nila ninang pero may susundo naman sa akin.

"Don't worry, magkikita naman tayo bukas, 'di ba? Niyaya mo kaya akong mag-date." wika ko na nakangiti.

Lumiwanag naman bigla ang mukha niya. Napisil ko 'yung magkabilang pisngi niya dahil sa panggigigil ko sa kanya. Ang cute kasi ng lalaking 'to. Hindi ko naman pinansin si Aubree na kinakalabit ako sa balikat ko. For sure ay magpapaalam lang siya na mauuna ng umuwi.

Palagi pa naman siyang atat na umuwi para manood ng paborito niya na mga Korean drama. K-drama addict pa naman itong best friend ko at sobrang hilig din niya sa mga Kpop. Ang dami nga niyang collection sa kwarto niya na mukha ng mga Korean artist, mapa babae man o lalaki. Ang hilig niya kasi talaga sa oppa na 'yan.

"Ael, masakit na 'yung kurot mo." sambit ni Owen. Hinawakan din niya ang kamay ko para tanggalin ito sa pisngi niya.

"Ang cute mo kasi eh!" nanggigigil kong anas at mas lalo kong pinisil ang magkabilang pisngi niya. Humalakhak ako nang mamula na ang mukha niya. Pati tainga niya ay hindi ko rin pinalampas. Bakit ba ang gwapo at ang cute ng lalaking 'to?

"Aubree, ano ba! Kanina mo pa ako kinakalabit diyan eh. Mauna ka ng umuwi." sabi ko pa sa best friend ko na patuloy akong kinakalabit sa balikat.

"Ah kasi ano, Ael." Aubree na hindi matuloy ang kanyang sasabihin pero hindi ako sa kanya tumingin dahil ang buong atensyon ko ay na kay Owen.

"Aeliana, tumigil ka na. Tantanan mo na 'yung pisngi at tainga ko!" saway ni Owen sa akin pero hindi ako tumigil. Hindi talaga ako titigil hangga't hindi ko siya napapaluhod sa sahig. Malakas kasi ang kiliti niya sa kanyang tainga. Ganito kami magkulitan kapag magkasama kami.

"Kapag hindi mo ako tinigilan, hahalikan kita." banta ni Owen at hinuli ang dalawa kong kamay kaya naman nahinto ako sa pag-kiliti ko sa kanya. Nakatingin pa siya sa labi ko at halatang hindi siya nagbibiro.

"Kiss her and you will die."

Isang malamig at pamilyar na boses ang narinig ko dahilan para tila mahinto ang buong sistema ng aking katawan. Agad akong lumingon sa nagsalita. Nakita ko si Lorcan na tila isang malamig na yelo na nakatingin sa aming dalawa ni Owen. Nasa tabi niya si Lucian na nakakunot na ang noo habang seryoso siyang naninigarilyo.

Si Lycus naman na may pilyong ngiti sa kanyang labi pero nakayukom naman ang kanyang kamao. Lumunok ako. Bakit ganyan sila makatingin kay Owen? Parang gusto na nilang katayin ng buhay itong boy best friend ko.

"Hellion Triplets?" sambit ni Owen nang makilala niya 'yung tatlo at bakas sa kanya ang labis na pagtataka at katanungan. Marahil ay nagtataka siya kung bakit nandito ang sikat na Hellion Triplets.

"We're glad you know us." nakangiting saad ni Lycus at lumapit sa akin.

Napasinghap ako nang hapitin niya ang baywang ko para mailayo ako rito kay Owen at tumitig pa siya sa aking mukha. Hinayaan ko lang siya na pumulupot ang malaki niyang braso sa aking baywang habang magkadikit ang aming katawan. Damang-dama ko tuloy ang matigas niyang katawan at nalalanghap ko rin ang nakaka-adik na amoy galing sa pabango niya.

"Kanina pa kita kinakalabit ayaw mo kong pansinin. Bahala ka ngayon diyan." bulong ni Aubree sa akin.

"Let's just talk about this later, let's go." seryosong turan ni Lucian at tinapon sa sahig 'yung naupos niyang sigarilyo bago siya tumalikod na.

Tumingin naman ako kina Owen at Aubree. Ngayon ko lang din napansin na nakatingin na ang mga estudyante sa amin at nagtataka sila kung bakit narito sa labas ng school gate namin ang Hellion Triplets. Bakas din sa mga mukha nila ang labis na katanungan kung bakit kilala ako nitong tatlo at nakapulupot pa ang braso ni Lycus sa akin.

"Ahm, guys, una na ako. Sila kasi ang sundo ko kaya mauuna ---"

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang hatakin na ako ni Lycus palapit sa sasakyan nila. Pinasakay na niya ako sa backseat at si Lucian pa rin ang katabi ko. Tinanaw ko na lang sa labas sina Aubree at Owen hanggang sa umalis na kami sa lugar na 'yon.

Tinignan ko naman 'yung tatlo, sobrang lamig ng tingin ni Lorcan habang nagmamaneho siya. Sobrang higpit pa ng pagkakahawak niya sa manibela, kulang na lang ay sirain na niya iyon. Si Lycus naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana habang hinahaplos niya ang labi niya gamit ang kanyang hinlalaki niyang daliri sa kamay. At nang tingnan ko naman si Lucian na nasa tabi ko lang ay nakatingin lang din siya sa labas ng bintana pero halatang mainit ang ulo niya ngayon.

Umiigting ang kanyang panga at nakayukom pa ang kanyang kamao. Hindi na rin maipinta ang kanyang gwapong mukha. Bigla ko tuloy naalala ang kwento ni Aubree sa akin kanina. Walang sinasanto si Lucian at pati babae ay kayang-kaya niyang masuntok.

Madiin kong nakagat ang ibabang labi ko at umusog ako palayo sa kanya. Halos isiksik ko na nga rin ang katawan ko sa pintuan nitong sasakyan. Baka kasi mamaya ay ma-jumbagan niya ako eh. Kawawa naman 'yung maganda kong mukha. Bakit kaya sila ganyan? Mainit ba ang ulo nila ngayon? Pati si Lycus na madaldal ay walang imik. Para silang mga wala sa mood. Ano kayang nangyari sa kanilang tatlo?

"Sino 'yung lalaking kasama mo kanina, Ael?" tanong bigla ni Lorcan na siyang bumasag sa katahimikan dito sa loob ng kotse.

"Lalaki?" tanong ko at pansin kong tumingin siya sa akin gamit ang rear view mirror. Hindi siya sumagot. Si Owen ba ang tinutukoy niya?

"Si Owen ba ang tinutukoy mong lalaki?" tanong ko.

Pero hindi na naman niya ako sinagot at tinuon na lang niya ang kanyang tingin sa unahan ng sasakyan. Wala na ulit nagsalita pa kaya naman tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Siguro ay wala namang problema kung susundin ko 'yung sinabi ni Aubree na umiwas ako sa Hellion Triplets, 'di ba?

Siguro. Ewan? Ay basta, bahala na

#

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 54.4K 34
Orion La Croix is a ruthless man with an ugly past and filthy dark secret, but when it comes to his baby doll, he will do everything just for her, ev...
153K 4.8K 54
"You had your chance but you blew it. Now, it is my turn to let her feel the love she deserves. She is mine. So back off!" "Hayaan mo na akong maging...
33.9K 1.7K 46
Noong unang panahon normal ang magkaroon ng alipin para sa mga maharlika. Subalit sa ngayon, matagal ng natapos ang pananakop ng mga dayuhan, at nagk...
2.2M 66.4K 54
Si Yareli Tamayo ay isang maganda at mabait na dalagang nakatira sa probinsya ng San Felicidad. Kuntento na siya sa kanyang buhay kasama ang kaniyang...