Midnight Lover (Completed)

Bởi zane199X

81.4K 3K 604

Midnight Lover Alessa had a big secret. Five years ago she secretly admired her sister's boyfriend and the ma... Xem Thêm

PROLOGUE
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 3.5
4
5
6
6.5
7
8
9
10
11
11.5
12
12.5
-
13
14
15
16
17
18
19
20
21
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
EPILOGUE

22

1K 41 5
Bởi zane199X

KABANATA 22




Umalis si Deinna ng hindi manlang nagpaalam sa akin at hindi kami okay buhat ng iwan ko s'ya sa condo unit n'ya. Wala rin akong kaalam-alam tungkol sa UK trip n'ya. Kung sino ang kasama n'ya... siguro mga kaibigan dahil iyun naman ang palagi kong naririnig sa kanya. Mas malapit s'ya sa mga kaibigan n'ya.


Dapat bang maging masaya ako dahil wala s'ya? Dahil mas malaya kong malalapitan si Alessa...



Si Alessa na naman ba?



Matalino akong tao pero pagdating sa bagay na ito ay nagiging bobo ako... bakit ba gusto kong mapalapit sa kapatid ni Deinna? Hindi ba't ang plano ay hiwalayan si Deinna at umalis nalang ng bansa para hindi maging sunod-sunuran sa mga magulang? Pero bakit gusto kong mapalapit kay Alessa? Hindi ba't pareho lamang iyun? Dahil magkapatid sila...



Napakababaw ng dahil ng magulang namin. Gusto ni Papa na makasal ako sa anak ng kaibigan n'ya upang makuha ko sa ilan sa mga Farm ni Lolo... hindi ba't napakaselfish naman yata ng bagay na iyun... 




Ayokong mamili ng pakakasalan, ayokong madaliin ang mga bagay na pang habang buhay na... at ang pagpapakasal ay sumisimbolo sa pagmamahalan at iyun ang hinding hindi ko mararamdaman para kay Deinna.



Pero s'ya... kaya n'yang pabilisin ang tibok nito, napahawak ako sa parte ng puso ko.



"Migs... mukhang nagiging madrama ka na yata mula ng makasama mo yang jowa mong hilaw!" Hinampas ni Gio ang balikat 'ko. "May pahawak hawak ka pa sa dibdib mo, bakit? namimiss mo na ba?" Napahalakhak s'ya ng tawa.



"Wag mo 'kong simulan..." Kinuha ko ang bote ng beer.



"Eh hindi naman talaga, Bro!" Tumawa s'ya bahagya, "Nasaan na ba si Jet?"



"Present!" Sigaw ni Jetro mula sa pinto...



"Hey dude!" Kumamay ako kay Jetro at ganoon rin si Gio.



"Balita?" Tanong ni Jetro sabay kuha ng beer at agad nilaklak 'yun.



"Yang si Aquino ang tanungin mo dahil ako... wala! wala akong maibabalita!" Napatingin ako ng mariin ay Gio...



"Miss na agad si Deinna??" Nagtawanan silang dalawa.



"Ofcourse not..." Tipid kong sagot. Kailangan ba nilang malaman na ikaw ang nagugustuhan ko?



"Well, well, well... sumama nalang kayo sa 'kin..." Uminom ulit s'ya ng beer, "Birthday kasi ni Alessa... matagal pa naman mga pare sinasabi ko lang kasi excited na 'ko at kasama si Sarina syempre! Kaya okay na okay 'yun! Ang kaso ayaw ako isama ng babaeng 'yun! Andun pa naman yung babaeng gusto kong pormahan..." Tumawa s'ya, ako naman ay interesadong nakikinig sa kanya, "Kukulitin ko pa si Sarina..." Nangingiting nilaklak ang alak na hawak.



"Pass... may date kami ni Veronica. Baka bibigay na ang isang 'yun!" Singit naman ni Gio.



"Ilang taon na s'ya..." Para akong tangang basta nalang nagsalita.



"Si Veronica?" Nanlaki ang mga mata ni Gio, akala yata nito ay type ko ang babaeng 'yun, "Bente dos... bakit?"



"Si Alessa... gago!" Bahagya akong natawa.



"Pota, kilig ka, Pre!" Hinampas ako ni Jetro.



"You like her??" Tinakpan ko ang tenga ako dahil ang lakas ng boses nilang dalawa. Ano namang masama kong magustuhan ko s'ya...



"May masama ba?" Hindi ko napigilang mapangiti.



Nagtawanan silang dalawa, "Malamang masama! gago, kapatid 'yun ng jowa mo!" tawa ng tawa si Jetro...



"Hindi ko naman sinabing gusto ko s'ya, ang sabi ko kung may masama ba 'don?" Pagpapalusot ko.




"Wala akong maipapayo sayo..." Natatawang paring sabi ni Gio, "Dahil masama nga 'yan..."




"D'yan na nga kayo... uwi na ko! Baka malasing lang ako sainyo, hihina n'yo pa naman!" Pangbubuska ko.



"By the way, Pare... pihikan yang si Alessa. Nagmana ata sa Lola n'ya..." Tinapik tapik ni Jetro ang balikat ko, "Kay Deinna ka nalang..."



"Oo nalang." Naglakad ako palabas ng unit ni Gio.




Titig na titig ako sa screen ng cellphone ko, hindi ko alam kung tama ba itong naisip kong paraan para makita s'ya...



Sobrang sama ko bang tao kung gagawin ko ito?



Bahala na... ang mahalaga makita kita, makausap...



I parked my car beside the hi-way of Aginaldo, bumaba ako upang buksan ang makina ng sasakyan ko at hinila ang mga wire sa loob nito. Hindi pa ako nakontento ng kunin ko ang small knife na palagi kong dala dala at kusa kong binutas ang gulong ng sasakyan ko. Wala na akong pakialam basta ang mahalaga ay may dahil para puntahan n'ya ako...



"Sorry, Bro..." Nasabi ko nalang ng sumingaw ang hangin ng gulong ko.




Desperado ka na ba talaga?




OO! Pagsusumigaw ko!



Pagkatapos ay tsaka ako muling pumasok sa loob ng car ko at sinubukan ko kung gagana ba ang makina 'nun! Napangiti ako ng hindi gumana 'yun! Pakiramdam ko ay nagwagi ako...



Kinuha ko ang cellphone ko at saka nagsimulang kulitin si Alessa, I got her phone number from Sarina... ang sabi ko ay hindi ko macontact si Deinna, iyun ang idinahilan ko kaya naman nagkaroon ako ng number n'ya... I asked Theo about her number too and he gave me the same number so I know na 'yun nga ang number n'ya. I checked her social media accounts at mukhang hindi s'ya mahilig sa mga bagay na 'yun... unlike Deinna, updated palagi.



Nanginig pa ang mga kamay ko ng i-send ko ang mga text ko sa kanya,


[Alessa...]


[Are you still awake? it's me, Miguel.]


[I need your help, please. Naflat ang gulong ng car ko. I'm here at Aguinaldo Highway. I need your help, please...]


[C'mon pick up the phone, please!]



Ilang minuto pa ang inintay ko, "Come on..." pagpupumilit ko.


Napahimas ako sa sentido ko, pero...



TING~

[My phone's ringtone]




Agad kung binasa ang reply na! Mas mabilis pa sa ala cinco ang reply ko at ng sabihin n'ya pupuntahan nya ako ay agad akong lumabas sa car ko ng nakangiti, successful artor... napailing iling nalang ako sa mga kalokohan ko.



Alam kong makakarating s'ya agad kung nasaan man ako ngayon dahil madaling araw na at wala ng masyadong sasakyan ang dumaraan... ano nga bang oras na?



"What the hell..." Napabulong ako ng makita kong alas tres na pala ng umaga. Para tuloy gusto kong mag-sisi sa mga kalokohan ko... binulabog ko pa s'ya.



Sumandal nalang ako sa sasakyan ko at inintay s'ya, wala eh! Nagawa ko na alangan namang bawiin ko pa...



Napatunghay ako, "Alessa!" sinalubong ko s'ya ng yakap na halatang ikinagulat n'ya. Talagang magugulat s'ya dahil... wait! Bakit nga ba niyakap ko s'ya?



"Hey..." Napatingin ako kay Alessa.



"Hmm?" Nahihiya man pero... ugh!



"Are you okay? May masakit ba sayo?" tanong n'ya.



"I'm okay now." bulong ko. Ang tangkad ko para sa kanya na halos sa tapat ng dibdib ko lang umabot ang mukha n'ya.



"Let's go?" Hindi ako kumibo at hinigpitan muli ang yakap ko.



"Yeah, sorry naistorbo pa kita." Oo nga pala... mag-uumaga na.



"It's okay." Katahimikan.



"Tara, lumalamig na." Katahimikan.



"Teka, paano ang sasakyan mo?" katahimikan.



"I settled already." Pasisinungaling ko.




"Ako na ang mag-dadrive." Inagaw ko ang susi sa kanya dahil pansin kong antok na antok pa s'ya... cute, pero...


"Are you sure?" Tanong ko kay Alessa na humihikab pa.



"Yeah." Ngiti.



"Okay." Ngiti.



Tahimik lang s'ya habang nagmamaneho. Nagsasalita lang ako para ituro kung saan ang daan papunta sa condo ko. Nagmakarating kami ay agad akong bumaba sa car n'ya... Dumungaw pa ako sa bintana... umiwas ako bahagya dahil alam kong naaamoy n'ya ang alak sa katawan ko.



"Thank you again, Alessa."



"Ysah nalang." Ngumiti s'ya.



"Your nickname?" Alam ko na nickname mo 'yun.



"Yes, Kuya." Aww kuya na naman.



"Migs nalang." Bawi ko.



"Nickname mo?" Natawa s'ya at halos matumba ako sa sobrang... kilig ba ang tawag 'dun? Ni minsan ay hindi ko naramdaman para kay Deinna.



"Yes." Tumawa rin ako.



"Uhmm bye?"



Tumango nalang ako at agad naglakad papalayo sa car n'ya dahil kung magtatagal pa ako ay baka mahalikan ko na ang mga labi n'ya.



Nagugustuhan na ata kita...

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

84.6K 1.6K 28
After seven years, Francheska is now finally a fashion designer at United States. She chose her dreams and not her man. Her ex, Kyle, a playboy singe...
85.1K 2.9K 22
He was disowned by his clan and became one of the commanders of Nephilims. He only had his eyes for his brothers and the organization. Gabrylle Andro...
232K 3.5K 36
Atty. Luke Greyson Harrington is one of the most eligible bachelors in the country. Aside from being successful in his career, he behaved like a perf...
1.3M 33.8K 43
Seducing Mr. Esteban Isang simpleng babae lang si Abby Salazar na nagkagusto sa lalaking minsan nang sumagip sa buhay niya. Luke Esteban ang lalaking...