Dosage of Serotonin

By inksteady

25M 1.1M 1.1M

Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap supor... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Note
Dosage of Serotonin Book

Chapter 26

426K 20.5K 15.5K
By inksteady


Chapter 26

The pain was so heavy that even the darkness of night couldn't conceal my tears and sadness. I felt like a certain part of me died.

Inilibing namin ang labi ni Mark.

Hindi ko alam kung paano umuusad ang mga araw bukod sa gabi-gabi kong pag-iyak. The dread of failure consumed me. I should have gone out of my way to help him. I should have hugged him instead of lurking over the bruises my own father had caused me.

I knew my family blamed me, and I couldn't help but blame myself as well.

Siguro kung napansin ko ang lungkot niya, magkakaroon siya ng rason para manatili.

Araw-araw, ang hirap gumising. Pagmulat ko pa lang, bumubungad na sa akin ang masayang larawan namin sa bedside table ko. Minsan nga ay ayaw ko na lang matulog dahil naaalala ko ang mga ngiting ibinigay niya sa akin, kalakip ng sakit ng pinagdadaanan niya.

I looked up. Mark, malungkot ako ngayon. Kanino na ako tatakbo?

Hindi na rin sumagot si Calix sa mga tawag ko. And it hurt me more. Na natitiis niya ako kahit pa nagmakaawa na akong umuwi siya. Tulala ako lagi. Miski sa trabaho. Ni hindi ko namamalayan na may kailangan na pala akong gawin.

Days felt like decades for me. Gusto kong pahintuin muna ang lahat para magkaroon ako ng oras para umiyak... pero wala. Yesha went home to her father's province. She was as affected as me. Nagpaalam siya sa akin at sinabing babalik siya kapag kaya niya na.

Pakiramdam ko ay mag-isa ako. Kahit nand'yan pa sina Chin, Anne, at Mich. Sa gabi, kinakain ako ng lungkot at pagsisisi.

"Doc, lunch na po," ani Faye sa akin.

Tumango lang ako at bumalik sa pagkatulala sa bintana. Walang nagbago sa tanawin. Naroon pa rin ang nurses na iginagala ang mga pasyente. May ilang bata ring naglalaro.

A realization hit me like a ton of bricks—the world would never stop spinning just because I was miserable. It would never pause for my pain. And in the end, life would go on, with or without me.

I miss Calix. Kahit napakalaki na ng tampo ko sa kanya, alam kong sa oras na makita ko siya, magpapayakap lang ako, magpapakalma. I don't need his explanation anymore. I just want to feel his presence.

Kinuha ko ang cellphone ko at muling binalikan ang huling palitan namin ng messages sa messenger. The pictures that he sent me held my sanity. Isang tingin ko lang sa kanya, parang magagawa ko na lahat. Parang kaya ko. Parang may pag-asa.

I typed a message again. Araw-araw ay ganito. Kahit walang reply.

Rovina Desamero: Uwi ka pa rin sa akin, ha?

Even if I feel like crying, wala nang luhang lumabas sa mata ko. I know what he's doing. He's indirectly breaking up with me. Pero gusto kong magpanggap na bulag sa mga senyales niya.

He didn't read my message, but after a few seconds, I saw his Instagram story. Napahawak ako sa cellphone ko habang nakatingin doon.

It was a photo of the sea taken from his cabin. Ang ganda-ganda. Ang payapa.

"This feels like home. I wish I could stay longer."

That was his caption. Napalunok na lang ako sa pagragasa ng matinding sakit sa dibdib ko. Ang daya niya naman. Hinihintay ko siyang bumalik para maranasan ko ulit ang tumahan, pero siya... gusto niyang manatili roon nang mas matagal?

Parang hindi na siya ang Calix ko. Parang ang layo-layo na niya. Parang wala na siyang pakialam.

Maya-maya pa nga ay na-i-seen niya ulit ang message ko. Sinubukan kong tumawag pero wala pang ilang ring ay ibinaba niya agad.

I was about to send another message, but something stopped me.

Naka-block na ako.

"Doc, nandito po si Ms. Aragon," ani Kaycee.

Hindi ako agad nakabawi. Gusto kong matahimik ang lahat para makapag-isip ako. My boyfriend just blocked me... at parang wala akong karapatang masaktan ngayon dahil may trabaho pa ako.

Kahit naninikip ang dibdib ay umayos ako ng upo nang makitang papasok na si Ms. Aragon. She was in her late twenties, and I had been looking after her for a few weeks now. Wala kaming schedule ngayon kaya nagtataka ako kung bakit siya nandito.

I diagnosed her with Major Depressive Disorder (MDD) and prescribed antidepressants for her.

I observed her. She was dressed in a shirt with bright patterns, and her hair was all messed up. She was restless and looked as if she hadn't bathed in days.

"Good afternoon, Ms. Aragon." I smiled. "What brings you here?"

Tumitig muna siya sa akin bago tumawa. "Ano'ng pangalan mo, Doc?"

I pursed my lips. I thought she knew that.

"You can call me Dr. Desa–"

"No!" she cut me off. "'Yong totoo mong pangalan!"

I nodded. "Yeah. It's Dr. Desame–"

Kumunot ang noo niya. "Wala naman sigurong doctor sa pangalan mo no'ng pinanganak ka, 'di ba?"

My lips parted. "Well, I'm working, so–"

Pinutol niya ako ulit. "Do you know that time is gold? Like it cannot be retrieved!" tawa niya. "Once it's spent, hindi na maibabalik."

"Yeah." Tumango ako. "May I know why–"

Napatigil ako nang bigla siyang tumingin sa paligid.

"May pagkain ba kayo rito, Doc? Gusto ko ng chicken." She raised her hand and called Kaycee. "Waiter, please bring me a plate of roasted chicken!"

Kumuha siya ng isang libro sa ibabaw ng table ko. Napatingin ako kay Kaycee at pasimpleng itinanong kung nasaan ang kasama ng babae, pero umiling lang siya.

"Do you know this thing?" untag sa akin ni Ms. Aragon. She showed me a picture of a brain.

I nodded. "Yeah, that's the brain."

"Hindi!" Muli siyang tumawa. "This is a large bunch of chicken intestines!"

Muli akong tumango. "I guess so... so can you tell me why you're here?"

"Dahil dito ako nagtatrabaho!"

I gasped inwardly. "I thought you were a gym instructor?"

She smiled. "Yeah. That, too!"

She began babbling about odd topics while peering down on the book she was holding. Ni hindi ako makasingit sa pagsasalita niya. Tumango-tango ako mga kwento niya kahit na wala akong maintindihan. She also muttered that God had sent her to punish wicked people. Sinusubukan kong maging maingat sa mga sasabihin ko dahil ayaw kong may masabing mag-ti-trigger sa kanya. I was narrowing down her answers, but she kept on interrupting me.

"Can you shut up?" she said. "I want to talk about the solar system!"

I breathed. "Uhm... okay, how about we talk about it later?"

"Okay lang ako!" sigaw niya. "You have no right to tell me that! I'm the doctor here!"

Umiling ako. "No, Ms. Aragon. I'm your doctor."

Tumawa siya at maya-maya ay kumanta. Pinakiusapan ko si Kaycee na kumuha pa ng ibang nurse para dalhin ang pasyente sa isang ward.

"Doc, hindi naman po sa pangingialam pero MDD po ba talaga ang sakit niya?" tanong ni Kaycee.

I don't know. Wala na akong alam. Gusto ko na lang matapos ang lahat ng 'to dahil gusto ko nang magpahinga.

Tumango ako sa babae. "Give her anti-depressants."

Kumunot ang noo niya. "Pero, Doc, baka lalong lumala ang manic episode niya."

I was so tired to even think about it. Pinaalis ko muna si Kaycee sa opisina ko at sumubsob sa mesa. I want to go home and rest. I don't feel like myself lately.

Without having second thoughts, kinuha ko ang bag ko at tinanggal ang coat para umalis. Saka ko na lang iisipin ang consequences. Gusto ko munang mag-isa. Dumaan ako sa isang convenience store para bumili ng alak. Pagkauwi ko ay hindi na ako nag-abalang magbihis pa.

My phone beeped. It was a message from Kuya Rexter.

From: Kuya Rexter

Nakauwi na si Mama.

Wala akong naramdaman. Kumuha ako ng isang baso at isinalin doon ang alak. So, what now? Tapos na. Napagsalitaan na ako. Nabastos na ako. Ano pang gusto nilang mangyari?

As I scrolled through my newsfeed, I was surprised and pained to see Gwen at the seaport, heading to a private island. Kahapon pa pumutok ang balitang iyon.

I held onto my glass tightly. Akala ko wala na akong iluluha. Akala ko mamamanhid na ako sa sakit. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit lalo akong nadurog. Gustong-gusto kong pagkatiwalaan si Calix. Gustong-gusto kong maniwala sa pagmamahal niya sa akin. Pero nakakaubos na. Nakakasawa. Kahit wala pang salita, nakikita ko na agad ang dulo namin.

Hindi ko alam kung ilang bote ang naubos ko. I was at the lowest point of my life. I thought that once I got drunk, I would give up everything. That as my head began to whirl, I wouldn't be forced to remember why I had one shot after another that I couldn't keep track of.

Akala ko malilimutan ko ang sakit kapag nalasing ako. Akala ko, kahit sandali, gagaan iyong bigat. Akala ko titigil na ako sa pag-iisip.

Pero heto ako ngayon, nakasubsob sa mesa, nakapikit habang inaalala ang lahat ng nangyari sa nakalipas na dalawang buwan.

I lost everything... sa ganoon kaikling panahon.

I loved Calix, but I knew he couldn't care less. Nakakatawa ngang isipin, eh. How could I even miss someone long before I lost him?

At that moment, I felt like a broken vase with bits scattered in places I didn't know. I felt like I wasn't myself anymore. I was so shattered that I needed other people to fill in the holes in my life. I wanted to shout loud enough for the entire world to hear me, but I didn't even have the voice to do that.

Vina, you don't cry very often... but look at you now... you're not hushing. You always express your thoughts, but why do you keep your emotions hidden? When a relationship is no longer good for you, you always find a way to end it, so why are you clinging to something that was causing you damage?

Lalo akong napaiyak nang mapagtantong ang lahat ng tanong ko ay kayang sagutin ng tatlong salita.

Mahal ko kasi.

Hindi ko alam kung lasing lang ako dahil naramdaman kong may bumubuhat na sa akin. My eyes were blurred from crying that I couldn't see the person holding me. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagtama ng likuran ko sa kama.

Sa panaginip na iyon, nakikita ko ang mukha ni Calix. Tinitigan ko nang matagal ang mga mata niya dahil natatakot akong malimutan ko ang kulay nila.

I extended my arms and reached for his face.

"Bumalik ka," bulong ko. "Na-miss mo ba ako? Kasi ako, miss na miss kita." Nabasag ang tinig ko.

Tears began to fall from his eyes. Umiling lang ako at inalis iyon sa pisngi niya.

When I was younger, I promised myself not to say those three words as much as others do. Na sasabihin ko lang iyon kapag may magandang bagay na nangyari. Pero nang makilala ko si Calix, nagbago lahat iyon.

I wanted to say those words to him before I went to sleep and as soon as I woke up. I wanted to say those words to him while we were cuddling. I wanted to say those words to him while he was in the kitchen, cooking and listening to my rants after a tiring day at work. I wanted to say those words to him in the busiest and most idle moments.

And now, I want to say those words to him, even if this is just a dream.

"I love you," I whispered before giving him a smile.

I closed my eyes. Ito ang unang gabing matutulog ako nang magaan ang puso... dahil sa panaginip ko, nandito siya at hawak ako.

Hindi ko alam kung gaano kahaba ang tulog ko dahil nang magising ako ay nanakit ang sintido ko. My eyes were swollen, too. Siguradong late na ako sa trabaho pero hindi ako nag-abalang bumangon. I wanted to stay in bed all day and reminisce my beautiful dream.

I waited for a few minutes before I decided to get up. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. I was never transparent about my emotions, but right now, I could see the sadness in the depths of my soul. I could barely recognize myself.

Lumabas ako ng kwarto at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita si Calix sa kusina—nakatalikod at nagluluto. Narinig ko rin ang pagtahol ni Matcha, at sa hindi malamang dahilan ay nanubig ang mga mata ko.

Was I still dreaming?

"Vina, kumain ka na muna..."

Nakatayo lang ako sa gilid ng mesa, tinititigan siya. Pakiramdam ko, anumang oras ay maglalaho siya sa paningin ko. He felt like a memory... a long-lost cherished dream.

Slowly, I walked up to him.

He was here. He was really here.

Unti-unti kong isinandal ang noo ko sa dibdib niya. Rinig ko ang pagtibok ng puso niya na nagmistulang himig sa pandinig ko.

"C-Calix..." I sobbed. Gusto kong sabihin sa kanya ang nangyari. Gusto kong isumbong lahat ng mga taong nanakit sa akin. Gusto kong isigaw lahat ng tampo ko sa kanya.

Pero sa dulo, walang namutawi sa bibig ko kung hindi pag-iyak... at ang taimtim na pasasalamat dahil bumalik siya.

Tumingala ako sa kanya para makita nang maayos ang itsura niya. His eyes and posture changed. Ayaw kong itanong ang rason niya dahil ayaw ko pang masaktan. Tatanggapin ko naman kahit ano... kasi ang mahalaga, nandito na siya ulit. Ayaw ko pang malaman ang dahilan niya dahil hindi pa ako handang bitawan siya.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.

I should be happy. I should be contented. This was better than not seeing him. Kahit hindi na siya sa akin, basta malapit siya... basta kasama ko siya.

We ate in silence. Nag-text ako kay Dr. Santiago at sa mga nurses na hindi ako papasok. Ayaw kong umalis ng bahay dahil baka pagbalik ko, wala na naman si Calix.

"P-Papasok ka?" kinakabahang tanong ko nang makita siyang paakyat sa kwarto.

Pain passed across his eyes. Dahan-dahan siyang umiling sa akin. Hindi ko maintindihan. Ako dapat ang malayo ang loob sa kanya. Ako dapat ang nagagalit. Pero, bakit parang siya ang nagbago? Bakit parang ako ang may kasalanan?

"Dito tayo sa sala. Hindi rin ako... papasok," nagawa ko pang sabihin. Para akong nagmamakaawa sa atensyon niya.

Nag-iwas siya ng tingin. "Pagod ako, eh. Sa kwarto muna ako."

Napatango na lang ako. Ilang sandali kong nilaro si Matcha para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Kami pa rin naman, 'di ba? Mahal niya pa naman ako, 'di ba? Kahit matagal kaming hindi nagkita at nag-usap... ako pa rin naman siguro... 'di ba?

Alam niya kaya na wala na si Mark? Sinabi ko naman sa mga chat at text ko sa kanya. Nabasa niya naman 'yon. Bakit hindi siya nagtatanong? Bakit parang wala siyang pakialam samantalang umiyak na ako sa kanya?

Ayokong pakinggan ang isang parte ng utak ko na nagsasabing niloloko niya ako. Gusto kong magbingi-bingihan kahit nakalatag na ang mga senyales sa akin.

Hindi ganito ang inaasahan kong pagsalubong niya sa akin. I expected him to hug and told me that he couldn't sleep well because of worry. I waited for him, ni hindi na sigurado kung babalik pa siya.

Masaya dapat ako. Nabawasan dapat 'yong sakit. Nandito na siya, eh. May kasama na ulit ako.

But... why does it feel like everything is forced?

Umakyat ako sa kwarto niya pero wala pa ako sa tapat ng pintuan ay rinig ko na ang pag-iyak niya. My lips trembled immediately. Ito ang unang beses na narinig ko iyon... at mas lalo lang akong nadurog. Hindi ko kayang marinig siyang umiiyak.

"H-How can I tell her... kung ganito siya kalungkot?" he sobbed.

Idinikit ko ang tainga sa pinto para marinig siya. Wala na akong pakialam kung tama o mali ang ginagawa ko. Desperada na kung desperada, kailangan kong marinig ang sasabihin niya.

"Hindi ko kayang lalong masaktan si Vina. I can't break her heart. H-Hindi ngayon. She's suffering... I can't add up to that." Basag na basag ang tinig niya. "Alam ko. Alam kong kailangan kong sabihin sa kanya. She deserves to know."

Napaupo ako sa sahig habang nakikinig sa kanya. Hindi pa pala tapos. May tinatago pa rin talaga siya.

"Aalis ako rito..."

Itinakip ko ang kamay sa bibig ko para mapigilan ang paghikbi.

"H-Hindi ko alam kung kailan. Siguro kapag maayos na si Vina. Siguro kapag kaya niya na. Hindi ko alam."

Naninikip ang dibdib ko dahil sa pag-iyak. First day of being home... at may kausap na siyang iba... may pinapangakuan na siyang iba... na iiwan ako.

"I'll end things with her." He sobbed. "This is for the both of us."

Tahimik kong sinabayan ang pag-iyak niya. He was crying so much because he wanted to get rid of me... and nothing was more painful than that.

I clenched my chest and sobbed.

Bakit ba ako iniiwan ng lahat? Nasa akin ba talaga ang problema? Am I tiring? Am I too demanding?

Gusto ko lang namang yakapin niya ako at sabihin sa akin na kasama ko siya sa laban kong 'to. Masyado bang malaking bagay 'yon? Masyado bang mahirap ibigay?

Tumayo ako at lumayo sa pinto. Para akong sinampal sa mga salita niya. He was planning to leave me. Hinihintay niya na lang na mapagod ako... na maging handa ako.

Kaya siguro ganoon ang pakikitungo niya sa akin. He was preparing me.

With that thought, I cried more.

Calix, please break my heart slowly because I want to spend more time with you. Dahan-dahan mo akong saktan para mas mahaba pa ang panahon na kasama kita.

Continue Reading

You'll Also Like

180K 6.3K 61
[COMPLETED] Series II Started: December 9, 2022 End: March 31, 2023 Stole my Heart side story. Basahin nyo po muna yung Stole my heart. Paano mag-mov...
2.7M 172K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
32M 1.1M 45
TO BE PUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 1...
25.5M 1M 50
THE LOSERS' CLUB SERIES #1 Have you ever been so smitten with someone that you were just so grateful they existed? Tipong makita mo lang siya, solved...