The Fame Game

By UnidentifiedBlueStar

8.4K 330 125

[On-going] Kyra, a highschool student who fell inlove with her English Teacher and his Twitter Crush. Who wil... More

Prologue - Start
Level One - Final
Level Two - Burst
Level Four - First Day
Level Five - Substitute
Level Six - Smile
Level Seven - 5ever
Level Eight - Spell Badtrip
Level Nine - "Wag muna, please.."
Level Ten - Her Teacher's Confession
Level Eleven - Dark Clinic
Level Twelve - Nabugbog na Saging
Level Thirteen - Ingenuous
Level Fourteen - Acceptance
Level Fifteen - Triangulum
Level Sixteen - Impenetrability
Level Seventeen - Hope vs. Wish
Level Eighteen - Spelling Contest
Level Nineteen - Friendzoned
Level Twenty - His thoughts
Level Twenty One - Lalaine
Level Twenty Two - Byul
Level Twenty Three - Why now?
Level Twenty Four - All I wanted
Level Twenty Five - Beles beles

Level Three - Former's Comeback

339 18 6
By UnidentifiedBlueStar

- L E V E L  T H R E E -

“Kai.. Gusto kita makausap..”

“Para saan pa? Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Alex!” Papatayin ko na sana ung tawag ng narinig ko siyang umiiyak.

“K-kai.. Let me explain.. M-mahal na mahal kita..”

“For what?! Para paniwalain mo ko sa mga kasinungalingan mo?! Mahal?! Mahal ba yung dahil lang nakipagbreak ako, magkakalat ka ng kasinungalingan tungkol sa akin?! At nalaman ko pa na noong tayo pa kung ano ano pinagkakalat mo! Ganyan ka ba magmahal?! Wala na, Alex. Sinira mo na yung tiwala ko sa’yo! Wag na wag mo na akong matawagan. I don’t need your explanation! You’re just wasting my time!”

 

Call ended.

Bakit hindi ba siya makapag-move on? 5 months na rin mula nung magbreak kami ah? Ni-hindi nga kami nagtagal ng isang buwan eh, dalawang linggo lang naging kami. Hinding-hindi niya na ako mapapaniwala sa kanya. Hinding-hindi na.. Kung nagtataka kayo kung sino iyon, si Alexander Sanchez yun. Recent ex-boyfriend ko. Ang totoo, apat na naging boyfriend ko. Malandi? Bahala na kayo maghusga. Lahat naman tayo nagiging curious. Lahat naman tayo nagkakamali.

- -

Dalawang araw nalang bago magbagong taon. Kung iniisip niyo na tinigil ko na ang pagtu-tweet at pagsesend ng mga messages sakanya, Nagkakamali kayo. 

Pinatuloy ko ang pagtutweet sa kanya. Hindi naman niya ako nakilala di'ba? Kaya okay lang. Walang dahilan para itigil ko.

Kasalukuyan akong nagiiscroll sa twitter ng mapansin ko yung tanong sakanya.

"Kuya, crush mo po ba si @LadyAnaaaaa" 

Nagulantang ako. 

Literal na lumaki ung mata ko sa tanong. Pero kung nagulantang ako sa tanong mas nagulantang ako sa sagot..

“Bakit?”

Feeling ko sinaksak ng icepick yung puso ko. Indirect yung sagot niya, Playing safe ba. Hindi niya sinagot ng ‘Oo’ o ‘Hindi’. Agad kong hinanap kung bakit natanong sa kanya yun. Nakita ko sa Profile niya na, ka-tweet niya pala yun. Kaya siguro naintriga sila. Pero paano? Paano pag gusto talaga niya yun?

Sa totoo lang, naiingit ako sa mga taong nakakasama siya araw-araw.. Ang swerte nila.

Ang swerte nila dahil nakakasama nila yung taong pinapahalagahan ko araw-araw..

Nagseselos ako..

Pero wala eh, wala akong karapatan. Sino ba ako? Fan lang ako di’ba?

Fan lang… Hanggang doon lang..

Pero kagaya nga nung sinasabi ko, Indirect yung sagot niya. Pwedeng ‘Oo’, Pwede rin namang ‘Hindi’.. Pero sana sinagot na lang niya ng ‘Oo’ eh.. Kung sinagot niya, sana hindi na ako parang shungang nagiisip kung ano ba talaga ang sagot niya doon. Kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa kanya..

Kahit nga sa ibang mga fans niya eh.. Minsan nakakapagselos rin. Feeling ko nga naa-abnormal na ako. Tama bang magselos? Hindi diba? Nakakainis.. Bakit ako ganito?

Baliw na ba ako?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng madami na palang tweets ang nakatambak.

Dahil isa akong masugit na taga-hintay ng mga tweets niya, kabisado na ng mata ko kung nasaan yung tweet niya.

Ang sakit. Bibigay na yung puso ko, konting pitik nalang..

You know I like you so...can you do me a favor and like me back? :)

 

Siguro nga gusto niya talaga yun.. Hindi naman malayo mangyari yun eh, lagi silang nagkikita.. lagi silang nag-uusap.. Hindi naman malabong mangyari yun diba?

Eh ako?

Sa tweets lang.. Sa facebook lang.. Sa tawag lang.. Ni-hindi nga niya ako nakilala noong aksidenteng nagkita kami eh.

Naiinis ako.. Kaya napatweet ako ng,

“Nakakainis ka, Promise.”

Oo na, napakahaba ng tweet ko. Pero pangalawa kasi sa pagawa ko ng twitter account yun, ang doon maglabas ng kung anong nararamdaman ko. Kahit man lang sa 140 characters nito. Ang unang rason kasi ay para sundan ang mga taong iniidolo ko.

Narinig ko nalang yung yabag ng paa ng tao ko sa likod ko..

“Kai, nasa labas si Althea..” Si Mama pala, bakit kaya napapunta dito si Thea?

“Ah, sige ma, lalabas na po ako..”

Palabas na ako ng pintuan ng maalala kong may regalo pala ako kay Althea. Hindi kasi ako nakapunta sa bahay nila noong Christmas eh.

“Oh? Anong masamang hangin ang nagdala sa’yo dito?”  bungad ko kay Althea.

“Carbon Dioxide.”

 

“Che. Oo nga pala, oh, Happy Christmas.” Sabay abot sa kanya ng regalo ko. Sweet namin no?

“Eto oh, Happy Christmas rin. Bibigay ko rin kasi yan eh..” sabay abot rin ng regalo.

So yun, sa kwarto ko kami nag-usap, nandoon kasi si Mama, kausap yata ung ka-negosyo niya sa tawag.

Ikunwento ko sakanya lahat magmula noong ibigay ni Cyrille ang link ng Profile ni Hyunsu, nang hindi pansinin ni Hyunsu bawat tweets ko, nang makita ko siya sa Supermarket hanggang makita ko yung kamukha ni Sir Melvin. Sinabi ko sa kanya lahat lahat. Tahimik at halatang pinag-iisipan mabuti ni Althea yung mga pangyayari.

Sa totoo lang, Nagtataka ako sa Friendship namin ni Althea.. Alam niyo ung marami kaming pagkakaiba? Mula sa pananamit, pananalita, pag-iisip at mga gusto. Except nalang siguro doon yung mahilig kami magbasa pareho ng mga libro. Hindi kayaga ko wala pang naging boyfriend yan si Althea. Masiyado kasi siyang subsob sa mga libro, kahit magulang niya minsan iniisip baka tomboy na ang anak nila.

“Eh paano naman si Sir, Kai?” Napaisip ako doon. Ngayong vacation kasi, puro Hyunsu ang nasa isip ko. Ni-hindi nga nasagi sa isipan ko un eh. Masiyado akong naging Busy kay Hyunsu. Noong nakita ko nga siya medyo wala eh..

“Ewan eh.. Hindi ko na nga siya masiyadong naiisip eh..”

“Mahal mo pa?”

“Hindi na siguro.. “

“Sure ka? Paano pag nakita mo siya ulit?”

“Nakita ko na nga siya di’ba?”

“Ayy ewan.. Gusto ko sagutin mo uli yang tanong ko sa first day..”

Katahimikan.

Imposible hindi ba? Paano ako maiinlove sa taong nakilala ko lang sa Internet?”  mangiyak-ngiyak kong  tanong sakanya. Naguguluhan ako, mahal ko na ba? Hindi naman siguro di’ba? Paghanga lang naman di’ba?

“Posible..” nagulat ako sa sagot niya… “Mata ba ang pinaiiral pag nagmamahal? Paano ang mga bulag?”

Napaisip ako doon, gusto ko nga sana barahin yung sagot niya kaso seryoso siya at wala na rin akong oras para barahin siya.. Once in a pink moon lang rin siya magseryoso kaya sulitin na.

Pero.. posible nga ba?

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip bigla nalang kumatok si Mama, at sumigaw ng kakain na daw. Tapos na siguro sila mag-usap..

Kumain lang si Althea at umuwi na, nagtext na kasi si Tita Azalea na mama ni Althea na aalis daw sila. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isipan ko yung sinabi sa akin ni Althea.

“Posible, Mata ba ang pinapiiral pag nagmamahal? Paano ang mga bulag?”

 

Hanggang pag-balik ko sa kwarto, yun pa rin ung iniisip ko. Pag-harap ko sa Laptop mayroon ng bagong 100 tweets. Hinayaan ko lang yun, pumunta nalang ako sa Profile ni Hyunsu. Ang daming bagong tweets. Siguro 50% ng 100 na tweets na yon ay puro sa kanya..

Pero may isang tweet..

 “Love me or hate me, both are in my favour...If you love me, I'll always be in your heart...If you hate me, I'll always be in your mind.”

Nagreply ako kahit na alam ko naman na hindi ako yun. Asa pa ako,

@hyunsulau It's very confusing.. How can I love and hate you at the same time?

Oo na. Ako na cheesy. Lahat naman tayo nagiging korni eh. 

Naghintay ako.. kahit man i-favorite niya yung sinabi ko…

Pero wala eh..

Sumasagot naman siya sa ibang tweets.. Hays..  

Invisible na ba talaga ako para sa kanya?

Nakakainis. Kaya ayoko nasasanay sa mga bagay-bagay eh..

Yung hinahanap-hanap mo yung isang bagay..

Nakakafrustrate..

Gusto ko siya tanungin kung bakit parang ako lang yung hindi niya pinapansin..

Pero natatakot ako..

Natatakot ako sa pwedeng maging sagot niya. 

---

 So yun, kahit walang magbasa.. Bahala na. Basta matapos ko lang. hahaha! :) Yun naman ang goal ko eh, Matapos ko 'to. Nasimulan ko na eh. :'3 

Well, dedicated sa kanya dahil mahal ko siya. ♥

Next Level - First Day 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...