Ang Pag-ibig ni Ms. Chubby

By TintaMajica

504 204 1K

Ang kwentong ito ay tungkol sa pag-ibig ng isang matabang babaeng mahiyain. Ikinukubli niya ang kaniyang tale... More

Chubby Two
Chubby Three
Chubby Four
Chubby Five
Chubby Six
Chubby Seven
Chubby Eight
Chubby Nine
Chubby Ten
Chubby Eleven
Chubby Twelve
Chubby Thirteen

Chubby One

144 39 303
By TintaMajica

Shawntel's POV

Hindi ako makapaniwala sa sigawan ng mga tao sa labas. Ang sarap sa pandinig ng kanilang mga sigaw.

"Shawntel! Shawntel! Shawntel!"

"Goddess Lady! Goddess Lady! Goddess Lady!"

"We love you Shawntel!"

"Bilisan niyong ayusan si Istel malapit ng matapos ang intermission number ng THE BOYZ! Juiceko po! Bakit hindi pa nakacostume 'yan! Anong balak niyong gawin sa buhay?!" Galit na bungad ni Madam Haze, ang baklang manager ko.

"Mga impaktita! Kuhanin niyo na ang isusuot ng batang ire at malapit na siyang sumunod. HINDI PA BA KAYO KIKILOS?!"

"Momshie, relax matagal pa ang THE BOYZ magpapakyut pa 'yong mga 'yon." Pagpapakalma ko kay Madam Haze.

"Hay nako! Nakakaloka kayo! Nasisira ang beauty ko sa inyo mga bakla!" Stress na stress niyang sabi at naupo sa katabi kong upuan.

"Madam, hinay-hinay hindi pa kasi dumarating 'yong costume nitong junakis ko," singit naman ni Momsh Lyn.

"What the h*ck! Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Sigaw ni Madam Haze at mabilis na lumabas ng fitting room.

Napatingin naman ako sa mirror.
"Lagot ka Momsh, napikon na." Nagtawanan lang naman kami sa naging reaksyon ni Madam Haze.

Nang matapos ang lahat-lahat pinapunta na ako sa likod ng stage. Rinig na rinig ko na ng malinaw at malakas ang mga hiyaw ng fans ko.

"Go Shawntel! We love you!"

"Goddess Lady, Number One!"

"Shawntel! Mahal ka namin!"

"Keep it up! Goodluck!"

"Handa na ba kayo sa ating special guest tonight? Dinayo pa tayo mula sa Manila ng nag-iisang Goddess Lady! Please all welcome! SHAWNTEL FERRER!"

Nagsimula ng umilaw ng iba't ibang kulay sa stage habang unti-unting itinataas ang pwesto ko. This is it, pancit! Sikat na sikat na ako.

Now Playing: Maria
Maria Ave Maria

Jeo hwin gureum kkeutddaji nara
Maria Ave Maria
Keochin pado ttawin sanggwan eopji

Ki jeokeun ireohke nae nunipe gwelcheoisseo
U jeoldae meomchujima
Maria Ave Maria
Jeo hwin kureum kkeut ttaji nara
Maria Ave Maria
Keochin pado ttahwin sang gwan eopsji

Sa kalagitnaan ng kanta ko ay biglang nagdilim sa stage. Bigla nalang nagplay ang isang video sa malaking screen sa likuran ko.

"Hello ako si Shawntel Ferrer and dyosa ng aming brgy..." Napatingin ako sa video, nabitawan ko nalang bigla ang hawak kong mikropono. Video ko ang nagp-play sa screen, 12 years na rin ang nakalilipas.

Isang panget at matabang babae ang nasa screen. Napaiyak nalang ako ng unti-unti kong marinig ang mga hiyawan ng tao.

"LIAR!"

"MANLOLOKO! MAPAGPANGGAP!"

Nagkagulo sa mismong event, samu't sari na ang kanilang ibinabato sa akin.

*Pok*

Napahawak nalang ako sa noo ko ng maramdamang may tumulo rito. Itlog at dugo, unti-unti rin akong nawalan ng malay at...

***

*PAK*

"Hoy! Gising, Istel! Anong nangyayari sayo? Binabangungot ka ba!" Napahawak nalang ako sa pisngi ko, sampalin ka ba naman ng sobrang lakas.

"Bakit ganyan ka makatingin? Ginising lang kita kanina ka pa pinagpapawisan eh." Hindi ko siya pinansin at sinamaan pa lalo siya ng tingin.

"Hala! Nababagtit ka nanaman ba?!"

"Ang sama mo! Minsan na nga lang maging maganda iyong panaginip ko, sinira mo pa!"

"Anong ginawa ko?! Ginising na nga kita kasi mukha kang binabangungot! Bahala ka nga dyan!" sabi nalang nito at tinalikuran ako.

"Argghh! Sinira mo lang naman ang concert ko! Lagi ka nalang epal pati ba naman sa panaginip ko!" Himutok ko naman at lumabas na sa kwarto.

"Ma! Nababagtit nanaman si Istel!" sumbong naman ni Ate nang makalabas ng kwarto ko.

"Walang araw na hindi kayo magkasundo. Magsi-gayak na nga kayo, may pasok na!" sagot ni Mama habang naghahain.

Inismiran naman ako ni Ate bago naupo sa katapat kong upuan. Naupo na rin si Papa at Mama, nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain.

Shannel Kaye Ferrer ang pangalan ng Ate ko at isa siyang bruha sa buhay ko. Walang ibang ginawa kundi ang inisin at asarin ako araw-araw. Siya raw ang pinakasexy sa bayan namin ayon sa kanya pero isa rin namang matabang kagaya ko dati. Pumayat lang naging maarte na at laitera tsk.

Mabilis na natapos silang kumain, naiwan naman akong mag-isa sa lamesa.

5 minutes later...

"Istel! Hindi ka pa tapos kumain? Bilisan mo dyan late na tayo!" reklamo na ni Ate.

"Bakit nakikisabay ka? Hindi naman sabay ang oras natin ah," sagot ko.

"7:00 ang pasok mo at ako naman 7:30. Anlayo ng agwat para magsabay tayo," dugtong ko pa.

"Wala kang pake! Tara na!" sagot niya at hinila ako patayo.

Matapos ang 12345678 years tapos na akong gumayak.

"Napakatagal mo talaga kahit kailan!" bungad sa akin ni Ate sa labas ng gate.

"Tsk! Sabay kasi ng sabay." Ismid kong bulong.

Napasulyap pa si Ate sa kabilang bahay bago sumunod sa akin.

"Hindi ko naabutang umalis si Nickolas, ang bagal mo kasi!" Pagtataray niya sa akin.

Napabuga naman ako ng hangin bago pabalang na sumagot sa kaniya.

"Hanggang ngayon crush mo pa rin 'yong supladong iyon? Hindi kana mapapansin non, ampangit mo raw kasi." Pang-aasar ko.

Mabilis akong kumaripas ng takbo para hindi niya ako mabatukan sa sinabi ko. Isa pa, magkaiba kami ng school na pinapasukan.

"Babye!" Kumaway pa ako mula sa malayo, tanaw na tanaw ko naman ang nakasimangot niyang mukha at tinaasan ako middle finger niya.

Inilabas ko lang naman ang dila ko at magiliw siyang iniinis mula sa malayo. Mabilis ko namang tinalikuran at masayang naglakad paalis.

"Lalala~ akala niya huh, mwehehe edi nakabawi ako." Masayang bulong ko.

***

Nang makarating sa school, agad kong nabasa ang karatulang NO ID, NO ENTRY. Napakapa tuloy ako sa dibdib ko kung may suot akong ID pero wala. Hinalungkat ko pa ang bag ko pero wala rin. Napasapo nalang ako sa noo ko ng maalalang naiwan ko sa study table 'yong ID ko.

Mabilis kong inilipat sa harap ang bag ko at dali-daling nakisabay sa mga estudyanteng pumapasok sa gate.

"Hoy!" hindi ako huminto sa paglalakad ng marinig ko 'yon ang kaso...

"Ms. Ferrer, no ID." Napahinto ako sa nagbanggit ng apelyido ko.

Masama ko siyang tinapunan ng tingin. Nickolas Smith, Vice President of Supreme Student Government. Siya ang kilalang top sa Class 4A, tahimik at suplado, at syempre ang nag-iisang kapitbahay ko. Tumpak din kayo dahil siya nga ang Nickolas na crush ng Ate ko.

Napabuntong hininga ako, bakit ba nakalimutan kong Monday ngayon, kasama nga pala silang nagchecheck ng mga walang ID kapag Monday. Anong gagawin ko? Paano ako tatakas nito? Isip Istel...

Sa huli, wala rin akong choice kundi pumila sa mga walang ID na katulad ko. Pumwesto ako sa bandang likuran para madaling makatakbo, ang witty mo talaga Istel.

Nang makakuha ng timing, agad akong tumakbo kaso may sa-flash 'ata ang mata ni Nickolas kaya...

"Paging Ms. Ferrer, Paging Ms. Ferrer, bumalik ka sa pila." Patay malisya naman ako at naglakad pa rin.

"Babaeng nakalugay at may ribbon na pink sa buhok, jansport na green ang bag, at nakarubbershoes na puti, bumalik ka sa pila dahil nakikita ka sa cctv," muli niyang dugtong. Napatingin naman ako sa paligid ko at nakatingin na sa akin ang iba pang estudyante.

Wala naman akong nagawa kaya padabog akong bumalik sa pwesto ko. Naririnig ko naman ang mahihinang tawa ng ibang estudyanteng nakapila rin sa likuran ko. Habang nakangisi naman ang loko sa akin.

"May araw ka rin," bulong ko.

Saktong alas otso sinabi na nila ang parusa namin.

"Ms. Ferrer sumama ka sa akin." Lapit ni Nickolas bago pa ako makasunod sa ibang estudyante.

"Dahil nagtangka kang tumakas iba ang parusa mo," sabi pa nito habang nakasunod naman ako.

Computer Laboratory

"Anong gagawin ko rito?" tanong ko, hindi niya naman ako pinansin at pumasok lang sa loob.

"Nakikita mo ba ang mga papers na 'yon? Tanggalan mo ng staples tapos ayusin mo ang pagkakasunod-sunod tapos istapler mo ulit. Ilagay mo rito sa kahon ang mga matatapos mo."

"Ikaw? Anong gagawin mo?" takang tanong ko naman.

"Ako? Wala naman akong klase hanggang 9 am kaya dito ako para gumawa ng thesis ko. So, wala kang takas Ms. Ferrer." Prenteng sagot niya. Napasimangot naman ako habang tinatahak ang mga papel na sinabi niya.

Nakalimutan ko ng magpakilala, ako si Ma. Shawntel Ferrer isang magandang dalaga at reyna ng class 4F. Labing walong taong gulang. Hanggang doon nalang tinatamad na ako *laugh*.

*Kringgg*Kriinngg*

Napangalahati ko na ang mga papel ng magring ang selpon ko. Napasulyap muna ako kay Nickolas, nahuli ko itong tumingin sa akin ngunit mabilis din nag-iwas ng tingin.

Lumayo pa ako ng konti sa pwesto niya baka kasi maingayan at maabala ko sa ginagawa niya.

"Hello?"

"BESTY! NASAAN KA BA? NAGPAPAQUIZ NA SI MADAM GORENG! WALA KA NANAMANG QUIZ!"

Nailayo ko agad 'yong selpon ko sa tenga sa naging sigaw ni Carmela. Kahit kailan talaga napaka-ingay ng babaeng iyon.

"Paano ka nakatatawag kung nagpapaquiz na si Madam?" pamimilosopo ko naman.

"NASA CR KAMI NI YCEA!"

"BAKIT KA SUMISIGAW?! SINIGAWAN BA KITA! Tatapusin ko lang itong parusa kuno ni Yabang." Hininaan ko na ang boses ko ng makita ko ang masamang tingin ni Nickolas sa akin.

"Sino si Yabang Bes?" singit ni Ycea.

"Wala! Kbye!" Hindi ko na sila hinintay magsalita at inend call na agad.

"Hoy! May quiz kami baka pwede na akong umalis. Nakatapos naman na ako ng kalahati." Pabalang kong sabi pero hindi niya ako pinansin at nakatingin lang sa may screen ng computer, baka busy sa ginagawa niya.

Niligpit ko nalang muna ang naging kalat ko bago ulit ako lumapit sa kanya.

"Nickolas, nakalahati ko naman na 'yong mga papel doon baka pwede na akong pumasok?" malumanay kong paalam. Tinantya ko rin kung papayag ang supladong 'to.

"Okay," pagpayag niya. Napangiti agad ako, madali palang kausap ang isang 'to.

Bago niya pa ako makitang nakangiti, kumaripas na agad ako nang takbo paalis computer lab. Hingal kabayo akong nakarating sa tapat ng building 6, hinabol ko muna ang hininga ko bago muling tumakbo papunta sa room ko ang kaso...

"Times up. Pass all your papers, wala na akong makikitang nagsasagot kundi hindi ko na tatanggapin ang papers niyo." Rinig kong sabi ni Madam Goreng. Paktay, hindi ko na naabutan wala nanaman akong quiz nito.

"Why are you late Ms. Ferrer?"

"Ma'am baka po pwede akong magtake ng special quiz?"

"Pass your excuse first before you take special quiz," ma-awtoridad niyang sagot sa akin.

"Kailan po?"

"Later in the afternoon." Mabilis akong tumango kay Madam.

"Take your break now, bye." Huling sambit ni Madam at lumabas na ng room.

*PAK*

Isang malakas na hampas ang natanggap ko mula kay Gwen.

"Aray ko!" Daing ko at hinimas ang parteng hinampas niya.

"Wala ka nanamang ID noh!" Nakayuko akong tumango sa kanya.

"Hayst, kahit kailan ka talaga! Ang malas mo pa at nasaktuhang si VP pa ang katapat mo." Iling-iling niyang sabi.

"Kapitbahay ko 'yon, hindi ako pinalagpas," nakanguso kong sagot bago tumabi sa kaniya.

"Siya pala si Yabang," sulpot naman ni Ycea kasunod nito si Carmela na dala-dala ang lunch bag niya.

"Kakain na tayo? Saan?" Sumigla bigla ang tono ko ng makita ang lunch bag. Para akong asong hindi nakakain ng sampung araw sa klase ng tingin ko roon.

Silang tatlo ang kaibigan ko simula ng first year ako.

Gwen Lauren Natividad ang nerdy at ate naming tatlo, mabait at talented din.

Carmela Kaye Torres ang sigurista at well- organized sa aming apat, siya rin ang best cook namin kaya hindi kami magugutom basta nandyan si Carmela busog na kami.

Ycea Marylle Mendez naman ang pinakafashionista sa amin, ayaw nagugusot ang damit at ayaw din nagugulo ang buhok. Siya iyong tipo na simple pero may dating.

Ako? Sadyang dyosa lang *evil laugh*

"Tulaley! Tara na nga! Baka matapos ang breaktime ng hindi tayo nakakakain. Si Madam Terror pa naman ang next subject natin." Mataray na sambit ni Ycea at hinila ako palabas.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
25.1K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
64.2M 1.3M 54
If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Jayden...
43.1M 1.4M 43
Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all - friends, popularity, riches, boys. But...