Gone with the Wind (Diary Ser...

lovekirstenshiella tarafından

218K 2.9K 132

Alyanna Esguerra loves to chase everything She wants. She believe that what she want is what she will get and... Daha Fazla

Author's Note
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Epilogue

Chapter 21

6.6K 85 2
lovekirstenshiella tarafından


Masakit ang ulo kong gumising sa isang malakeng kwarto na bago sa aking mga mata kaya naman kaagad kong tinignan ang sarili ko kung may bugbog ba ako o nakatali ba ako ngunit hindi naman.


"Nasaan ako?" Mahina kong tanong sa sarili ko.


Kaagad ako nakaramdam ng pag aalala dahil sigurado akong hinahanap na ako ng anak ko.


Unti unting nag bukas ang pinto at agaran kong kinuha ang unan sa tabi ko para gawing shield pero nagulat ako sa lalakeng may dala dalang pagkain .



"Gising kana!" Nakangiti niyang sabi at lumapit sa akin, nanlamig ako dahil hindi ko gusto kung ano ang mga susunod na mangyayare.



"Anong ginagawa mo?" Malamig kong tanong sa kaniya.



"Mag tanan na tayo Alyanna, lumayo na tayo dito!" Nakangiti niyang sabi at kinilabutan ako.



"Tangina nag iisip ka pa ba?" Iritado kong sabi sa kaniya



Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa akin.



"Oo naisip ko na toh, kapag lumayo tayo Alyanna wala ng haharang sating dalawa. Mahal kita at mahal moko kaya mag tanan na tayo!" Nakangiti niya pang sabi at nairita ako.



"Tangina ganon ganon mo lang tatalikuran sina Kendra at anak mo?? Tangina nag iisip ka pa ba hah?!! Gago ka ba!! Isipin mo yung magiging anak niyo at ang asawa mo!! Engagement party niyo na in two weeks tangina!" Sigaw ko sa kaniya.



"Wala akong pakelam sakanila! Pagkakamali lang kung may nangyare saamin! Eh hindi ko nga maalala kung may nangyare ba saamin eh!" Sigaw niya at sinampal ko siya ng dalawang beses.



"Ang gago gago mo! Tangina bakit ba kita minahal?? Umalis tayo dito! Bumalik kana sa mapapang asawa mo!" Sigaw ko at biglang lumungkot ang kaniyang ekspresyon.



"Alyanna wala na akong maisip na paraan para maging malaya ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, gustong gusto na kitang makasama." Sabi niya at tinignan ko lang siya.



"Alyanna hindi ko na alam paano pa kita mamahalin, hindi ko kaya na wala ka kaya naisip kong mag tanan nalang tayo." Sabi niya at umupo sa tabi ko.



"Mahal kita Harvin pero wag mong tapusin ang relasyon niyo ni Kendra dahil lang saakin. Ayaw kong ako ang dahilan para maka sira ng isang pamilya. Mahal mo naman siya noon diba? Bakit hindi mo nalang ibalik yung noon?" Sabi ko at umiling siya.



"Gagawin ko ang lahat pero hindi kita pakakawalan dito. Aayusin ko ang problema ko kay Kendra habang nandito ka sa bahay ko." Sabi niya at napa face palm ako.



"Pwedeng pakawalan mo ako? May naghihintay sa akin kaya please lang." Sabi ko at umiling siya.



"Papayag ako sa gusto mo pero papayag karin dapat na dito ka sa puder ko!" Sabi niya at kumindat sa akin.



Tanginang utak toh kaya nga ata gumraduate na cumlaude toh sa dlsu dahil ang talino eh.



"Umalis kana sa harap ko, ayaw kitang makita!" Sabi ko at umalis siyang iniwan ang pagkain sa harap ko.



Paano ba ako makakaalis dito?? Naiirita ako bakit ba kasi hinalikan ko pa siya non kaya hindi tuloy naka limot.


Akala ko naman kasi pagpapaalam na namin yon kaya g nako don tas syempre aalis na kami ni Reign. Kailangan matuloy ng alis namin ni reign next week, walang makakapigil sa akin kahit mahal ko pa siya.


Ina ako at alam ko kung gaano kasakit sa anak ko ang mawalan ng ama. Masama ako pero ayaw ko namang manira ng pamilya na nabuo noong wala ako.



Lumabas ako noong naramdaman kong wala siya at pumunta ako sa sala para humanap ng telepono kaya naman nung naka kita ako ng telepono ay kaagad akong tumakbo roon para matawagan kona agad sina mommy.


"Mommy, si Alyanna po ito!" Bungad ko sa tawag.



"Alyanna, nasaan ka na ba? Kanina ka pa hinahanap ni Reign!" Sermon sa akin ni mommy.



"Pakausap po ako mommy!" Sabi ko.


"Reign nandito sa telepono ang mommy mo!" Narinig ko ang pag tawag ni mommy kay Reign.



"Mommy bakit hindi ka pa po umuuwi!!" Nag tatampo ang boses ni Reign sa tawag.



"Baby hindi ko pa alam kung kailan ako makakauwi pero kapag naka uwi ako iki-kiss kita ng marami at matutulog tayo ng magkatabi okay!" Sabi ko.



"Mommy naman bakit parang matagal po?? Ngayon kana po umuwi! Hindi mo pa nga po kinukwento si daddy sa akin eh!" Sabi niya.


"Baby promise uuwi ako, pag umuwi ako dadalhan kita ng gusto mo pero sure naman akong sapat na ako sayo diba! sige na baby gusto ko lang sabihin sayo na hindi ako makakauwi kaya matulog ka na! mahal kita baby!" Sabi ko at napangiti ako dahil masaya akong nakausap ko na ang aking anak.


"Sige po mommy! I love you! Bye bye po!" Sabi niya at doon na namatay ang tawag.


Naka ngiti kong ibinaba ang telepono at pagka harap ko ay nakita kong masama ang tingin sa akin ni Harvin.


Mag papaliwanag sana ako sakaniya na may kinausap lang ako pero biglaan nalang siyang umalis at nag dabog na sinara ang pinto.


Ano nanaman kaya ang problema non? Hindi pa nga ako nag uumpisa na hindi siya pansinin tapos nag dadabog na agad?


Nag punta ako sa kusina para humanap ng makakain dahil patay gutom ako, humanap ako ng bacon at mga itlog dahil gusto ko ng omellete rice tapos may bacon bites yung garlic rice!! nyeam naiisip ko palang nagugutom na ako!!


Nag umpisa na akong mag prito ng bacon at nag bati ng itlog. nag sangag din ako ng kanin na kakasya sa dalawang tao.


Gusto kong lutuan siya ng pagkain baka sakaling palayain na ako sa bahay niya na toh hehe char gusto korin siyang lutuan dahil house wife material toh! 


Noong natapos akong mag luto ay pumasok ako ng kuwarto at naka kita ako ng maraming damit na pambabae kaya naman naligo ako para naman fresh ako kapag sabay kaming nag dinner maya maya.


Nasa labas na ako para hintayin siyang makauwi pero mag dadalawang oras na akong naka titig sa pinto at hindi parin siya dumadating. 





"Nasaan ka na ba? Gabing gabi na!" Bulong ko at noong bumukas ang pinto ay nakita kong nanlalambot siyang pumasok kaya naman tumakbo na ako para saluhin siya.


Amoy na amoy sa kaniya ang alak.


"Bakit ba toh nag iinom!?" Bulong ko at nakita kong may roong mga kiss mark ang kwelyo niya kaya naman uminit ang dugo ko at bigla nalang siyang binitawan.


Bahala kang matulog sa sahig! Nag hintay ako at nalipasan na ng gutom tas makikipag halik halikan kalang sa iba. Bahala ka diyan puro ka pangako.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

6.9K 339 17
oneshot one: while in CR arc, when JZX said 'forget it' and WWX replied by 'what do you mean forget it' the class gets to see an encounter between fu...
1.6M 141K 47
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
5.7K 158 24
Ahtisa Cherry is the definition of your perfect daughter with a perfect life. She has everything she wants, Love life, Beautiful Face, Richness, and...
12.8K 1.3K 13
Bl theme ൽ ഉള്ളൊരു സ്റ്റോറി ആണ്... മനസിൽ കിടന്നു സമാധാനം തരാതായപ്പോൾ വേഗം എഴുതി ഇട്ടു..