Gone with the Wind (Diary Ser...

Oleh lovekirstenshiella

218K 2.9K 132

Alyanna Esguerra loves to chase everything She wants. She believe that what she want is what she will get and... Lebih Banyak

Author's Note
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Epilogue

Chapter 20

7.2K 100 2
Oleh lovekirstenshiella


Hindi ako ready kausap siya kaya naman tumayo ako ngunit aakma nakong umalis ay hinawakan niya ang aking kamay kaya naman napatingin ako sa kaniya na malungkot naka tingin sa akin.


"Wag kang umalis, dito ka lang sa tabi ko." Mahina niyang sabi at tinitigan ko lang siya.


"Kahit ngayon lang, gustong gusto na kitang makasama dahil miss na miss na kita." Sabi niya kaya naman umupo ako sa tabi niya habang tinititigan siya.


Pinagmasdan ko siya habang naka tingin sa bawat alon ng karagatan. Ano bang nangyare? Bakit kailangan nating humantong sa ganito?


"Palagi kong iniisip, paano kung hindi ko nalang iniwan yung cellphone ko sa kwarto ko non para bantayan si mommy? Hindi ka kaya na aksidente para puntahan ako?" Mahina niyang tanong sa akin.


Alam kong hindi mo ako kayang lokohin noon pero yung nakita ko, doon ako bumase para hindi na kita pagka tiwalaan ulit.



"Two months after your so called death, may naka kita raw sayo na staff ko sa may office ko." Mahina niya pang sabi at yumuko na para bang may pinipigilang luha.


Naroon ako at nakita kong magkahalikan kayo ni Kendra.


"Alam mo ba kung ano yung tanong ko sayo?" Nanginginig kong tanong sa kaniya at napa angat ang ulo niya para bumaling sa akin.


"Ano yon?" Tanong niya habang may malungkot sa mata.


"Bakit kinaya mo akong palitan kaagad sa loob ng dalawang buwan?" Nabasag ang boses ko at kumunot ang kaniyang noo.



"Anong sinasabi mo?" Nanginginig ang kaniyang boses habang nagtatanong, halatang nag pipigil ng kaniyang mga luha.



"Dalawang buwan palang pero nagawa mo na akong ipagpalit sa iba. Nakita kong mag ka halikan kayo ni Kendra noong araw mismo na pagkakaroon ko ng katinuan." Sabi ko at unti unti na tumulo ang pareho naming luha na pinipigilan.



"Anong sinasabi mo? Kailan nangyare yan?" Desperado niyang tanong sa akin.



"Kung kailan ako nakita ni inay Helen na nagpunta sa office mo." Malamig kong sabi at hinawakan niya ang pisnge ko para punusan ang luhang tumutulo sa akin.



"Hindi ko maalala kung ano yung sinasabi mo dahil ang alam ko lang ay palagi akong lasing at wala sa sarili noong mga oras na yon." Lumuluha niyang sabi sa akin kaya naman ginaya ko ang ginawa niya sa akin.



Hinawakan ko ang pisnge niya at pinunasan ko ang kaniyang mga luha gamit ang aking mga daliri.



"Dito na natin tapusin ang lahat Harvin, alam na natin ang tutuo sa bawat isa." Sabi ko habang patuloy na lumuluha at siya ay umiling ng umiling.



"Ayoko Alyanna, hindi ko kaya." Sabi niya, nakahawak parin kami sa pisnge ng isat isa.



"Pero magkakaroon kana ng sarili mong pamilya, wag mong ipagkait kay kendra at sa anak niyo ang pagmamahal ng isang asawa at ama." Nanginginig kong sabi sa kaniya habang lumuluha.



"Alyanna, hindi ko kaya." sabi niya habang basag na basag ang boses na lumuluha.




"Dito na natin tatapusin ang pagmamahalan nating dalawa, tuldokan na natin." Sabi ko at inilapat ko ang labi ko sa kaniyang labi.



Marahan kong hinalikan ang kaniyang labi habang sabay tumutulo ang aming mga luha.



Mahal na mahal ko siya, mahal na mahal ko si harvin, mahal na mahal ko ang ama ng anak ko pero ayoko ng guluhin ang buhay niya. Handa kong itago ang anak naming dalawa para lang sumaya ang pamilya na bubuoin nilang dalawa ni Kendra.



Punong puno ng lungkot at emosyon ang bawat paggalaw ng aming mga labi, ako ang unang bumitaw at ngumiti ako sakaniya habang nanginginig.


"Mahal kita harvin, tapusin na natin toh." 


"Mahal na mahal kita, Alyanna, wag!" Desperado niyang sabi ngunit umiling iling lamang ako.



Tumayo na ako at tumakbo paalis sa harapan niya.



Noong naka rating ako sa office ko ay doon ko inilabas ang lahat ng luha na pinigilan ko. lahat ng sakit ay nilabas ko, lahat ng pait ibinuhos ko at lahat ng paghihirap na pinagdaanan ko ay pinakawalan ko. 


Handa ko ng talikuran lahat ng pagmamahalan at memorya na aming pinagsamahan. handa konang iwan ang lahat ng alaala na aming pinagsaluhan.



Pinapaubaya ko na siya sa bago niyang magiging pamilya. 


Umuwi ako sa bahay ni Janine at nag palit ng damit. Hindi parin natatapos ang lahat ng luha na inilabas ko lalo na ngayong naka harap ako kay reign na mahimbing ng natutulog.



"Sorry anak hindi kita mabibigyan ng daddy!" Umiiyak kong bulong at kinailangan ko pang takpan ang aking bibig para hindi nito marinig ang aking mga hikbi.



Sorry anak kung hindi ko kinayang ipaglaban ang daddy mo! Sorry kung hindi ko kayang bigyan ka ng buong pamilya! sorry kung hindi mo mararamdaman ang saya ng may ama! Sorry kung nag paubaya si mommy para sa magiging pamilya ni daddy!



Ang pagpaparaya nalang ang nakikita kong paraan para maging maayos ang buhay ng lahat. Alam kong unfair saating dalawa pero ayokong maramdaman ni Kendra at ng baby nila ang matalikuran ng isang ama para sa ibang pamilya. 



Mas gugustuhin kong itago ka nalang habang buhay at maging masaya na tayong dalawa lang kaysa manira ng pamilya na nabuo sa loob ng ilang taong wala tayong dalawa.


"Sorry anak kung hindi na kaya ni mommy ilaban ang lahat." Sabi ko at hinalikan ang kaniyang noo.



"Magiging masaya tayo na tayong dalawa lang anak. Magiging masaya tayo kasama sina lolo at lola, tandaan mo yan!" Huling bulong ko kay Reign bago umalis sa kuwarto kung saan siya natutulog.


Umupo ako sa sofa at hindi namalayang nakatulog sa dami ng iniisip.




"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ni mommy at tumango ako.



"Bakit aalis nanaman kayo ni Reign? Ano uli ang gagawin niyo sa new york?" Tanong ni daddy sa akin.


"Babalik din po kami, kailangan lang po talaga!" Sabi ko at niyakap ako ni mommy at daddy.


"Kung hindi mo pa kaya, kami ang bibisita sainyo!" Sabi ni daddy saakin at tumango ako.


Pumunta ako ng resort para pag masdang muli ang ganda ng kapaligiran ng costa gracia, mukhang ma mimiss ko ulit ito. Ni rentahan ko ang villa kung saan namin nagawa ni Harvin si Reign para doon mag palipas ng araw bago kami umalis ni reign uli sa susuno na linggo.


Habang nag lalakad sa dalampasigan suot ang maxi dress na puti na binili ko limang taon na ang naka lipas para suotin ko sa araw ng aming kasal. Natawa ako na naisip kona ang bagay na iyon at bumili pa ako ng susuotin pero hindi naman pala ako ang mapapang asawa.


Lumakad ako palabas ng resort para sana matignan ang mundo sa labas ng kinalakihan ko ngunit tumigil ang mundo ko noong bigla na lang mayroong nag takip ng aking ilong at may pinaamoy na tuluyang nagpalambot saakin at nawalan ng malay.



Ngunit bago ako tuluyang ma pikit ay may narinig akong mga salita.



"Kailangan kong gawin 'to para maging malaya tayong dalawa, mahal kita at hindi tayo matatapos."


Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

3.7M 294K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
3.8K 329 4
𝚈𝚒𝚣𝚑𝚊𝚗 𝚏𝚒𝚌 シ︎ တချိူ့အပုဒ်လေးတွေကို Fb က Chinese short video လေးတွေကိုသဘောကျလို့ Yizhan version အဖြစ်ပြန်လည်ရေးထားတာဖြစ်ပါတယ်။ အဲ့တွက်လည်း 💢...
12.8K 1.3K 13
Bl theme ൽ ഉള്ളൊരു സ്റ്റോറി ആണ്... മനസിൽ കിടന്നു സമാധാനം തരാതായപ്പോൾ വേഗം എഴുതി ഇട്ടു..
2.1M 113K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...