You're Still The One (COMPLET...

By Bemstories

970 154 1K

"I'm finally free. I will win her back, no matter what. I will! Hindi ko siya susukuan. Maayos na ako ngayon... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 1: WELCOME BACK
CHAPTER 2: CATCH UP
CHAPTER 3: VISIT
CHAPTER 4: SICK
CHAPTER 5: JUST A GLIMPSE
CHAPTER 7: CELEBRATION
CHAPTER 8: CORON
CHAPTER 9: BONFIRE AND SECRETS
CHAPTER 10: SOON
CHAPTER 11: BOARD EXAM
CHAPTER 12: PIETRO BUILDERS
CHAPTER 13: PASSED
CHAPTER 14: ANNULMENT
CHAPTER 15: PARENTS
CHAPTER 16: CLUES
CHAPTER 17: SILENCE
CHAPTER 18: HE'S BACK
CHAPTER 19: FINALLY
CHAPTER 20: KYLE
CHAPTER 21: FREE
CHAPTER 22: WHO IS SHE?
CHAPTER 23: PASSED OUT
CHAPTER 24: MIDNIGHT TALKS
CHAPTER 25: TEARS
CHAPTER 26: HER MAGICAL NIGHT
CHAPTER 27: SALUBONG
CHAPTER 28: UNTIL OUR NEXT SUNSET
CHAPTER 29: DEALING WITH HER BROKEN HEART
CHAPTER 30: WARM HUG
CHAPTER 31: BRAVE
CHAPTER 32: MEMORABLE
CHAPTER 33: HER ACTIONS
CHAPTER 34: SECOND CHALLENGE
CHAPTER 35: PROTECTIVE BEST FRIENDS
CHAPTER 36: TAGAYTAY
CHAPTER 37: IT'S TIME
CHAPTER 38: THE LONG WAIT IS OVER!
CHAPTER 39: THEIR FUTURE TOGETHER
CHAPTER 40: HAPPILY EVER AFTER
FINAL AUTHOR'S NOTE
SPECIAL CHAPTER: VINCE
SPECIAL CHAPTER: HAPPY BIRTHDAY, LOVE

CHAPTER 6: NEW LIFE AHEAD

23 4 8
By Bemstories

Emily's POV
Time flies so fast that I didn't notice that our graduation day is about to come. Akala ko di na ako makaka-graduate sa sobrang daming requirements at pressure na dumating sa amin. Akala ko dati ang cause of death ko anemia yun pala requirements sa course na nursing. Pero sa awa naman ng Diyos makatatapos na ako ng pag-aaral. Ga-graduate kami ni Vince with flying colors. We made our college life worth it. Nakatapos din kami ng dalawang magkasunod na novel. Me and Vince decided to have a date today cause for sure the next day we'll have it as family day. Darating kasi bukas sila Mommy para sa graduation ko. Kasama niya si Tita Marie. Si Kuya Mark at ang pamilya niya sa isang araw pa darating dahil hindi sila nakakuha ng flight para bukas.

"Are you excited to graduate?" he asked while still gazing the beautiful buildings around us.

"Of course. Tagal kong hinintay ang araw na 'to." I answered.

"Graduate college with you, check! Our next goal is to become a published author!"

"Yes! We'll do it as soon as we passed the nursing boards. Dalawang bansa kailangan natin maipasa. Teka pala, wala ka talagang balak ituloy sa medicine? Ayaw mo nun tatawagin kang Doc Vince instead of Nurse Vince?"

"Hindi pa ko nakakapag-desisyon sa bagay na 'yan. Gusto ko maging neuro surgeon pero hindi ko alam kung kakayanin ko ba yung pressure sa med-school knowing that I came from a family of doctors."

"You can do it but if you're still not thought about being a doctor it's okay. I'm still proud of you. Imagine, you finished college of nursing with flying colors."

"You too. I'm so proud of you, babe. Despite of getting hard you still managed to graduate in an international school and with flying colors. You made it, Emily Savvanah Howards!"

"We finally made it. Susunod nito published authors na tayo."

"Can't wait to attend in our books signing!"

We talked more about our future and we decided to have lunch in the nearby mall. He didn't know I left in our condo yesterday. Bumili kasi ko ng pang-regalo sa kanya after graduation. Matagal ko ring inipon yung pinambili ko ng regalo niya dahil nuknukan ng mahal. Lahat ng funds ko para sa Waterfall Album napunta lahat sa gift ko sa kanya. Halos seven thousand pesos din nagastos ko sa set ng Harry Potter books na regalo ko sa kanya. Matagal niya nang sinasabi sa akin na niya yun bilihin pagkatapos ng graduation kaya yung pambibili ko sana ng Waterfall Album at mga wattpad books ay binawasan ko muna para maipandagdag sa pambili ng Harry Potter book set. Kung saan-saan ko yun hinanap pero buti na lang uso shopee dito kaya dun ko nahanap.

"Excited ka na ba sa pagdating nila Tita bukas?" tanong niya habang kumakain kami ng dinner.

"Yup! Kaso gabi ko lang sila makakasama since we need to fix our papers pa diba?"

"So anong plano? Dito sila sa condo? You want pahiram ko muna sa inyo yung condo ko para di na sila gumastos pa ng hotel?"

"Hindi na. May budget naman sila para sa hotel. Nagplano nga sila ng itinerary eh. Tayo pa gagawing tour guide."

"Sige pero mas makakatipid sila if sa condo ko na lang."

"'Wag nang makulit. Okay na sila sa hotel. Nakapagpa-reserve na kaya chill. Ikaw ba? Hindi mo ba kikitain si Tita tsaka yung kabit mo si Celeste?" Matagal na kasing di nagpaparamdam yung kabit niya na yun kaya nakaka-miss din.

"The-Babe naman! Mapapamura mo ko dahil sa kabit-kabit na yan! Buti na lang naalala kong kumakain tayo! Babe! Kung magkaka-side chick ako hindi siya!"

"Eh sino? Sinong binabalak mong maging side chick ha? Update mo ko kapag nakapili ka na ng side chick mo ha. Para naman maging best friend ko." Inis kong sagot. Sino ba naman kasing matinong boyfriend ang magbibiro ng ganun?

"Ito naman! Hindi ako maghahanap ng side chick you're more than enough. I already have gold so why would I throw it and pick up a trash instead? I'm not that dumb to do that."

"Going back to the topic na nga. Masyado na tayong seryoso. So ano nga plano mo? Kailan mo balak magpakita kay Tita? Tinext niya ko nung nakaraan kinakamusta ka."

"Bukas din. After kita ihatid dederetso ako sa bahay niya para dun magpalipas ng gabi. Morning babalik din ako. Sa hotel ka na lang muna matulog kasama sila Tita ha. 'Wag kang uuwi dito. Wala kang kasama."

"Kaya ko naman sarili ko dito,Vince. I'll make sure everything's locked before I sleep."

"No. Baka mapaano ka dito. Ikaw lang mag-isa. Mas panatag ako kapag kasama mo sila Tita." he answered. Worry is evident in his voice.

"Okay sige. Sa room na lang ako ni Mommy matutulog bukas."

"Good idea. Makakatulog na ako ng mahimbing nito."

Ng matapos kaming kumain ay hinugasan ko muna ang mga pinagkainan namin at pagkatapos ay dumiretso na sa sala. Nanunuod si Vince ngayon ng movie. Pumasok muna ko sa kwarto ko para kunin yung phone ko at iPad. I will check the standing of top students and titignan ko sin yung emails ko baka mamaya nag-email na sa akin yung editor ko hindi ko pa na-reply-an. May message sa messenger ko galing kay Mommy.

Mommy:
Anak, ayos na mga gamit namin. Ilang oras na lang magkikita na tayo.

Me:
Oo nga po, Mi. Gabi flight niyo diba? Masusundo namin kayo ni Vince.

Mommy:
Oo nak. Gabi kinuha naming flight para masundo mo kami. Baka mamaya kasi maligaw kami jan.

Me:
Matulog po kayo ng mahimbing ngayong gabi. I-chat niyo po ako kapag paalis na kayo diyan. May mga aayusin pa po ako ngayong gabi.

Mommy:
Kumain ka na ba? Sana nakakain ka na bago mo inayos yang mga yan.

Me:
Tapos na po kami kumain ni Vince.

Mommy:
Sige. Ayusin mo na yung mga aayusin mo. Wag masyado magpuyat ha. Good night anak.

Me:
Good night din po, Mi. I can't wait to see you.

Mommy:
Ako din anak. Ako din. Magpapahinga na ako. Magpahinga ka na din pagkatapos ng mga inaayos mo.

Me:
Opo.

"Babe, what's with the phone and iPad? May nakalimutan ka bang requirements?" he asked while looking at me strangely.

"Wala naman. Magc-check lang ako ng emails and yung checklist ng mga gawain ko."

"Gawain? Diba rest day natin sa writing? May update ka ba?"

"Wala nga kong creative juices tapos pagu-updatin mo pa ko."

"Tinanong ko lang. Baka mamaya kasi nag-sneak peak ka na naman."

"Baliw hindi! Kapag tamad ka, tamad din ako. Kapag ayaw mo ko mag-update syempre di ako magu-update. Kinukulit na nga ko ng SavvFam sa gc sabi ko na lang masyadong maraming requirements eh."

"Syempre! Couple goals tayo eh!"

"Tangeks! Pagkatapos ng graduation kailangan na natin matapos yung mga libro natin para makapag-focus tayo sa bored exam! Alalahanin mo Vince dalawang bansa ite-take nating exams!"

"Yup! Syempre marami na kaya kong chapter outline. Tapos na siya sa outline i-popost na lang yung chapters."

"Ako naman tapos na yung chapters sa file ko pero di ko pa nailalagay sa wattpad."

"Sabay na lang nating asikasuhin yun pagkatapos ng graduation."

Napabuntong hininga na lang ako. Sigurado pagkatapos ng college maraming magbabago. Hindi na kami nasa eskwelahan at may sinusunod na patakaran nasa labas na kami nito kung saan nakapaloloob dito ang mga mas malalaking pagsubok ng buhay. Maraming aral ang darating at maraming pangarap ang matutupad sa paglabas namin ng paaralan. Ang mga bagay na hindi naituro dito ay amin nang matututunan. Kailangan naming maging handa sa kung ano mang haharapin namin. Lalo na ako, alam kong malapit na siyang bumalik. Malapit na siyang magbalik at guluhin muli ang tahimik kong buhay. Sana lang sa pagbalik niya walang bumalik na feelings sa puso ko. Matagal ko nang kinalimutan yun. Matagal ko nang ibinaon sa limot kaya sana lang... Sana lang 'wag bumalik. Ayoko nang masaktan muli dahil sa kanya.

"Hey babe! You're spacing out! I'm asking you, nakabili ka na ba ng gift for me?" he said while tapping my shoulders.

"I-i'm sorry. Oo nakabili na ko ng regalo mo! Napakamahal! Nalagasan ako ng malaki."

"Nahiya naman ako sa regalo ko sayo! Nakipag-bardagulan pa ako sa twitter makuha lang yun!"

"Ako nga matagal naghanap ng gusto mo na yun eh!"

"Hindi ko na re-reveal yung regalo ko kasi di na yun gift kapag ni-reveal ko. Basta bagong labas lang yun."

"Ako matagal mo na din yun gusto bilin. Ako nang bumili sayo kasi alam ko namang napakakuripot mo!"

"Kailangan ko na magtipid 'no. Hindi na tayo estudyante after a few days. Ako kaya magbabayad ng review center."

"Sa bagay. Ako nga nanghihingi na ng sponsor kay Kuya Mark at Ate Gab. Sila na daw bahala sa review center ko."

"Sana all may sponsor."

"Nakakahiya naman yung yaman mong lalaki ka! Kahit di ka na magtipid afford mo na yung review center."

"Basta kung anong review center yung papasukan mo dun na din ako."

"Di pa ko sigurado kila Ate Gab kung saan. Sila pinapapili ko eh."

"Chat ko na lang si Ate Gab!"

"'Wag na! Babalitaan na lang kita! 'Wag mo na sila istorbohin!"

"Sige-sige. Excited na kasi ko mag-exam!"

"Sa lahat ng magb-bored exam ikaw lang yung excited. Ako nga kahit may flying colors kinakabahan pa din eh!"

"Wala kang dapat ika-kaba, babe. Kaya natin 'to ipasa! Makakatapos na nga tayo ng nursing diba?"

"Yup! Tama! Kailangan maging worth it lahat ng ginastos nila para sa akin."

Pagkatapos ng masayang kwentuhan namin ay binasa ko na ang mga emails ko at yung mga pending kong gawain. Matapos kong iayos ang lahat ng ito ay napagdesisyonan namin na manuod na lang ng movie. Inilatag namin ang aming sofa bed at doon na lang nahiga habang nanunuod. Habang nanunuod kami ay lumapit siya ng higa sa akin at isinuksok ang kanyang mukha sa pagitan ng aking leeg at balikat. Naglalambing nanaman ang Vincent ko.

"Bakit? Anong kailangan mo?" tanong ko.

"Nothing. I just want to feel you close to me." he answered at mas idiniin pa ang mukha niya sa aking leeg at hinigpitan ang kaniyang yakap.

"Okay..." Naramdaman kong mabigat na ang kaniyang paghinga senyales na siya'y tulog na. He really sleep well when he feels me closer to him. Unti-unti ko nang isinara ang aking mata upang magpahinga. Bukas panibagong araw na naman ang aming haharapin.

Vince's POV
I woke up beside the girl I love. She's peacefully sleeping beside me. The moment I open my eyes the first thing I see is her that's the best blessing I ever received everyday. I kissed her forehead and got up from our sofa bed. I started making our breakfast. Maaga pa naman at mamayang 7 am pa kami kailangan sa school. Naligo muna ako bago ako naghanda ng breakfast. Bumalik ako sa sala para gisingin si Ems.

"Babe, wake up. Good morning!" Bulong ko at hinalikan siya sa noo.

"Hmmm. Maaga pa. Five minutes." she answered in a sleepy tone.

"No po. Hindi pwede. You need to wake up na kasi we need to go to school. Breakfast is ready naaa!" I said and kissed her cheeks. Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata at bumangon.

"Breakfast is ready. Take a bath now."  saad ko habang nag-aayos ng pinaghigaan namin. Tumango siya at pumasok na sa kwarto niya. Matapos kong ayusin ang pinaghigaan namin ay hinanda ko na ang hapag kainan. Kumain na kami ng agahan at pumunta muna sa hospital para kunin ang evaluation namin. Pagkatapos namin dito ay dumiretso kami sa school para ayusin yung iba pa naming papeles.

"Naayos niyo na yung evaluation niyo??" tanong ni Louise.

"Yup! Ikaw?" sagot ni Ems.

"Tapos na ako. Chill na lang ako dito. Tapos bukas susunduin ko sa airport yung family ko. Sa apartment ko sila matutulog. Maluwag naman dun."

"Ako mamaya sila dadating. Sa hotel sila mags-stay. Handang-handa sila sa graduation ko. Tapos bukas wala namang klase diba? Pwede ko sila i-tour dito sa Singapore." The way she talk about her family makes me fall in love more. I fell in love with a girl who's family oriented and knows her responsibility.

"Vince! Baka matunaw si Ems niyan ah! Lagkit ng tingin!" saway ni Louise sa akin.

"H-ha?" sagot ko. Hindi ko maintindihang paanong malagkit ang tingin ko? Ganun naman talaga ko tumingin.

"Ako pa niloloko mo? Malabo lang 'tong mata ko pero hindi ako bulag! Konti na lang parang gusto mo nang halikan sa harap ko si Ems eh!"

"'Wag mo na pinagpapansin 'yang si Vince, Louise. Ganiyan talaga 'yan kapag bored or lutang." saway ni Ems.

"Maiwan ko na nga kayong dalawa. Mukhang kailangan niyo na ng bebe time eh." Paalam ni Louise at inayos ang kaniyang bag. Mabilis siyang naglakad palayo sa amin. Nagpunta na kami ng canteen at dun kumain. Inasikaso namin ang mga update namin habang kumakain.

Night came and we're now preparing sa pagsundo kila Tita sa airport. Nagsuot lang ako ng simpleng white t-shirt, flannel at ripped jeans. Naayos ko na din yung mga dadalhin ko sa bahay. Hindi ko ininform si Mama na uuwi ako para surprise. Lumabas na ako ng kwarto ko dala ang gym bag ko. Nakita kong naghihintay si Ems sa sala. Agad siyang lumapit sa akin at inayos ang magulo kong buhok.

"Vince! How many times do I have to tell you that fix your hair?! Para ka laging bagong gising kahit di naman!" sermon niya at inayos ang aking buhok. Pinagmasdan ko lang siya habang ginagawa ito. Hanggang kailan kaya kami ganito? Hanggang kailan ko kaya mararamdaman ang pag-aalaga niya? Hanggang kailan kaya siya magiging akin? Alam kong akin siya habang wala pa si Ken pero alam kong pagbalik niya kasabay niyon ang pag-alis ni Emily sa buhay ko kaya hanggat maari sinusulit ko ang bawat panahon na magkasama kaming dalawa.

"Hey babe! You're spacing out." Ems said.

"I'm sorry. May iniisip lang ako. Let's go. Baka nandun na sila Tita." sagot ko.

"Wait. Kunin ko lang yung bag ko." sagot niya. Bumalik siya dala ang kaniyang back pack. Nandito siguro yung mga things na kakailanganin niya sa hotel. Ako na ang nagbitbit ng back pack niya at lumabas na kami ng condo.

"Alam ni Tita na uuwi ka?" tanong niya habang nasa biyahe kami papuntang airport.

"Nope. Basta na lang ako uuwi dun at magpapakita sa kanya."

"Magandang gawain 'yan ng isang anak." she answered and laugh loudly. Napailing na lang ako sa reaction niya. Pagdating namin sa waiting area sa airport ay ilang sandali pa ay dumating na sila Tita. Agad naman silang niyakap ni Ems. Nagbless lang ako kay Tita.

"Good evening, Tita." bati ko.

"Good evening, Vince. Long time no see. Kamusta kayo ng anak ko? Inaalagaan mo bang mabuti?"

"Okay naman po kami. Syempre naman po. Inaalagaan kong mabuti 'yang si Ems."

"Mi! Mabuti pa sa hotel na natin ituloy ang kwentuhan. Kailangan na din kasi umuwi ni Vince sa Mama niya dahil hinahanap na siya sa kanila." singit ni Ems sa aming kwentuhan.

"Mabuti pa nga." sagot ni Tita. Tinulungan ko silang dalhin ang mga bagahe nila sa kotse ko. Nang makarating kami sa hotel ay binaba ko ang mga bagahe nila Tita.

"Mommy, mauna na kayong pumasok. Magpapaalam lang ako kay Vince." Paalam ni Ems.

"Sige, anak. Hihintayin ka na lang namin sa lounge para sabay-sabay na tayong makaakyat." sagot ni Tita.

"Mag-iingat sa pagmamaneho,Vince. Good night," paalam ni Tita sa akin.

"Good night po, Tita. See you tomorrow po," sagot ko. Pumasok na sila sa loob ng lounge kaya kami na lang ni Emily ang naiwan.

"Good night, babe. I'll miss you," she said.

"I'm gonna miss you too, babe." I answered and hug her tight. Kinalas namin ang yakap sa isa't isa.

"Text me kapag nakauwi ka na ah." sagot niya at inayos muli ang buhok ko.

"Opo, Binibini ko. Magpahinga kang mabuti kasama sila Tita ha."

"Oo, Ginoong Vince. I love you!" she said and kiss me on the cheeks. I was surprised by that sudden move but I manage to hug and kiss her forehead.

"I love you too,  Binibini." I whispered. Pagkatapos namin magpaalaman ay hinintay ko lang siyang makapasok sa lounge bago ako makaalis. Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ng mainit na yakap ni Mama.

"Finally! Umuwi din ang unico ijo ko!" bati niya.

"Ma naman! Para namang di ko kayo pinupuntahan every one month!" sagot ko.

"That's the point, anak! Every one month lang kung dalawin mo ako! Kinalimutan mo na yung mama mo dahil may girlfriend ka na."

"Hindi naman po. Naging busy lang sa school. Tsaka graduation na next week, Ma."

"Oh right! Graduation niyo na nga pala. Have you eaten?" she asked.

"Nope. Hindi kami nagdinner ni Ems."

"Oh sakto! I cooked some Adobo earlier kasi Emily sent me a message na uuwi ka."

"Sabi ko 'wag ka i-text eh! Well, ayos na din cause that's my favorite."

"Let's go na sa dining para makakain ka na." sagot niya. Tinext ko muna si Ems na nakauwi na ako bago sumunod kay Mama sa dining area para kumain. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko para makaligo at makapagpahinga na. Nag-update na muna ako ng story ko at nanuod ng k-drama na pinapanood ko nung nakaraang linggo. Halos alas dose na din ng makatulog ako.

Ken's POV

"Ken, you're already on your final year in engineering right? What's your plan after graduation?" tanong ni Ate habang kumakain kami ng agahan.

"I'm gonna have my own firm while working on our company." sagot ko. This is my first step before coming back to Emily's life. I need to become succesful first before showing myself to her and I need to fix the mess that ruined us before. Siguradong after ng graduation namin ni Ana mapapag-usapan ulit ang kasal namin.

"So you're really planning to let Mama have a taste on their own medicine..." saad ni Kuya Kenneth.

"Ayoko magrebelde sa maling paraan so take this action as a sign of rebellion. Me being succesful despite of what they did is the best revenge I'll ever give to them. They took my love away so I'll also take theirs too."

"That's the spirit, Ken! I'll be with you all the way." sagot ni Ate.

"I'll support you to whatever your decisions are," Kuya answered. Hearing their answers is enough for me to know that they're going to support me. Kaya kong lahat ng ito dahil sa kanila at sa pag-asang makakabalik ako sa buhay ni Ems. I'm embedded in her soul and heart that's why I'm really confident of coming back but before that I need to fix my life first. I need to be free so that I can also have her freely. Knowing Vince he's not going to give up Emily if he knows I'm still the Ken they knew before. I'm already saving up for a lot in the Philipines for my dream house and I already save enough money to start a big engineering firm. Simula highschool pinag-ipunan ko na ito at sisiguraduhin kong hindi mauuwi sa wala ang lahat ng efforts ko.

"It only means that you'll work in our while working on your own company?" Kuya asked.

"Yes. Para di sila magtaka na may iba kong pinagkakaabalahan. They all know na I'm bound to run our company but in the end I'll start my own." sagot ko. Wala si Kyle dahil maagang umalis para sa school. After we eat ay si Ate na ang naghugas ng pinggan. Lumabas na ako ng condo at nag-drive na papunta sa school. Pagdating ko sa school ay sinalubong ako ni Liza.

"Ken! Have you heard about Emily's graduation?" she said.

"No. Sandra didn't tell me something about her. We haven't talk yet. Why?" I answered.

"Her graduation is next week and she'll graduate with flying honors. Take note they are only two Filipinos who got flying colors in that school. She and Vince. She chatted me last night about it." I'm not surprised by what I hear. She's Emily Savvanah. She's excellent in anything she does and it's nursing his dream course.

"I'm not surprised it's her dream after all." I answered.

"Yeah. As expected to that couple. They excell together."

"Nauna ka pa mamalita ng buhay nila kesa pumasok sa unang klase mo! Alalahanin mong psychology student ka!"

"Oo na! Daig mo pa prof ko makatalak! Bye na nga! Kita na lang tayo later!" sagot niya at naglakad na palayo sa akin. Habang naglalakad ako papunta sa room ko ay nakasalubong ko si Ana.

"Ken, how's life? Long time, no see." she greeted me.

"It's fine. Long time, no see too." I answered.

"Uhm... Can you send me home later? I don't have my car eh."

"No. I can't. I'm sorry. Call your driver na lang." sagot ko at iniwan siya sa hallway. I went to my first class this morning. My day went busy at pag-uwi ko ay sinimulan ko nang magresearch para sa firm ko. Nagising lang ako dahil may tumapik sa balikat ko.

"Ken... Lipat ka na sa kama mo," saad ni Ate. Lumingon ako sa paligid ko at nakita kong nakatulog na pala ko sa desk ko. Kaya pala medyo masakit ang likod at batok ko dito na ako nakatulog. Lumipat na ako sa kama ko at hinayaan na lang ang makalat kong desk. Siguro sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako agad.

Kassandra's POV
Seeing Ken having sleepless nights just to be better for Emily makes me proud of him. He wants to be better para makabalik siya sa buhay ni Emily. Ang tanga niya din kasing di ipaglaban yung gusto niya eh pero sa kabila ng katangahan niya ay nauwi naman sa pagiging masikap niya at matiisin. Kung tutuusin pwedeng-pwede niyang balikan si Emily kahit kailan niya gustuhin pero hindi pa rin siya bumalik kasi alam niyang hindi pa maayos ang buhay niya. He stayed loyal in his first love despite the distance and time. I'm so proud of him that he choosed to be successful than to throw his life away. Bihira kong makita ang ganiyang katangian sa mga lalaki ngayon kaya proud akong isa siya sa mga lalaking mas piniling maging successful para sa babaeng mahal nila.

"Ken, what if she doesn't love you anymore?" Kenneth asked while still typing something on his laptop. Tahimik ko lang silang pinakikinggan.

"It's fine. At least she made me successful. My love for her made me successful and better." he answered.

"Anong kinakapitan mo at bakit ka ganiyan magmahal, Ken?" sagot ko. Hindi ko na napigilang makisali sa usapan nila.

"My promise to her. I made a promise that I will love her from afar. Hindi ko alam bakit, Ate, basta isang araw nagising na lang akong hindi na ako makaahon sa pagmamahal ko para sa kanya," he answered.

"Sana all talaga may ganiyang lalaki. Yung handang maging successful makabalik lang sa minamahal niya." sagot ko at bumuntong hininga.

"Matatagpuan mo din ang para sayo, Ate. Hindi man ngayon pero alam ko may nakaalaan para sayo. Malay mo si Kuya Darren na yun."

"Oo nga, Ate! Malay mo siya na!" Sang-ayon naman ni Kenneth at binuntutan ng mapanlokong tawa.

"Alam niyo magsama kayong dalawa! Puro kayo Darren eh ako yung kapatid niyo! Di na nga yun babalik! Ano ba!" Inis kong sagot. Ewan ko pero sa tuwing naririnig ko yung pangalan ng lalaki na yun automatic nang umiinit ang ulo ko.

"Wala naman kaming sinabi na babalik siya ah," sagot ni Ken. Wala nga pero yung statement niyo ganun yung pinararating. Iniwan ko na sila sa sala at pumunta sa kusina para ipaghanda sila ng makakain.

"Kassandra, bakit wala si Ken?" tanong ni Papa habang ngumunguya. Kasalukuyan akong narito sa bahay nila para ihatid lang sana si Kyle pero nauwi sa family dinner. Nandito si Kenneth kaya kapansin-pansing si Ken lang ang wala. Hindi siya sumama dahil madami siyang inaayos para sa school.

"Kasi po marami siyang requirements na hinahabol para sa school." sagot ko.

"Don't tell me he's not attending classes again. He looks like a lovesick fool when he did those before." sagot naman ni Mama.

"He attends class but he's also fixing the project you assigned to him. The one in New Zealand." Hindi naman nagliliwaliw si Ken at wala nga siyang oras para dun. Alam kong isa  yun sa dahilan bakit hindi niya kaagad nahabol ang requirements niya sa school.

"Good for him. May silbi na siya." Nasasaktan ako para kay Ken nang marinig ko yun mula sa bibig ng Mama namin. Hindi na lang kami nagsalita ni Kenneth pero nagkatinginan kami at nagpatuloy sa pagkain.

"Be good,  Kyle huh? I'll be back on Sunday." paalam ko. Tumango lang siya bilang sagot. Umuwi na din kami ni Kenneth pagkatapos. Inabutan namin si Ken na gumagawa ng plates niya.

"Uy, Ate. Nandito na pala kayo. Sigurado kumain na kayo. Tapos na ko kumain nag-order lang ako." he greeted us. Kita ko sa mga mata niyang pagod siya.

"Mabuti naman nakakain ka na." sagot ko. Hindi ko na i-ku-kwento sa kanya ang sinabi ni Mama. Ayoko nang makadagdag pa sa dinadala niya. Tama nang sa amin na lang nila Kenneth ang lahat ng yun.

"Hinanap ba ako dun?" he asked while writing something on his plate.

"Oo. Kinakumusta yung pag-aaral mo."

"Ahhh. Mabuti. Sige na, Ate. Magbihis ka na," sagot niya. Umakyat na muna ako sa kwarto ko at nagbihis. Hindi na ako bumaba dahil gusto ko nang mahiga. Binuksan ko ang wattpad app ko at nagbasa ng bagong update ni Emily. Pagkatapos kong basahin ito ay lumipat naman ako sa webtoon app para naman basahin ang webtoon ni Ken. Hindi maipagkakaila ang galing ni Ken sa drawing. Sobrang realistic ng itsura at ng dialogues. Matapos kong basahin ang ilang episode ng kaniyang webtoon ay nag-skin care na ako at natulog.

A/N: Sorry for the late updates Bemskies! Enjoy reading! Happy 148 followers sa atinnn! Thank youuuu!

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 217K 55
When Emily applies for a position as a caregiver for Daniel, a boy with a permanent spinal cord injury, she never thought she'd also be dealing with...
896K 29.3K 39
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
712K 25.7K 37
( third book in The Ruka Wild series ) Heartbroken and alone, Ruka is sent to the Boiling Rock where she faces her biggest fear: alone in the dark. N...
394K 11.6K 33
Part 2 of "Mute" Y/n can finally speak after healing her vocal chords, but now she has some more challenges she has to face. For instance, controlli...