Napa tawa nalang ako ng malakas habang naka tingin ako sa mukha ni Jose na ngayon ay puno puno ng icing.
"You look so cute--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang niyang ipitin ang mukha ko sa kaniyang mga palad!
"You are so naughty." Sabi niya habang hawakhawak parin ang mukha ko.
Pinisil ng bahagya ang ilong ko bago niya pinakawalan ang mukha ko.
Inirapan ko nalang siya. Akala ko mag d-date kaming dalawa hindi natuloy dahil ng umuwi kami sabahay ay hindi ako pinayagan ni mommy i don't know why but she's so problematic.
Hindi nalang ako nag reklamo. Kaya ang ginawa namin ni Jose ay nag be-bake kami ng cake and cup cakes i don't but i am so happy.
"Bantayan mo ang oven baka masunog ang strawberry cake." Sabi ko kay Jose habang pinapahiran ko ang mukha ko dahil nilagyan niya ng icing.
Nakita kong bahagya siyang tumawa at tinalikuran ako para tingnan ang oven.
Nang matapos kami sa ginagawa namin ay agad namin iyong nilapag sa mesa.
"Tikman mo Jose." Sabi ko sa kaniya bahagya siyang natigilan dahil sa sinabi ko kaya nag peace nalang ako sa kaniya.
"Sige na please tikman muna. Promise pagkatapos mong tikman titikim rin ako." Sabi ko trying to hide my smile.
Siya dapat ang unang tumukim, ayaw kong malason no. Kung ano ano kasi ang hinalo naming ingredients kanina.
Oo, hindi pa ako gaanong marunog mag luto ng mga cakes at cup cakes but i'm trying dahil iyon ang kinuha kong course iyon kasi ang una kong nakita sa CTU kaya ayon ginrab ko na agad.
Kumuha ako ng tinidor at binigay sa kaniya akala ko hindi niya iyon kukunin pero napangiti ako ng bumuntong hininga siya at kinuha iyon.
Matapos niyang tikman ang strawberry cake ay napapikit siya ng kunti.
"Ano masarap?" Agad na tanong ko but he only gives me a small slice of cake kaya nakakunot noo ko siyang tiningnan.
"Bakit?" Sabi ko but pilit niya lang pinapatikman sa akin ang cake. Napailing nalang ako.
Okay it's my turn. Nang matikman ko ang cake ay agad akong napatakbo sa sink at iniluwa iyon! Damn you Jose! Bakit ang alat ng cake? Don't tell me? Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan si Jose na ngayon ay kumuha ng tubig sa may fridge.
"Bakit ang alat? Tama naman ang mga ingredients na nilagay natin ah." Sabi ko at uminom rin ng tubig.
"Inilagyan ko ng kaunting salt--" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil agad akong nag salita.
"A-ano? Saan ka naman naka kita na ang cake nilalagyan ng asin? Nilagyan mo nalang sana ng toyo nahiya kapa." Sabi ko at tinawanan siya.
Napailing nalang ako habang nililigpit ang cake sa lamesa hindi ko alam kung anong gagawin ko sa cake. Kaya pala maalat dahil nilagyan niya ng asin. MyGad na stre-stress ako kay Jose! Saan naman siya nakatikim ng cake na maalat?
Nagulat ako ng bigla nalang niya akong yakapin mula sa likuran ko.
"Hoy, anong ginagawa mo? Okay lang magluluto nalang tayo ulit ng cake basta huwag muna ulit lagyan ng asukal."sabi ko pero nanatili parin siyang nakayakap sa akin.
Mag sasalita na sana ako ulit ng bigla siyang mag salita.
"I want to stay with you forever." Sabi niya kaya napakurap kurap nalang ako.
"Promise i won't leave you. Just.. just trust me love." Bulong niya.
Napailing nalang ako at hinarap siya. Kahit pikonin siya ay hindi ko parin maitanggi na mahal ko na rin siya.
"I already trust you Jose. Pero ang hindi ko lang lubos maisip kung bakit mo nilagyan ng asin ang cake." Sabi ko trying to joke nakita ko siyang umiling at bahayang hinawakan ang ulo niya. Maybe he's trying to remember something kaya napatawa nalang ako.
"Okay lang iyan. Mahal naman kita." Sabi ko at nginitian siya.
"Mas mahal kita kahit hugotera ka." Sabi niya sa napaka seryosong tuno.
Mabuti nalang at binitiwan na niya ako at tinulungang ligpitin ang mga kalat namin dahil for sure pagaglitan kami ni mommy kapag maabutang ganito ka kalat ang kusina.
Ng matapos kaming mag linis sa kusina ay iniwan ko muna siya sa sala at para kunin ko si Vaincious at si TJ sa kwarto ko.
Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay napatingin muna ako sa cellphone ko.
Nakita kong may mga miss calls at messages si Dailyn sa akin kaya napakunot ang noo ko at binuksan ang mga text messages niya.
Nanginig nalang bigla ang mga kamay ko, ang lakas ng tibok ng puso ko, nanubig nalang ang mga mata ko.
No it can't be she's just kidding right? Prank lang naman siguro ito diba?
No it can't be.
Nag ring ulit ang cellphone ko kaya nanginginig kong tiningnan kong sino ang caller then may heart beating fast.
It's Dailyn. Pinakalma ko muna ang sarili ko muna sarili ko bago ko sinagot ang tawag.
"Tecia, i'm sorry but please tell Vaincious na kailangan na niyang umuwi or else--"hindi niya tapos ang sasabihin niya dahil agad akong nag salita.
"H-He's s-sick r-right? Anong sakit niya?" Agad na tanong ko habang tumutulo ang mga luha ko.
"I'm sorry Tecia but i think. Si Vaincious ang dapat na mag sabi sayo. Please Tecia pauwiin mo si Vaincious Please. Pang lima na itong check up niya and he always refuse." Sabi ni Dailyn kaya napatulo nalang ang mga luha ko.
Bakit nalaman ko pa? Mahal ko na ang tao e. Mahal ko na siya pero bakit ganito?
Kung kailan masaya na ako tsaka ko pa malalaman na ang taong mahal ko ay may sakit pala. Ang daya naman nito.
"Please Tecia, alam ko na sayo lang siya nakikinig." Sabi ni Dailyn kaya napa iling nalang ako.
Ano ang gagawin ko? Act like i didn't know anything? Act like normal?
Kaya pala naging makalimutin na siya.
Parang may kung anong tumarak sa puso ko, hindi.. bakit siya pa? Bakit ang lalaking mahal ko pa?
Napahawak nalang ako sa bibig ko at kasabay nito ang pag hikbi ko. Bakit siya pa?
Bakit ang taong mahal ko pa?
Hindi ko alam kong ilang minuto akong nakatunganga sa kwarto ko hababg yakap yakap ko si TJ, hindi ko alam pero hanggang ngayon masakit parin.. hindi ko parin matanggap na may sakit siya.
He makes me fall for him, he makes me happy and worth it, pero bakit ganito? Bakit ang sakit ng kapalit?
I need to act like nothing wrong right? I need to act like i didn't know anything and treat him Normal.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto hindi ko nalang dinala sila TJ at Vain dahil papauwiin ko na si Jose.
Ng makababa na ako sa ay agad kong nakita si Jose na busy sa cellphone niya. Siguro text ng text si Dailyn sa kaniya.
Ng makita niya ako ay agad niyang itinago ang cellphone niya sa bulsa niya at tiningnan ako. He's so innocent and look healthy. Na para bang wala siyang nararamdamang sakit. Na para bang kaya niyang gawin ang lahat.
"Why? There's something wrong? Where's Vain..love?" Agad na sabi niya sa akin.
Bahagya akong ngumiti sa kaniya hiding the pain.
"Uwi kana, baka hinahanap kana sa inyo. Bukas nalang ulit Jose."sabi ko sa kaniya.
Nakita kong naguluhan siya sa sinabi ko.
"I mean nag text kasi sa akin si Dailyn, sabi niya kailangan mong ng umuwi maybe my emergency or something sa bahay niyo." Sabi ko then i bit my lower lip.
Napabuntong hininga nalang siya.
"Ano pa ang mga sinabi niya sayo?" Tanong niya habang unti-unting lumalapit sa akin.
Kinabahan ako bigla.. this is not the time para malaman niyang alam ko na may sakit siya.
Napangiti nalang ako sa kaniya trying to hide my tears.
"Wala na iyon lang ang sinabi niya so please, Jose umiwi kana."sabi ko sa kaniya.
Napabuntong hininga ulit siya at tumango.
"Y-you won't leave me right?" Kinakabahang tanong niya sa akin kaya napatawa ako ng mahina.
"I won't... Dapat mag work itong relationship natin diba ? So as long as you are not tired of me then i won't leave you Jose. Tinanggap kita sa buhay ko kaya dapat hindi kita iiwan ng basta basta. Kaya umuwi kana. Kung ano ano na ang mga sinasabi mo." Natatawang sabi ko sa kaniya habang pinipigilang hindi maiyak.
Hindi siya nag salita at niyakap nalang niya ako ng mahigpit.
"I told.. i won't leave you.. you are my medicine.. love." Bulong niya habang yakap yakap ako.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Bakit si Mr. Pikon ko pa? Agad kong pinahiran ang mga luha ko at tinapik ang likuran niya.
"Aysus. Hulog na hulog ka na talaga sa akin e 'no? Sige ka baka hindi mag work ang relationship nating dalawa at iiwan kita." Biro ko sa kaniya but he only hug me.
"I don't care.. dahil alam ko na hinding-hindi mo ako iiwan. I trust you love."sabi niya bago ako binitiwan nakita ko ang lungkot at saya sa kaniyang mga mata.
"Sige na uwi kana.. sabay naman tayong pupunta sa school bukas diba?" Sabi ko then he nod.
"Always." Sabi niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.
Aaminin kong mahal ko na siya at natatakot ako na baka darating ang araw na iiwan niya ako dahil sa sakit niya. Kapag darating man ang araw na iyon. Hindi ako aalis sa tabi niya kahit ipag tabuyan niya pa ako palayo sa kaniya.
Agad ko rin siyang binitiwan.
"Bye Love. Please don't leave me." Bulong niya ngumiti ako at tumango sa kaniya.
"Promise." Sabi ko.
Hindi ako umalis sa labas ng gate hanggat hindi nawawala sa paningin ko nag kotse niya.
Ng mawala sa paningin ko ang kotse niya ay napatulo nalang ang mga luha ko.
Bakit Brain Cancer pa? Pwede namang ibang sakit diba?
____________________________________ ;)