Every 17th

By jaem-ii

83.3K 3.1K 765

WATTYS 2021 WINNER (YOUNG ADULT CATEGORY) Country girl Yngrid Bartolome only wanted two simple things: 1. To... More

Every 17th
Mixtape (January 17, 2008)
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Mixtape (February 17, 2008)
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Mixtape (March 17, 2008)
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Mixtape (April 17, 2008)
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Mixtape (May 17, 2008)
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Mixtape (June 17, 2008)
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Mixtape (September 17, 2008)
Kabanata 32
Kabanata 33
Para Kay Yngrid (Side A)
Para kay Yngrid (Side B)
Note

Kabanata 26

940 58 7
By jaem-ii

Every 17th

•••

KAHIT GAANO KAKAPAL ANG ULAP NA HINDI NA KAYANG MAGLABAS NG ARAW NG SINAG, KAILANGAN MO PA RIN BUMANGON. Sinubukan ko man na magkulong sa kwarto ko ng ilang araw na aabot na sa mag-iisang linggo, ay pinigilan ko iyon dahil malamang ay magtataka sila Papa sa kung anong inaakto ko. Kaya imbis na iyon ang gawin ko ay inabala ko na lang ang sarili ko dahil ako lang din naman ang kayang magpahupa ng sakit na nararamdaman ko. 

Iniiwasan ko na mapag-isa para huwag pumasok sa isip ko ang nangyari. Kaya para na rin sa ikabubuti ng loob ko, itatanggi ko na lang na nangyari lahat ng ‘yon. Mas madali siguro kung kakalimutan ko.

Nalagi ako ng bukid, nagpunta ako sa unibersidad na papasukan ko dalawang linggo na lang ang bibilangin, gumala ako kung saan man ako ayain ni Tita Ning lalo na’t s’ya lang ang nakakaintindi sa sitwasyon ko. 

Ewan ko ba, kahit hindi na ‘ko magkwento, mukhang alam naman na n’ya ang nangyari. Sa pag-iyak ko sa kan’ya noong isang gabi, mukhang nakuha n’ya kung saan nanggaling ang mga luha at hikbi, kaya hindi na rin n’ya binanggit ang ano man na patungkol kay Rafael.

Ngayong umaga ay sabay-sabay kaming nag-aagahan, maliban na lang kay Ian dahil kanina pa ‘tong bago mag ala-siete hinatid ni Papa para pumasok, nagsimula na kasi ang pasukan nila. Sa tabi ko ay si Tita Ning na katapat lang si Ninong Gani. Kung hindi lang siguro ako nagdaramdam ngayon, kanina ko pa s’ya inasar. Nakakapagtaka naman kasi na nandito pa s’ya sa Idiyanale at anong petsa na. Mukhang wala na s’yang balak umalis. 

Nakikinig lang ako habang nag-uusap sina Papa at Ninong tungkol sa mga bagay-bagay, pero tumalas ang pandinig ko nang mapunta ang usapan nila sa kaso nila Rafael at ng mga magsasaka.

“Mahihirapan kaming idiin na hindi aksidente ang nangyaring sunog. Wala naman din kaming maibibigay na ebidensya,” ani Ninong. “Kaya kailangan ko pang kausapin sila Rafael patungkol sa nangyari. Kung hindi namin mailalaban ang krimen nang nangyaring sunog, ang hiling nila ay maibigay na lang sa kanila ang pinangakong lupa. Iyon naman ang puno’t dulo ng lahat, kaya doon din dapat ang huling hantong.”

“May pag-asa pa ba na maibigay sa kanila ‘yon?” tanong ni Papa.

Ngumiti si Ninong. “Kaya nga ‘ko nandito. Hindi ako aalis hangga’t hindi iyon napapa sa kanila.”

Gumaan ang loob ko sa isinaad n’ya. Tila lalong tumaas ang admirasyon ko para kay Ninong. Iba ang dedikasyon n’ya para sa bagay na ‘to. Kaya kahit pa hindi maganda ang lagay naming dalawa ni Rafael, ramdam ko ang saya na sa wakas ay may taong kaya at handang ipaglaban sila. 

🎶🎵🎶

“Yngrid, nakita mo ba si Ian?” tanong ni Ate Carmen na napadaan sa sala. Hindi na n’ya naayos ang mga takas na piraso ng buhok mula sa pagkakapusod nito, at alam ko na ganito ang itsura n’ya dala ng kunsumisyon.

“Hindi po, Ate Carmen…” sagot ko. 

Sinara ko ang TV na nagsisilbing libangan ko.  Naburyo lang ako dahil sa limitadong channels na mayroon dito sa probinsya. Kaya naisipan kong isara na lang ito at tulungan si Ate Carmen sa paghahanap kay Ian kung nasaan man ‘to.

“Ako na po ang maghahanap doon,” boluntaryo ko. 

Napahinga ng maluwag si Ate Carmen. “Sige, pakitawag na lang ako kung nahanap mo na. Patay ako kay kuya kapag nalaman na naglalaro na naman ‘yon kaysa gawin ang mga assignment n’ya. Hay nako…” problemadong sabi n’ya at napakamot ng ulo na nagpagulo lang lalo sa kumpol ng buhok n’yang mukhang mahihirapan s’yang suklayin.

Dahil nagsimula ang pasukan sa eskwela nila Ian isang linggo’t mahigit, at dahil wala naman ngang Kumon dito sa probinsya ng Idiyanale, ay kami-kami lang din ang nagtuturo kay Ian o pumipilit sa kan’yang gawin ang mga assignments n’ya.

Madalas pa naman nagtatago ang kapatid kong ‘yon lalo na kapag alam n’yang hinahanap namin s’ya. Ngayong alam na rin n’ya ang pasikot-sikot sa bukid ay magaling na lalo s’yang magtago, ako tuloy ang nahihirapan. Ginagawa ko lang din naman ‘to para sa kan’ya nang hindi na s’ya paluin o pagalitan ni Papa.

Tumungo na ‘ko palabas ng bahay namin para hanapin kung nasaan man si Ian. Mabuti na lang at may mabait s’yang ate, at may pakialam ako sa kan’ya. Kundi, paniguradong magtitiis s’ya kay Papa at puro parusa ang abot n’ya.

Habang hinahanap si Ian ay sinigurado kong huwag magpahalata. Kapag nakita na n’ya kasi ako ng ganitong oras, alam na n’yang hinahanap ko na s’ya. 

Napatigil na lang ako nang makatungtong ako sa gate at marinig na may nag-uusap. Sigurado akong ang maliit na tinig ng lalaki ay pagmamay-ari ng kapatid ko. Napahalukipkip ako dala ng pagtataka, himala ata na hindi n’ya naisipang pahirapan akong hanapin s’ya.

Agad-agad kong binuksan ang gate, at dire-diretso rin ng sabi na, “Hoy, ikaw bata ka. Kung saan-saan ka na naman nagpupunta, kanina ka pa hinahanap ni Ate—” 

Naputol ang mga salita ko, at ilang beses akong napakurap sa tumambad sa’kin. Mukhang ako ang nahuli at ako ang kailangan ngayong magtago.

“Patay,” sabi ni Ian. “Kuya Paeng, aalis na ‘ko. Ba-bye!” paalam nito sa kausap n’ya at kumaripas ng takbo palayo sa bahay namin dala-dala ang isang kahon na hindi ko man lang nasilip kung ano ang laman.

“Ian! Ingatan mo ‘yan, ha!” pasigaw na pahabol ni Rafael. Naguluhan man ako sa kung ano ang tinutukoy n’ya ay pinagsawalang bahala ko na lang iyon. 

Pakiramdam ko ay nawala lahat ng saysay ang pag-iwas ko sa kan’ya. Matapos kasing mangyari nang pag-amin ko sa kan’ya ay palagi s’yang nabisita sa labas ng bahay at hinahanap ako. Palagi ko naman binibilinan ang mga tao sa bahay na kapag hinanap ako ni Paeng ay sabihin nilang wala ako rito, kaya madalas ay pumupuslit ako sa bukid para doon na rin magtago. Napagtanto ko tuloy na ang ginagawa ni Ian ay ginagawa ko rin mismo.

“Mag-usap tayo,” sabi niya. Nag-uutos man ang boses n’ya, pero ang mga mata n’ya ay nakikiusap. 

Naging malikot ang mga mata ko para lang maiwasan ang mga titig n’ya. “Sa susunod na lang,” tanggi ko. “Marami pa ‘kong kailangang gawin. Atsaka…may usapan kami ni Tita Ning na aalis kami,” dahilan ko.

“Mag-usap tayo kahit sandali.”

“Paeng, please, sa susunod na lang.”

“Dayang, kahit isang minuto lang.”

Pinalipas ko ang ilang segundo para mag-isip, pero kahit anong gawin ko o isipin ko, hindi ko pa rin talaga s’ya kayang kausapin. Nahihiya ako sa mga sinabi ko, at napahiya ako dahil sa mga sinabi n’ya. Pero sa totoo lang, hindi naman kasalanan ni Rafael na hindi n’ya ‘ko mahal sa paraan na kagaya ng sa akin. 

“Paeng, pangako…sa susunod,” saad ko at handa nang talikuran s’ya para matapos na ang usapan.

“Alam mo namang mahal kita, ‘di ba?”

Napasinghap ako sa mga salitang binitawan n’ya. Bumilis ang paghinga ko dahil hindi ako makapaniwala na sa ganito n’ya ‘kong paraan kinukuha para lang kausapin. Hindi s’ya patas.

“Bilang kaibigan,” may diin kong bigkas. Dahil kahit masakit man iyon bitawan, iyon naman ang katotohanan. “Kailangan ba na ganito, Rafael? Oo, naiintindihan ko naman, e. Kaya nga kailangan ko ng oras para tanggapin ‘yon. Huwag mo naman akong pahirapan.”

“Dayang…”

“Nasabi ko na ang nararamdaman ko sa’yo sa lahat ng mga mixtapes na binibigay ko kada sasapit ang bagong buwan.  Siguro kung pinakinggan mo lang...kung nakinig ka lang sa kahit isang binigay ko. Matagal mo na sigurong alam kung sa paanong paraan kita mahal, Paeng. Pero pinili mong hindi makinig.”

Nakayanan ko sa pang-ilang beses na hindi umiyak sa harap n’ya, na ibaon ang luha sa sulok at mamaya ilabas kapag wala na s’ya. Ayokong maawa s’ya sa’kin dahil hindi n’ya ‘ko kayang mahalin; ayokong magdikta kung paano n’ya ba ‘ko mamahalin.

“Mahal naman talaga kita,” muli n’yang sabi. “Mahal kita, pero ano bang magagawa ng pagmamahal ko sa’yo at pagmamahal mo sa’kin?”

Muling umalis ang katinuan ng pag-unawa ‘ko. Sa mga sinasabi n’ya, nahihirapan akong hulihin kung ano ba ang totoo. Sinabi n’ya na noong nakaraan na hindi n’ya ‘ko mahal sa ganitong paraan, kaya anong saysay ng pagbawi n’ya? Dahil ba ayaw n’ya ‘kong masaktan? Dahil naaawa s’ya? Dahil ayaw n’ya ‘kong mawala?

“Hindi kita maintindihan,” ang giit ko. “Bakit ba kailangan mong humanap ng dahilan? Kung mahal mo talaga ‘ko, iyon na ‘yon. Wala kang kailangang gawin, wala kang kailangang patunayan.”

“Pero hindi ko maatim na ganito lang ako, Dayang. Na ganito lang ang taong minamahal mo.”

“Alam mo, Rafael,” paos ang boses kong tawag sa kan’ya. “Walang pagkakataon na tinignan kita sa paraan na mas mababa ka sa’kin o mas mataas ako sa’yo. Wala akong pakialam kung anong katayuan mo. Pero kung ikaw na mismo ang nagbababa sa sarili mo, wala akong magagawa o kayang sabihin na magpapabago ro’n.” 

Sa kaunahang beses ay gusto kong magmura. Gusto kong murahin ang pride n’ya na kinakain na s’ya.

“Wala naman tayong kailangang gawin, p’wede tayong bumalik sa kung paano tayo dati. Kaya ‘yung sinabi ko sa’yong mahal kita? P’wede mo nang kalimutan ‘yon, at itatanggi ko araw-araw na mahal kita higit pa sa pagiging kaibigan para lang maibalik ang kung anong meron tayo,” ani ko. 

Kahit pa mukhang malabo na bumalik na kami sa dati, pipilitin ko. Mas kakayanin ko ‘yon kaysa naman tuluyan na maglaho kami sa isa’t isa. 

Napayuko si Rafael, mukhang naubusan na s’ya ng sasabihin. At kahit ako, ayoko na rin magsalita. Napapagod na ‘kong ibigay ang punto ko. Handa na ‘kong sumuko katulad nang matagal na n’yang ginawa.

Tumango s’ya. “Kung ‘yan ang gusto mo, gagawin ko,” pagsang-ayon n’ya. 

Muli, handa na ‘kong talikuran s’ya dahil iyon naman na ang konklusyon. Nagkasundo na kami, mabuti na rin iyon. Ngunit hindi pa pala s’ya tapos, at ginusot na naman n’ya ang napagkasunduan naming dalawa sa dahilan na s’ya lang ang nakakaalam.

“Pero tandaan mo rin, Dayang, sana alam mo…” nahirapan s’yang ituloy ang susunod na sasabihin, “sana alam mo rin na mahal kita higit pa sa inaakala mo...higit pa sa alam mo.”

•••

Continue Reading

You'll Also Like

1K 222 123
#2: KAIDEN LIEGE HASEGAWA [COMPLETED]
1K 106 43
an epistolary ; dulce & jake
3.4K 65 35
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
26K 907 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story šŸ˜˜ ALL EVENTS AND...