Probinsyana Series: BOOK 2...

MERAALLEN

45.2K 1.8K 552

Lumipas ang pitong taon ng paninirahan ko sa ibang bansa ay babalik ako sa aking lupang sinilangan para bawii... Еще

KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
Kabanata XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV
Kabanata XXVI
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
CHAPTER 36
Chapter 37
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
KABANATA XLIII
Untitled Part 44
Untitled Part 45

KABANATA 35

773 38 9
MERAALLEN

Lumipas ang ilang minuto ay dumating na ang mga order naming pagkain. Tahimik lang kaming dalawa ni Ms. Bella na kumakain ng mga oras na ito ng bigla akong kinausap ni Ms. Bella regarding sa trabaho namin.

"Napapansin kong parang gulat na gulat ka lagi sa photo shoot natin?" seryosong tanong niya sa akin.

"Medyo lang naman," tugon ko sa kanya.

"Ngayon lang ba kayo nakapag photo shoot ng ganito?" tanong niya sa akin.

"Hindi naman masyadong bago sa akin pero kasi upon checking sa mga products nyo eeh wala namang mga ganun?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Biglang natawa sa akin si Ms. Bella at tumugon sa akin.

"Are you trying to say na sinasabotahe namin ang company nyo?" asar na tanong niya sa akin.

"That's not what i meant siguro hindi ko pa masyadong naaaral ang company niyo at may na mi-miss akong mga bagay-bagay pa. Pasensya na," nahihiyang tugon ko sa kanya.

"Actually, This is the first launch of our product using wild-wild prints," sambit niya sa akin.

"Aaah... Kaya pala wala pa sa descriptions nyo," tugon ko sa kanya.

"So, Tell me about your company and how you became successful in this industry?" tanong niya sa akin.

"Honestly, Hindi ko pa masasabing successful ako ngayon kasi dumaan ako sa bankruptcy and still bumabangon ako at ang kumpanya ko," tugon ko sa kanya.

"Bakit anong nangyari? Paano ka na bankrupt? Eeh ikaw si Lucio Iglesias?" paulit-ulit na tanong niya sa akin. 

"Oo, Ako nga si Lucio Iglesias pero hindi ibig sabihin nito na hindi lulubog si Lucio," paliwanag ko sa kanya.

"Balita ko isa ka daw hambog at mayabang na boss pero bakit parang bahag yata ang buntot mo ngayon?" pang aasar niya sa akin.

"Sabi nga nila may dadating at dadating na tao na makakatapat mo at mag papabago ng buhay mo. Laking pasalamat ko sa asawa ko dahil sa kanya natututo akong maging ganito," tugon ko sa kanya.

"Bibigyan pa kita muli ng chance kapag hindi ko nagustuhan ang trabaho niyo hanggang dito nalang ang kontrata nating dalawa," sambit niya sa akin.

"Makakaasa kayo Ms. Bella na gagawin namin lahat ng gusto niyo," paawang tugon ko sa kanya. 

"Lahat? As in lahat?" nakataray na tanong niya sa akin.

"Oo." tugon ko sa kanya.

Ngumiti sa akin si Ms. Bella at sabay inom ng kanyang kape. Itinuon ko na muli ang atensyon ko sa pag kain ko habang napapaisip ako sa sinabi ko sa kanya.

Lumipas ang ilang oras na pag sasama namin ni Ms. Bella at natapos ang usapan namin sa isang magandang kasunduan.

Pagkatapos naming kumain na dalawa ay kanya-kanya na kaming pasok sa sarili naming kotse at katulad ng ginawa ko kanina bago kami makarating sa cafe na 'to ay hinayaan ko muna siyang sumakay sa kotse niya at umalis sa harap ko.

Pagkatapos umalis ni Ms. Bella sa harap ko ay saktong tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito agad at nakita ko na tumatawag sa akin si Emily. 

Sinagot ko agad yung tawag ni Emily at kinausap ko siya.

"Ano na naman 'yan?" iritableng tanong ko sa kanya.

"Gusto mo bang malaman ang good news ko o ayaw mo!" sigaw niya sa akin.

Pag rinig ko ng sigaw ni Emily sa cellphone ko ay agad ko itong tinanggal at sabay kamot sa tenga ko sabay lapit muli ng cellphone sa tenga ko.

"Ooh anong good news?" inis na tanong ko sa kanya.

"Trending ang ating company ngayon sa media at gusto ka nilang ma-interview!" masayang sambit niya sa akin.

"Really?" sabik na sambit ko sa kanya. , "Ok! Mag set ka ng date for my interview," masayang tugon ko sa kanya.

"Ok! Ok! Ok!" masayang tugon niya sa akin.

Madali kong pinatay ang cellphone ko at sumakay na ako sa kotse ko. Madilim-dilim na ang kapaligiran nito ngunit may gusto lang akong puntahan na lugar ngayon dahil sa kasiyahan na nararamdaman ko.

Lumipas ang ilang oras ay nakarating na din ako sa paroroonan ko.

Tahimik ang lugar ngunit may maririnig ka paring mga kulisap na maingay sa lugar at mga mangilan-ngilan na tunog ng mga palaka.

"Wala akong dalang kahit ano ngayon pero may isa akong magandang balita para sayo." masaya kong sambit habang nakatingin sa litrato ni Gianna.

"Unti-unti na muli tayong bumabangon Gianna! At ang lahat ng ito ay dahil sayo!" mangiyak-ngiyak na sambit ko habang nakatingin sa kanyang urn.

Kahit na masaya ang nararamdaman ko ngayon dahil sa magandang balita na narinig ko kay Emily ay hindi pa din ito mapapalitan ng lungkot at pagkalumbay ko dahil sa pagkawala ni Gianna.

Umupo ako sa tabi ng urn ni Gianna at mangiyak-ngiyak ko siyang kinausap. Kahit sobrang tagal ng nawala ni Gianna hindi pa din talaga ako nakaka move on sa kanya lalo na't madaming nag lalaro sa isipan ko ngayon dahil sa rebelasyon na sinabi ni Marco at ng nobya niyang si Alice.

"Bigyan mo naman ako ng sign Gianna kung buhay ka pa." sambit ko habang lumuluha.

Kinilabutan akong bigla ng biglang nagpatay sindi ang mga ilaw sa buong cremation cemetery.

"Gianna? Wag naman sa ganitong paraan ooh? Mag isa lang ako dito." takot na sambit ko.

Palinga-linga ako sa paligid ng mag patay sindi ang mga ilaw dito sa sementeryo dahil ako lang ang nag iisang tao dito bukod sa mga trabahador sa bungad ng sementeryo.

"Babalik nalang ako ulit Gianna kapag maaga pa ang oras." sambit ko habang nag mamadaling umalis sa harapan ni Gianna.

Mabilis at patakbo akong sumakay sa kotse ko ng mga oras na ito at sa pag sakay ko ng kotse ko ay bigla nalang akong kinabahan at kinilabutan sapagkat bukas ang compartment ng kotse ko sa loob at lumabas ang wedding photo namin ni Gianna.

"Wag mo naman akong takutin ng ganito Love!" takot na sambit ko.

Bago ako tuluyang umalis sa sementeryo ay nag dasal na muna ako ng bahagya upang mabigyan ako ng peace of mind ngayon.

Pagkatapos kong mag dasal ay mabilis kong binuksan ang engine ng kotse ko at pinaandar ko ng mabilis ang kotse ko palayo sa sementeryo.

Butil-butil ang pawis sa katawan ko ngayon dahil sa nangyari. 

Dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa bahay ko at ngayon lang tumimo sa utak ko ang nangyari.

"Humingi ako ng sign kay Gianna kung buhay pa siya at nag patay sindi ang mga ilaw sa sementeryo? Anong ibig sabihin nito?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na ako sa bahay. Sa tapat palang ng bahay ko ay bumusina na ako kaya pinag buksan ako agad ni Alma ng gate.

Dali-dali kong ipinasok ang kotse ko sa garahe at pagkatapos ay dumiretso ako agad kay Manang Pasing.

Habang papasok ako sa loob ay nakita ko si Manang Pasing na papapasok sa kusina kaya agad ko itong pinuntahan at kinausap.

"Manang!" tawag ko sa kanya.

Agad na lumingon sa akin si Manang at inaya akong kumain ng hapunan.

"Tara kain na ng hapunan at kakaluto ko lang ng paborito mong sinigang na baboy," paanyaya niya sa akin.

"Nakapag dinner na po ako Manang. May tanong lang ako sayo," nag aalangang sambit ko sa kanya.

"Ano 'yun?" tanong niya sa akin.

"Galing kasi ako sa sementeryo ngayon kasi binalitaan ko si Gianna sa good news na narinig ko sa opisina," masayang sambit ko sa kanya.

"Tapos?" tanong niya muli.

"Tapos humingi ako ng sign sa kanya kung buhay pa siya tapos biglang nag patay sindi ang mga ilaw sa sementeryo," tugon ko sa kanya.

"Hala!" gulat na tugon niya sa akin sabay takbo papunta sa kwarto niya.

"Saan pupunta si Manang?" tanong ko kay Alma.

Nagkibit balikat lang si Alma sa akin habang nakatingin kay Manang na papapasok sa silid niya.

Mabilis ding nakabalik si Manang sa amin at bigla nalang akong sinabuyan ng tubig na galing sa isang maliit na bote.

"Manang!" sigaw ko sa kanya.

"Holy water 'yan! Baka nag dala ka ng multo dito sa bahay! Bago ka umuwi dito nag pagpag ka ba sa ibang lugar?" tanong niya sa akin.

"Hindi. Dumiretso na ako dito sa bahay," nag tatakang tugon ko sa kanya.

"Jusko po! Layuan niyo kaming mga masasamang espiritu!" sigaw ni Manang habang nag wiwisik ng holy water sa pinag daanan ko.

"Ano bang ginagawa mo Manang?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ba naman kasi nag tanong ka ng sign sa sementeryo? Alam mo bang madaming ligaw na kaluluwa doon? Hindi malabong sundan ka nila dito!" takot na sambit niya sa akin.

"Ganun ba 'yun? Ano pong gagawin ko?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Bukas na bukas dumaan ka muna sa simbahan para maiwan mo doon 'yung nadala mo tapos mag papa-blessing ako agad dito sa bahay bukas," sambit ni Manang sa akin.

"Sige po gagawin ko po 'yun," sambit ko sa kanya.

"Si Manang ang hilig sa pamahiin. Kapag patay ka na hindi ka na makakasunod sa buhay," natatawang sambit ni Alma kay Manang.

"Multuhin ka sana mamayang pag tulog mo!" panakot ni Manang kay Alma.

"Kung si Ma'am Gianna lang ang mag mumulto sa akin sa tingin mo matatakot ako?" pang aasar niya kay Manang.

"Ayy basta! Mag papa blessing tayo bukas na bukas!" galit na sambit ni Manang.

Parang natauhan ako sa sinabi ni Alma na paano nga kung si Gianna ang multo na nadala ko dito sa bahay? Matatakot ba ako sa kanya o matutuwa ako.

Mamasa-masa ang damit ko dahil sa wisik na ginawa ni Manang sa akin kaya pag katapos naming mag usap na dalawa ay agad akong umakyat sa kwarto ko para mag palit ng damit ko at mag pahinga.

Pag katapos kong magbihis ay humiga ako sa kama ko at bumalik sa akin ang lahat ng nangyari kanina.

"Anong ibig sabihin ng litrato kanina sa kotse at yung pag patay sindi ng mga ilaw?" tanong ko nalang sa sarili ko.

Patingin-tingin lang ako sa kisame ng mga oras na ito hanggang sa dapuan na ako ng antok at lumipas lang ang ilang minuto ay nakatulog na ako ng tuluyan.

Продолжить чтение

Вам также понравится

449K 680 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
358K 524 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
1.7M 72K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
181K 6.7K 55
(ʀᴇɪɴᴄᴀʀɴᴀᴛɪᴏɴ sᴇʀɪᴇs 1) Lalaine died in a car accident on her way to her sister's shop. but when she woke up she was already on the rooftop, she tho...