Russian Requiem (Book 2 of RR...

By La-MarGa

6.9K 137 28

After Ariadne and Clade overcame their hellish past, they faced a new chapter in their lives. Living together... More

Note
Prologue
Requiem #1
Requiem #2
Requiem #3
Requiem #4
Requiem #5
Requiem #6
Requiem #7
Requiem #8
Requiem #9
Requiem #10
Requiem #11
Requiem #12
Requiem #13
Requiem #14
Requiem #15
Requiem #16
Requiem #17
Requiem #18
Requiem #19
Requiem #20
Requiem #21
Requiem #22
Requiem #23
Requiem #24
Requiem #25
Requiem #27
Requiem #28
Requiem #29
Requiem #30
Requiem #31
Requiem #32
Requiem #33
Requiem #34
Requiem #35
Requiem #36
Requiem #37
Requiem #38
Requiem #39
Requiem #40
Requiem #41
Requiem #42
Requiem #43
Requiem #44
Requiem #45
Requiem #46
Requiem #47
Requiem #48
Requiem #49
Requiem #50
Requiem #51
Requiem #52
Requiem #53
Requiem #54
Requiem #55
Requiem #56
Requiem #57
Requiem #58
Requiem #59
Requiem #60
Epilogue
Note

Requiem #26

66 2 0
By La-MarGa

Chapter 26

(Ray of Sunshine)


Paputol putol ang tulog ko buong araw. I really can't sleep properly despite my great exhaustion. Nakailang palit ako ng posisyon sa kama para lamang mahanap ang aking tulog, ngunit naiistorbo ko lamang ang mga anak ko sa pagtulog nila. Mabuti pa sila ay buong araw natulog.


Bumangon lamang sila kanina para kumain. Buong araw kaming nanatili dito sa kwarto at walang nangahas na isorbohin kami.


I sighed and sat on the bed. I took a quick look at the two before going out of the room. It's already getting dark outside at malapit na ring mag-dinner. Tingin ko ay hindi pa rin ako makakakain sa ngayon dahil sa kawalan ng gana.


I went to the first floor and saw many men around the house. They all look alert and I think their numbers were doubled. Sana lang ay hindi na magbigay ng false hope ang mga ito gaya noong malooban kami. Sa kitchen naman ay nagpatuloy sa pagtatrabaho ang aming mga kasambahay kahit pa halata pa rin sa kanilang mga mukha ang bakas ng nangyari kaninang madaling araw.


I let the people in our house do their thing and just walked around for a moment. I had no direction, I just let my feet take me anywhere.


Sa huli ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na papalapit sa opisina ni Clade. Halos buong araw kaming hindi nagkita at nag-usap pa. I know we hurt each other, but I still can't forgive his absence that easily. He didn't show up to our room again after our last conversation, the more reason why we haven't made up yet. Subalit hindi ko alam kung bakit ako dinala ng aking mga paa dito sa tapat ng kanyang opisina.


Ilang saglit akong nakipagtalo sa sarili kung aalis ba o itututloy na ang pagbubukas ng pinto para masilip man lang siya. I know he's very guilty, but he's hurting too. Alam ko namang hindi niya kagustuhan ang nangyari ngunit ang sa akin lamang ay sana naging mas maingat sila sa kaligtasan namin. Dahil lahat kaming iniwan nila dito sa bahay ay pawang walang kalaban laban.


Kalaunan ay nagdesisyon akong pihitin na pabukas ang doorknob. Gusto kong makita ang kalagayan niya. I'll just have a quick glance of him and then I'll head to our room again.


Pagkabukas ng pinto ay hindi ko maintindihan ang nangyayari sa loob ng kanyang opisina. He's not alone. In fact, all of his six most trusted men and his some other uniformed men are all in the room. And I can't see him anywhere. 


Everybody looks agitated, shocked, and frozen. I looked at each one of them, but Alek caught my attention. He's crying... No, he looks more of mourning for someone.


"W-What happened here?" I managed to ask.


Iilan lamang sa kanila ang tumingin sa akin. Nakuha pang yumuko sa akin ang mga naka uniporme ngunit hindi naman makapagsalita.


Dahan dahan akong naglakad papasok sa silid. I can't see Clade around. Where the hell is he?


Lumapit ako kay Alek na patuloy sa masakit niyang pag-iyak. My hands started to tremble, even though I have no idea what is happening. But I know it's not something good.


"Alek... what is happening?" Naguguluhan kong tanong. He opened his tearful eyes and look straight at me. For some reason, my eyes started getting wet with tears.


Umiling lamang siya at pumikit ng mariin. Mas maraming luha ang lumandas sa kanyang mukha dahil roon.


Pinilit kong tatagan ang sarili. I'm on the verge of tears already. Kahit na nangangatog ako sa takot at unti unting nanghihina ay patuloy ako sa pagsasalita.


"Where's C-Clade? Please don't tell me that something bad happened again..." halos magmakaawa ako.


But his reaction just made me feel more terrible. He cried out loud and then I heard the others cry too.


Inangat ni Alek ang kamay niya at tinuro ang kanan ko. Lumingon ako doon at nakita ko ang aking asawa na nakasalampak sa sahig at tulala. Nakasandal ito sa sofa na bahagyang natatakpan ng isang mesa malapit rito kung kaya't hindi ko siya agad napansin.


I have no idea what happened, but seeing my husband in this state really broke my heart. Nakatingin lamang siya sa malayo na tila ba wala kami rito sa paligid niya. His face is void of emotion. I can't tell how much he is feeling right now. He just looks helpless...


I ran to him and knelt in front of him. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Mula sa pagtingin sa kawalan, dahan dahang tumama ang mga mata niya sa akin. Still, his face remained emotionless. Na para bang hindi niya ako kilala ngayon.


"What happened?" I whispered. "Please... talk to me."


Kumurap lamang siya. Ni wala akong makitang luha sa kanyang mga mata. Hindi siya umiiyak. Hindi siya nagdadalamhati. Hindi siya malungkot. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.


"C-Clade?" I called his name with my trembling voice.


A few more seconds and he's still in the same state. I don't know what to do, so I just hugged him. Nanghihina ako nang yakapin siya. Ramdam ko ang parehong panghihina ng kanyang katawan. Tila nawalan ito ng buhay.


I cried on his shoulder, while trying to tighten my hold of him. I don't want him to be like this. Dahil kasabay ng panghihina niya ay ang panghihina ko rin.


Ilang minuto ang lumipas na umiiyak ako sa kanyang balikat ngunit ni hindi niya nagawang yakapin ako pabalik. This is not my Clade. I know... because he is lost right now.


Humiwalay ako sa kanya at pinunasan ang aking mga luha. When I looked at his face, it's like a million knives struck my heart again. He's still not crying. He's still emotionless.


Bumaling ako kina Alek. Hindi ko napigilang magtaas ng boses. "Tell me what the fuck happened!"


Kita ko ang bahagyang pagtalon nila dahil sa pagsigaw ko. Ngunit nanatiling iwas ang kanilang mga mata sa akin. Si Alek ay patuloy sa pagluha habang nakatingin na rin sa kawalan ngayon.


I am so frustrated! Ang masaklap pa ay umiiyak na rin ako kahit pa hindi ko alam ang nangyayari.


"Ariadne..." Rodion called me. I looked at him. He looks very sad though. "Sir Albert is..."


Kumunot ang noo ko sa pangalang kanyang nabanggit. Dad... Right.


"How's dad? Where is he now? Isn't he supposed to come home yet?" Sunod sunod kong tanong.


Rod sighed. Napayuko na lamang siya sa kawalan ng pag-asa. Slowly, I started to piece the puzzle together to come up with the whole picture. But my heart refuses to believe what it shows.


"R-Rod?" Kinakabahan kong tawag sa kanya. "W-What time will dad come home?" Nanginig ang aking boses.


"I'm afraid he can't come home anymore." Malungkot niyang saad.


"What do you mean?" Tumayo ako at hinarap siya. Sinubukan ko pang ngumiti na para bang ayos lang ang lahat. "Explain it to me properly."


Hindi siya makatingin sa akin.


"I'm sorry, Ariadne... but Sir Albert is gone." He finally said it.


"Gone? As in he's still in Tagaytay or what?" I still tried to manage a smile, ngunit ramdam ko na tila gumuho ang aking mundo.


I know how my questions sounded. They are stupid questions... made to cover up my grief. Dahil hindi ko man gustuhin, unti unting nanunuot sa aking kalamnan ang masamang balitang natanggap.


Sa panghihina ng aking mga tuhod ay napaupo na lamang ako sa sahig gaya ni Clade. Hindi ko malaman kung saan titingin o kakapit. Unending tears flowed out of my eyes. Namutawi ang hagulgol ko sa buong silid.


Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa labis na sakit na nararamdaman. I can't accept it! No! It's not true!


Si dad na lamang ang natitirang magulang namin... Si dad na mabuting tao, mabuting ama, at mabuting lolo...


Bakit siya?!


Nobody was able to comfort me because we are all in need of it. We all can't seem to process this bad news. It seems unreal. Like a nightmare.


"We saw their convoy being ambushed on their way home. It was already too late when we realized it was them. We just received a call from Sir Albert's security saying they needed back-up... But it was too late and they were too far." Rodion continued.


I couldn't understand a single thing he said. Patuloy lamang ako sa maingay na pag-iyak habang nakatungo ang aking ulo.


"And... we believe that nobody survived it."


Gusto kong mahimatay sa sobrang sakit ng aking pag-iyak. Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga. Ngunit bago ko pa magawa iyon ay mabilis silang lumapit kay Clade.


Nakahandusay ito sa sahig habang walang malay. Sa loob ng ilang segundo ay hindi ko alam ang gagawin. Labis labis na sakit ang nararamdaman ko, hindi ko na kayang tumanggap pa ng karagdagan!


Ngunit kinailangan kong lapitan si Clade at tingnan ang lagay niya. Nagtulong-tulong sila sa pagbuhat sa kanya patungo sa sofa. Inihiga nila siya roon. Lumapit ako kay Clade at agad na pinakiramdaman ang kanyang pulso. Napanatag ako kahit papaano nang maramdamang normal iyon.


I held his face. My tears streamed down on it. My poor husband... He passed out because of exhaustion. I am so heartbroken right now, what more for him?


I couldn't imagine how much pain he is in right now. That's his dad... The only family from his past he had left. What hurts the most is the fact that his dad died another tragic, unatural death. On his watch. Just like before.


Pinilit kong huminahom mula sa pag-iyak. Nilingon ko sina Alek na mukhang nag-aalala rin sa lagay ni Clade.


"He needs rest. I'll call Michaela to administer an IV for him... I don't think I can handle it very well right now." Saad ko.


"You should rest too, Ariadne." Ani Alek.


Mahina akong tumango. "How about dad?"


He sighed. "Our other men are already at the scene. Police and ambulance are also there. According to their last update, the bodies are already in the morgue of IMC. When Clade wakes up, we will go to IMC."


Napahawak ako sa aking bibig upang pigilan ang muling paghagulgol. Lumabas na lamang ako sa silid na iyon at pinilit ang sariling makapunta sa aming kwarto para matawagan na si Michaela. But the moment I saw my kids who are still peacefully sleeping, I tried my hardest to stifle my cries.


I'm not sure how to break the news to my kids when they wake up. They haven't even recovered from what happened this early morning yet. But I will break their hearts again. They love their grandpapa so much... They are too young to understand death... So, how can I tell them that their grandpapa is already gone? That they will never be able to play with him again... That they will never see him again...


I can already picture their grieving faces. My heart wrenched in pain. Dad spoiled them too much and now that he's gone... how are we suppose to fill the space he left?


Kahit na sobrang hirap, nakuha ko pa ring tawagan si Michaela. When she heard the news, she was shocked too. Agad siyang nagpunta dito sa mansyon kasama si kuya at si Ken.


Sinalubong ako ng yakap ni Ela at kuya nang dumating sila. Kita ko ang kaguluhan sa mukha nila ngunit mas pinili nilang huwag magtanong at tanging yakap lamang ang binigay nila sa akin.


Muli akong humagulgol sa balikat ni Ela habang hinahagod niya ang aking likuran. Sinabihan ko sila tungkol sa panloloob sa amin nitong madaling araw at ang biglaang pagkamatay ni dad sa isang ambush kanina lamang. Para akong batang nagsusumbong sa aking mga magulang.


They couldn't utter a single word because of too much shock. Hindi nila inaasahan na ganito kalala ang nangyari sa amin. Sa isang araw lamang.


I let Michaela attend to Clade in his office, while I sat here in the living room looking at nowhere. Sa tabi ko nakaupo si kuya at si Ken. Hindi natigil sa pag-alu sa akin si kuya.


Lumapit si Mae sa akin. Tingin ko ay may ideya na sila sa nangyari dahil kita ko ang lungkot sa mukha niya.


"Ma'am, gising na ho ang mga bata... papakainin na ho ba namin?"


Napapikit ako sa kanyang sinabi. I don't have the strength to face my kids right now. I still don't know how to tell them.


"Uh, sige pakainin n'yo na. Kailangan nilang kumain sa oras." Si kuya ang sumagot para sa akin.


"Sige ho, sir." Tahimik na umalis si Mae.


"Anak, kain ka kasama mga pinsan mo ha? I'll just stay here with your Tita Ariadne." Pagkausap niya kay Ken.


Tumango si Ken at inosente akong sinulyapan. Akala ko ay pupunta na siya sa kusina nang tumayo siya ngunit nagulat ako nang lumapit siya sa akin at niyakap ako.


"I will play with Clay and Carie, so don't cry anymore, tita..." he softly said.


I wrapped my arms around him and let his comfort soothe me. Bumulong ako sa kanyang tainga. "Thank you, baby."


"Clay, Carie!" Excited niyang tawag sa dalawa na pababa ng hagdanan ngayon kasama sina Mae at Maria. Halatang kagigising lamang ng mga ito.


Iniwas ko agad ang aking tingin sa mga anak para hindi nila mapansin ang mugto kong mata. On my peripheral vision, I saw them wanting to go to me.


"Clay, Carie, eat first with Ken. Mama and papa have something important to do." Sabi ko sa kanila habang ilang metro ang layo nila sa akin.


Carie didn't mind what I said and was fine with it. Nagpahila lamang ito kay Mae patungo sa kusina kasama si Ken. Naiwan naman sa kinatatayuan nila kanina si Clay na hawak ni Maria habang seryosong nakatingin sa akin.


I hope he cannot see my eyes properly. I don't want him to know that I was crying.


"How about you, mama, uncle?" He asked.


"We're fine, nak. We'll eat later." Ngumiti ako.


Saglit pa siyang tumingin sa amin. 


"Okay..." aniya bago umalis.


Bumuntong-hininga ako nang mawala siya sa aking paningin.


"Napakabait na bata ni Clay." Komento ni kuya.


Tahimik lamang akong tumango.


"Siya nga pala... hindi n'yo ba pupuntahan ang daddy ni Clade?"


"Pagkagising ni Clade."


"Sasama ba kami o..."


Nilingon ko siya. "Pwede bang mag-stay muna kayo dito, kuya? Pakibantayan na muna ang mga anak ko habang wala kami ni Clade."


Mabilis siyang tumango. "Walang problema... Alam na ba kung sino ang may gawa nito sa biyenan mo?"


Kumuyom ang mga kamao ko sa hindi maipaliwanag na galit. "Malakas ang kutob ko na yung parehong grupo na nanloob sa amin kaninang madaling araw ay siya ding may kagagawan noong ambush ni dad."


Naging seryoso ang mukha niya. "Sino sila?"


"Hindi ako sigurado pero Aed ang tawag ni Clade sa lider nila."


Kita ko ang mas lalong pandidilim ng kanyang mukha.


"Ayos ka lang ba, kuya?"


Tumango siya ngunit hindi nawala ang madilim niyang ekspresyon. "Talaga bang ang Aed na iyon ang may kagagawan nito?"


Hindi na ako nagtanong kung paano niya nakilala ito dahil alam kong tumutulong siya kina Clade sa paghahanap sa Aed na iyon. Ngunit ang hindi ko makuha ay ang kanyang reaksyon. Hindi ko nasagot ang kanyang tanong.


"Make sure you keep your husband's side always during these hard times. Alam kong mahirap at masakit para sa kanya ito..." makahulugang aniya. "At tingin ko ay mas hihirap pa sa mga susunod na mangyayari."


"Huwag kang ganyan, kuya." Banta ko.


"Pareho nating alam na hindi dito natatapos ito, Ariadne." Seryosong sagot niya.


Tama siya. Totoong hindi dito natatapos ito. Malakas din ang pakiramdam ko na marami pang masasakit na pangyayari ang aming dadaanan.


"Ayos lang ang kalagayan niya. Gigising na din siya niyan." Imporma sa akin ni Ela nang makababa siya.


"Salamat, Ela."


"You're welcome, sis. Ayos ka na ba?" Nag-aalalang tanong niya. Nanatiling humahagod ang kamay niya sa aking braso.


"Hindi ako magiging ayos agad..." malungkot kong sagot.


"I'm really sorry about the things that happened... You all don't deserve this kahit na alam natin kung gaano kadelikado ang buhay ninyo. At kilala ko bilang isang mabuting tao si Tito Albert. Hindi ako makapaniwalang wala na siya..."


I let her hug me. Hinayaan ko sila ni kuya na manatili sa tabi ko habang lugmok ako sa kalungkutan.


When Clade woke up a few hours later, we immediately prepared to go to IMC. Pareho pa rin ang estado ni Clade. He's like a walking robot. He refused to talk to any of us. And it is hard for me.


Late na ng gabi ngunit kailangan pa rin naming umalis.


"We need to ensure this mansion's security too. Rod, make sure not to let anyone in while we're out, even though you know them. And always patrol around the premises." Habilin ni Alek kina Rodion habang palabas kami ng mansyon.


Si Alek, Mikhail at Leonid ang kasama namin patungo sa hospital. May iilang sasakyan na susunod sa amin para sa aming seguridad. Maraming pangit na ideya ang pumapasok sa isipan ko dahil sa convoy na iyan ngunit mas pinili ko na lamang na manahimik.


Habang si Rodion, Artem, at Maxim ang maiiwan para sa seguridad sa bahay. Lumabas din sina Ela at kuya upang tanawin kami paalis. Maiiwan rin sila upang bantayan ang mga bata.


"Noted, Alek. Stay safe. We will keep our lines open. Call us immediately if there's an emergency." Ani Rodion.


"Same to you." Sagot ni Alek bago kami pumasok sa mga sasakyan. They are all bulletproof and I hope they really are.


Tahimik kaming lahat sa byahe. Halo halo ang nararamdaman ko habang nasa byaheng ito. Pinapanalangin ko na lamang na wala nang masamang mangyari. Gusto lang namin makita ang aming ama na bangkay na ngayon.


Sinulyapan ko sa aking tabi si Clade na nakatanaw sa labas ng bintana. We are both sitting at the backseat, but we're sitting with a space between us.


Umusog ako palapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay na nakapatong sa kanyang hita. He didn't look my way, but slowly, his hand responded to my touch. In a split second, he gripped it tightly like he's holding on to his dear life.


Ipinatong ko ng tuluyan ang ulo ko sa balikat niya habang ang malaya kong kamay ay pumulupot sa kanyang katawan. I hugged him enough to make him feel my presence. Because I know what it feels like to be left alone when you need someone so much. That's what he made us feel this dawn, but my supposedly anger for him because of that suddenly vanished. Hindi ko masikmura na panatilihin ang galit ko sa kanya ngayong nakikita ko ang pagluluksa niya ng tahimik. Ni hindi niya pa nagagawang ilabas ang kanyang nararamdaman.


No words said. No questions asked. I just let us both fall into silence until we reached IMC.


Hinaayan ko silang maunang bumaba. Nanatili ako sa likuran ni Clade habang papasok kami sa hospital at diretsong tinahak ang lugar kung nasaan ang morgue. Sumusunod naman sa amin sina Alek at ang ibang bodyguard. Hindi namin nabibigyang pansin ang mga taong bumabati sa amin habang patungo roon. They look sympathetic. They must've heard the news already.


Pagkarating sa morgue ay naabutan naming naghihintay si Direk Reyes at ang ibang opisyal ng IMC. They immediately offered their condolences to us. We only managed some small nod for them.


Nanatili ako sa aking kinatatayuan nang ilang saglit na tinitigan ni Clade ang pintuan ng morgue. Hindi niya magawang iangat ang kamay upang buksan ito. I just let him be. He needs time.


After a while, he got the strength to grab the door handle and slowly open it. Paunti unti ang kanyang mga kilos at naintindihan ko kung bakit. Labis ang panghihina niya ngunit pilit niyang tinutulak ang sarili papasok sa silid.


Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilang mapasinghap o humagulgol nang makita ang iilang bangkay sa loob. Nakahilera ito sa aming harapan at may kanya kanyang puting tela sa kanilang katawan. Natatakpan maging ang mukha nila.


Hindi lamang si dad ang kanilang dinamay, kundi maging ang mga bodyguard nito. I feel bad for these men who just protected our family. I feel bad for those of them who have families. How can we face their families after this?


Walong katao ang nasa hilera ng mga bangkay ngunit ang pinakauna ang aming nilapitan. Nasa likuran lamang ako ni Clade habang unti unti niyang inaalis ang takip sa mukha nito. The moment we saw the face, the entire room was filled with cries...


Clade has finally shed a tear. Not only a tear, but he's wailing in grief. Ngayon pa lamang niya nailabas ang sakit na nararamdaman. Ngayong sa wakas ay nasa mismong harapan na niya ang walang buhay na katawan ng kanyang pinakamamahal na ama.


Masakit pakinggan ang iyak ni Clade. Mas masakit kaysa sa naging pag-iyak namin mula kanina. Ito lamang ang namumutawi sa buong silid kahit pa lahat kami ay nagdadalamhati kasama niya. Bawat sigaw niya ay may kaakibat na poot at pagsisisi. All I could do was to continuously caress his shaking back for support. I need to give him a little space. He needs it. Lying on the table in front of us is his dear father---the man who had his back all these years.


"D-Dad..." nabasag ang kanyang boses nang ibulong niya iyon.


Napahawak siya sa gilid ng metal na higaan dahil sa panghihina. Napayuko ang kanyang ulo kung kaya't sunod sunod na tumulo ang mga luha niya sa braso ni dad. When I traced his hand, I saw it holding dad's cold hand very tightly.


"I'm sorry... I'm sorry I wasn't there..."


Mas pinaigi ko ang paghagod sa kanyang likuran dahil sa labis niyang pag-iyak. Natatakot akong mawalan siyang muli ng malay. Ni hindi ko mapagtuonan ng pansin ang sarili kong pag-iyak dahil sa pagluluksa niya.


Nang hindi niya kayanan ay bigla na lamang siyang napaluhod sa sahig. Agad ko siyang inalalayan ngunit hindi siya makatayo. Sa huli ay lumuhod na lang ako kasama niya habang yakap siya. Nanatiling nakakapit ang kanyang mga kamay sa braso ni dad habang patuloy siya sa paghagulgol.


We couldn't do anything else aside from mourning like this. This day is one of the most painful days we ever had. We will never forget this day for it is when we unjustly lost our last remaining parent. The ray of sunshine we've always had suddenly got lost into the darkness. And just like that darkness, our next days will be void of light.

Continue Reading

You'll Also Like

5.1K 138 62
Luxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in pu...
1.1M 32.8K 30
Dawn who is forced to marry a man who was suppose to marry her sister from the accumulation of their debt. Siya ang sumalo ng lahat na dapat ay respo...
5.6K 120 35
Hera Margareth Fuentes dreams to be a Cardiothoracic Surgeon, she wanted to save other people from their illness; cure them. However, she becomes a S...