Helaina

By peritwinklexx

6.5K 195 19

Hindi naging maganda ang unang pagkikita ni Helaina at Valentine. One is committed, and the other is kinda pl... More

Helaina
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30

Kabanata 5

276 9 1
By peritwinklexx

Sumasakit na ang puwet ko sa kakaupo. Hindi ako makapagreklamo kasi si Valentine ang katabi ko. Sinusulyapan niya ako sa tuwing gumagalaw ako. Nakakailang tuloy. Gusto kong matulog. Napapapikit na nga iyong mga mata ko. Hay, talagang matutulog ako pagdating namin doon.

"Gusto mong matulog?" nagulat ako sa biglaang pagsalita ni Valentine. Like, hello? Mahigit dalawang oras na kaming nasa biyahe at ngayon lang siya nagsalita.

"Uh, h-hindi. Okay lang. M-mamaya na lang siguro." nauutal kong sagot.

"It's okay. You can sleep. I-adjust mo lang 'yong upuan mo." suhestiyon niya. Naiilang akong sumulyap sa kanya. Pero nagawa ko parin. Nakatutok ang atensyon niya sa daan. Nakatukod 'yong siko niya sa pintuan ng sasakyan, habang pinaglalaruan ng kamay niya ang mapupulang labi niya.

WAIT! Did I just say, 'mapupulang labi'?! Seriously, Helaina?! I mentally slapped my face. Ugh! Naalala ko tuloy 'yong nangyari sa amin sa Hybrid. Natikman ko na nga pala 'yan. Langya! Natikman ko na 'yan! Ano ba 'tong iniisip ko?

"No, mamaya na lang ako matutulog pagdating doon." umiwas ako ng tingin sa kanya. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa labas ng bintana ng sasakyan niya.

"Are you hungry?" tanong niya ulit, gamit ang malambing na boses. Napalingon tuloy ulit ako sa kanya. "Pwede tayong mag stop-over pag may madadaanan tayong fastfood." aniya habang pinaglalaruan parin niya ang mga labi niya.

"I'm good, Valentine. Katatapos ko lang sa pagkain nung dumating kayo kanina." sagot ko. I'm distracted. Super distracred. Ba't ba kasi niya pinaglalaruan ang mga labi niya? Uhh, naaalala niya rin kaya 'yong nagyari sa amin sa Hybrid? Uminit ang pisngi ko sa aking naisip.

"Okay, then." tango niya.

Pumikit ako ng mariin. What the h-ell is wrong with you, Helaina? Dapat mo ng kalimutan 'yong nangyari sa Hybrid. Dapat mo ng ibaon 'yon sa limot! At dapat hindi mo iniisip ang mapupula niyang labi! D-amn!

Kinapa ko ang cellphone ko. Mas mabuti pang i-text ko na lang si Gael. Para hindi ko na maisip at maalala ang mga hindi dapat.

Me:

Hey, babe! Are you busy? I'm kinda bored. Nasa biyahe pa kami.

Pagkatapos kong i-send 'yon ay naghanap ako ng magandang kanta sa playlist ko. Makikinig na lang muna ako habang naghihintay ng reply ni Gael. Kinuha ko ang earphones ko at inilagay 'yon sa tainga ko. Pumangalumbaba ako habang pinakikinggan ang kantang napili ko.

Maya-maya lang naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. May nakita akong text doon. Napaayos ako ng upo nang mabasa ko 'yon.

Valentine:

Why didn't you confirmed my friend request last night?

Ba't niya pa kailangang i-text ako? Eh, pwede naman niya akong kauspin ngayon? Tinanggal ko ang earphones ko. Kakausapin ko na sana siya nang biglang umungol at magsalita si Charmaine. Nawala saglit sa isip ko na may kasama nga pala kami.

"Malapit na ba tayo?" tanong niya. Nakatingin siya sa labas ng bintana habang kinukusot ang mga mata niya.

Nagkatinginan kami ni Gael. Napataas ako ng kilay. Napatingin siya sa mga labi ko at nag iwas agad ng tingin. Problema mo, kuya? Tss!

"Medyo malayo pa." malamig na sagot ni Valentine.

Gumalaw ako sa aking upuan. Nakita kong nagpabalik balik ang tingin niya sa akin. Nag-angat ako ng kilay sa kanya. Nakuha niya siguro kung anong gusto kong iparating sa kanya.

"Fasten your seatbelt, Helaina." aniya sa malamig ding boses. Ang bipolar naman ng lalaking 'to. Naging okay naman siya kanina, tapos ganito na naman siya ngayon.

"Bakit pa? Eh, alam ko namang hindi mo ibabangga ang sasakyan mo." pabalang kong sagot. Inirapan lang ako ng loko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tumipa dito.

Me:

I'll confirm it later. Pwede ba huwag mo akong kausapin ngayon? Baka makahalata sila. At naaalibadbaran din ako sa'yo.

Narinig ko ang pag-vibrate ng cellphone na nasa kandungan niya. Pasimple niyang kinuha 'yon at saka binasa. Umiwas ako ng tingin. Napansin ko kasi ang pagtataka sa mukha ni Charmaine habang nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin. Calm your nerves, Elaine!

Nag-vibrate ulit ang cellphone ko. Si Valentine na naman po ulit ang nagreply.

Valentine:

You can confirm it now. May pocket wifi akong dala. Stop your alibis and CONFIRM IT NOW.

Wow, ha! The nerve of this man, nakakakulo ng dugo! Hindi na ako nag reply sa text niya. Sinunod ko na lang 'yong utos niya. Hindi niya na ulit ako tinext matapos kong i-confirm ang friend request niya.

"Gusto mong matulog, Laine?" tanong ni Charm. Lumingon ako sa kanya. Nakita kong nakaunan ang ulo niya sa balikat ni Nes. "Pwede kang lumipat dito kung gusto mo." ngisi niya. Alam ko kung anong gusto niyang mangyari. Kaya pumayag na lang din ako kasi hindi ako kumportable dito.

Tumingin ako kay Valentine. "Pwede bang itabi mo muna ang sasakyan? Magpapalit lang kami ni Charmaine."

Hindi niya ako sinagot. Bumagal ang takbo ng kotse niya tapos itinabi niya ito sa isang puno ng Acacia. Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas ng sasakyan. Ganun din ang ginawa ni Charmaine. Umikot ako sa sasakyan niya. Sa harap ako dumaan at nakita kong sinusundan niya ako ng tingin.

Inilagay ko ulit ang earphones ko sa aking mga tainga pagkapasok ko ulit ng sasakyan. Inilabas ko ang shawl ko at ibinalabal 'yon sa aking ulo para matakpan ang mukha ko. Kinuha ko din ang aviators ko at sinuot ito. Iidlip na muna ako. Tutal malayo layo pa naman ang biyahe. Pero bago ko ipinikit ang mga mata ko, tumipa ako sa cellphone ko.

Me: (to Valentine)

Let's talk later.

-----

Nagising ako dahil sa yugyog ni Nes sa balikat ko.

"Laine, we're here!" nakangiting sambit niya. Tumango lang ako sa kanya. Iginala ko agad ang paningin ko sa labas. Nandun na sina Cyril at Charmaine sa labas. Pati na rin si Valentine. May itinuturo si Charmaine na kung ano man 'yon ay wala akong pakialam.

Sumunod na rin ako kay Nes papunta sa kanila. Iniwan ko 'yong bag ko sa loob ng sasakyan ni Valentine.

Inilibot ko ang tingin sa buong lugar. Ang daming tao ngayon dito. May mga batang nagtatakbuhan sa mapuputi at pinong buhangin, mga babaeng naka-bikini, may iba ring gumagawa ng sand castle, may nagpapalipad ng saranggola, may grupo ng kababaihan na kuha ng kuha ng litrato sa isang maliit na cottage at may mga naglalakihang puno kung saan ang mga couples ay nakasilong habang ine-enjoy ang hangin dito sa beach. At ang lalaki ng mga alon!

Then I silently wished that Gael's here with me right now to appreciate this beautiful scenery.

Tumakbo ang tatlong itlog papunta sa tubig. Nakatayo lang ako dito sa likuran ni Valentine, na ngayon ay nakapamulsang sinusuyod ng tingin ang lugar.

Tumikhim ako kaya napalingon siya sa akin.

"San ba pwedeng matulog dito?" tanong ko. Hindi ko parin inaalis ang shawl ko, hindi ko rin tinanggal ang aviators ko.

Kumunot ang noo niya. "Aren't you going to take a dip?" tanong niya.

"I'm sleepy, Valentine. Matutulog muna ako." sagot ko.

Tumango lang siya. "Okay, antayin mo 'ko dito. Sasabihan ko lang si Nes na ihahatid kita sa bahay."

Hindi na ako sumagot. Naglakad siya papunta kina Nes na ngayon ay nagtatawanan at naglalaro sa tubig. Sumilong muna ako dito sa ilalim ng puno. Tirik na ririk kasi ang araw at ayoko pang matusta.

Lumingon ang tatlong itlog sa gawi ko. Sinabi na siguro ni Valentine na gusto ko munang matulog. Nakita kong tumango si Nes at kumaway sa akin. Tamad rin akong kumaway sa kanya. Tapos naglakad na pabalik sa akin si Valentine. Ipinagpatuloy naman ng tatlong itlog ang ginagawa nila kanina.

"Tara?" inilahad niya sa akin ang kamay niya.

Tumayo ako ng maayos ngunit hindi ko 'yon tinanggap. Tinalikuran ko siya at nauna akong naglakad pabalik sa sasakyan niya. Sumunod naman siya sa akin. Bubuksan ko na sana ang pinto sa likod ng sasakyan niya pero pinigilan niya ako.

"Huwag mo naman akong gawing driver." tawa niya. Umirap ako sa kanya kahit na hindi niya nakikita ang mga mata ko.

Binuksan niya ang pinto ng frontseat ng sasakyan niya. Pumasok ako ng walang reklamo. Nakita ko sa gilid ng aking mata na napailing siya sa ginawa ko. Naku, Valentine. Sinasabi ko sa'yo, huwag mo muna akong bwisitin ngayong inaantok ako.

"Ihahatid kita sa bahay. Magpapahanda ako ng merienda. Tapos babalikan ko sila dito." aniya pagpasok ng sasakyan.

Napahikab ako. "Okay."

Nasa daan na kami ng maisipan kong kunin 'yong bag ko sa likod. Gumalaw ako para abutin 'yon nang biglang inihinto ni Valentine ang sasakyan niya. Muntik pa akong sumubsob sa upuan dito sa likod.

"What the he-ll, Valentine!" sigaw ko sa kanya. Matalim ko siyang tiningnan.

"S-sorry, sorry. Hindi ko sinasadya. M-may bigla kasing dumaan na kambing." nauutal niyang sabi.

Tumingin ako sa kalsada. May isa ngang kulay itim na kambing ang dumaan. Kinakain na niya ngayon ang mga damo na nasa gilid ng kalsada. "Oh, I hope it's not a bad luck." nanunuya kong parinig sa kanya.

"Hindi naman yan pusa, ah." pangangatwiran niya.

Inirapan ko na lang siya. Tsk. Basta para sa akin, kahit anong kulay itim na hayop ang tumawid sa harapan mo ay malas. Pero hindi ko maalala kung may tumawid bang kulay itim na hayop sa harapan ko nung minanyak ako ni Valentine.

Pinaandar na niya ulit ang sasakyan. Sinusulyapan niya ako EVERY. TEN. SECONDS. And he's getting under my skin!

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Do you need anything?" naiirita kong tanong.

"I thought we're going to talk." kaswal niyang sabi.

Napatuwid ako ng upo. Calm yourself first, Helaina. Breathe in, breathe out. Huwag mong ipahalata sa Valentine na 'to na kinakabahan at medyo natatakot ka kaya mo tinatanggap ang pakikipagkaibigan niya.

"Okay ka lang?" may bahid ng pagtataka ang boses niya.

"About dun sa inaalok mo, napag-isipan ko na. Tinatanggap ko na ang pakikipagkaibigan mo." diretsahan kong sambit. Magsasalita na sana siya pero pinutol ko. "Pero may isang kondisyon." itinaas ko pa ang isang daliri ko.

Kumunot ang noo niya. "Ano naman 'yon?"

Inalis ko ang aviators ko at tiningnan siya ng mabuti. Pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa kalsada.

"Kalimutan mo na 'yong nangyari sa atin sa Hybrid." mariin kong sabi.

Umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko. Nangingiti pa siyang sumulyap sulyap sa akin.

"Anong nginingiti ngiti mo diyan?" sita ko sa kanya.

"Naiisip mo parin pala 'yon?" natatawang tanong niya.

Hinampas ko siya sa braso. "Walang hiya ka! Seryoso ako! If you want us to be cool, then forget it! Do you understand?"

"Aye, aye babe!" halakhak niya. Sumaludo pa siya sa akin.

"Cut the crap, Valentine! Hindi ako baboy!" singhal ko sa kanya.

Napanguso na lang siya, nagpipigil ng ngiti. Bumuntong hininga naman ako. Ugh! Bakit nitong mga nakaraang araw, feel ko napaka-stressed ko? Siguro dahil ito sa NFF kong si Valentine. Tsk.

"Ang lakas ng loob mong hingiin ang number ko sa boyfriend ko, ah." umigting ang panga niya sa sinabi ko. Hindi niya ako sinagot. Tingnan mo 'tong taong 'to. Kani-kanina lang iniinis ako. Ngayon naman, nagsusuplado na.

Hindi nagtagal nakarating na rin kami sa bahay nila. Napahanga ako sa laki at kasimplehan nito. Gawa sa kahoy ang dalawang palapag na bahay nila. May mga makukulay na beach lantern ang nakasabit sa labas ng mga bintana na sumasayaw dahil sa malakas na ihip ng hangin. May mga nagtataasang niyog din na nakapalibot sa bahay.

Naunang lumabas si Valentine. Dire-diretso ang pagpasok niya sa loob ng bahay. Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Iniwanan pa ako dito. Lumabas na din ako bitbit ang bag ko. Inayos ko ang shawl ko at naglakad na patungo sa bahay nina Valentine.

May mga sunflower pa pala na nakatanim sa naglalakihang flower pot dito sa labas. Halatang inaalagaan ng husto ang mga halaman.

Hindi na ako nag alinlangan pang pumasok sa lungga ni Valentine. Nakabukas naman ang pinto kaya pumasok na lang ako. Iginala ko ang paningin ko pagkapasok ko sa loob. Nasaan na ba 'yong Valentine na 'yon? Wala bang ibang tao dito?

Pinasadahan ko ng tingin ang loob ng bahay. May mga paintings at picture frames na nakasabit sa dingding. May mga halaman din sa bawat sulok nito. May isang malaking wind chimes na gawa sa shell ang nakasabit sa gilid ng kulay na puting sofa. May mga throw pillows din na nakalatag ng maayos sa baba ng mesa.

Narinig ko ang mga yapak ni Valentine pababa ng hagdan. Tiningnan ko siya. Nagpalit na siya ng damit. Kung kanina ay naka kulay green na t-shirt at naka maong pants siya, ngayon ay naka puting sando na siya at board shorts. Nakapameywang akong naghihintay sa kung ano man ang sabihin niya.

"May apat na kwarto dito. Isa dito sa baba, tatlo sa taas. May dalawa ring banyo. Isa sa taas at isa dito sa baba." sabi niya. "Doon kayong tatlo sa taas. Pwede kang pumili kung gusto mo."

Tumango lang ako sa sinabi niya. "Wala ka bang kasama dito? Nasaan ang mommy mo?" tanong ko.

"Nasa abroad si mama, nagtatrabaho." iniwas niya ang tingin niya sa akin. "Hindi naman talaga ako dito nakatira. Binibisita ko lang 'tong rest house namin."

"Uh, okay. I guess, aakyat na muna ako --" napatigil ako bigla dahil sa klase ng tingin niya. "What? Ba't ganyan ka makatingin?"

"Ganyan ka ba talaga manamit?" kunot noong tanong niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang damit ko. "Huh? Bakit? Anong masama sa suot ko?"

Humalukipkip siya at sumandal sa may hagdan. "Your clothes are too revealing." aniya.

"Anong gusto mong isuot ko? Jacket and pajamas? Nasa beach po tayo, in case you forgot." tinanggal ko ang aviators ko at nagsimulang maglakad paakyat ng hagdan. Inirapan ko siya ng tumapat na ako sa kanya.

Nasa taas na ako nang magsalita ulit siya.

"Hey, babe! I can see your butt from here!" natatawang sigaw niya.

"Shut up, you perv!" sigaw ko pabalik. Napaka manyak talaga!

I don't care kung makita man niya ang pwet ko, o ang hubo't hubad kong katawan. Tutal wala naman akong itinatagong peklat o galis.

Maya-maya lang narinig ko ang tunog ng makina ng sasakyan niya.

Tiningnan ko ang bawat kwarto. Naghanap ako ng magandang view para kuhanan ng picture. Napili ko 'yong nasa gitna. Kulay puti ang pintura ng kwartong napili ko. May isang ceiling fan na nakalagay sa itaas ng kama. May dalawang bintana na may kulay pink na kurtina na may disenyong paru-paru.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Hindi parin nagrereply sa text ko si Gael. It's odd. Ano kayang ginagawa nun?

Dumungaw ako sa bintana. Namangha ako sa tanawin galing dito. Kitang kita ko kasi ang dagat. Naeengganyo tuloy akong maligo. Itinapat ko ang cellphone ko sa tanawing nakikita ko ngayon at kinuhanan ito ng picture. I-u-upload ko 'to sa Instagram.

Malapit naman pala sa dagat itong bahay nila. Bakit doon niya pa iniwan sina Nes sa malayo?

Tiningnan ko kung may available bang wifi dito sa bahay nila. Laking pasalamat ko at meron. Wala pang password. In-access ko ang phone ko at in-upload 'yong picture.

Caption:

Finally, here at Dahican! The water's inviting. Wanna take a dip with me? :)

#atm #unplanned #getaway

Napagpasyahan kong maligo sa dagat saglit. Hinubad ko ang crop top ko. Nagpahid ako ng sunblock sa aking katawan. Binalikan ko ng tingin ang cellphone ko. May nakita akong mga nag-like. Nakita ko rin ang iilang comments ng mga kaibigan ko.

@dshane: Why didn't you invite me?

@bubblybub: Wow!

@supertamar: Who's with you bae?

Napangiti na lang ako. Pero agad naman kumunot ang noo ko dahil sa comment ni Valentine. Nakaka-highblood talaga ang isang 'to!

@yourvalentine: Can I, babe? ;)

Ugh, Valentine! Walang hiya ka! Gumagawa ka ng issue! For sure magtataka 'yon si Shane. Hindi pa naman niya kilala si Valentine. Makakatikim talaga sa akin mamaya ang unggoy na 'yon!

Continue Reading

You'll Also Like

866K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...