Helaina

By peritwinklexx

6.5K 195 19

Hindi naging maganda ang unang pagkikita ni Helaina at Valentine. One is committed, and the other is kinda pl... More

Helaina
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30

Kabanata 4

226 8 0
By peritwinklexx

Late na akong nagising kinabukasan. Hindi rin naman kasi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip. Sana naman makausap ko ng maayos si Valentine if ever na sumama siya sa amin mamaya. Ayoko na kasing kabahan sa tuwing nakakasalubong namin siya ni Gael.

Kinuha ko ang cellphone ko. Tiningnan ko kung nagtext ba si Gael. Nakita kong nagtext nga siya. May iilan pang text na galing sa mga kaklase ko. I felt relieved dahil hindi na nagtext si Valentine.

Boyfriend:

Good morning babe! Gonna be with my team later. Maglalaro kami ng basketball sa school. I love you :*

Tumipa ako para magreply.

Me:

Just woke up. Gonna hang out with my friends after lunch. Take care, okay? I love you more.

Napaka active talaga ni Gael sa basketball. Araw-araw siyang naglalaan ng oras para makapaglaro neto. Minsan sumasama ako sa kanya kapag may practice game sila sa school. Siyempre, to show support. Buti na lang at basketball lang ang pinagkakaabalahan niya, hindi ang mambabae. May isang teammate siya, si Josh, na ubod ng babaero. Naaawa nga ako sa mga babaeng nagpapaloko sa hunghang na 'yon. Eh, kasi ba naman, harap harapang nambababae.

Tumunog ang cellphone ko. Nakita kong nagreply si Gael sa text ko.

Boyfriend:

Sina Shane ba ang friends na tinutukoy mo?

Napangiti ako sa reply niya. Siguro magtataka 'yon pag sinabi kong oo. Knowing Shane, hindi 'yon lalabas ng bahay tuwing walang pasok kung tirik na tirik ang araw.

Me:

Nope, babe. I'm gonna be with Charmaine, Nes and Cyril.

Yakap yakap ko ang kulay puti at malambot kong unan. Ang sarap pang matulog. Tumunog ulit ang cell phone ko. Tumatawag si Gael.

"Hello.." bati ko sa kanya.

Narinig kong ang tawa niya sa kabilang linya.

"Still sleepy, huh?" aniya sa natatawang boses.

"Yeah, super. Parang ayaw ko ngang sumama sa lakad nila Charmaine, eh." sabi ko.

"Tamad mo talaga. Gusto mo ba ng massage?" napangiti ako sa tanong niya. And I bet he's grinning right now.

"Tss, ibang massage naman ang ginagawa mo saken." panunuya ko sa kanya.

"Eh, gusto mo rin naman ang 'massage' na 'yon." aniya. Narinig kong nagtatawanan ang mga kasamahan niya. Hindi rin nakaligtas sa akin ang mga boses ng babae na nag hahagikhikan.

"Ewan ko sayo, babe." natatawa kong sagot. "Ba't may mga babae diyan?"

"Hindi ka pa nasanay, babe? Alam mo namang gwapo 'tong boyfriend mo." tawa niya.

"Hindi na ako magrereact tungkol diyan babe."

"Di nga, nandito girlfriends nila Josh at Leo. May mga kasamang kaibigan." aniya.

"Gael, pakiabot naman ng bag ko." aning babae sa malambing na boses.

Narinig kong gumalaw si Gael sa kabilang linya. Siguro inabot niya dun sa babae ang bag nito.

"Uhm, sige babe. Ibababa ko na muna 'to. Maglalaro ulit kami." hindi ko alam pero parang may kung ano sa boses niya. Kinakabahan ba siya? "Text mo ko kung saan kayo mamaya. Baka makahabol ako."

"Okay babe. Ingat ka."

"I love you, babe." bumalik sa pagiging malambing 'yong boses niya.

"I love you more."

Ipinagkibit balikat ko na lang 'yong mga napansin ko habang magkausap kami.

Bumaba ako para kumain ng almusal. Nadatnan kong nanonood ng Ben 10 ang kambal. Dumiretso agad ako sa kusina. Medyo kumakalam na kasi ang sikmura ko. Naabutan kong nakatalikod si manang saken habang nagmo-mop ng sahig.

"Manang, may pagkain pa po ba?" tanong ko. Medyo napatalon si manang sa biglaang pagsasalita ko.

"Diyahe kang bata ka! Ginulat mo 'ko!" aniya. Napahawak pa siya sa dibdib niya.

Natawa ako sa reaksyon niya. "Sorry po, manang." nag-peace sign pa ako sa kanya.

Napabuga na lang siya ng hangin. "Naku, ikaw talaga." isinantabi niya iyong mop at binuksan ang fridge. "Umupo ka na lang muna diyan. Iinitin ko lang 'tong ulam mo."

Sinunod ko naman iyong sinabi ni manang. Hinila ko ang isang silya para umupo. Pinapanood ko naman siya habang iniinit niya yung ulam ko sa microwave.

"Si Mommy po pala, manang? Umalis na ba siya?" Lumingon si manang saken saglit.

"Oo, kanina pa. Kilala mo naman 'iyang Mommy mo. Pinagtutuunan talaga ng pansin yung negosyo niya." sagot ni manang habang sumasandok ng kanin.

Sa pagkakaalam ko, bagong kasal pa lang sina Mommy at tito Samuel nung mag-umpisang magtrabaho si Manang Luz dito. Maayos naman daw ang trato sa kanya nila Mommy. Hindi rin naman daw mabigat ang trabaho niya dahil tumutulong naman daw si Mommy sa kanya. Nagulat nga siya nung malaman niyang may anak sa pagka-dalaga si Mommy. Hindi daw kasi niya ito naikwento sa kanya.

Naiintindihan ko rin naman si manang kung bakit ganun ang reaksyon niya. Hindi naman kasi ako pumupunta sa bahay nila Mommy noon, eh. Wala rin naman kasi akong mapapala sa Mommy ko. Napilitan lang talaga akong tumira dito sa kanila simula nung mamatay si lolo, yung daddy ni Mommy. Nakalagay kasi sa last will niya na kailangan ko pang makatapos ng pag-aaral bago ko makuha iyong mga ipinamana niya saken.

Nag-iisang anak niya si Mommy. Hindi naman daw interesado si Mommy sa mga ari-arian ni lolo kaya saken niya na lang iyon ipinamana. Isang bahay at lupa, dalawang sasakyan at malaking halaga ng pera ang iniwan ni lolo sa pangalan ko. Kaya nung pagkatapos mailibing ni lolo ay inihatid ako ni Atty. Custodio dito.

Naamoy ko agad ang bango ng Afritada nang buksan ni manang ang microwave. Inilapag niya agad iyon sa harap ko kasama iyong kanin. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Inaya ko siyang saluhan ako sa pagkain pero tumanggi siya. Tapos na daw kasi siyang mag-almusal.

Napadami ang kain ko. Busog na busog tuloy ako. Hinugasan ko iyong mga pinagkainan ko. Hindi ko na inabala si manang. Pagkatapos kong hugasan ang mga 'yon ay pumunta ako ng sala. Nandoon parin ang kambal, nanonood ng cartoons.

Umupo ako sa tabi ni Sean. Seryoso talaga sila sa pinapanood nila. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng mga 'to.

Narinig kong may bumubusina sa labas ng bahay namin. Binuksan ni manang iyong gate. Si Mommy kaya 'yon? Ba't sobrang aga niya namang umuwi?

"Nasa sala siya, nanonood ng tv." narinig kong sabi ni manang.

Nakarinig ako ng mga yapak papunta dito. Napatalon pa ako sa gulat dahil nakita kong sina Charmaine, Nes at Cyril pala iyon, kasama si Valentine.

"Oh, my gosh, Laine! Di ka pa naliligo?" maarteng tanong ni Charmaine. Umupo siya sa tabi ko. Sumunod naman si Cyril at Nes sa kanya, habang si Valentine naman ay nakatayo lang sa gilid ng sofa at nilalaro ang susi. That must be his car keys.

Umirap ako sa kanya. "Akala ko ba after lunch pa ang alis natin? Eh, pasado alas diyes pa naman ah?"

"Obviously, hindi mo nabasa ang text namin." sabat ni Nes.

Nag angat ako ng kilay kay Nes. "Nasa taas ang phone ko. Napaaga yata kayo?"

"In-invite kasi tayo ni Valentine na mag Dahican." bakas sa boses niya ang excitement. "Diba gustong gusto mong pumunta dun?"

Matagal ko ng gustong pumunta ng Dahican. Hindi kasi ako nakasama sa outing nila Shane nun. Inggit na inggit ako nung makita ko ang mga pictures nila sa Facebook at Instagram. At ang mga loka-loka, ti-nag ba naman ako eh wala ako sa picture! Halatang iniinggit lang ako. Niyaya ko nga si Gael dun, pero hindi pa niya maisingit sa activities niya. Sabi niya pupunta daw kami dun pag may espesyal na okasyon para daw memorable.

"Oo, pero hindi pa naman summer, ah?" kunot noo kong tanong.

"Huwag ka na ngang umepal. Dali na! Mag-ayos ka na para makaalis na tayo." tulak saken ni Charmaine.

"Ate please, we're watching tv here." iritadong singit ni Simon. Nilingon ko siya.

Napatakip ng bibig si Charmaine. Siniko naman siya ni Nes. "Ikaw kasi, ang ingay ingay mo."

"Tara, doon tayo sa veranda." yaya ko sa kanila.

Isa-isa naman silang sumunod saken. Umupo si Cyril at Valentine sa swing na yari sa kahoy. Si Nes at Charmaine naman ay doon pumwesto sa may coffee table. Tumingin ako sa gawi ni Valentine. Nahuli ko siyang nakatitig saken habang kagat-kagat ang lower lip niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Aba't ang loko, hindi man lang natinag. Siguro minamanyak na naman niya ako.

"Akyat muna ako para mag ayos. If you need anything, puntahan niyo lang si manang sa kusina." sabi ko.

"Okay, bilisan mo. Don't forget to bring your bikini!" paalala ni Charmaine. Of course, I won't forget that.

Mabilis akong umakyat papuntang kwarto ko. Hinablot ko kaagad 'yong mga gamit na dadalhin ko sa Dahican. Siyempre hindi pwedeng mawala iyong sunblock, Ipod at shawl ko. Inilagay ko din sa bag 'yong extra underwears pati damit. Napagpasyahan kong doon na lang maligo. Naghilamos na lang ako at nag-toothbrush. Pinalitan ko iyong damit ko.

Uminit ang pisngi ko dahil wala pala akong bra! Bakat na bakat ang dibdib ko! Kaya siguro ganun na lang kung makatingin si Valentine! Shit! Nakakahiya!

Isinuot ko 'yong bikini kong kulay baby pink at pinatungan iyon ng isang kulay itim na crop top. Nag highwaist shorts na din ako, tutal beach naman iyong pupuntahan namin kaya pwedeng pwede na 'to.

Pinasadahan ko ng tingin ang ayos ko sa full body-length mirror na nandito sa loob ng kwarto ko. Nang makuntento na ako ay lumabas agad ako ng kwarto. Sinikop ko ang buhok ko para itali. Ginagawa ko iyon habang bumababa ako ng hagdan.

Narinig ko ang tawa ng mga kaibigan ko. Napailing na lang ako at dumiretso sa kusina para kausapin si manang.

"Manang, aalis po muna kami." isinukbit ko ang bag ko. "Magbe-beach po kami."

"Nagpaalam ka ba sa mommy mo?" tanong niya.

"No need naman po manang, eh." pambabalewala ko sa tanong niya. "Sige po, aalis na kami."

Narinig kong napabuntong hininga siya pagkatalikod ko. Ano namang pake ni mommy sa mga lakad ko? For sure kapag nagpaalam ako ay hindi niya ako papayagan. Tatalakan lamang ako nun.

Malalamig na tingin ni Valentine ang sumalubong sa akin pagbalik ko sa veranda. Ano kayang problema nito sa akin? Kanina pa niya ako tinitingnan ng ganyan, ah. Buti at hindi pa sila nakakahalata sa mga ikinikilos ng manyak na 'to. Kung makatitig, wagas eh. Parang wala ng bukas. Napalakpak pa si Charmaine ng makita akong ready na.

"Get ready for us, Dahican!" masiglang sabi pa niya.

Sabay kaming naglakad ni Cyril papunta kung saan nakaparada ang sasakyan ni Valentine. Sinadya ko talaga 'yon para makapag-usap kami ng walang istorbo.

"Cyril, sorry." sabi ko sabay hawak sa braso niya. Sinulyapan niya ako.

"It's okay, Laine. I should be the one to apologize." binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti. "I won't meddle in your relationship with him anymore. As long as your happy."

Napangiti ako sa sinabi niya. Buti pa siya, buti pa ang mga kaibigan ko. Gumagawa sila ng bagay na alam nilang makakapagpasaya sa akin. Pero si mommy? No comment. Para ngang hindi anak ang turing nun sa akin, eh. Buti pa 'yong kambal, naranasan nila kung paano sila alagaan ni mommy.

"Laine, sa harap ka daw umupo." pukaw ni Nes sa akin.

Kumunot ang noo ko. Sinulyapan ko pa si Valentine bago ko binalingan si Nes. "Bakit? Ayoko. Si Charm na lang dun." sinulyapan ko ulit si Valentine. Inirapan niya ako nang magtama ang mga tingin namin. Naku, may pairap irap ka pang nalalaman diyan! Tusukin ko kaya 'yang mga mata mo ngayon. Tsk! Ayoko ngang umupo dun sa harap. Ilang oras ba ang biyahe papuntang Dahican? Parang apat na oras yata? So apat na oras kong titiisin 'yong Valentine na 'yon? No way!

"Dun ka na sa harap, Laine." Lumapit si Charmaine sa akin. "Inaantok pa kasi ako. Mamaya makatulog pa ako, baka makita ni Valentine na tumulo ang laway ko. Ma-turn off pa 'yon sa akin." bulong niya.

"Si Cyril o di kaya si Nes na lang dun. Inaantok din ako, noh. Gusto ko pang matulog." palusot ko.

"Wala ka ng magagawa. Naka-pwesto na sila doon sa likod." at tama nga siya sa sinabi niya. Nakaupo na sina Nes at Cyril dun sa likod. Napairap na lang ako sa kawalan.

Sumakay na si Charmaine sa sasakyan ni Valentine. Nakita kong nagtatawanan na silang tatlo doon sa loob. Napakamot na lang ako sa ulo sa sobrang inis! Tsk!

Lumapit si Valentine sa akin. Hindi pa rin nagbabago 'yong ekspresyon ng mukha niya. Napasinghap ako ng bigla niyang hilahin ang bag ko. Hindi na ako pumalag. Hinayaan ko na lang siya.

"Huwag ka ng mag-inarte diyan. Pumasok ka na sa loob." pasuplado niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi naman ako nag-iinarte. Ayaw ko lang talaga siyang makatabi. Mukhang wala nga siya sa mood ngayon, ah. Maasar nga.

"Suplado mo ngayon, ah. Meron ka?" Nanunuyang halakhak ko. Marahas siyang tumingin sa akin at inirapan ulit ko bago siya tumalikod at naglakad papuntang sasakyan niya. Binuksan niya ang front seat at initsa ang bag ko. Hindi man lang niya ako hinintay na makapasok. Hinayaan niya lang na bukas 'yong pintuan ng front seat tapos naglakad na siya ng mabilis papuntang driver seat.

"It's okay, Helaina. Hindi ka naman siguro niya iinisin ngayon." bulong ko sa aking sarili bago naglakad at pumasok sa loob ng sasakyan ni Valentine.

Nasa labas lang ng sasakyan ang tingin ko habang nasa daan kami. Hindi talaga ako lumilingon sa gawi ni Valentine. Buti na lang at hindi siya umiimik. At ang tatlong itlog naman sa likod ay natutulog. Humihikab ako kasi inaantok pa ako. Hindi naman ako makatulog kasi hindi ako kumportable dito.

Naisipan kong tawagan si Gael. Hindi ko pa kasi nasabi sa kanya na papunta kami ng Dahican ngayon. Kinuha ko ang cell phone ko at tinawagan siya.

"Hello, babe.." hingal na bati ni Gael pagkatapos ng tatlong ring.

"Hi, babe. Pasensya sa istorbo." sabi ko.

"No, it's okay. Nasa mall na ba kayo ngayon?" tanong niya.

"Uhh.." sumulyap ako kay Valentine. Napaubo kasi siya nang magsalita ako. "Wala. Papunta kaming Dahican ngayon."

"Huh? Sinong kasama mo?"

Tumikhim ako. "Sina Nes, Charmaine at Cyril." sinukyapan ko iyong tatlo sa likod. "Tsaka iyong pinsan niya."

"Si Valentine?" tanong niya.

"Uhm, oo siya. Magkakilala ba kayo?" pabalik kong tanong.

"Oo, babe. Ipinakilala siya sa amin ni Andrew. Magkaibigan sila." sagot niya.

Panay ang sulyap ni Valentine sa akin ngayon. Alam niya sigurong siya ang pinag-uusapan namin ni Gael. Sinabi pa ni Gael kung paano daw hiningi ni Valentine ang number ko. Inutusan daw siya ni Nes. Ang walang hiya, ginamit pa ang pinsan niya! Kokomprontahin ko talaga ang bwiset na 'to mamaya.

"Anyways, anong ginagawa mo ngayon?" pag-iiba ko ng topic. "Tapos na ba kayong maglaro?"

Humugot siya ng malalim na hininga bago sumagot. "Kakatapos lang namin babe. Nandito na kami ngayon sa shower room."

I find it odd. Masyado kasing tahimik sa kabilang linya. I know his teammates. Maiingay ang mga 'yon. Tawa ng tawa at palaging topic ang mga chicks.

"Okay, babe. I'll hang up na. Text text na lang tayo." sabi ko.

"I love you, babe."

"I love you more." Nagkatinginan kami ni Valentine pagkatapos kong sabihin 'yon.

"Tss.." napailing siya habang ibinabalik ang atensyon niya sa pagmamaneho.

May dalaw nga yata 'tong lalaking 'to. Baka naman nag away sila ng girlfriend niya? Siguro nga ganun. Ay teka, ba't ba ako namomroblema sa pagsusuplado ng walang hiyang 'to? Mabuti na nga ang ganito, hindi niya ako iniinis.

Sige, Valentine.. Ipagpatuloy mo lang yan para hindi mo masira ang araw ko.

Continue Reading

You'll Also Like

865K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...